297. Ang Maliliit na Ulilang Sina Maria at Matias.

Oktubre 8, 1945.

Nakikita kong muli ang lawa ng Merom, sa isang mapanglaw na basang araw… Putik at mga ulap. Katahimikan at ulap. Ang orisonte ay nawawala sa loob ng ulap. Ang kabit-kabit na Hermon ay nakabaon sa ilalim ng mga blanket ng mabababang ulap. Ngunit mula sa lugar na aking kinaroroonan – isang mataas na kapatagan malapit sa maliit na lawa, na isang kulay-abo at manilaw-nilaw dahil sa putik at dahil sa sanlibong bahang maliliit na agos ng tubig at dahil sa maulap na kalangitan ng Nobyembre – ang isa ay may magandang tanawin ng maliit na latag ng tubig na ito na tinutustusan ng Mataas na Jordan, na dumadaloy papalabas dito upang tustusan ang mas malaking lawa ng Gennesaret.

Dumidilim na at ang gabi ay nagiging mas malungkot pa nang mas malungkot at basa habang si Jesus ay nag-iisang naglalakad sa daan na tumatawid sa Jordan pagkatapos ng lawa ng Merom, at pagkatapos kinukuha Niya ang isang daanan patungo sa isang bahay…

(Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon tungkol sa maliliit na ulila na sina Matias at Maria, na iyong nakita noong Agosto 20, 1944.»)

                                                                -----------------------------

Agosto 20, 1944.

Isa pang bisyon tungkol kay Jesus at ng dalawang bata. Sinasabi kong ganito sapagkat nakikita ko na si Jesus, habang nagdaraan sa isang daanan sa pagitan ng mga bukid na maaaring kahahasik pa lamang, sapagkat ang lupa ay malambot pa at maitim katulad ng lupang kailan pa lamang tinamnan, ay tumigil upang haplusin ang dalawang bata: isang maliit na batang lalaki hindi pa hihigit nang apat na taong gulang at isang maliit na batang babae mga walo o siyam na taong gulang. Maaaring sila ay labis na mahirap na mga bata sapagkat sila ay nakasuot ng maralitang kupas na mga damit, na mga punit din at ang kanilang mga mukha ay malungkot at payat.

Si Jesus ay hindi nagtatanong ng kahit ano. Tinititigan lamang Niya sila habang sila ay Kanyang hinahaplos. Pagkatapos Siya ay nagmadali patungo sa isang bahay sa dulo ng isang landas. Ito ay isang pangkabukirang bahay, maayos ang pagkatayo, na may hagdanan sa labas mula sa lupa patungo sa isang terasa kung saan may isang balag ng isang baging, ngayon walang mga bunga ng ubas at mga dahon. Tanging iisang kakaibang madilaw na dahon lamang ang nakabitin umuundayo sa basang hangin ng isang masamang araw ng taglagas. Ilang mga kalapati ang humuhuni sa ibabaw ng parapet ng bahay hinihintay ang ulan na ipinangangako ng isang maulap na kalangitan.

Si Jesus, sinusundan ng Kanyang mga apostol, ay itinulak ang maliit na pangkabukirang geyt ng mababang pader na eskombro na nakapaligid sa bahay, at pinasok ang bakuran, na ating tatawagin na isang hapag giikan, kung saan may isang bubon at isang hurnong gawa sa bato sa isang sulok. Sa palagay ko iyan kung ano ang munting silid na iyon, ang mga pader nito ay maitim sa usok, na lumalabas kahit na ngayon at hinihipan ng hangin patungo sa lupa.

Naririnig ang mga yapak ang isang babae ay dumungaw mula sa munting silid at nang kanyang makita si Jesus binati niya Siya nang malugod at tumakbo upang paalamin ang mga tao sa loob ng bahay.

Ang isang maedad na matabang lalaki ay lumabas sa pintuan ng bahay at nagmadali patungo kay Jesus: «Ito ay isang malaking karangalan, Guro, na makita Kayo!» bumulalas siya binabati Siya.

Si Jesus ay binati siya: «Kapayapaan sa iyo» at idinagdag: «Dumidilim na at malapit nang umulan . Pinakikiusapan kita na magbigay ng masisilungan at isang piraso ng tinapay sa Akin at sa Aking mga disipulo.»

«Pasok Kayo, Guro. Ang aking bahay sa Inyo. Ang katulong na babae ay malapit nang ilabas ang tinapay mula sa hurno. Masaya akong ialay ito sa Inyo na may keso ng aking tupa at prutas ng aking mga bukid. Pasok Kayo, sapagkat ang hangin ay malamig at basa…» at may kabaitan niyang hinahawakan ang pinto nang nakabukas at yumuko siya nang si Jesus ay dumaan. Ngunit bigla na lamang nagbago ang kanyang tono may sinasabihan na kung sino na kanyang nakita at kanyang sinabihan nang galit: «Naririto pa rin ba kayo? Lumayas kayo. Walang kahit ano para sa inyo. Layas. Naintindihan ba ninyo? Walang lugar dito para sa mga hampaslupa…» At siya’y bumulong-bulong: «… at baka mga magnanakaw katulad ninyo.»

Ang isang manipis na tumatangis na tinig ang tumugon: «Maawa, ginoo. Isang piraso man lamang ng tinapay para sa aking maliit na kapatid na lalaki. Kami ay nagugutom…»

Si Jesus, Na nakapunta na sa malaking kusina, na maginhawa dahil sa malaking apoy na nagsisilbing isang liwanag, ay pumunta sa pamasukan. Ang Kanyang hitsura ay nagbago na. Na may mahigpit at malungkot na ekspresyon Siya ay nagtanong, hindi sa maybahay, bagkus sa pangkalahatan, tila Kanyang tinatanong ang tahimik na bakuran, ang walang-bungang puno ng igos, ang madilim na bubon: «Sino ito na nagugutom?»

«Ako, ginoo. Ako at ang aking kapatid na lalaki. Isang piraso ng tinapay lamang at kami ay aalis na.»

Si Jesus sa ngayon ay nasa labas na, kung saan ngayon ay padilim na nang padilim dahil sa agaw-liwanag at sa parating na ulan. «Halikayo» sabi Niya.

«Natatakot ako, ginoo!»

«Halika, sinasabi Ko sa iyo. Huwag kang matakot sa Akin.»

Ang kaawa-awang batang babae ay lumitaw mula sa likuran ng sulok ng bahay. Ang kanyang maliit na kapatid na lalaki ay nakahawak sa nasnas na tunika ng kanyang kapatid. Tumitingin silang natatakot kay Jesus at may takot sa kanilang mga mata sa maybahay, na sumusulyap nang masama sa kanila at nagsabi: «Sila ay mga hampaslupa, Guro. At mga magnanakaw. Kamakailan lamang natagpuan ko siya na nagkakahig malapit sa gawaan ng langis. Tiyak na gusto niyang pumunta at magnakaw ng kung ano. Iniisip ko kung saan kaya sila nanggaling. Sila ay hindi mga tagarito.»

Si Jesus ay hindi masyado o hindi nakikinig sa kanya. Tinitingnan Niya ang nangayayat na mukha ng maliit na batang babae at ang kanyang maruming mga tirintas, dalawang tirintas sa tabi ng kanyang mga tainga, tinalian sa mga dulo ng mga retaso ng isang basahan. Ngunit ang hitsura ni Jesus ay hindi mahigpit habang nakatingin sa kaawa-awang kapus-palad. Siya ay malungkot, ngunit Siya ay ngumingiti upang pasiglahin siya. «Totoo ba na ibig mong magnakaw? Sabihin mo sa Akin ang katotohanan.»

«Hindi, ginoo. Humihingi ako ng isang maliit na tinapay, sapagkat ako ay nagugutom. Wala silang binigay sa akin kahit ano. Nakakita ako ng isang mamantikang mumo sa banda roon, sa lupa, malapit sa mulino ng langis at pumunta ako roon upang kunin iyon. Ako ay nagugutom, ginoo. Ako ay binigyan lamang ng isang piraso kahapon at itinago ko iyon para kay Matias… Bakit hindi nila kami inilagay sa libingan kasama ang aming ina?.» Ang maliit na bata ay umiiyak nang walang-tigil at ang kanyang kapatid na lalaki ay ginagaya siya.

«Huwag umiyak.» Si Jesus ay pinasisigla siya hinahaplos siya at kinabig siya sa Kanyang Sarili. «Sabihin mo sa Akin: taga saan kayo?»

«Mula sa kapatagan ng Esdraelon.»

«At pumunta kayo nang napakalayo?»

«Oo, ginoo.»

«Matagal na bang patay ang inyong ina? Wala ba kayong ama?»

«At aking ama ay namatay gawa ng sobrang init noong panahon ng pag-aani at ang aking ina ay namatay nang nakaraang buwan… at ang sanggol na kanyang ipinanganganak ay namatay kasama niya…» siya ay umiyak nang lalu’t lalo pa.

«Wala ba kayong mga kamag-anak?»

«Napakalayo ng aming pinanggalingan! Kami ay hindi mahirap… Pagkatapos ang aking ama ay kinailangan na magtrabaho katulad ng isang katulong. Ngunit siya ngayon ay patay na at ang inay kasama niya.»

«Sino ang kanyang dating panginoon?»

«Si Ishmael, ang Pariseo.»

«Si Ishmael, ang Pariseo! (hindi posibleng isalarawan kung papaano inulit ni Jesus ang pangalan na iyon). Kayo ba ay umalis nang kusang loob, o kayo ay kanyang pinalayas?»

«Pinalayas niya ako, ginoo. Sinabi niya: “Ang kalsada ay ang lugar ng mga nagugutom na aso”.»

«At ikaw, Jacob, bakit hindi ka nagbigay ng ilang tinapay sa mga batang ito? Ilang tinapay, kaunting gatas at sandakot na mga dayami kung saan nila maaaring mapagpahingahan ang kanilang pagod na mga katawan?...»

«Ngunit… Guro… may sapat na tinapay lamang ako para sa aking sarili… at kakaunting gatas na lamang ang naririyan sa bahay… Katulad nila ang mga ligaw na hayop. Kung tatratuhin mo silang may kabaitan, hindi na sila aalis pa…»

«At ikaw ay walang lugar at pagkain para sa dalawang di-masayang bata? Masasabi mo ba iyan sa katotohanan? Ang masaganang ani, ang maraming alak, ang labis na langis at prutas na nagpabantog sa iyong ari-arian sa taon na ito, bakit napunta sa iyo ang mga ito? Naaalaala mo ba? Nang nakaraang taon ang ulang-yelo ay sumira sa iyong mga ani at ikaw ay nag-aalala tungkol sa iyong buhay sa hinaharap… Ako ay dumating at nanghingi ng ilang tinapay. Napakinggan mo Akong nagsalita isang araw at ikaw ay nanatiling matapat sa Akin… at sa iyong masamang kalagayan ibinukas mo ang iyong puso at ang iyong bahay sa Akin at binigyan mo Ako ng tinapay at masisilungan. At ano ang Aking sinabi sa iyo umaalis sa susunod na umaga? “Jacob, naintindihan mo ang Katotohanan. Maging maawain lagi at tatanggap ka ng awa. Dahil sa tinapay na iyong binigay sa Anak ng Tao, ang mga bukid na ito ay magbibigay sa iyo ng mayamang ani at ang iyong mga puno ng olibo ay mapupuno ng bunga katulad ng mga butil ng buhangin sa baybayin at ang mga sanga ng iyong mga puno ng mansanas ay yuyuko sa lupa”. Tinanggap mo ang lahat na iyan at sa taon na ito ikaw ang pinakamayamang tao sa distrito. At iyong pinagkaitan ang dalawang bata ng isang piraso ng tinapay!...»

«Ngunit Kayo noon ay ang Rabbi…»

«At dahil Ako ay iyon noon, nagawa Ko sanang tinapay ang mga bato. Sila ay hindi magagawa ito. Ngayon ay sinasabi Ko sa iyo: makakakita ka ng bagong himala at ito ay iyong pagsisisihan nang napakabigat… Ngunit dinadagukan ang iyong dibdib sabihin pagkatapos: “Karapat-dapat ako nito”.»

Si Jesus ay binalingan ang mga bata: «Huwag umiyak. Pumunta kayo sa punungkahoy na iyon at mamitas ng bunga.»

«Ngunit iyon ay walang bunga, ginoo» tutol ng maliit na batang babae.

«Lakad.»

Ang batang babae ay pumunta at bumalik na ang kanyang damit nakataas at puno ng magagandang pulang mansanas.

«Kumain niyan at pagkatapos pumunta sa Akin» at sa mga apostol: «Tayo na at dalhin ang dalawang maliliit na ito kay Johanna ni Chuza. Naaalaala niya ang mga benepisyo na kanyang tinanggap at dala ng pagmamahal siya ay maawain sa mga naging maawain sa kanya. Tayo na.»

Ang natulala at napahiyang mamâ ay nagsisikap na siya ay mapatawad: «Gabi na, Guro. Baka umulan habang Kayo ay nasa daan. Bumalik Kayo sa aking bahay. Hayun na ang katulong na babae upang kunin ang tinapay sa hurno… Bibigyan ko Kayo ng ilan pati rin para sa kanila.»

«Hindi na kinakailangan. Ibibigay mo iyan dahil sa takot sa kaparusahan na ipinangako Ko sa iyo, hindi dahil sa pagmamahal.»

«Kung gayon hindi ba ito ang himala?» (at kanyang itinuturo ang mga mansanas na pinitas sa walang-bungang punungkahoy at na kinakain nang may-katakawan ng dalawang nagugutom na bata).

«Hindi.» Si Jesus ay mahigpit na mahigpit.

«O! Panginoon, maawa sa akin! Naintindihan ko. Ibig Ninyo akong parusahan sa mga tanim! Maawa, Panginoon!»

«Hindi lahat na tumatawag sa Akin na “Panginoon” ay makakasama Ako, sapagkat ang pagmamahal at paggalang ay hindi napatutunayan ng mga salita, bagkus ng mga gawa. Matatanggap mo ang awa na nagkaroon ka na.»

«Minamahal ko Kayo, aking Panginoon.»

«Iyan ay hindi totoo. Siya na nagmamahal sa Akin ay nagmamahal sa kanyang kapwa. Iyan ang Aking itinuturo. Minamahal mo bagkus ang iyong sarili. Kapag minamahal mo Ako katulad sa Aking itinuturo, ang Panginoon ay babalik. Aalis na Ako ngayon. Ang Aking pinamimirmihanan ay ang gumawa ng mabuti, ang makapagpaginhawa sa mga nahihirapan, ang makapagpunas ng mga luha ng mga ulila. Katulad na iniuunat ng inaheng manok ang kanyang mga pakpak sa ibabaw ng mga walang-laban na mga sisiw, iniuunat Ko rin ang Aking kapangyarihan sa ibabaw ng mga naghihirap at pinahihirapan. Halikayo. Mga bata. Magkakaroon kayo ng matutuluyan at tinapay. Paalam, Jacob.»

At hindi pa nasisiyahan ng pag-alis, inutusan Niya ang mga apostol na kargahin ang pagod na batang babae: si Andres kinarga ito at binalot sa kanyang manta, habang si Jesus ay kinarga ang maliit na batang lalaki at ganyan silang nagpatuloy sa landas na madilim, na ang kanilang mga karga hindi na umiiyak.

Si Pedro ay nagsabi: «Guro! Ang mga batang ito ay masuwerteng-masuwerte na Kayo ay dumating! Ngunit para kay Jacob!... Ano ang Inyong gagawin, Guro?»

«Katarungan. Siya ay hindi magugutom, sapagkat ang kanyang mga imbakan ay puno para sa mahabang panahon. Ngunit maghihirap siya ng kakapusan, sapagkat ang kanyang binhing ihahasik ay hindi mamumunga at ang kanyang mga puno ng olibo at mansanas ay matatakpan ng mga dahon lamang. Ang inosenteng mga batang ito ay tumanggap ng tinapay at matutuluyan mula sa Ama, hindi mula sa Akin. Sapagkat ang Aking Ama ay ang Ama rin ng mga ulila. At nagbibigay Siya ng mga pugad at pagkain sa mga ibon ng mga kagubatan. Ang mga batang ito at kasama nila ang lahat na kaawa-awang mga kapus-palad, ang kaawa-awang mga kapus-palad na siyang Kanyang “mga inosente at nagmamahal na mga anak” ay makapagsasabi na ang Diyos ay naglalagay ng pagkain sa kanilang maliliit na kamay at gumagabay sa kanila nang may makaamang pagmamahal patungo sa isang mapag-arugang tahanan.»

Ang bisyon ay nagtatapos nang gayon at ako ay naiwanan ng isang dakilang kapayapaan.

                                                                                -------------------

 

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«Ito ay para sa iyo, o kaluluwa na tumatangis tinitingnan ang mga krus ng nakaraan at ang mga ulap ng hinaharap. Ang Ama ay laging magkakaroon ng tinapay na mailalagay sa iyong kamay at isang pugad na matutuluyan ng Kanyang lumuluhang kalapati.

Ang leksiyon na Ako ay ang “Makatarungang Panginoon” ay para sa lahat. At Ako ay hindi nalilinlang o napapupurihan ng huwad na pagpipitagan. Siya na nagsasara ng kanyang puso sa kanyang kapatid, ay isinasara ito sa Diyos at ang Diyos sa kanya.

Mga tao, iyan ay ang unang kautusan: Pagmamahal at pagmamahal. Siya na hindi nagmamahal ay nagsisinungaling sa pagtatapat na siya ay isang Kristiyano. Walang kabuluhan ang mamalagi sa mga Sakramento at mga ritwal, walang kabuluhan ang manalangin kung ang isa ay nagkukulang ng karidad. Ang mga ito ay nagiging mga pormularyo at mga paglalapastangan pa. Papaano ka makapupunta sa eternal na Tinapay at mabusog nito, kung pinagkaitan mo ang isang nagugutom na tao ng isang piraso ng tinapay? Ang iyo bang tinapay ay mas mahalaga pa kaysa ng Akin? Mas banal pa ba iyan? O mga mapagkunwari! Hindi Ako naglalagay ng limitasyon sa pagbibigay ng Aking Sarili sa inyong mga paghihirap, at kayo, na mga paghihirap mismo, ay walang awa sa mga paghihirap na, sa mga mata ng Diyos, ay hindi kasuklam-suklam katulad ng sa inyo. Sapagkat ang mga iyon ay mga kasawiang-palad, ang sa inyo ay mga kasalanan. Madalas sasabihin ninyo sa Akin: “Panginoon, Panginoon”, upang Ako ay maging mapagbigay sa inyong mga interes. Ngunit hindi kayo nagsasabi nang ganyan para sa kapakanan ng inyong kapwa. Wala kayong ginagawa para sa inyong kapwa sa ngalan ng Panginoon. Tingnan: ano ang naibigay ng inyong huwad na relihiyon at tunay na pagkukulang ng karidad, kapwa tungkol sa inyong komunidad at sa mga indibidwal nito? Ang iabandona ng Diyos. At ang Panginoon ay babalik kapag natuto na kayo na magmahal ayon sa Aking itinuturo.

Ngunit sasabihin Ko sa inyo, maliit na kawan ng mabubuting tao na naghihirap: “Kayo ay hindi kailanman naging mga ulila. Kayo ay hindi kailanman naging mga batang-kalye. Mawawala muna ang Diyos, bago mawalan ng Probidensiya ang Kanyang mga anak. Iunat ninyo ang inyong mga kamay: ang Ama ay ibibigay Niya sa inyo ang lahat, bilang isang “ama”, ibig sabihin, nang may pagmamahal na hindi nangmamaliit. Punasin ang inyong mga luha. Kukunin at pangungunahan Ko kayo sapagkat may awa Ako sa inyong pananamlay”. Ang tao ay ang pinakamahal sa sangnilikha. Mapagdududahan ba ninyo na baka ang Ama ay mas may awa pa sa mga ibon kaysa sa matatapat na tao, dahil Siya ay mas maluwag pa sa mga nagkakasala at binibigyan sila ng panahon at pagkakataon na makapunta sa Kanya? O! kung naiintindihan lamang ng mundo kung ano ang Diyos!

                                                                                -----------

Agosto 21, 1944.

mary sinasabi

Sinasabi ni Maria:

«Maria, ang Inay ay nagsasalita. Ang Aking Jesus ay nagsalita ng tungkol sa kamusmusan ng espiritu, isang kailangang katangian upang masakop ang Kaharian. Kahapon ipinakita Niya sa iyo ang isang pahina ng Kanyang buhay bilang isang Guro. Nakita mo ang ilang mga bata. Ilang mahihirap na bata. Mayroon pa bang kailangang sabihin? Oo, mayroon, at Akin itong sinasabi sa iyo, dahil ibig Kong ikaw ay maging mahal na mahal pa ni Jesus. Bahagyang pagkakaiba sa larawan ang siyang nagsalita sa iyong espiritu, sa katauhan ng mga espiritu ng maraming tao. Ngunit ang bahagyang mga pagkakaiba ang nagpapaganda sa isang larawan at ang nagbubunyag sa galing ng pintor at ang talisik ng nakatingin.

Ibig Kong ipakita sa iyo ang kababaang-loob ng Aking Jesus.

Ang kaawa-awang batang babaeng iyon, sa kanyang mangmang na kasimplehan, ay hindi niya tinatratong iba sa Aking Anak ang may-matigas na puso na makasalanan na iyon. Wala siyang nalalaman tungkol sa Rabbi o sa Mesiyas. Hindi niya Siya kailanman napakinggan o nakita, sapagkat siya ay namuhay halos katulad ng isang maliit na mabangis na hayop sa mga bukid at sa loob ng isang bahay kung saan ang Guro ay kinamumuhian, sa katunayan ang Pariseo ay totoong kinasusuklaman si Jesus.

Ang kanyang ama’t ina, napudpod ng kasuklam-suklam na trabaho na pinagagawa sa kanila ng kanilang malupit na panginoon, ay walang panahon at posibilidad na itaas ang kanilang mga ulo mula sa mga tigkal ng lupa na kanilang binibiyak. Habang sila ay nagtátabas ng dayami o nagpuputol ng ani o namimitas ng prutas at mga ubas, o nagdudurog ng mga olibo sa mulino, maaaring napakinggan nila ang mga tao na umaawit ng mga hosana at maaaring naitaas nila ang kanilang mga ulo nang sandali. Ngunit gawa ng takot at pagod naibaba nila kaagad ang kanilang mga ulo sa ilalim ng pagtatrabaho. At sila ay namatay iniisip na ang mundo ay walang iba bagkus kapootan at kapighatian. Samantalang ang mundo ay pagmamahal at kayamanan mula ng ang kabanalbanalang mga paa ng Aking Jesus ay lumakad dito. Ang kaawa-awang mga katulong ng isang malupit na panginoon ay namatay na hindi man lamang nakita kahit minsan ang tingin at ngiti ng Aking Jesus, na hindi man lamang napakinggan ang Kanyang salita, na nagbibigay ng kaginhawahan sa mga kaluluwa, upang sana ang mahirap ay naramdaman na sila ay tila mayaman, ang nagugutom na tila sila ay busog, ang maysakit na tila sila ay malusog, ang namimighati na tila sila ay napaginhawahan.

Si Jesus ay hindi nagsasabi: “Ako ang Panginoon at sinasabi Ko sa iyo: gawin iyan”. Siya ay nananatiling anonimo. At ang maliit na batang babae, na mangmang na mangmang na hindi niya naintindihan kahit na nang kanyang makita ang himala tungkol sa puno ng mansanas na walang mga dahon, ang isang sanga nito napuno ng mga bunga upang mapunuan ang kanilang kagutuman, ay nagpatuloy na tawagin Siya: “ginoo”, katulad na siyang tawag niya kay Ishmael, kanyang panginoon, at sa malupit na Jacob. Naramdaman niyang nalalapit siya sa mabuting Panginoon, sapagkat ang kabaitan ay laging nakapagpápalapit. Ngunit wala nang iba pa. Sinusunod niya Siya nang may-pagtitiwala. At ang maliit na batang babae nawawala sa mundo at sa kanilang kamangmangan inuulukan ng mundo, ng “dakilang mundo ng malalakas na mahihilig sa pagpapakasarap na mga tao”, na laging ibig na mapanatili sa kadiliman ang mas nakabababang mga tao upang sila ay mapahirapan nang mas madali at mapagsamantalahan nang mas may-kasakiman, ang kaawa-awang bata ay kaagad minahal Siya.

Matututunan niya pagdating ng araw kung sino ang “ginoo” na iyon, na kasing mahirap, kasing walang-matirhan at kasing walang-ina katulad niya, na walang pagkain, sapagkat iniwan Niya ang lahat dala ng Kanyang pagmamahal para sa mga tao, para sa kanya din, isang kaawa-awang maliit na payat na bata; at kanyang maiintindihan na ang Panginoon ay binigyan siya ng mahimalang prutas, upang maalis sa kanyang mga labì at mula sa kanyang puso ang kapaitan ng pantaong kasamaan, na nagagawa ang mahihirap na mapoot sa mga malalakas, at ginawa Niya iyon sa pamamagitan ng isang prutas ng Ama, at hindi sa pamamagitan ng isang balat ng tinapay, na inialok nang huli na at magkagayunpaman magkakalasa ng paghihirap at mga luha. Ang mga mansanas na iyon ay tunay na nagpapaalaala tungkol sa mansanas ng Makalupang Paraiso. Ang mga iyon ay lumabas sa sanga para sa Mabuti at Masama, iyon ay ang tanda ng panunubos mula sa lahat na mga paghihirap, una sa lahat mula sa kamangmangan tungkol sa Diyos, hinggil sa dalawang maliit na ulila, at sa tanda ng kaparusahan para sa mamâ, na, bagama't nalalaman na niya ang tungkol sa Salita, ay umasal na tila wala siyang nalalaman. At malalaman ng batang babae mula sa mabuting babae na nagpatuloy sa kanya sa ngalan ni Jesus, kung sino si Jesus. Siya ay ang kanyang pangmaramihang-uri na Tagapagligtas: mula sa kagutuman, mula sa kasamaan ng panahon, mula sa mga panganib ng mundo at mula sa original na kasalanan.

Ngunit laging mayroon si Jesus ng liwanag ng araw na iyon para sa kanya, at lagi Siyang nagpapakita sa kanya sa liwanag na iyon: ang mabuting Panginoon, na kasing buti katulad ng isang nasa mga kuwentong engkantada, ang Panginoon na mayroong mga haplos at mga regalo, ang Panginoon na gawa Niya nakalimutan niya na siya ay walang ama, ina, tahanan at mga damit, sapagkat Siya ay naging kasing bait katulad ng isang ama, kasing tamis katulad ng isang ina, nagbigay Siya sa kanilang hapong mga katawan ng isang tahanan at mga damit sa kanilang hubad na mga galamay, sa pamamagitan ng Kanyang sariling dibdib at manta at sa pamamagitan ng tulong ng ibang mga tao na kasama Niya. Isang may-kabaitang makaamang liwanag na hindi naglaho sa agos ng mga luha, ni hindi kahit na nang malaman niya na Siya ay namatay pinahirapan sa isang krus, ni hindi nang, bilang isang maliit na matapat na naniniwala sa bagong-sibol na Simbahan, nakita niya kung papaano ang mukha ng kanyang “Panginoon” sinira ng mga dagok at mga tinik at kanyang iniisip kung kumusta na Siya ngayon, sa Langit, sa kanang kamay ng Ama. Isang liwanag na ngumiti sa kanya sa kanyang huling oras sa lupa, pinasusunod siyang walang-takot patungo sa kanyang Tagapagligtas, isang liwanag na ngumiti sa kanya muli, sa gayong di-mailarawang katamisan, sa kagandahan ng Paraiso.

Si Jesus ay tinitingnan ka rin nang ganyan. Laging isipin Siya katulad ng ginawa ng iyong kapangalan at maging masaya na ikaw ay Kanyang minamahal. Maging kasing simple, mababa ang kalooban, at matapat katulad ng abang maliit na Maria na nakilala mo. Tingnan kung gaano kalayo siyang nakarating, sa kabila na siya ay isang mahirap na maliit na mangmang na batang babae ng Israel: sa Puso ng Diyos. Ang Pagmamahal ay ibinunyag ang Sarili sa kanya katulad ng Kanyang ginawa sa iyo at siya ay naging marunong sa totoong Karunungan.

Magkaroon ng pananampalataya. Maging nasa kapayapaan. Walang paghihirap na hindi magagawa ng Aking Anak na maging kayamanan at walang pangungulila na hindi Niya mapupunuan at walang pagkakamali na hindi Niya makakansela. Ang nakaraan ay wala na, kapag ito ay kinansela ng pagmamahal. Ni kahit pa ang isang nakapangingilabot na nakaraan. Ikaw ba ay matatakot kung si Disma, ang magnanakaw, ay hindi natakot? Magmahal at huwag katakutan ang kahit na ano.

Ang Inay ay iniiwan ka kasama ang Kanyang pagpapalà.»

021211

 


Sunod na kabanata