303. Si Jesus Kasama Sina Juan ng Endor at Sintike sa Nazareth.

Oktubre 16 1945.

«Guro! Guro! Guro!» Ang tatlong sigaw ni Juan ng Endor, na lumalabas sa kanyang maliit na silid upang pumunta sa pontanya at maghugas ng sarili, nasasalubong si Jesus nanggagaling dito, ay nakapanggising kay Marjiam, na tumakbong lumabas mula sa silid ni Maria nakasuot lamang ng isang maikling walang-manggas na tunika, nakapaa pa rin, na may mga mata at bungangang maluwang na nakabukas at sumigaw: «si Jesus ay naririto!» at tumakbo nang husto upang umakyat sa mga bisig ni Jesus. Ang sigaw ay nakapanggising din kay Sintike na natutulog sa lumang pagawaan ni Jose, at na lumabas pagkaraan ng kaunting mga sandali, nakabihis na ngunit ang kanyang maitim na mga tirintas hindi pa masyadong ayos at nakabiting buhaghag sa kanyang mga balikat.

Si Jesus, na ang bata nasa Kanyang mga bisig pa rin, ay binati sina Juan at Sintike at pinilit silang bumalik sa bahay sapagkat ang hanging hilaga ay napakalakas. At Siya ang unang pumasok, dala-dala ang halos hubad na Marjiam, na ang mga ngipin ay nangangatal sa kabila ng kanyang entusiyasmo. Inilagay Niya ang bata malapit sa apoy, na nasindihan na, at kung saan naroroon si Maria nag-iinit ng ilang gatas at ng mga damit ng bata, upang siya ay hindi sipunin.

Yung dalawang iba pa ay hindi nagsasalita, ngunit nagmumukha silang ang pagiging-tao ng lubos na kasiyahan. Si Jesus, Na nakaupo ang bata na sa Kanyang lapi habang ang Banal na Birhen ay binabalot siya nang mabilis sa pinainitang mga damit, ay tumingala at ngumingiti Siya’y nagsabi sa kanila: «Ako’y nangako sa inyo na Ako ay darating. At si Simon Zealot ay darating din ngayon o bukas. Siya ay Aking inutusan. Ngunit siya ay malapit nang dumating at magkakasama tayo nang maraming araw.»

Si Marjiam ay kaagad nabihisan at ang kanyang maliliit na pisngi, na naging maputla sa lamig, ay nagkakulay ulit. Si Jesus ay inilapag siya at pumunta sa sumusunod na silid sinusundan ng lahat. Si Maria ang pumasok nang huli hawak ang bata sa kamay. At Kanya siyang pinagalitan nang may-kabaitan: «Ano na ang Aking gagawin sa iyo ngayon? Ikaw ay hindi sumunod. Sinabi Ko sa iyo: “Manatili sa higaan hanggang Ako ay bumalik”, sa halip pumunta ka bago pa man…»

«Ang sigaw ni Juan ay ginising ako…» tugon ni Marjiam nang may paumanhin.

«Iyan ang eksakto kung kailan ikaw ay dapat na sumunod. Ang manatili ang isa sa higaan habang natutulog ay hindi pagsunod at walang merito ang paggawa nito. Kailangan na nagawa mo ito kung kailan may merito, sapagkat nangangailangan ito ng kapangyarihan ng iyong kalooban. Dinala Ko sana si Jesus sa iyo. At napasaiyo sana Siya nang solo mo mismo, na hindi mo isinasapalaran na magkaroon ka ng sipon.»

«Hindi ko alam na napakalamig.»

«Ngunit alam Ko. Namimighati Ako na makita kang hindi sumusunod.»

«Hindi, Inay. Mas namimighati ako na makita Kayo na ganyan… Kung hindi dahil kay Jesus ni hindi sana ako bumangon kahit na kung nakalimutan Ninyo ako sa higaan na walang pagkain, aking magandang Inay!»… Bigyan Ninyo ako ng halik, Inay. Nalalaman Ninyo na ako ay isang kaawa-awang bata!...»

Si Maria ay kinarga siya at hinahalikan, pinatitigil kung gayon ang mga luha na dumadaloy sa kanyang mga pisngi at ginagawa siyang ngumiti muli na may pangako: «Hinding hindi ko na muli kayo susuwayin!»

Si Jesus pansamantala ay nagsasalita sa dalawang disipulo. Siya ay nagtatanong tungkol sa kanilang progreso sa Karunungan, at sa dahilan na sinasabi nila na ang lahat ay nagiging malinaw sa kanila sa pamamagitan ng mga salita ni Maria, sinabi Niya: «Alam Ko. Ang maningning nang sobrenatural na Karunungan ng Diyos ay nagiging malinaw na liwanag din para sa pinaka may-matigas-na-puso na mga tao, kapag binibigkas ni Niya. Ngunit kayo ay hindi matitigas ang ulo, at sa gayon ganap kayong nakikinabang sa pagtuturo Niya.»

«Naririto Ka na ngayon, Anak. Ang tagapagturo ay nagiging ang mag-aaral muli.»

«O! hindi! Magpapatuloy Kayong ang tagapagturo. Makikinig Ako sa Inyo katulad ng ginagawa nila. Ako ay “ang Anak” lamang sa mga araw na ito. Wala nang iba pa. Kayo ang magiging ang Ina at Tagapagturo ng mga Kristiyano. Kayo ay ganyan kahit na ngayon: Ako ay ang Inyong Panganay at ang panganay na mag-aaral, at sila, at si Simon kapag siya ay dumating, ay ang mga iba pa… Kita Ninyo, Inay? Ang mundo ay naririto. Ang mundo ng hinaharap na nasa maliit na purong Israelita na ni hindi nag-aalam ng pagiging ang “Kristiyano”; ang mundo, ang lumang mundo ng Israel na nasa Zealot; ang sangkatauhan na nasa kay Juan, ang mga Hentil nasa kay Sintike. At lahat sila ay pumupunta sa Inyo, ang Banal na Ina na nagbibigay ng gatas ng Karunungan at Buhay sa mundo at sa mga siglo. Ilang bunganga ang nagmimithing makasuso sa Inyong dibdib! At ilan ang sususo sa hinaharap! Ang mga Patriyarka at mga Propeta ay naghintay para sa Inyo, sapagkat ang Ikabubuhay ng tao ay manggagaling sa Inyong masaganang sinapupunan. At ang “Aking mga tagasunod” ay hahanapin Kayo upang mapatawad, maturuan, maipagsanggalang, mamahal, katulad ng kasing dami ng Marjiam. At pinagpalà ang mga ito ang gagawin! Sapagkat hindi posibleng makapagpursige sa Kristo, maliban kung ang grasya ay napalalakas ng Inyong tulong, Ina na napupuno ng Grasya.»

Si Maria ay nagmumukhang isang rosas sa Kanyang maitim na damit, habang Siya ay namumula nang labis sa pagpupuri ng Kanyang Anak. Isang magandang rosas sa isang napakaabang damit, ng magaspang na madilim na kulay-kapeng delana…

May kumatok at sina Maria ni Alfeo, Santiago at Judas ay pumasok nang sabay-sabay, ang huli kargado ng mga pitsel ng tubig at mga panggatong. Ang kanilang kasiyahan na magkita-kitang muli ay magkakapareho. At ito ay lumaki nang kanilang malaman na ang Zealot ay malapit nang dumating. Na ang mga anak ni Alfeo ay giliw-na-giliw sa kanya ay kitang-kita, kahit na kung wala ang mga salitang binigkas ni Judas bilang kasagutan sa wika ng kanyang ina tungkol sa kanilang lugod: «Inay, sa mismong bahay na ito lamang at isang napakalungkot na gabi para sa amin, ipinakita niya sa amin ang pagmamahal ng isang ama at mayroon pa rin siya ngayon ng pagmamahal na iyon para sa amin. Hindi namin ito makalilimutan. Siya para sa amin ay “ang ama”. Kami para sa kanya ay “kanyang mga anak”. Aling mga anak ang hindi magsasaya sa pagkakakita ng isang mabuting ama?»

Si Maria ni Alfeo ay nag-iisip at nagbubuntung-hininga… Pagkatapos, bilang napaka praktikal kahit na sa loob ng kanyang kapighatian, siya ay nagtanong: «At saan Ninyo siya patutulugin? Kayo ay walang silid. Ipadala Ninyo siya sa aking bahay.»

«Hindi. Maria. Siya ay manunuluyan sa ilalim ng Aking bubungan. Ngunit iyan ay ayos na. Si Sintike ay matutulog kasama ang Aking Ina, Ako kasama si Marjiam, si Simon sa pagawaan. Hindi, mas mabuti pang maghanda na kaagad tayo. Tayo na.»

At ang mga kalalakihan ay lumabas patungo sa pangkusinang-hardin, habang ang dalawang Maria ay nagtungo sa kanilang gawain sa kusina.

251211

 

 

 


Sunod na kabanata