289. Mula sa Gerasa Hanggang sa Pontanya ng Magkakamelyo.

Setyembre 29, 1945.

Ang karabana ay iniiwan ang malaking bakuran ni Alexander Misace, sa perpektong kaayusan na tila ito ay isang paradang militar. Si Jesus ay nasa likuran kasama ang lahat ng Kanyang grupo. Ang mga kamelyo ay nagpapatuloy, ang kanilang mabibigat na dala kumikendeng nang sabay-sabay at ang kanilang mga ulo, sa kanilang nakaarkong mga leeg, ay tila nagtatanong sa bawat hakbang: «Bakit? Bakit?» sa kanilang tahimik ngunit kilalang paglakad, katulad ng pagkilos ng mga kalapati, na sa bawat hakbang ay tila nagsasabing: «Oo, oo» sa lahat ng kanilang nakikita. Ang karabana ay kinakailangan na tawirin ang bayan at ito ay ginagawa nito sa malinaw na hangin ng umaga. Ang lahat ay balot-na-balot dahil malamig ngayon. Ang nakakabit na mga kampanilya, ang sigaw ng mga magkakamelyo, ang tili ng isang kamelyo na ikinalulungkot ang pag-alis sa establero ay pinaaalam sa mga Gerasenes ang pag-alis ni Jesus.

Ang balita ay kumalat nang kasing bilis ng kidlat at ang ilang Gerasenes ay nagmadali upang batiin si Jesus nag-aalay ng prutas at iba pang makakain. Mayroon ding isang lalaki na may dalang maliit na batang lalaki na may sakit. «Pagpalain Ninyo siya, upang sana siya ay makapanumbalik. Maawa sa amin!»

Si Jesus ay itinaas ang Kanyang kamay at pinagpapalà ang bata nagsasabing: «Humayo at huwag mag-alala. Magkaroon ng pananampalataya.»

At ang lalaki ay nagsabi: «oo» nang tiwalang-tiwala, upang ang isang babae ay nagtanong: «Maaari bang pagalingin Ninyo ang aking asawa na ang mga mata ay may ulser?»

«Magagawa Ko, kung makapaniniwala ka.»

«Bueno, lalakad ako at dadalhin ko siya rito. Hintayin Ninyo ako, Panginoon» at siya ay tumakbong umalis nang kasing bilis ng isang golondrina.

Sandali lamang! Mas madaling sabihin ito kaysa gawin! Ang mga kamelyo ay nagpapatuloy. Si Alexander, na nasa unahan ng karabana, ay hindi malaman kung ano ang ibig mangyari sa likuran. Ang natatanging gawin lamang ay ang magpahatid ng salita sa tao.

«Takbo, Marjiam. Lakad at sabihin sa mangangalakal na tumigil bago makalabas sa mga pader» sabi ni Jesus. At si Marjiam ay nagmadaling tumakbo upang gawin ang kanyang misyon.

Ang karabana ay tumigil at ang mangangalakal ay papalapit kay Jesus. «Ano ang nangyayari?»

«Manatili ka rito at makikita mo.»

Ang babae ng Gerasa ay pagkaraan nakabalik kasama ang kanyang asawa na ang mga mata ay may sakit. Ito ay mas malala pa kaysa sa ulser! Ang kanyang mga mata ay dalawang butas na puno ng tuyong mga nana. Ito ay tila lumabo, mapula, medyo bulag sa gitna ng mga butas, kasama ng nakadidiring tumutulong mga luha. Kaagad nang itinaas ng mamâ ang bendahe na nagtatakip sa liwanag, ang mga luha ay tumulo nang mas lalo habang ang liwanag ay nagpapalalà sa kirot ng may sakit na mga mata.

Ang mamâ ay umungol: «Maawa! Labis akong naghihirap!»

«Nagkasala ka rin nang labis. Hindi ka ba nagrereklamo tungkol diyan? Namimighati ka lamang ba sa posibilidad na mawala ang kaawa-awang pagtingin mo sa mundo? Wala ka bang nalalaman tungkol sa Diyos? Hindi ka ba natatakot ng eternal na kadiliman? Bakit ka nagkasala?»

Ang mamâ ay umiiyak at siya ay yumuyuko na hindi nagsasalita. At kanyang asawa ay umiiyak din at siya ay umuungol: «Ako ay nagpatawad…»

«At Akin din siyang patatawarin, kung manunumpa siya sa Akin na hindi na siya babalik sa pagkakasala.»

«Oo, gagawin ko! Patawarin ako. Nalalaman ko na ngayon ang mga konsekwensiya ng kasalanan. Patawarin Ninyo ako. Patawarin Ninyo ako katulad ng ginawa ng aking asawa. Kayo ang Mabuting Isa.»

«Pinatatawad kita. Pumunta ka sa ilog na iyon, hugasan mo ang iyong mukha sa tubig at ikaw ay gagaling.»

«Ang malamig na tubig ay palalalain siya, Panginoon» ungol ng babae.

Ngunit ang mamâ ay walang pakialam sa kung kahit na ano pang iba at siya ay nagsimulang maghapuhap hanggang ang apostol na si Juan ay naaawang kinuha ang kanyang kamay at pinasunod siya mismo sa una, hanggang sa ang asawa ay sinuportahan siya sa isa pang kamay. Ang mamâ ay pumunta hanggang sa layo ng gilid ng lamig-yelong tubig na bumubula sa mga bato, siya ay yumuko. Kumuha siya ng ilang tubig pasalók ang kanyang mga kamay at hinuhugasan ang kanyang mukha. Hindi siya nagpapakita ng kahit na anong tanda ng kirot. Sa kabaligtaran lumalabas na siya ay nagiginhawahan.

Siya pagkatapos umakyat sa pampang, na ang kanyang mukha basa pa, at bumalik kay Jesus, Na nagtanong sa kanya: «Bueno? Magaling ka na ba?»

«Hindi, Panginoon. Hindi pa. Ngunit iyan ang sinabi Ninyo at ako ay gagaling.»

«Bueno, manatili sa iyong pag-asa. Paalam.»

Ang babae ay bumagsak umiiyak… Siya ay bigo. Si Jesus ay sinenyasan ang mangangalakal na sila ay maaari nang makapagpatuloy. At ang mangangalakal, na bigo rin, ay ibinigay ang utos. Ang mga kamelyo ay nagmartsang muli na ang kanilang pagkilos nakakatulad ang isang bangka na tumataas at bumababa ang unahan na ang pambiyak-tubig na sa mga alon; sila ay papalabas sa mga pader at lumiko sa maluwang na maalikabok na daan-karabana pagawing timog-kanluran.

Ang huling pares ng apostoladong grupo, ibig sabihin, sina Juan ng Endor at si Simon Zealot, ay kalalampas pa lamang sa mga pader mga ilang yarda, nang ang isang matiling sigaw ay napakinggan sa tahimik na ere. Ito ay tila kumakalat sa buong mundo, at nauulit sa pataas pa nang pataas na tinig, umaawit nang masayang hosana: «Nakakakita ako! Aking pinagpalang Jesus! Nakakakita ako! Naniniwala ako. Nakakakita ako! Jesus! Jesus! Aking pinagpalang Jesus!» at ang mamâ, na ang mukha ay ganap nang magaling, na may dalawang magandang mata: dalawang pigsa na puno ng liwanag at búhay, ay nagmadali sa mga paanan ni Jesus at bumagsak halos sa ilalim ng kamelyo ng mangangalakal, na nagawang pakilusin sa tamang sandali ang hayop na palayo sa nakapatirapa na lalaki.

Ang mamâ ay hinahalikan ang damit ni Jesus inuulit-ulit: «Naniniwala ako! Naniniwala ako at nakakakita ako! Aking pinagpalang Jesus!»

«Tumayo ka at maging masaya. At, higit sa lahat, maging mabuti. Sabihin sa iyong asawa na maniwala nang walang pagdududa. Paalam.» At si Jesus ay pinalaya ang Kanyang sarili sa hawak ng mahimalang napagaling na mamâ at ipinagpatuloy ang Kanyang paglalakad.

Ang mangangalakal ay hinahaplos-haplos ang kanyang balbas nang nag-iisip… Sa wakas siya ay nagtanong: «At kung siya ay hindi nagpursige sa paniniwala, pagkatapos ng kanyang kabiguan na naramdaman pagkatapos ng paghuhugas?»

«Nanatili sana siya kung ano siya dati.»

«Bakit nanghihingi Kayo ng labis na pananampalataya upang makagawa ng himala?»

«Sapagkat ang pananampalataya ay sumasaksi sa presensya ng pag-asa at pagmamahal ng Diyos.»

«At bakit ibig Ninyo ng pagsisisi muna?»

«Sapagkat ang pagsisisi ay nagagawa ang Diyos na maging mapagkaibigan.»

«Dahil ako ay walang sakit, ano ang aking gagawin upang mapatunayan na ako ay may pananampalataya?»

«Kailangan na pumunta ka sa Katotohanan.»

«At makakapunta ba ako nang wala ang pagkakaibigan ng Diyos?»

«Hindi ka makakapunta nang wala ang kabutihan ng Diyos. Ang Diyos ay pinahihintulutan ang mga naghahanap sa Kanya na makita Siya, kahit na kung sila ay hindi pa nagsisi; sapagkat ang tao ay sa pangkalahatan nagsisisi kapag nakilala na niya ang Diyos, maging ito man ay buhay sa kanyang diwa o kahit na kung ito ay isang mahinang kaalaman man lamang ng kung ano ang ibig ng kanyang kaluluwa. Dati siya ay katulad ng isang hangal na pinasusunod lamang ng likas na pakiramdam. Naramdaman mo ba ang pangangailangan na maniwala?»

«Maraming beses. Bueno, ako ay hindi nasisiyahan ng kung ano ang mayroon ako. Pakiramdam ko mayroon pang iba. Isang bagay na mas malakas pa kaysa sa pera, kaysa sa mga anak, sa aking pag-asa… Ngunit hindi ako nag-abala na subukan na hanapin kung ano ang aking hinahanap na hindi ko nalalaman.»

«Ang iyong kaluluwa ay hinahanap ang Diyos. Ang kabaitan ng Diyos ay ginawa kang matagpuan mo ang Diyos. Ang pagsisisi tungkol sa iyong walang-ginagawang nakaraan ay maibibigay sa iyo ang pakikipagkaibigan ng Diyos.»

«Kung gayon… upang magkaroon ng himala na makita ang Katotohanan sa pamamagitan ng aking kaluluwa, kailangan na pagsisihan ko ang aking nakaraan?»

«Sigurado. Kailangan mong magsisi at magpasya na baguhin mo nang ganap ang iyong pamumuhay…»

Ang mamâ ay nagsimulang haplus-haplusin muli ang kanyang balbas at lubos siyang tumititig na tila pinag-aaralan at binibilang ang mga buhok sa leeg ng kanyang kamelyo. Hindi niya sinasadyang tinamaan ng kanyang sakong ang kamelyo na inintindi ng hayop na ito ay pagpapabilis sa paghakbang at ang hayop ay sumunod at nadala ang mangangalakal sa unahan ng karabana.

Si Jesus ay hindi siya pinipigil. Sa kabaligtaran Siya ay tumigil kung gayon nagawa Siyang abutan ng mga babae at mga apostol, hanggang si Simon Zealot at si Juan ng Endor ay narating Siya. Si Jesus ay sinamahan sila.

«Ano ang inyong pinag-uusapan?» nagtanong Siya.

«Pinag-uusapan namin ang kalungkutan na maaaring nararamdaman ng mga walang pinaniniwalaang anuman o nawalan ng pananampalatayang mayroon sila dati. Si Sintike ay totoong pinanghihinaan ng loob kahapon, bagama't nakarating siya sa perpektong pananampalataya» tugon ng Zealot.

«Sinasabi ko kay Simon kung nakalulungkot ang dumaan mula sa Kabutihan patungo sa Kasamaan, nakababalisa din ang dumaan mula sa Kasamaan patungo sa Kabutihan. Sa unang kaso ang isa ay napahihirapan ng pangungutya ng sariling konsiyensya. Sa huling kaso ang isa ay… pinasasakitan… Katulad ng isa na dinala sa ganap na di-kilalang banyagang bansa… O ito ay ang panlulumo ng isang tao, na bilang isang kaawa-awang walang-pinag-aralang aba, ay makikita ang sarili sa Korte ng isang hari, kasama ang mga may-pinag-aralang mga tao at mga ginoo. Ito ay isang kirot… alam ko… Isang gayong mahabang paghihirap… Ang isa ay hindi makapaniwala na iyon ay totoo, na iyon ay tatagal… na karapat-dapat niyon ang isa lalo na kung ang kaluluwa ng isa ay namantsahan… katulad ng namantsahan ang akin…»

«At ngayon, Juan?» tanong ni Jesus.

At ang pagod na malungkot na mukha ni Juan ng Endor ay nagningning sa pamamagitan ng isang ngiti na nagagawa ang mukhang ito na hindi masyadong payat. Sinabi niya: «Ngayon, hindi na ito ganito. Tanging ang pagpapasalamat lamang sa Panginoon ang nananatili, hindi, ito ay lumalaki. Ito ang ibig ng Panginoon. Naririyan pa rin ang alaala ng nakaraan upang gawin akong mababa ang loob. Ngunit mayroon diyan katiyakan. Pakiramdam ko sanay na ako, hindi na ako isang banyaga sa ganitong mundo ng kapatawaran at pagmamahal na Inyo. At ako ay mapanatag, masaya at nasa kapayapaan.»

«Tinitingnan mo ba ang iyong naranasan na isang mabuti?»

«Oo, iyan ang tingin ko. Kung ako ay hindi nalulungkot sa pagkagawa ng kasalanan, sapagkat napamighati ko ang Diyos sa pamamagitan ng aking kasalanan, sasabihin ko na sa aking pakiramdam ang aking nakaraan ay isang mabuting bagay. Matutulungan ako nito nang husto na masuportahan ang gusto ngunit napawalay na mga kaluluwa, sa unang mga yugto ng kanilang bagong paniniwala.»

«Simon, lumakad at sabihin sa bata na huwag masyadong tumalun-talon. Mapapagod siya ngayong gabi.»

Si Simon ay tiningnan si Jesus, ngunit naintindihan niya ang katotohanan na nasa likod ng utos. Siya ay ngumiti na may katalinuhan at umalis iniiwan ang dalawa na mag-isa.

«Ngayon na tayo ay nag-iisa na lamang, Juan, makinig sa Aking minimithi. Para sa ilang mga rason, wala sa Aking mga tagasunod ang mayroon ng lawak ng pagpasya at kaisipan na mayroon ka. At ang iyong kultura ay mas malawak kaysa sa pangkaraniwang nalalaman ng mga Israelita. Kung kaya't hinihingi Ko sa iyo na tulungan Ako…»

«Ako ba ay matutulungan Kayo? Papaano?»

«Alang-alang kay Sintike. Ikaw ay gayong kagaling na tagapagturo! Si Marjiam ay mabilis na natututo at maayos sa iyo. Kung kaya't naiisip Ko na iwanan kayo na magkasama nang mga ilang buwan, sapagkat ibig Ko si Marjiam na magkaroon ng mas malawak na kaalaman kaysa ng tungkol sa maliit na mundo ng Israel. At ikaw ay nabibigyan ng kasiyahan ng pag-aalaga sa kanya. At Ako ay nasisiyahan nakikita kayo na magkasama, ikaw nagtuturo, siya natututo; ikaw nagiging bata ulit, siya gumugulong sa kaalaman. Ngunit kailangan na asikasuhin mo rin si Sintike, na tila siya ay isang nawawalang kapatid na babae. Sinabi mo ito mismo: isa na ang pakiramdam ay nawawala… Tulungan mo siya na masanay sa Aking atmospera. Magagawa mo ba sa Akin ang pabor na ito?»

«Iyan ay isang grasya para sa akin na gawin, aking Panginoon! Hindi ko siya nilalapitan sapagkat ang tingin ko sa sarili ko ay kalabisan. Ngunit kung gugustuhin Ninyo… binabasa niya ang aking mga rolyo. Mayroong ilan na sagrado, ang ilan ay mga pangkultura lamang: mga rolyo mula sa Roma at Athena. Nakikita ko na binabasa niya ito at nagninilay-nilay… Ngunit hindi ako kailanman nakikialam na tulungan siya. Kung gusto Ninyo…»

«Oo, gusto Ko. Ibig Ko kayo na maging magkaibigan. Katulad ni Marjiam at ikaw, siya ay mananatili sa Nazareth nang mga ilang araw. Magiging maganda ito: ang Aking Ina at ikaw ang mga tagapagturo ng dalawang kaluluwa na nagbubukas ng mga kamay sa Diyos. Ang Aking Ina, ang anghelikal na Tagapagturo ng Siyensiya ng Diyos; ikaw, ang may-karanasang guro ng pantaong kaalaman, na maipaliliwanag mo na ngayon na may sobrenatural na mga batayan. Ito ay magiging maganda at may pakinabang.»

«Oo, aking pinagpalang Panginoon! Napakaganda para sa abang si Juan!...» at ang mamâ ay ngumingiti sa kaisipan ng tungkol sa parating na mapapayapang araw kasama si Maria sa loob ng bahay ni Jesus…

At ang daan ay paliku-liko sa tabi ng magandang kabukiran, na ngayon ay ganap nang patag pagkatapos na maikutan ang ilang maliliit na burol sa labas lamang ng Gerasa, sa ilalim ng malumanay na sikat ng araw na painit na nang painit. Ito ay isang maayos na namementenang daan kung saan maalwan ang maglakbay at balikan pagkatapos ng pagpapahinga sa tanghali.

Halos gabi na nang marinig ko si Sintike na tumawa nang bigay-na-bigay sa unang pagkakataon; si Marjiam sa katunayan ay may sinabi sa kanya na nagawa ang lahat na babae na tumawa. Nakikita ko ang griyego na yumuko upang haplusin ang bata at halikan siya nang malumanay sa noo. Ang bata pagkatapos ay nagpatuloy sa pagtalun-talon sa paligid na tila hindi man lamang siya napapagod.

Ngunit ang lahat ay napapagod at nalulugod para sa pasya na magpalipas ng gabi sa Fountain of the Cameleer. Ang mangangalakal ay nagsabi: «Lagi akong tumitigil dito sa pagpapalipas ng gabi. Ang paglalakbay mula sa Gerasa hanggang Bozrah, ay napakahaba kapwa para sa mga tao at mga hayop.»

«Ang mangangalakal ay maawain» wika ng mga apostol, ikinukumpara siya kay Doras…

Ang «Fountain of the Cameleer» ay ilang mga bahay lamang sa paligid ng ilang mga bubon. Ito ay isang katulad ng oasis, wala sa tigang na disyerto, sapagkat walang pagkatuyo rito, bagkus isang oasis sa walang-taong mga bukid at mga taniman ng punungkahoy na nagkakasunud-sunuran sa loob ng milya-milyang distansiya at na, habang ang Oktubreng gabi ay naririyan, nagbibigay ng pakiramdam katulad ng nasa dagat sa agaw-liwanag. Kung gayon, ang tanawin na mga bahay, ang ingay ng mga tinig, ng mga iyak ng mga bata, ang amoy ng umuusok na mga tsiminea at ang unang mga apoy na sinindihan ay kasing ganda katulad ng pagdating ng isa sa bahay.

Habang ang mga magkakamelyo ay tumitigil upang patubigan ang mga kamelyo sa unang pagkakataon, ang mga apostol at mga kababaihan ay sinusundan si Jesus at ang mangangalakal na pinapasok… ang kung baga sinaunang bahay-panuluyan na kanilang sisilungan sa loob ng gabi…

… Lahat sila ay naiipon malapit sa isang napakalaking paapuyan na nakakasakop sa kabuuan ng makitid na pader sa loob ng malaking mausok na silid kung saan sila kumain ng hapunan, at kung saan ang mga kalalakihan ay matutulog at ang mga katulong ay inihahanda na ang mga dayaming matris na higaan. Ang apoy ay pinababayaan sapagkat ngayon ay isang malamig na basang gabi.

«Umasa tayo na hindi magsisimulang umulan» sabi ni Pedro na may pagbuntung-hininga.

Ang mangangalakal ay tinitiyak sa kanya: «Ang masamang panahon ay hindi magsisimula hanggang sa matapos ang pagliit ng buwan na ito. Laging ganito rito sa gabi. Ngunit sisikat ang araw bukas.»

«Ito ay para sa mga babae, alam mo? Hindi para sa akin. Ako ay isang mangingisda at naninirahan ako sa tubig. At matitiyak ko sa iyo na mas gugustuhin ko ang tubig kaysa sa mga bundok at mga alikabok.»

Si Jesus ay nagsasalita sa mga kababaihan at sa Kanyang dalawang pinsan. Sina Juan ng Endor at si Simon Zealot ay nakikinig din sa Kanya. Sa halip si Timoneus at si Ermasteus ay binabasa ang isa sa mga rolyo ni Juan at ang dalawang Israelita ay ipinaliliwanag kay Ermasteus ang mga pasahe sa Bibliya na mas malabo sa kanya.

Si Marjiam ay nakikinig nang nabibighani, ngunit nagmumukha siyang inaantok. Si Maria ni Alfeo ay napuna ito at nagsabi: «Ang batang iyan ay pagod. Halika, mahal, tayo na sa higaan. Halika, Eliza, halika Salome. Ang matatanda at mga bata ay mas mabuti pa sa higaan. At kayong lahat ay mabuti pang lumakad na rin. Kayo ay mga pagod.»

Ngunit maliban sa mas matatanda, hindi kasama sina Marcella at Johanna ni Chuza, walang sinuman ang umalis.

Pagkatapos na sila ay makaalis, matapos na sila ay pagpalain, si Mateo ay bumulong: «Sino ang nakapagsabi sa mga babaing ito, kani-kanina lamang, na sila ay matutulog sa dayaming mga higaan, napakalayo sa kanilang mga tahanan!»

«Hindi pa ako nakatulog nang ganito kaganda kailanman» wika ni Maria ng Magdala nang buo ang loob. At si Martha ay inayunan ang kanyang sinabi.

Ngunit si Pedro ay inamin na ang kanyang kasamahan ay tama: «Tama si Mateo. At iniisip ko kung bakit dinala kayo rito ng Guro, isang bagay na hindi ko maintindihan.»

«Sapagkat tayo ay Kanyang mga disipulo!»

«Bueno, kung Siya ay pumunta kung saan… naroroon ang mga leon, pupunta ka ba?»

«Siyempre, Simon Pedro! Anong kapaguran ba iyon na pumunta para sa kaunting paglalakad! At kasama Siya!»

«Bueno: sa katunayan iyon ay isang mahabang paglalakad. At para sa mga kababaihan na hindi sanay diyan…»

Ngunit ang mga kababaihan ay nagprotesta at ikinibit ni Pedro ang kanyang mga balikat at siya’y naging tahimik.

Si Santiago ni Alfeo, sa pagtingala, ay nakita ang gayong kaningning na ngiti sa mukha ni Jesus, upang tinanong niya Siya: «Maaari bang sabihin Ninyo sa amin, nang sarilinan, ang tunay na pakay ng paglalakbay na ito, kasama ang mga kababaihan… at na may napakakaunting bunga, kompara sa pagod nito?»

«Makakaasa ka na ba ngayon na makita ang bunga ng binhing ibinaon sa mga bukid na ating tinawid?»

«Hindi. Makikita ko ito sa tagsibol.»

«Sasabihin Ko rin sa iyo: “Makikita mo ito sa tamang oras”.»

Ang mga apostol ay hindi tumugon.

Ang malaplatang tinig ni Maria ay narinig: «Anak, pinag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa sinabi Mo sa Ramoth. At ang bawat isa sa amin ay may iba't ibang mga impresyon at repleksiyon. Maaari bang sabihin Mo sa amin ang Iyong kaisipan? Sinabi Ko na mas mabuting tanungin Ka kaagad. Ngunit Ikaw ay nagsasalita kay Juan ng Endor.»

«Sa katunayan itinanong ko ito. Sapagkat ako ay isang abang hentil at wala ako ng maringal na liwanag ng inyong pananampalataya. Kailangan na makiramay kayo sa akin.»

«Ibig kong mapasaakin ang iyong kaluluwa, aking minamahal na kapatid!» sabi kaagad ni Maria ng Magdala. At nag-uumapaw na katulad niya, niyakap niya si Sintike ng kanyang isang kamay. Ang kanyang kahanga-hangang kagandahan ay tila mismo nagbibigay ng liwanag sa mamiserableng tirahan at pinasisinayahan ito ng kayamanan ng kanyang marangyang bahay. Ang griyego, na ganap na ibang iba subalit may tanging personalidad habang niyayakap ni Maria ng Magdala, ay nagdagdag ng isang mapagnilay-nilay na nota sa sigaw ng pagmamahal na tila laging bumubukal mula sa madamdaming Maria, habang ang Banal na Birhen, nakaupo na ang Kanyang mayuming mukha nakatingala sa Kanyang Anak, ang Kanyang mga kamay magkadaop na tila Siya ay nananalangin, ang Kanyang kadali-dalisayang hitsura litaw-na-litaw sa maitim na pader, ay ang perpetwong Tagapagsamba.

Si Susanna ay natutulog sa loob ng anino ng isang sulok, habang si Martha, na aktibo sa kabila ng kanyang kapaguran at sa pamimilit ng iba, ay sinamantala ang liwanag ng paapuyan upang ikabit ang ilang hibilya sa damit ni Marjiam.

Si Jesus ay nagsabi kay Sintike: «Ngunit iyon ay hindi isang nakalulungkot na kaisipan. Narinig kitang tumawa.»

«Oo, dahil sa bata, na nasagutan ang tanong nang mabilis, nagsasabing: “Hindi ko gugustuhing bumalik maliban kung babalik si Jesus. Ngunit kung ibig mong malaman ang lahat, pumunta ka sa susunod na mundo, pagkatapos bumalik ka at sabihin sa amin kung maalaala mo”.»

Silang lahat ay tumawang muli at nagsabi na si Sintike ay tinatanong si Maria para sa paglilinaw sa kapaliwanagan, na hindi niya naintindihan nang maayos, tungkol sa alaala na mayroon ang mga kaluluwa at makapagpapaliwanag sa isang posibilidad para sa mga hentil na magkaroon ng malabong mga alaala tungkol sa Katotohanan.

«Sinasabi ko: “Iyan kaya ay pagpapatotoo tungkol sa teoriya ng reenkarnasyon kung saan maraming hentil ang naniniwala?” at ang Inyong Ina ay sinasabi sa akin na ang Inyong sinasabi ay ganap na iba. Maaari rin ba Ninyong ipaliwanag ito sa akin, aking Panginoon?»

«Makinig. Kailangan mong maniwala na ang katotohanan na ang mga kaluluwa ay may kusang mga rekoleksyon tungkol sa Katotohanan ay patunay na pinamumuhayan natin ang ilang mga búhay. Sa ngayon maaaring may sapat ka nang natutuhan upang malaman kung papaano ang tao nilikha, papaano siya nagkasala at pinarusahan. Nasabi na rin sa iyo na ang Diyos ay naglagay ng iisang kaluluwa sa bawat tao. Ang kaluluwang iyan ay nililikha paminsan-minsan at hindi na muli ginagamit para sa susunod na mga pagkakatawang-tao. Ang katiyakan na ito ay tila kinakansela nito ang Aking sinabi tungkol sa mga rekoleksyon ng mga kaluluwa. Kailangan na makansela nito ang tungkol sa iba pang nilikha maliban sa tao, na pinagkalooban ng kaluluwa na ginawa ng Diyos. Ang mga hayop ay hindi makakaalaala ng kahit na ano, sa dahilan na sila ay ipinanganganak nang minsan lang. Ngunit ang tao ay makakaalaala, bagama't ipinanganganak siya nang minsan lang. Nakakaalaala siya sa pamamagitan ng kanyang mas mabuting bahagi: ang kanyang kaluluwa. Saan nanggagaling ang mga kaluluwa? Ang kaluluwa ng bawat tao? Mula sa Diyos. Sino ang Diyos? Ang pinakamatalino, makapangyarihan, perpektong Espiritu. Ang magandang bagay na ito siyang ang isang kaluluwa, isang bagay na ginawa ng Diyos upang maibigay sa tao ang Kanyang larawan at pagkakatulad bilang isang di-mapagdududahang tanda ng Kanyang Kabanal-banalang Paternidad, ay nagpapakita ng mga tanda ng mga katangian na pagkakakilanlanan Niya Na naglilikha nito. Ito kung gayon ay matalino, espirituwal, malaya, inmortal, katulad ng Ama Na naglikha nito. Ito ay perpekto kung nagsimula sa dibinong kaisipan at sa sandali ng paglilikha rito ito ay kapareho, sa loob ng isa-sa-sanlibong sandali, ng kaluluwa ng unang tao: isang perpeksiyon na nakaiintindi sa Katotohanan sa pamamagitan ng libreng kaloob. Isa-sa-sanlibong sandali. Pagkaraan, kapag ito ay naporma na, ito ay nababahiran ng orihinal na kasalanan. Upang magawa itong mas malinaw para sa iyo sasabihin Ko na ito ay tila ang Diyos ay buntis sa kaluluwa na Kanyang nililikha at ang nilikha, sa panganganak, ay nasugatan ng isang di-mabuburang marka. Naiintindihan mo ba Ako?»

«Oo, naiintindihan ko. Habang ito ay kaisipan ito ay perpekto. Ang naglilikhang kaisipan ay tumatagal ng isa-sa-sanlibong sandali. Ang kaisipan pagkatapos ay nagiging aktuwal na pangyayari at ang pangyayari ay naiilaliman ng batas na dinala ng Kasalanan.»

«Ang iyong tugon ay tama. Ang isang kaluluwa ay kung gayon nagkakalaman sa isang katawang tao, kasama nito ang alaala tungkol sa Tagapaglikha, ibig sabihin ang tungkol sa Katotohanan, bilang isang batong-hiyas na lihim sa misteryo ng pagiging espirituwal nito. Ang isang sanggol ay naipanganak. Ito ay maaaring maging mabuti, napakabuti o masama. Maaari itong maging kahit na ano sapagkat ito ay pinagkalooban ng malayang kalooban. Ang anghelikal na ministeryo ay nagtatapon ng liwanag sa “mga alaala” nito at ang manunukso kadiliman. Kung ang tao ay naghahangad ng liwanag at kung gayon para sa palaki-nang-palaking birtud, ginagawa ang kanyang kaluluwa na siyang ang panginoon ng kanyang pagiging siya, ang pakultad ng pag-alaala ay lumalaki sa kaluluwa, na tila ang birtud ay ginagawa ang pader na nasa pagitan ng kaluluwa at Diyos na numipis-nang-numipis. Iyan ang dahilan kung bakit ang mabirtud na mga tao sa bawat bansa ay nadarama ang Katotohanan, hindi sa perpektong paraan, dahil sila ay napapapurol ng iba’t ibang mga doktrina o ng malalang kamangmangan, subalit sa sapat na pamamaraan upang makapagbigay ng ilang mga pahina tungkol sa moral na perpeksiyon sa sambayanan kung kanino sila kasapi. Naintindihan mo ba? Kumbinsido ka ba?»

«Oo. Sa pagtatapos, ang relihiyon ng birtud isinasabuhay nang makabayani ay nailalagay ang kaluluwa sa totoong Relihiyon at sa kaalaman tungkol sa Diyos.»

«Eksakto. At ngayon humayo at magpahinga at pagpalain ka sana. At Kayo, rin, Inay, at kayo mga kapatid na babae at mga disipulo. Makapagpahinga sana kayo sa kapayapaan ng Diyos.»

280911

 

 


Sunod na kabanata