31. Ang Pagdalaw ni Zachariah.

Hunyo 8, 1944.

Nakikita ko ang malaking silid kung saan nakita ko na ang pakikipagtagpo ng mga Mago kay Jesus at ang kanilang adorasyon. Naiintindihan ko na ako ay nasa loob ng mapag-arugang bahay kung saan ang Banal na Pamilya ay tinanggap. At nakikita ko ang pagdating ni Zachariah. Si Elizabeth ay wala roon.

Ang maybahay ay tumatakbo palabas patungo sa lobi upang tagpuin ang parating na panauhin at ipakita sa kanya ang isang pintuan. Siya ay kumatok, at pagkatapos umalis nang kusa.

Si Jose ay binuksan ang pinto, at siya ay napasigaw sa tuwa noong makita niya si Zachariah. Dinala niya siya sa maliit na silid, kasing liit ng isang koridor. «Si Maria ay pinasususo ang Sanggol. Hindi Siya magtatagal. Maupo ka, tiyak na pagod ka.» At binigyan niya ng lugar ang panauhin sa kanyang supa, at naupo siyang katabi si Zachariah. 

Naririnig ko si Jose na kinukumusta ang maliit na Juan at si Zachariah ay tumugon: «Siya ay lumalaking kasing lakas ng isang lalaking kabayo. Ngunit siya ay nag-ngingipin ngayon at naghihirap siya nang kaunti. Iyan ang dahilan kung bakit hindi namin siya pinasama. Napakalamig, at iyan din ang dahilan kung bakit ni si Elizabeth ay hindi sumama. Hindi niya siya maiiwan na walang gatas. Si Elizabeth ay balisang-balisa, ngunit ang panahon ay napaka-masungit.

«Napaka-masungit nga» tugon ni Jose.

«Ang lalaking pinadala mo ay sinabi sa akin na kayo ay walang matuluyan noong pinanganak Siya. Maaaring naghirap kayo nang husto.»

«Oo, grabe. Ngunit ang aming takot ay mas malaki kaysa sa aming paghihirap. Natatakot kami na baka ang kalusugan ng Bata ay maapektuhan. At kinailangan namin na roon tumira sa mga unang araw. Hindi kami nagkulang sa kahit na ano, para sa aming sarili, sapagkat ang mga pastol ay ibinigay ang mabuting balita sa mga tao ng Bethlehem, at marami sa kanila ang nagdala ng mga regalo. Ngunit wala kaming bahay, kahit na isang maayos na silid, isang kama… at si Jesus ay umiyak nang labis, lalo na sa gabi, sapagkat ang hangin ay umiihip mula sa lahat ng direksiyon. Madalas akong magsindi ng maliit na apoy. Tanging maliit lamang, sapagkat ang usok ay nagagawa si Siyang maubo… at noon ay malamig pa rin kahit na papaano. Ang dalawang hayop ay hindi makapagbigay ng labis na init, lalo na kung ang malamig na hangin ay pumapasok mula sa lahat ng direksiyon! Wala kaming mainit na tubig upang maipanghugas sa Kanya, o kaya tuyong damit upang maipampalit sa Kanya. Oo, naghirap kami nang husto! At si Maria ay naghirap nakikita ang Bata na naghihirap. Ako’y naghirap… kung kaya’t makikini-kinita mo ang dalamhati ng Kanyang Ina! Pinaiinom Niya Siya ng gatas at luha, gatas at pagmamahal… Ngayon dito ay labis na mas maganda. Nakagawa na ako para sa Kanya ng napaka-komportableng kuna at nilagyan iyon ni Maria ng isang malambot na maliit na kutson. Ngunit iyon ay nasa Nazareth! Ah! Kung Siya ay pinanganak doon, naging iba sana ito!»

«Ngunit ang Kristo ay nakatalagang ipanganak sa Bethlehem. Iyan ang propesiya.»

²Si Maria ay pumasok, narinig Niya ang kanilang mga tinig. Siya ay nakadamit ng lahat puting lana. Inalis na Niya ang madilim na damit na suot Niya noong naglalakbay at noong nasa gruta, at Siya ay pulos puti, katulad ng nakita ko na Siyang nagdamit noon. Wala Siyang suot na kahit ano sa Kanyang ulo, at karga Niya si Jesus: Siya ay natutulog, busog sa gatas, sa Kanyang purong puting mga lampin.

Si Zachariah ay tumayong may pagpipitagan at yumuko sa pamimintuho. Pagkaraan siya ay lumapit nang mas malapit pa, at tinitingnan si Jesus nang may pinakamalaking paggalang. Siya ay yumuko, hindi labis upang makita Siya nang mas mabuti, bagkus upang bigyan Siya ng parangal. Si Maria ay inialok ang Sanggol sa kanya, at si Zachariah ay kinuha Siya sa ganoong adorasyon na tila hawak niya nang nakataas ang isang kustodya. Ito sa katunayan ay ang Ostiya na kinuha niya sa kanyang mga kamay, ang Ostiyang naialay na at isasakripisyo pagkatapos na maibigay sa mga tao bilang pagkain ng pagmamahal at katubusan. Si Zachariah ay ibinalik si Jesus kay Maria.

³Lahat sila ay naupo, at si Zachariah ay muling ipinaliliwanag kay Maria ang dahilan kung bakit si Elizabeth ay hindi nakarating at kung gaano siya kabalisa gawa nito. «Sa loob ng mga nakaraang buwan siya ay nakapaghanda ng ilang linen para sa Iyong pinagpalang Anak. Dinala ko ito para sa Iyo. Ito ay nasa ibaba sa bagón.»

Siya ay tumayo at lumabas, pagkatapos bumalik dala ang  isang malaking balutan at isang mas maliit. Si Jose ay tinulungan siya sa pagdala sa mas mabigat na balutan at si Zachariah ay nagsimulang ilabas ang kanyang mga regalo galing sa dalawang balutan: isang malambot na gawa-ng-kamay na delanang blanket, ilang mga linen na lampin at maliliit na damit. Pagkatapos galing sa isa pang balutan, ilang pulot-pukyutan, ilang kasing-puti-ng-niyebe na harina, mantikilya, mga mansanas para kay Maria at mga keyk ginawa ni Elizabeth at marami pang maliliit na bagay na isang tanda ng maka-inang pagmamahal ng mapagpasalamat na pinsan para sa batang Ina.

«Pakiusap na pakisabi kay Elizabeth na Ako ay malugod na nagpapasalamat sa kanya, katulad din na ako ay nagpapasalamat sa iyo. Mas masaya sana Ako kung nakita Ko siya, ngunit naiintindihan Ko ang sitwasyon. At gusto Ko rin sanang makita ang maliit na Juan…»

«Ngunit makikita Mo siya sa tagsibol. Kami ay darating upang bisitahin Ka.»

«Ang Nazareth ay napakalayo.» wika ni Jose

«Sa Nazareth? Ngunit kailangan na manatili kayo rito. Ang Mesiyas ay dapat na lumaki sa Bethlehem. Ito ay ang bayan ni David. Ang Kataastaasan, sa pamamagitan ng kalooban ni Caesar, ay dinala Siya sa bayan ng lupain ni David, ang banal na lupain ng Judaea. Bakit dalhin Siya sa Nazareth? Nalalaman ninyo kung ano ang opinyon na mayroon ang mga Hudyo tungkol sa mga Nazareno. Ang Batang ito ay kailangan na sa darating na mga taon ang siyang Tagapagligtas ng Kanyang sambayanan. Ang kapital na bayan ay hindi kailangan na pagtawanan ang Hari nito dahil Siya ay nanggaling sa isang hinahamak na lupain. Nalalaman ninyo katulad ng nalalaman ko kung gaano kakapritso ang Sanhedrin at kung gaano mapagmaliit ang tatlong pinaka kasta nito. At pagkatapos, dito, malapit sa akin, makatutulong ako sa inyo kahit na papaano, at mailagay ang lahat na mayroon ako, hindi labis sa pamamaraan ng materyal na mga bagay, bagkus sa moral na mga regalo, sa paglilingkod sa Bagong-Panganak na Sanggol na ito. At kapag sapat na Siyang may-edad na makaintindi, magiging masayang-masaya ako na maging Kanyang tagapagturo, katulad na ako ang magiging tagapagturo sa aking sariling anak, upang pagdating ng araw, kapag malaki na Siya, pagpapalain Niya ako. Kailangan na tingnan natin na Siya ay nakatalaga para sa malalaking bagay at, dahil diyan, kailangan na nasa pusisyon Siya na maiprisinta Niya ang Kanyang Sarili sa mundo nang may lahat na kinakailangang mga pamamaraan upang maipanalo Niya ang Kanyang laro. Siya ay tiyak na magtataglay ng Karunungan. Ngunit ang simpleng katotohanan na Siya ay tinuruan ng isang pari, ay magagawa Siyang mas katanggap-tanggap sa mahihirap-intindihin na mga Pariseo at mga Eskriba at magagawa ang Kanyang misyon na maging mas madali.»

⁵Si Maria ay tinitingnan si Jose, at si Jose tinitingnan si Maria. Sa itaas ng malarosas na inosenteng ulo ng Bata, natutulog nang hindi nagmamalay tungkol sa lahat ng ito, ay naroon ang tahimik na pagpapalitan ng mga katanungan. At ito ay mga katanungan na punó ng kalungkutan. Si Maria ay iniisip ang tungkol sa Kanyang maliit na bahay, si Jose ay nag-aalala tungkol sa kanyang trabaho. Dito, kung saan kaunting mga araw pa lamang ang nakararaan sila ay ganap na hindi kilala, kakailanganin nilang magsimula sa halos wala. Dito ay wala sila ng mahal na mga bagay na kanilang iniwan sa kanilang tahanan, at na kanilang naihanda nang may labis na pagmamahal para sa Bata.

At si Maria ay ganito ang sinasabi: «Papaano namin gagawin iyan? Iniwan namin ang lahat doon. Si Jose ay nagtrabaho nang napakahirap para sa Aking Jesus, nang walang ipinagpapaliban na paghihirap o pera. Nagtatrabaho siya sa gabi, upang sa araw nakapagtatrabaho siya para sa ibang mga tao at kung gayon kumita ng sapat upang mabili ang pinakamagandang kahoy, ang pinakamalambot na lana, ang pinakapinong linen, at maihanda ang lahat para kay Jesus. Nagtayo siya ng mga bahay-pukyutan, at nagtrabaho pa nga siya bilang isang mason upang magawa ang ilang pagbabago sa bahay, upang ang kuna ay mailagay sa Aking silid at manatili roon hanggang si Jesus ay lumaki na at ang kuna ay pagkatapos mapalitan ng isang kama, sapagkat si Jesus ay mananatiling kasama Ko hanggang sa Siya ay maging isang adolesente.

«Makakalakad si Jose at kunin kung ano ang naiwan ninyo roon.»

«At saan niya ito ilalagay? Alam mo, Zachariah, na kami ay mahirap. Ang aming trabaho lamang at ang aming bahay ang mayroon kami. At nagagawa kami nitong mabuhay nang hindi nagugutom. Ngunit dito... baka makakakuha kami ng ilang trabaho. Ngunit lagi na kaming magkakaroon ng problema ng isang bahay. Ang mabuting babaeng ito ay hindi kami mabibigyan ng ospitalidad nang magpakailanman. At hindi Ko maisasakripisyo si Jose nang higit pa sa naisakripisyo na niya ang kanyang sarili alang-alang sa Akin!»

«O! Ako! Wala iyan para sa akin! Ang inaalaala ko lamang ay ang kalungkutan ni Maria. Ang Kanyang kalungkutan ng hindi paninirahan sa Kanyang sariling bahay...»

Dalawang malalaking luha ang tumulak mula sa mga mata ni Maria.

«Sa palagay ko ang bahay na iyon ay kasing mahal sa Kanya katulad ng Paraiso, dahil sa misteryo na nangyari doon. Kaunti lamang akong magsalita, ngunit nakaiintindi ako nang malaki. Kung hindi lamang dahil diyan, hindi ako mababalisa. Magtatrabaho ako nang doble, iyan lamang. Ako ay bata pa at sapat na malakas na magtrabaho nang doble katulad nang madalas kong gawin at asikasuhin ang lahat. At kung si Maria ay hindi maghihirap nang labis... at kung sinasabi mo na iyan ang kailangan naming gawin... bueno, naririto ako. Gagawin ko ang kahit ano na sa akala mo ay ang pinakamabuti. Basta’t makakatulong iyan kay Jesus.»

«Iyan ay tiyak na makakatulong. Isipin ninyo iyan, at makikita ninyo ang mga rason.»

«Sinasabi rin na ang Mesiyas ay tatawaging Nazareno...» tutol ni Maria.

«Totoo. Ngunit hanggang man lamang na Siya ay ganap na malaki na, gawin Siyang lumaki sa Judaea. Ang Propeta ay nagsasabi: “At ikaw, Bethlehem Ephrathah, ay magiging ang pinakadakila, sapagkat mula sa iyo ay darating ang Tagapagligtas”. Hindi siya nagbabanggit ng Nazareth. Baka ang titulong iyan ay binigay sa Kanya para sa ilang rason na hindi natin nalalaman. Ngunit ito ay ang Kanyang lupain.»

«Sinasabi mo iyan, ikaw, pari, at kami... nakikinig kami sa iyo nang may malungkot na mga puso, at naniniwala kami sa iyo. Ngunit gaano ito kasakit!... Kailan Ko makikita ang bahay na iyon kung saan Ako naging isang Ina?» Si Maria ay umiiyak, nang tahimik. At naiintindihan ko ang Kanyang dalamhati. O! naiintindihan ko.

Ang bisyon ay nagtatapos sa pag-iyak ni Maria.

                                                                -------------------------------------

maria sinab

⁹Sinasabi ni Maria pagkatapos:

«Alam Ko na naiintindihan mo. Ngunit makikita mo Ako na iiyak nang mas mapait pa. Para sa pansamantala, ibig Kong paginhawahan ang iyong espiritu sa pagpapakita sa iyo ng kabanalan ni Jose. Siya ay isang tao, ibig sabihin, wala siyang ibang tulong para sa kanyang espiritu, maliban sa kanyang kabanalan. Nasa Akin lahat ang mga regalo ng Diyos, sa Aking katayuan na Imakulada. Hindi Ko alam noon na Ako ay ganyan. Ngunit ang mga regalo ay aktibo sa Aking kaluluwa, at binibigyan Ako ng espirituwal na lakas. Ngunit siya ay hindi imakulada. Ang pagkatao ay nasa kanya kasama ang lahat na bigat nito at kinailangan niyang tumaas sa perpeksiyon kasama ang lahat na bigat na iyon, sa pamamagitan ng walang-tigil na pagsisikap ng lahat ng kanyang mga pakultad upang marating ang perpeksiyon at maging kaayun-ayon sa Diyos.

O! Aking banal na esposo! Banal sa lahat, sa pinaka-abang mga bagay din sa buhay. Banal para sa kanyang anghelikal na kabasalan. Banal para sa kanyang pagkataong katapatan. Banal para sa kanyang pasyensiya, sa kanyang aktibidad, para sa kanyang palagiang kapanatagan, para sa kanyang kapakumbabaan, para sa lahat. Ang kanyang kabanalan ay nagniningning din sa pangyayaring ito. Ang isang pari ay nagsasabi sa kanya: “Kailangan na manirahan kayo rito” at tumugon siya, alam na alam ang mas malalaking paghihirap na haharapin niya: “Iyan ay wala para sa akin. Ang inaalaala ko ay ang kalungkutan ni Maria. Kung ito ay hindi dahil diyan, hindi ako mababalisa. Maliban na makakatulong iyan kay Jesus”. Si Jesus, si Maria: ang kanyang anghelikal na mga minamahal. Ang Aking banal na esposo ay walang ibang mahal sa lupa. At isinakripisyo niya ang kanyang sarili sa pagmamahal na iyon.

Pinili nila siya na protektor ng Kristiyanong mga pamilya, ng mga manggagawa at marami pang ibang mga kategoriya. Ngunit kailangan na piliin siyang protektor hindi lamang ng mga namamatay na tao, ng mga mag-asawa, ng mga manggagawa, bagkus ng mga ikinunsagra din sa Diyos. Sino, sa lahat ng mga tao sa mundo na ikinunsagra sa paglilingkod sa Diyos, ang ikinunsagra ang sarili nang katulad nang ginawa niya, sa paglilingkod sa kanyang Diyos, tinatanggap ang lahat, kinakalimutan ang lahat, tinitiis ang lahat, ginagawa ang lahat nang may kabilisan, nang may masayahing isip, may isang katatawanan lagi? Wala kahit isang katulad niya.

At ibig Kong dalhin ang iyong atensiyon sa isa pang punto, hindi lamang, bagkus, dalawang punto.

Si Zachariah ay isang pari. Si Jose ay hindi. Ngunit kailangan na mapuna mo na siya, na hindi isang pari, ay isang mas mayroong makalangit na kaluluwa kaysa sa pari. Si Zachariah ay nag-iisip sa makataong pamamaraan, at sa isang pantaong pamamaraan ipinaliliwanag niya ang mga Iskriptura sapagkat pinahihintulutan niya ang kanyang sarili na madala ng kanyang mabuting pagkataong sentido-komun, at hindi iyon ang unang pagkakataon na ginawa niya iyon. At siya ay pinarusahan para doon. Ngunit siya ay bumalik sa dati, bagamat hindi masyadong malala. Ang tungkol sa kapanganakan ni Juan sinabi niya: “Papaano iyan mangyayari, kung ako ay matanda na, at ang aking asawa ay baog?» Ngayon  sinasabi niya: «Upang mapakinis ang Kanyang daan, ang Kristo ay kailangan na palakihin dito.» At sa pamamagitan ng matalisik na ugat ng pagmamalaking iyon na nagpupumilit din sa pinaka-magagaling na tao, inisip niya na maaari siyang may-pakinabang kay Jesus. Hindi may-pakinabang sa pananaw na katulad ng ginusto ni Jose na maging, sa paglilingkod sa Kanya, bagkus sa pagtuturo sa Kanya... Ang Diyos ay pinatawad siya, dahil sa kanyang mabuting intensiyon. Ngunit ang “Guro” ba ay nangangailangan ng mga tagapagturo?

Nagsikap Akong makita niya ang katotohanan ng mga propesiya. Ngunit ang pakiramdam niya mas may pinag-aralan siya kaysa sa Akin at ginamit niya ang gayong pakiramdam ayon sa kanyang pamamaraan. Nagpumilit sana Ako at natalo siya. Ngunit – ito ang isa pang punto kung saan gusto kitang dalhin – iginalang Ko ang pari dahil sa kanyang dignidad, hindi dahil sa kanyang kaalaman.

⁸Sa pangkalahatan, ang isang pari ay laging tinatanglawan ng Diyos. Sinabi Ko: “sa pangkalahatan”. Siya ay natatanglawan kapag siya ay isang tunay na pari. Hindi ang kanyang sutana ang nagkokonsagra sa kanya: ito ay ang kanyang kaluluwa. Upang husgahan kung ang isa ay isang tunay na pari, kailangan na tingnan ng isa kung ano ang lumalabas sa kanyang kaluluwa. Katulad ng sinabi ng Aking Jesus, ang mga bagay na nagpapabanal o nagkukuntamina ay nanggagaling sa kaluluwa, at sinasalarawan nito ang buong asal ng isang tao. Kung kaya't, kapag ang isa ay isang tunay na pari, siya sa pangkalahatan ay pinasisigla ng Diyos. Kailangan na mayroon tayong isang sobrenatural na karidad at magdasal para sa iba, na hindi ganyan.

Ngunit ang Aking Anak ay nailagay ka na sa paglilingkod sa panunubos na ito, kung kaya't hindi na Ako magsasalita pa. Maging masaya na maghirap, upang ang bilang ng tunay na mga pari ay sana lumaki. At sumandal nang mapayapa sa salita niya na gumagabay sa iyo. At paniwalaan at sundin ang kanyang payo. ⁹Ang pagsunod ay lagi kang nililigtas, kahit na kung ang payong binigay sa iyo ay hindi ganap na perpekto.

Katulad ng nalalaman mo, kami ay sumunod. At mabuti ang nangyari sa amin. Totoo na si Herodes ay iniutos na doon lamang sa Bethlehem at sa kapaligiran nito gawin ang pagpatay sa mga bata. Ngunit hindi kaya ikinalat ni Satanas at pinarami ang gayong poot nang mas malayo at mas malawak at inudyukan ang lahat na may-kapangyarihan sa Palestina na gawin ang gayon ding krimen upang mapatay ang hinaharap na Hari ng mga Hudyo? Maaaring nagawa niya ito at maaaring pinangyari ito sa unang mga araw ng Kristo, nang ang paulit-ulit na mga himala ay nakuha ang atensiyon ng mga pulutong at ng mga nasa kapangyarihan. Kung ganyan ang nangyari, papaano namin matatawid ang buong Palestina, upang mula sa Nazareth makapunta kami sa Ehipto, sa mapag-arugang lupain na iyon para sa mga inuusig na Hudyo, at gawin ang ganyang paglalakbay nang may kasamang maliit na bata, at habang nangyayari ang pang-uusig? Mas madaling makatakas mulang Bethlehem, kahit na kung ang paglalakbay ay gayon din kasakit.

Ang pagsunod ay lagi kang ililigtas. Tandaan iyan. At ang paggalang sa isang pari ay laging isang tanda ng isang edukasyong Kristiyano. Kapahamakan sa mga pari na nawawalan ng kanilang apostoladong init! Si Jesus din ay sinabi iyan. Ngunit kapahamakan din sa mga nag-iisip na sila ay tama sa panghahamak sa kanila! Sapagkat kinokonsagra nila at pinamimigay ang Totoong Tinapay na bumababa mula sa Langit. At ang kanilang pagkakadikit na iyan ay nagagawa silang banal, katulad lang ng isang sagradong kalis, kahit na kung sila ay hindi totál na banal. Sila ang mananagot sa Diyos diyan. Kailangan na tingnan ninyo sila bilang ganyan at huwag mag-alala tungkol sa kahit anong bagay pa. Hindi kayo dapat na maging mas mahigpit pa kaysa sa inyong Panginoong Jesus, Na, sa kanilang utos, ay umaalis sa Langit at bumababa upang itaas ng kanilang mga kamay. Kailangan na matuto kayo mula sa Kanya. At kung sila ay bulag, kung sila ay bingi, kung ang kanilang mga kaluluwa ay paralisado at ang kanilang mga pag-iisip ay hindi maganda, kung sila ay mga ketongin na puno ng mga pagkakamali sa malaking kaibhan sa kanilang misyon, kung katulad nila ang mga labí sa mga sepulkro, kung gayon tawagin si Jesus na sana pagalingin Niya sila at buhayin muli.

Tawagin Siya sa pamamagitan ng inyong mga panalangin, at ng inyong paghihirap, o biktimang mga kaluluwa. ¹⁰Ang magligtas ng isang kaluluwa ay ang italaga bago-pa-man ang sariling kaluluwa ng isa sa Langit. Ngunit ang magligtas ng kaluluwa ng isang pari ay ang magligtas ng malaking bilang ng mga kaluluwa, sapagkat ang bawat banal na pari ay isang lambat na kumakaladkad ng mga kaluluwa sa Diyos. At ang magligtas ng isang pari, ibig sabihin magpabanal: pinababanal muli, ay ang likhain ang mistikal na lambat na ito. Ang bawat dagit ay isang liwanag na maidadagdag sa inyong eternal na korona.

Humayo sa kapayapaan.»

 (155) 220610/031513/040113

Sunod na kabanata.