29. Ang Kapanganakan ng Ating Panginoong Jesus.

Hunyo 6, 1944.

Nakikita ko pa rin ang loob ng kaawa-awang mabatong silungan, kung saan sina Maria at Jose ay nakatagpo ng kanlungan, nakikibahagi sa kalagayan ng mga hayop.

Ang maliit na apoy ay natutulog na, kasama ang tagapag-alaga nito. Si Maria ay dahan-dahan na itinaas ang Kanyang ulo sa higaan at tumingin-tingin sa kapaligiran. Nakikita Niya na si Jose ay nakatungo ang ulo sa kanyang dibdib, na para siyang nagninilay-nilay, at iniisip Niya na ang kanyang intensiyon na manatiling gising ay napangibabawan ng pagod. Siya ay ngumiting may pagmamahal at gumagawa nang mas kakaunting ingay kaysa sa isang paru-parong bumababa sa isang rosas, Siya ay naupo at pagkatapos lumuhod. Siya ay nananalangin na may napakaligayang ngiti sa Kanyang mukha. Siya ay nananalangin na ang Kanyang mga kamay nakaunat, halos sa porma ng isang krus, na ang mga palad ng Kanyang mga kamay nakaharap sa taas at nakapaharap, at Siya ay tila hindi napapagod sa pusisyong iyon. Siya pagkaraan ay nagpatirapa na ang Kanyang mukha nasa dayami, sa mas lalo pang mainit na pananalangin. Isang mahabang pananalangin.

Si Jose ay nagising. Napuna niya na ang apoy ay halos patay na at ang establero ay halos ganap nang madilim. Nagtapon siya ng sandakot ng napaka-maninipis na tuyόng kahoy sa apoy at ang apoy ay nanumbalik ang sigla, pagkatapos siya ay nagdagdag ng mas makakapal na pilpil at sa huli ilang mga sanga, sapagkat ang lamig ay totoong kumakagat: ang lamig ng isang walang-tigatig na gabi ng taglamig na pumapasok sa gruta mula sa kung saan-saan. Ang kaawa-awang Jose ay maaaring naninigas na sa katayuan niya malapit sa pintuan, kung matatawag natin na pintuan ang butas kung saan ang kanyang manta ang nagsisilbing kurtina. Pinaiinitan niya ang kanyang mga kamay sa apoy, at pagkatapos inalis niya ang kanyang mga sandalyas at pinaiinitan din niya ang kanyang mga paa. Nang ang apoy ay masigla na ang ningas at ang liwanag ay pirmi na, siya ay lumingon. Ngunit wala siyang makitang kahit ano, kahit na ang maputing talukbong ni Maria na nakagagawa ng malinaw na linya sa madilim na dayami. Siya ay tumayo at dahan-dahan na kumilos patungo sa higaan ni Maria.

«Hindi Ka ba natutulog, Maria?» tanong niya.

Tinanong niya Siya nang tatlong beses hanggang sa Siya ay lumingon at sumagot: «Ako ay nagdarasal.»

«Mayroon Ka bang kailangan na kahit ano?»

«Wala, Jose.»

«Sikapin at matulog Ka kahit kaunti. Subukan Mo man lamang at magpahinga.»

«Susubukan Ko. Ngunit hindi Ako napapagod magdasal.»

«Ang Diyos ay sumaiyo, Maria.»

«At sa iyo rin, Jose.»

Si Maria ay pinagpatuloy ang Kanyang pusisyon. Si Jose upang maiwasan ang makatulog, ay lumuhod malapit sa apoy at nagdarasal. Siya ay nananalangin na ang kanyang mga kamay nakadiin sa kanyang mukha. Inaalis niya ito paminsan-minsan upang gatungan ang apoy at pagkatapos pinagpapatuloy niya ang kanyang marubdob na pusisyon. Maliban sa ingay ng pamitik-mitik ng mga sangang nasa apoy at ng ingay na nagagawa paminsan-minsan ng asnong pumapadyak sa lupa, wala nang iba pang tunog ang maririnig.

Ang isang manipis na sinag ng buwan ay gumagapang galing sa isang bitak sa arko at ito ay tila isang uhay ng di-makalupang pilak na hinahanap si Maria. Ito ay humahaba habang ang buwan ay umaakyat nang mas matingkad sa kalawakan at sa wakas narating si Maria. Ito ngayon ay nasa Kanya nang ulo, kung saan ito ay nagkakaporma ng isang koronang sinag ng purong liwanag.

Si Maria ay itinaas ang Kanyang ulo, na tila Siya ay nagkaroon ng isang selestiyal na tawag, at Siya ay bumangon at lumuhod muli. O! Gaano na kaganda ngayon dito! Itinaas Niya ang Kanyang ulo, at ang Kanyang mukha ay nagningning sa maputing sinag ng buwan at nagbago ang Kanyang anyo sa pamamagitan ng isang sobrenatural na ngiti. Ano ang Kanyang nakikita? Ano ang Kanyang naririnig? Ano ang Kanyang nararamdaman. Tanging Siya lamang ang makapagsasabi kung ano ang Kanyang nakita, narinig at naramdaman sa loob ng oras ng napakaliwanag na kaningningan ng Kanyang Maternidad. Ang nakikita ko lamang ang liwanag sa paligid Niya ay paningning nang paningning. Ito ay tila nanggagaling sa Langit, upang lumitaw mula sa lahat na mga abang bagay na nakapaligid kay Maria, higit sa lahat ito ay tila nanggagaling kay Maria mismo.

Ang Kanyang madilim na asul na damit ay ngayon tila isang maputlang myosotis na asul, at ang Kanyang mga kamay at mukha ay nagiging malinaw na asul na tila ito ay inilagay sa gitna ng ningning ng isang malaking maputlang sapiro. Ang kulay na ito ay pakalat nang pakalat sa mga bagay sa paligid Niya, tinatakpan nito ang mga ito, pinadadalisay ang mga ito at pinaniningning ang lahat. Ito ay nagpapaalaala sa akin, bagama't ito ay mas medyo malambot, ng kulay na aking nakita sa bisyon ng banal na Paraiso, at ng kulay din na nakita ko sa pagdalaw ng tatlong Mago.

Ang liwanag ay sumisinag nang palakas nang palakas mula sa katawan ni Maria, sinisipsip nito ang sinag ng buwan. Tila pinapupunta Niya sa Kanyang Sarili ang lahat na liwanag na nakabábaba mula sa Langit. Siya ngayon ay ang Depositoryo ng Liwanag. Kailangang ibigay Niya ang Liwanag na ito sa mundo. At ang napaka kalugud-lugod, di-mapipigilan, di-masusukat, eternal, dibinong Liwanag na ito na malapit nang ibigay, ay ipinamamalita ng isang bukang-liwayway, ng isang tala sa umaga, ng isang koro ng mga atoma ng Liwanag na patuloy na lumalaki katulad ng paglaki ng tubig sa dagat, at tumataas pa nang tumataas katulad ng insenso, at bumababang katulad ng isang malaking ilog at lumalawak katulad ng mga talukbong…

Ang arko, punό ng mga bitak, ng mga sapot ng lawa, ng mga umuusling eskombro na binalanse ng himala ng pisika, ang madilim, mausok na maagiw na arko, ay ngayon tila kisame ng makaharing bulwagan. Ang bawat malaking bato ay isang bloke ng pilak, ang bawat bitak isang opalong kislap, ang bawat sapot isang pinakamamahaling habong na hinaluan ng plata at mga diyamante. Ang isang malaking butiki, na nag-iiberna sa pagitan ng dalawang bato, ay tila isang esmeraldang hiyas na nawaglit doon ng isang reyna: at ang isang kumpol ng nag-iibernang mga paniki ay katulad ng isang mamahaling onise na tsandelyer. Ang mga dayami sa mas mataas na sabsaban ay hindi na mga uhay ng damo: ito ay purong platang mga uhay na nanginginig sa hangin na may ganda ng galaw ng buhaghag na buhok.

Ang maitim na kahoy ng mas mababang sabsaban ay isang bloke ng pinakinis na plata. Ang mga pader ay natatakpan ng isang brokado kung saan ang maputing seda ay nawawala sa ilalim ng malaperlas na pampa-alsang burda, at ang lupa… ano na ang lupa ngayon? Ito ay isang kristal na pinaliwanagan ng isang maputing liwanag. Ang mga naka-usli ay katulad ng mga rosas na isinabog bilang parangal ng lupa; ang mga butas ay mamahaling puswelo mula kung saan ang mga pabango at mga amoy ay doon lalabas.jesus birth

³At ang liwanag ay tumitingkad pa nang tumitingkad. Ngayon ito ay hindi na matatagalan ng mata. At ang Birhen ay nawawala sa labis na liwanag, na tila Siya ay sinipsip ng maputing nakasisilaw na kurtina… at ang Ina ay lumitaw.

Oo. Nang ang liwanag ay matititigan na ng aking mga mata, nakita ko si Maria kasama ang kapapanganak pa lamang na Sanggol na nasa Kanyang mga bisig. Isang maliit na Sanggol, malarosas at bilugan, malikot sa Kanyang maliliit na kamay na kasing laki ng mga buko ng rosas at isinisipa ang Kanyang maliliit na paa na maaaring mailagay sa loob ng kopa ng puso ng rosas: at umiiyak na may matinis na nanginginig na tinig, katulad-na-katulad ng bagong panganak na tupa, ibinubuka ang Kanyang marikit na maliit na bunganga na nakakahawig ng isang ligaw na istroberi, at ipinakikita ang isang munting dila na nanginginig sa malarosas na bubungan ng Kanyang bibig. At iginagalaw ang Kanyang maliit na ulo na napaka-olandesa na tila ito ay walang buhok, isang maliit na bilugang ulo na hawak-hawak sa uka ng palad ng Kanyang Ina, Na tinitingnan ang Kanyang Anak at sinasamba nang umiiyak at ngumingiti, at niyuyukuan upang halikan hindi sa Kanyang inosenteng ulo, bagkus sa gitna ng Kanyang dibdib, kung saan ay naroroon ang Kanyang munting puso na pumipintig para sa atin… kung saan isang araw ay magkakaroon ng Sugat. At ang Kanyang Ina ay ginagamot ang sugat na iyan bago pa man, sa pamamagitan ng Kanyang imakuladang halik.

Ang toro, na nagising ng nakasisilaw na liwanag, ay tumayo na may malakas na ingay ng mga paa at ng mga singhal, ang asno ay inilingon ang ulo at nag-ingay din. Ang liwanag ang gumising sa kanila ngunit gusto kong isipin na ibig nilang bumati sa kanilang Tagapaglikha. Kapwa para sa kanilang mga sarili at para sa lahat na mga hayop.

⁴Si Jose din, na halos nakikipagtalik sa lubos na kaligayahan, nananalangin nang marubdob upang siya’y nakalimot kung ano ang nasa kanyang kapaligiran, ay ngayon nagkamalay at nakita niya ang kakaibang liwanag na tumatagos sa pagitan ng mga daliri ng kanyang mga kamay na nakadiin sa kanyang mukha. Inalis niya ang kanyang mga kamay, itinaas ang kanyang ulo at lumingon. Ang toro, na nakatayo katulad ngayon, ay natatakpan si Maria. Ngunit tinawag siya ni Maria: «Jose, halika.»

Si Jose ay nagmadali. At noong makita niya, siya ay tumigil, napigilan ng pagpipitagan, at luluhod na siya sa kanyang kinaroroonan. Ngunit si Maria ay nagpumilit: «Halika, Jose» at Siya ay sumandal sa dayami sa pamamagitan ng Kanyang kaliwang kamay at, hawak ang Sanggol nakadikit sa Kanyang puso sa pamamagitan ng Kanyang kanang kamay, Siya ay tumayo at kumilos papalapit kay Jose, na naglalakad na napapahiya, gawa ng pagtatalo sa loob niya ng kanyang pagnanais na lumapit at ng kanyang takot na baka siya’y mawalan ng paggalang.

Sila ay nagtagpo sa paanan ng dayaming higaan at sila ay nagkatinginan, umiiyak na masaya.

«Halika, ialay natin si Jesus sa Ama» sabi ni Maria. At habang si Jose ay nakaluhod, si Maria ay tumayo sa pagitan ng dalawang haligi na sumusuporta sa arko, itinaas ng Kanyang mga kamay ang Kanyang Anak at nagsabi: «Naririto Ako, sa katauhan Niya, O Diyos, binibigkas Ko ang mga salitang ito sa Inyo: naririto Ako upang gawin ang Inyong kalooban. At Ako, si Maria, at ang Aking esposo, si Jose, kasama Siya. Naririto ang Inyong mga lingkod, O Panginoon. Harinawang magawa namin lagi ang Inyong kalooban, sa bawat oras, sa bawat pagkakataon, para sa Inyong kaluwalhatian at sa Inyong pagmamahal.»

Pagkatapos si Maria ay yumuko at nagsabi: «Naririto, Jose, kunin mo Siya, at ialay mo Siya sa Diyos.

«Ano! Ako?... Ako?... O, hindi! Hindi ako karapat-dapat!» si Jose ay ganap na natitigilan sa ideang ito na hawakan ang Diyos.

Ngunit si Maria ay namimilit ngumingiti: «Ikaw ay sapat na karapat-dapat. Walang ibang mas karapat-dapat kaysa sa iyo, kung kaya’t ikaw ang pinili ng Kataastaasan. Kunin mo Siya, Jose, at hawakan mo Siya habang hinahanap Ko ang Kanyang mga lampin.»

Si Jose, namumula halos purpura, ay itinaas ang kanyang mga kamay at kinukuha ang Sanggol, Na sumisigaw sa lamig, at nang Siya ay nasa kanya nang mga kamay, hindi na siya namilit na hawakan nang malayo ang Sanggol, dala ng paggalang, bagkus idiniin niya Siya sa kanyang puso at sumambulat sa pagluha sumisigaw: «O! Panginoon! Aking Diyos!» At siya ay yumuko upang halikan ang Kanyang maliliit na paa at naramdaman niya na Siya ay giniginaw. Maya-maya siya ay naupo sa lupa, at idiniin niya Siya sa kanyang puso at sa pamamagitan ng kanyang kulay-kapeng tunika at ng kanyang mga kamay sinisikap niyang matakpan niya Siya, at mapainitan, ipinagsasanggalang Siya sa labis na nangangagat-na-lamig ng hanging gabi. Ibig niyang makalapit sa apoy, ngunit may malamig na hihip ng hanging nanggagaling sa pintuan. Mas mabuti nang manatili sa kinaroroonan niya ngayon. Hindi, bagkus, mas mabuti nang pumunta sa pagitan ng dalawang hayop na magsisilbing proteksiyon laban sa hangin at sila ang magbibigay ng karagdagang init. Kung kaya’t siya ay pumunta sa pagitan ng toro at ng asno, ang kanyang likod nakaharap sa pintuan, niyuyukuan ang Bagong-Panganak upang ang kanyang katawan ay maporma na siyang panilungan Nito na sa isang tabi ay ang kulay-abong ulo na may mahahabang tainga, at sa kabila ang malapad na maputing nguso na may umuusok na ilong at may dalawang magiliw na malalambot na mata.

⁵Nabuksan ni Maria ang kaban at nakakuha Siya ng mga linen at mga lampin. Kanina pa Siya sa apoy pinaiinitan ang mga ito. Ngayon Siya’y lumapit kay Jose at binabalot ang Bata sa mainit-init na linen at sa pamamagitan ng Kanyang talukbong upang maprotektahan ang ulo ng Bata. «Saan na natin Siya ilalagay ngayon?» tanong ni Maria.

Si Jose ay tumingin-tingin sa kapaligiran, nag-iisip… «Sandali lang» sabi niya. «Ilagay natin ang mga hayop at ang mga dayami sa banda roon, pagkatapos ibababa natin ang mga dayami mula sa itaas na ito at ayusin ito rito. Ang kahoy sa tabi nito ay mapoprotektahan Siya sa hangin, ang dayami ay magsisilbing unan at ang toro ay mapaiinitan Siya nang kaunti sa pamamagitan ng hininga nito. Ang toro ay mas mabuti kaysa sa asno. Iyan ay mas mapasyensiya at mas tahimik.» At siya ay kumilos kaagad, habang pinatutulog ni Maria ang Sanggol, hawak Siya nakadikit sa Kanyang puso at inilalapat ang Kanyang pisngi sa munting ulo upang painitan ito.

Si Jose ay inaayos ang apoy, nang wala nang pagtitipid ngayon, upang magkaroon ng magandang ningas, at pinaiinitan niya ang mga dayami upang matuyo ito, idinidikit niya ito sa kanyang dibdib, upang hindi ito lumamig. Pagkaraan, nang siya ay nakalikom na ng sapat upang makagawa ng maliit na kutson para sa Bata, pumunta siya sa sabsaban at inaayos ito na tila ito ay isang kuna. «Handa na ito» sabi niya. «Ngayon kailangan natin ang isang blanket, sapagkat ang dayami ay nakakatusok, at para din matakpan Siya.»

«Kunin mo ang Aking manta» sabi ni Maria.

«Giginawin Ka.»

«O! Hindi na bale iyan! Ang blanket ay napakagaspang. Ang manta ay malambot at mainit. Ako ay hindi man lang giniginaw. Huwag na natin Siyang papaghirapin pa nang matagal!»

Kinuha ni Jose ang malapad na malambot na kulay asul na manta, pinagdalawang tiklop ito at inilatag sa dayami, nag-iiwan ng kapirasong nakalaylay sa sabsaban. Ang unang kama ng Tagapagligtas ay handa na.

At ang Ina, nang may kayumihan at kagiliwan, ay lumapit sa sabsaban, inilapag ang Bata rito, at tinakpan Siya ng nakalaylay na manta. Inaayos din Niya ito sa paligid ng walang-saplot na ulo ng Bata, Na halos natatakpan ng mga dayami, napoprotektahan lamang ng manipis na talukbong ni Maria. Tanging ang maliit na ulo lamang ng Bata, na kasing laki lamang ng kamao ng isang lalaki, ang walang takip. Si Maria at si Jose, niyuyukuan ang sabsaban, ay malugod na masayang pinagmamasdan ang Bata na natutulog sa unang pagkakataon, sapagkat ang init ng mga damit at ng dayami ay napatigil ang Kanyang pag-iyak, at nagawa Siyang antukin.

                                                          ----------------------------------------------

mary sinab 

⁶Sinasabi ni Maria:

«Pinangako Ko sa iyo na Siya ay darating upang dalhin sa iyo ang Kanyang kapayapaan. Naaalaala mo ba ang kapayapaan na kinalugdan mo noong Pasko! Nang makita mo Ako kasama Ko ang Aking Anak? Noon ay ang iyong panahon ng kapayapaan. Ngayon ay ang panahon mo ng kirot. Ngunit alam mo na ito sa ngayon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit nakakamtan natin ang kapayapaan at ang bawat grasya para sa ating sarili at sa ating mga kapwa. Si Jesus-Tao ay naging Jesus-Diyos muli, pagkaraan ng grabeng paghihirap sa Kanyang Pasyon. Siya ay naging Kapayapaan, muli. Kapayapaan mula sa Langit, kung saan Siya nagmula at mula kung saan Kanyang ibinubuhos ngayon ang Kanyang kapayapaan para sa mga nagmamahal sa Kanya sa mundo. Ngunit sa mga oras ng Kanyang Pasyon, Siya, Kapayapaan ng mundo, ay pinagkaitan ng kapayapaang iyan. Hindi sana Siya naghirap kung noon Siya ay nagkaroon nito. At kinailangan Niya noon na maghirap: at maghirap nang masakit na masakit, hanggang sa pinakadulo.

⁷Ako, si Maria, ay tinubos ang babae sa pamamagitan ng Aking dibinong Maternidad. Ngunit iyon ay ang pasimula lamang ng panunubos sa babae. Sa pagtanggi sa isang kasal pantao sang-ayon sa Aking panata ng pagiging birhen, tinalikuran Ko ang lahat na mahalay na mga kasiyahan, nagiging karapat-dapat kung gayon ng grasya mula sa Diyos.

Ngunit iyon ay hindi pa sapat, sapagkat ang kasalanan ni Eba ay isang may apat na sangang punungkahoy: pagmamalaki, kasakiman, katakawan at pananabik. At ang lahat na apat na ito ay kailangan na maputol, bago magawang baog ang mga ugat ng punungkahoy.

⁸Sa labis na pagpapahiya Ko sa Aking Sarili, natalo Ko ang pagmamalaki.

Pinabába Ko ang Aking Sarili sa harapan ng lahat. Hindi Ko tinutukoy ang Aking kababaang-loob sa Diyos. Ang gayong kababaang-loob ay karapat-dapat na ibigay sa Kataastaasan ng bawat nilikha. Kahit na ang Kanyang Salita ay mayroon nito. Kinakailangan para sa Akin, na isang babae, na magkaroon nito. Ngunit naisip ba ninyo kailanman kung anong panghihiya ang kinailangan Kong sapitin mula sa mga tao, nang hindi Ko ipinagtatanggol ang Aking Sarili sa  kahit anumang paraan?

Kahit na si Jose, na isang makatarungang tao, ay inakusahan Ako sa kanyang puso. Ang iba, na hindi makatarungan, ay nakagawa ng kasalanan ng panghahamak sa Aking kalagayan, at ang katatawanan ng kanilang mga salita ay nakaabot katulad ng isang mapait na alon upang sumabog laban sa Aking pagkatao. At ang mga ito ay ang una sa walang-hangganang panghihiya na daranasin Ko sa Aking buhay bilang Ina ni Jesus at ng sangkatauhan.

Mga panghihiya ng karukhaan, ng isang repuhiyado, mga panghihiya dahil sa mga paninisi ng mga kamag-anak at ng mga kaibigan na, dahil hindi nila nalalaman ang katotohanan,  hinusgahan Akong isang mahinang babae magpatungkol sa Aking asal bilang isang Ina kay Jesus, noong Siya ay isa pa lamang bata-pang lalaki, mga panghihiya sa loob ng tatlong taon ng Kanyang pakikihalubilo sa publiko, malupit na panghihiya sa loob ng oras sa Kalbaryo, panghihiya na kailangan Kong tanggapin na hindi Ko kayang bumili ng isang lugar at ng mga pabango para sa libing ng Aking Anak.

⁹Napangibabawan Ko ang kasakiman ng Unang mga Magulang tinatalikdan ang Aking Anak bago pa man ang oras.

Ang isang ina ay hindi niya kailanman tatalikdan ang kanyang anak maliban kung siya ay pinipilit. Maging kung ang pakiusap sa kanyang puso na talikdan ang kanyang anak ay gawa ng kanyang bansa o kaya ng pagmamahal ng isang esposo o kahit ng Diyos mismo, ikasasama niya ito ng loob at lalabanan ang paghihiwalay. Ito ay natural. Ang isang anak ay lumalaki sa ating sinapupunan at ang tali na nag-uugnay sa kanya sa atin ay hindi kailanman ganap na napuputol. Kahit na kung ang pusod ay pinutol, may nerbiyo na laging nananatili: ito ay nanggagaling sa puso ng isang ina at nakatanim sa loob ng puso ng anak: ito ay isang espirituwal na nerbiyo, mas buháy at sensitibo kaysa sa pisikal na nerbiyo. At ang isang ina ay mararamdaman na ito ay nababanat kahit hanggang sa napaka matinding kirot kung ang pagmamahal ng Diyos o ng isang nilikha o ang pangangailangan ng isang bansa ay inilalayo ang kanyang anak sa kanya. At ito ay mapuputol, napupunit ang kanyang puso, kung ang kamatayan ay kinuha ang kanyang anak mula sa kanya.

At tinalikdan Ko ang Aking Anak mula pa sa simula’t simula noong Siya ay mapasaakin. Ibinigay Ko Siya sa Diyos. Ibinigay Ko Siya sa inyo. Pinagkaitan Ko ang Aking sarili ng Bunga ng Aking sinapupunan upang makapagbayad para sa pagnanakaw ni Eba ng prutas ng Diyos.

¹⁰Natalo Ko ang katakawan, kapwa sa kaalaman at sa kaluguran, sa pamamagitan ng pagsang-ayon na malaman lamang kung ano ang gusto ng Diyos na malaman Ko, nang hindi nagtatanong sa Aking sarili o sa Kanya ng higit pa sa sinabi na sa Akin. Ako ay naniwalang walang tanung-tanong. Napangibabawan Ko katutubong personal na kasiyahan sa kaluguran sapagkat ipinagkait Ko sa Aking sarili ang bawat sensuwal na kasarapan. Pinanatili Ko ang laman, ang instrumento ni Satanas, kasama si Satanas, sa ilalim ng Aking sakong at ginawa Ko silang isang tuntungan upang makataas sa Langit. Ang Langit! Ang Aking pinupuntirya. Kung saan naroroon ang Diyos. Ang tangi Kong kagutuman. Isang kagutuman na hindi katakawan, bagkus isang pangangailangan na pinagpalà ng Diyos, Na ibig tayong manabik para sa Kanya.

¹¹Natalo Ko ang kahalayan na isang katakawan na dinala sa sukdulan na kasakiman. Sapagkat ang bawat walang-pagpipigil na bisyo ay nagdadala sa mas malaking bisyo. At ang katakawan ni Eba, na isa nang kasisi-sisi, ay dinala siya sa kahalayan. Hindi na naging sapat para sa kanya na kalugdan ang kasiyahan nang siya lamang. Ginusto niyang madala ang kanyang krimen sa isang pinong kainitan at kung gayon nalaman niya ang kahalayan at siya ang sinyora ng kahalayan para sa kanyang kasa-kasama.

Binaligtad Ko ang sistema at sa halip na bumaba Ako, Ako ay laging tumataas. Sa halip na gawin ang ibang mga tao na bumaba, lagi Ko silang inaakit patungo sa Langit: ang matapat Kong kasa-kasama, nagawa Kong isang anghel.

Ngayon na taglay Ko ang Diyos at ang Kanyang walang-hangganang kayamanan kasama Niya, nagmadali Akong hubaran ang Aking Sarili nito nagsasabing: “Naririto Ako: mangyari sana ang Inyong kalooban para sa Kanya at sa pamamagitan Niya”. Siya ay basal na kinakastigo hindi lamang ang kanyang laman bagkus pati ang kanyang mga damdamin at kanyang mga naiisip. Ako ay kinailangan na maging ang Basal na Isa upang mapawalang-bisa ang Isa na naging Di-Basal sa kanyang laman, sa kanyang puso at sa kanyang isip. At hindi Ko kailanman kinalimutan ang Aking pagkamatimpiin, ni kahit sa pagsasabi tungkol sa Aking Anak: “Siya ay Akin, kailangan Ko Siya”, sapagkat Siya ay sa Akin lamang sa lupa, katulad na Siya ay sa Diyos lamang sa Langit.

¹²Subalit ang lahat na ito ay hindi pa sapat upang kamtin para sa babae ang kapayapaan na winala ni Eba. Nakuha Ko ito para sa inyo sa paanan ng Krus: noong makita Ko Siyang namamatay, Siya na iyong nakikitang pinanganganak. Noong maramdaman Ko ang Aking mga bituka na pinaghihiwalay gawa ng sigaw ng Aking namamatay na Anak, nawalan Ako ng lahat ng kahinhinan ng pagkababae. Ako ay hindi na laman, bagkus isang anghel. Si Maria, ang Birheng Esposa ng Espiritu, ay namatay sa sandaling iyon. Ang Ina ng Grasya ang nanatili, Na nagbigay sa inyo ng Grasya Na Kanyang pinanganak mula sa pahirap sa Kanya. Ang babaeng muling ikinunsagra Ko na “babae” noong gabi ng Pasko, ay nakamtan Niya sa paanan ng Krus ang pamamaraan upang maging isang nilikha ng Langit.

Ito ang ginawa Ko para sa inyo, pinagkakaitan ang Aking Sarili ng lahat na mga kasiyahan, kahit ng mga banal na kasiyahan. At samantalang kayo ay pinabába ni Eba sa pagiging mga babae na hindi superyor sa mga katalik ng mga hayop, ginawa Ko kayong, kung gugustuhin lamang ninyo, mga santa ng Diyos. Ako ay tumaas para sa inyo. Katulad ng ginawa Ko para kay Jose. Itinaas Ko kayo sa mas mataas pa. Ang bato ng Kalbaryo ay ang Aking Mount of Olives. Mula roon ginawa Ko ang Aking talón upang madala sa Langit ang muling-napabanal na kaluluwa ng babae kasama ang Aking laman, ngayon maluwalhati sapagkat dinala nito ang Salita ng Diyos at sinira nito sa loob Ko ang pinakahuling bakás ni Eba. Sinira nito ang huling ugat ng púno na iyon na may apat na nakalalasong sanga, ang ugat na nakasiksik sa loob ng sensuwalidad na siyang kumaladkad sa sangkatauhan na bumagsak at mananatiling mangangagat sa inyong mga bituka hanggang sa katapusan ng panahon at hanggang sa huling babae. Mula roon, kung saan Ako ngayon ay nagniningning sa loob ng sinag ng Pag-ibig, tinatawagan Ko kayo at pinapakita Ko sa inyo ang Gamot na mapigilan ang inyong mga sarili: Ang Grasya ng Aking Panginoon at ang Dugo ng Aking Anak.

¹³At ikaw, Aking tinig, ipahinga ang iyong kaluluwa sa loob ng liwanag ng bukang-liwayway ni Jesus, upang makakuha ng lakas para sa mga pagpapako sa krus sa hinaharap na hindi ipagpapaliban sa iyo, sapagkat gusto ka namin dito at ang isa ay nakapupunta rito sa pamamagitan ng kirot, sapagkat gusto ka namin dito at habang mas nakatataas ang isa mas lalo pang kailangan niyang maghirap upang makakuha ng Grasya para sa mundo.

Humayo sa kapayapaan. Ako ay kasama mo.»

(138) 170610/031213/033113

Sunod na kabanata.