307. Si Jesus at ang Asawa ng Kanyang Pinsan na si Simon.

Oktubre 20, 1945.

Si Jesus kasama si Simon Zealot at si Marjiam ay dumaraan sa Nazareth patungong kabukiran na nakaunat pagawing Cana. At tinatawid Niya ang Kanyang mapag-alinlangang masungit na bayan, dumaraan sa mas sentrong mga kalsada, at pinabagtas nang pahiris ang liwasan ng palengke, nagsisiksikan sa mga tao sa kaagahan ng umaga. Marami ang lumilingon upang tingnan Siya; napakakaunting mamamayan ang bumabati sa Kanya, ang mga kababaihan, lalo na ang mga maedad, ay ngumingiti sa Kanya, ngunit bukod sa kaunting mga bata, walang pumupunta sa Kanya. Ang mga tao ay magbubulung-bulong pagkatapos na Siya ay makaraan. Si Jesus ay tiyak na nakikita ang lahat, ngunit nagkukunwaring hindi Niya ito nakikita. Siya ay nagsasalita kay Simon o sa bata, na nasa pagitan nila, at nagpapatuloy sa Kanyang paglalakad.

Sila ngayon ay nasa huling mga kabahayan na. Ang isang babae, mga apatnapung taong gulang, ay nasa may pintuan ng isa sa mga ito. Siya ay tila may hinihintay na kung sino. Nang makita niya si Jesus, siya ay parang ibig humakbang, pagkatapos tumigil at itinungo ang ulo namumula.

«Siya ay isang kamag-anak Ko. Siya ay ang asawa ni Simon ni Alfeo» sabi ni Jesus sa apostol.

Ang babae ay tila nakabitin sa alanganin, napangingibabawan ng magkakasalungat na mga damdamin. Nagbago ang kanyang kulay, itinataas at ibinababa ang kanyang ulo, at ang kanyang mukha ay nagpapakita ng isang taimtim na mithiin na makapagsalita, na pinipigilan ng ilang mga dahilan.

«Kapayapaan sa iyo, Salome» pagbati ni Jesus nang sila ay makarating malapit sa kanya.

Ang babae ay tinitingnan Siya na tila siya ay nasorpresa sa kabaitan ng Kanyang Kamag-anak at siya ay tumugon, namumula pa nang lalo: «Kapayapaan sa…» ang pagbara ng kanyang lalamunan ay napigilan siyang tapusin ang pangungusap. Itinago niya ang kanyang mukha sa loob ng kanyang nakatiklop na braso at umiyak nang husto, nakasandal sa hamba ng pintuan.

«Bakit ka umiiyak nang ganyan, Salome? Mayroon ba Akong magagawa upang mapagaanan ka? Halika rito, sa kabilang sulok, at sabihin mo sa Akin kung ano ang nangyayari…» at pinasunod Niya siya sa paghawak sa kanyang siko patungo sa isang maliit na daanan sa pagitan ng kanyang bahay at ng pangkusinang-hardin ng kanyang kapitbahay. Si Simon ay nanatili sa pamasukan ng maliit na daanan kasama si Marjiam na ganap na nagtataka. «Ano ang nangyayari, Salome? Nalalaman mo na lagi kitang minamahal. Lagi Ko kayong lahat na minahal. At minamahal Ko pa rin kayo. Kailangan na paniwalaan mo iyan at magtiwala sa Akin…»

Siya paminsan-minsan ay titigil at magpapatuloy sa pag-iyak, na tila ibig niyang pakinggan ang mga salitang iyon at intindihan ang ibig sabihin ng mga ito, pagkatapos siya ay umiyak nang mas malakas, nagbibigkas ng di-magkakarugtong na mga salita: «Oo, Kayo… Kami… Ngunit hindi ako… Ni kahit si Simon… Ngunit mas lalo siyang tanga kaysa sa akin… Sinabi ko…: “Tawagin si Jesus”… Ngunit ang buong nayon ay laban sa amin… laban sa Inyo… sa akin… at ang aking anak…» Nang kanyang nabanggit ang matrahedyang punto, ang kanyang pag-iyak ay naging matrahedya din. Siya ay namimilipit at umuungol hinahampas ang kanyang mukha na tila siya ay nababaliw ng kapighatian.

Si Jesus ay hinawakan ang kanyang kamay nagsasabing: «Huwag mong gawin iyan. Naririto Ako upang paginhawahan ka. Magsalita, at gagawin Ko ang lahat…»

Ang babae ay tiningnan siya nang mga matang lubos na nakabuka sa pagtataka at kapighatian. Ngunit ang pag-asa ay nabigyan siya ng lakas na magsalita at magsalita sa maayos na pamamaraan: «Magkakaroon ba Kayo ng awa sa akin, kahit na kung si Simon ay may pagkukulang? Maaawa Kayo?... O! Jesus… Nililigtas Ninyo ang lahat! Ang aking anak! Si Alfeo, ang bunso, ay may sakit… siya ay namamatay na!... Minahal Ninyo si Alfeo. Madalas Kayong mag-ukit ng mga laruan na kahoy para sa kanya… Kinakarga Ninyo siya upang makapitas siya ng mga ubas at mga igos sa Inyong mga punungkahoy… at nang bago Kayo umalis… upang mag-ikot, madalas Ninyo siyang tinuturuan ng mabubuting bagay… Ngayon hindi na Ninyo magagawa… Siya ay mabuti pa katulad ng patay… Hindi na siya muling makakakain ng mga ubas at mga igos. Hindi na siya muling matututo ng kahit na ano…» at kanyang iniiiyak ang laman ng kanyang puso.

«Salome, maging mabuti. Sabihin sa Akin, ano ang nangyayari sa kanya?»

«Malala ang kanyang sakit sa tiyan. Siya ay sigaw nang sigaw lubos na naghihirap at nagdidiliryo nang maraming araw. Ngayon siya ay hindi na nagsasalita pa. Katulad niya ang isa na ang ulo ay nahampas. Siya ay umuungol ngunit hindi sumasagot. Halos hindi siya maka-ungol. Siya ay maputla katulad ng patay at ang kanyang katawan ay nagiging malamig. Sa loob ng maraming araw pinakikiusapan ko si Simon na pumunta sa Inyo. Ngunit… O! Lagi ko siyang minahal, ngunit ngayon kinapopootan ko siya sapagkat siya ay tanga at para sa katangahang idea pinababayaan niya ang kanyang anak na mamatay. Ngunit, kung siya ay mamatay, lalayas ako. Babalik ako sa aking bahay. Kasama ang iba ko pang mga anak. Wala siyang kakayahan na maging isang ama sa tamang sandali. At aking pinagtatanggol ang aking mga anak. Ako ay lalayas. Oo, gagawin ko. Masasabi ng mga tao ang gusto nila. Ngunit ako ay lalayas.»

«Huwag mong sabihin iyan. Kalimutan mo ang idea ng paghihiganti.»

«Ng katarungan. Nagrerebelde ako laban sa kanilang lahat. Kita Ninyo? Kinailangan kong maghintay para sa Inyo, sapagkat wala sa kanila ang magsabi sa Inyo: “Halika”. Ngunit sinasabi ko. At kinailangan kong gawin iyan na tila ito ay isang maling bagay. At hindi ko masasabi sa Inyo: “Pasok Kayo”, sapagkat ang mga kamag-anak ni Jose ay nasa loob ng bahay at…»

«Hindi na iyan kinakailangan. Maipapangako mo ba sa Akin na mapapatawad mo si Simon? Na lagi kang magiging isang mabuting asawa sa kanya? Kung ipapangako mo sa Akin, sasabihin Ko sa iyo: “Umuwi ka na, ang iyong anak ay magaling na at ngingiti sa iyo”. Mapaniniwalaan mo ba iyan?»

«Naniniwala ako sa Inyo. Laban sa buong mundo, naniniwala ako sa Inyo.»

«At makapagpapatawad ka ba katulad na nakapaniniwala ka?»

«…Ngunit … talaga bang pagagalingin Ninyo siya?»

«Hindi Ko lamang pagagalingin. Ngunit pinapangako Ko sa iyo na titigil ang pagdududa ni Simon tungkol sa Akin, at ang maliit na si Alfeo, ang iyong iba pang mga anak, ikaw at ang iyong asawa ay babalik sa Aking bahay. Si Maria ay madalas na magsalita tungkol sa inyo…»

«O! Maria! Maria! Siya ay naroroon nang ipinanganak si Alfeo… Oo, Jesus. Magpapatawad ako. Wala akong sasabihing anuman sa kanya… Hindi. Sasabihin ko sa kanya: “Ganito kung papaano si Jesus tumugon sa iyong mga asal: ibinabalik ulit ang iyong anak”. Masasabi ko iyan!»

«Oo, masasabi mo iyan… Lakad na, Salome. Lakad. Huwag nang umiyak. Paalam. Kapayapaan sa iyo, mabuting Salome. Lakad na.» Dinala Niya siya sa pintuan, tinitingnan Niya siyang pumapasok, Siya ay ngumingiti nakikita siya na sa kanyang pananabik siya ay tumakbo sa loob ng bestibulo na ni hindi na isinasara ang pinto, at Kanya itong itinutulak nang dahan-dahan, at isinara.

Pagkatapos hinarap Niya ang Kanyang dalawang kasamahan at nagsabi: «At ngayon lumakad na tayo sa kung saan tayo patutungo…»

«Sa palagay ba Ninyo si Simon ay magbabago?» tanong ng Zealot.

«Siya ay hindi erehe. Pinababayaan lamang niya ang mas malalakas na tao na pangibabawan siya.»

«Bueno, kung gayon! Mas malakas pa kaysa sa isang himala!»

«Nakikita mo na nakatugon ka sa pamamagitan ng iyong sarili… Natutuwa Ako na nailigtas Ko ang bata. Nakita Ko siya nang siya ay mga ilang oras pa lamang ipanganak, at siya ay naging giliw-na-giliw sa Akin…»

«Katulad ko? At siya ba ay magiging isang disipulo?» si Marjiam ay nagtatanong nang seryoso at siya ay medyo nagmumukhang di-makapaniwala na may makapagmamahal pa kay Jesus katulad ng kanyang pagmahal.

«Minamahal mo Ako katulad ng pagmamahal ng isang bata at ng isang disipulo. Si Alfeo ay minamahal Ako katulad lamang ng pagmamahal ng isang bata. Ngunit pagdating ng araw mamahalin din niya Ako nang bilang isang disipulo. Ngunit sa ngayon siya ay isa pa lamang maliit na bata. Malapit na siyang maging walong taong gulang. Makikilala mo siya.»

«Kung gayon ako lamang ang bata at disipulo?»

«Ikaw lang, sa kasalukuyan. Ikaw ang ulo ng mga batang disipulo. Kapag lumaki ka na tandaan na ikaw ay naging kasing buti na disipulo katulad ng mga malalaki na, kung kaya't ibukas mo ang iyong mga kamay sa lahat na bata na lalapit sa iyo hinahanap Ako at magsasabi: “Ibig kong maging isang disipulo ng Kristo”. Gagawin mo ba iyan?»

«Gagawin ko» si Marjiam ay nangangako nang seryoso…

Sila ngayon ay nasa bukas na maaraw na kabukiran na at sila ay lumalayo mula sa akin sa loob ng maningning na sikat ng araw…

281211

 

 


Sunod na kabanata