304. Ang Leksiyon ni Jesus Kay Marjiam.

Oktubre 17, 1945.

Si Jesus ay lumabas ng bahay, hawak-hawak ang bata sa kamay. Hindi sila pumunta sa sentro ng Nazareth, sa kabaligtaran iniiwan nila ang nayon tinatahak ang dating daan na kinuha ni Jesus nang una Siyang umalis sa Kanyang bahay para sa Kanyang pampublikong pamumuhay. Nang makarating sila sa unang taniman ng mga punong olibo, iniwan nila ang pangunahing daan at sinusundan ang maliliit na landas sa loob ng mga punungkahoy, sa paghahanap sa mainit na araw pagkatapos ng mabagyong mga araw.

Si Jesus ay sinasabihan si Marjiam na tumakbo at tumalon, ngunit tumugon ang bata: «Mas gusto kong manatiling kasama Kayo. Ako ay malaki na ngayon, at ako ay isang disipulo.»

Si Jesus ay ngumiti sa… ma-awtoridad na pagpapahayag ng edad at dignidad. Totoo na isang maliit na adulto ang naglalakad sa tabi Niya. Walang magsasabi na siya ay mahigit pa sa sampung taong gulang. Ngunit walang makapagpapasinungaling na siya ay isang disipulo, kahit man lamang sa lahat si Jesus, Na kasasabi pa lamang: «Ngunit mainip ka ng pagiging tahimik habang nagdarasal Ako. Dinala kita rito upang sana makapagsaya ka.»

«Hindi ako nakapagsasaya ngayong mga araw na ito… Ngunit isang malaking kaluwagan sa akin ang makatabi Kayo… Naghanap ako nang labis para sa Inyo sa mga araw na ito… sapagkat… sapagkat..» Ang bata ay hinigpitan ang kanyang mga labì at hindi na nagsasalita pa.

Si Jesus ay naglapat ng isang kamay sa kanyang ulo nagsasabi: «Siya na naniniwala sa Aking salita ay hindi kailangan na malungkot katulad ng mga hindi naniniwala. Lagi Akong nagsasabi ng katotohanan. Katulad din ng tinitiyak Ko sa iyo na walang pagkakahiwalayan sa pagitan ng mga kaluluwa ng makatarungang mga tao na mga nasa sinapupunan ni Abraham at ng mga kaluluwa ng makatarungang mga tao sa lupa. Ako ay Resureksiyon at Buhay, Marjiam. At dinala Ko ang huli kahit bago pa man mapangyari Ko ang Aking misyon. Lagi mong nasasabi sa Akin na ang iyong mga magulang ay naghihintay para sa pagdating ng Mesiyas at hiningi nila sa Diyos na mabuhay nang sapat na matagal upang makita Siya. Kung gayon sila ay naniniwala sa Akin. Sila ay namatay sa pananampalatayang iyan. Kung gayon sila ay nailigtas na niyan, at nakabangon nang muli at mga buhay sa pamamagitan niyan. Sapagkat ang Aking pananampalataya ay nagbibigay ng buhay sa pagbibigay ng pagkauhaw para sa hustisya. Isipin kung maaaring ilang beses nilang nilabanan ang mga panunukso upang maging karapat-dapat na matagpuan nila ang Tagapagligtas…»

«Ngunit sila ay namatay na hindi Kayo nakikita. Panginoon… At sila ay namatay sa gayong pamamaraan… Nakita ko sila. Alam N’yo, nang kanilang hinukay ang lahat na namatay na tao ng nayon mula sa lupa… Ang aking ina, ang aking ama… ang aking maliliit na kapatid na lalaki… Anong pakialam ko kung nagsabi sila sa akin upang mapaginhawahan ako: “Ang iyong mga kamag-anak ay hindi katulad ng mga ito. Sila ay hindi naghirap”? O! Sila ay hindi naghirap! Kung gayon, ang bumagsak ba sa kanila ay mga balahibo at hindi mga bato? At iyon ba ay hangin at hindi lupa at tubig na tumabon sa kanila? At sila ba ay hindi naghirap sa pag-iisip tungkol sa akin, nang maramdaman nila na sila ay namamatay na?...» Ang bata ay napangangatal ng kapighatian. Siya ay pakaway-kaway nang bibo nakatayo sa harapan ni Jesus, at halos palaaway…

Ngunit si Jesus ay naiintindihan ang kanyang kapighatian, at ang kanyang pangangailangan na sabihin ito at pinabayaan siyang magsalita. Si Jesus ay hindi isa sa mga magsasabi: «Manahimik. Iniiskandalo mo ako» sa mga nagngangangawa sa kanilang kapighatian.

Ang bata ay nagpapatuloy: «At pagkatapos? Ano ang nangyari pagkatapos? Alam Ninyo ang nangyari! Kung Kayo ay hindi dumating, ako ay naging isang hayop sana o namatay ako sa loob ng kakahuyan katulad ng isang ahas. At hindi sana ako napapunta na masamahan ang aking ina, ama at mga kapatid, sapagkat kinapopootan ko si Doras at… at hindi ko na minamahal ang Diyos katulad ng ginagawa ko dati, nang naroon ang aking ina na nagmamahal sa akin at ginawa akong mahalin ko ang aking kapwa. Halos kapootan ko ang mga ibon, habang pinupuno nila ang kanilang mga butse, may maiinit na balahibo at nagtatayo ng kanilang mga pugad, habang ako ay nagugutom, ang aking mga damit ay punit-punit at wala akong matuluyan… At ako na nagmamahal ng mga ibon, ay palalayasin sila, dahil napuno ako ng galit ikinukumpara ang aking sarili sa kanila, at pagkatapos ako ay iiyak nadarama na ako ay naging masama at minarapat ang Impiyerno…»

«O! Kung gayon nagsisi ka sa pagiging masama?»

«Oo, aking Panginoon. Ngunit papaano ako magiging mabuti? Ang aking matandang ama ay mabuti. Ngunit madalas niyang sabihin: “Malapit nang matapos ang lahat, matanda na ako…” Ngunit ako ay hindi pa matanda! Ilang taon pa ang kailangan kong hintayin bago ako makapagtrabaho at kumain katulad ng isang lalaki at hindi katulad ng isang nawawalang aso? Naging isang magnanakaw sana ako, kung Kayo ay hindi dumating.»

«Hindi ka magiging magnanakaw, sapagkat ang iyong ina ay nagdarasal para sa iyo. Nakikita mo na Ako ay dumating at kinuha ka. Iyan ang katibayan na ang Diyos ay minamahal ka at na ang iyong ina ay binabantayan ka.»

Ang bata ay naging tahimik at mapag-isip. Siya ay tila naghahanap ng kaliwanagan mula sa lupa kung saan siya yumayapak, naglalakad sa tabi ni Jesus sa maikling damo na natuyo ng hanging-hilaga nang nakaraang mga araw. Siya ay tumingala at nagtanong: «Ngunit hindi ba't mas magandang katibayan kung hindi Niya pinabayaang mamatay ang aking ina?»

Si Jesus ay ngumiti sa pantaong pangangatwiran ng isang bata-pang isip. At Siya’y may-kabaitan ngunit mataimtim na nagpaliwanag: «Ngayon, Marjiam. Gagawin Kong maintindihan mo ang sitwasyon sa pamamagitan ng isang pagkukumpara. Sinabi mo sa Akin na ibig mo ang maliliit na ibon, hindi ba? Ngayon makinig. Ang maliliit bang ibon ay nilikha upang lumipad o makulong sa mga hawla?»

«Upang lumipad.»

«Mabuti. At ano ang ginagawa ng mga ina ng maliliit na ibon upang mapalakas sila?»

«Pinakakain nila sila.»

«Oo, subalit ng ano?»

«Ng mga butil, mga langaw, mga uod, o mga mumo ng tinapay, o mga kapiraso ng prutas na nakikita nila sa paglipad-lipad.»

«Mabuti. Ngayon makinig. Kung sa tagsibol makatagpo ka ng isang pugad sa lupa, na naroroon ang mga maliliit na ibon at ang ina kasama nila, ano ang iyong gagawin?»

«Kukunin ko ito.»

«Lahat nito? Katulad sa katayuan nito? Kasama ang ina?»

«Lahat nito. Sapagkat hindi maganda maging maliliit na wala ang isang ina.»

«Ngunit sa Deuteronomio ay nakasulat na ang isa ay kukunin lamang ang maliliit, pinalalaya ang ina, dahil misyon niya ang magpakarami.»

«Ngunit kung siya ay isang mabuting ina, siya ay hindi aalis. Siya ay lilipad sa kanyang maliliit. Iyan ang dapat na ginawa ng aking ina. Ni hindi niya ako dapat ibinigay kahit sa Inyo para sa mabuti, sapagkat ako ay isang bata pa. O siya’y umalis na kasama ako sapagkat ang aking mga kapatid ay mas nakababata kaysa sa akin. Kung kaya't hindi niya sana ako pinaalis.»

«Mabuti. Ngunit makinig: ayon sa iyo, mamamahal mo ba nang mas mabuti ang ina ng maliliit na ibon na iyon at ang maliliit kung pinabayaan mong nakabukas ang hawla upang labas-pasok siya na may pagkain, o kung pati siya ay kinulong mo rin?»

«Eh!... Mamamahal ko siya nang lalo sa pagpapabaya sa kanya na labas-pasok hanggang sa lumaki na ang maliliit…. At ang aking pagmamahal ay magiging kumpleto kung ikukulong ko sila at kapag malalaki na sila, palalayain ko ang ina, sapagkat ang mga ibon ay nilikha na makalipad… Totoo… upang lubusan na maging mabuti… kapag malaki na ang maliliit pati sila ay akin din palalayain, at hayaan silang makalipad… Iyan ang pinakamagandang pagmamahal na magkakaroon ako para sa kanila… At ang pinakamakatarungan… Siyempre! Ang pinakamakatarungan sapagkat wala akong gagawin bagkus ang pahintulutan kung ano ang ibig ng Diyos para sa mga ibon na magawa nila…»

«Napakagaling mo, Marjiam! Ikaw ay nakapagsalita bilang isang marunong na tao. Ikaw ay magiging dakilang tagapagturo ng iyong Panginoon, at ang mga makikinig sa iyo ay maniniwala sa iyo, sapagkat magsasalita ka sa kanila bilang isang marunong na tao!»

«Totoo, Jesus?» Ang kanyang maliit na mukha, na dati nag-aalala at malungkot, pagkatapos buhos sa pag-iisip, mapagtimpi sa pagsisikap na makapaghusga nang pinakamabuti, ay naging kalmante at nagningning sa tuwa ng papuri.

«Oo, totoo. Ngayon tingnan! Ikaw ay nakapaghusga nang ganoon, sapagkat ikaw ay isang magaling na bata. Ngayon isipin kung papaano ang Diyos maghuhusga, sa dahilan na Siya ay Perpeksiyon mismo, ng tungkol sa mga kaluluwa at kung ano ang pinakamaganda para sa kanila. Ang mga kaluluwa ay katulad ng mga ibon, nakakulong sa mga hawla ng mga katawan. Ang lupa ay ang lugar kung saan sila dinala kasama ang kanilang mga hawla, Ngunit nananabik sila para sa kalayaan ng Langit; para sa Araw na siyang ang Diyos; para sa Sustansiya na angkop para sa kanila, na siyang ang pagninilay-nilay tungkol sa Diyos. Walang pantaong pagmamahal, ni ang banal na pagmamahal ng isang ina para sa kanyang mga anak o ng mga anak para sa kanilang ina, ang napakalakas upang masakal ang ganyang pananabik ng mga kaluluwa na samahan muli ang kanilang Pinagmulan, na siyang ang Diyos. Gayon din naman ang Diyos, dahil sa Kanyang perpektong pagmamahal para sa atin, ay walang makitang rason na napakalakas upang matalo ang Kanyang perpektong mithiin na makaisang muli ang kaluluwa na naghahanap sa Kanya. Ano ang nangyayari kung gayon? Kung minsan minamahal Niya ito nang labis upang magsasabi Siya rito: “Halika! Palalayain kita”. At ganyan ang Kanyang sasabihin kahit na kung may mga batang nakapaligid sa isang ina. Nakikita Niya ang lahat. Nalalaman Niya ang lahat. Anuman ang Kanyang ginagawa, nagagawa Niya nang mabuti. Kapag pinalalaya Niya ang isang kaluluwa – ang limitadong katalinuhan ng tao ay hindi ganito ang maaaring isipin, ngunit ito ay totoo – kapag pinalalaya Niya ang isang kaluluwa, lagi Niya itong ginagawa para sa mas malaking kapakinabangan ng kaluluwa mismo at ng mga kamag-anak nito. Katulad ng Akin nang nasabi sa iyo, Kanyang idinadagdag pagkatapos sa ministeryo ng gabay na anghel ang ministeryo ng kaluluwa na Kanyang tinawag na sa Kanyang Sarili, at na nagmamahal sa mga kamag-anak nito nang isang pagmamahal na malaya sa mga pasanin ng tao, sapagkat minamahal nito sila sa Diyos. Kapag pinalalaya Niya ang isang kaluluwa, Kanyang ikinakabit ang Kanyang Sarili na siyang tatayo sa lugar nito sa pangangalaga ng mga naiwan. Hindi ba't iyang ang Kanyang ginawa sa iyo? Hindi ba't ginawa ka Niya, isang maliit na bata ng Israel, na Aking disipulo, Aking pari sa hinaharap?»

«Oo, aking Panginoon, ginawa Niya.»

«Ngayon isipin ito. Ang iyong ina ay palalayain Ko at hindi mangangailangan ng iyong mga dasal. Ngunit kung siya ay namatay pagkaraan ng Panunubos at nangangailangan ng mga dasal, makapananalangin ka para sa kanya bilang isang pari. Isipin lang: ang lahat lamang sanang magagawa mo ay ang gumasta ng ilang pera upang makapagbigay ng isang alay sa isang pari ng Templo upang makagawa siya para sa iyong ina ng isang paghahandog ng mga biktima, katulad ng mga tupa o mga kalapati o ibang mga prutas ng lupa. Iyan kung ikaw ay nanatiling ang maliit na magbubukid na si Jabez malapit sa iyong ina. Sa halip, ikaw, Marjiam, pari ng Kristo, ay makapaghahandog nang tuwiran para sa kanya ng tunay na Sakripisyo ng perpektong Biktima, sa kung Kaninong pangalan ang lahat na kapatawaran ay ipinagkaloob!»

«At hindi ko na ba ito magagawa pa?»

«Hindi para sa iyong ama, ina at maliliit na kapatid. Ngunit magagawa mo iyan para sa mga kaibigan at mga disipulo. Hindi ba't maganda niyan?»

«Oo, Panginoon.»

«Bueno, kung gayon, tayo ay bumalik na sa bahay at maging masayang muli.»

«Oo… Ngunit hindi ko Kayo nagawang magdasal!... Ikinalulungkot ko…»

«Ngunit tayo ay nagdasal! Tiningnan natin ang katotohanan, pinagnilayan natin ang Diyos sa Kanyang kasaganaan… Ang lahat na iyan ay panalangin. At ginawa mo iyan bilang isang totoong adulto. Halika na, ngayon. Tayo ay umawit ng isang salmo ng papuri para sa lugod na nasa loob natin.» At Siya ay nagsimulang umawit: «”Ang aking puso ay pinupukaw ng isang nobleng paksa…”»

Si Marjiam ay inihahalo ang kanyang malaplatang tinig sa tanso at malagintong tinig ni Jesus.

251211

 

 

 


Sunod na kabanata