293. Pagpapaalam sa mga Babaeng Disipulo.

Oktubre 3, 1945.

Ang mapagpitagang paggalang ni Misace ay ipinakita sa susunod na umaga, nang kanyang ginawa ang mga peregrino na lakbayin ang unang mga milya sa ibabaw ng mga kamelyo pagkatapos na ayusin ang mga karga, ginagawa ang mga ito na maging komportableng mga sasakyan para sa mga walang-karanasang sumakay. At labis na nakakatuwang makita ang maitim o maningning na mga ulo na sumusulpot mula sa mga bulto o mga baul, na may mahahabang buhok umaabot sa mga tainga ng mga lalaki, o mga tirintas na makikita sa labas ng mga belo ng mga babae. Sa dahilan na ang mga kamelyo ay kumikilos nang napakabilis, ang hangin ay paminsan-minsan hinihipan nang pabalik ang mga talukbong at ang maningning na ginintuang buhok ni Maria ng Magdala o ang mas malumbay na olandesa ng Banal na Birhen ay nagniningning sa sikat ng araw, habang ang maitim o kulay-kapeng mga ulo nina Johanna, Sintike, Martha, Marcella, Susanna at Sarah ay nagpapakita ng indigo o madilim na tansong mga kislap, at ang ubaning mga ulo nina Eliza, Salome at Maria ni Clopas ay tila winisikan ng platang mga alikabok sa loob ng maliwanag na mainit na araw. Ang mga lalaki ay nagpapatuloy nang may-katapangan sa bagong pamamaraan ng paglalakbay at si Marjiam ay tumatawang napakasaya.

Nabatid nila na ang sinabi ng mangangalakal ay totoo, nang, tumatalikod, nakita nila ang Bozrah sa ibaba ng lambak, na ang mga tore at matataas na bahay nito nasa labirinto ng makikitid na mga kalsada. Ang mabababang burol lumilitaw sa hilagang-kanluran. Ang daan patungong Aera ay tumatakbong nasa kanilang mga paanan; ang karabana ay tumigil upang mapababa ang mga peregrino at makaalis. Ang mga kamelyo ay lumuhod nang may kapuna-punang pagkiling na nagawa ang higit sa isang mga babae na sumigaw. Ngayon ko nakita na mabuting naitali ang mga kababaihan sa mga siya sa pamamagitan ng mga sinturon. Ang mga babae kahit papaano ay nahilo ng labis na pagulung-gulong, subalit maayos silang nakapagpahinga.

Si Misace ay bumaba rin; nakasakay si Marjiam sa kanyang siya, at habang isinasakay muli ng mga magkakamelyo ang mga karga nito sa dating mga tayo, nilalapitan niya si Jesus upang magpaalam sa Kanya muli.

«Salamat sa iyo, Misace. Dahil sa iyo kami ay hindi masyadong napagod at kami ay napabilis.»

«Oo. Nalakbay natin ang dalawampung milya sa loob ng maikling panahon. Ang mga kamelyo ay may mahahabang paa, kahit na kung sila ay hindi nakapaglalakad nang suwabe. Umaasa ako na ang mga babae ay hindi masyadong naghirap dahil diyan.»

Ang lahat na mga babae ay tinitiyak sa kanila na sila ay maayos na nakapagpahinga at hindi naghirap.

«Ngayon kayo ay anim na milya na mula sa Arbela. Gabayan sana kayo ng Langit at gawing suwabe ang inyong paglalakbay. Paalam, aking Panginoon. Pahintulutan Ninyo ako na halikan ang Inyong banal na mga paa. Masaya ako na nakita ko Kayo, Panginoon. Alalahanin ako.» Si Misace ay hinahalikan ang mga paa ni Jesus, siya ay sumakay muli at ang kanyang sigaw ay nagawa ang kamelyo na tumayo… At ang karabana ay nakaalis nang mabilis sa patag na daan, sa loob ng ulap ng mga alikabok.

«Isang mabuting tao! Ako ay lahat galos, ngunit bilang kapalit, ang aking mga paa ay nakapagpahinga. Ngunit gaanong pabagsak-bagsak! Ang hanging hilagang bagyo sa lawa ay wala sa pagkumpara! Tumatawa ba kayo? Ngunit wala ako ng mga kutson na mayroon ang mga kababaihan. Mabuhay ang aking bangka! Ito ay ang pinakamalinis at pinakaligtas pa rin na bagay. At ngayon pulutin natin ang ating mga bag at magpatuloy tayo.»

Sila ay nagpapaligsahan sa pagkakarga sa kanilang mga sarili ng mga bagahe. Ang mga nanalo ay ang mga mananatiling kasama ni Jesus, ibig sabihin, si Mateo, ang Zealot, sina Santiago at Juan, sina Ermasteus at Timoneus, na siyang mga kumuha sa lahat na mga bag upang walang bitbitin ang tatlo na sasama sa mga babae, o kung baga ang apat, sapagkat nariyan din si Juan ng Endor, na ang maitutulong ay kakaunti lamang, dahil sa di-magandang kalagayan ng kanyang kalusugan.

Sila ay naglakad nang mabilis sa loob ng kaunting milya. Nang marating nila ang tuktok ng mababang burol na umaktong harang sa kanluran, ang isang matabang kapatagan ay lumitaw, napaliligiran ng isang paikot ng mga burol, na mga mas matataas kaysa sa isang kanilang natagpuan dati, at sa gitna ng kapatagan ay may isang mahabang nag-iisang burol. Mayroon isang bayan sa kapatagan: ang Arbela. Sila ay bumababa at kaagad sila ay nasa kapatagan na.

Sila ay nagpatuloy nang kaunti pa, pagkatapos si Jesus ay tumigil nagsasabing: «Ito ang lugar kung saan tayo ay maghihiwalay. Kainin natin nang magkakasama ang ating mga baon at pagkatapos tayo ay maghihiwalay. Ito ang sangandaan patungo sa Gadara. Kukunin ninyo ang daan na iyan. Iyan ay ang pinakamaikling daan at bago gumabi mapapunta kayo sa teritoryo na pinagbabantayan ni Chuza.»

Walang labis na pananabik… Ngunit sila ay sumunod.

Habang sila ay kumakain si Marjiam ay nagsabi: «Bueno, ito na rin ang sandali upang ibigay sa Inyo ang lukbutan na ito. Ang mangangalakal ay ibinigay ito sa akin nang ako ay kasama niya sa kanyang siya. Sinabi niya sa akin: “Ibibigay mo ito kay Jesus bago ka humiwalay sa Kanya at sasabihin mo sa Kanya na ako ay mahalin katulad ng Kanyang pagmahal sa iyo”. Naririto ito. Ito ay mabigat dito, sa loob ng aking tunika. Ito ay tila puno ng mga bato.»

«Tingnan natin! Ang pera ay mabigat!» Lahat sila ay mausyuso.

Si Jesus ay kinakalag ang manipis na pilipit na balat na mga tali na nagsasara sa lukbutan na gawa sa balat ng usa, sa isip ko, sapagkat kamukha nito ang balat na gamusa, ibinuhos ang laman nito sa Kanyang lapi. Ang ilang mga salapi ay gumulong. Ngunit ito ay ang mga pinakamaliit. Maraming maliliit na bag gawa sa napa-kapinong byssus ang gumulong din: maliliit na bungkos na may tali ng sinulid. Magagandang kulay ang sumisinag sa napakanipis na linen na damit at ang araw ay tila nagsisindi ng isang munting apoy sa bawat maliit na bungkos, na tila sila ay mga baga sa ilalim ng manipis na belo na mga abo.

«Ano iyan? Kalagan Ninyo, Guro.»

Lahat sila ay nakayuko sa ibabaw ni Jesus Na kalmanteng kinakalag ang buhol ng isang maliit na bungkos nagniningning na may ginintuang mga sinag: mga topasyo ng sari-sari’t iba't ibang sukat, hindi pa napa-pino, kumikislap nang malaya sa sikat ng araw. Isa pang maliit na bungkos: mga rubi, mga patak ng namuong dugo. Isa pa: isang mamahaling nakasisiyang pagpapakita ng berdeng esmeraldang mga tapyas. Isa pa: mga kapiraso ng kalangitan sa purong mga sapiro. Isa pa: malamlam na mga amatista. Isa pa: biyoletang indigo ng mga berilo. Isa pa: magagandang itim na mga onise… At patuloy pa para sa labindalawang maliliit na bungkos. Sa isang huli, ang pinakamabigat, isang ginintuang mga pagkislap ng mga krisolita, ay may isang maliit na pergamino: «Para sa Inyong Rational¹ ng tunay na Pontipise at Hari».

Ang lapi ni Jesus ay isang maliit na parang na kinalatan ng maningning na mga kapiraso ng petalo… Ang mga apostol ay inilubog ang kanilang mga kamay sa liwanag na iyon na naging maraming-kulay na bagay. Sila ay lito…

Si Pedro ay bumulong: «Kung naririto si Judas ng Kerioth!..»

«Manahimik! Mas mabuti na siya ay wala rito» sabi kaagad ni Tadeo.

Si Jesus ay humihingi ng isang tela upang gumawa ng isang balutan lamang para sa mga bato at Siya ay nag-iisip habang ang iba ay patuloy sa paggawa ng mga komentaryo.

Ang mga apostol ay nagsabi: «Ang mamang iyon ay totoong mayaman nga!» at si Pedro ay nagawa ang lahat na tumawa bumubulalas: «Tayo ay patrute-trote sa ibabaw ng isang trono ng mga batong-hiyas. Hindi ko inisip na ako ay nakaupo sa gayong karangyaan. Sana naging mas malambot iyon! Ano na ang Inyong gagawin diyan ngayon?»

«Ipagbibili Ko iyan para sa mga mahihirap.» Tinitingnan Niya ang mga babae ngumingiti.

«At saan Kayo makatatagpo ng mag-aalahas dito, sino ang makabibili ng mga bagay na iyan?»

«Saan? Dito. Johanna, Martha, Maria, maaari ba ninyong bilhin ang Aking kayamanan?»

Ang tatlong babae, na ni hindi na nagkukunsultahan, ay nagsabi: «Oo» kaagad. Ngunit si Martha ay nagdagdag: «Kakaunti ang aming dalang pera rito.»

«Gagawin ninyong makuha Ko iyan sa Magdala sa bagong buwan.»

«Magkano ang ibig Ninyo, Panginoon?»

«Para sa Aking Sarili, wala. Para sa Aking mahihirap, labis.»

«Ibigay Ninyo iyan sa akin. Magkakaroon Kayo ng labis» sabi ni Maria ng Magdala, at kinuha niya ang lukbutan at itinago iyon sa kanyang dibdib.

Si Jesus ay kinuha lamang ang pera. Siya ay tumayo. Hinahalikan Niya ang Kanyang Ina, ang Kanyang tiya, ang Kanyang mga pinsan at pagkatapos hinahalikan Niya si Pedro, si Juan ng Endor at si Marjiam. pinagpapalà Niya ang mga babae at pinahahayo sila. At sila ay umalis, lumilingon paminsan-minsan, hanggang sa sila ay mawala sa pagliko.

Si Jesus ay lumakad kasama ang iba patungong Arbela. Ito ay isang maliit na grupo na lamang ngayon, tanging walong tao na lamang. Sila ay naglalakad nang mabilis nang walang nagsasalita patungo sa bayan na papalapit nang papalapit.

281011

 




¹Ang Rational ay isang mamahaling dekorasyon-sa-dibdib ng paghuhukom na isinusuot ng Mataas na Pari kapag siya ay pumupunta sa presensya ni Yahweh (tingnan sa Exodo 28, 15-30).

 

 

 

 


Sunod na kabanata