292. Ang Sermon at mga Himala sa Bozrah.

Oktubre 2, 1945.

… At ang mundo ay napakalapit dala ang mga alon ng kapootan, pagtataksil, kapighatian, pangangailangan, pag-uusyuso. At ang mga alon ay dumarating, katulad ng sa dagat sa isang daungan, upang mamatay doon, sa loob ng bakuran ng bahay-panuluyan sa Bozrah, na ginawang maalisan ng mga tae at dumi ng mapaggalang na maybahay, na ang puso ay maaaring akalain ng isa na mas mabuti kaysa sa kanyang mukha. Dito ay may malaking pulutong ng mga tao, kapwa mga tagarito at mga estranghero, ngunit ng iisang rehiyon. At mayroong mga tao na ang kanilang paguusap ay nabibigyan ako ng pag-unawa na sila ay nanggaling sa napakalayo, mula sa mga lugar ng lawa o sa ibayo ng lawa. Naririnig ko ang mga pangalan ng mga nayon, at mga bahagi ng nakapamimighating mga kuwento sa mga paguusap ng mga taong naghihintay kay Jesus. Ang Gadara, Hippo. Gherghesa. Gamala, Aphek, Nain, Endor, Jezreel, Magdala at Korazim ay binabanggit ng maraming tao kasama ang mga kuwento tungkol sa mga rason kung bakit sila naparito mula sa napakalayo.

«Nang mapakinggan ko na Siya ay daraan sa Trans-Jordan, ako ay napanghinaan ng loob. Ngunit ang ilang mga disipulo ay dumating nang ako ay halos pabalik na patungong Jezreel at sinabi nila sa amin, na mga naghihintay sa Capernaum: “Siya ay tiyak na nasa ibayo ng Gerasa ngayon. Huwag mag-aksaya ng panahon, pumunta sa Bozrah o Arbela” at ako ay pumunta kasama ang mga taong ito…»

«Ako, sa halip, ay nakita ko ang ilang mga Pariseo na dumaan sa Gadara. Sila ay nagtatanong kung nasaan si Jesus ng Nazareth, Na kanilang nalalaman na nasa lugar. Ang aking asawa ay may sakit. Sumama ako sa kanila. Pagkatapos kahapon sa Arbela napakinggan ko na Siya ay patungo sa Bozrah muna, kung kaya't ako ay pumunta rito.»

«Ako ay nanggaling sa Gadara para sa batang lalaking ito. Siya ay nasuwag ng nagwawalang baka. Siya ay naiwan sa ganyang kalagayan…» at kanyang ipinakita ang kanyang anak na lubos na nangulubot at hindi maigalaw ang kanyang mga kamay.

«Hindi ko madala ang akin. Ako ay nanggaling sa Megiddo. Ano sa palagay ninyo? Pagagalingin rin ba Niya siya mula rito?» ungol ng isang babae na ang mukha ay mapula sa kaiiyak.

«Hindi, ang maysakit ay kailangan na naririto.»

«Hindi. Sapat nang magkaroon ng pananampalataya.»

«Hindi. Maliban na ipatong Niya ang Kanyang mga kamay, hindi mapagagaling ang isa. Ang Kanyang mga disipulo ay iyan din ang ginagawa.»

«Malayo ang iyong nilakbay para sa wala, babae.»

Ang babae ay nagsimulang umiyak nagsasabing: «kaawa-awang ako! Iniwan ko siya na halos namamatay na siya, umaasa… Hindi Niya siya pagagalingin, at hindi ko siya mapagiginhawahan sa kanyang kamatayan…»

Ang isa pang babae ay pinagiginhawahan siya: «Huwag mong paniwalaan iyan, babae. Ako ay naparito upang pasalamatan Siya sapagkat gumawa Siya ng isang dakilang himala para sa akin, nang hindi iniiwan ang bundok kung saan Siya nagsasalita.»

«Ano ang problema noon ng iyong anak?»

«Iyon ay hindi ang aking anak. Iyon ay ang aking asawa na naging baliw…» at ang dalawang babae ay patuloy sa kanilang paguusap sa mabababang tinig.

«Totoo iyan. Ang isang ina rin mula sa Arbela ay nagawang matubos ang kanyang anak nang hindi siya nakikita ng Guro» sabi ng isang lalaki mula sa Arbela at patuloy siya sa pagsasalita sa ilang mga tao na malapit sa kanya…

«Magparaan, sa ngalan ng awa! Magparaan!» sigaw ng ilang mga tagabitbit ng isang kamilya na ganap na natatakpan.

Ang mga pulutong ay nagbukas ng hanay at ang kamilya ay dumaan dala ang nakapamimighating karga, at tumigil sa dulo ng bakuran, halos sa likuran ng isang tambak ng dayami. Ito kaya ay isang lalaki o babae na nakahiga sa loob ng kamilya? Sino ang nakaaalam!

Dalawang Pariseo ang pumasok: sila ay mayayabang at maayos na napangangalagaan at mas mapagmataas kahit kailanman. Dinudumog nila ang kaawa-awang maybahay na lalaki na tila sila ay mga baliw, sumisigaw: «Ikaw na sinumpang sinungaling! Bakit mo sinabi sa amin na Siya ay wala rito? Ikaw ba ay Kanyang kasabwat? Anong lakas ng loob mo na iwasan kami, ang mga banal sa Israel, upang paboran… Sino, pagkatapos ng lahat? Papaano mo nalalaman kung sino Siya? Ano Siya sa iyo?»

«Ano Siya? Kung ano ang hindi kayo. Ngunit ako ay hindi nagsinungaling. Siya ay dumating pagkaraan ng kaunting oras nang kayo ay umalis. Hindi Niya itinago ang Kanyang Sarili, ni hindi ko rin Siya itinago. Ngunit sa dahilan na ako ang amo rito, sinasabi ko sa inyo kaagad: “Lumayas kayo sa aking bahay!” Hindi inyo iinsultuhin ang Nazareno rito. Naiintindihan ba ninyo? At kung hindi ninyo naiintindihan ang aking mga salita, makapagsasalita ako sa inyo sa isang mas makatotohanang pamamaraan, kayong mga jackal

An matipunong tagapamahala ay tila disididung-disididong makipagsuntukan kung kaya't ang mga Pariseo ay nagbago ang tono at naging katulad ng gumagapang na mga tuta natatakot ng hagupit. «Ngunit hinahanap namin Siya upang pagpitaganan Siya! Ano ang iyong iniisip? Ang kaisipan na baka hindi namin Siya makita dahil sa kagagawan mo ay nagawa kaming magalit. Alam namin kung sino Siya. Ang banal at pinagpalang Mesiyas, kung Kanino kami ay hindi karapat-dapat na itingala ang aming mga mata. Kami ay alikabok, Siya ay ang kaluwalhatian ng Israel. Dalhin mo kami sa Kanya. Ang aming mga kaluluwa ay nananabik na mapakinggan ang Kanyang mga salita.»

Ang maybahay na lalaki ay ginagaya ang kanilang mga tinig at mga kilos sa isang magandang pamamaraan: «O! Oo nga naman! At papaano ako kailanman nagsuspetsa na hindi ito ganyan, dahil alam na alam ko ang kabantugan ng hustisya ng mga Pariseo?! Siyempre! Kayo ay pumunta upang sambahin Siya! Kinasasabikan ninyo iyan! Pupunta ako at sasabihin ko sa Kanya! Lalakad na ako… Hindi, sa pamamagitan ni Satanas! Hindi mo ako susundan! Ni hindi kayo, kung hindi hahampasin ko kayo nang labis, kayong nakalalasong mga momya, upang ang isa ay tatama sa isa. Manatili rito. Ikaw dito ka, kung saan kita ilalagay. At ikaw dito. At ikinalulungkot ko na hindi ko kayo maibaon sa lupa hanggang sa inyong mga leeg at gamitin kayong mga pasak na pagtatalian ng mga baboy na kakatayin» at ginawa niya ang kanyang mga sinabi sa paghawak sa mas payat na Pariseo sa mga kilikili, itinataas siya at ibinagsak nang marahas sa lupa, na kung ito ay hindi napakatigas ang kaawa-awang mamâ ay maaaring napabaon dito nang hanggang sa kanyang mga buol. Ngunit ang lupa ay matigas at ang Pariseo ay nananatiling nakatayo katulad ng isang papet, pagkatapos na maipag-itsa-itsahan nang labis. Pagkatapos ang maybahay na lalaki ay hinawakan ang isa pa, at bagama't siya ay kung baga mataba, ang tagapamahala ay itinaas at ibinagsak siya nang gayon ding bagsik, at dahil sa ang Pariseo ay nanugon nang pakisay-kisay, itinumba niya siya at ginawa siyang maupo: isang bungkos ng laman at damit… Pagkatapos siya ay umalis bumibigkas ng isang di-magandang salita na nawawala sa pagitan ng mga ungol ng dalawa at sa katatawanan ng marami pa.

Siya ay dumaan sa isang koridor patungo sa isang maliit na bakuran, inaakyat niya ang isang maliit na hagdanan, narating ang isang may berandang galeriya at pinasok ang isang malaking silid kung saan si Jesus at ang Kanyang grupo ay malapit nang matapos sa kanilang pagkain kasama ang mangangalakal.

«Ang dalawa sa apat na Pariseo ay dumating. Kailangan siguro na isipin Ninyo kung ano ang kailangan Ninyong gawin. Pansamantala ginawa ko na ang magagawa ko sa kanila. Ibig nilang sumama sa akin. Ngunit ayaw kong mangyari iyon. Sila ngayon ay nasa ibaba sa bakuran kasama ang maraming maysakit na mga tao at marami pang iba.»

«Ako ay pupunta kaagad. Salamat sa iyo, Phara. Makakalakad ka na.»

Lahat sila ay tumayo. Si Jesus ay inutusan ang Kanyang mga disipulo at ang mga kababaihan na manatili sa kinalalagyan nila, maliban sa Kanyang Ina, kay Maria ni Clopas, kina Susanna at Salome. Ngunit nakikita ang malungkot na hitsura ng mga hindi mapapasama, sinabi Niya: «Pumunta kayo sa terasa. Mapapakinggan din ninyo Ako roon.»

Siya ay lumabas kasama ang mga apostol at ang apat na babae. Siya ay dumaan sa dinaanan ng maybahay na lalaki at pinasok ang malaking bakuran. Ang mga pulutong ay pinahahaba ang kanilang mga leeg upang makakita, at ang mga magagaling ay umakyat sa nakakamadang mga dayami, sa mga kariton tumatayo sa isang tabi, o sa gilid ng mga imbakan ng tubig…

Ang dalawang Pariseo ay lumakad at tinagpo Siya nang maserimonya. Si Jesus ay binati sila sa pamamagitan ng Kanyang dating pagbati na tila sila ay Kanyang pinakamatapat na mga kaibigan. Ngunit hindi Siya tumitigil upang sagutin ang kanilang masyadong mapanlangis na mga katanungan: «Kakaunti lamang ba kayo? At walang mga disipulo? Kung gayon Kayo ay kanilang iniwan?»

Si Jesus nagpapatuloy sa Kanyang paglalakad ay tumugon nang mahigpit: «Walang sinuman ang umalis sa Akin. Kayo ay nanggaling sa Arbela kung saan nasalubong ninyo ang mga nauna sa Akin, at sa Judea ay nakita ninyo sina Judas ni Simon, Tomas, Natanael at Felipe.»

Ang matabang Pariseo ay hindi na naglakas-loob na sundan Siya at siya ay tumigil nang bigla namumula. Ang isa pa, na mas walang takip ang mukha, ay namimilit: «Totoo iyan. Subalit sa dahilan na alam namin na kasama Ninyo ang mga matatapat na disipulo at ilang mga babae, nagtataka kami na makita Kayong kasama ang kakaunting tao. Ibig namin makita ang Inyong bagong mga nakuha at batiin Kayo» at nagbigay siya ng huwad na ngiti.

«Ang Aking bagong mga nakuha? Naririyan sila!» at si Jesus ay gumawa ng isang malapad na kalahating pabilog na kilos, itinuturo ang mga pulutong, na ang karamihan ay mula sa rehiyon sa ibayo ng Jordan, ibig sabihin mula sa rehiyon na ito kung nasaan ang Bozrah. At na hindi binibigyan ang mga Pariseo ng panahon na makatugon, Siya ay nagsimulang magsalita.

«Ang mga dating hindi nagtatanong tungkol sa Akin, ay mga naghahanap na sa Akin. At ang mga dating hindi naghahanap sa Akin, ay natagpuan na Ako. At sinabi Ko: “Naririto Ako” sa isang nasyon na hindi nananawagan sa Pangalan Ko. Kaluwalhatian sa Panginoon Na nagsasalita ng katotohanan sa pamamagitan ng mga labì ng mga propeta! Tinitingnan ang pulutong na ito na nagkaipun-ipon sa paligid Ko Ako ay tunay na nagsasaya sa Panginoon sapagkat nakikita Ko na ang mga pangako, na ginawa ng Eternal na Ama sa Akin nang Ako ay Kanyang ipinadala sa mundo, ay nangyari na. Ang mga pangakong iyon na Ako Mismo, kasama ang Ama at ang Paraclete, ang naglagay sa mga kaisipan, sa mga labì at sa mga puso ng mga propeta, mga pangako na nalalaman Ko bago naging Laman at nagpasigla sa Akin na maging laman. At pinasisigla Ako ng mga ito. Oo, pinasisigla Ako ng mga ito laban sa kapootan, malisya, kawalang-tiwala at kasinungalingan. Ang mga dating hindi nagtatanong tungkol sa Akin, ay mga naghahanap sa Akin. At ang mga hindi naghahanap sa Akin, ay natagpuan Ako. Papaano ito nangyari, kung Ako sa halip ay inaayawan ng mga kung kanino Ko inuunat ang Aking mga kamay nagsasabing: “Naririto Ako”? Subalit nakikilala nila Ako, samantalang ang mga taong ito rito ay hindi Ako nakikilala. Kung gayon?

Naririto ang susi sa misteryo. Hindi isang kamalian ang di-pumansin, ngunit kamalian ang tumanggi. At napakarami sa mga nakakikilala sa Akin at kung kanino inilalapit Ko ang Aking mga kamay, ang tumanggi sa Akin na tila Ako ay isang anak-sa-labas o isang magnanakaw, isang nagpaparuming dimonyo, sapagkat ang kanilang pagmamalaki ay napatay ang kanilang pananampalataya at sila ay naligaw sa masama, pilipit na makasalanang mga daan, naiiwan ang daan na itinuturo sa kanila ng Aking tinig. Ang mga kasalanan ay nasa puso, sa mesa, sa mga higaan, sa mga puso, sa mga isip ng mga taong ito na tumatanggi sa Akin at na, nakikita ang sariling dumi na nasasalamin kahit saang lugar, nakikita rin ito sa Akin, at ang kapaitan nito ay itinatambak pa ito nang itinatambak, at ito ay nagsasabi sa Akin: “Lumayas Ka, sapagkat Ikaw ay di-malinis”.

Kung gayon ano ang Kanyang sasabihin, Siya na parating na ang Kanyang kapa tinina ng pula, magandang lalaki sa Kanyang damit, at naglalakad sa kapangyarihan ng Kanyang lakas? Papapangyarihin na ba Niya ang sinasabi ni Isaiah, at hindi ba Siya mananahimik, bagkus ibubuhos ba Niya sa kanilang mga lapi kung ano ang karapat-dapat sa kanila? Hindi, hindi Niya ibubuhos. Una kailangan Niyang tumapak sa pigaan ng ubas nang mag-isa, iniwan ng lahat, upang gawin ang alak ng Panunubos. Ang alak na magpapasigla sa makatarungan at magpapabanal sa kanila, ang alak na magpapasigla sa may kagagawan ng malaking kasalanan, upang madurog ang kanilang mapaglapastangang kapangyarihan na maging mga pispis. Oo, ang Aking alak, na gumugulang oras-oras sa ilalim ng araw ng Eternal na Pagmamahal, ay ang magiging kasiraan at kaligtasan ng marami, katulad na ito ay ang sinasabi sa isang hula na hindi pa nasusulat, bagkus nakadeposito sa di pa biyak na bato mula kung saan ang Baging na magbibigay ng Alak ng eternal na Buhay ay sisibol.

Naiintindihan ba ninyo? Hindi, kayong mga dalubhasa ng Israel ay hindi nakaiintindi. Ngunit hindi na bale kung hindi kayo nakaiintindi. Ang kadiliman na siyang binabanggit ni Isaiah ay bumababa sa inyo: “May mga mata sila at hindi nakakakita. May mga tainga sila at hindi nakaririnig”. Natatakpan ninyo ang liwanag sa pamamagitan ng inyong kapootan, upang masasabi ng isa na ang Liwanag ay napaalis ng kadiliman at ang mundo ay ayaw na malaman ito.

Ngunit magsaya, kayo na mga nasa kadiliman at naniwala sa Liwanag na ibinalita sa inyo, at inyo itong minithi, hinanap at natagpuan. Magsaya, o matatapat na tao na mga pumunta sa Kaligtasan tinatawid ang mga bundok, mga lambak at mga lawa na hindi iniisip ang pabigat ng mahabang paglalakbay. Ganyan din ang mangyayari sa isa pang espirituwal na paglalakbay na magdadala sa inyo, o sambayanan ng Bozrah, mula sa kadiliman ng kamangmangan hanggang sa liwanag ng Karunungan.

Magsaya, o sambayanan ng Hauran! Magsaya sa lugod ng kaalaman. Totoong sinasabi rin ito sa inyo at sa mga katabi din ninyong sambayanan, nang inawit ng mga Propeta na ang inyong mga kamelyo at mga dromedaryo ay magsisiksikan sa mga kalsada ng Naphtali at Zebulon upang sambahin ang totoong Diyos, at maging Kanyang mga lingkod sa banal na malumanay na batas, na hindi nagpapataw ng kahit na ano upang magbigay ng dibinong paternidad at eternal na kasayahan bagkus ang pagsunod sa sampung utos ng Panginoon: ang mahalin ng isa ang totoong Diyos nang buong sarili niya, ang mahalin ang kapwa ng isa bilang sarili niya, ang ipangilin ang Sabbath na hindi ito nilalapastangan, ang igalang ang sariling mga magulang, ang huwag pumatay, huwag magnakaw, huwag mangalunya, huwag magsaksi ng kasinungalingan, huwag hangarin ang asawa o pag-aari ng ibang tao. O! kayo ay pinagpalà kung nanggagaling mula sa malayo lalampasan ninyo ang mga kasapi sa bahay ng Panginoon ngunit lumabas dito, nahihikayat ng sampung utos ni Satanas: ang di-paggusto sa Diyos, ang pagmahal sa sarili, ang pagpapasamâ ng ritwal ng pagsamba, ang karahasan sa mga magulang, ang nakamamatay na mithiin, ang pagtatangkang magnakaw ng kabanalan ng ibang mga tao, ang pakikiapid kay Satanas, pagsaksi ng kasinungalingan, inggit sa kalikasan at misyon ng Salita, at ang nakapanghihilakbot na kasalanan na nangangasim at gumugulang sa kalaliman ng mga puso, ng napakaraming mga puso.

Magsaya, kayo na mga nauuhaw! Magsaya, kayo na mga nagugutom! Magsaya, kayo na nasasaktan! Kayo ba ay tinanggihan? Kayo ba ay pinagbawalan? Kayo ba ay kinapootan? Kayo ba ay mga estranghero? Halikayo! Magsaya! Hindi na ito ganito. Binibigyan Ko kayo ng mga matutuluyan, kayamanan, paternidad at amangbayan. Ibinibigay Ko sa inyo ang Langit. Sundan Ako, sapagkat Ako ang Tagapagligtas! Sundan Ako, sapagkat Ako ang Tagapagtubos! Sundan Ako, sapagkat Ako ang Buhay! Sundan Ako, sapagkat Ako ay Siya kung para Kanino ang Ama ay walang itinatangging grasya! Magsaya sa Aking pagmamahal! Magsaya! Upang sana mabatid ninyo na minamahal Ko kayo, kayo na naghanap sa Akin sa inyong mga kapighatian, kayo na mga naniwala sa Akin kahit bago pa man ninyo Ako nakilala, upang sana ito ang maging araw ng totoong pagsasaya, Ako’y nananalangin nang ganito: “Ama, Banal na Ama! Sa lahat na mga sugat, mga sakit, mga kirot ng mga katawan, sa kapighatian, mga pagpapahirap, pagka-konsiyensya ng mga puso, sa lahat na matatapat na lumilitaw, sa mga nag-aalinlangan, sa mga lumalakas, gawin ang kalusugan, grasya, kapayapaan ay bumaba! Kapayapaan sa Aking Pangalan! Grasya sa Inyong Pangalan! Kalusugan sa pamamagitan ng Ating nagsusukliang pagmamahal! Pagpalain sila, o Kabanalbanalang Ama! Ipunin at pormahin ang isang kawan sa pamamagitan ng nawawalang mga anak Ninyo at Akin na mga ito! Gawin silang mapunta kung saan Ako mapupunta, kaisa Ninyo, Banal na Ama, kasama Kayo, kasama Ako at kasama ang Kadibidibinong Espiritu.”»

Si Jesus, na ang Kanyang mga kamay nakaunat katulad nang nasa krus, ang Kanyang mga palad nakaharap sa kalangitan, ang Kanyang mukha nakataas, ang Kanyang tinig tumutrumpeta katulad ng isang platang sinaunang pakakak, ay napangingibabawan ang Kanyang talumpati… Nananatili Siyang ganyan, tahimik, sa loob ng ilang mga sandali. Pagkatapos ang Kanyang sapirong mga mata ay tumigil sa pagtingin sa kalangitan upang tingnan ang malaking bakuran nagsisiksikan sa mga tao na nagbubuntung-hininga malalim na naantig o mga nangangatal sa pag-asa; ipinagkakabit Niya ang Kanyang mga kamay inilalagay ang mga ito sa harapan at na may ngiti na nagpapabago sa Kanyang anyo, bumigkas Siya ng isang panghuling sigaw: «Magsaya, kayo na naniniwala at umaasa! Sambayanan ng mga naghihirap, bumangon at mahalin ang Panginoong inyong Diyos!»

Ang paggaling ng mga maysakit ay sabay-sabay at lahatan. Tumitiling mga tinig at umuugong na mga sigaw ay pinupuri ang Tagapagligtas. Ang isang babae ay sumisiksik sa pulutong, mula sa malayong likuran ng bakuran, hinihila ang kumot na dating nakatakip sa kanya at bumagsak sa paanan ni Jesus. Sa pagkakataong ito ang nahintakutan na mga pulutong ay bumigkas ng ibang sigaw: «Si Maria, ang ketonging asawa ni Joachim» at sila ay nagtakbuhan sa iba't ibang mga direksiyon.

«Huwag matakot! Siya ay magaling na. Ang pagkakadikit sa kanya ay hindi makasasamâ» sabi ni Jesus tinitiyak sa kanila. At nagsabi Siya na nakapatirapang babae: «Tumayo ka, babae. Ikaw ay ginantimpalaan para sa iyong dakilang pag-asa at ikaw ay pinatawad sa hindi mo pagsunod sa kahinahunan hinggil sa iyong mga kapatid na lalaki. Bumalik ka sa inyong bahay pagkatapos ng nakatutulong na paglulubog sa tubig.»

Ang babae, na bata pa at magandang-maganda, ay tumayong umiiyak. Si Jesus ay ipinakikita siya sa mga pulutong na mga bumalik at humahanga sa himala sumisigaw dala ng panggigilalas.

«Ang kanyang asawa, na sumasamba sa kanya, ay nagtayo ng isang matutuluyan para sa kanya sa dulo ng kanyang mga bukid at pumupunta sa hanggang nito tuwing gabi at binibigyan siya ng ilang pagkain umiiyak…»

«Ang babae ay nahawaan gawa ng kanyang pagkamaawain, inaalagaan ang isang pulubi na hindi nagtatapat na siya ay isang ketongin.»

«Ngunit papaano si Maria, ang mabuting babae, nakapunta rito?»

«Isinubo nila ang kanilang sarili na sila ay pagbabatuhin gawa niyan.»

«Ang kanilang sinyora! Minamahal nila siya, napakabait niya na minamahal nila siya nang higit pa sa kanilang mga sarili…»

Si Jesus ay sumenyas at silang lahat ay naging tahimik: «Nakikita ninyo na ang pagmamahal at kabutihan ay naghahatid ng mga himala at lugod. Kung kaya't, maging mabuti. Humayo, babae. Walang sinuman ang gagawa sa iyo ng kahit na anong kasamaan. Ang kapayapaan ay mapasaiyo at sa iyong sambahayan.»

Ang babae, sinusundan ng mga katulong na siyang sumunog sa kamelya sa gitna ng bakuran, ay lumabas at maraming tao ang sumunod sa kanya.

Si Jesus ay pinauwi ang pulutong pagkatapos na mapakinggan ang ilan tao at Siya ay pumasok sa bahay sinundan ng mga kasama Niya.

«Anong mga salita. Guro!»

«Gaano nagbago ang Inyong anyo!»

«Anong tinig!»

«At anong mga himala!»

«Nakita ba ninyo ang mga Pariseo na lumalayas?»

«Sila ay lumayas katulad ng dalawang gumagapang na butiki pagkatapos ng unang mga salita.»

«Ang sambayanan ng Bozrah at ng lahat ng mga nayon ay nagkaroon ng isang magandang ala-ala tungkol sa Inyo…»

«Inay, anong masasabi Ninyo?»

«pinagpapalà Kita, Anak, sa katauhan nila at sa Akin.»

«Bueno, ang Inyong pagpapalà ay susundan Ako hanggang sa tayo ay magkita-kita muli.»

«Bakit Ninyo sinasabi iyan, Panginoon? Ang mga kababaihan ba ay iiwanan tayo?»

«Oo, Simon. Bukas sa pagsikat ng araw si Alexander ay aalis patungong Aera. Tayo ay sasama sa kanya hanggang sa layo ng daan na patungong Arbela at iiwanan natin siya. At ito ay may kasamang kalungkutan, maniwala sa Akin, Alexander, sapagkat ikaw ay naging isang mabait na gabay para sa Peregrino. Lagi Kitang aalalahanin, Alexander.»

Ang matandang lalaki ay naantig. Siya ay nakatayo na ang kanyang mga kamay nakatiklop sa kanyang dibdib, sa malalim na pagbibigay galang na kaugalian sa silangan, nakayukong kaunti sa harapan ni Jesus. Ngunit nang kanyang mapakinggan ang Kanyang mga salita, sinabi niya: «Higit sa lahat, alalahanin Ninyo ako kapag Kayo ay nasa Inyo nang Kaharian.»

«Hinihiling mo ba iyan, Misace?»

«Oo, aking Panginoon.»

«May ibig din Akong hilingin mula sa iyo.»

«Alin, Panginoon? Kung magagawa ko ibibigay ko iyan sa Inyo, kahit na kung iyan ay ang pinakamahal na bagay na pag-aari ko.»

«Iyan ay ang pinakamahal sa lahat. Ibig Ko ang iyong kaluluwa. Halika sa Akin. Sinabi Ko sa iyo, sa pagsimula ng ating paglalakbay, na ibig Ko sanang mabigyan kita ng regalo sa katapusan ng paglalakbay. Ang Aking regalo ay Pananampalataya. Naniniwala ka ba sa Akin, Misace?»

«Ako ay naniniwala, Panginoon.»

«Kung gayon pabanalin mo ang iyong kaluluwa upang ang pananampalataya ay para sa iyo hindi maging bukod sa patay ay nakapipinsalang regalo rin.»

«Ang aking kaluluwa ay matanda na. Ngunit nagsisikap pa rin ako na gawin itong bago. Panginoon, ako ay isang matandang makasalanan. Absulbihan at pagpalain ako, sapagkat mula sa sandaling ito sinisimulan ko ang bagong buhay. Dadalhin ko ang Inyong pagpapalà bilang ang pinakamagandang gabay sa aking paglalakbay patungo sa Inyong Kaharian… Magkikita pa rin kaya tayo kahit kailan, Panginoon?»

«Hindi sa lupang ito. Ngunit makaririnig ka tungkol sa Akin at mas maniniwala ka pa sapagkat hindi kita iiwanan nang walang pag-eebanghelyo. Paalam, Misace. Hindi na tayo magkakaroon ng labis na panahon na makapagpaalam sa isa’t isa. Gawin na natin ito ngayon, bago tayo kumain nang magkakasama sa huling pagkakataon.» Niyayakap at hinahalikan Niya siya.

Ang mga apostol at mga disipulo ay ganito rin ang ginagawa. Ang mga kababaihan ay binabati siya nang sabay-sabay.

Ngunit si Misace ay lumuhod halos sa harapan ni Maria nagsasabing: «Harinawang ang Inyong liwanag ng isang purong tala sa umaga ay suminag sa aking isip hanggang sa aking kamatayan.»

«Hanggang sa Buhay, Alexander. Mahalin ang Aking Anak at mamamahal mo Ako, at mamahalin kita.»

Si Simon Pedro ay nagtanong: «Ngunit tayo ba ay magmumula sa Arbela patungong Aera? Kinakabahan ako na baka tayo abutan ng masamang panahon. May napakalabis na ulap… Lagi tayong nagkaroon nito sa loob ng tatlong araw sa pagsikat at paglubog ng araw…»

«Iyan ay dahil lagi tayong bumababa rito. Hindi mo na naiisip na malaki-laki ang ating ibinaba? Ganyan iyan. Bukas kayo ay aakyat patungo sa mga bundok ng Decapolis at hindi na magkakaroon ng ulap doon» paliwanag ni Misace.

«Bumaba? Kailan? Iyon ay isang patag na daan…»

«Oo, subalit patuloy na pababa. O! napakadahan-dahan hindi ito namamalayan ng isa. Subalit sa maraming milya…»

«Gaano katagal tayong mananatili sa Arbela?»

«Ikaw, si Santiago at si Judas, ni hindi isang oras» tugon nang kaagad ni Jesus.

«Si Santiago at si Judas… Ako… wala ni isang oras? At saan ako pupunta kung hindi ako mananatiling kasama ninyong lahat?»

«Kayo ay aalis. Hanggang sa layo ng pinagbabantayan ni Chuza. Dadalhin mo ang Aking Ina at ang mga kababaihan doon, kasama ang iba pa. Pagkatapos sila ay magpapatuloy nang mag-isa kasama ang mga katulong ni Johanna at kayo ay babalik at sasamahan Ako sa Aera.»

«O! Panginoon! Kayo ay nagagalit sa akin at pinarurusahan Ninyo ako… Gaano Ninyo ako pinamimighati, Panginoon!»

«Simon, siya na nakararamdam na siya ay pinarurusahan ay nakaaalam na siya ay may pagkakasala. Ang pagiging nagkasala ay kailangan na makapamighati sa iyo, hindi ang kaparusahan sa ganang mismo nito. Ngunit hindi sa palagay Ko isang kaparusahan ang samahan ang Aking Ina at ang mga babaeng disipulo sa kanilang pagbabalik sa bahay.»

«Ngunit hindi ba mas mabuti kung sasama Kayo sa amin? Huwag nang isipin ang Aera at ang mga lugar na ito at sumama sa akin.»

«Ako ay nangakong pupunta at pupunta Ako.»

«Kung gayon ako rin ay pupunta.»

«Ikaw ay susunod nang walang pagrereklamo, katulad ng ginagawa ng Aking mga kapatid.»

«At kung makatagpo Kayo ng ilang mga Pariseo?»

«Ikaw ay tiyak na hindi ang pinaka-angkop na makapanghimok sa kanila ng pagbabalik-loob sa Diyos. Ito ay dahil lamang sa makatatagpo Ako ng ilang mga tao na ibig Ko na ikaw, si Santiago at si Judas ay makaalis kasama ang mga babae at kasama sina Juan ng Endor at si Marjiam bago makarating sa Arbela.»

«Ah!... Alam ko na! Sige.»

Si Jesus ay tumalikod upang harapin ang mga babae at pinagpapalà Niya sila nang isa-isa, binibigyan ang bawat isa sa kanila ng angkop na payo.

si Maria ng Magdala sa pagyuko upang halikan ang mga paa ng kanyang Tagapagligtas ay nagtanong: «Makikita ko pa ba Kayo bago ako bumalik sa Bethany?»

«Tiyak iyan, Maria. Sa buwan ng Ethanim mapupunta Ako sa lawa.»

071011

 

 


Sunod na kabanata