300. Sa Kulungan ng mga Tupa sa Endor.

Oktubre 13, 1945.

Si Jesus ay bumalik sa Endor lamang. Siya ay tumigil sa unang bahay ng nayon, na isang kulungan ng mga tupa kaysa isang bahay. Ngunit sa dahilan lamang na ito ay ganoon, na may mababang saradong mga kulungan puno ng dayami, mapasisilong nito ang labintatlong peregrino. Ang maybahay na lalaki, isang magaspang ngunit mabuting tao, ay nagmadali upang magdala ng isang lampara at isang maliit na balde ng mabulang gatas, kasama ang ilang maliliit na napakaitim na tinapay. Pagkatapos siya ay umalis pinagpapalà ni Jesus Na nananatiling kasama ang Labindalawa lamang.

Si Jesus ay nag-aalay at iniaabot ang tinapay, at sa dahilan na nagkukulang sila ng mga mangkok o mga kalis, ang bawat isa sa kanila ay isinasawsaw ang kanyang tinapay sa maliit na balde at umiinom mula rito, kapag nauuhaw. Si Jesus ay umiinom ng kaunting gatas lamang. Siya ay seryoso at tahimik… Kung kaya't, pagkatapos ng pagkain, nang napagbigyan na ang kanilang gana, na laging napakaganda, sa wakas nabatid nila ang Kanyang pagiging tahimik.

Si Andres ang unang nagtanong: «Ano ang nangyayari sa Inyo, Guro? Mukha Kayong malungkot o pagod sa akin…»

«Hindi Ko ikinakaila na Ako nga.»

«Bakit? Dahil sa mga Pariseong iyon? Kailangang sanay na Kayo sa kanila sa ngayon… Halos nasanay na ako sa kanila mismo! At nalalaman Ninyo kung papaano ako madalas tumugon sa kanila noon. Laging awit nila ang gayon ding kanta!... Ang mga ahas ay bagkus makapaghahagishis, sa katotohanan, at wala sa kanila ang kailanman makakagaya sa pag-awit ng isang ruwinsensor. Ang isa ay matatapos sa hindi sa kanila pagpansin» sabi ni Pedro, kapwa mataimtim at upang mapasigla si Jesus.

«At ganyan kung papaano ang isa nawawala sa kanyang sarili at bumabagsak sa kanilang mga pagkakaikid. Hinihiling Ko sa inyo na huwag kailanman masanay sa tinig ng Kasamaan na tila ito ay di-makapipinsala.»

«O! Bueno! Kung iyan lamang ang dahilan kung bakit Kayo nalulungkot, mali Kayo. Nakikita Ninyo kung gaano Kayo minamahal ng mundo» sabi ni Mateo.

«Ngunit iyan lamang ba ang dahilan kung bakit Kayo nalulungkot? Sabihin Ninyo sa akin, aking mabuting Guro. O Kayo ba ay kanilang pinagsinungalingan, o ginawan ng mga paninirang-puri na mga pagpapahiwatig o nagpahiwatig sila ng mga suspetsa, o hindi ko alam kung ano, tungkol sa amin na nagmamahal sa Inyo?» tanong ng Iskariote nang mapag-alintana at may-kabaitan, niyayakap ng isang kamay si Jesus, Na nakaupong katabi niya sa dayami.

Si Jesus ay hinarap si Judas. Ang Kanyang mga mata ay kumikislap katulad ng posporus sa kumukurap na liwanag ng lampara na inilagay sa lupa sa gitna ng paikot ng mga apostol nakaupo sa dayami. Si Jesus ay tinititigan si Judas ng Kerioth at tinanong siya: «At kilala mo Ako na maging napakatanga na tanggapin bilang totoo ang mga pagpapahiwatig ng kahit sino, hanggang sa punto na maging balisa ng mga ito? Totoong mga pangyayari, Judas ni Simon, ang nagpapabalisa sa Akin» at ang Kanyang mga mata ay hindi tumitigil kahit isang sandali sa panlalagos, katulad ng isang pangkalikol, sa kulay-kapeng mga mata ni Judas.

«Aling tunay na mga pangyayari ang nagpapabalisa sa Inyo?» pamimilit ng Iskariote sa isang tono ng pagkumpiyansa.

«Ang mga pangyayaring nakikita Ko sa mga kailaliman ng mga puso at sa mga noo ng pinababa sa mga trono.» Si Jesus ay idinidiin ang salita.

Ang lahat ay nabalisa: «Pinababa sa trono? Bakit? Ano ang ibig Ninyong sabihin?»

«Ang isang hari ay pinabábaba kapag hindi na siya karapat-dapat na manatili sa trono, at ang unang bagay na inaalis sa kanya ay ang korona, na nasa kanyang noo, ang pinakanobleng bahagi ng tao, ang tanging hayop na ang noo ay nakatayong paharap sa kalangitan, dahil siya ay hayop hinggil sa materyal, subalit sobrenatural bilang pinagkalooban ng isang kaluluwa. Ngunit hindi kinakailangan na maging hari sa makalupang trono upang mapababà… Ang bawat tao ay hari dahil sa kanyang kaluluwa, at ang kanyang trono ay nasa Langit. Ngunit kapag ang isang tao ay pinasamâ ang kanyang kaluluwa at naging isang mabangis na hayop at dimonyo, pinabábaba niya mismo kung gayon ang kanyang sarili sa trono. Ang mundo ay puno ng mga noo na tinanggalan ng korona na hindi na nakatayong paharap sa Langit, bagkus nakatungo paharap sa Kalaliman, napabigatan ng salita na inukit ni Satanas sa kanila. Ibig mo bang malaman ito? Iyan ang salita na nababasa Ko sa mga noo. Nakasulat doon: “Nabili na!”. At upang hindi ka magduda kung sino ang bumili, sasabihin Ko sa iyo na ito ay si Satanas, sa pamamagitan niya mismo o sa pamamagitan ng kanyang mga katulong sa mundo.»

«Naintindihan ko! Ang mga Pariseong iyon, halimbawa, ay ang mga katulong ng isang katulong na mas malaki pa kaysa sa kanila at siyang katulong ni Satanas» sabi ni Pedro nang mataimtim.

Si Jesus ay hindi tumugon.

«Ngunit… Alam ba Ninyo, Guro, na ang mga Pariseong iyon, pagkatapos na mapakinggan ang Inyong mga salita, ay naiskandalo nang sila’y umalis? Sinabi nila iyan, nang mabunggo nila ako habang lumalabas… Buung-buo ang Inyong loob» wika ni Bartolomeo.

At si Jesus ay tumugon: «At napaka makatotohanan. Hindi Ko iyon kagagawan, bagkus nila, kung ang ilang mga bagay ay kailangan na sabihin. At iyon ay may-pagkakawanggawa Ko na sabihin na sila. Ang anumang tanim na hindi itinanim na Aking Makalangit na Ama ay kailangan na bunutin. At ang walang-pakinabang na kapiraso ng lupa ng parasitikong nananakal na matitinik na yerba, na sumisira sa binhi ng banal na Katotohanan, ay hindi Niya inilagay. Mapagkawanggawa na bunutin ang mga tradisyon at mga alituntunin na sumasakal sa Dekalogo, nagbibigay ng maling kahulugan dito, at ginagawa itong di-makagalaw at imposibleng sundan. Mapagkawanggawa na gawin ang ganyan alang-alang sa matatapat na kaluluwa. Ang tungkol sa mga suwail na matitigas-ang-ulo ng mga taong iyon, na mga bingi sa bawat payo at pagkilos ng Pagmamahal, hayaan lang sila at sila’y sundan ng ang mga kaluluwa at mga gawi ay katulad ng kanila. Sila ay mga bulag na nagpapasunod ng mga bulag. Kung ang isang bulag ay nagpapasunod sa isa pa, kapwa ay bagkus mahuhulog sa balon. Hayaan silang manginain sa kanilang sariling karumihan, na kanilang tinatawag na “kalinisan”. Hindi na sila niyan mahahawahan pa, sapagkat iyan ay nagmumula sa matris ng pinanggagalingan din niyan.»

«Ang Inyong sinasabi ngayon ay kakabit na sa Inyong sinabi sa loob ng bahay ni Daniel, hindi ba? Na hindi sa kung ano ang pumapasok sa bunganga ng tao ang siyang nagpaparumi sa kanya, bagkus kung ano ang lumalabas diyan» tanong nang seryoso ni Simon Zealot.

«Oo» maikling tugon ni Jesus.

Pagkaraan ng isang sandali ng katahimikan, sa dahilan na ang pagkaseryo ni Jesus ay napatatahimik kahit na ang pinakamasiglang karakter, si Pedro ay nagtanong: «Guro, ako, at hindi lamang ako ang nag-iisa, ay hindi naintindihan nang mabuti ang parabula. Pakiusap na ipaliwanag ito sa amin. Papaano nangyayari na kung ano ang pumapasok ay hindi nagpaparumi, at kung ano ang lumalabas ay nagpaparumi? Kung ako ay kumuha ng isang malinis na amphora at binuhusan ko ang loob nito ng maruming tubig, marurumihan ko ito. Kung gayon kung ano ang pumasok sa amphora ay nagawa itong marumi. Subalit kung mula sa amphora na puno ng malinis na tubig ibinuhos ko ang ilan nito sa lupa, hindi ko naparurumi ang amphora, sapagkat malinis na tubig ang lumalabas dito. Kung gayon?»

At sinabi ni Jesus: «Tayo ay hindi mga amphora, Simon. Tayo ay hindi mga amphora, Aking mga kaibigan. At hindi lahat ay malinis sa tao! Kahit ba kayo ay hindi makaintindi? Tingnan ang kaso na iniaakusa sa inyo ng mga Pariseo. Sinabi nila na kayo ay di-malinis sapagkat naglalagay kayo ng pagkain sa inyong mga bunganga sa pamamagitan ng maalikabok, mapawis na mga kamay, ibig sabihin, sa pamamagitan ng di-malinis na mga kamay. Ngunit saan pumupunta ang pagkain na iyon? Mula sa inyong mga bunganga patungo sa inyong mga tiyan, mula sa inyong mga tiyan patungo sa inyong mga bituka. At mula sa inyong mga bituka patungo sa kanal. Maparurumi ba nito kung gayon ang inyong buong katawan, at kung ano ang nasa loob ng inyong mga katawan, kung ito ay dumaraan lamang dito upang gawin lamang ang tungkulin nito na masustentuhan ang laman, at ang laman lamang, at pagkatapos magtatapos sa isang kanal, na tama lamang na ito ay matapos dito? Hindi iyan ang nagpaparumi sa tao. Ang nagpaparumi sa tao ay ang kung ano ang ganap at tanging kanya lamang, nilikha at pinalabas ng kanyang kaakuhan. Ibig sabihin, kung ano ang mayroon siya sa kanyang puso, at mula sa kanyang puso tumataas patungo sa kanyang mga labì at sa kanyang ulo, pinarurumi ang kanyang mga naiisip at mga salita at ginagawa siyang ganap na di-malinis. Mula sa puso ay lumalabas ang masamang mga intensiyon, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsisinungaling, paninira. Mula sa puso lumalabas ang kasakiman, kahalayan, pagmamalaki, inggit, galit, di-banayad na mga mithiin at makasalanang kawalang-magawa.. Mula sa puso ay lumalabas ang mga pangganyak sa lahat na mga aksiyon. At kung ang puso ay masama, ang mga ito ay magiging kasing sama ng puso. Ang lahat na aksiyon: mula idolatriya hanggang sa di-matapat na pagbulung-bulong… Ang lahat ng masasamang bagay na ito, na mula sa loob ay lumalabas, ay nagagawa ang tao na di-malinis, hindi ang pagkain nang hindi naghuhugas ng sariling mga kamay. Ang siyensiya ng Diyos ay hindi isang mababang bagay, putik na kahit na sino ay makayayapak. Ito ay isang bagay na mataas, namumuhay kasama ng mga bituin, mula kung saan ito ay bumababa na may mga raya-raya ng liwanag upang magawa nitong perpekto ang makatarungan. Huwag, kayo man lamang, na halbutin ito mula sa Langit upang lapastanganin ito sa putik… Humayo at magpahinga na ngayon. Ako ay lalabas upang magdasal.»

031211

 

 

 


Sunod na kabanata