310. Si Jesus Nagsasalita Tungkol sa Banal na Ekonomiya ng pansansinukuban na Pagmamahal.

Oktubre 23, 1945.

Hindi ko alam kung ito ay ang araw pa rin na iyon, ngunit sa palagay ko ito pa rin ito, sapagkat si Pedro ay nakaupo sa hapag-kainan ng pamilya sa Nazareth. Ang hapunan ay halos tapos na at si Sintike ay tumayo upang maglagay sa mesa ng ilang mansanas, mga butong pápapákin, mga ubas at mga pili na magtatapos sa hapunan, sapagkat ngayon ay gabi at ang mga lampara ay nasindihan na.

Pinag-uusapan nila ang tungkol sa mga lampara nang si Sintike ay nagdala ng prutas. Si Pedro ay nagsabi: «Sa taon na ito magsisindi tayo ng isa pang dagdag na lampara, at pagkatapos marami at mas marami pa, para sa iyo, anak. Sapagkat gusto namin na sindihan ito para sa iyo, kahit na kung ikaw ay naririto. Ito ang unang pagkakataon na magsisindi kami ng isang lampara para sa isang bata…» at si Simon ay naantig nang nagtatapos siya: «Tiyak na magiging mas maganda ito, kung ikaw ay naroroon…»

«Noong nakaraang taon, Simon, Ako ang nagbuntung-hininga para sa Aking Anak Na nasa malayo, at kasama Ko, si Maria ni Alfeo, si Salome at si Maria ni Simon din sa kanyang bahay sa Kerioth, at ang ina ni Tomas…»

«O! ang ina ni Judas! Makakasama niya ang kanyang anak ngayong taon… ngunit  sa palagay ko hindi siya magiging mas masaya… Hindi na bale… Tayo ay nasa bahay ni Lazarus. Gaano karaming ilaw!... Nagmumukha iyon na katulad ng isang kalangitan ng ginto at apoy. Makakasama ni Lazarus ang kanyang kapatid na babae ngayong taon… Ngunit natitiyak ko na nagsasalita ako ng katotohanan kapag sabihin ko na sila ay magbubuntung-hininga sapagkat kayo ay wala roon. At nasaan tayo sa susunod na tao?»

«Ako ay magiging nasa napakalayo…» bulong ni Juan.

Si Pedro ay lumingon upang tingnan siya, dahil siya ay nakaupo sa tabi ni Juan, at nasa punto na siya na magtanong ng kung ano, ngunit mabuti na lamang pinigilan niya ang kanyang sarili, dahil sa isang makahulugan na tingin ni Jesus.

Si Marjiam ay nagtanong: «Saan ka mapupunta?»

«Sa pamamagitan ng awa ng Panginoon umaasa akong nasa sinapupunan na ako ni Abraham…»

«O! gusto mo bang mamatay? Ayaw mo bang mag-ebanghelyo? Hindi ka ba nalulungkot na mamatay bago makapag-ebanghelyo?»

«Ang salita ng Diyos ay kailangan na ipahayag ng banal na mga labì. Malaking tulong na na pinahintulutan akong marinig ito at matubos ang aking sarili sa pamamagitan nito. Gusto ko sana… Ngunit huli na…»

«Gayunma’y mag-eebanghelyo ka. Nagawa mo na nga ito. Iyan kung bakit nakuha mo ang atensiyon ng mga tao. Ikaw kung gayon ay tatawagin pa rin na isang nag-eebanghelyong disipulo, kahit na kung hindi ka nag-iikot nagpapahayag ng Ebanghelyo; at sa susunod na buhay tatanggapin mo ang premyo na nakalaan para sa Aking mga tagapagpahayag ng Ebanghelyo.»

«Ang Inyong pangako ay nagagawa akong mithiin ang kamatayan… Ang bawat sandali ng buhay ay maaaring nagtatago ng isang patibong, at mahinang katulad ko, baka hindi ko ito mapangibabawan. Kung ako ay tatanggapin ng Diyos, bilang kontento sa kung ano ang nagawa ko, hindi ba’t malaking kagandahang-loob na ito, na kailangan kong pagpalain?»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang kamatayan ay magiging ang kataastaasan na kagandahang-loob para sa marami, na makaaalam kung gayon kung hanggang saan umaabot ang pagngangawa ng tao, mula sa isang lugar kung saan ang kapayapaan ay pagiginhawahin sila para sa gayon na kaalaman, at gagawin itong isang hosana sapagkat iuugnay ito sa di-mabibigkas na kaluguran ng pagkakalaya mula sa Limbo.» 

«At saan tayo mapupunta sa hinaharap na mga taon, Panginoon?» tanong ni Simon Zealot na kanina pa nakikinig nang maasikaso

«Kung saan ikasisiya ito ng Eternal na Ama. Gusto mo bang talakayin ang malayong hinaharap, samantalang hindi natin matiyak ang sandali kung saan tayo namumuhay at kung tayo ay pagkakalooban na tapusin ito? Maging ano pa man, maging saan man ang lugar ng selebrasyon ng hinaharap na mga Dedikasyon, ito ay magiging laging isang banal na lugar maliban na kayo ay naroroon upang tuparin ang kalooban ng Diyos.»

«Maliban na kami ay naroroon? At ano ang tungkol sa Inyo?» tanong ni Pedro.

«Naroroon Ako lagi kung saan naroroon ang Aking mga minamahal.»

Si Maria ay hindi kailanman nagsalita, ngunit ang Kanyang mga mata ay hindi tumigil kahit isang sandali sa pagmasid sa mukha ng Kanyang Anak…

Siya ay ginising ng pangungusap ni Marjiam na nagsabi: «Inay, bakit hindi Ninyo nilagay ang mga pulot na keyk sa mesa? Gusto iyon ni Jesus at mabuti iyon para sa lalamunan ni Juan. At gusto rin iyon ng aking ama…»

«At gusto mo rin» pagtatapos ni Pedro.

«Sa ganang akin… walang pulot na keyk dito. Nangako ako…»

«Iyan kung bakit hindi Ko nilagay iyan sa mesa, Aking mahal…» sabi ni Maria hinahaplos siya, sapagkat si Marjiam ay nasa pagitan Niya at ni Sintike, sa isang tabi ng mesa, habang ang apat na lalaki ay nasa kaharap na tabi.

«Hindi, hindi. Maiilagay Ninyo iyon. Hindi lamang, bagkus, kailangan na ilagay Ninyo. At ipamimigay ko iyon sa lahat.»

Si Sintike ay kumuha ng isang lampara, lumabas at bumalik dala ang mga keyk. Si Marjiam ay kinuha ang trey at nagsimulang ipamigay ito. Ibinigay niya kay Jesus ang pinakamaganda, ginintuan at napaalsa nang katulad ng isang ginawa ng isang batikanong tagagawa ng kendi. Ang ikalawa sa perpeksiyon ay para kay Maria. Pagkatapos sina Pedro, Simon at Sintike na ang susunod. Ngunit upang mabigyan si Juan, ang bata ay kinailangan na tumayo at pumunta sa tabi ng matandang may-sakit na tagapagturo at nagsabi sa kanya: «Binibigay ko sa iyo ang para sa iyo at ang para sa akin, kasama ang isang halik, at upang pasalamatan ka para sa itinuro mo sa akin.» Pagkatapos bumalik siya sa kanyang lugar, inilapag ang trey sa gitna ng mesa nang nakatitiyak at nangursumano sa kanyang pagkakaupo.

«Nailigaw mo ang daan ng masasarap na keyk na ito» sabi ni Pedro, nang makita niya na si Marjiam ay hindi kumukuha. At dagdag niya: «Kahit kaunti man lamang. Narito, kunin mo ang kaunti ng akin, upang hindi ka mamatay na makakuha ng kaunti. Labis kang naghihirap… Pababayaan ka ni Jesus na makakain.»

«Ngunit kung ako ay hindi maghirap, hindi ako magkakaroon ng merito, ama.  Ginawa ko ang sakripisyong ito sapagkat eksaktong nalalaman ko na maghihirap ako. Matapos man ang lahat... ako ay naging napakasaya mula pa nang ginawa ko ito, na tila ako ay punung-puno ng pulot. Natitikman ko ito sa lahat na bagay, at tila nalalanghap ko rin ito sa ere…»

«Iyan ay dahil namamatay ka na magkaroon ng ilan…»

«Hindi. Ito ay dahil nalalaman ko na ang Diyos ay nagsasabi sa akin: “Ginagawa mo ang tamang bagay, Aking anak”.»

«Ang Guro ay pagbibigyan, kahit wala ang sakripisyong iyan. Minamahal Ka niya nang labis!»

«Oo. Ngunit hindi makatarungan na samantalahin ko iyan, sa dahilan lamang na minamahal Niya ako. Maging ano pa man, sinasabi Niya na malaki ang gantimpala sa Langit para sa kahit isang kopa ng tubig na binigay sa Kanyang pangalan. Sa palagay ko kung malaki ito para sa isang kopa ng tubig na binigay sa ibang mga tao sa Kanyang pangalan, maaaring malaki rin ang para sa isang keyk o isang maliit na pulot na binibigay ng isa dala ng pagmamahal para sa isang kapatid. Mali ba ako, Guro?»

«Hindi, nakapagsalita ka nang may-karunungan. Sa katunayan, naipagkaloob Ko sana sa iyo ang iyong hinihingi pabor sa maliit na si Rachel, nang kahit wala ang iyong sakripisyo, sapagkat iyon ay isang mabuting gawin at minimithi iyon ng Aking puso. Ngunit ginawa Ko iyon nang may mas malaking lugod sapagkat Ako ay natulungan mo. Ang pagmamahal para sa ating mga kapatid ay hindi sa pamamagitan lamang ng pantaong pamamaraan at mga limitasyon, bagkus ito ay tumataas sa labis na mataas na mga lebel. Kung ito ay perpekto, totoong nahihipo nito ang trono ng Diyos at humahalo sa Kanyang walang-hangganang Karidad at Kagandahang-loob. Ang pakikipag-isa ng mga santo ay ang patuloy lamang na pagkilos na ito, katulad na ang Diyos ay patuloy na tumatrabaho at sa bawat pamamaraan, upang matulungan ang ating mga kapatid kapwa sa kanilang materyal at espirituwal na mga pangangailangan, o sa dalawang ito, katulad na ito ay ganito sa kaso ni Marjiam, na napagiginhawahan si Rachel sa kanyang sakit, sa pagkuha ng ikagagaling niya, at kasabay na napagiginhawahan ang pinanghihinaang espiritu ng matandang Johanna at nagsisindi ng palaki at palaki pang pagtitiwala sa Panginoon sa lahat na mga puso sa loob ng pamilya. Kahit na ang isang kutsarang pulot, ibinigay bilang isang sakripisyo, ay makatutulong na maghatid ng kapayapaan at pag-asa sa naapektuhan na kaluluwa, katulad na ang isang keyk o kahit ano pa mang pagkain na binigay dala ng pagmamahal, ay makakakuha ng ilang tinapay, na inialay nang mahimala, para sa ilang nagugutom na tao, na malayo sa atin at hindi natin kailanman makikilala; at ang isang galit na salita, na hindi binigkas dala ng espiritu ng pagsakripisyo, bagamat makatarungan, ay maaaring makapagpigil sa isang malayong krimen, katulad na ang labánan ang isang mithiin na pumitas ng isang prutas, dala ng pagmamahal, ay maaaring makapaglagay ng isang kaisipan ng pagsisisi sa isang magnanakaw at matigilan ang pagnanakaw. Walang nawawala sa banal na ekonomiya ng pansansinukuban na pagmamahal; ni wala rin sa makabayaning sakripisyo ng isang bata sa harapan ng isang plato ng pulot na mga keyk, ni sa holokausto ng isang martir. Hindi lamang, bagkus, sasabihin Ko sa inyo na ang holokausto ng isang martir ay kadalasan nagsisimula sa makabayaning pagpapalaki na itinanim sa kanya mula nang siya ay bata pa para sa pagmamahal sa Diyos at sa kanyang kapwa.»

«Kung gayon mabuting bagay na ako ay laging gagawa ng mga sakripisyo. Para sa panahon kung kailan tayo uusigin» sabi ni Marjiam nang taimtim.

«Uusigin?» tanong ni Pedro.

«Oo. Hindi ba ninyo naaalaala na sinabi Niya ang ganyan? “Kayo ay uusigin sa Aking pangalan”. Sinabi ninyo sa akin, noong una kayong pumuntang nag-iisa sa Bethsaida, noong tag-init, upang mag-ebanghelyo.»

«Ang batang ito ay naaalaala ang lahat» wika ni Pedro hinahangaan siya.

Ang hapunan ay tapos na. Si Jesus ay tumayo. Siya ay nananalangin para sa lahat at pinagpapala sila. At habang umaalis ang mga babae upang malinisan ang kusina, si Jesus at ang mga kalalakihan ay nagdala ng mga upuan sa isang sulok ng silid, kung saan nagsimula Siyang mag-ukit ng isang piraso ng kahoy, na sa ilalim ng nagugulat na mga mata ni Marjiam, ay naging isang hugis ng isang maliit na tupa…

250112

 



Sunod na kabanata