290. Papunta sa Bozrah.

Setyembre 30, 1945.

Tama ang mangangalakal. Ang Oktubre ay hindi na makapagbibigay sa mga peregrino ng mas maganda pang araw. Pagkatapos na mapaalis ng araw ang kalabuan na nagtatakip sa kabukiran, na tila ang kalikasan ay naglatag ng isang talukbong sa natutulog na mga tanim sa gabi, ang kabukiran ay lumitaw sa masolemneng nilinang na mga bukid pinaiinitan ng araw. Ang ulap ay tila nag-ipun-ipon sa isang malayong mga tuktok ng bundok ginagayakan ito ng isang nasisinag na bula, kung gayon pinalulumanay pa sa harapan ng mapanatag na kalangitan.

«Ano ang mga iyon? Mga bundok na ating aakyatin?» tanong ni Pedro nang matigatig.

«Hindi. Iyan ay ang mga bundok ng Hauran. Mapupunta tayo sa kapatagan, sa tabi ng mga bundok. Bago gumabi tayo ay mapupunta sa Bozrah sa Hauran. Isang magandang mabuting bayan. Mas maraming kalakalan» sabi ng mangangalakal pinasisigla si Pedro at pinupuri ang bayan, tinitingnan, katulad ng dati, ang pag-unlad ng komersiyo bilang ang pamantayan ng ganda ng isang lugar.

Si Jesus ay nag-iisa, sa likuran, katulad ng gusto Niyang gawin kung minsan kapag ibig Niya. Si Marjiam ay lumilingon nang makailang beses tinitingnan Siya. Nang hindi na niya matagalan, iniwan niya si Pedro at si Santiago ni Zebedeo, naupo siya sa gilid ng daan, sa ibabaw ng isang bato na maaaring isang pangmilitar na tanda ng Roma, at naghihintay. Nang si Jesus ay katapat na niya, ang bata ay tumayo at na hindi nagsasalita tumabi siya sa Kanya, nananatiling medyo naiiwanan upang hindi niya Siya maistorbo, at pinagmamasdan Siya…

At nagpatuloy siya sa pagmasid hanggang makalabas si Jesus sa Kanyang pagninilay-nilay at tumalikod nang marinig ang magaang yapak sa Kanyang likuran at Siya ay ngumiti inuunat ang Kanyang kamay patungo sa bata at nagsabi: «O! Marjiam! Ano ang ginagawa mo rito nag-iisa?»

«Tinitingnan ko Kayo. Mga ilang araw ko na Kayong tinitingnan. Ang lahat ay may mga mata ngunit hindi lahat nakakakita ng pare-parehong mga bagay. Napuna ko paminsan-minsan na ibig Ninyong nag-iisa… Nang mga unang araw akala ko nasaktan Kayo ng kung anong bagay. Pagkatapos napuna ko na lagi Ninyo iyan ginagawa sa dating oras at na ang Inay, Na laging nagpapaginhawa sa Inyo kapag Kayo ay malungkot, ay walang sinasabi sa Inyo kapag ang hitsura Ninyo ay katulad niyan. Sa kabaligtaran, kung nagkataon na Siya ay nagsasalita, Siya ay nagiging tahimik at lulublob sa pagninilay-nilay. Napupuna ko ang mga bagay, alam Ninyo? Sapagkat Kayo at Siya ay lagi kong tinitingnan, upang magawa ang Inyong ginagawa. Tinanong ko ang mga apostol kung ano ang Inyong ginagawa, sapagkat tiyak na may ginagawa Kayo. Sinabi nila sa akin: “Siya ay nagdarasal”. At tinanong ko sila: “Ano ang Kanyang sinasabi?” Walang tumugon, sapagkat hindi nila alam. Kasama na Ninyo sila sa loob ng ilang taon, at hindi nila alam. Ngayon sinusundan ko Kayo sa tuwing nakikita ko ang hitsurang ganyan at pinagmamasdan ko Kayo habang Kayo ay nagdarasal. Ngunit ang Inyong hitsura ay hindi laging pareho. Ngayong umaga, sa pagsikat ng araw, kamukha Ninyo ang isang maningning na anghel. Tinitingnan Ninyo ang mga bagay nang may gayong ningning ng mga mata na sa palagay ko nakapagpapaalis ng kadiliman nang higit pa kaysa sa nagagawa ng araw. At tinitingnan Ninyo ang mga bagay at ang mga tao nang ganyan. At pagkatapos titingnan Ninyo ang kalangitan at ang Inyong mukha ay magiging katulad ng kapag Kayo ay nag-aalay ng tinapay sa mesa. Pagkatapos, nang ating tinatawid ang maliit na nayon na iyon, Kayo ay nananatiling nag-iisa, sa likuran, at Kayo ay tila sa akin isang ama, dahil gustung-gusto Ninyo na makapagsalita ng mababait na salita sa mahihirap na tao sa nayon, habang dumaraan. Sinabi Ninyo sa isa: ”Tiisin mo ang inyong kahirapan nang may pasyensiya, sapagkat malapit Ko na kayong paginhawahan at ang iba pang katulad mo”. Siya ay ang alipin ng masamang taong iyon na nagpadala ng kanyang mga aso para sa amin. Pagkatapos, habang ang mga pagkain ay inihahanda, tinitingnan Ninyo kami nang may mga matang punung-puno ng pagmamahal. Kamukha Ninyo ang isang ina… Ngunit ang Inyong hitsura ay ngayon nakapamimighati… Ano ang Inyong iniisip, Jesus, kapag Kayo ay laging ganyan?... Ngunit sa gabi din, kung minsan, kung ako ay hindi tulog, nakikita ko na Kayo ay seryosong-seryoso. Maaari ba Ninyong sabihin sa akin kung papaano Kayo nagdarasal, bakit Kayo nagdarasal?»

«Siyempre, sasabihin Ko sa iyo. Upang ikaw ay makapagdasal kasama Ko. Ang araw ay ibinigay sa atin ng Diyos. Ang buong araw: ang maningning na araw at ang madilim na araw: ang araw at gabi. Iyan ay isang regalo na pamuhayan at magkaroon ng liwanag. Ang ating pamamaraan ng pamumuhay ay isang pamamaraan ng pagpapabanal. Tama ba iyon? Kung gayon kailangan natin na pabanalin ang mga sandali ng buong araw, ang magpursige sa kabanalan at mapasa-puso natin ang Kataastaasan at ang Kanyang kagandahang-loob, at mapanatili din na malayo ang Dimonyo. Pagmasdan ang maliliit na ibon. Sila ay umaawit sa pagsikat ng araw. pinagpapalà nila ang gabi. Atin din dapat na pagpalain ang liwanag, sapagkat iyan ay isang regalo ng Diyos, at kailangan natin na pagpalain ang Diyos Na siyang nagkakaloob sa atin nito at Siyang ang Liwanag. Kailangan na mithiin natin ang Diyos mula sa pagsikat ng araw upang makapaglagay ng selyo, isang nota ng liwanag sa buong parating na araw, na ito ay sana maging ganap na maningning at banal. At kailangan natin na samahan ang buong sangnilikha sa pagpupuri sa Tagapaglikha. Pagkatapos, habang dumaraan ang mga oras, at habang tayo ay nagpapatuloy dito ginagawa nila na malaman natin kung gaanong kapighatian at kamangmangan ang nasa mundo, tayo ay kailangan na magdasal muli na sana ang kapighatian ay mapagaanan at ang kamangmangan mawala at ang Diyos makilala, mahalin at pagdasalan ng lahat ng mga tao, na, kung makilala nila, sila ay mapagiginhawahan sa kanilang mga kahirapan. At sa ikaanim na oras kailangan natin na magdasal dala ng pagmamahal para sa ating pamilya, upang kalugdan ang regalo ng pagiging nakakasama ang ating mga minamahal. Iyan ay isang regalo rin ng Diyos. At kailangan natin na magdasal na sana ang ating pagkain, sa halip na maging kapaki-pakinabang, ay hindi sana maging dahilan ng pagkakasala. At sa paglubog ng araw tayo ay nagdarasal isinasaisip na ang kamatayan ay ang di-maiiwasan na katapusan na naghihintay para sa ating lahat. At kailangan natin na magdasal na sana ang ating katapusan, maging ito man ay ngayon o sa darating na mga araw, ay sana mangyari na ang ating mga kaluluwa ay nasa grasya. At kapag ang mga lampara ay sinindihan, kailangan natin na magdasal upang magpasalamat para sa araw na natapos at upang manghingi ng proteksiyon at kapatawaran, upang tayo ay sana makatulog na walang anumang pagkatakot sa biglaang hukom o pang-aatake ng dimonyo. At panghuli, kailangan natin na magdasal sa gabi – ngunit ito ay para lamang sa mga adulto – upang makabayad para sa mga kasalanan sa gabi, mailayo si Satanas sa mahihinang tao, at na sana ang mga nagkakasala ay mag-isip, magsisi at gumawa ng mabubuting remedyo na magiging tunay na mga pangyayari sa pagsikat ng araw.”

«Ngunit hindi Ninyo sinabi sa akin kung bakit Kayo subsob-na-subsob, seryosong-seryoso at mapangibabaw sa ikasiyam¹ na oras…»

«Sapagkat… sasabihin Ko: “Sa pamamagitan ng Sakripisyo ng oras na iyan, gawin na ang Inyong Kaharian ay dumating sa mundo at sana ang lahat na naniniwala sa Inyong Salita ay matubos”. Sabihin mo rin iyan mismo…»

«Anong sakripisyo iyan? Sinabi Ninyo na ang insenso ay inaalay sa umaga at sa gabi, at ang mga biktima sa gayon ding oras, araw-araw, sa altar ng Templo. At na ang mga biktima para sa mga panata at pagbabayad-kasalanan ay inaalay sa kahit anong oras. Wala diyan binabanggit ng isang espesyal na ritwal para sa ikasiyam na oras.»

Si Jesus ay tumigil at kinuha ang bata sa dalawang kamay, at itinataas siya hawak sa harapan Niya Mismo, at na tila nagbibigkas ng isang salmo, na ang Kanyang mukha nakatingala, sinabi Niya: «”At sa pagitan ng ikaanim at ikasiyam na oras, Siya Na dumating bilang Tagapagligtas at Tagapagtubos, Siya na Siyang binabanggit ng mga propeta, ay pangyayarihin ang Kanyang Sakripisyo pagkatapos na kainin ang mapait na tinapay ng pagtataksil at pagkatapos na maibigay ang matamis na Tinapay ng Buhay, pagkatapos na durugin ang Kanyang Sarili katulad ng mga ubas sa isang tangke at patirin ng Kanyang buong pagkatao ang pagkauhaw ng mga tao at mga tanim, at gumawa para sa Kanyang Sarili ng isang Maharlikang purpura sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo, at isuot ang isang korona at hawakan ang setro, at dalhin ang Kanyang trono sa mataas na lugar, upang ang Zion at Israel at ang mundo ay sana makita ito. Naitaas sa purpurang damit ng Kanyang di-mabilang na mga sugat, sa loob ng kadiliman upang makapagbigay ng Liwanag, sa loob ng kamatayan upang makapagbigay ng Buhay, Siya ay mamamatay sa ikasiyam na oras at ang mundo ay matutubos”.»

Si Marjiam ay nahintakutan at namutla at tiningnan Siya nang may dismayadong mga mata at nanginginig na mga labì nasa punto ng pagsabog ng mga luha. Nang may paputul-putol na tinig sinabi niya: «Ngunit Kayo ang Tagapagligtas! Kung gayon mamamatay ba Kayo sa oras na iyan?» Ang mga luha ay nagsimulang dumaloy sa kanyang mga pisngi at ang kanyang maliit na bunganga ay sinisipsip ang mga ito, habang naghihintay siya ng isang pagtanggi.

Ngunit sinabi ni Jesus: «Mamamatay Ako, Aking maliit na disipulo. Para sa iyo, rin.» At dahil ang bata ay napaiyak nang nanginginig, idiniin Niya siya sa Kanyang puso at nagsabi: «Nalulungkot ka ba na Ako ay mamamatay?»

«O! Aking tanging lugod! Ayaw ko niyan! Ako… Gawin Ninyong ako ang mamatay sa Inyong lugar…»

«Ikaw ay ang magpapahayag para sa Akin sa buong mundo. Iyan ay napagpasyahan na. Ngunit makinig. Ako ay mamamatay nang masaya sapagkat nalalaman Ko na minamahal mo Ako. Pagkatapos Ako ay babangon muli mula sa kamatayan. Naaalaala mo ba si Jonah? Siya ay mas magandang lalaki nang siya ay lumabas mula sa tiyan ng balyena nakapagpahinga nang mabuti at malakas. Ganyan din Ako, at pupunta Ako sa iyo kaagad at sasabihin Ko sa iyo: “Munting Marjiam, ang iyong mga luha ay napatid ang Aking pagkauhaw. Ang iyong pagmamahal ay sinamahan Ako sa Sepulkro. Ngayon Ako ay naparito upang sabihin sa iyo: ‘Maging Aking pari’” at Aking kitang hahalikan nang may amoy ng Paraiso na nasa Akin pa.»

«Ngunit saan ako mapupunta? Hindi ko ba makakasama si Pedro o si Inay?»

«Ililigtas kita mula sa masasamang alon ng mga araw na iyon. Ililigtas Ko ang pinakamahihina at mga inosente. Maliban sa isa… Marjiam, munting apostol, tutulungan mo ba Ako na magdasal para sa oras na iyan?»

«O! Oo, tutulungan ko Kayo, Panginoon! At ang iba?»

«Iyan ay isang lihim sa pagitan mo at Ako. Isang dakilang lihim. Sapagkat ibig ng Diyos na maibunyag Siya sa maliliit… Huwag ka nang umiyak pa. Ngumiti sa kaisipan na pagkatapos hindi na muli Ako maghihirap at maaalaala Ko lamang ang lahat na pagmamahal ng mga tao, at ang sa iyo muna. Halika. Tingnan kung gaano na nakalayo ang iba. Tumakbo tayo at samahan sila» at siya’y Kanyang ibinaba at hawak siya sa kamay nagsimula silang tumakbo hanggang inabutan ang grupo.

«Guro, ano ang Inyong ginawa?»

«Ipinaliliwanag Ko ang mga oras ng araw kay Marjiam.»

«At ang bata ba ay umiyak? Maaaring naging makulit siya, at Inyo siyang pinagtatakpan dala ng kabaitan» sabi ni Pedro.

«Hindi, Simon. Pinagmasdan niya Akong nagdarasal. Hindi mo nagawa iyan. Tinanong niya Ako kung bakit. Sinabi Ko sa kanya. Ang bata ay naantig ng Aking mga salita. Ngayon hayaan lang siya na mag-isa. Pumunta ka sa Aking Ina, Marjiam. At kayong lahat, makinig sa Akin. Ang leksiyon ay hindi rin makasasamâ sa inyo.»

At si Jesus ay ipinaliliwanag muli ang kapakinabangan ng panalangin sa pangunahing mga oras ng araw, iniiwan ang kapaliwanagan tungkol sa ikasiyam na oras at naghihinuhang: «Ang pakikiisa sa Diyos ay ang makasama Siya sa bawat sandali upang purihin at panawagan Siya. Gawin iyan at kayo ay makauunlad sa buhay ng espiritu.»

Ang Bozrah ngayon ay malapit na. Nakaunat sa kapatagan ito ay nagmumukhang isang malaking magandang bayan na may mga pader at mga tore. Ang gabi na dumarating ay napalulumanay ang mga anino ng mga bahay at ng kabukiran sa pagiging abuhing matamlay na lilac, kung saan ang lahat na mga gilid ay nagiging malabo, habang ang pag-atungal ng mga baboy at ang paghuni ng mga tupa sa mga bakuran sa labas ng mga pader ay sinisira nito ang katahimikan ng kabukiran. Ang katahimikan ay natapos nang kaagad ang karabana ay dumaan sa geyt pinapasok ang labirinto ng makikitid na kalsada na nakapagpadismaya sa mga tao na mula sa labas ay nag-akala na ang bayan ay maganda. Ang mga tinig, mga amoy at… baho ay nananatili sa pili-pilipit na mga kalsada at sumasama ang mga peregrino hanggang sa layo ng liwasan, ang pampalengkeng liwasan, kung saan naroroon ang bahay panuluyan.

Sila ay ganyan dumating sa Bozrah.

071011

 


¹Alas tres ng hapon: ikasiyam mula 6:00 ng umaga, pagsikat ng araw, pagsimula ng araw. – RLB.

 


Sunod na kabanata