296. Si Jesus Nagtuturo sa Aera.

Oktubre 7, 1945.

Si Jesus ay nagsasalita sa pangunahing liwasan sa Aera:

«… At hindi Ko sasabihin sa inyo, katulad ng ginawa Ko saan mang lugar, ang una at esensiyal na mga bagay na kailangan ninyong malaman at maligtas. Alam na ninyo ito nang mabuti, sa pamamagitan ng gawa ni Timoneus, isang marunong na pangulo ng sinagoga ng lumang batas, na ngayon ay marunong na marunong na, sapagkat kanya itong pinaninibago sa liwanag ng bagong Batas. Ngunit ibig Ko kayong bigyan ng babala laban sa isang piligro na hindi ninyo nakikita sa inyong kasalukuyang kalagayan ng pag-iisip. Isang piligro na mailayo kayo sa pamamagitan ng pamumuwersa at ng mga pakahulugan upang mawala kayo sa inyong pananampalataya sa Akin. Iiwanan Ko sa inyo si Timoneus nang mga ilang araw. At kasama ang iba pang mga disipulo ipaliliwanag niya sa inyo ang mga salita ng Aklat sa bagong liwanag ng Aking Katotohanan na kanyang niyakap. Ngunit bago kayo iwanan, at pagkatapos na matingnan ang inyong mga puso at makitang ito ay pumapayag, mababa ang kalooban at sinsiro sa pagmamahal, ibig Kong magkomentaryo nang kasama kayo tungkol sa isang punto ng ikaapat na aklat ng mga Hari.

Nang si Hezekiah, hari ng Judah, ay nilusob ni Sennacherib, ang tatlong dakilang tauhan ng marahas na hari ay pumunta sa kanya upang takutin siya, binabanggit sa kanya ang mga alyansa na mga sinira at ang mga sandatahang-lakas na mga nakapaligid na sa kanya. Sina Eliakim, Shebnah at Joah ay tumugon sa mga salita ng makapangyarihang mga mensahero nagsasabing: “Magsalita sa amin sa pamamaraan na ang sambayanan ay hindi kayo maintindihan” upang ang nahintakutang sambayanan ay hindi humingi ng kapayapaan. Ngunit iyan ang ibig ng mga mensahero ni Sennacherib, at sa tuktok ng kanilang mga tinig sinabi nila sa perpektong Hebreo: “Huwag kayong palinlang kay Hezekiah… Gawing kasama kami kung ano ang may-pakinabang sa inyo at sumuko at ang bawat isa sa inyo ay kakain ng bunga ng kanyang sariling baging at ng kanyang sariling puno ng igos at iinom ng tubig ng kanyang sariling tangke hanggang sa kami ay dumating at ipatapon kayo sa isang bansa na katulad ng inyo, isang lupain ng mga trigo at mabuting alak, isang lupain na sagana sa tinapay at mga ubasan, isang lupain ng mga punong olibo, ng langis at ng pulot, at kayo ay mabubuhay at hindi mamamatay…” At ito ay nakasulat: “Ang sambayanan ay hindi tumugon, sapagkat sila’y inutusan ng hari na huwag tumugon”.

Ngayon, dala ng awa para sa inyong mga kaluluwa pinaliligiran ng mga puwersa na mas mababangis pa kaysa ng mga kay Sennacherib, na nakapaminsala sa mga katawan ngunit hindi makasira ng mga kaluluwa, samantalang ang digmaan ay ideneklara sa inyong mga kaluluwa ng isang marahas na sandatahang lakas na pinamumunuan ng pinakamabangis at pinakamalupit na diktador na mayroon sa sangnilikha, nagsumamo Ako sa kanyang mga mensahero, na, upang makapaminsala sa Akin sa pamamagitan ninyo, ay nagsisikap na makapanakot kapwa sa Akin at sa inyo nagbabanta ng nakamamatay na mga kaparusahan, nagsumamo Ako nagsasabing: “Magsalita sa Akin lamang. Hayaan sa kapayapaan ang mga kaluluwa na ngayon ay mga ipinanganganak sa Liwanag. Yamutin Ako, pahirapan Ako, akusahan Ako, ngunit huwag magalit laban sa mga anak na ito ng Liwanag. Sila ay mahihina. Isang araw sila ay magiging malakas. Ngunit ngayon sila ay mahina pa. Huwag maging walang-awa sa kanila. Huwag maging walang-awa laban sa kalayaan ng mga kaluluwa na piliin ang kanilang sariling daan. Huwag maging walang-awa sa karapatan ng Diyos na tawagin sa Kanyang Sarili ang mga naghahanap sa Kanya sa kanilang simpleng pagmamahal”.

Ngunit ang isa bang napopoot ay makapagbibigay-daan sa tao na kanyang kinapopootan? Ang isa ba na napanghahawakan ng kapootan ay makaaalam kung ano ang pagmamahal? Hindi. Kung kaya't na may mas matinding kabangisan at kalupitan sila ay darating at magsasabi sa inyo: “Huwag kayong palinlang sa Kristo. Sumama sa amin at mapapasainyo ang lahat na magagandang bagay”. At sasabihin nila sa inyo: “Kapahamakan ang darating sa inyo kung susundan ninyo Siya. Kayo ay uusigin”. At pipilitin nila kayo sa pamamagitan ng walang-katapatang kabaitan: “Iligtas ninyo ang inyong mga kaluluwa. Siya ay si Satanas”. Marami silang sasabihin laban sa Akin, upang hikayatin kayo na iwanan ang Liwanag.

Sasabihin Ko sa inyo: “Tumugon sa mga manunukso sa pamamagitan ng inyong katahimikan”. Kapag ang Lakas ng Panginoon ay bumaba sa mga puso ng mga naniniwala kay Jesucristo, ang Mesiyas at Tagapagligtas, diyan kayo makapagsasalita, sapagkat hindi kayo ang magsasalita, bagkus ang pinaka-Espiritu ng Diyos ang magsasalita sa pamamagitan ng inyong mga labì, at ang inyong mga kaluluwa ay magiging matatag sa Grasya, malakas at walang-pagkalupig sa Pananampalataya.

Maging mapagsumigasig. Iyan lamang ang hinihiling Ko sa inyo. Tandaan na ang Diyos ay hindi makapagsasang-ayon panggagaway ng Kanyang kaaway. Hayaan ang inyong mga maysakit, ang mga napaginhawahan at ang kaninong mga kaluluwa ay nakatanggap ng kapayapaan, na magsalita sa pagitan ninyo, tanging sa kanilang presensya lamang, ng tungkol sa Kanya Na pumunta sa pagitan ninyo upang sabihin sa inyo: “Magpursige sa loob ng Aking pagmamahal at sa loob ng Aking doktrina at tatanggapin ninyo ang Kaharian ng Langit”. Ang Aking mga gawa ay nagsasalita nang mas mahigit pa kaysa sa Aking mga Salita, at bagama't perpektong kabanalan ang makapaniwala na wala nang pangangailangan ng kahit anong katibayan, ginawa Ko kayong makita ninyo ang mga kababalaghan ng Diyos, upang sana mapalakas kayo sa inyong pananampalataya. Kapag ang inyong katalinuhan ay tinutukso ng mga kaaway ng Liwanag, tumugon sa kanila sa pamamagitan ng mga salita ng inyong mga kaluluwa: “Ako ay naniniwala sapagkat nakita ko ang Diyos sa Kanyang mga gawa”. Tumugon sa mga kaaway sa pamamagitan ng isang aktibong katahimikan. At sa pamamagitan ng dalawang pagtugon na iyan, magpatuloy patungo sa Liwanag. Ang kapayapaan ay sana laging sumainyo.»

At Kanya silang pinauuwi na at pagkatapos iniwan Niya ang liwasan.

«Bakit nagsalita Kayo sa kanila nang napakakaunti, Panginoon? Baka madismaya si Timoneus» sabi ni Natanael.

«Hindi siya madidismaya, sapagkat siya ay makatarungan at naiintindihan niya na ang bigyan ng babala ang isa tungkol sa panganib ay ang mahalin ang isa nang mas mahigit pa. Ang panganib ay totoong naririyan.»

«Laging ang mga Pariseo, eh?» tanong ni Mateo.

«Ang mga iyon at ang mga iba pa.»

«Kayo ba ay pinanghihinaan ng loob, Panginoon?» tanong ni Juan nang nag-aalala.

«Hindi. Hindi nang mas mahigit pa kaysa dati…»

«Subalit Kayo ay mas masaya sa loob ng mga nakaraang araw…»

«Baka ito ay kalungkutan tungkol sa ausensiya ng mga disipulo. Ngunit bakit Ninyo sila pinaalis? Baka kaya ibig Ninyong magpatuloy ng paglalakbay?» tanong ng Iskariote.

«Hindi. Ito ang huling lugar. Tayo ay uuwi mula rito. Subalit hindi posible para sa mga babae na magpatuloy sa ganitong panahon. Nakagawa na sila nang malaki. Hindi na sila kailangan na gumawa pa.»

«At ano ang tungkol kay Juan?»

«Si Juan ay may sakit pa, at nasa loob ng isang mapagtanggap na bahay, katulad mo dati.»

Si Jesus pagkatapos ay iniwan sina Timoneus at ang iba pang mga disipulo na mga mananatili sa lugar na iyon at kung kanino Siya ay tiyak na nag-iwan ng mga tagubilin para sa hinaharap, sapagkat hindi na Siya nagbibigay ng iba pang payo.

Sila ay nasa may pintuan ng bahay ni Timoneus, sapagkat ibig ni Jesus na pagpalain muli ang babaeng maybahay. At mga pulutong ay tinitingnan Siya nang magalang at sinundan Siya nang Siya ay umalis muli patungo sa labas ng sentro ng bayan, sa mga hardin ng mga gulayin at sa bukas na kabukiran. Ang mas mapursigeng mga tao ay sinundan Siya nang ilang mga sandali, sa isang grupo na panipis na nang panipis, hanggang sa siyam na tao na lamang ang natira, pagkatapos lima, tatlo, ang sa huli isa… At ang huli, din, ay tumalikod at bumalik sa Aera, habang si Jesus ay naglalakad patungong kanluran, na kasama lamang ang labindalawang mga apostol, sapagkat si Ermasteus ay nanatiling kasama ni Timoneus.

                                                                -------------------------------------

jesus sinasabi 

Sinasabi ni Jesus:

«At ang paglalakbay, ang ikalawang mahabang apostoladong paglalakbay ay natapos na. Kami ay pabalik na sa kilalang-kilalang kanayunan ng Galilee.

kaawa-awang Maria, ikaw ay mas hapo pa kaysa kay Juan ng Endor. Pinahihintulutan kita na huwag nang isalarawan ang mga lugar. Labis na ang ating naibigay sa mga mausyusong mananaliksik. At sila ay laging magiging “mga mausyusong mananaliksik”. Wala nang iba pa. Iyan ay sapat na ngayon. Ang iyong lakas ay lumiliit. Itago mo iyan para sa salita. Napuna Ko ang kawalang-silbi ng labis na pagtatrabaho mo, sa pamamagitan ng gayon ding espiritu na sa pamamagitan nito napuna Ko ang kawalang-silbi ng labis ng Aking paggawa. Iyan kung bakit sinasabi Ko sa iyo: “Panatilihin mo ang iyong sarili para sa salita”. Ikaw ang “bunganga”. O! Ang isa ay kailangan ngang ulitin para sa iyo ang kasabihan: “Tinugtog namin ang mga plawta para sa iyo at ikaw ay ayaw umawit, inawit namin ang mga luksang-awit at hindi kayo maging mga tagapagdalamhati”. Inulit mo lamang ang Aking mga salita, at ang mahihirap-intindihin na mga dalubhasa ay itinaas lamang nila ang kanilang mga ilong. Nagdagdag ka ng iyong pagsasalarawan sa Aking mga salita, at nakakita sila ng diperensiya sa mga ito. At makakakita pa sila ng mas marami upang tumutol. At ikaw ay pagod na. Sasabihin Ko sa iyo kung kailan mo kailangan na isalarawan ang paglalakbay. Ako, at walang sino pa man.

Napahirapan kita nang halos isang taon. Ngunit bago matapos ang taon, ibig mo bang magpahingang muli sa ibabaw ng Aking puso? Halika kung gayon, maliit na martir…»

021211

  

 


Sunod na kabanata