312. Ang Pagsimula ng Ikatlong Taon sa Nazareth, Habang Naghahanda Para sa Pag-alis.

Oktubre 29, 1945.

Sina Juan, Santiago, Mateo at Andes ay nakarating na sa Nazareth at habang naghihintay kay Pedro, sila palakad-lakad sa paligid ng pangkusinang-hardin, nakikipaglaro kay Marjiam o naguusap-usap. Wala akong nakikitang iba pa, na tila si Jesus ay wala sa loob ng bahay at si Maria ay abala. Dahil may lumalabas na usok mula sa batong hurnuhan, masasabi ko na Siya ay naroroon gumagawa ng tinapay.

Ang apat na apostol ay natutuwa na sila ay nasa loob ng bahay ng Guro at pinakikita nila ang kanilang lugod. Si Marjiam ay nagsalita sa kanila nang tatlong beses: «Huwag kayong tumawa nang ganyan!» Ang kanyang ikatlong babala ay nakuha ang atensiyon ni Mateo, na nagtanong: «Bakit, bata? Hindi ba kami tama sa pagiging masaya rito? Kinasiyahan mo na ang lugar na ito, eh? Kinasisiyahan namin ito ngayon» at pinipitik-pitik niya nang may-kagiliwan ang kanyang pisngi. Si Marjiam ay tiningnan siya nang seryosong-seryoso, ngunit hindi siya tumugon.

Si Jesus ay pumasok kasama ang Kanyang mga pinsan na sina Judas at Santiago, na binabati ang kanilang mga kasamahan nang may labis na pagmamahal: napawalay sila sa kanila nang maraming araw. Si Maria ni Alfeo, namumula at natatakpan ng harina, ay dumungaw mula sa batong-hurnuhan at ngumiti sa kanyang malalaking batang lalaki.

Ang huling dumating ay ang Zealot, na nagsabi: «Ginawa ko na ang lahat, Guro. Si Simon ay darating na rito malapit na.»

«Alin na Simon? Ang aking kapatid o si Simon ni Jonah?»

«Ang iyong kapatid, Santiago. Siya ay darating kasama ang buong pamilya upang batiin kayo.»

Sa katunayan pagkaraan nang kaunting sandali, ang pagkatok sa pinto at ang ingay ng mga naguusap ay ibinalita ang pagdating ng pamilya ni Simon ni Alfeo, na siyang unang pumasok hawak sa kamay ang maliit na batang lalaki mga walong taong gulang; sa likuran niya ay naroroon si Salome, pinaliligiran ng grupo ng kanyang mga anak. Si Maria ni Alfeo ay tumakbong palabas mula sa batong-hurnuhan at hinalikan ang kanyang mga apo at masayang-masaya siya na makita sila roon.

«Kung gayon, Ikaw ay aalis ulit?» tanong ni Simon habang ang kanyang mga anak ay nakikipagkaibigan kay Marjiam na, sa palagay ko, ay kilala lamang si Alfeo, ang batang pinagaling.

«Oo, panahon na.»

«Magkakaroon Ka pa ng basang panahon.»

«Hindi na bale. Ang tagsibol ay papalapit nang papalapit araw-araw.»

«Pupunta Ka ba sa Capernaum?»

«Ako ay tiyak na pupunta rin doon. Ngunit hindi kaagad. Ako ay paikot ngayon sa Galilee at sa ibayo pa nito.»

«Ako ay pupunta upang makita Ka kapag mapakinggan ko na Ikaw ay nasa Capernaum. At dadalhin ko sa iyo ang Iyong Ina at ang akin din.»

«Magpapasalamat Ako sa iyo. Pansamantala, huwag mo Siyang pababayaan. Siya ay mag-iisa. Dalhin mo ang iyong mga anak dito. Hindi sila mapapasamâ rito, makatitiyak ka tungkol diyan…»

Si Simon ay namumula sa pahiwatig ni Jesus tungkol sa kanyang mga nakaraang kaisipan at dahil sa makahulugang tingin sa kanya ng kanyang asawa, na tila nagsasabing: «Napakinggan mo iyan? Bagay iyan sa iyo.» Ngunit si Simon ay binago ang paksa nagsasabing: «Nasaan ang Iyong Ina?»

«Gumagawa Siya ng tinapay. Malapit na Siyang pumunta rito…»

Ang mga anak ni Simon, gayunpaman, ay hindi na makapaghintay at sila ay pumunta sa batong-hurnuhan sinusundan ang kanilang lola. At ang isang maliit na batang babae, hindi masyadong mas mataas kaysa kay Alfeo, ang batang lalaking pinagaling, ay lumabas halos kaagad nagsasabing: «Si Maria ay umiiyak. Bakit? Eh! Jesus? Bakit ang Inyong Ina ay umiiyak?»

«Siya ba ay umiiyak? O! mahal! Hayaan mong puntahan ko Siya» sabi ni Salome nang maasikaso.

At si Jesus ay nagpapaliwanag: «Siya ay umiiyak sapagkat Ako ay aalis… Ngunit kayo ay pupunta at sasamahan Siya, hindi ba? Tuturuan Niya kayo kung papaano manahi at magagawa ninyo Siyang masaya. Mangangako ba kayo sa Akin?»

«Ako ay pupunta, rin, ngayon na pinapayagan na kami ng itay» sabi ni Alfeo kumakain ng maiinit na tinapay na kabibigay pa lamang sa kanya.

Ngunit bagama't ang tinapay ay mainit upang halos hindi niya ito mahawakan, sa palagay ko ito ay kasing lamig ng yelo kompara sa init na ipinaghihirap ni Simon ni Alfeo, na namumula sa kahihiyan sa mga salita ng kanyang maliit na anak. bagama't ngayon ay medyo malamig na umaga ng taglamig, na may haging-hilagang umiihip sa mga ulap sa kalangitan at kumakagat sa balat, si Simon ay pinagpapawisan nang, na tila ngayon ay tag-init…

Ngunit si Jesus ay nagkukunwaring hindi Niya ito napapansin at ang mga apostol ay nagkukunwaring hindi sila interesado sa sinasabi ng mga anak ni Simon, at kung gayon ang insidente ay tapos na, at si Simon ay maisasaayos na ang kanyang sarili at tinanong si Jesus kung bakit ang lahat na mga apostol ay wala roon.

«Si Simon ni Jonah ay malapit nang dumating. At iba ay sasamahan Ako sa tamang sandali. Ang lahat na ito ay napagkasunduan na.»

«Lahat sila?»

«Oo.»

«Si Judas ng Kerioth din?»

«Oo…»

«Jesus, sumama Ka sa akin nang sandali» pakiusap ng Kanyang pinsan na si Simon.
At nang sila ay nakalayo na, pagawing pangkusinang-hardin, si Simon ay nagtanong: «Ngunit totoo bang nalalaman Mo kung sino nga si Judas ni Simon?»

«Siya ay isang Israelita. Walang karagdagan, walang kulang.»

«O! Hindi Mo sasabihin sa akin…» siya ay nasa punto na maging mainit at itaas ang kanyang tinig.

Ngunit si Jesus ay pinakalma siya, pinuputol siya at naglalagay ng isang kamay sa kanyang balikat, nagsasabing: «Siya ay ang kung ano ang lumabas na naging siya gawa ng nangingibabaw na mga idea at ng mga tao na lumalapit sa kanya. Sapagkat, halimbawa, kung nakatagpo siya ng isang matuwid na kaluluwa at isang matalinong isip sa lahat ng mga tao rito (idinidiin Niya ang mga salitang ito) hindi sana siya nanabik na magkasala. Ngunit hindi niya natagpuan ang mga ito. Sa kabaligtaran, natagpuan niya ang isang ganap na pantaong elemento kung saan naiakma niya nang komportable ang kanyang pinaka-pantaong kaakuhan, na nangangarap at nagtatrabaho para sa Akin at nakikita sa Akin ang isang hari ng Israel, sa pantaong ibig-sabihin ng salita, katulad sa pinapangarap mo at ibig mong makita sa Akin, at para kung Kanino kikiling kang magtrabaho, at ang iyong kapatid na si Jose kasama mo, pati na rin si Levi, ang pangulo ng sinagoga sa Nazareth, at sina Mattathias at Simon at sina Matias at Benjamin, at si Jacob at, maliban sa tatlo o apat na tao, ang lahat sa Nazareth… Siya ay may kahirapan na magawang perpekto ang kanyang sarili, sapagkat kayong lahat ay nagkátulungan sa kanyang pagiging masama. Siya ay ang pinakamahina sa Aking mga apostol. Ngunit sa pansamantala, siya ay bagkus ang isang mahinang apostol. Ang kanyang mga buyo ay mabubuti, ang kanyang mga intensiyon ay matapat at minamahal niya Ako. Minamahal niya Ako sa lihis na paraan, ngunit ito ay pagmamahal pa rin. Hindi ninyo siya tinutulungan na maihiwalay ang mabubuting kalidad na ito mula sa masasama na pumoporma ng kanyang kaakuhan, sa kabaligtaran pinalalala ninyo ito sa pagdagdag sa mga ito ng inyong sariling kawalan-ng-paniniwala at pantaong mga limitasyon… Ngunit umuwi na tayo. Ang iba ay nauna na sa atin doon..»

Si Simon ay sinusundan Siya at nagmumukha siyang medyo napapahiya. Sila ay halos nasa pamasukan na nang kanyang pinigilan si Jesus at nagsabi: «Kapatid, Ikaw ay galit sa akin?»

«Hindi, hindi Ako galit. Ngunit nagsisikap Akong magawa kitang perpekto katulad ng Aking ginagawa sa lahat ng Aking mga disipulo. Hindi ba't sinabi mo na ibig mong maging isang disipulo?»

«Oo, Jesus. Ngunit nang nakaraan hindi Ka nagsasalita nang ganyan, ni kahit na kung Ikaw ay naninisi… Ikaw ay mas may-kabaitan…»

««At ano ang nakuha nito? Ako ay mas may-kabaitan nang minsan. Ako ay naging gayon sa loob ng dalawang taon… Ang lahat dito ay naging pabaya nakasandal sa Aking pasensya at kabaitan o naghasa ng mga ngipin at mga kuko… Kayong lahat ay sinamantala ang Aking pagmamahal, upang saktan Ako. Hindi ba't ganito ito?...»

«Oo, ganyan nga. Iyan ay totoo. Kung gayon, hindi Ka na ba magiging mabuti?»

«Ako ay magiging makatarungan. At kahit ganyan, Ako ay magiging isa katulad ng hindi ninyo nirarapat, kayong sambayanan ng Israel, na hindi Ako kilalanin bilang ang ipinangakong Mesiyas.»

Sila ay pumunta sa maliit na silid na nagsisiksikan sa tao, upang ang mga apostol ay kinailangan na pumunta sa kusina at sa pagawaan ni Jose, maliban sa dalawang anak ni Alfeo, na nananatiling kasama na kanilang ina at hipag. Ang huli ay sinamahan ni Maria, Na pumasok hawak-hawak ang maliit na Alfeo sa kamay. Ang mukha ni Maria ay nagpapakita ng malinaw na tanda ng pag-iyak.

Nang Siya ay halos tutugon na kay Simon, na nagtitiyak sa Kanya na siya ay pupunta upang tingnan Siya araw-araw, ang isang kariton ay kumikilos sa maliit na kalsada na may gayong kalansing ng mga nakasabit na mga kampanilya na nakakuha sa atensiyon ng mga anak ni Alfeo at ang pintuan ay binuksan nang kasabay dahil nakarinig sila ng pagkatok sa labas. Ang masayahing mukha ni Pedro ay lumitaw: siya ay nakaupo pa rin sa kariton, kumakatok sa pinto sa pamamagitan ng hawakan ng panghagupit… Sa tabi niya, nahihiya ngunit ngumingiti, ay naroon si Porphirea, nakaupo sa mga bagahe at mga kahon, katulad ng nasa ibabaw ng isang trono.

Si Marjiam ay tumakbong palabas at umakyat sa kariton upang batiin ang kanyang umampon na ina. Ang iba rin ay lumabas, kasama na si Jesus.

«Guro, naririto ako. Dinala ko ang aking asawa, sa kariton na ito, dahil hindi niya kaya ang mahabang paglalakad. Maria, nawang sumainyo ang Panginoon. At kasama Ninyo, si Maria ni Alfeo.» Tinitingnan niya ang lahat habang bumababa sa sasakyan at tinutulungan ang kanyang asawa na makababa, at binati sila nang sabay-sabay.

Ibig nilang tulungan siya sa pagdiskarga ng kariton. Ngunit siya ay tumutol nang matatag. «Saka na, saka na» sabi niya, at nang walang seremonya, siya ay pumunta sa maluwang na pintuan ng pagawaan ni Jose, nagsisikap na ipasok ang kariton, nang walang binabago. Ngunit hindi ito makapasok, siyempre. Ngunit ang pagmamanyobra ay nakatulong na masira ang atensiyon ng mga panauhin at nakagawa nilang maintindihan na sila ay hindi kailangan… At sa katunayan si Simon ni Alfeo ay umalis kasama ang lahat ng kanyang pamilya…

«O! ngayon na tayo ay tayu-tayo na lamang, atin nang asikasuhin ang ating gagawin…» sabi ni Simon ni Jonah, pinababalik ulit ang asno, na nag-iingay nang husto, natatakpang katulad nito ng mga palawit na mga kampanilya, upang si Santiago ni Zebedeo ay hindi mapigilan ang pagtawa at nagtanong: «Saan mo iyan natagpuan, may mga palawit katulad niyan?»

Ngunit si Pedro ay abala inaalis ang mga bagahe mula sa kariton at iniaabot ito kina Juan at Andres, na umaasa na ito ay mabibigat at nagtataka sapagkat ito ay magagaan, at ganito nga ang kanilang sinasabi…

«Takbo sa pangkusinang-hardin at huwag kumilos katulad ng mga natatakot na mga pipit» utos ni Pedro, bumababa mula sa kariton na may dalang maliit na kahon na totoong mabigat, at inilagay sa isang sulok sa maliit na silid.

«At ngayon ang asno at ang kariton. Ang asno at ang kariton? Oo… Iyan ang problema!... Subalit kailangan natin ilagay ang lahat sa loob…»

«Idaan sa pangkusinang-hardin, Simon» sabi ni Maria sa mababang tinig. May bukasan sa bakod, sa dulo. Hindi iyan makikita, sapagkat natatakpan iyan ng mga sanga… Ngunit iyan ay nandiyan. Sundan mo ang landas sa tabing bahay, sa pagitan ng bahay at ng pangkusinang-hardin ng kapitbahay, at Ako ay pupunta upang ipakita sa iyo ang daanan… Sino ang sasama upang alisin ang mga sangang nagtatakip dito?»

«Ako… Ako…» Lahat sila ay tumakbo sa dulo ng pangkusinang-hardin habang si Pedro ay umaalis dala ang kanyang maingay na kagamitan at si Maria ni Alfeo ay isinasara ang pinto… Sa pamamagitan ng karit nililinis nila ang pangkabukirang barandilya at nagbukas ng isang madadaanan kung saan ang asno at ang kariton ay makakapasok.

«O! Bueno! At ngayon ating alisin ang lahat na ito. Nabingi ako ng mga ito!» at si Pedro ay nagmadaling putulin ang mga tali na humahawak sa mga kampanilya sa guwarnasyon.

«Bakit mo pinabayaan na mayroon niyan, noon?» tanong ni Andres.

«Upang ang lahat sa Nazareth ay marinig akong dumarating. At ito ay tagumpay… Aalisin ko na ang mga ito ngayon, upang wala sa Nazareth ang makarinig sa ating pag-alis… At iyan ang dahilan kung bakit nilagyan ko ang kariton ng mga walang-lamang kahon… Aalis tayo na may mga may-laman at walang sinuman, kung may makakita man sa atin, ang magtataka na may nakikitang isang babaeng nakaupo sa tabi ko sa ibabaw ng mga karga. Ang ating kaibigan, ang isang malayo sa atin ngayon lang, ay nagyayabang na siya ay may praktikal na sentido-komun. Ngunit mayroon din ako nito, kapag gusto ko…»

«Mawalang galang na, kapatid. Bakit kinakailangan ang lahat na ito?» tanong ni Andres na nagpainom sa asno at nagdala rito sa pangkabukirang imbakan ng mga kahoy malapit sa batong hurnuhan.

«Bakit? Hindi mo ba alam?... Guro, hindi pa ba nila nalalaman?

«Hindi, Simon. Hinihintay Kita. Halikayo sa loob ng pagawaan, lahat kayo. Ang mga babae ay tama na diyan sa kanilang kinalalagyan. Tama ang nagawa mo sa ginawa mo, Simon ni Jonah.»

Sila ay pumasok sa pagawaan, habang si Porphirea kasama ang bata at ang dalawang Maria ay nananatili sa loob ng bahay.

Ibig Ko kayo rito, sapagkat kailangan na tulungan ninyo Ako upang ilayo si Juan at si Sintike, sa napakalayo. Ako ay nagpasya nang ganyan noong Kapistahan ng mga Tabernakulo. Malinaw na nakita ninyo na hindi posible na panatilihin silang kasama natin, ni hindi natin sila mapananatili rito, na hindi pinamimiligro ang kanilang kapayapaan. Katulad ng dati, si Lazarus ng Bethany ay tutulungan Ako sa planong ito. Sila ay nasabihan na. Si Simon Pedro ay nasabihan mga ilang araw pa lamang. Kayo ay pinaaalam ngayon. Aalis tayo ng Nazareth ngayong gabi, kahit na kung umulan o maging mahangin sa halip ng sikat ng buwan ng unang kaapat. Dapat nakaalis na sana tayo. Ngunit sa palagay Ko si Simon ay maaaring nagkaroon ng mga kahirapan sa paghahanap ng masasakyan…»

«Nahirapan nga akong totoo! Halos nawawalan na ako ng pag-asa. Ngunit sa wakas nakuha ko ito mula sa isang malansi na Griyego sa Tiberias… At iyon ay mapakikinabangan…»

«Oo, mapakikinabangan iyan nang husto, lalo na kay Juan ng Endor.»

«Nasaan siya? Hindi ko pa siya nakita» tanong ni Pedro.

«Sa loob ng kanyang silid kasama si Sintike.»

«At… papaano niya ito tinanggap?» tanong muli ni Pedro.

«Napakalungkot. Ang babae din…»

«At pati rin Kayo, Guro. Ang Inyong noo ay nagkaroon ng mga guhit, na wala dati, at ang Inyong mga mata ay malungkot at mahigpit» wika ni Juan.

«Totoo iyan. Ako ay lubos na namimighati… Ngunit pagusapan natin ang dapat nating gawin. Makinig sa Aking nang mabuti, sapagkat tayo ay aalis. Tayo ay aalis ngayong gabi, sa kalahatian ng unang pagbabantay. Tayo ay aalis katulad ng mga tao na ibig tumakas… dahil sila ay may pagkakasala. Ngunit tayo ay hindi aalis upang gumawa ng masama, ni tayo ay tatakas dahil nagawa natin ito. Tayo ay aalis upang mapigilan ang ibang tao na masaktan ang mga walang-sapat na lakas na batahin ito. Kung kaya't tayo ay aalis… Tayo ay aalis daan ng Sephoris… Tayo ay titigil sa isang bahay sa kalahatian ng paglalakbay at pagkatapos aalis sa pagsikat ng araw. Ito ay isang bahay na maraming beranda para sa mga hayop. May mga pastol doon na mga kaibigan ni Isaac. Kilala Ko sila. Bibigyan nila Ako ng pag-aruga nang walang tanung-tanong. Pagkatapos kailangan nating marating ang Jiphthahel sa gabi at makapagpahinga roon. Sa palagay mo ba ang asno ay magagawa ito?»

«Sigurado! Ang matusong Griyegong iyon ay ginawa akong magbayad para diyan, ngunit binigyan niya ako ng isang malakas na hayop.»

«Mabuti. Sa susunod na umaga pupunta tayo sa Ptolemais, at tayo ay maghihiwa-hiwalay doon. Sa ilalim ng paggabay ni Pedro, na siyang inyong ulo, at na inyong kailangan na sundin nang walang anumang kondisyon, kayo ay pupunta sa Tyre sa pamamagitan ng dagat. Makatatagpo kayo roon ng isang barko na maglalayag patungong Antioch. Kayo ay sasakay at ibibigay ang sulat na ito sa may-ari ng barko. Ang sulat ay galing kay Lazarus ni Theophilus. Kayo ay paniniwalaan na kanyang mga katulong, ipinadala sa kanyang lupa sa Antioch, o kung baga sa kanyang hardin sa Antigonea. At kayo ay kailangan na maging ganyan sa lahat. Mag-ingat, maging seryoso, marunong at tahimik. Kapag kayo ay dumating sa Antioch, pumunta kaagad kay Felipe, tagapamahala ni Lazarus, at ibigay sa kanya ang sulat na ito…»

«Guro, kilala niya ako» sabi ng Zealot.

«Napakabuti.»

«Ngunit papaano siya makapaniniwala na ako ay isang katulong?»

«Sa kaso ng para kay Felipe hindi na ito kinakailangan. Nalalaman niya na kailangan niyang tanggapin at bigyan ng pag-aruga ang dalawang kaibigan ni Lazarus at tulungan sila sa bawat paraan. Iyan ay nakasulat sa liham. Dinala ninyo sila roon. Wala nang iba pa. Tinatawag kayo ni Lazarus: “kanyang minamahal na mga kaibigan mula sa Palestina”. At iyan kung ano kayo, pinagkaisa ng pananampalataya at ng kailangan ninyong gawin. Kayo ay magpapahinga roon hanggang sa ang barko ay maglalayag muli para sa Tyre pagkatapos makumpleto ang pagdiskarga at pagkarga. Mula Tyre kayo ay mamamangka patungong Ptolemais at samahan Ako sa Achzib…»

«Bakit hindi Kayo sumama sa amin Panginoon?» tanong ni Juan na may buntung-hininga.

«Sapagkat Ako ay maiiwan upang magdasal para sa inyo, at lalo na para sa dalawang kaawa-awang tao na iyon. Ako ay magpapaiwan upang magdasal. At ang Aking ikatlong taon ng pakikihalubilo sa publiko ay magsisimula. Ito ay magsisimula na may napakalungkot na pag-alis; katulad ng una at ikalawang pag-alis. Ito ay nagsisimula na may isang malaking pananalangin at pagtitika, katulad ng nagsimula ang una… Sapagkat ang taon na ito ay may kapigha-pighating mga kahirapan ng unang taon, at mas mahigit. Ako noon ay naghahanda upang ikumberte ang mundo. Ngayon Ako ay naghahanda para sa mas malawak at mas makapangyarihang aksiyon. Ngunit makinig sa Akin nang mabuti at tandaan na kung sa unang taon Ako ay ang Tao-Guro, ang Marunong na Tao Na nag-aanyaya patungo sa Karunungan nang may perpektong pagiging-tao at perpeksiyong intelektuwal, at sa ikalawa Ako ay ang Tagapagligtas at Kaibigan, ang Maawaing Guro Na dumaraan na tumatanggap, nagpapatawad, naaawa, bumábata, sa ikatlong tao Ako ay magiging ang Tagapagtubos na Diyos at Hari, ang Makatarungang Tao. Huwag, kung gayon, na magtaka kung makakita kayo ng bagong aspekto Ko, at kung sa Kordero nakakakita kayo ng mga kislap ng Lakas. Ano ang itinugon ng Israel sa Aking paanyaya ng pagmamahal, sa pagbubuka ng Aking mga kamay nagsasabing: “Halikayo: Ako ay nagmamahal at nagpapatawad”? Ito ay tumugon sa pamamagitan ng kailanman lumalagong sinasadyang kapurulan at katigasan ng puso, na may kasinungalingan at pandaraya. Maging ganyan iyan. Tinawag Ko ang lahat na hanay ng Israel, iniyuyuko Ko ang Aking ulo sa alikabok. Dinuraan nila ang Kabanalan na ipinahihiya ang sarili. Inanyayahan Ko sila na maging banal. Tumugon sila ng pagiging mga dimonyo. Ginawa Ko ang Aking katungkulan sa lahat na bagay. Tinawag nila ang Aking katungkulan na “kasalanan”. Ako ay nanahimik. Tinawag nila ang Aking pananahimik na katibayan ng pagkakasala. Ako ay nagsalita. Tinawag nila ang Aking salita na panlalapastangan. Tama na iyan, ngayon! Hindi nila Ako binigyan ng kapayapaan. Hindi nila Ako pinagkalooban ng lugod. At ang Aking lugod ay nasa pagpapalaki sa buhay ng espiritu ang bagong-panganak sa Grasya. Sila ay nakabantay sa paghihintay para sa kanila, at kinailangan Kong punitin Ko sila mula sa Aking dibdib, binibigyan sila at ang Aking sarili ng kapighatian ng mga magulang at mga anak na pinaghihiwalay, upang mailigtas sila mula sa may-masasamang-kaisipan na Israel. Sila, ang malalakas sa Israel, na tinatawag ang kanilang mga sarili na “mga tagapagpabanal” at nagmamalaki ng pagiging ganyan, ay pinipigilan Ako, ibig Akong pigilan na makapagligtas ng mga kaluluwa at magkakaroon ng kasiyahan sa mga naililigtas Ko. Maraming buwan Ko nang nakakasama si Levi, isang publikano, bilang isang kaibigan at nasa paglilingkod sa Akin, at makikita ng mundo kung si Mateo ay isang iskandalo o huwaran. Ngunit ang akusasyon ay naririyan. At iyan ay mananatiling naririyan para kay Maria ni Lazarus at para sa lahat na Aking ililigtas. Tama na iyan! Gagawin Ko ang kailangan Kong gawin, na nagiging pahirap na nang pahirap at basa ng mga luha… Ako ay lalakad… Wala ni isa sa Aking mga luha ang babagsak nang walang mangyayari. Sila ay sumisigaw sa Aking Ama… At pagdating ng araw… ang isa pang mas malakas na sasabihin ang sisigaw. Ako ay lalakad… Hayaan ang mga nagmamahal sa Akin na sundan Ako at maging lalaki, sapagkat ang mahigpit na araw ay dumarating. Ako ay hindi titigil. Walang makapagpapatigil sa Akin. Ni sila ay hindi titigil… Ngunit kapahamakan ang darating sa kanila! Kapahamakan sa kanila. Kapahamakan sa mga kung kanino ang Pagmamahal ay naging Hustisya!... Ang tanda ng bagong panahon ay mahigpit na Hustisya para sa lahat na matitigas ang ulo sa kanilang pagkakasala laban sa mga salita ng Panginoon at sa ginagawa ng Salita ng Panginoon!...»

Si Jesus ay tila isang nagpaparusang arkanghel. Ang Kanyang mga mata ay napakaningning na sasabihin ko na katulad ito ng mga apoy sa kaligiran ng mauusok na pader… Kahit na ang Kanyang tinig ay tila maningning, dahil may taginting ito ng tanso at platang hinampas nang marahas.

Ang walong apostol ay namutla at halos naging mas maliliit sa takot. Si Jesus ay tiningnan sila… puno ng awa at pagmamahal. Sinabi Niya: «Hindi kayo ang Aking tinutukoy, Aking mga kaibigan. Ang mga bantang ito ay hindi para sa inyo. Kayo ay Aking mga apostol at pinili Ko kayo.» Ang Kanyang tinig ay naging mabait at malalim. Siya ay naghinuha: «Tayo ay pumasok sa bahay. Gawin nating maramdaman ng dalawang inuusig na disipulo na sila’y ating minamahal nang higit pa sa ating mga sarili, at paaalalahanan Ko kayo na sila ay naniniwala na sila ay aalis upang ihanda ang Aking daan sa Antioch. Halikayo…»

050212

 


Sunod na kabanata