294. Sa Arbela.

Oktubre 4, 1945.

Ang pinakaunang tao na kanilang nilapitan nang nagtatanong tungkol kay Felipe ni Jacob ay nagawa silang mabatid nila kung gaanong trabaho ang ginagawa ng bata-pang disipulo. Ang tao na kanilang pinagtanungan ay isang maliit na matandang kulubot nang babae, na dala-dalang may-kahirapan ang isang pitsel na puno ng tubig. Tinititigan sa pamamagitan ng kanyang maliit na malalalim na mata ang magandang hitsura na mukha ni Juan na nagtanong sa kanya, pagkatapos na pabitin siya «Kapayapaan sa iyo» nang napakamalumanay na siya ay nasiyahan nang lubos, siya ay nagsabi: «Kayo ba ang Mesiyas?»

«Hindi. Ngunit ako ay Kanyang disipulo. Siya ay darating, Siya ay nasa banda roon.»

Ang matandang babae ay inilapag ang kanyang pitsel sa lupa at umika-ika patungo sa direksiyon na sinabi sa kanya at lumuhod sa harapan ni Jesus.

Si Juan, na nanatiling kasama si Simon malapit sa pitsel na tumaob natatapon ang kalahati ng laman, ay nagsabi sa kanyang kasama ngumingiti: «Mabuti pang kunin natin ang pitsel na ito at samahan ang matandang babae.» Ginawa niya ito habang ang kanyang kasama ay nagsabi sa kanya: «Magagamit natin iyan upang makainom. Tayong lahat ay uhaw.»

Nang marating nila ang matandang babae – na bilang hindi nalalaman ang sasabihing eksakto ay nagpatuloy nang paulit-ulit: «Maganda, banal na Anak ng kabanalbanalang Ina» nakaluhod pa rin at kinasisiyahan ng kanyang mga mata ang pigura ni Jesus, Na ngumingiti sa kanya inuulit ang Kanyang sinasabi: «Tumayo, inang» - nang marating nila siya, si Juan ay nagsabi sa kanya: «Kinuha namin ang inyong pitsel. Ngunit ito ay napataob at kakaunting tubig na lamang ang natira. Kung ibibigay ninyo ito sa amin, iinumin namin ang tubig na ito at pagkatapos pupunuin namin ang pitsel para sa inyo.»

«Oo, aking mga anak, siyempre. At nalulungkot ako na mayroon lamang ako bagkus tubig para sa inyo. Sana mayroon akong gatas sa aking dibdib katulad nang sinusustentuhan ko ang aking Judas, upang maibigay sa inyo ang pinakamatamis na bagay na mayroon sa lupa: ang gatas ng isang ina. Ibig kong magkaroon ng alak, piling alak, upang palakasin kayo. Ngunit si Marianne ni Eliseo ay matanda na at mahirap…»

«Ang inyong tubig ay alak at gatas sa Akin, inang, sapagkat ito ay ibinibigay na may pagmamahal» tugon ni Jesus at Siya ang unang uminom sa pitsel na ibinigay sa Kanya ni Juan. Pagkatapos ang iba ay uminom.

Ang matandang babae, na sa wakas ay tumayo, ay tinitingnan sila na tila nakatingin siya sa Paraiso at nang, pagkatapos na lahat sila makainom, nakita niya na itatapon na nila ang natitirang tubig sa pitsel, upang punuan ito sa pontanya na bumubulwak sa dulo ng kalsada, siya ay nagmadaling lumapit, kinukuha ang kanyang pitsel at nagsasabing: «Huwag, huwag itapon. Ang tubig na ito ay mas banal pa kaysa sa nakapanlilinis na tubig, dahil Siya ay uminom mula rito. Itatago ko ito nang maingat upang sana ako ay malinis nito kapag ako ay mamamatay na.» At hinawakan niya ang kanyang pitsel nagsasabing: «Iuuwi ko ito. Mayroon pa akong iba at lalagyan ko iyon ng tubig. Ngunit halina muna Kayo, o Banal na isa, upang sana maipakita ko sa Inyo ang bahay ni Felipe» at tumrote siyang mabilis, baluktot na baluktot, na may ngiti sa kanyang kulubot na mukha at ang kanyang maliliit na mata nagniningning sa tuwa. Tumutrote siyang hawak-hawak sa kamay ang laylayan ng manta ni Jesus, na tila natatakot siya na baka Siya umalis sa kanya, at kanyang ipinagtatanggol ang kanyang pitsel mula sa mapilit na mga apostol, na ayaw siyang papagdalhin ng bigat na iyon. Tumutrote siyang masayang-masaya, tinitingnan ang kalsada at ang mga bahay sa Arbela, ang una walang mga tao, ang huli mga sarado na dahil dumidilim na, at nagmumukha siyang isang kongkistador, masaya sa kanyang tagumpay.

Sa wakas, sila ay lumilipat mula sa panabing kalsada patungo sa mas sentrong kalsada, kung saan ay may mga taong nagmamadaling umuwi – at ang mga tao ay pinagmamasdan siyang natutulala, itinuturo siya at tinatanong siya – at, pagkatapos ng paghihintay na magkaroon ng mga tao sa paligid niya, siya ay sumigaw: «Kasama ko rito ang Mesiyas ni Felipe. Takbo at sabihan ang lahat at ang una sa lahat ang sambahayan ni Jacob. Upang sila ay maging handa na maparangalan ang Santo.» Siya ay sumisigaw sa tuktok ng kanyang tinig. Nagagawa niya na siya ay sundin. Ito ay ang sandali ng awtoridad ng isang mahirap, malungkot, di-kilalang maliit na matandang babae ng sambayanan. At nakikita niya ang buong bayan na labis na naantig ng kanyang utos.

Si Jesus, labis na mas matangkad kaysa sa kanya, ay ngumingiti sa kanya kapag Siya ay tinitingnan niya paminsan-minsan at ipinapatong Niya ang Kanyang kamay sa kanyang kapita-pitagang ulo, sa isang makaamang haplos na pumupuspos sa kanya ng kasayahan.

Ang bahay ni Jacob ay nasa sentrong kalsada. Ito ay bukas at maliwanag at sa pamamagitan ng pintuan makikita ang isang mahabang bulwagan kung saan may mga tao na may hawak ng mga lampara, at sila ay nagmadaling masaya papalabas nang kaagad lumitaw si Jesus sa kalsada; ang bata-pang disipulo na si Felipe, ang kanyang ama at ina, mga kamag-anak, mga katulong at mga kaibigan.

Si Jesus ay tumigil at tumugon nang seryoso sa malalim na yukod ni Jacob, pagkatapos niyukuan Niya ang ina ni Felipe na nakaluhod upang pagpitaganan Siya, at ginawa siyang tumayo pinagpapalà siya nagsasabing: «Maging laging masaya dahil sa inyong pananampalataya.» Pagkatapos Kanyang binati ang disipulo na pumunta rito kasama ang isa pang lalaki na kasama niya, at na binati rin ni Jesus.

Ang matandang si Marianne, subalit, ay hindi iniiwanan ang laylayan ng manta o ang kanyang lugar sa tabi ni Jesus hanggang malapit na nilang pasukin ang pamasukan ng bulwagan. Pagkatapos siya ay bumulong: «Pagpalain Ninyo ako upang ako sana ay maging masaya! Ngayon Kayo ay mananatili na rito… Ako ay pupunta na sa aking abang tahanan at… at ang magandang bagay na ito ay tapos na!» Gaanong kalungkutan ang nasa loob ng kanyang nagkakaedad nang tinig!

Si Jacob, kung kanino ang kanyang asawa ay nagsalita sa mababang tinig, ay nagsabi: «Hindi, Marianne ni Eliseo. Manatili sa loob ng aking bahay na tila ikaw ay isang disipulo. Manatili hanggang kasama namin ang Guro at sa gayon maging masaya.»

«Pagpalain ka sana ng Diyos, mamâ. Nalalaman mo kung ano karidad.»

«Guro… dinala niya Kayo sa aking bahay. Nagdala Kayo sa akin ng grasya at pagmamahal. Isinusuli ko lamang, at sa isang abang pamamaraan, kung ano ang aking tinanggap sa Inyo at mula sa kanya nang napakasagana. Pasok Kayo, at hayaang salubungin Kayo ng aking sambahayan.»

Ang mga pulutong sa kalsada ay nakikita silang pumapasok at sumigaw: «At papaano kami? Ibig naming mapakinggan ang Kanyang salita.»

Si Jesus ay lumingon: «Gabi na at kayo ay pagod. Ihanda ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan ng banal na pagpapahinga at bukas mapapakinggan ninyo ang Salita ng Diyos. Pansamantala, ang kapayapaan at pagpapalà ay mapasainyo.» At ang pintuan sa harapan ay nagsasara sa kasayahan ng bahay na ito.

Si Santiago ni Zebedeo ay pinagmamasdan ang Panginoon sa loob ng sandali ng puripikasyon pagkatapos ng paglalakbay: «Baka mas mabuting magsalita kaagad at umalis sa pagsikat ng araw. May ilang mga Pariseo sa bayan. Sinabi ito sa akin ni Felipe. Iinisin nila Kayo.»

«Ang mga maaaring mainis nila ay nasa malayo. Ang problemang baka magawa nila sa Akin ay walang kabuluhan. May pagmamahal na magkakansela diyan…»

Sa susunod na umaga… Si Jesus ay lumabas kasama ang nalulugod na mga kamag-anak ni Felipe at ang mga apostol. Ang matandang babae ay sinusundan sila. Nasalubong Niya ang mga mamamayan ng Arbela na mga matiyagang naghihintay para sa Kanya. Siya ay pumunta sa pangunahing liwasan at nagsimulang magsalita.

«Nababasa natin ikawalong kabanata sa ikalawang aklat ni Ezra, ang Akin nang uulitin sa inyo: “Nang ang ikasiyam na buwan ay dumating… (Si Jesus ay nagsabi sa akin: “Huwag kang magsulat ng kahit na ano. Uulitin Ko ang mga salita ng aklat nang buo”).

Kailan bumabalik ang sambayanan sa bansa nito? Kapag ito ay bumabalik sa lupain ng mga ninuno nito. Ako ay naparito upang kunin kayong muli sa lupain ng inyong Ama, sa Kaharian ng Ama. Magagawa Ko iyan sapagkat Ako ay ipinadala para diyan. Kung kaya't Ako ay naparito upang dalhin kayo sa Kaharian ng Diyos at kung gayon tama lamang na ikumpara kayo sa mga pinabalik sa pinagmulang-bayan kasama ni Zorobabel sa Herusalem, ang siyudad ng Panginoon, at tama lamang na gawin sa inyo kung ano ang ginawa ni Ezra ang eskriba sa mga taong nagkaipun-ipon muli sa bakuran ng sagradong mga pader. Sapagkat ito ay isang walang-katulad na katangahan na magtayong muli ng isang bayan iniaalay ito sa Panginoon, na hindi pinanunumbalik ang mga kaluluwa, na mga katulad ng kasing dami ng maliliit na bayan ng Diyos.

Papaano ang maliliit na espirituwal na mga bayan na ito, nagkasira-sira ng napakaraming mga pangyayari, mapanunumbalik.? Anong mga materyal ay kailangang gamitin upang magawa itong solido, maganda, tatagal? Ang mga materyales ay nasa mga alituntunin ng Panginoon: ang sampung mga kautusan, na inyong nalalaman, sapagkat si Felipe, ang anak ng inyong bayan at Aking disipulo, ay ipinaalaala sa inyo ang tungkol sa mga ito. Ang dalawang pinakabanal ng banal na mga alituntunin ay ang: “Mahalin ang Diyos nang inyong buong sarili. Mahalin ang inyong kapwa katulad ng inyong sarili”. Sinusuma nito ang Batas. At Akin itong tinuturo sapagkat sa pamamagitan ng mga ito makatitiyak kayo na mapananalunan ninyo ang Kaharian ng Diyos. Sa pagmamahal matatagpuan ninyo ang lakas ng pagpupursige sa kabanalan o sa pagiging banal, ang lakas ng pagpapatawad, ang lakas ng kabayanihan sa birtud. Ang lahat ay maaaring matagpuan sa pagmamahal. Ang takot ay hindi nakapagliligtas: ang takot sa paghukom ng Diyos, ang takot sa pantaong mga kapahintulutan, ang takot sa mga sakit. Ang takot ay hindi kailanman nakapagtatayo. Ito ay nang-uuga, naninira, naglalagay sa kawalang-kaayusan, ito ay nangwawasak. Ang takot ay naghahatid sa kawalang-pag-asa, naghahatid lamang ito sa matusong pagtatakip sa pagawa ng masama, nagagawa nito ang isa na matakot kung kailan ang takot ay walang pakinabang, sapagkat ang takot ay nasa loob na natin.

Sino ang nag-iisip ng pagkilos nang mabuti, alang-alang sa kanyang katawan, kung siya ay malusog? Wala. Ngunit kaagad kapag ang unang panginginig ng lagnat ay dumaan sa ating mga ugat o ang isang mantsa ay nagawa tayong mag-isip ng isang di-malinis na sakit, diyan ang takot ay nagiging isang karagdagang pagpapahirap sa sakit at ito ay nagiging isang nakapagpapabawas ng lakas sa isang katawan na napahina na ng sakit. Ang pagmamahal sa halip ay nakapagtatayo. Ito ay nagtatayo, nagpapasolido, nagbubuo at nagpapanatili. Ang pagmamahal ay nagdadala ng pag-asa sa Diyos. Ang pagmamahal ay nagpapaalis sa paggawa ng masama. Ang pagmamahal ay nagagawa ang tao na makipagkasundo nang mabuti sa pamamagitan ng kanyang sariling katauhan, na hindi ang sentro ng sansinukuban, katulad na siyang paniwala ng isang egotista at pinalilitaw, mga huwad na mga tagapagmahal ng kanilang mga sarili, sapagkat minamahal nila ang iisang bahagi lamang: ang di-masyadong nobleng isa, sa ikasasama ng inmortal at banal na bahagi; ngunit ating katungkulan itong mapanatiling malusog, hanggang sa ito ang ibig ng Diyos, upang maging may-pakinabang sa ating mga sarili, sa ating mga kamag-anak, sa ating bayan at sa buong bansa.

Ang mga sakit ay darating nang di-maiiwasan. Hindi totoo na ang bawat sakit ay ang resulta ng bisyo o kaparusahan. May banal na mga sakit lamang na ipinadadala ng Panginoon sa Kanyang makatarungang mga tao, upang sa mundo, na ang tingin sa sarili ay ang dulo at ang pamamaraan ng kasiyahan, ay magkaroon sana ng banal na mga tao na mga katulad ng mga bihag-ng-digmaan para sa kaligtasan ng iba, at sila ay nagbabayad nang personal pinagbabayarang-kasalanan sa pamamagitan ng kanilang paghihirap, ang bahagi ng kasalanan na araw-araw iniipon ng mundo at na magtatapos sa pagdurog sa Sangkatauhan, ibinábaon ito sa sarili nitong maldisyon.

Naaalaala ba ninyo ang matandang si Moses na nagdarasal habang si Joshua ay nakikipaglaban sa ngalan ng Panginoon? Kailangan ninyong isipin na ang mga naghihirap nang may-kabanalan, ay siyang nagbibigay ng pinakamatinding pakikipaglaban sa pinakamabagsik na mandirigma na mayroon sa mundo, nakatago sa mga hitsura ng mga tao at mga sambayanan, kay Satanas, ang Tagapagpahirap, ang Pinanggalingan ng lahat ng kasamaan, at sila ay nakikipaglaban alang-alang sa lahat na mga tao. Ngunit gaanong kaibahan ang naririyan sa pagitan ng ganyang banal na mga sakit na ipinadala ng Diyos, at ng gawa ng bisyo sa pamamagitan ng isang makasalanang pagmamahal sa mga pándamá! Ang una ay ang katibayan ng maawaing kalooban ng Diyos; ang huli ay ang katibayan ng mala-dimonyong kurupsiyon. Kinakailangan kung gayon na magmahal, upang maging banal, sapagkat ang pagmamahal ay naglilikha, nagpapanatili at nagpapabanal.

Katulad nina Nehemiah at Ezra, Ako rin, sa pagbabalita ng katotohanang ito, ay nagsasabi sa inyo: “Ang araw na ito ay sagrado sa Panginoong ating Diyos. Huwag maging mapagluksa, huwag umiyak”. Sapagkat ang lahat na pagluluksa ay natatapos, kapag kinabubuhayan ng isa ang araw ng Panginoon. Ang karahasan ng kamatayan ay natatapos, sapagkat ang pagkawala ng isang anak, ng isang asawa, isang ama, ina o kapatid ay nagiging isang pansamantala at limitadong pagkakahiwalay. Pansamantala sapagkat ito ay natatapos sa pamamagitan ng ating kamatayan. Limitado sapagkat ito ay nasa katawan at pándamá lamang. Ang ating kaluluwa ay hindi nawawalan ng kahit na ano kapag ang ating kamag-anak ay namamatay. Ang kalayaan nito ay limitado sa iisang partido lamang, sa atin, bilang mga naiwan na ang ating mga kaluluwa nakapaloob pa rin sa laman, habang ang isang partido, ang isang humayo sa ikalawang buhay, ay kinalulugdan niya ang kalayaan at kapangyarihan na magbantay sa atin at makakuha para sa atin ng higit pa kaysa nang tayo ay kanyang minamahal mula sa kulungan ng kanyang katawan.

Katulad nina Nehemiah at Ezra sinasabi Ko sa inyo: “Humayo, kainin ang matabang karne, inumin ang matamis na alak at magpadala ng isang bahagi sa tao na wala, dahil sa ang araw na ito ay sagrado sa Panginoon, at kung gayon walang sinuman ang kailangan na maghirap sa loob ng araw na ito. Huwag maging malungkot, sapagkat ang lugod ng Panginoon Na nasa pagitan ninyo, ay ang muog ng mga tumatanggap ng grasya ng Kataastaasang Panginoon sa loob ng kanilang mga pader at kanilang mga puso”.

Hindi na kayo makapagtatayo ng mga Tabernakulo. Ang kanilang panahon ay tapos na. Bagkus magtayo ng espirituwal na mga Tabernakulo sa loob ng inyong mga puso. Akyatin ang bundok, ibig sabihin, tumaas patungong Perpeksiyon. Mag-ipon ng mga sanga ng olibo, mitro, palmera, terebinto, hisopo at ng bawat magandang punungkahoy. Mga sanga ng mga birtud ng kapayapaan, kadalisayan, kabayanihan, pagpipigil, lakas, pag-asa, hustisya, ng lahat na mga birtud. Adornohan ang inyong mga kaluluwa ipinagdiriwang ang kapistahan ng Panginoon. Ang Kanyang mga Tabernakulo ay naghihintay sa inyo. Kanya. At sila ay magaganda, banal, eternal, bukas para sa lahat na namumuhay sa Panginoon. At kasama Ako, magpasya ngayon na magtika para sa nakaraan at magsimula ng isang bagong pamumuhay.

Huwag matakot sa Panginoon. Tinatawag Niya kayo sapagkat minamahal Niya kayo. Huwag matakot. Kayo ay Kanyang mga anak katulad ng lahat pang iba sa Israel. Para din sa inyo nilikha Niya ang Sansinukuban at Langit, ipinadala Niya sina Abraham at Moses, pinabuka Niya ang dagat, nilikha Niya ang gumagabay na ulap, bumaba Siya mula sa Langit upang ibigay ang Batas, at pinabuka Niya ang mga ulap upang sana magpaulan ito ng manna, at ginawa Niya ang mga bato na maging mabunga upang sana sila ay makapagbigay ng tubig. At ngayon din para sa inyo ipinadadala Niya ang buháy na Tinapay ng Langit upang mapunuan ang inyong pagkagutom at ang totoong Baging at ang Pontanya ng eternal na Buhay upang patirin ang inyong pagkauhaw. At sa pamamagitan ng Aking mga labì sinasabi Niya sa inyo: “Pumasok at taglayin ang Lupain sa ibabaw nito kung saan itinaas Ko ang Aking kamay upang ibigay ito sa inyo”. Ang Aking espirituwal na Lupain: ang Kaharian ng Langit.

Ang mga pulutong ay nagpapalitan ng masisiglang salita… Pagkatapos panahon na ngayon ng mga maysakit. Napakarami nito. Si Jesus ay ginawa sila na maglinya sa dalawang hanay, at habang ito ay ginagawa, tinanong Niya si Felipe ng Arbela: «Bakit hindi mo sila pinagaling?»

«Upang magkaroon sila ng nagkaroon ako: ang mapagaling Ninyo.»

Si Jesus ay dumaraan benebendisyunan ang mga maysakit nang isa-isa at ang pangkaraniwang kababalaghan ay nauulit: ang bulag nakakita, ang bingi nakarinig, ang pipi nakapagsalita, ang mga pilay nakatayo nang tuwid, ang lagnat at kahinaan naglaho.

Ang pagpapagaling ay tapos na. Sa katapusan, pagkatapos ng huling maysakit, ay dumating ang dalawang Pariseo na pumunta sa Bozrah may kasamang dalawa pa. «Kapayapaan sa Inyo, Guro. Wala ba Kayong sasabihing anuman sa amin?»

«Ako ay nagsalita para sa lahat.»

«Ngunit hindi namin kailangan ang Inyong mga salita. Kami ay ang mga santo ng Israel.»

«Sa inyo, na mga dalubhasa, sinasabi Ko: magkumento sa sumunod na kabanata, ang ikasiyam ng pangalawang aklat ni Ezra, inaalaala kung ilang beses na hanggang ngayon ang Diyos nagkaroon ng awa sa inyo, at ulitin ang katapusan ng kabanata, na tila iyon ay isang panalangin, dinadagukan ang inyong mga dibdib.»

«Tamang-tama, Guro, tamang-tama. At ang Inyo bang mga disipulo ay ginagawa ito?»

«Ginagawa nila. Iyan ang unang bagay na inuutos Ko sa kanila.»

«Lahat sila? Pati rin ang mga mamamatay-tao na nasa Inyong grupo?»

«Ang dugo ba ay nangangamoy nang masama sa inyo?»

«Ito ay isang tinig na tumatawag sa Langit.»

«Kung gayon huwag gayahin ang mga nagpapadanak nito.»

«Kami ay hindi mga mamamatay-tao!»

Si Jesus ay tinititigan sila nilalagos sila ng Kanyang mga mata. Hindi sila naglalakas-loob na magdagdag ng isang salita sa loob ng mga sandali. Bagkus sinusundan nila ang grupo na pumupunta ulit sa bahay ni Felipe, na ang pakiramdam kailangan niyang anyayahan sila na makapasok at sumama sa bangkete.

«Malaking kasiyahan namin! Mananatili kaming mas matagal kasama ang Guro» sabi nila yumuyuko nang napakababa.

Ngunit nang sila ay nasa loob na umasal sila katulad ng mga asong sabweso… Sila ay nakatingin, sumusulyap, tinatanong nila ang mga katulong ng matatalinong tanong, at kanilang nilalapitan pa ang matandang babae, na tila nahahalina ni Jesus katulad na ang bakal ay nahihigop ng isang batubalani. Ngunit siya ay sumasagot kaagad: «Kahapon ito lamang ang aking nakita. Baka nananaginip kayo. Dinala ko sila rito, at may iisang Juan lamang: ang olandesang buhok na batang iyon na kasing buti ng isang anghel.»

Nambatikos sila laban sa matandang babae at pumunta sa ibang lugar. Ngunit ang isang katulong, na hindi tuwiran na tumutugon sa kanila, ay yumuko kay Jesus, Na nakaupo nakikipagusap sa maybahay na lalaki, at tinanong Siya: «Nasaan si Juan ng Endor? Ang ginoong ito ay naghahanap para sa kanya.»

Ang Pariseo ay pumukol ng isang pangyayamot na sulyap sa katulong at isinusumpa siya bilang isang «tanga». Ngunit si Jesus ay nalalaman na Niya ngayon ang kanilang mga intensiyon at kinakailangan na remedyuhan ito sa pinaka-posibleng pamamaraan. Ang Pariseo ay nagsabi: «Iyon ay upang batiin Kayo, Guro, sa kababalaghang ito ng Inyong doktrina at parangalan Kayo sa pamamagitan ng tao na napagbago ang kalooban.»

«Si Juan ay malayo nang permanente at malálayo pa siya nang malálayo.»

«Bumalik ba siya sa pagkakasala?»

«Hindi. Siya ay paakyat sa Langit. Gayahin siya, at matatagpuan ninyo siya sa susunod na buhay.»

Ang apat ay hindi malalaman kung ano ang sasabihin at mabuting pinalitan nila ang paksa. Ang mga katulong ay nagsabi na ang pagkain ay handa na at lahat sila pumunta sa silid-kainan.

281011

 

 

 


Sunod na kabanata