291. Sa Bozrah.

October 1, 1945.

Ang Bozrah ay nagmumukhang napakawalang-buhay sa loob ng hamog sa umaga, kapwa dahil sa panahon at dahil ang bayan ay sarado sa mga makikitid na kalsada. Nagmumukha itong nakakainip at marumi. Ang mga apostol, na bumalik mula sa kanilang pamimili sa palengke, ay ito ang pinag-uusapan. Ang mga kaugalian sa otel nang mga araw na iyon at sa gayong mga lugar ay lubos na sinauna, na ang isa ay kailangan na asikasuhin ang kanyang sariling makakain. Kung kaya't niluluto lamang nila kung ano ang dinadala sa kanila ng kanilang mga suki, at umasa tayo na wala silang nanakawin na kahit na ano rito. O ang kanilang pinaka-magagawa ay ang bumili ng pagkain para sa kanilang mga suki o bentahan sila ng kung ano ang mayroon sila na nakatago, tumatrabaho bilang mga tagakatay, kung kinakailangan, inihahanda ang kaawa-awang mga tupa para ihawin.

Si Pedro ay ayaw na bumili mula sa namamahala at ngayon nakikipagtalo na sa kanya. Ang mamâ, na may kung baga walang-hiyang mukha, ay umabot sa punto na insultuhin ang apostol, tinatawag siyang «Galilean», habang si Pedro ay sumasagot, itinuturo ang isang maliit na baboy, na kakakatay pa lamang ng tagapamahala para sa ilang mga panauhin: «Ako ay isang Galilean, at ikaw ay isang baboy, ikaw pagano. Hindi ako maninirahan sa iyong namamahong panuluyan kahit isang oras, kung ito ay depende sa akin. Ikaw magnanakaw at… (at nagdagdag siya rito ng napakalinaw na bansag… na iniwan ko sa aking panulat).» Napuna ko na sa pagitan ng mga mamamayan ng Bozrah at ng mga Galilean mayroon silang isa ng maraming panrehiyon o panrelihiyon na di-pagkakasunduan, na ang Israel, o kung baga ang Palestina ay puno nito.

Ang tagapamahala ay sumisigaw nang mas malakas: «Kung hindi mo kasama ang Nazarene, at kung hindi ako mas mabuti kaysa sa inyong maruruming Pariseo na napopoot sa Kanya nang walang anumang mabuting rason, huhugasan ko ang iyong mukha ng dugo ng baboy, upang ikaw ay kakailanganin na lumabas dito at magmadali upang mapadalisay ang iyong sarili. Ngunit ginagalang ko Siya, Na ang Kaninong kapangyarihan ay kilala na. At sasabihin ko sa iyo, na sa kabila ng inyong mga palabas, kayo ay mga makasalanan. Mas mabuti kami kaysa sa inyo. Hindi kami naglalatag ng mga patibong ni hindi kami nagtataksil. Kayo, naku! Kayo ay isang samahan ng mapanlamang na mga traydor at mga walang-hiya at hindi man lamang ninyo iginagalang ang iilang banal na tao sa pagitan ninyo.»

«Sino ang tinatawag mong mga traydor? Kami? Ah! Sa katotohanan ng Diyos ako…» si Pedro ay nagngangalit at malapit nang magwala sa mamâ, nang ang kanyang kapatid at si Santiago ay pinigilan siya, at si Simon Zealot kasama si Mateo ay nakialam.

Ngunit ang galit ni Pedro ay napahupa hindi labis ng kanilang pakikialam bagkus ng tinig ni Jesus Na lumitaw sa isa sa mga pintuan at nagsabi: «Ikaw ngayon, Simon, ay mananahimik. At ikaw, din, mamâ.»

«Panginoon, ang lalaking ito ay ang unang nagpahiwatig at nanakot.»

«Nazareno, ako ang unang sinaktan.»

Ako, siya. Siya. Ako. Ang dalawang may-kagagawan ay nagtuturuan.

Si Jesus ay lumapit nang seryoso at kalmante. «Kapwa kayo parehong mali. At ikaw, Simon, mahigit pa kaysa sa kanya. Sapagkat nalalaman mo ang doktrina ng pagmamahal, ng pagpapatawad, ng kababaang-loob, ng pagpapasyensiya at pagkakapatiran. Upang hindi maltratuhin bilang isang Galilean, kailangan na gawin mo ang iyong sarili na irespeto bilang isang santo. At ikaw, mamâ, pagpalain ang Panginoon kung sa pakiramdam mo ikaw ay mas mabuti kaysa sa iba at magsikap na maging karapat-dapat ng pagiging mabuti pa nang mas mabuti. At higit sa lahat, huwag mong dumihan ang iyong kaluluwa sa pamamagitan ng maling mga paratang. Ang Aking mga disipulo ay hindi nagtataksil o naglalatag ng mga patibong.»

«Natitiyak ba Ninyo, Nazareno? Bueno, kung gayon, bakit ang apat na iyon ay pumunta rito at tinanong ako kung Kayo ay dumating, kung sino ang kasama Ninyo at napakarami pang mga tanong?»

«Ano? Sino sila? Nasaan sila?» Ang mga apostol ay pinaikutan Siya, nakakalimutan na sila ay lumalapit sa isang tao na basa pa ng dugo ng baboy, na nakapanakot sa kanila kani-kanina lamang at nagawa silang lumayo.

«Humayo at pakialaman lamang ninyo ang inyong gawain. Makapananatili ka, Misace.»

Ang mga apostol ay pumasok sa loob ng silid mula kung saan si Jesus lumabas, at tanging si Jesus at ang tagapamahala lamang ang naiwanan sa bakuran, ang isa kaharap ang isa. Ang mangangalakal ay ilang mga hakbang mula kay Jesus at kanyang pinanonood ang eksena nang nakatulala.

«Sabihin mo sa Akin ang katotohanan, mamâ. At magpatawad kung ang dugo ay nagawa ang isa sa Aking mga disipulo na uminit. Sino ang apat na iyon at ano ang kanilang sinabi?»

«Hindi ko kilala silang eksakto. Sila ay tiyak na mga eskriba at mga Pariseo mula sa kabilang kampo. Hindi ko alam kung sino ang nagdala sa kanila rito. Hindi ko pa sila nakita kailanman. Ngunit sila ay nasasabihan nang mabuti ng tungkol sa Inyo. Nalalaman nila kung saan Kayo nanggaling, saan Kayo pupunta, kung sino ang kasama Ninyo. Ngunit kailangan nila ang kumpirmasyon mula sa akin. Hindi. Maaaring walang-hiya ako. Ngunit nalalaman ko ang aking ginagawa. Wala akong kilala at wala akong nakitang sinuman. Wala akong nalalaman. Ito ay tungkol sa iba, siyempre. Sa ganang akin, nalalaman ko ang lahat. Ngunit bakit ko sasabihin sa iba, lalo na sa mga mapagkunwaring iyon, ang aking nalalaman? Ako ba ay walang-hiya? Oo. Kung kinakailangan pumapanig din ako sa mga magnanakaw. Maging ano pa man, nalalaman Ninyo… Ngunit hindi ako makapagnanakaw o magsisikap na magnakaw ng Inyong kalayaan, karangalan at buhay. At ang mga iyon – hindi na ako si Phara ng Ptolemy kung ang aking sinasabi ay hindi totoo – at ang mga iyon ay mga naghihintay sa Inyo, upang saktan Kayo. At sino ang nagpadala sa kanila? Baka kung sino mula sa Perea o sa Decapolis? O kung sinuman mula sa Trachonitis o Gaulanitis o Hauran? Hindi. Hindi namin Kayo nakikilala, o kung may napakinggan kami tungkol sa Inyo, ginagalang namin Kayo bilang isang makatarungang tao, kung hindi kami naniniwala sa Inyo bilang isang santo. Kung gayon, sino ang nagpadala sa kanila? Isang tao mula sa Inyong kampo at baka isa sa Inyong mga kaibigan, sapagkat napakarami ang kanilang nalalaman…»

«Napakadaling magsabi tungkol sa aking karabana…» sabi ni Misace.

«Hindi, mamâ. Hindi tungkol sa iyo, ngunit tungkol sa iba na kasama ni Jesus. Hindi ko alam at ayaw kong makaalam. Hindi ako makakita at ayaw kong makakita. Ngunit sasabihin ko sa Inyo: kung Kayo ay may kasalanan, gumawa ng reparasyon, kung nalalaman Ninyo na Kayo ay pinagtaksilan, gawin ang nararapat na aksiyon.»

«Ako ay walang pagkakasala, mamâ, o pinagtaksilan. Ang tanging problema lamang ay ang Israel ay hindi Ako naiintindihan. Ngunit papaano mo nalalaman ang tungkol sa Akin?»

«Sa pamamagitan ng isang bata. Isang pilyong bata na nagkaroon ng masamang reputasyon sa Bozrah at Arbela. Dito, dahil pumunta siya rito upang gawin ang kanyang mga kasalanan, doon dahil hinamak niya ang kanyang pamilya. Pagkatapos siya ay napagbago at naging mas matapat pa kaysa sa isang makatarungang tao. At siya ay dumaan kasama ang Inyong mga disipulo, isang disipulo siya mismo, at siya ay naghihintay sa Inyo sa Arbela, upang parangalan Kayo kasama ang kanyang ama’t ina. At sinasabi niya sa lahat na binago Ninyo ang kanyang puso sa pamamagitan ng mga panalangin ng kanyang ina. Kung ang rehiyon na ito ay kailanman maging isang banal na rehiyon, si Felipe ni Santiago ay ang magkakaroon ng merito sa pagpapabanal dito. At kung mayroon man na naniniwala sa Inyo sa Bozrah, ito ay dahil sa kanya.»

«Nasaan na ang mga eskriba ngayon, na pumunta rito?»

«Hindi ko alam. Sila ay umalis sapagkat sinabi ko sa kanila na wala akong mga silid para sa kanila. Mayroon akong mga silid, ngunit ayaw kong magbigay ng ospitalidad sa mga ahas at gawin silang malapit sa kalapati. Sila ay tiyak na nasa lugar na ito. Mag-ingat.»

«Salamat sa iyo, mamâ. Ano ang iyong pangalan?»

«Phara. Ginawa ko ang aking tungkulin. Alalahanin ako.»

«Oo. At kailangan na alalahanin mo ang Diyos. At patawarin mo ang Aking Simon. Ang malaking pagmamahal niya sa Akin kung minsan ay binubulag siya.»

«Walang anuman. Nasaktan ko rin siya… Ngunit nasasaktan ako ng iniinsulto. Hindi Kayo nang-iinsulto…»

Si Jesus ay nagbuntung-hininga… Pagkatapos Kanyang sinabi: «Matutulungan mo ba ang Nazareno?»

«Kung magagawa ko…»

«Malulugod Akong magsalita mula sa bakuranng ito…»

«At gagawin kong magsalita Kayo. Kailan?»

«Sa pagitan ng ikaanim at ikasiyam na oras.»

«Lumakad Kayo saan man ang gusto Ninyo at huwag mag-alala. Malalaman ng Bozrah na Kayo ay magsasalita. Ako ang bahala diyan.»

«Gantimpalaan ka sana ng Diyos para diyan» at si Jesus ay ngumiti sa kanya, isang ngiti na isa nang gantimpala. Siya pagkatapos ay pumunta sa silid kung saan naroroon Siya dati.

Si Alexander Misace ay nagsabi: «Guro, maaari bang ngumiti rin Kayo sa akin, nang ganyan?... Sasabihan ko rin ang mga mamamayan na pumunta at makinig sa Kagandahang-Loob Na nagsasalita. Marami akong kilala. Paalam.»

«Gantimpalaan ka rin sana ng Diyos» at si Jesus ay ngumiti sa kanya.

Pinasok Niya ang silid. Ang mga kababaihan ay nakapaligid kay Maria, Na ang mukha ay nakapamimighati at Siya ay tumayo kaagad at nagpatungo sa Kanyang Anak. Siya ay hindi nagsasalita. Ang Kanyang buong aktitud ay kawalang-katiyakan. Si Jesus ay ngumingiti sa Kanya at Siya ay tumutugon sa Kanya nagsasabi sa lahat: «Maging libre pagsapit ng ikaanim na oras. Ako ay magsasalita rito sa maraming tao. Pansamantala humayo, ang lahat, maliban kina Simon Pedro, Juan at Ermasteus. Lumakad at ipahayag Ako at magbigay ng maramihang limos.»

Ang mga apostol ay umalis.

Si Pedro ay dahan-dahang nilalapitan si Jesus Na malapit sa mga kababaihan at nagtanong: «Bakit hindi rin Ninyo ako ipinadala?»

«Kapag ang isa ay masyadong pabigla-bigla, siya ay nananatili sa bahay. Simon, Simon! Kailan ka ba matututo na maging mapagkawang-gawa sa iyong kapwa? Sa ngayon ito ay isang umaalab na apoy, ngunit para sa Akin lamang, ito ay isang tuwid at matigas na punyal, ngunit para sa Akin lamang. Maging mahinahon, Simon ni Jonah.»

«Tama Kayo, Guro. Ang Inyong Ina ay kinagalitan na ako, at nalalaman Niya kung papaano gawin ito, nang hindi nakasasakit. Ngunit ito ay nakapasok nang tuwiran sa akin. Ngunit… kagalitan din Ninyo ako, subalit huwag Ninyo akong tingnan nang napakalungkot.»

«Maging mabuti… Sintike, ibig Kong magsalita sa iyo nang sarilinan. Umakyat ka sa terasa. Maaari rin ba Kayong sumama, Inay…»

At sa pangkabukirang terasa, na nakasasakop sa isang bahagi ng gusali, sa loob ng sinag ng araw na nagpapainit sa ere, naglalakad nang dahan-dahan sa pagitan nina Maria at ng griyego, si Jesus ay nagsabi: «Bukas tayo ay maghihiwa-hiwalay nang sandali. Kapag malapit na sa Arbela, kayong mga babae kasama si Juan ng Endor, ay magpapagawi sa Sea of Galilee at magpapatuloy nang magkakasama hanggang sa layo ng Nazareth. Ngunit sa dahilan na ayaw Ko kayong palakarin nang kayo lamang kasama ang halos baldadong lalaki, gagawin Kong masamahan kayo ng Aking mga kapatid at ni Simon Pedro. Nakikita Ko na magkakaroon ng ilang pag-aalinlangan na humiwalay. Ngunit ang pagsunod ay ang birtud ng makatarungan. Kapag kayo ay dumaraan sa kabukiran kung saan si Chuza ay ang tagapagtingin sa ngalan ni Herodes, si Johanna ay makakakuha ng ilan pang mga tao na makakasama sa inyo sa natitira pang bahagi ng daan. Pagkatapos mapababalik na ninyo ang mga anak ni Alfeo at si Simon Pedro. Ngunit ang dahilan kung bakit Ko kayo pinaakyat dito ay ang sumusunod. Ibig Kong sabihin sa iyo, Sintike, na Ako ay nagpasya para sa iyo na manatili nang mga ilang araw sa bahay ng Aking Ina. Nalalaman na Niya ito. Sina Juan ng Endor at si Marjiam ay makakasama mo. Manatili roon nang kusa, piniperpekto ang iyong sarili sa Karunungan nang higit at higit pa. Ibig Kong alagaan mo ang kaawa-awang Juan. Hindi Ko ito sinasabi sa Aking Ina sapagkat hindi Siya nangangailangan ng kahit na anong payo. Mauunawaan mo si Juan at kaaawaan mo siya, at makagagawa siya nang labis na mabuti sapagkat siya ay isang sanay na guro. Ako ay darating saka na. O! kaagad na kaagad! At tayo ay madalas na magkikita. Umaasa Ako na matatagpuan kita na mas marunong at marunong pa sa Katotohanan. pinagpapalà kita lalo ka na, Sintike. Ito ang Aking pagpapaalam mula sa iyo, para sa pagkakataong ito. Makatatagpo ka ng pagmamahal at kapootan sa Nazareth katulad nang sa ibang lugar pa. Ngunit sa loob ng Aking bahay makatatagpo ka ng kapayapaan. Lagi.»

«Ang Nazareth ay hindi ako papansinin at hindi ko papansinin ang Nazareth. Ako ay mamumuhay na pinakakain ang aking sarili ng Katotohanan at ang mundo ay magiging wala sa akin, Panginoon.»

«Mabuti. Makalalakad ka na, Sintike. At huwag mo itong babanggitin kaninuman, sa pansamantala. Inay, nalalaman Ninyo… Ipinagkakatiwala Ko ang pinakamahal Kong mga perlas na ito sa Inyo. Habang tayo ay nasa kapayapaan, nang tayo lamang, Inay, hayaan Ninyo ang Inyong Jesus na mapaginhawahan ang Sarili sa loob ng Inyong mga haplos…»

«Gaanong kapootan, Anak!»

«Gaanong pagmamahal!»

«Gaanong kapaitan, Aking mahal na Jesus!»

«Gaanong katamisan!»

«Gaanong pagka-di-makaunawa, Aking Anak!»

«Gaanong pag-uunawa, Inay!»

«O! Aking mahal, Aking Mahal na Anak!»

«Inay! Lugod ng Diyos at Lugod Ko! Inay!»

Sila ay nagpalitan ng halik at nananatiling magkasama, sa batong upuan sa gilid ng mababang pader ng terasa: si Jesus niyayakap ang Kanyang Ina, isang nagmamahal na protektor, si Maria nakakiling ang Kanyang ulo sa balikat ng Kanyang Anak, ang Kanyang mga kamay na kay Jesus: masaya… Ang mundo ay napakalayo… nakapailalim sa mga alon ng pagmamahal at katapatan…

071011

 

 


Sunod na kabanata