288. Ang Sabbath sa Gerasa.

Setyembre 28, 1945.

Ang mga oras ng araw ay mahaba kapag hindi malaman ng isa ang kanyang gagawin. At ang mga nakakasama ni Jesus ay hindi malaman kung ano ang gagawin sa araw ng Sabbath na iyon, sa loob ng bayan kung saan sila ay walang mga kakilala, sa loob ng bahay kung saan hindi sila mapakali dahil sa ibang mga wika at mga kaugalian, na hindi na tinitingnan ang mga prehuwisyo ng Hudyo na nagpapatikal sa kanila sa mga magkakamelyo at mga katulong ni Alexander Misace. Marami, kung gayon, ang nananatili sa kanilang higaan o natutulog sa ilalim ng araw na nagagawa ang malaking bakuran ng bahay na maging komportableng mainit. Ito ay isang bakuran na angkop na tumanggap ng mga karabana, dahil mayroon ito ng mga palanggana at mga bakal na singsing na nakakabit sa mga pader o mga poste ng isang pangkabukiran na beranda, na nasa tabi ng apat na pader, na maraming establero at mga itaas-ng-kisame para sa mga dayami sa tatlong tabi. Ang mga babae ay nasa kanilang mga habihan. Wala akong nakikita kahit isa sa kanila.

Si Marjiam ay inaaliw din ang kanyang sarili sa loob ng saradong bakuran, pinagmamasdan ang ginagawa ng mga tagapag-alaga ng establero, nag-aalmuwasa ng mga mola, nagpapalit ng mga kamilya, tinitingnan ang mga paa, naghihigpit ng mga sapatos-kabayo, o, kung ano ang gustung-gusto niya dahil ito ay ganap na bago, siya ay natutulalang pinagmamasdan kung papaano ang mga magkakamelyo inaasikaso ang mga kamelyo, inihahanda ang mga karga para sa bawat hayop, proporsiyonado sa bawat isa sa kanila, binabalanse ito, at kung papaano nila pinaluluhod ang kamelyo at pinatatayo upang makapagkarga at diskarga, ginagantimpalaan ang bawat isa sa pamamagitan ng sandakot ng tuyong legumbre, na sa palagay ko ay malalaking buto ng sitaw, at sa katapusan binibigyan nila ang mga ito ng mga carob, na kinakain din nila nang ganado.

Si Marjiam ay manghang-mangha at siya ay tumitingin sa paligid upang makakita ng mapagsasabihan ng kanyang pagkamangha. Ngunit siya ay nalulungkot sapagkat ang mga adulto ay hindi interesado sa mga kamelyo. Sila ay kung hindi naguusap-usap, sila ay natutulog. Siya ay pumunta kay Pedro na natutulog nang mahimbing na ang ulo nakapatong sa malambot na dayami, at kanyang inuga ang kanyang kamay. Si Pedro ay bahagyang ibinuka ang mga mata at nagtanong: «Ano ‘yun? Sino ang may kailangan sa akin?»

«Ako. Halika at tingnan ang mga kamelyo.»

«Patulugin mo ako. Marami na akong nakitang katulad nila… Pangit na mga hayop.»

Ang bata kung gayon ay pumunta kay Mateo, na sinusuri ang kanyang mga listahan, dahil siya ang tesorero sa paglalakbay na ito: «Alam mo, pumunta ako upang tingnan ang mga kamelyo. Kumakain sila katulad ng mga tupa, alam mo ba iyon? At sila ay lumuluhod katulad ng mga tao at nagmumukha silang mga bangka tumataas bumababa. Nakita mo na ba sila?»

Si Mateo, na nawala sa kanyang pagbibilang dahil sa kagambalaan, ay tumugon nang matalas: «Oo» at nagpatuloy sa pagbibilang ng kanyang pera.

Isa pang kabiguan… Si Marjiam ay tumingin sa paligid… Naroroon si Simon Zealot nakikipagusap kay Judas Tadeo… «Gaano kaganda ang mga kamelyo! At gaano kabuti! Kinargahan at diniskargahan nila sila at sila ay humihiga sa lupa upang ang magkakamelyo ay hindi mahirapan sa pagtatrabaho. At kumakain sila ng carob. Ang mga lalaki ay kinakain din ito. Ibig kong… Ngunit hindi ko magawang maintindihan ako. Sumama ka sa akin…» at kinukuha niya si Simon sa kamay.

Si Simon na nakalubog sa mapayapang pakikipagusap kay Tadeo, ay tumugon nang wala sa sarili: «Oo, mahal… Lakad… at mag-ingat na hindi mo masaktan ang iyong sarili.»

Si Marjiam ay nagtataka… Si Simon ay hindi nakatugon nang sa punto. Ang bata ay halos umiiyak na. Siya ay umalis na nalulungkot at sumandal sa isang poste…

Si Jesus ay lumabas mula sa isang silid at nakita na ang bata ay nagmumukmok at nag-iisa. Siya ay pumunta sa bata at ipinatong ang Kanyang kamay sa kanyang ulo. «Ano ang iyong ginagawa nang nag-iisa at napakalungkot?»

«Walang gustong makinig sa akin…»

«Ano ang kailangan mo sa kanila?»

«Wala… Nagsasalita ako tungkol sa mga kamelyo… Maganda sila… Gusto ko sila. Maaaring katulad ito ng nakasakay sa bangka sa itaas doon… At kumain sila ng mga carob; ang mga lalaki ay kinakain din ito…»

«At ibig mong umakyat doon at kumain ng carob. Halika, pumunta tayo sa mga kamelyo» at si Jesus ay kinuha siya sa kamay at pumunta sa dulo ng bakuran kasama ang bata, na naging masaya na ulit.

Pumunta Siyang tuluyan sa isang magkakamelyo at binati siya na may ngiti. Ang lalaki ay yumuko sa Kanya at nagpatuloy sa pagtingin sa kanyang hayop, inaayos ang kabisada nito at mga renda.

«Mamâ, naiintindihan mo ba Ako?»

«Oo, Panginoon. Kilala ko ang Inyong sambayanan nang dalawampung taon.»

«Ang batang ito ay may malaking mithiin: ang makaakyat sa isang kamelyo… At isa pang maliit na mithiin: ang makakain ng carob» at si Jesus ay ngumingiti muli nang mas masaya.

«Inyong anak?»

«Hindi, Ako ay walang mga anak. Wala Akong asawa.»

«Kayo, napakagandang lalaki, napakalakas, hindi Kayo nakatagpo ng isang babae?»

«Hindi Ako naghanap ng isa.»

«Hindi Ninyo kailanman naramdaman ang mithiin ng isang babae?»

«Hindi. Kailanman.»

Ang lalaki ay tinitingnan Siya at natulala. Pagkatapos sinabi niya: «Ako ay may siyam na anak sa Ischilo… Pupunta ako: isang anak. Pupunta ako: isang anak ulit. Lagi.»

«Mahal mo ba ang iyong mga anak?»

«Sila ay aking dugo! Ngunit ang aking trabaho ay mahirap. Ako ay naririto, ang aking mga anak ay naroroon. Kami ay magkalayo… Ngunit ginagawa ko ito para sa kanilang makakain. Naiintindihan Ninyo?»

«Naiintindihan Ko. Kung gayon naiintindihan mo ang bata na ibig na umakyat sa isang kamelyo at kumain ng carob

«Oo. Halika. Natatakot ka ba? Hindi? Mabuti. Magandang bata! Mayroon din akong isang katulad mo. Maitim katulad mo. Ito. Kunin at hawakan nang mahigpit» at kanyang inilagay sa kamay ni Marjiam ang kakaibang hawakan na nasa harapang bahagi ng siya. «Hawakan mo iyan. Aakyat na ako. At ang kamelyo ay tatayo. Hindi ka natatakot, eh?» At ang lalaki ay umakyat sa mataas na siya, inayos ang kanyang sarili at inudyukan ang kamelyo, na tumayo nang masunurin na may mabigat na kiling.

Si Marjiam ay tumatawang masaya. At lalo pa siyang mas masaya dahil ang magkakamelyo ay naglagay ng masarap na carob sa kanyang bunganga. Ang kamelyo ay humahakbang sa bakuran, pagkatapos ito ay pinatrote ng magkakamelyo, sa huli, nakikita na si Marjiam ay hindi natatakot, sumigaw siya sa isa sa kanyang mga kasamahan, na ibinukas naman ang napakalapad na pintuan sa likuran ng bakuran at ang magkakamelyo ay nawala kasama ang kanyang dala-dala sa berdeng kabukiran.

Si Jesus ay bumalik sa bahay at pinasok ang isang malaking silid kung saan naroroon ang mga babae. Siya ay ngumingiting napakasaya upang si Maria ay tinanong Siya: «Ano ang nangyari, Anak, na Ikaw ay napakasaya?»

«Ako ay masaya katulad ni Marjiam na nagpapakaskas sa ibabaw ng isang kamelyo. Lumabas kayo upang makita siyang bumabalik.»

Lahat sila ay lumabas patungo sa bakuran at naupo sa mababang pader malapit sa mga palanggana. Ang mga apostol na hindi natutulog ay nilapitan sila. Ang mga nasa bintana sa mga silid sa itaas, ay dumungaw, nakita ang grupo at bumaba upang samahan sila. Ang nakababatang tiling mga tinig, ito sa katunayan ay mga tinig nina Juan at ng dalawang Santiago, ay nagising sina Pedro at Andres at napukaw si Mateo. Lahat sila ngayon ay magkakasama na sapagkat sina Juan ng Endor at ang dalawang disipulo ay sumama na rin sa grupo.

«Ngunit nasaan si Marjiam? Hindi ko siya nakikita» tanong ni Pedro.

«Siya ay umalis para makatakbo sa ibabaw ng isang kamelyo. Wala sa inyo ang makinig sa kanya… Nakita Ko na siya ay napakalungkot at inasikaso Ko siya.»

Sina Pedro, Simon at Mateo ay nakaalaala: «Oo nga! Siya ay nagsasalita tungkol sa mga kamelyo… at mga carob. Ngunit ako ay inaantok!»; Kailangan kong tingnan ang aking mga listahan dahil ibig ko Kayong paalamin ng tungkol sa aking natanggap mula sa mga Gerasenes at kung ilan ang naibigay ko sa mahihirap»; «At ako ay nagsasalita tungkol sa pananampalataya sa Inyong kapatid.»

«Hindi na bale. Inasikaso Ko na iyon. Ngunit, siya nga pala, sasabihin Ko sa inyo na ang asikasuhin ang mga bata ay pagmamahal din… Ngunit ngayon pagusapan natin ang ibang bagay. Ang bayan ay puno ng pagsasaya. Ang tanging alaala tungkol sa Sabbath ay pangkalahatang pagsasaya. Kung kaya't mas mabuting manatili sa loob ng bahay. Iyan dahil kung gugustuhin nila, makikita nila tayo dahil alam nila kung nasaan tayo. Naroroon si Alexander tinitingnan ang kanyang mga kamelyo. Sasabihin Ko na sa kanya na ang isa ay nawawala gawa Ko.» At si Jesus ay nagmadali patungo sa mangangalakal at nagsasalita sa kanya.

Sila ay bumalik na magkasama. Ang mangangalakal ay nagsasabi: «Mabuti. Magsasaya siya at ang pagbilad sa araw ay makakabuti sa kanya. Makatitiyak Kayo na ang lalaki ay tatratuhin siyang mabuti. Si Calipius ay isang magaling na tao. Bilang kapalit ng pagtakbo, hinihiling ko sa Inyo na sabihin Ninyo sa akin ang isang bagay. Kagabi iniisip ko ang tungkol sa Inyong mga salita… ang aking napakinggan sa Ramoth, na Inyong nabanggit sa babae, at ang Inyong mga sinabi kahapon. At sa palagay ko umaakyat ako sa isang mataas na bundok, katulad ng mga kung saan ako naninirahan, na ang mga tuktok niyon ay umaabot hanggang sa mga ulap. Dinadala Ninyo ako nang pataas nang pataas. Sa palagay ko ako ay nahuli ng isang agila, isa sa mga agila ng aming pinakamataas na bundok, ang unang lumabas mula sa Pagbaha. Nakita ko ang ganap na bagong mga bagay, na ang tungkol dito ay hindi ko kailanman naisip noon, lahat gawa sa liwanag… At naintindihan ko ang mga ito. Pagkatapos ako ay nalito. Magsalita pa Kayo sa akin.»

«Ano ang sasabihin Ko sa iyo?»

«Hindi ko alam… Ang lahat ay napakaganda. Ang sinabi Ninyo tungkol sa pagtatagpo ulit sa Langit… Naintindihan ko na tayo ay magmamahal doon sa ibang pamamaraan, subalit ito ay magiging ganoon pa rin. Halimbawa: hindi na tayo mag-aalala katulad natin ngayon, ito ay magiging tayo ay parang iisang pamilya lamang; ang isa para sa lahat at ang lahat para sa isa. Mali ba ako?»

«Hindi. Sa kabaligtaran! Tayo ay magiging iisang pamilya rin kasama ang mga buháy Ang mga kaluluwa ay hindi naihihiwalay ng kamatayan. Ako ay nagsasalita tungkol sa mga makatarungan. Pinoporma nila ang isang malaking pamilya. Isipin lamang ang isang malaking templo kung saan ang iba ay sumasamba at nagdarasal, at iba nagtatrabaho. Ang una ay nagdarasal din para sa mga nagtatrabaho, ang huli nagtatrabaho para sa mga nagdarasal. Ganyan din ang nangyayari sa mga kaluluwa. Tayo ay nagtatrabaho sa lupa. Tinutulungan nila tayo sa pamamagitan ng kanilang pagdarasal. Ngunit kailangan na ialay natin ang ating mga paghihirap para sa kanilang kapayapaan. Iyan ay isang kadena na hindi napuputol. Pagmamahal ang nagdudugtong sa mga nakaraan sa mga kasalukuyan. At ang mga kasalukuyan ay kailangan na maging mabuti upang masamahan ang mga nakaraan at ibig tayo nilang makasama.»

Si Sintike ay napakilos nang hindi sinasadya, na kanya kaagad na pinigilan. Ngunit ito ay nahalata ni Jesus at inanyayahan siya na huwag pigilan ang kanyang sarili.

«Ako ay nag-iisip… Matagal na akong nag-iisip tungkol diyan mga ilang araw na, at kailangan kong sabihin ang katotohanan, ako ay nag-aalala, sapagkat ang pakiramdam ko kung ako ay maniniwala sa Inyong Paraiso, mawawala sa akin ang aking ina at mga kapatid na babae magpakailanman…» ang isang hikbi ay naputol ang tinig ni Sintike, na tumigil upang mapigilan ang mga luha.

«Anong kaisipan ang nagpapaalala sa iyo nang labis?»

«Ako ay naniniwala na sa Inyo ngayon. Naiisip ko lamang ang aking ina bilang isang hentil. Siya ay mabuti… O! napakabuti! At ang aking mga kapatid na babae din. Ang munting si Ismene ay ang pinakamabait na anak na nagkaroon sa lupa. Ngunit sila ay mga hentil… Ngayon, nang ako ay katulad nila, naiisip ko ang tungkol sa Hades at madalas kong sabihin: “Kami ay magkikitang muli roon”. Ngayon ang Hades ay wala na. Naririyan ang Inyong Paraiso, ang Kaharian ng Langit para sa mga naglingkod sa Totoong Diyos sa hustisya. At papaano ang mga kaawa-awang kaluluwang iyon? Iyong ay hindi nila kagagawa kung sila ay ipinanganak sa Gresya! Wala sa mga pari ng Israel ang dumating upang sabihin: “Ang aming Diyos ay ang Totoong Diyos”. Kung gayon? Ang kanilang mga birtud at mga paghihirap ay walang halaga? Sila ba ay mapupunta sa eternal na kadiliman at nakahiwalay sa akin magpakailanman? Sasabihin ko sa Inyo: ito ay isang pahirap! Halos ipinagkaila ko na sila. Patawarin Ninyo ako, aking Panginoon… Ako ay umiiyak…» at siya ay bumagsak sa kanyang mga tuhod umiiyak nang husto.

Si Alexander Misace ay nagsabi: «Ayan na Kayo! Ako rin ay nag-iisip, kung ako ay maging isang makatarungang tao, makikita ko pa ba ang aking ama, ina, mga kapatid at mga kaibigan…

Si Jesus ay ipinatong ang Kanyang mga daliri sa kulay-kapeng ulo ni Sintike at nagsabi: «Ang isa ay nasa pagkakamali kung nalalaman niya ang Katotohanan, ngunit nagpupursige sa Pagkakamali. Hindi kung ang isa ay kumbinsido ng pagiging nasa Katotohanan, at walang tinig ang kailanman dumating upang magsabi: “Ang Katotohanan ay ang aking dinadala sa iyo. Kalimutan mo ang iyong mga guniguni at tingnan ang Totoong Diyos na ito at kakamtin mo ang Langit”. Ang Diyos ay makatarungan. Makapaniniwala ka ba na hindi Niya gagantimpalaan ang birtud na naperpekto lahat ng sarili mismo nito sa kabila ng nasa karumihan ng hentil na mundo? Huwag kang mag-alala Aking anak.»

«Ano ang tungkol sa orihinal na kasalanan? At ang kanilang buktot na kulto? At…» Marami pang mga pagtutol ang darating mula sa mga Israelita upang mapamighati ang nangungulila nang kaluluwa ni Sintike, kung si Jesus sa pamamagitan ng pagsenyas ay hindi nagpahiwatig ng katahimikan.

Sinabi Niya: «Ang orihinal na kasalanan ay nasa lahat, kung ang isa man ay nagmula sa Israel o hindi. Ito ay hindi laman sa mga hentil. Ang kulto ng pagano ay magiging makasalanan pagkatapos na maikalat na ang Batas ng Kristo sa buong mundo. Ang birtud ay laging magiging birtud sa mga mata ng Diyos. At dahil sa Aking pakikiisa sa Ama sasabihin Ko, at sinasabi Ko ito sa ngalan Niya, isinasalin ang Kanyang Kabanalbanalang Kaisipan sa mga salita, na ang mga pamamaraan ng maawaing kapangyarihan ng Diyos ay marami’t iba-iba, at ang mga ito ay puspos na puspos sa pagbibigay ng lugod sa mabibirtud na tao na maaalis ng mga ito ang mga harang sa pagitan ng mga kaluluwa, at ang kapayapaan ay maibibigay sa mga karapat-dapat ng kapayapaan. Hindi lang iyan, bagkus sasabihin Ko na sa hinaharap ang mga sumusunod sa relihiyon ng kanilang mga ninuno na may hustisya at kabanalan, kumbinsido ng pagiging nasa Katotohanan, ay hindi kamumuhian at parurusahan ng Diyos. Ang kasamaan, masamang kalooban, sadyang pag-ayaw sa kilalang Katotohanan, higit sa lahat ang pagpapabulaan sa ibinunyag na Katotohanan at pangunguntra rito, mabisyong pamumuhay ay totoong maihihiwalay magpakailanman ang mga kaluluwa ng makatarungan mula sa mga makasalanan. Laksan mo ang iyong loob, Sintike. Ang ganyang paninimdim ay isang atake ng impiyerno dahil ng galit ni Satanas laban sa iyo, dahil ikaw ay isang biktima na nawala sa kanya magpakailanman. Walang Hades. Naririyan ang Aking Paraiso. Ngunit hindi ito dahilan ng kapighatian, bagkus ng lugod. Wala ng Katotohanan ang dapat na maging dahilan ng paninimdim o pagdududa, sa kabaligtaran ito ay kailangan na magbigay sa iyo ng lakas para sa mas malaking pananampalataya at masayang katiyakan. Laging sabihin sa Akin ang iyong mga alalahanin. Ibig Ko na ang liwanag sa loob mo ay maging kasing tiyak at kasing tatag ng liwanag ng araw.»

Si Sintike, nakaluhod pa rin, ay kinuha ang Kanyang kamay at hinahalikan ito…

Ang sigaw ng magkakamelyo ay nagawa ang grupo na maintindihan na ang kamelyo ay parating na, sa mabagal na paglakad, nang hindi nakagagawa ng ingay sa makapal na damo sa labas ng pintuan sa likuran, na binuksan kaagad ng isang katulong. At si Marjiam ay bumalik, siya ay masaya at ang kanyang mukha ay namumula pagkatapos ng takbo. Siya ay isang munting maliit na lalaki na inilagay sa mataas na likod ng kamelyo, at siya ay tumatawa ikinakaway ang kanyang mga kamay, habang lumuluhod ang kamelyo at siya ay nagpadalusdos mula sa kakaibang siya, hinahaplos ang morenong magkakamelyo. Pagkatapos siya ay tumakbo patungo kay Jesus sumisigaw: «Gaano kaganda! Ang mga Mago ba ay dumating mula sa Silangan nakasakay sa mga hayop na iyon upang sambahin Kayo? Ako ay sasakay sa kanila upang ituro Kayo sa buong mundo! Ang mundo ay tila mas malaki kapag tinitingnan mula sa taas doon at ito ay nagsasabi: “Halika, ikaw na nakaaalam sa Ebanghelyo!”. O! Alam Ninyo?... Ang mamâ din na iyon ay nangangailangan nito… At ikaw, din, mangangalakal, at ang lahat ng iyong mga katulong… Ilang mga tao ang naghihintay at namamatay nang hindi ito natatanggap… Mas maraming tao pa kaysa sa buhangin sa ilog… Silang lahat ay wala Kayo, Jesus! O! Magmadali at ibalita ito sa lahat!» at siya ay kumapit sa mga tabi ni Jesus nakatingala sa Kanya.

At si Jesus ay yumuko hinahalikan siya at nangangako: «Masasaksihan mo ang Kaharian ng Diyos na itinuturo hanggang sa layo ng pinakamalayong mga hangganan ng Roma. Masaya ka ba?»

«Masaya ako. At pagkatapos ako ay darating at sasabihin sa Inyo: “Ito, iyan, at ang isa pang Bansang iyan… lahat sila ay kilala Kayo”. Malalaman ko pagdating niyan ang mga pangalan ng malalayong Bansang iyon. At ano ang sasabihin Ninyo sa akin?»

«Sasabihin Ko: “Halika, munting Marjiam. Magkaroon ka ng isang korona para sa bawat bansa kung saan Ako ay iyong ipinahayag at pagkatapos halika ka rito sa tabi Ko, katulad noong araw na iyon sa Gerasa, at magpahinga pagkatapos ng lahat ng iyon gawa, sapagkat ikaw ay naging isang matapat na lingkod at tama lang na ikaw ay maging masaya sa Aking Kaharian”.»

280911

 

 

 


Sunod na kabanata