315. Ang Pagpapaalam ni Jesus sa Dalawang Disipulo.

Nobyembre 1, 1945.

Ito ay nasa gayon ding daan, na maging ano pa man ang tanging daan sa lambak na ito na nagmumukhang pugad ng isang agila sa ibabaw ng nag-iisang tuktok ng bundok, na sila ay naglalakbay muli sa sumunod na araw, pinahihirapan ng malamig na panahon na humahadlang sa kanilang pagmamartsa. Si Juan ng Endor ay napilitan din na bumaba sa kariton, sapagkat ang pababa ay mas delikado kaysa ng paakyat, at kung ang asno na nag-iisa lamang ay hindi mamimiligro, ang bigat ng kariton, itinutulak ng dalisdis, ay magagawang mahirap ang sitwasyon para sa kaawa-awang hayop. Ang mga apostol ay namomroblema din ngayon, dahil sila ay pinagpapawisan hindi sa pagtulak bagkus sa pagpigil sa kariton, na baka makawalang pababa at magkaroon ng sakuna o, kung man lamang, mawala ang karga.

Ang daan ay nakakatakot sa mga ikatlong bahagi ng kahabaan, ang huling haba patungo sa lambak. Pagkatapos ito ay sumangá, at ang sangang pagawing hilaga ay naging mas komportable at pantay. Sila ay tumigil upang magpahinga pinupunas ang kanilang pawis at si Pedro ay ginantimpalaan ang asno, na iwiniwisik ang mga tainga nito nanginginig at kinakapos ang hininga, kitang-kita na nasa malalim na pag-iisip tungkol sa masakit na sitwasyon ng mga asno at tungkol sa mga kapritso ng mga tao na pinipili ang partikular na mga daan. Tila ipinapakahulugan ni Simon ni Jonah ang mga konsiderasyon na ito sa mapag-isip na hitsura ng hayop at upang maitaas ang espiritu nito nagbítin siya sa leeg nito ng isang bag ng maliliit na balatong, at habang dinudurog ng asno ang matigas na pagkain nang ganadung-ganado, ang mga tao ay kumakain din ng tinapay at keso at umiinom ng gatas na puno nito ang kanilang mga prasko.

Ang pagkain ay tapos na. Ngunit si Pedro ay ibig na bigyan ng tubig ang «kanyang Antonius na mas karapat-dapat ng parangal kaysa kay Caesar» sabi niya, at kumukuha ng balde mula sa kariton umigib siya ng tubig mula sa isang ilog na umaagos patungo sa dagat.

«Makalalakad na tayo ngayon… At ibig namin na patrotehin ang asno dahil sa palagay ko ang kabukiran ay pantay sa ibayo ng burol na iyon… Ngunit hindi namin magagawa. Subalit, magpapatuloy tayo nang mabilis. Halika ka na, Juan, at ikaw, babae. Sumakay at lumakad na tayo.

«Ako ay sasakay din, Simon, at Ako ang magpapatakbo. Kayong lahat ay susunod sa amin…» sabi ni Jesus nang kaagad ang dalawa ay nakasakay na sa kariton.

«Bakit? Hindi ba mabuti ang pakiramdam Ninyo? Maputlang-maputla Kayo!...»

«Hindi, Simon. Ibig Kong magsalita sa kanila nang nag-iisa…» at itinuturo Niya ang dalawa, na mga namumutla rin, dahil nabatid nila na ang sandali ng pagpapaalam ay dumating na.

«Ah! Sige. Sakay na Kayo at susundan namin Kayo.»

Si Jesus ay naupo sa tabla ginagamit na upuan ng drayber at nagsabi: «Halika sa tabi Ko, Juan. At ikaw, Sintike, lumapit sa Akin…»

Si Juan ay naupo sa kaliwa ni Jesus at si Sintike sa Kanyang paanan, halos nasa gilid ng kariton, na ang kanyang likod nakaharap sa daan, at ang kanyang mukha nakataas kay Jesus. Sa kanyang kasalukuyang pusisyon, nakaupo sa kanyang mga sakong, nakapahingalay na tila kanina siya ay napabibigatan ng umuupos sa kanya, ang kanyang mga kamay nasa kanyang mga lapi at magkahawak upang mapatigil, dahil ito ay nanginginig, na ang kanyang pagod na mukha at napakagandang maitim na biyoletang mga mata napalabo ng maraming mga luha na iniluha, sa lilim ng kanyang belo at manta na hinilang pababa sa kanyang noo, siya ay tila ang namamanglaw na Pieta.

Na hindi na babanggitin si Juan!... Sa palagay ko kung ang kanyang pagbibitayan ay nasa ibaba ng daan, hindi siya mababalisa.

Ang asno ngayon ay pamamasyal ang paglakad at napaka-masunurin at maunawain na si Jesus ay hindi napipilitan na ito ay bantayan. At sinamantala ni Jesus ang sitwasyon at ibinaba ang mga renda at kinuha ang kamay ni Juan at inilagay ang isa pa sa ibabaw ng ulo ni Sintike.

«Aking mga anak, pinasasalamatan Ko kayo para sa lahat na lugod na ibinigay ninyo sa Akin. Ang taon na ito para sa Akin ay kinalatan ng mga bulaklak ng lugod, sapagkat nagawa Kong kunin ang inyong mga kaluluwa at hawakan ito sa harapan Ko, upang itago ang pangit na mga bagay ng mundo, maamoy ang hangin na pinasamâ ng mga kasalanan ng mundo, maitanim ang kabaitan sa Aking Sarili at mapatotohanan ang Aking pag-asa na ang Aking misyon ay hindi nagiging walang kabuluhan. Si Marjiam, ikaw, Aking Juan, si Ermasteus, ikaw, Sintike, si Maria ni Lazarus, si Alexander Misace at ang iba pa… Ang pinanalunan na mga bulaklak ng Tagapagligtas, Na tanging mga tao lamang na may matutuwid na puso ang makababatid na ganyan… Bakit mo iniiling ang iyong ulo, Juan?»

«Sapagkat Kayo ay mabuti at inilalagay Ninyo ako sa hanay ng mga tao na may matutuwid na puso. Ngunit ang aking kasalanan ay laging naririyan sa akin…»

«Ang iyong kasalanan ay ang bunga ng laman na pinukaw ng dalawang masamang tao. Ang pagkamatuwid ng iyong puso ay ang pundasyon ng iyong matapat na kaakuhan, mapagmithi ng matatapat na bagay, ngunit sawing-palad sapagkat inagaw ito sa iyo ng kamatayan o ng kasamaan, ngunit kahit pa ganito ang iyong kaakuhan ay hindi kinapos upang mabuhay sa ilalim ng pabigat ng labis na kapighatian. Naging sapat na iyon para sa tinig ng Tagapagligtas na makapasok sa kailaliman ng iyong puso, kung saan ang iyong kaakuhan ay nananamlay, at ikaw ay napatayo sa iyong mga paa, ipinapagpag ang lahat ng pabigat na nasa sa iyo, upang pumunta sa Akin. Hindi ba't ganito ito? Kung gayon ikaw ay matuwid sa puso. Mahigit, mas mahigit pa sa iba na wala ng iyong kasalanan, ngunit marami ng mas malalala pa, sapagkat iyon ay sinasadya at may-katigasang pinananatiling buhay…

Sana ikaw, kung gayon, kayong mga bulaklak ng Aking tagumpay bilang Tagapagligtas, ay pagpalain. Sa mapurol na masungit na mundong ito, na pinasasawa ang Tagapagligtas ng kapaitan at pagkasuklam, kayo ay nagprisinta ng pagmamahal. Salamat sa inyo! Sa pinakamahirap na mga oras ng taon na ito inilalagay Ko kayo sa Aking isip upang mapaginhawahan at masuportahan. Sa mas mahihirap pang oras, na Aking paghihirapan, mas lalo Ko pa kayong ilalagay sa isip. Hanggang sa Aking kamatayan. At mapapasa-Akin kayo magpakailanman. Ipinangangako Ko sa inyo.

Pinagkakatiwalaan Ko kayo ng Aking pinakamamahal na mga interes, ibig sabihin, ang paghahanda sa Aking Simbahan sa Asya Minor, kung saan hindi Ako makapupunta, sapagkat ang lugar ng Aking misyon ay dito, sa Palestina, at dahil din ang paurong na kaisipan ng malalakas sa Israel ay masasaktan Ako sa lahat na posibleng paraan, kung Ako ay pumunta sa ibang lugar. Sana mas marami pa Akong mga Juan at mga Sintike para sa iba pang mga bansa, upang ang Aking mga apostol ay matagpuan ang lupa na naararo na upang ikalat ang butil sa oras na darating!

Maging matiyaga at mapasyensiya, at malakas din, upang makapasok at makapagpasyensiya. Makatatagpo kayo ng kapurulan at panunuya. Huwag iyang makapagpahina sa loob ninyo. Sabihin: “Kumakain kami ng tinapay at umiinom sa iisang kalis katulad ng aming Jesus”. Hindi kayo mas mahalaga kaysa sa inyong Guro at hindi kayo makaaasa na magkaroon ng mas mabuting katayuan. Ito ang pinakadakilang kayamanan: ang magkaroon ng bahagi sa katayuan ng Guro. Binibigyan Ko kayo ng isang utos lamang: huwag panghinaan ng loob, huwag pagsikapan na mabigyan ang inyong sarili ng kasagutan kung bakit kayo ipinadala sa malayo; hindi kayo ipinatatapon, katulad ng maaaring isipin ni Juan, hindi, kayo ay inilalagay sa pamasukan ng inyong Amangbayan bago ang lahat pang iba, sapagkat kayo ay naperpektong mga lingkod, katulad ng wala pang iba. Ang Langit ay bumaba sa inyo katulad ng isang maternal na talukbong at ang Hari ng Langit ay pinatutuloy na kayo sa Kanyang sinapupunan, at poprotektahan sa ilalim ng Kanyang maningning na mga pakpak ng pagmamahal, katulad ng panganay na anak ng di-mabilang na kuyog ng mga lingkod ng Diyos, ng Salita ng Diyos, Na sa ngalan ng Ama at ng Eternal na Espiritu ay pinagpapalà na kayo ngayon at magpakailanman.

At magdasal para sa Akin, ang Anak ng Tao, Na patungo sa lahat ng pagpapahirap sa Tagapagtubos. O! Ang Aking Pagiging-Tao ay malapit nang durugin sa pamamagitan ng pinakamapait na karanasan!... Magdasal para sa Akin. Kakailanganin Ko ang inyong mga dasal… Magiging mga haplos iyan… Magiging mga pagpapahayag iyan ng pagmamahal… Matutulungan Ako niyan, na sana Ako ay hindi dumating sa sukdulan na sabihin: “Ang buong sangkatauhan ay gawa sa mga dimonyo”…

Paalam, Juan! Halikan mo Ako ng pagpapaalam… Huwag umiyak… Pananatilihin kitang kasama Ko, hanggang sa matanggalan Ako ng mga kapiraso ng laman ng Aking katawan, kung hindi Ko nakita ang lahat na kabutihan na ibibigay ng paghihiwalay na ito kapwa para sa iyo at para sa Akin. Eternal na kabutihan… Paalam, Sintike. Oo, maaari mong halikan ang Aking mga kamay, ngunit tandaan na, kung ang kaibahan sa kasarian ay napipigilan Akong halikan ka bilang isang kapatid na babae, ibinibigay Ko ang Aking pagkamagkapatid na halik sa iyong kaluluwa… At hayaan ang inyong mga kaluluwa na maghintay para sa Akin. Ako ay darating. Ako ay malalapit sa inyong gawain at sa inyong mga kaluluwa. Tiyak na malalapit Ako, sapagkat kung ang Aking pagmamahal para sa tao ay ikinulong ang Aking dibinong Kalikasan sa loob ng mortal na laman, hindi nito nilimitahan ang kalayaan nito. At bilang Diyos Ako ay malayang pumunta sa mga karapat-dapat na mapasakanila ang Diyos. Paalam, Aking mga anak. Ang Panginoon ay kasama ninyo…»

At pinilit Niyang makawala ang Kanyang Sarili sa nanginginig na hawak ni Juan, na humawak sa Kanyang mga balikat, at ni Sintike, na nakakapit sa Kanyang mga tuhod, at Siya ay tumalon mula sa kariton, kumakaway ng pagpapaalam sa Kanyang mga apostol, tumatakbong palayo sa daan na Kanyang pinanggalingan, kasing bilis ng hinahabol na usa… Ang asno ay tumigil, nararamdaman na ang mga renda, na dati nasa mga tuhod ni Jesus, ay tuluyang bumagsak. Ang walong nagtatakang apostol ay tumigil din at tinitingnan ang Guro Na lumalayo nang lumalayo.

«Siya ay umiiyak…» bulong ni Juan.

«At kasing putla Niya ang isang patay na katawan…» bulong ni Santiago ni Alfeo.

«Ni hindi Niya dala ang Kanyang sako… Ayón iyon sa kariton…» wika ng isa pang Santiago.

«At ano na ang Kanyang gagawin ngayon?» tanong ni Mateo.

Si Judas ni Alfeo ay sumigaw sa tuktok ng kanyang malakas na tinig: «Jesus! Jesus! Jesus!...» Ang alingawngaw ng mga burol ay tumugon sa malayo: «Jesus! Jesus! Jesus!...» Ngunit ang berdeng punungkahoy sa isang paliko ng daan ay itinago ang Guro, Na ni hindi lumilingon upang tingnan kung sino ang tumatawag sa Kanya…

«Siya ay wala na… Ang tanging magagawa natin ay ang lumakad na rin…» sabi ni Pedro nang malungkot, sumasakay sa kariton at kinukuha ang mga renda upang pakilusin ang asno.

At ang kariton ay nagsimulang lumakad at ang pag-ingit nito ay humahalo sa kumpas ng tunog ng bakal na mga sapatos ng asno at sa nagdadalamhating pag-iyak ng dalawang disipulo, na nangungulila sa ilalim ng kariton ay umuungol: «Hindi na natin Siya makikitang muli, hindi na muli…»

040312

 

 

 

 


Sunod na kabanata