314. Patungong Jiphthahel.

Oktubre 31, 1945.

Maaaring umulan nang buong gabi. Ngunit nang pagsikat ng araw ang isang tuyong hangin ay hinipan nito ang mga ulap nang pagawing timog, sa ibayo ng mga burol ng Nazareth. Kung gayon ang isang takot na araw ng taglamig ay naglalakas loob na sumilip at pinaliliwanagan ng sinag nito ang isang diyamante sa bawat dahon ng olibo. Ngunit ito ay pamistang mga bihis na nawala kaagad sa mga punong-olibo, sapagkat ang hangin ay inilaglag ito mula sa mga dahon, na tila umiiyak ng mga tapyas ng diyamante, na nawawala sa mahamog na damuhan o sa maputik na daan.

Si Pedro ay inihahanda ang kariton at ang asno sa tulong ni Santiago at ni Andres. Ang iba ay hindi pa lumilitaw ngayon. Ngunit pagkaraan sila ay lumabas, paisa-isa, mula sa isang kusina, baka, sapagkat sinasabi nila sa tatlong nasa labas: «Makakalakad na kayo at kumuha ng makakain.» At sila ay lumakad at lumabas pagkaraan nang kaunti kasama si Jesus.

«Inilagay ko ulit ang takip sapagkat umuulan» paliwanag ni Pedro. «Kung talagang ibig Ninyong pumunta sa Jiphthahel, ito ay mapupunta sa ating mga mukha… at ito ay magiging masakit. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi natin kunin ang deretsong daan patungong Sicaminon at pagkatapos ang isang katabi ng baybayin… Ito ay mas mahaba ngunit hindi napakahirap. Napakinggan ba Ninyo kung ano ang sinabi ng pastol, ang lalaking hinimok kong magsalita? Sinabi niya: “Ang Jotopata sa mga buwan ng taglamig ay nakahiwalay. May iisang daan lamang upang makapunta roon, ngunit hindi posibleng pumunta roon na may kasamang mga tupa… hindi kayo makapagdadala ng anuman sa inyong mga balikat sapagkat may mga makikitid na daan kung saan mas makapagpapatuloy kayo sa pamamagitan ng inyong mga kamay kaysa ng inyong mga paa, at ang mga tupa ay hindi nakalalangoy. May dalawang ilog diyan, na madalas baha, at ang pinaka daan ay isang ilog na dumadaloy sa mabatong ilalim. Ako ay pumupunta roon pagkatapos ng mga Tabernakulo at sa ganap na tagsibol, at maganda ang aking pangangalakal, sapagkat bumibili sila ng panustos para sa maraming buwan”. Iyan ang kanyang sinabi… At tayo… kasama ang bagay na ito… (at kanyang sinipa ang gulong ng kariton)… at kasama ang asnong ito… bah!...»

«Ang deretsong daan mula Sephoris hanggang Sicaminon ay mas mabuti. Ngunit ito ay abalang-abala. Alalahanin na hindi tayo kailangan na mag-iwan ng mga bakas ni Juan…»

«Tama ang Guro. At baka matagpuan pa natin si Isaac kasama ang ilang disipulo… Sa Sicaminon gayunpaman!...» sabi ng Zealot.

«Tayo kung ganoon…»

«Tatawagin ko ang dalawang iyon…» sabi ni Andres.

At habang ginagawa niya ito, si Jesus ay nagpapaalam sa isang matandang babae at isang batang lalaki na lumalabas sa isang kulungan ng tupa may dalang mga balde ng gatas. Ilang mga balbasing pastol ang dumating din at pinasasalamatan sila ni Jesus para sa pagtanggap na ibinigay sa Kanya sa loob ng maulan na gabi.

Sina Juan at Sintike ay nasa loob na ng kariton, na tumatakbo na sa daan, minamaneho ni Pedro. Si Jesus kasama ang Zealot at si Mateo sa Kanyang tabi, at sinusundan nina Andres, Santiago, Juan at ng dalawang anak ni Alfeo, ay binilisan ang paglakad upang maabutan ito.

Ang hangin ay pinakikirot ang kanilang mga mukha at pinalulobo ang kanilang mga manta. Ang takip na nakaunat sa ibabaw ng mga arko ng kariton ay natanggal katulad ng isang layag samantalang naging mabigat ito gawa ng ulan sa gabi: «Hindi na bale, matutuyo iyan maya-maya!» ungol ni Pedro tinitingnan ito. «Maliban na ang mga baga ng kaawa-awang lalaking iyon ay hindi matutuyo!... Sandali, Simon ni Jonah… Iyan ang iyong ginagawa.» At kanyang pinatigil ang asno, hinubad ang kanyang manta, bumaba sa kariton at binalot nito si Juan nang mabuti.

«Bakit, mayroon na ako…»

«Sapagkat sa paghihila ng tali ng asno ako ay naiinitan na katulad na ako ay nasa loob ng pugon. At ako ay sanáy na nakahubad sa ibabaw ng bangka, lalo na kung may bagyo. Ang lamig ay napakikilos ako at mas mabilis ako. Sige na, tiyakin na ikaw ay nababalot nang mabuti. Maraming ginawa si Maria na mga mungkahi sa akin sa Nazareth, na kung ikaw ay magkasakit, hindi ko na Siya mahaharap muli…»

Siya ay bumaba sa kariton, kinuha muli ang tali at pinakilos ang asno. Ngunit kinailangan niyang tawagin kaagad ang kanyang kapatid at si Santiago rin upang tulungan ang asno na makaahon sa maputik na lugar kung saan bumagsak ang gulong. At sila ay nagpatuloy, tinutulak ang kariton nang halinhinan upang tulungan ang asno na ibinábaon ang malalakas na paa nito sa putik at mahila ang kariton. Ang kaawa-awang hayop ay humahangos at sumisinghal sa pagod at sa katakawan sapagkat pinakikitaan ito ni Pedro ng mga kapirasong tinapay at mga ubod ng mansanas, na, bagama't, ibinibigay niya kapag sila ay tumigil nang sandali.

«Ikaw ay nandaraya, Simon ni Jonah» sabi ni Mateo nang pabiro pagkatapos na mapanood si Pedro na nagmamanyobra.

«Hindi. Ginagawa ito na gawin niya ang kanyang tungkulin, at ginagawa ko ito nang may-kabaitan. Kung hindi ko gagawin ito, kailangang gamitin ko ang hagupit. At ayaw ko niyan. Hindi ko hinahampas ang aking bangka kapag iyon ay nagwawala, bagama't gawa siya sa kahoy. Bakit ko hahampasin ang asno, na isang laman? Ito ang aking bangka ngayon… ito ay nasa tubig… nasa tubig ngang totoo! Kung kaya’t ginagawa ko rito kung ano ang aking ginagawa sa aking bangka. Hindi ako si Doras, alam mo? Ibig kong pangalanan ito ng Doras, bago ko ito binili. Pagkatapos napakinggan ko ang pangalan nito. Kung kaya't hindi ko na binago ito…»

«Ano ang pangalan?» tanong nila nang mausisa.

«Hulaan!» at si Pedro ay tumatawa sa pamamagitan ng kanyang balbas.

Ang pinaka-kakaibang mga pangalan ay binabanggit kasama na ang mga pangalan ng pinaka-matatapang na Pariseo at mga Saduseo atbp.. Ngunit laging iniiling ni Pedro ang kanyang ulo. Sila ay umatras na.

«Antonius ang pangalan nito! Hindi ba't magandang pangalan ito? Ang isinumpang Romanong iyon! Kitang-kita na pati ang Griyegong nagbenta sa akin nito ay may galit kay Antonius!»

Lahat sila ay tumatawa habang si Juan ng Endor ay nagpapaliwanag: «Baka isa siya sa mga kinikilan ng pera pagkatapos ng kamatayan ng Caesar. Matanda na ba siya?»

«Mga pitumpung taong gulang… at maaaring ginawa na niya ang lahat na klase ng trabaho… Nagmamay-ari na siya ng isang otel sa Tiberias…»

Sila ay nasa sangahan na ng mga daan ng Sephoris sa mga daang Nazareth-Ptolemais, Nazareth-Sicaminon, Nazareth-Jotopata (kailangan kong sabihin na ang bigkas nila sa J ay napakalambot na G). Sa konsular na muson naroon ang tatlong indikasyon ng Ptolemais, Sicaminon, Jotopata.

«Tayo ba ay pupunta ng Sephoris, Guro?»

«Totoong walang silbi ito. Tayo na sa Jiphthahel, na hindi tumitigil. Kakain tayo ng kahit ano habang naglalakad. Dapat makarating tayo roon bago gumabi.»

Sila ay nagpatuloy at tinawid ang dalawang ilog na nasa pagbaha, at nagsimulang akyatin ang mga dalisdis ng isang hilera ng mga burol na nasa pagawing timog-hilaga na may isang malaking matarik na lupa sa hilaga umuunat nang pasilangan.

«Ang Jiphthahel ay nasa banda roon» sabi ni Jesus.

«Wala akong makita» wika ni Pedro.

«Ito ay nasa hilaga. Ang dalisdis ay napakatarik sa ating direksiyon, pati na rin sa silangan at sa kanluran.»

«Kung gayon kailangan nating kumanan paikot sa lahat ng bundok na iyon?»

«Hindi. May daan sa paanan ng pinakamataas na bundok, sa lambak. Ito ay maikling daan, ngunit ang daan ay napakatarik.»

«Nakarating ka na ba roon?»

«Hindi. Ngunit alam ko.»

Ang daan ay matarik ngang totoo! Kung kaya't nang sila ay makarating, sila ay natakot. Ang gabi ay tila naririto na kaagad, napakadilim nito sa ilalim ng lambak, na labis na nakakatakot at maraming bangin upang ito ay nagpapaalaala sa akin ng Dantesque Malebolge; ito ay isang daan na inukit sa bato, napakatarik na ito ay halos tumataas nang baytang-baytang, isang makitid na mabangis na daan na nasa pagitan ng isang nagngangalit na ilog at ng mas makulubot pang panabi ng bundok na nagiging mas matarik habang ang isa ay nagpapatuloy pagawing hilaga. Si Juan ng Endor, na pagkatapos ng kanyang kaunting mga salita ay hindi na muli nagbukas ng bunganga bagkus upang umubo, ay ibig na rin bumaba. Ngunit hindi nila siya pinayagan at nanatili siya sa kanyang kinalalagyan, habang ang iba pa ay tumutulak o humihila sa kariton at ang asno pinagpapawisan sa bawat paakyat ng daan. Ngunit walang nagrereklamo sa kanila. Sa kabaligtaran lahat sila ay nagkukunwaring nasisiyahan sa hersisyo upang hindi mapahiya ang dalawang disipulo para kung kanino ginagawa nila ito at mahigit pang minsan na nagpakita na ng kanilang kalungkutan para sa labis na pagtatrabaho.

Ang daan ay lumiko nang bigla, pagkatapos mayroon pang isang kanto, mas maikling kanto, na nagtatapos sa isang bayan na nasa matarik na dalisdis na, katulad ng sinabi ni Juan ni Zebedeo, ito ay nasa punto nang dumalusdos sa lambak kasama ang mga bahay.

«Ito sa halip, ay solidung-solido. Lahat kaisa ng bato.»

«Katulad ng Ramoth kung gayon…» sabi ni Sintike na nakaalaala sa lugar.

«Higit pa. Ang bato rito ay bahagi ng mga bahay, hindi lamang kanilang pundasyon. Mas nakapagpapaalaala ito sa akin ng Gamala. Naaalaala mo ba ito?»

«Oo, at naaalaala rin natin ang mga baboy…» sabi ni Andres.

«Iyon ay mula roon kung saan tayo umalis patungong Tarichea, Tabor at Endor…» sabi ng Zealot.

«Ito ay aking kapalaran na bigyan kayo ng masasakit na alaala at mabigat na pagtatrabaho…» sabi ni Juan ng Endor na may buntong-hininga.

«Hindi kailanman! Nabigyan mo kami ng matapat na pakikipagkaibigan at wala nang iba pa, aking kaibigan» sabi ni Judas ni Alfeo nang bigla. At ang lahat ay sinang-ayunan siya sa kanyang sinabi.

«Subalit sa kabila nito… ako ay hindi minahal… Walang nagsasabi sa akin… Ngunit nakakapagnilay-nilay ako at mapagdudugtung-dugtong ko ang mga pangyayari, katulad sa isang larawan. Ang pag-alis na ito ay hindi inaasahan at isang di kusang disisyon…»

«Bakit mo sinasabi iyan, Juan?» tanong nang may-kabaitan ni Jesus, bagama't Siya ay napahihirapan.

«Sapagkat iyan ay totoo. Hindi ako ginugusto. Ako ang pinili na mapunta sa malayo, walang iba, ni kahit ang dakilang mga disipulo.»

«At ano si Sintike, kung gayon?» tanong ni Santiago ni Alfeo, namimighati sa kalinawan ng kaisipan ng lalaki mula sa Endor.

«Si Sintike ay sumasama upang hindi ako ipadala na nag-iisa… upang kaawa-awang maitago ang katotohanan…»

«Hindi, Juan!...»

«Oo, Guro. Kita Ninyo? Masasabi ko rin sa Inyo ang pangalan ng nagpapahirap sa akin. Nalalaman ba Ninyo kung saan ko ito mababasa? Sa pagtingin lamang sa walong mabubuting ito mababasa ko! Sa pag-iisip lamang tungkol sa ausensiya ng iba mababasa ko! Ang isa na sa pamamagitan niya natagpuan Ninyo ako ay ang isa rin na gusto akong matagpuan ni Beelzebub. At dinala niya ako sa pagkakataong ito, at dinala niya Kayo rito, Guro, sapagkat naghihirap Kayo katulad ko, baka mas mahigit pa, at dinala niya ako sa pagkakataon na ito upang ako ay bumalik sa kawalang-pag-asa at kapootan. Sapagkat siya ay masama, malupit, mainggitin. At higit pa. Si Judas Iskariote ay ang maitim na kaluluwa sa pagitan ng Inyong mga lingkod, na lahat ay kasing linaw ng liwanag…»

«Huwag mong sabihin iyan, Juan. Hindi lamang siya ang tanging nawawala. Lahat sila ay umalis para sa Dedikasyon, maliban sa Zealot, na walang pamilya. Ang isa ay hindi makapupunta mula sa Kerioth sa panahon na ito sa kakaunting mga pagtigil. Ito ay mga dalawang-daang milyang lakarín. At tama lamang na siya ay pumunta at bisitahin ang kanyang ina, katulad ni Tomas. Pinagpaliban Ko rin si Natanael, sapagkat siya ay matanda na, at si Felipe, upang may kasama si Natanael…»

«Oo. Tatlo pa ang wala… Ngunit, o mabuting Jesus! Nalalaman Ninyo ang mga puso ng tao, sapagkat Kayo ay ang Banal na Isa. Ngunit hindi lamang Kayo ang nakaaalam sa mga ito! Ang masasama ay nakikilala din ang masasama, sapagkat kilala nila ang isa’t isa. Ako ay masama noon, at nakita kong muli ang aking sarili, sa pamamagitan ng pinaka masasama kong katutubong kalikasan, kay Judas. Ngunit pinatatawad ko siya. Para sa isang rason ko lamang siya pinatatawad, sa pagpadala niya sa akin sa malayo upang mamatay: sapagkat tanging sa pamamagitan lamang niya na ako ay nakapunta sa Inyo. At sana patawarin siya ng Diyos para sa iba pa… para sa lahat na iba pa.»

Hindi ni Jesus ito pinasisinungalingan… Siya ay tahimik. Ang mga apostol ay nagkatinginan habang tinutulak ang kariton sa madulas na daan.

Halos gabi na nang marating nila ang bayan, kung saan ang di-kilalang mga tao sa pagitan ng di-kilalang mga tao, ay tumuloy sa isang otel sa timog na dulo ng bayan. Ito ay nasa gilid ng isang bangin, na malulula ang isa sa pagtingin sa ibaba, dahil napakatarik at malalim ito. Sa ibaba: isang ingay at wala nang iba pa sa loob ng anino ng kapayapaan na nasa lambak na, kung saan ang isang ilog ay umaatungal.

040312

 

 

 

 


Sunod na kabanata