308. Si Simon Bumalik kay Jesus.

Oktubre 21, 1945.

Sila ay pinatuloy sa isang abang bahay kung saan may isang maliit na lola pinaliligiran ng isang maliit na grupo ng mga bata, mula sampu hanggang dalawang taong gulang. Ang bahay ay nasa gitna ng mga bukid, kung baga napabayaan, ang karamihan dito ay mga parang na may kakaunting nabubuhay na mga namumungang punungkahoy.

«Kapayapaan sa iyo, Johanna. Ang mga araw ba ay mas mabuti ngayon? Sila ba ay dumating upang tulungan ka?»

«Oo, Guro at Jesus. At sinabi nila sa akin na sila ay babalik upang maghasik. Ito ay magiging huli na, ngunit sinabi nila sa akin na ito ay tutubo.»

«Siyempre, tutubo iyan. Anuman ang magiging himala ng lupa at ng butil, ay magiging himala ng Diyos. Kung gayon isang perpektong himala. Ang iyong mga bukid ay magiging ang pinakamaganda sa lugar na ito, at ang maliliit na ibong ito na nakapaligid sa iyo ay magkakaroon ng maraming trigo para sa kanilang bunganga. Huwag ka nang umiyak pa. Sa susunod na taon ang sitwasyon ay magbabago nang labis. Ngunit tutulungan kita. O mas mabuti pa: ang isang binibini na ang pangalan ay katulad ng sa iyo, at na hindi kailanman nabubusog sa paggawa ng mabuti, ay tutulungan ka. Tingnan: ito ay para sa iyo. Magagawa ninyong makaraos hanggang anihan.»

Ang matandang babae ay kinuha ang lukbutan at ang kamay ni Jesus kasabay at umiiyak hinalikan ang huli. Pagkatapos siya ay nagtanong: «Sabihin Ninyo sa akin kung sino ang mabuting binibining ito, upang mabanggit ko sana ang kanyang pangalan sa Panginoon.»

«Isang disipulo Ko at isang kapatid mo. Ang kanyang pangalan ay alam Ko at alam ng Ama sa Langit.»

«O! Kayo ito!...»

«Ako ay mahirap, Johanna. Binibigay Ko kung ano ang binibigay sa Akin ng mga tao. Ng sa Aking sarili mga himala ang bagkus mayroon Ako. At ikinalulungkot Ko na hindi Ko nalaman ang iyong kamalasan noon. Ako ay naparito kaagad nang sinabi sa Akin ni Susanna. Huli na ngayon. Ngunit ang gawa ng Diyos ay magniningning nang mas maningning sa ganyan.»

«Huli na! Oo, huli na! Ang kamatayan ay napakabilis sa pagpunta rito! At kinuha nito ang maliliit. Hindi ako, na ngayon wala nang silbi. Hindi ang mga ito: mga mura pa. Bagkus ang mga may-kaya nang magtrabaho. Isumpa nga ang buwan ng Elul, puno ng masasamang impluwensiya!»

«Huwag mong sumpain ang planeta. Wala iyang kagagawan diyan… Ang maliliit bang ito ay mababait? Halikayo rito. Tingnan ninyo? Ang bata ring ito ay walang ama o ina. At ni hindi niya makasama ang kanyang lolo. Ngunit ang Diyos ay hindi siya pinababayaan. At hindi siya pababayaan hanggang nananatili siyang mabait. Tama ba iyon, Marjiam?»

Si Marjiam ay tumango sa pagsang-ayon at nagsalita sa maliliit na bata na pumaligid sa kanya, sila ay mas bata kaysa sa kanya, ngunit ang ilan sa kanila ay mas matataas nang kaunti. Sinabi niya: «O! Totoo na ang Diyos ay walang pinababayaan. Masasabi ko iyan. Ang aking lolo ay nagdasal para sa akin. At ang inyong ama’t ina ay tiyak na nagdasal para sa inyo sa kabilang buhay. At ang Diyos ay napakinggan ang mga panalanging iyon, sapagkat Siya ay ang Napakabuti, at lagi Niyang pinakikinggan ang mga panalangin ng makatarungang mga tao, maging sila man ay mga buhay o patay. Ang inyong patay na mga magulang at ang inyong lola rito ay tiyak na nagdasal para sa inyo. Mahal ba ninyo siya?»

«Oo, oo…» ang pagsiyap ng ulilang kulupon ay tumaas nang masigla.

Si Jesus ay nanahimik upang mapakinggan ang paguusap ng Kanyang maliit na disipulo at ang mga ulila.

«Tama iyan. Kailangan na huwag nating paiyakin ang matatandang tao. Sa katunayan hindi natin kailangang paiyakin ang kahit sino, sapagkat ang mga nagpapamighati sa kanilang kapwa, ay nagpapamighati sa Diyos. Ngunit sa matatanda! Ang Guro ay mabait sa lahat. Ngunit mas mabait pa Siya at mapagmahal sa matatanda at mga bata. Sapagkat ang mga bata ay inosente at ang matatanda ay naghihirap. Sila ay umiyak na nang labis! Kailangang mahalin natin sila nang doble, triple, sampung beses para sa mga hindi na sa kanila nagmamahal. Laging sinasabi ni Jesus na siya na hindi nagpaparangal sa matanda ay dobleng masama, katulad ng nagmamaltrato sa isang bata. Sapagkat ang matatanda at mga bata ay hindi makalalaban. Kung kaya't maging mabait sa inyong matandang ina.»

«Kung minsan hindi ko siya tinutulungan…» sabi ng isa ng mas malalaki na.

«Bakit? Kinakain mo nga ang pagkain na kanyang pinaghirapan na makuha para sa inyo sa pamamagitan ng kanyang pagtatrabaho? Hindi ba iyan naglalasang mga luha kapag pinamimighati ninyo siya? At ikaw, babae, (ang babae ay sampung taong gulang pinakamataas na at payat-na-payat) tinutulungan mo ba siya?»

Ang maliliit na batang lalaki ay sabay-sabay tumugon: «O! si Rachel ay mabait! Siya ay nagpupuyat upang iikid ang kaunting lana na mayroon kami at siya ay nilagnat sa pagtatrabaho sa bukid upang maihanda itong tamnan nang ang aming itay ay namamatay.»

«Ang Diyos ay gagantimpalaan ka para diyan» sabing seryoso ni Marjiam.

«Ako ay Kanyang ginantimpalaan na sa pagpagaan sa mga alalahanin ng aking lola.»

Si Jesus ay nakialam: «May gusto ka pa bang iba?»

«Wala, Panginoon.»

«Ngunit ikaw ba ay magaling na?»

«Hindi, Panginoon. Ngunit walang anuman ito. Kahit na kung ako’y mamatay na ngayon, ang aking lola ay natutulungan. Dati ako ay nag-aalalang mamatay sapagkat tinutulungan ko siya.»

«Ngunit ang kamatayan ay nakakatakot, anak…»

«Katulad na ako ay tinutulungan ng Diyos habang nabubuhay, tutulungan Niya ako sa kamatayan at pupunta ako sa aking ina… O! huwag umiyak, lola! Minamahal ko rin kayo, mahal na lola. Hindi ko na ulit iyan sasabihin kung napaiiyak kayo nito. Hindi, kung ibig ninyo, hihingin ko sa Panginoon na pagalingin Niya ako… Huwag umiyak, aking maliit na ina…» at kanyang niyayakap ang nangungulilang matandang babae.

«Pagalingin Ninyo siya, Panginoon. Ginawa Ninyong masaya ang aking lolo dahil sa akin. Gawin Ninyong masaya ang matandang babaeng ito ngayon.»

«Ang mga grasya ay nakukuha sa pamamagitan ng mga sakripisyo. Anong sakripisyo ang gagawin mo upang makuha ito?» tanong ni Jesus nang seryoso.

Si Marjiam ay nag-iisip… Hinahanap niya ang pinakamasakit na bitawan… pagkatapos siya ay ngumiti: «Hindi na ako kakain ng pulot sa loob ng isang buwan.»

«Iyan ay hindi masyado! Ang buwan ng Chislev ay matatapos na…»

«Nang sinabi kong isang buwan ang ibig kong sabihin ay ang apat na pase ng buwan. At isipin na lang… sa loob ng mga araw na ito ay naririyan ang Kapistahan ng mga Ilaw at ang mga pulot na keyk…»

«Totoo iyan. Bueno, si Rachel ay makapanunumbalik, salamat sa iyo. Ngayon tayo na. Paalam, Johanna. Ako ay babalik bago Ako umalis. Paalam, Rachel, paalam, Toby. Maging mabait. Paalam, kayong maliliit. Harinawang ang Aking pagpapalà ay mapasainyong lahat.»

Sila ay lumabas sinusundan ng pagpapalà ng matandang babae at ng mga bata.

Si Marjiam, pagkatapos ng pagiging «apostol at biktima» ay nagsimulang lumukso katulad ng isang maliit na batang kambing at nauunang tumakbo.

Si Simon ay nagwika nang may ngiti: «Ang kanyang unang sermon at kanyang unang sakripisyo. Siya ay isang may-patutunguhang bata, sa palagay ba Ninyo, Guro?»

«Oo, sa palagay Ko. Ngunit siya ay nakapag-sermon na noon. Kay Judas ni Simon din…»

«…at ang Panginoon ay tila ginagawa ang mga bata na magsalita sa kanya… Baka upang maiwasan ang kanyang paghihiganti…»

«Hindi paghihiganti… sa palagay Ko hindi siya aabot sa ganyan. Ngunit malalakas na reaksiyon, oo… Siya na karapat-dapat na pagalitan, ay hindi nagmamahal sa katotohanan… Ngunit ito ay kailangang sabihin…» sabi ni Jesus na may buntung-hininga.

Si Simon ay pinagmamasdan Siya, pagkatapos siya ay nagtanong: «Guro, sabihin Ninyo sa akin ang katotohanan. Siya ay Inyong pinaalis, at nagpasya Kayong papuntahin ang lahat sa bahay para sa Dedikasyon, upang maiwasan si Judas na mapunta sa Galilee ngayon lang. Hindi ko Kayo tatanungin at ayaw kung sabihin Ninyo sa akin kung bakit na mas mabuti pa na ang lalaki mula sa Kerioth ay hindi natin kasama. Ibig ko lamang malaman kung nahulaan ko ito nang tama. Ito lahat ang aming palagay, alam N’yo? Kahit na si Tomas. Sinabi niya sa akin: “Aalis ako na hindi na nagtatanong sapagkat nabatid ko na may seryosong dahilan sa likod nito”. At kanyang dinagdag: “Tama ang Guro sa paggawa ng Kanyang ginagawa. Napakaraming mga Nahum, Sadoc, Johanan at mga Eleazar sa mga kaibigan ni Judas…” Si Tomas ay hindi tanga!... At siya ay hindi masama, bagama't labis siyang isang tao. Siya ay sinsirung-sinsiro sa kanyang pagmamahal para sa Inyo…»

«Alam Ko. At kung ano ang suspetsa ninyong lahat ay totoo. Malalaman ninyo ang dahilan saka na…»

«Hindi namin hinihingi sa Inyo na sabihin Ninyo sa amin.»

«Ngunit kakailanganin Ko kayong tulungan Ako at kailangan Kong sabihin sa inyo.»

Si Marjiam ay tumakbong pabalik at nagsabi: «Guro sa banda roon, sa pagsanga ng landas sa pangunahing daan, naroroon ang Iyong pinsan na si Simon; siya ay pawis-na-pawis katulad ng isang tumakbo-nang-tumakbo. Tinanong niya ako: “Nasaan si Jesus?”. Tumugon ako: “Siya ay naririto, sa likuran ko, kasama si Simon Zealot”. Sinabi niya sa akin: “Siya ba ay daraan dito?”. “Siyempre” tugon ko. “Siya ay daraan dito upang bumalik sa bahay, maliban kung ginagawa Niya ang ginagawa ng mga ibon: sila ay lumilipad mula sa lahat na direksiyon upang bumalik sa kanilang mga pugad. Kailangan mo ba Siya?” tinanong ko siya. Siya ay nanatiling hindi nakatitiyak. Ngunit natitiyak ko na kailangan niya Kayo.»

«Guro, nakita na niya ang kanyang asawa… Gawin natin ito. Si Marjiam at ako ay iiwanan Kayo nang libre. Kami ay iikot sa likuran ng Nazareth. Gayunpaman… tayo ay hindi nagmamadali. At Kayo ay lalakad sa pangunahing daan.»

«Oo, salamat sa iyo, Simon. Magkikita tayo saka na.»

Sila ay naghiwalay at si Jesus ay binilisan ang Kanyang hakbang patungo sa pangunahing daan. Naroroon si Simon, nakasandal sa isang punungkahoy, humahangos at pinatutuyo ang kanyang pawis. Nang kaagad nakita niya si Jesus, itinaas niya ang kanyang mga kamay… pagkatapos ito ay kanyang ibinaba at itinungo ang ulo na parang basang-sisiw.

Nang si Jesus ay makarating malapit sa kanya, ipinatong Niya ang Kanyang kamay sa kanyang balikat nagtatanong: «Ano ang kailangan mo, Simon? Upang gawin Akong masaya sa pamamagitan ng isang salita ng pagmamahal, na Aking hinihintay nang maraming araw na?»

Si Simon ay ibinaba nang lalo pa ang kanyang ulo at nananahimik…

«Magsalita, kung gayon. Ako kaya ay isang estranghero sa iyo? Hindi, ikaw nga ay totoong laging Aking mabuting kapatid na si Simon, at Ako ang iyong maliit na Jesus, Na madalas mong kargahin, nang may kahirapan, subalit nang may labis na pagmamahal, nang kami ay bumalik sa Nazareth.»

Ang lalaki ay tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha at bumagsak sa kanyang mga tuhod: «O! Aking Jesus! Ako ang may kasalanan, ngunit ako ay sapat nang napahirapan…»

«Halika na, tumayo ka! Tayo ay magkamag-anak. Ano itong iyong kailangan?»

«Ang aking anak! Siya ay…» ang nagbabara sa kanyang lalamunan ay napipigilan siyang makapagsalita.

«Ang iyong anak? Ano ang tungkol sa kanya?»

«Siya ay namamatay na. At ang pagmamahal ni Salome ay namamatay kasama niya… at ako ay naiiwan na may dobleng pangungunsiyensya: nawawalan ako ng anak at asawa nang sabay… Kagabi akala ko siya ay totoong patay na at si Salome ay nagmumukhang isang ayena. Sumigaw siya sa akin: “Mamamatay ng iyong anak!”. Ako ay nagdasal na sana iyon ay huwag mangyari, at isinumpa ko sa aking sarili na ako ay pupunta sa iyo, kung ang bata ay makapanumbalik nang kaunti, kahit sa panganib na ako ay palayasin – katulad ng nararapat sa akin – upang sabihin sa iyo na Ikaw lamang ang nag-iisa na makapagpipigil sa aking kalamidad. Nang pagsikat ng araw ang bata ay nakapanumbalik nang kaunti… at ako ay tumakbo mula sa aking bahay patungo sa iyong bahay, paikot sa likuran ng bayan, upang maiwasan ang kahit anong posibleng sagabal… Ako ay kumatok sa pinto. Si Maria ang nagbukas at Siya ay namangha. Maaari Niya sana akong maltratuhin. Ngunit sinabi lamang Niya: “Ano ang nangyayari sa iyo, kaawa-awang Simon?” At ako ay Kanyang hinaplos na para akong isang bata… At nagawa ako niyan na umiyak. At ang aking pagmamalaki at pagdadalawang-isip ay tumigil nang ganyan. Ang sinabi sa amin ni Judas ay maaaring hindi totoo, ang ibig kong sabihin si Judas ang Iyong apostol, hindi ang aking kapatid. Hindi ko iyan sinabi kay Maria, ngunit sinabi ko ito sa aking sarili, dinadagukan ang aking dibdib, at inaakusahan ang aking sarili mula noon. Tinanong ko si Maria: “Si Jesus ba ay nasa loob? Ito’y para kay Alfeo. Siya ay namamatay…” Si Maria ay tumugon: “Takbo! Siya ay umalis patungong Cana kasama ang bata at isang apostol. Siya ay nasa daan ng Cana. Ngunit kailangang bilisan mo. Siya ay umalis pagsikat ng araw. Maaaring Siya ay pabalik na. Magdarasal Ako na sana makita mo Siya”. Wala ni isang paninising salita, wala kahit isa, bagama't karapat-dapat ako ng marami!»

«Ni hindi Kita pagagalitan. Bagkus binubukas Ko ang Aking mga kamay sa iyo…»

«Aha! Upang sabihin sa akin na si Alfeo ay patay na!...»

«Hindi. Upang sabihin sa iyo na minamahal Kita.»

«Halika, kung gayon! Bilis!»

«Hindi. Hindi na iyan kinakailangan.»

«Ikaw ay pupunta? Ah! Hindi Mo ba ako pinatatawad? O si Alfeo ay patay na? Ngunit kahit na kung siya ay patay na, Jesus, dahil nagbabangon Ka ng patay, ibigay Mo ulit sa akin ang aking anak! O! Mabuting Jesus!... Banal na Jesus! Na aking iniwanan!... Jesus… Jesus…» Ang nag-iisang kalsada ay puno ng mga luha ng lalaki, na, nakaluhod, hinihipo nang nanginginig ng kanyang mga daliri ang manta ni Jesus, o hinahalikan ang Kanyang mga paa, pinahihirapan ng kapighatian, konsiyensya at makaamang pagmamahal…

«Hindi ka ba umuwi bago pumunta rito?»

«Hindi. Ako ay tumakbo katulad ng isang baliw… Bakit? Mas marami pa bang problema? Si Salome ba ay umalis na? Siya ba ay nabaliw? Siya ay tila baliw kagabi…»

«Sa Salome ay nagsalita sa Akin. Siya ay umiyak, siya ay naniwala. Umuwi ka na, Simon. Ang iyong anak ay magaling na.»

«Ikaw!... Ikaw!... Ginawa Mo iyon, para sa akin na nanakit sa iyo sa paniniwala sa ahas na iyon? O! Panginoon! Hindi ako karapat-dapat ng labis! Patawarin Ninyo ako! Sabihin sa akin kung ano ang ibig Ninyong gawin ko upang makapagbayad, upang maipaalam sa Inyo na minamahal ko Kayo, upang makumbinsi Kayo na ako ay naghirap sa pagiging ilag, upang masabi sa Inyo na ibig ko Kayong makausap, mula nang napunta Kayo rito, kahit bago pa man nagkasakit si Alfeo!... Ngunit… ngunit…»

«Hindi na bale. Ang lahat ay tapos na. Nakalimutan Ko na ang tungkol diyan. Ganyan din ang gawin mo. At kalimutan mo na rin ang mga salita ni Judas ng Kerioth. Siya ay isang bata. Ang tanging ibig Ko mula sa iyo ay ito: na hindi mo kailanman uulitin ang mga salitang iyon sa Aking mga disipulo, sa Aking mga apostol, at higit sa lahat, sa Aking Ina. Iyan lamang. Ngayon umuwi ka na, Simon. Lumakad at maging nasa kapayapaan. Huwag mag-antala sa pakikibahagi sa lugod na pumuno sa iyong bahay. Lakad.» Hinahalikan Niya siya at malumanay na tinutulak siya patungong Nazareth.

«Hindi Ka ba sasama sa akin?»

«Maghihintay Ako para sa iyo kasama mo si Salome at si Alfeo sa Aking bahay. Lakad. At tandaan na ang kasalukuyang lugod ay napasaiyo, salamat sa iyong asawa, na naniwala sa katotohanan.»

«Ang ibig ba Ninyong sabihin na ako…»

«Hindi. Ang ibig Kong sabihin na naintindihan Ko na ikaw ay nagsisi. At ikaw ay nagsisi dahil sa kanyang sigaw inaakusahan ka… Ang Diyos ay totoong sumisigaw sa pamamagitan ng mga bunganga ng mabubuting tao, naninisi at nagpapayo!... At nakita Ko ang matatag na abang pananampalataya ni Salome. Lakad. Sinasabi Ko sa iyo. Huwag nang maghintay pa upang pasalamatan siya.»

At si Jesus ay halos itinutulak siya nang magaspang upang kumbinsihin siyang lumakad. At nang si Simon ay sa wakas umalis, pinagpapalà Niya siya… at pagkatapos iniling ang Kanyang ulo sa walang-tunog na pagsasalita sa sarili at ang mga luha ay dahan-dahang bumaba sa Kanyang maputlang mga pisngi… Isang salita lamang ang nagpahiwatig sa Kanyang iniisip: «Judas!»…

Siya ay naglakad muli sa daan na kinuha rin ng Zealot, sa likuran ng hangganan ng nayon, patungo sa Kanyang bahay.

250112

 

 

 


Sunod na kabanata