295. Papunta sa Aera.

Oktubre 6, 1945.

Ang Arbela rin ngayon ay malayo na. Sa grupo ay naririyan din si Felipe ng Arbela at ang isa pang disipulo, na ang pangalan sa pakinig ko ay Markus.

Ang daan ay maputik dahil sa malakas na pag-ulan. Ang kalangitan ay maulap. Ang isang maliit na ilog, ngunit karapat-dapat ng pangalang ito, ay tinatawid ang daan na patungo sa Aera. Lumaki gawa ng ulan na dumagsa sa lugar na ito, ito ay tiyak na hindi kulay kalawakang-asul; ito ay mapula-pulang dilaw na tila ang tubig ay dumadaloy sa isang persosong lupa.

«Masama na ngayon ang panahon. Tama ang Inyong nagawa na paalisin ang mga babae. Hindi na ito ang panahon para sa kanila na maging nasa mga daan» wikang malaman ni Santiago.

At si Simon ang Zealot, na laging kalmante sa kanyang debosyon sa Guro, ay nagpahayag: «Ang lahat na Kanyang ginagawa, nagagawa Niyang maayos. Siya ay hindi mapurol katulad natin. Nakikita at inaayos Niya ang lahat para sa pinakamaganda, at lalo na para sa kapakanan natin kaysa sa Kanya.»

«Si Juan, na masaya na makatabi Niya, ay tumingala sa Kanya na may ngumingiting mukha at bumulalas: «Kayo ang pinakamahal at ang pinakamagandang Guro na nagkaroon dati, nagkaroon ngayon, o magkakaroon ang lupa kailanman, bukod sa pagiging ang kabanalbanalan.»

«Ang mga Pariseong iyon… Anong kalungkut-lungkot! Pati ang masamang panahon ay nakatulong na makumbinsi sila na si Juan ng Endor ay wala roon. Ngunit bakit napakarahas nila sa kanya?» tanong ni Ermasteus, na giliw-na-giliw kay Juan ng Endor.

Si Jesus ay tumugon: «Ang kanilang kapootan ay hindi laban sa kanya o dahil sa kanya. Siya ay isang bagay na kanilang ginagamit laban sa Akin.»

Si Felipe ng Arbela ay nagsabi: «Bueno, ang ulan ay mahigit pang nakumbinsi sila na walang-silbi ang maghintay at pagsuspetsahan si Juan ng Endor. Mabuhay ang ulan! Nagsilbi rin ito na mapanatili Kayo sa aking bahay sa loob ng limang araw.»

«Nag-iisip ako kung gaano kaya nag-aalala ang mga nasa Aera! Kataka-taka na ang aking kapatid ay hindi dumating upang salubungin tayo» sabi ni Andres.

«Salubungin tayo? Siya ay susunod sa atin» wika ni Mateo.

«Hindi. Kukunin niya ang daan sa tabing lawa. Sapagkat siya ay magmumulang Gadara patungo sa lawa at sa pamamagitan ng bangka patungong Bethsaida upang makita ang kanyang asawa at masabi sa kanya na ang bata ay nasa Nazareth at na siya ay kaagad babalik. Mula sa Bethsaida daan ng Merom kukunin niya ang daan patungong Damascus nang sandali, at pagkatapos ang daan patungong Aera. Siya ay tiyak na nasa Aera.»

«Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos si Juan ay nagsalita ngumingiti: «Ngunit ang maliit na matandang babae, Panginoon!»

«Akala ko pagkakalooban Ninyo siya ng mamatay sa loob ng Inyong dibdib, katulad ng Inyong ginawa kay Saul ng Kerioth» wika ni Simon Zealot.

«Minahal Ko siya nang mas mahigit pa. Sapagkat maghihintay Ako na tawagin siya sa Akin, kapag bubuksan na ng Kristo ang mga tarangkahan ng Langit. Ang maliit na matandang babae ay hindi na maghihintay nang matagal para sa Akin. Siya ngayon ay nabubuhay nang kasama ang kanyang mga alaala, at sa tulong ng iyong ama, Felipe, ang kanyang buhay ay hindi na magiging napakalungkot. pinagpapalà Ko ikaw at ang iyong mga kamag-anak muli.»

Ang lugod ni Juan ay napadilim ng isang ulap na mas makapal pa kaysa sa mga nasa kalangitan. Ito ay napuna ni Jesus at Siya ay nagtanong: «Hindi ka ba nalulugod na ang matandang iyon ay mapupuna na sa Paraiso?»

«Oo… ngunit hindi ako nalulugod dahil ang ibig sabihin niyan Kayo ay aalis… Bakit kailangan na mamatay, Panginoon?»

«Ang mga ipinanganak ng babae, mamamatay.»

«Siya lamang ba ang kukunin Ninyo?»

«O! hindi! Gaanong malulugod ang mga susunod, na Aking mga maililigtas bilang Diyos, at Aking mga minahal bilang tao…»

Tinawid nila ang dalawa pang mga ilog, ang isa malapit sa isa. Nagsisimula nang umulan sa patag na rehiyon na umuunat sa harapan ng mga peregrino pagkatapos na maakyat nila ang mga burol sa sangahan ng daan, na bumabaybay sa isang lambak at patungong hilaga. Ang isang malaking kabit-kabit na bundok ay lumitaw sa hilaga, o kung baga sa hilagang-kanluran, ngunit mas sa hilaga kaysa sa kanluran, na maraming mga ulap na nagpapatung-patong sa mga taluktok, pumoporma ng halos di-tunay na mga taluktok sa ibabaw ng tunay na mga taluktok, natatakpan ng mga kakahuyan sa mga panabi at may mga niyebe sa mga tuktok. Ngunit ang kabit-kabit na bundok ay nasa napakalayo.

«May tubig sa ibaba rito, at niyebe sa itaas doon. Iyan ang kabit-kabit na bundok ng Hermon. Tinakpan nito ang taluktok nito ng isang malaking maputing blanket. Kung may sikat-ng-araw sa Aera, makikita ninyo kung gaano kagandang tingnan ito kapag kinukulayan ng araw ng rosal ang tuktok» sabi ni Timoneus, na nauudyukan ng kanyang pagmamahal para sa kanyang amangbayan upang mapuri ang kagandahan ng kabukiran.

«Ngunit ngayon ay umuulan. Malayo pa ba ang Aera?» tanong ni Mateo.

«Oo, napakalayo. Hindi tayo makakarating doon hanggang sa gabing ito.»

«Kung gayon, iligtas sana tayo ng Diyos sa mga hapdi at kirot» paghinuha ni Mateo, na hindi masyadong gusto ang paglalakad sa gayong panahon.

Lahat sila ay ganap na nakabalot sa kanilang mga manta, sa ilalim nito kung saan ay hawak nila ang kanilang mga sako ng paglalakbay nang huwag mahamugan, upang makapagpalit sila ng damit pagdating, dahil ang kanilang mga suut-suot ngayon ay tumutulo na sa kabasaan at ang mga laylayan ay mabibigat na sa putik.

Si Jesus ay nauuna sa kanila, buhos sa pag-iisip. Ang iba ay ngumangatngat ng kanilang tinapay at si Juan ay nagsabing pabiro: «Hindi na kailangan na maghanap pa ng pontanya upang mapatid ang ating uhaw. Sapat nang itingala natin ang ating mga ulo at ibuka ang ating mga bunganga at ang mga angel ay bibigyan tayo ng tubig.»

Si Ermasteus, bilang bata pa katulad nina Felipe ng Arbela at ni Juan na napakasuwerte na tinatanggap ang lahat nang may katatawanan, ay nagsabi: «Si Simon ni Jonah ay nagrereklamo tungkol sa mga kamelyo. Ngunit mas gugustuhin ko pang mapapunta sa isa sa mga tore na iyon inuuga ng lindol kaysa sa putik na ito. Ano sa palagay mo?»

At si Juan: «Sasabihin ko na komportable ako kahit saan, maliban na si Jesus ay naririyan…»

Ang tatlong bata-pang mga kalalakihan ay nagpapatuloy sa paguusap-usap nang walang tigil. Ang apat na mas matanda ay binibilisan ang kanilang paghakbang at inabutan si Jesus. Ang natitirang pareha, ibig sabihin, sina Timoneus at si Mark ay sinundan ang iba pa nagsasalita…

«Guro, Si Judas ni Simon ay mapupunta sa Aera…» sabi ni Andres.

«Siyempre. At sina Tomas, Natanael at Felipe ay makakasama niya.»

«Guro… Ikalulungkot ko ang mapapayapang araw na ito» sabi ni Santiago na may buntung-hininga.

«Kailangan na huwag mong sasabihin iyan, Santiago.»

«Alam ko… Ngunit hindi ko ito maiwasan…» at siya ay nagbuntung-hininga nang isa pa.

«Naririyan na rin si Simon Pedro kasama ang Aking mga kapatid. Iyan ba ay hindi sa iyo nagpapasaya?»

«Nagpapasaya, labis! Guro, bakit si Judas ni Simon ay ibang-iba sa amin?»

«Bakit ang ulan at sikat-ng-araw, ang mainit at malamig, ang liwanag at dilim nagsasalit-salitan?»

«Sapagkat hindi maaaring magkaroon ng parehong sitwasyon sa lahat ng oras. Ang buhay ay magkakaroon ng katapusan sa lupa.»

«Tamang-tama, Santiago.»

«Oo, ngunit iyan ay walang kinalaman tungkol kay Judas.»

«Sabihin mo sa Akin. Bakit ang lahat na mga bituin ay hindi katulad ng araw, ibig sabihin, malaki, mainit, maganda, makapangyarihan?»

«Sapagkat… sapagkat ang lupa ay aapoy sa labis na init.»

«Bakit ang mga punungkahoy hindi lahat katulad ng puno ng nugales na iyon? Sa mga punongkahoy ang ibig Kong sabihin ay ang lahat na mga gulayin.»

«Sapagkat hindi sila magagawang kainin ng mga hayop.»

«Bueno, bakit hindi silang lahat katulad ng damo?»

«Sapagkat… mawawalan tayo ng magagamit para ipanggatong, ipagtayo ng bahay, makagawa ng mga gamit, mga kariton, mga bangka, mga muwebles.»

«Bakit ang mga ibon hindi lahat katulad ng mga agila, at ang mga hayop hindi lahat mga elepante o mga kamelyo?»

«Magkakagulo tayo kung ito ay ganyan!»

«Kung gayon, ang gayon bang pagkakaiba-iba ay isang mabuting bagay?»

«Walang duda.»

«Kung gayon iyan ang palagay mo… Bakit, ayon sa iyo, ginawa sila ng Diyos nang ganyan?»

«Upang maibigay sa atin ang lahat na posibleng tulong.»

«Kung gayon, para sa isang mabuting dahilan. Natitiyak mo?»

«Katulad nang natitiyak ko na ako ay ngayon buhay.»

«Bueno, kung tinitingnan mo na tama na magkaroon ng iba't ibang mga hayop, mga gulaying punungkahoy at mga bituin, bakit gusto mong maging magkakatulad ang lahat na mga tao? Ang bawat tao ay may kanya-kanyang misyon at ugali. Sa palagay mo ba ang walang-hangganang pagkakaibat-ibat ng mga uri ay isang tanda ng kawalang-kapangyarihan ng Tagapaglikha?»

«Ng Kanyang kapangyarihan. Ang isang uri ay nakadaragdag sa isa.»

«Napakabuti. Si Judas ay nagiging ganyan din ang kapakinabangan, katulad mo sa iyong mga kasamahan, at ang iyong mga kasamahan sa iyo. Kayo ay may tatlumpu’t dalawang ngipin sa inyong bunganga at kung titingnan mo ito nang mabuti, makikita ninyo na ang isa ay ibang-iba sa bawat isa. Hindi lamang sa tatlong pinakagrupo, bagkus ang bawat isa sa grupo nito mismo. At tingnan ang kanilang gawain kapag kayo ay kumakain. Makikita ninyo na pati ang tila mga kakaunti lamang ang gamit at kakaunti ang ginagawa, ay sa halip ang siyang mga unang gumagawa sa paghati ng tinapay at pagpása nito sa iba na dumudurog nito at pagkatapos ipapása ito sa iba na siyang magpapalambot nito sa pagiging malambot na parang papel Hindi ba't ganito ito? Iniisip mo na si Judas ay walang ginagawa o gumagawa ng mali. Paaalalahanan kita na naebanghelyo niya nang mabuti ang katimugang Judea, at, ayon mismo sa sinabi mo, napaka madiplomasya niya sa mga Pariseo.»

«Iyan ay totoo.»

Si Mateo ay nagwika: «Napakagaling din niya sa pangungulekta ng pera para sa mahihirap. Nahihingi niya ito nang mas mabuti kaysa sa nagagawa ko… Baka dahil pinandidirihan ko na ito ngayon.»

Si Simon Zealot ay iniyuko ang kanyang ulo at labis siyang namumula na ang kanyang mukha ay naging kulay dugo.

Napuna ito ni Andres at tinanong siya: «Masama ba ang iyong pakiramdam?»

«Hindi… Hapo… Hindi ko alam.»

Si Jesus ay tinititigan siya at mas lalo pa siyang namumula. Ngunit si Jesus ay walang sinasabi kahit na ano.

Si Timoneus ay tumatakbong lumalapit: «Guro, sa banda roon makikita Ninyo ang nayon bago ang Aera. Makatitigil tayo roon o makakuha ng ilang asno.»

«Ang ulan ngayon ay tumitila na. Mas mabuti pang magpatuloy.»

«Ayon sa ibig Ninyo, Guro. Ngunit, kung pahihintulutan Ninyo ako, ako ay uuna na.»

«Makakalakad ka.»

Si Timoneus ay tumakbong umalis kasama si Markus. At si Jesus ay nag-wikang ngumingiti: «Ibig niya na magkaroon tayo nang matagumpay na pagpasok.»

Lahat sila ay nagkasama-samang muli sa iisang grupo. Si Jesus ay pinababayaan silang maging abala sa kanilang paguusap tungkol sa kaibahan ng mga rehiyon at pagkatapos pumunta Siya sa likuran ng grupo at sinamahan ang Zealot. Nang kaagad sila ay nag-iisa na Siya ay nagtanong: «Bakit ka namula, Simon?»

Ang apostol ay namulang muli ngunit hindi sumasagot. Si Jesus ay inulit ang Kanyang tanong. Si Simon ay mas lalu't lalo pang namumula ngunit nananatiling tahimik. Si Jesus ay tinanong siyang muli.

«Aking Panginoon, nalalaman na Ninyo! Bakit ibig Ninyong sabihin ko sa Inyo?» sigaw ng Zealot nang namimighati, na tila siya ay pinarurusahan.

«Nakatitiyak ka ba?»

«Hindi niya ito ikinaila. Ngunit sinabi niya: “Ginagawa ko ito sapagkat ako ay probidente. Ako ay may sentido komun. Ang Guro ay hindi kailanman nag-iisip ng tungkol sa hinaharap”. Na aming masasabi na totoo. Ngunit… ito ay laging… ito ay laging… Guro, sabihin Ninyo sa akin ang tamang salita.»

«Ito ay laging isang katibayan na si Judas ay isang “tao” lamang. Hindi niya maitaas ang kanyang sarili na maging isang espiritu. Ngunit, kayo ay humigit-kumulang magkakatulad. Kayo ay natatakot ng walang-kuwentang mga bagay. Nag-aalala kayo tungkol sa walang-silbing paglalaan para sa kinabukasan. Hindi kayo makapaniwala na ang Probidensiya ay makapangyarihan at laging naririyan. Bueno: itago natin iyan sa ating sarili lamang. Tama ba iyon?»

«Oo, Guro.»

Nagkaroon ng katahimikan. Pagkatapos sinabi ni Jesus: «Babalik kaagad tayo sa lawa… Isang kaunting konsentrasyon pagkatapos ng labis na paglalakbay ay maganda. Ikaw at Ako ay pupunta sa Nazareth nang ilang mga araw, patungo sa kapistahan ng Dedikasyon. Ikaw ay nag-iisa… Ang iba ay makakasama ang kanilang mga pamilya. Ikaw ay mananatiling kasama Ko.»

«Aking Panginoon, sina Judas, Tomas at Mateo ay mga nag-iisa rin.»

«Huwag mong alalahanin ang tungkol diyan. Ang bawat isa ay ipagdiriwang ang kapistahan sa loob ng kanyang sariling pamilya. Si Mateo ay may kapatid na babae. Ikaw ay nag-iisa. Maliban kung ibig mong pumunta kay Lazarus…»

«Hindi Panginoon» Bulalas ni Simon. «Hindi. Mahal ko si Lazarus. Ngunit ang makasama Kayo ay ang mapunta sa Paraiso. Salamat sa Inyo, Panginoon» at kanyang hinahalikan ang kamay ni Jesus.

Kalalampas pa lamang nila sa maliit na nayon nang, sa loob ng isang malakas na ulan sina Timoneus at Markus ay lumitaw sa binabahang daan sumisigaw: «Tigil! Si Simon Pedro ay dumarating na may dalang ilang mga asno. Nasalubong ko siya sa daan. Tatlong araw na siyang pumupunta sa lugar na ito dala ang mga asno, laging sa loob ng ulan.»

Sila ay tumigil sa ilalim ng isang palumpungan ng mga puno ng terebinto na nakapagpoprotekta sa kanila sa buhos ng ulan kahit na papaano. At pagkatapos si Pedro ay lumitaw nakasakay sa isang asno at pinangungunahan ang isang hilera ng mga asno; kamukha niya ang isang prayle sa ilalim ng isang blanket na nagtatakip sa kanyang ulo at mga balikat.

«Pagpalain nawa Kayo ng Diyos, Guro! Sinabi ko na Siya ay mababasa katulad ng isang nahulog sa lawa! Halikayo, bilis, lahat kayo, sumakay sa mga asno, sapagkat ang Aera ay umiinit na sa loob ng tatlong araw, dahil ang mga tao ay pinababayaang may sindi ang mga paapuyan upang mapatuyo Kayo! Bilis… Tingnan kung anong sitwasyon ang Kanyang kinalalagyan! Ngunit ikaw… hindi mo ba Siya mapipigilan? Ah! Kung ako ay wala diyan! Ngunit sasabihin ko: tingnan lang iyan! Ang Kanyang buhok ay nakabitin na tila siya ay nalunod. Maaaring nanigas na Kayo. Sa loob ng lahat ng ulan na ito! Gaanong kawalang pag-iisip! At ano ang tungkol sa inyong lahat? Kayong mga pabaya! At ikaw una sa lahat, aking tangang kapatid, at ang lahat na iba pa sa inyo. Gaano kaganda kayong tingnan! Katulad ninyo ang mga sako na nababad sa isang sanaw. Halika kayo, bilis. Hindi ko na Siya ulit ipagkakatiwala sa inyo. Ako ay halos mamatay na sa takot…»

«At na may pagsasalita, Simon» sabing kalmante ni Jesus habang ang Kanyang asno ay tumutrote sa tabi ng kay Pedro at unahan ng karabana ng mga asno. Inuulit ni Jesus: «At na may pagsasalita. At na may pagsasalita nang walang silbi. Hindi mo pa nasasabi sa Akin kung ang iba ay dumating na. Kung ang mga kababaihan ay umalis na. Kung ang asawa mo ay mabuti naman. Wala ka pang sinabi sa Akin.»

«Sasabihin ko sa Inyo ang lahat. Ngunit bakit Kayo umalis sa loob ng lahat ng ulan na ito?»

«At bakit ka pumunta?»

«Sapagkat nananabik akong makita Kayo, aking Guro.»

«Sapagkat nananabik Akong makasama kita, Aking Simon.»

«O! Aking mahal na Guro! Gaano ko Kayo kamahal! Asawa, bata, bahay? Sila ay wala, walang maganda kung wala Kayo. Naniniwala ba Kayo na minamahal ko Kayo nang labis?»

«Naniniwala Ako. Kilala Ko kung sino ka, Simon.»

«Sino?»

«Isang malaking bata puno ng maliliit na pagkakamali, sa ilalim kung saan nakabaon ang maraming magagandang kalidad. Ngunit ang isa ay hindi nakabaon. At iyan ay ang iyong katapatan sa lahat. Bueno, sino ang naroroon sa Aera?»

«Ang Inyong mga kapatid na si Judas at Santiago, si Judas ng Kerioth kasama ang iba pa. Si Judas ay tila nakagawa ng maraming mabuting bagay. Ang lahat ay pinupuri siya…»

«Nagtanong ba siya sa inyo ng kahit ano?»

«O! Napakarami! Hindi ako tumugon sa kahit ano sa mga iyon, sinabi ko na wala akong nalalamang anuman. Sa katunayan, ano ba ang nalalaman ko, maliban na dinala ko ang mga kababaihan hanggang sa layo ng Gadara? Alam Ninyo… wala akong sinabi sa kanya kahit na ano tungkol kay Juan ng Endor. Iniisip niya na si Juan ay kasama Ninyo. Kailangan na sabihan Ninyo ang iba.»

«Hindi. Katulad mo, hindi nila nalalaman kung nasaan si Juan. Walang kabuluhan na magsalita pa ng iba. Ngunit ang lahat na asnong ito!... Sa loob ng tatlong araw!... Anong pinagkagastahan! At ang mga mahihirap?»

«Ang mahihirap… Si Judas ay tambak ng pera at siya ang bahala sa kanila. Sa mga asno ay wala akong ibinayad. Ang sambayanan ng Aera ay magbibigay sa akin ng sanlibo para sa Inyo, nang libre. Kinailangan kong itaas ang aking boses laban sa kanila upang maiwasan silang pumunta rito kasama ang isang armada ng mga asno. Tama si Timoneus. Ang lahat ay naniniwala sa Inyo rito. Sila ay mas mabuti pa kaysa sa atin…» at siya ay nagbuntung-hininga.

«Simon, Simon! Sa Trans-Jordan tayo ay kanilang pinarangalan; isang alipin sa galera, ilang mga hentil na babae, mga puta, ang mga babae ay binigyan ka ng leksiyon sa perpeksiyon. Tandaan iyan, Simon ni Jonah. Lagi.»

«Sisikapin ko, Panginoon. Naririto ang unang mga tao mula sa Aera. Tingnan kung gaano karami! Hayun ang ina ni Timoneus. Hayun ang Inyong mga kapatid kasama ng mga pulutong. Hayun ang mga disipulo na Inyong pinauna sa mga sumama kay Judas ng Kerioth. At hayun ang pinakamayaman na tao sa Aera kasama ang kanyang mga katulong. Ibig niya sa Inyo na manuluyan sa kanyang bahay. Ngunit ang ina ni Timoneus ay pinanggigiitan ang kanyang karapatan at Kayo ay manunuluyan sa kanyang bahay. Tingnan, tingnan! Sila ay naiinis sapagkat ang ulan ay pinapatay ang kanilang mga sulo. Maraming may sakit na tao, alam Ninyo. Sila ay nananatili sa bayan, malapit sa mga geyt, upang makita Kayo kaagad. Ang isang tao na may pag-aari ng isang tindahan ng mga tabla ay pinasilong sila sa ilalim ng mga silungan. Ang mahihirap ay tatlong araw nang naroroon, mula nang kami ay dumating at kami ay nagtaka na Kayo ay wala roon.»

Ang sigawan ng mga pulutong ay napigilan si Pedro sa pagsasalita, kung kaya't siya’y nanahimik nangangabayong katabi ni Jesus katulad ng isang tagapamahala ng mga kabayo ng hari. Ang mga pulutong, na kanila na ngayong inabutan, ay nagbukas ng hanay at si Jesus ay dumaan sa puwang sakay ng Kanyang maliit na asno, nagpapalà nang walang tigil.

Pinasok nila ang bayan.

«Sa mga maysakit kaagad» sabi ni Jesus, Na hindi pumapansin sa mga pagpoprotesta ng mga ibig Siyang dalhin sa kanilang bahay upang bigyan Siya ng pagkain at init, na kung hindi’y baka maghirap Siya nang labis. «Sila ay naghirap nang mahigit kaysa sa Akin» tugon Niya.

Sila ay lumiko sa kanan at hayun ang pangkabukiran na bakuran ng tindahan ng mga tabla. Ang pintuan ay maluwang na nakabukas at ang mga pagrereklamong mga lamentasyon ay maririnig sa pamamagitan nito: «Jesus, Anak ni David, kaawaan kami!»

Ito ay isang nangungusap na koro kasing di-nagbabago katulad ng isang litaniya: mga tinig ng mga bata, ng mga babae, ng mga lalaki, ng matatanda. Sila ay kasing lungkot katulad ng paghuni ng mga naghihirap na tupa, kasing panglaw katulad ng mga tinig ng namamatay na mga ina, kasing tamlay katulad ng mga tinig ng mga may bagkus iisang pag-asa na lamang ang natitira, kasing nanginginig katulad ng mga tinig ng mga bagkus maka-iiyak lamang…

Si Jesus ay pinapasok ang bakuran. Siya ay tumayo hangga't magagawa Niya sa estribo at na ang Kanyang kanang kamay nakataas sinabi Niya sa Kanyang makapangyarihang tinig: «Sa lahat na mga naniniwala sa Akin, kalusugan at pagpapalà.»

Siya ay naupo sa siya muli at pabalik na sana sa daan, ngunit ang mga pulutong ay nagsisiksikan sa Kanya at ang mga gumaling na tao ay nakapaikot sa Kanya. At sa loob ng liwanag ng mga sulo, na nagniningas sa loob ng mga panilungan at napaliliwanagan ang pagdilim ng araw, ang mga pulutong ay makikita na pinagpipitaganan ang Panginoon sa isang kahibangan ng kaluguran. At ang Panginoon ay nawala sa loob ng isang kalipunan ng mga bulaklak ng mga napagaling na mga bata, na mga inilagay ng mga ina sa Kanyang mga bisig, sa Kanyang lapi at kahit na sa leeg ng maliit na asno, hinahawakan sila upang sana hindi sila mahulog. Ang mga bisig ni Jesus ay puno sa kanila, na tila sila ay mga bulaklak, at Siya ay ngumingiti nang masaya, hinahalikan sila dahil hindi Niya sila mabebendisyunan, dahil okupado ang Kanyang mga bisig sa pagsusuporta sa kanila. Ang mga bata pagkaraan ay kinuha, at panahon na ngayon ng matatanda na mga napagaling din at mga umiiyak ngayon dala ng tuwa; hinahalikan nila ang Kanyang manta at sinusundan ng mga lalaki at mga babae…

Madilim na nang makakapasok na Siya sa bahay ni Timoneus at makapagpahinga malapit sa apoy nakasuot ng tuyong mga damit.

281011

 

 

 


Sunod na kabanata