298. Sina Maria at Matias Ipinagkatiwala kay Johanna ni Chuza.

Oktubre 11, 1945.

Ang lawa ng Tiberias ay isang kulay-abong latag ng tubig. Kamukha nito ang isang kupas na asoge, napakabigat tingnan ito ay kalmanteng-kalmante na ang mga alon ay parang mga pagod, na hindi makagawa ng mga bula, at titigil at magkakalma pagkatapos ng kaunting galaw, humahalo sa mapanglaw na tubig sa ilalim ng mapanglaw na kalangitan.

Sina Pedro at Andres, sina Santiago at Juan sa paligid ng kani-kanilang mga bangka sa maliit na baybayin ng Bethsaida, ay mga naghahanda upang maglayag. May amoy ng damo at basang lupa, at isang magaang alimuom sa berdeng latag pagawing Korazim. Ang kapanglawang Nobyembre ay mabigat na nakalatag sa lahat.

Si Jesus ay lumabas mula sa bahay ni Pedro, hawak sa kamay sina Matias at Maria na mga nilinis ni Porphirea nang may makainang pangangalaga pinalitan ang maliit na damit ni Maria sa pamamagitan ng isa ng kay Marjiam. Ngunit si Matias ay napakaliit upang magkaroon din ng gayong pangangalaga at siya ay nanginginig pa rin sa kanyang maliit na kupas na sedang tunika, upang si Porphirea, na laging puno ng awa, ay bumalik sa bahay at nagdala pagbalik ng isang blanket kung saan ibinalot niya rito ang bata na tila ito ay isang manta. Si Jesus ay pinasasalamatan siya habang siya ay lumuluhod sa pagpapaalam at pagkatapos siya ay umalis pagkaraan na mahalikan muli ang dalawang ulila.

«Sa pagkakaroon lamang ng mga anak kukunin din niya ang dalawang ito» wika ni Pedro, na kanina pa pinagmamasdan ang eksena at na yumuko rin upang mabigyan ang dalawang bata ng isang piraso ng tinapay na may pulot, na kanyang itinabi sa ilalim ng isang upuan ng bangka. Si Andres ay tinatawanan siya at nagsabi: «Hindi mo gagawin, hindi ba? Ninakaw mo pa ang pulot ng iyong asawa, upang mapasaya ang dalawang ito.»

«Ninakaw? Aking pulot ito!»

«Oo, ngunit ang aking hipag ay naninibugho nito, dahil iyon ay para kay Marjiam. At dahil nalalaman mo ito, kagabi pumunta kang walang naka-aalam sa kusina, nakapaang katulad ng isang magnanakaw, at kumuha ng sapat nito upang maihanda ang tinapay na iyan. Nakita kita, kapatid, at ako ay tumawa sapagkat patingin-tingin ka katulad ng isang bata na natatakot sa mga sampal ng kanyang ina.»

«Ikaw na pangit na espiya» tugon ni Pedro, tumatawa at niyayakap ang kanyang kapatid, na humahalik sa kanya nagsasabing: «Aking malaking mahal kapatid.»

Si Jesus ay pinagmamasdan sila at ngumingiti nang prangko nakatayo sa pagitan ng dalawang bata na kinakain ang kanilang tinapay.

Ang iba pang walong apostol ay dumating galing Bethsaida. Baka sila ay naging mga panauhin nina Felipe at Bartolomeo.

«Bilis!» sigaw ni Pedro at kanyang niyakap nang magkasama ang dalawang bata upang dalhin sila sa bangka na hindi nababasa ang kanilang mga paa. «Hindi kayo natatakot, hindi ba?» tinanong niya sila habang nagtatampisaw sa tubig sa pamamagitan ng kanyang maiikling malalakas na paa, hubad hanggang mga isang dangkal mula sa kanyang mga tuhod.

«Hindi, ginoo» sabi ng batang babae, ngunit kumakapit nang nanginginig sa leeg ni Pedro isinasara ang kanyang mga mata nang siya ay inilapag sa bangka, na umalimbay sa ilalim ng bigat ni Jesus, Na sumakay din dito. Ang maliit na batang lalaki, na mas matapang, o baka mas namamangha, ay hindi nagsasalita ng kahit ano. Si Jesus ay naupo kinakabig ang maliliit na bata sa malapit sa Kanya, at tinatakpan sila ng Kanyang malaking manta, na nagmumukhang isang pakpak na nakaunat upang protektahan ang dalawang sisiw.

Lahat sila ay nakasakay, anim na lalaki sa bawat bangka. Inaalis ni Pedro ang tablang tulayan, itinutulak niya ang bangka nang mas malayo pa at tumalon dito, ginagaya ni Santiago sa isa pang bangka. Ang pagkilos ni Pedro ay nagawa ang bangka na umalimbay nang mabigat at ang batang babae ay umungol: «Inay!» itinatago ang kanyang mukha sa lapi ni Jesus at hinahawakan ang Kanyang mga tuhod. Ngunit ngayon suwabe na ang kanilang paggalaw, bagama't mahirap ito para kina Pedro, Andres at sa katulong na kinailangan na sumagwan sa tulong ni Felipe na siyang ang ikaapat na mananagwan. Kailangan nilang managwan.

«Maganda ang aming pananagwan!» sigaw ni Pedro sa mga nasa kabilang bangka, kung saan ang Iskariote ang ikaapat na mananagwan at si Pedro ay pinupuri ang kanyang perpektong pagsagwan.

«Halika, Simon!» tugon ni Santiago. Managwan ka nang buong lakas mo o matatalo ka namin. Si Judas ay kasing lakas katulad ng isang alipin sa galera. Maganda, Judas!»

«Oo, gagawin ka namin na pinuno ng pangkat» pagsang-ayon ni Pedro na nananagwan nang kasing lakas ng dalawang tao. At siya ay tumatawa nagsasabing: «Ngunit hindi kayo magtatagumpay na matalo ang naitala ni Simon ni Jonah. Nang ako ay dalawampung taon gulang ako ay ang nangungunang tagasagwan sa mga paligsahan sa mga nayon» at malugod niyang ibinibigay ang hudyat sa kanyang pangkat: «Heave ho!... Heave ho!» Ang kanilang mga tinig ay kumakalat sa katahimikan ng lawa na walang mga bangka sa kaagahan sa umaga.

Ang mga bata ay nagkaroon muli ng lakas-ng-loob. Ang kanilang nangayayat na mga mukha ay tumingala mula sa ilalim ng manta, sa tigkabilang tabi ni Jesus, Na yumayakap sa kanila, at sila ay ngumiting bahagya. Nagkaroon sila ng interes sa ginagawa ng mga nagsasagwan at nagpapalitan ng mga komentaryo.

«Para akong nakasakay sa isang kariton na walang mga gulong» sabi ng batang lalaki.

«Hindi. Sa isang kariton sa mga ulap. Tingnan! Tayo ay tila naglalakad sa kalangitan. Tingnan, tayo ay umaakyat sa isang ulap!» sabi ni Maria nang kanyang makita ang unahan ng bangka bumabagsak sa isang lugar na nasasalamin ang isang malaking mala-delanang ulap. At siya ay ngumingiti nang malumanay.

Ngunit ang araw ay pinaglalaho ang hamog at bagama't ngayon ito ay isang maputlang araw ng taglagas, ang mga ulap ay naging malaginto at ang lawa ay nasasalamin itong nagniningning. «O! Gaano kaganda! Patungo na tayo ngayon sa isang apoy. Gaano kaganda!» bulalas ng batang lalaki pinapalaklak ang kanyang mga kamay.

Ngunit ang maliit na batang babae ay naging tahimik at napaiyak. Lahat sila ay tinatanong siya kung bakit siya umiiyak. Nagpapaliwanag siyang humihikbi: «Ang inay ay madalas na magbigkas ng isang tula, isang salmo, hindi ko alam, upang kami ay manatiling tahimik, upang kami ay makapagdasal kahit sa loob ng labis na kapighatian… at ang tula ay nagbabanggit ng isang Paraiso na magiging katulad ng isang lawa ng Liwanag, ng isang malumanay na apoy kung saan doon ay magkakaroon ng wala bagkus ang Diyos at lugod at kung saan ang lahat na mabuti ay pupunta… pagkatapos na makarating na ang Tagapagligtas… Ang ginintuang lawang ito ay nagpapaalaala sa akin ng tungkol diyan… Aking inay!»

Si Matias din ay umiiyak at ang bawat isa sa kanila ay kinaaawaan sila.

Ngunit ang matamis na tinig ni Jesus ay tumataas sa ibabaw ng kanilang iba't ibang mga bulung-bulungan at ng mga ungol ng maliliit na ulila: «Huwag umiyak. Ang inyong ina ay dinala kayo sa Akin, at siya ay naririto kasama natin ngayon, habang dinadala Ko kayo sa isang ina na walang mga anak. Magiging masaya siya na magkaroon ng dalawang mabuting bata sa lugar ng kanyang sariling sanggol, na ngayon ay nasa kinaroroonan na ng inyong ina. Sapagkat siya ay umiiyak din, alam ba ninyo? Ang kanyang sanggol ay namatay katulad ng inyong ina…»

«O! kung gayon kami ay patungo na sa kanya at ang kanyang sanggol ay pupunta na sa aming ina!» sabi ni Maria.

«Tama ‘yan. At kayong lahat ay magiging masaya.»

«Ano ang katulad ng babaeng ito? Ano siya? Isang magbubukid? Mayroon ba siyang mabuting panginoon?» Ang mga bata ay nananabik na makaalam.

«Siya ay hindi magbubukid, ngunit siya ay may isang hardin na puno ng mga rosas at siya ay kasing buti ng isang anghel. Siya ay may mabuting asawa. Mamahalin din niya kayo.»

«Sa palagay ba Ninyo, Guro?» tanong ni Mateo na medyo di-makapaniwala.

«Natitiyak Ko. At kayo ay makukumbinsi. Nang makailang araw ibig ni Chuza na si Marjiam ay maging isang kabalyero niya.»

«Tiyak na hindi!» sigaw ni Pedro.

«Si Marjiam ay magiging isang kabalyero ng Kristo. Iyan lang, Simon. Manahimik.»

Ang lawa ay naging kulay-abo muli. Ang hanging ay tumataas at nakukusot nito ang lawa. Ang layag ay napupuno at ang bangka ay tumatakbong mabilis nanginginig. Ngunit ang mga bata ay pinapangarap ang kanilang bagong ina at hindi sila natatakot.

Ang magdala ay nalalampasan kasama ang mapuputing bahay nito sa pagitan ng berdeng mga tanim. At ang kabukiran sa pagitan ng Magdala at ng Tiberias ay nalalampasan. Ang unang mga bahay ng Tiberias ay lumitaw.

«Saan, Guro?»

«Sa maliit na daungan ni Chuza.»

Si Pedro ay nagmanyobra at nagbibigay ng tagubilin sa katulong. Ang mga layag ay bumaba nang ang bangka ay malapit na sa maliit na daungan, pagkatapos pinasok ito, tumitigil sa maliit na lunsaran, sinusundan ng isa pang bangka. Ang dalawang bangka ay magkatabi katulad ng dalawang pagod na mga itik. Lahat sila ay bumaba at si Juan ay nauna nang tumakbo upang paalamin ang mga hardinero.

Ang maliliit na bata ay kinakabahang nakadikit kay Jesus at si Maria, hinihila ang Kanyang tunika, ay nagtanong na may malaking pagbuntung-hininga: «Ngunit siya ba ay totoong mabuti?»

Si Juan ay bumalik: «Guro, ang isang katulong ay binubuksan ang geyt. Si Johanna ay gising na.»

«Mabuti. Maghintay dito. Uuna na Ako.»

At si Jesus ay nauna nang nag-iisa. Ang iba ay pinagmamasdan Siyang umaalis nagkukumentaryo tungkol sa Kanyang pagkilos humigit-kumulang paborable. May malaki-laking pagdududa at pamimintas. Ngunit mula sa lugar na kanilang kinalalagyan nakikita lamang nila si Chuza nagmamadali patungo kay Jesus; siya ay yumuko halos hanggang lupa sa geyt at pagkatapos pinasok ang hardin sa kaliwa ni Jesus. Pagkatapos wala nang iba pa ang makikita.

Ngunit ako ay nakakakita. Nakikita ko si Jesus na nagpapatuloy nang dahan-dahan katabi si Chuza na nagpapakita kung gaano siya kasaya na mapunta sa kanya ang Guro bilang kanyang panauhin: «Ang aking Johanna ay masisiyahan. At ako ay nasisiyahan din. Pabuti nang pabuti ang kanyang pakiramdam. Nagkuwento siya sa akin tungkol sa paglalakbay. Anong isang pananagumpay, aking Panginoon!»

«Wala bang anuman sa iyo?»

«Si Johanna ay masaya. At ako ay masaya na nakikita siyang ganyan, baka nawala na siya sa akin maraming buwan na ang nakararaan, aking Panginoon.»

«Oo, baka nawala na sa iyo… At Akin siyang ibinigay ulit sa iyo. Maging mapagpasalamat sa Diyos dahil diyan.»

Si Chuza ay tinitingnan Siya nang may pag-aalinlangan… pagkatapos siya ay bumulong: «Isang paninisi, Panginoon?»

«Hindi, isang payo. Maging mabuti, Chuza.»

«Guro, ako ay isang katulong ni Herodes…»

«Alam Ko. Ngunit ang iyong kaluluwa ay ang katulong ng walang iba bagkus ng Diyos, kung iyan ang ibig mo.»

«Iyan ay totoo, Panginoon. Babaguhin ko ang aking pamamaraan ng pamumuhay. Kung minsan ako ay nahihintakutan ng opinyon ng madla…»

«Iisipin mo kaya iyan nang nakaraang taon nang ibig mong mailigtas si Johanna?»

«O! Hindi. Kahit mawalan ako ng lahat na pagrespeto lalapitan ko ang sinuman na makapagliligtas sa kanya.»

«Ganyan din ang gawin ko sa iyong kaluluwa. Mas mahalaga pa iyan kaysa kay Johanna. Naririto na siya dumarating.»

Binilisan nila ang kanilang mga hakbang patungo kay Johanna na tumatakbo sa tabi ng abenida upang tagpuin sila.

«Aking Guro! Hindi ako umasa na makikita ko Kayo kaagad. Aling kabaitan Ninyo ang nagdala sa Inyo sa Inyong disipulo?»

«Isang pabor, Johanna.»

«Isang pabor? Alin? Sabihin sa amin at kung aming magagawa, tutulungan namin Kayo» sabay silang tumugon.

«Kagabi sa isang mapanglaw na daan nakakita Ako ng dalawang mahirap na bata, isang maliit na batang babae at isang maliit na batang lalaki… sila ay mga nakapaa, marumi ang hitsura, nagugutom, nag-iisa… at nakita Ko sila na pinalalayas, na tila sila ay mga asong-gubat, ng isang may matigas-na-pusong lalaki. Sila ay namamatay sa pagkagutom… Nang nakaraang taon nabigyan Ko ng labis na kayamanan ang lalaking iyon. At kanyang pinagkaitan ang dalawang ulila ng isang piraso ng tinapay. Dahil sila ay mga ulila. Mga ulilang palabuy-laboy sa mga kalsada ng isang malupit na mundo. Ang lalaking iyon ay tatanggapin ang kanyang kaparusahan. Ibig ba ninyong makatanggap ng Aking pagpapalà? Iniuunat Ko sa inyo ang Aking kamay, isang Nanghihingi ng pagmamahal, para sa mga ulilang iyon na walang matuluyan, walang pagkain, walang pagmamahal. Matutulungan ba ninyo Ako?»

«Ngunit, Guro, bakit manghingi? Sabihin Ninyo sa akin kung ano ang ibig Ninyo, magkano ang ibig Ninyo; sabihin sa amin ang lahat!...» sabi ni Chuza nang biglaan.

Si Johanna ay hindi nagsasalita, ngunit na ang kanyang mga kamay nakadiin sa kanyang puso, may mga luha sa kanyang mahahabang pilikmata, may isang ngiti ng pagmimithi sa kanyang mapupulang labì, siya ay naghihintay at ang kanyang katahimikan ay mas nangungusap kaysa sa kanyang mga salita.

Si Jesus ay tinitingnan siya at ngumiti: «Ibig Ko ang mga iyon na magkaroon ng isang ina, isang ama, isang tahanan; at ang pangalan ng ina ay maging Johanna…»

Wala Siyang panahon na makatapos sapagkat ang sigaw ni Johanna ay katulad ng isa na nakalaya sa kulungan, habang nakapatirapa ang sarili upang halikan ang mga paa ng kanyang Panginoon.

«At ano ang masasabi mo, Chuza? Tatanggapin mo ba sa ngalan Ko ang Aking mga minamahal, na mas malapit pa sa Aking puso kaysa mga alahas?»

«Guro, nasaan sila? Dalhin Ninyo ako sa kanila at sa aking karangalan sinusumpa ko sa Inyo na mula na maipatong ko ang aking kamay sa kanilang inosenteng mga ulo, mamahalin ko sila sa ngalan Ninyo na tila ako ang kanilang tunay na ama.»

«Halika, kung gayon. Nalalaman Ko na Ako ay hindi lalapit para sa wala. Halikayo. Sila ay magagaspang at mga natatakot, ngunit mababait. Mapagkakatiwalaan ninyo Ako sapagkat nakababasa Ako ng mga puso ng tao at ng hinaharap. Magbibigay sila ng kapayapaan at lakas sa inyong pagsasama, hindi labis ngayon bagkus sa hinaharap. Matatagpuan ninyo muli ang inyong mga sarili sa kanilang pagmamahal. Ang kanilang inosenteng mga yakap ay ang magiging pinakamagandang pansemento para sa inyong tahanan ng isang mag-asawa. At ang Langit ay laging magiging mabait, at maawain sa inyo dahil sa inyong karidad. Sila ay nasa labas ng geyt. Kami ay nanggaling sa Bethsaida…»

Si Johanna ay hindi na nakikinig pa. Siya ay tumakbo, napanghawakan ng matinding pagmimithi na haplusin ang mga bata. At ginagawa niya ito, nakaluhod upang yakapin ang dalawang ulila sa kanyang puso, hinahalikan ang kanilang nangayayat na mga mukha, habang sila ay namamangha nakatingin sa magandang binibini na may mga damit na may mga alahas. Tiningnan nila si Chuza, na humahaplos sa kanila at kinarga nito si Matias. At kanilang tinitingnan ang magandang hardin at ang mga katulong na nakapaligid sa kanila… At kanilang hinahangaan ang bahay na ibinubukas kay Jesus at sa Kanyang mga apostol ang mga bulwagan na puno ng kayamanan. At kanilang tinitingnan si Esther na pumupupog sa kanila ng mga halik. Ang daigdig ng mga panaginip ay bukas sa maliliit na batang mga ulila…

021211

 


Sunod na kabanata