301. Mula Endor Hanggang Magdala.

Oktubre 14, 1945.

Ulan, ulan, ulan… Ang mga apostol na hindi masayang-masaya na maglakad sa ulan, ay nagmungkahi kay Jesus na baka mas mabuti pang manilungan sa Nazareth, na hindi naman napakalayo… at si Pedro ay nagsabi: «At pagkatapos makaaalis akong kasama ang bata…»

Ang «hindi» ni Jesus ay buung-buo upang walang sinuman ang mangahas na mamilit. Si Jesus ay naglalakad sa unahan nila, nag-iisa… Ang iba ay sinusundan Siya, sa dalawang nagmumukmok na grupo.

Ngunit si Pedro ay hindi na makatagal pa at kanyang nilapitan si Jesus. «Guro, makapananatili ba akong kasabay Kayo?» nagtanong siya sa kung baga napapahiyang tono.

«Ikaw ay laging mahal sa Akin, Simon. Halika.»

Si Pedro ay sumaya. Siya ay tumutroteng katabi ni Jesus, Na malayo ang nilalakad sa pamamagitan ng Kanyang mga paghakbang, nang walang anumang paghihirap. Pagkaraan ng kaunting sandali sinabi Niya: «Guro… maganda sana kung kasama ang bata sa kapistahan…»

Si Jesus ay hindi tumutugon.

«Guro, bakit hindi Ninyo ako ginagawang masaya?»

«Simon, namimilegro kang mawala sa iyo ang bata.»

«Hindi, Panginoon! Bakit?» Si Pedro ay natakot ng banta at nagmumukhang napakalungkot.

«Sapagkat ayaw Kong matali ka sa kahit anong bagay. Sinabi Ko sa iyo nang binigay Ko sa iyo si Marjiam. Ikaw, sa halip, ay naaabala sa iyong damdamin.»

«Hindi kasalanan ang umibig. At ang mahalin si Marjiam. Minamahal din Ninyo siya…»

«Ngunit ang Aking pagmamahal ay hindi Ako napipigilan sa pag-aalay nang ganap ng Aking sarili sa Aking misyon. Hindi mo ba naaalaala ang Aking mga salita tungkol sa pantaong mga damdamin at ang Aking payo, na kasing linaw ng isang utos, tungkol sa mga ibig na maglagay ng kanilang mga kamay sa araro? Ikaw ba ay napapagod na, Simon ni Jonah, ng pagiging Aking disipulo nang makabayani

Ang tinig ni Pedro ay napuputol ng mga hikbi nang siya ay tumugon: «Hindi, Panginoon. Naaalaala ko ang lahat at ako ay hindi pagod… Kayo ay pagod na sa akin, sa abang si Simon na iniwanan ang lahat upang sundan Kayo…»

«Ibig mong sabihin: na natagpuan ang lahat sa pagsunod sa Akin

«Hindi… Oo… Guro… Ako ay isang kaawa-awang tao…»

«Alam ko. At eksaktong iyan kung bakit tinatrabaho kita. Upang gawin ang kaawa-awang tao na isang tao, isang santo, Aking Apostol, Aking Bato. Ako ay matigas upang gawin kang matigas. Ayaw Kong maging kasing lambot ka ng putik na ito. Ibig kitang maging isang perpektong kudrado bloke: ang pundasyong Bato. Hindi mo ba naiintindihan na iyan ay pagmamahal? Hindi mo ba naaalaala ang Mago? Sinasabi niya na siya na nagmamahal ay istrikto. Ngunit unawain mo Ako! Ikaw man lamang! Hindi mo ba nakikita na Ako ay napangingibabawan at nalulungkot dahil sa labis na di-pagkaintindi, dahil sa labis na pagkukunwari, ng labis na kawalang-pakialam, at ng labis pang mga kabiguan?»

«Iyan ba… iyan ba ang Inyong pakiramdam, Guro? O! Dibinong Awa! At hindi ko man lamang iyan nabatid! Gaano ako katanga!... Ngunit gaano na katagal?... Sino ang may kagagawan? Sabihin Ninyo sa akin…»

«Walang kabuluhan iyan. Wala kang magagawa kahit na ano. Ako mismo ay walang magagawa…»

«Wala ba akong magagawa upang mapagaanan Kayo?»

«Sinabi Ko na sa iyo: kailangan na unawain mo na ang Aking kahigpitan ay pagmamahal at tingnan ang pagmamahal sa bawat kilos Ko tungkol sa iyo.»

«Oo, siyempre. Hindi na ako ulit magsasalita. Aking mahal na Guro! Hindi na ako magsasalita pa. Patawarin ang tangang ito. Bigyan Ninyo ako ng tanda na talagang pinatatawad Ninyo ako…»

»Isang tanda! Ang Aking “oo” ay kailangan na sapat na para sa iyo. Ngunit ibibigay Ko ito sa iyo. Makinig: Hindi Ako maaaring pumunta sa Nazareth sapagkat, bukod kay Marjiam, sina Juan ng Endor at Sintike ay naroroon. At iyan ay hindi kailangan na malaman.»

«Ni kahit namin? Bakit?... Ah! Guro?! Kinatatakutan ba Ninyo ang kahit isa sa amin?»

«Ang Kahinahunan ay itinuturo nito na kung ang isang bagay ay kailangan na maging lihim, ang dalawang tao na nakaaalam nito ay napakarami na. Kahit na ang walang-ingat na salita ay makasásamâ. At ang mga tao ay hindi lahat at laging maunawain.»

«Totoo… ni ako ay hindi rin maunawain. Ngunit kapag gusto ko, maaari akong maging tahimik. At mananahimik ako! Totoo ngang mananahimik ako! Hindi na ako magiging si Simon ni Jonah, kung hindi ko pipigilan ang aking dila. Salamat sa Inyo, Guro, para sa inyong pagpupunyagi. Iyan nga ay totoong isang malaking tanda ng pagmamahal… Kung gayon tayo ngayon ay patungo sa Tarichea?»

«Oo. Pagkatapos tayo ay pupunta sa Magdala sa pamamagitan ng bangka. Kailangan Kong kolektahin ang ginto ng mga alahas…»

«Nakikita na Ninyo ngayon na napipigilan ko na ang aking dila! Wala akong sinabi kay Judas kahit na ano. Alam N’yo?»

Si Jesus ay walang sinabi tungkol sa pagputol. Siya ay nagpapatuloy: «Kapag nakuha Ko na ang ginto, iiwanan Ko kayong lahat nang malaya hanggang sa araw pagkatapos ng Dedikasyon. Kung kakailanganin Ko ang kahit sino sa inyo, tatawagin Ko kayo sa Nazareth. Ang mga apostol mula sa Judea, maliban kay Simon Zealot, ay dadalhin ang mga kapatid na babae ni Lazarus at ang kanilang mga katulong na babae, at si Eliza ng Bethzur, sa kanilang bahay sa Bethany. Pagkatapos sila ay pupunta sa kanilang mga bahay para sa Dedikasyon. Maayos lang kung sila ay makabalik sa katapusan ng Shebat, kung kailan magsisimula ulit tayo na mag-ikot. Ikaw lamang ang tanging isa na dapat makaalam, tama ba iyong, Simon Pedro?»

«Oo, ako lamang ang tanging isa. Ngunit… kailangan Ninyong sabihan ang iba…»

«Sasabihin Ko sa kanila sa tamang sandali. Lumakad ka na ngayon sa iyong mga kasama at maging tiyak tungkol sa Aking pagmamahal.»

Si Pedro ay sumunod at masaya at si Jesus ay naging nakalubog muli sa pag-iisip muli.

                                                                                ----------------

Ang mga alon ay humahampas sa maliit na baybayin ng Magdala, nang ang dalawang bangka ay dumaong doon nang isang kalaliman ng hapon ng Nobyembre. Hindi malalaking alon ang mga ito, ngunit nakakainis sa mga dumadaong, dahil nababasa ang kanilang mga damit. Ngunit ang kaisipan na kaagad silang mapasisilong sa loob ng bahay ni Maria ng Magdala ay nagawa silang tiisin nang walang mga pagbulung-bulong ang di-ginugustong paligo.

«Ilayo ang mga bangka pagkatapos sumama sa amin» sabi ni Jesus sa mga katulong. Pagkatapos naglakad kaagad Siya sa baybayin sapagkat sila ay dumaong sa loob ng isang yungib malayo nang kaunti sa bayan, kung saan ay iba pang mga bangka ng mga mangingisda mula sa Magdala.

«Judas ni Simon at Tomas, sumama sa Akin» sabi ni Jesus tinatawag sila. Sila ay tumakbo sa Kanya. «Nagpasya Ako na pagtiwalaan kayo ng isang malihim na gawain, at magandang gawain din. Ito ang gawain: dadalhin ninyo ang mga kapatid na babae ni Lazarus sa Bethany. At si Eliza ng Bethzur ay sasama sa kanila. Malaki ang Aking pagtingin sa inyo na ipagkatiwala ang mga babaeng disipulo sa inyo. At magdadala kayo ng isang sulat Ko kay Lazarus. Pagkatapos, kapag nagawa na ninyo ang gawaing ito, kayo ay uuwi para sa Dedikasyon… Huwag mo Akong putulin, Judas. Tayong lahat ay ipagdiriwang ang Dedikasyon sa bahay sa taon na ito. Napaka-maulan na isang taglamig para mag-ikot. Nakikita rin ninyo na pati ang mga maysakit ay kumukunti. Kung kaya't sasamantalahin natin ang sitwasyon at gawing masaya ang ating mga pamilya. Ako ay maghihintay sa inyo sa Capernaum sa katapusan ng Shebat.»

«Ngunit Kayo ba ay mananatili sa Capernaum?» tanong ni Tomas.

«Hindi pa Ako nakatitiyak kung saan Ako mananatili. Dito o roon ito ay pareho para sa Akin, maliban na ang Aking Ina ay kasama Ko.»

«Mas gugustuhin kong ipagdiwang ang Dedikasyon na kasama Kayo» sabi ng Iskariote.

«Naniniwala Ako sa iyo. Ngunit kung minamahal mo Ako, pakiusap na sumunod. Lalo na sapagkat ang iyong pagsunod ay mabibigyan ka ng posibilidad na matulungan ang mga disipulo, na muli ulit na nakakalat kung saan-saan. Kailangan na tulungan mo Ako tungkol sa kanila. Sa isang pamilya ang mga nakatatandang anak ang tumutulong sa mga magulang na mapalaki ang mga nakababata. Kayo ay ang nakatatandang mga kapatid ng mga disipulo, at sila ang mga nakababata, at kailangan na maging masaya kayo na Ako ay umaasa sa inyo. Nagpapatunay ito na Ako ay nasisiyahan sa inyong huling gawa.»

Si Tomas ay simpleng nagsabi: «Napakabait naman Ninyo, Guro. Ngunit, sa ganang akin, magsisikap ako nang mas mahigit pa, ngayon. Ngunit ako ay nalulungkot na iwanan Kayo… Ngunit ang panahon ay lumilipad… At ang aking matandang ama ay magiging masaya na makasama ako para sa kapistahan… at ang aking kapatid na babae din… Ang aking kakambal na kapatid na babae higit sa lahat!... Maaaring nagkaroon na siya, o magkakaroon na siya ng isang anak… Ang unang pamangkin… Kung ito ay lalaki, at ipanganganak na naroroon ako, anong pangalan ang ibibigay ko sa kanya?»

«Jose.»

«At kong ito ay babae?»

«Maria. Wala nang mas matatamis pang mga pangalan.»

Ngunit si Judas, nagmamalaki gawa ng pagkakatalaga, ay palakad-lakad na at gumagawa na ng mga plano… Ganap na niyang nakalilimutan na iiwanan niya si Jesus at kani-kanina lamang, tungkol sa panahon ng Tabernakulo, kung tama ang aking pagka-alaala, siya ay nagprotesta, katulad ng di-pa awat na kabayo, laban sa utos ni Jesus na humiwalay sa Kanya nang sandali. Nakalilimutan na rin niya kung papaano niya pinagsususpetsahan si Jesus na iyon ay ang mithiin ni Jesus na ilayo siya. Nakalimutan na niya ang lahat at siya ay masaya na tinitingnan na isang mapagkakatiwalaan tungkol sa mga maselan na mga gawain. Siya ay nangangako: «Dadalhan ko Kayo ng mas maraming pera para sa mahihirap» at kanyang hinuhugot ang kanyang lukbutan at nagsabi: «Narito, kunin ito. Iyan ang lahat na mayroon tayo. Wala na akong iba pa. Bigyan Ninyo ako ng gastusin para sa aming paglalakbay mula sa Bethany patungo sa bahay.»

«Ngunit hindi pa tayo aalis ngayong gabi» pagtutol ni Tomas.

«Hindi na bale. Walang pangangailangan ng pera sa loob ng Bahay ni Maria, kung gayon… Masaya ako na hindi na ako kailangan pang humawak niyan… Pagbalik ko dadalhan ko ang Inyong Ina na ilang binhi ng bulaklak. Kukunin ko iyan mula sa aking ina. At ibig kong magdala ng regalo para kay Marjiam…» Siya ay nasisiyahan nang lubos. Si Jesus ay tinitingnan siya…

Ngayon sila ay nasa loob na ng bahay ni Maria ng Magdala. Ipinakilala nila ang kanilang mga sarili at sila’y pumasok. Ang mga babae ay nagtakbuhan nang malugod upang salubungin ang Guro, Na naparito upang manilungan sa kanilang tahanan…

At pagkatapos ng hapunan, nang ang mga pagod na apostol ay umalis, si Jesus, nakaupo sa gitna ng bulwagan, sa loob ng paikot ng mga babaeng disipulo, ay ipinaaalam sa kanila ang Kanyang mithiin na sila ay kailangan na makaalis kaagad hangga't maaari. Di-katulad ng mga apostol, wala ni isa sa kanila ang nagprotesta. Iniyuyuko nila ang kanilang mga ulo sa pagsang-ayon at pagkatapos lumabas upang balutin ang kanilang mga bagahe. Ngunit si Jesus ay tinawag muli si Maria ng Magdala, na nasa paglabas na.

«Bueno, Maria? Bakit bumulong ka sa Akin, nang Ako’y dumating: “Kailangan na makausap ko Kayo nang sarilinan”?»

«Guro, naipagbili ko na ang mamahaling mga bato. Sa Tiberias. Si Marcella ay ipinagbili ito sa tulong ni Isaac. Nasa silid ko ang pera. Ayaw kong makita ni Judas…» at lubos siyang namumula.

Si Jesus ay tinititigan siya ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano.

si Maria ng Magdala ay lumabas at bumalik na may dalang mabigat na lukbutan na kanyang inabot kay Jesus: «Naririto ito» sabi niya. «Nagbigay sila ng mabuting halaga para sa mga bato.»

«Salat sa iyo, Maria.»

«Salamat sa Inyo, Rabboni, sa pakiusap ng pabor na ito sa akin. Mayroon pa ba Kayong ibig na itanong sa akin?»

«Wala, Maria. At mayroon ka bang ibig na sabihin pa sa Akin?»

«Wala, aking Panginoon. Pagpalain Ninyo ako, Guro.»

«Oo, pinagpapalà kita… Maria… masaya ka bang bumalik kay Lazarus? Halimbawang wala na Ako sa Palestina, babalik ka ba nang kusa?»

«Oo, aking Panginoon. Ngunit…»

«Magpatuloy, Maria. Huwag matakot na sabihin sa Akin kung ano ang iyong iniisip.»

«Mas gugustuhin kong bumalik nang kusa, kung si Simon Zealot ay ang nasa lugar ni Judas ng Kerioth, sapagkat siya ay isang dakilang kaibigan ng pamilya.»

«Kailangan Ko siya para sa isang mahalagang misyon.»

«Ang Inyong mga kapatid, kung gayon o si Juan, na ang kaninong puso ay kasing inosente ng isang kalapati. Kahit alin sa kanila, maliban sa kanya. Aking Panginoon, huwag Ninyo akong tingnan nang napakahigpit… Ang sinuman na nanginain sa kahalayan, ay nadarama ito kung ito ay nasa malapit… Ako ay hindi natatakot nito. Mapipigilan ko ang isa na mas mahigit pa kaysa kay Judas. At nahihintakutan ako ng pagiging hindi mapatawad, at ito ay ang aking kaakuhan, at ito ay si Satanas na paligid-ligid sa akin, at ito ay ang mundo… Ngunit kung si Maria ni Theophilus ay hindi natatakot sa sinuman, si Maria ni Jesus ay nasusuklam sa bisyo na nagpayuko sa kanya, at siya… Panginoon… Ang lalaki na nagnanasa ng kahalayan ay nakaiinis sa akin…

«Hindi ka nag-iisa sa paglalakbay, Maria. At natitiyak Ko na habang siya ay kasama mo siya ay hindi babalik… Alalahanin na kailangan Kong ipadala sina Sintike at Juan sa Antioch at ang sinuman na walang kahinahunan ay hindi kailangan na may malaman tungkol dito…»

«Iyan ay totoo. Kung gayon ako ay lalakad… Guro, kailan muli tayo magkikita?»

«Hindi Ko alam, Maria. Baka sa Paskuwa lamang. Humayo sa kapayapaan, ngayon. Pagpapalain Ko kayo ngayong gabi at bawat gabi, kasama ang iyong kapatid na babae at ang mabuting si Lazarus.

Si Maria ay yumuko upang halikan ang mga paa ni Jesus iniiwan Siyang nag-iisa sa tahimik na silid.

151211

 


Sunod na kabanata