316. Ang Kapighatian, Panalangin at Pagpapakasakit ni Jesus.

Nobyembre 2, 1945.

Si Jesus ay muling nasa paanan ng masibong kataasan kung saan ang Jiphthahel ay itinayo. Ngunit Siya ay wala sa pangunahing daan (tawagin natin itong ganyan) o daang-asno, kung saan dumaan ang kariton. siya sa halip ay nasa isang maliit na daang-tao angkop para sa mga ibex, napakatarik nito, may nakakalat na malalaking tapyas ng bato at malalalim na butas, at tila nakakabit ito sa panabi ng bundok; sasabihin ko na ito ay iniukit sa patayong mukha ng bundok, na nagmumukha na tila ito ay kinahig ng isang malaking pangalmot. Sa gilid nito ay may isang bangin, isang matarik na malalim na bagsak, sa ibaba nito kung saan ay ang isang galít na ilog na bumubulâ. Ang madulas dito ang ibig sabihin ay ang mahulog nang wala nang pag-asa, patalbug-talbog sa mga puno na tumubo sa pagitan ng mga uka ng mga bato, hindi ko alam kung papaano, dahil hindi sila tumubo nang patayo, na normal sa mga tanim, bagkus pahilis at pahalang pa, napilitan ng kanilang katayuan. Ang madulas dito ang ibig sabihin ang magkagutay-gutay ng ganyang mga tanim, o ang mabalian ng likod sa pagkabangga sa matitigas na sanga ng mga punungkahoy sa kalaliman. Ang madulas doon ibig sabihin ang magkalaslas-laslas ng mga batong may matatalas na gilid nakausli mula sa tabi ng bangin. Ang madulas doon ibig sabihin ang mahulog na dumurugo at pira-piraso sa bumubulang tubig ng galít na ilog at malunod, at mahigang lunod sa ibabaw ng matutulis na bato sa ilalim ng ilog at mahampas ng marahas na tubig. Subalit sa kabila nito si Jesus ay naglalakad sa landas na iyon, sa galos na iyon sa bato, na mas delikado pa gawa ng pagka-basa ng tumataas na hamog mula sa ilog, o gawa ng mga nahuhulog mula sa mas mataas na mukha ng bangin at mula sa mga tanim na tumutubo sa pataas na mukhang iyon, na sasabihin ko na medyo lubog.

Siya ay nagpapatuloy nang dahan-dahan, maingat, tinitingnan ang bawat hakbang sa matatalas na bato, ang ilan nito ay umuuga, kung minsan Siya ay napipilitan na idikit ang sarili sa tabi ng bundok kapag lumiliit ang landas; at upang makaraan sa ilan na mas partikular na delikadong mga lugar, kinakailangan Niyang humawak sa mga sangang nakabitin mula sa mga bato. Inikutan Niya ang kanlurang panabi nang ganyan at narating ang timog na panabi, kung saan ang bundok, pagkaraan ng tuwid na bagsak mula sa tuktok, ay naging mas mangkok kaysa sa iba pang lugar, nagagawa ang landas na lumuwang nang kaunti, subalit nababawasan ang taas, kung kaya't si Jesus ay kinakailangan na iyuko ang Kanyang ulo maya’t maya upang maiwasan ang mauntog ito sa mga bato.

Baka binabalak Niya na tumigil doon, kung saan ang landas ay natapos nang bigla, dahil sa isang pagguho. Ngunit nang makita Niya na sa ilalim ng bangin ay may isang kuweba, isang bitak sa bundok kaysa isang kuweba, ibinaba Niya ang Kanyang sarili sa pagitan ng mga laglag na bato. Siya ay pumasok. Mayroong biyak sa una, pagkatapos isang malaking gruta sa loob, na tila ang bundok ay inukaan nang matagal nang panahon ng isang tao, para sa di-malamang dahilan. Malinaw na makikita na ang natural na mga kurba ng bato ay pinalapad ng tao, na, sa tabi katapat ng pasukan, ay nagbukas ng isang makitid na koridor, sa dulo nito kung saan ay may guhit ng liwanag, at ang malayong mga kakahuyan ay makikita, na nagpapatunay na ang koridor ay lumalagos sa nakausling bahagi ng bundok mula sa timog hanggang silangang panabi.

Si Jesus ay ipinuslit ang Sarili sa makitid na medyo madilim na tunel at naglakad dito hanggang narating Niya ang bukas na dulo, na nasa itaas ng daan na Kanyang pinanggalingan kasama ang mga apostol at ang kariton upang pumuntang paakyat sa Jiphthahel. Ang mga bundok na nakapaligid sa lawa ng Galilee ay nasa harapan Niya, sa ibayo ng lambak, at sa hilagang-silangan ang dakilang Hermon ay nagniningning sa ma-niyebeng manta nito. Magagaspang na baytang ay inukit sa tabi ng bundok, na hindi napakatarik dito, ni sa pataas o sa pababa at ang mga baytang ay patungo sa daang-asno, na nasa lambak, at patungo rin sa tuktok ng bundok kung saan naroroon ang Jiphthahel.

Si Jesus ay nasisiyahan sa Kanyang paggagalugad. Bumalik Siya sa malaking kuweba at naghahanap ng ligtas na lugar kung saan nagtambak Siya ng tuyong mga dahon na nadala ng hangin sa loob. Isang napakaabang banig, isang manipis na sapin ng tuyong mga dahon sa pagitan ng Kanyang katawan at ng purong mala-yelong lupa… Siya ay bumagsak dito at nanatiling walang-galaw, nakahiga na ang Kanyang mga kamay nasa ilalim ng Kanyang ulo, tinititigan ang mabatong kisame, buhós sa pag-iisip, sasabihin ko taranta, katulad ng isa na may dinadalang mabigat o nahampas ng kapighatian na mas malakas pa kaysa sa kanyang makakayanan.

Pagkatapos mga luha, walang mga paghikbi, ang nagsimulang bumagsak nang unti-unti mula sa Kanyang mga mata at dumaloy sa tigkabilang tabi ng Kanyang mukha, nawawala sa loob ng Kanyang buhok, malapit sa Kanyang mga tainga, at nagtatapos sa tuyong mga dahon… Siya ay lumuluha nang ganyan, sa loob ng mahabang oras, na hindi nagsasalita o gumagalaw… Pagkatapos Siya ay naupo, at na ang Kanyang ulo nasa pagitan ng Kanyang nakataas na mga tuhod, yakap ng Kanyang magkakapit na mga kamay, tinatawag Niya ang Kanyang nasa-malayong Ina, nang buong kaluluwa Niya: «Inay! Inay! Inay Ko! Aking eternal na katamisan! O! Inay, sana malapit Kayo sa Akin! Bakit hindi Ko Kayo laging nakakasama, ang tanging kaginhawahan ng Diyos?»

Tanging ang hungkag na kuweba lamang ang tumutugon sa Kanyang mga salita at Kanyang mga hikbi sa pamamagitan ng bulong ng isang mahinang alingawngaw, at tila ito ay umiiyak at humihikbi mismo sa pamamagitan ng mga gilid at mga bato at ng iilan at maliliit pa rin na mga estalaktita nakabitin sa isang sulok, ang isang baka pinaka-lantad sa internal na aktibidad ng tubig.

Si Jesus ay nagpapatuloy sa pag-iyak, bagama't mas kalmante, na tila ang simpleng panawagan para sa Kanyang Ina ay napaginhawahan Siya at ang Kanyang pag-iyak ay unti-unting naging isang monologo. «Sila ay nakaalis na… Bakit? Kaninong kasalanan iyon? Bakit kailangan Kong pamighatiin sila nang gayon? At pamighatiin ang Aking sarili, sa dahilan na ang mundo ay pinupuno ang bawat araw Ko ng pagdurusa?... Judas !»…

Hindi ko alam kung saan naglalakbay ang isip ni Jesus nang itiningala Niya ang Kanyang ulo mula sa Kanyang mga tuhod at tumingin sa nasa harapan Niya na may malalaking nakabukas na mga mata at banat na mukha ng isang tao na nakalublob sa panonood ng isang bisyon tungkol sa espirituwal na mga pangyayari sa hinaharap o nasa malalim na pagninilay-nilay. Siya ay hindi na umiiyak. Ngunit Siya ay kitang-kitang naghihirap. Siya pagkaraan ay tila tumutugon sa isang di-nakikitang kausap. At Siya ay tumayo upang gawin ito.

«Ako ay isang tao, Ama. Ako ang Tao. Ang birtud ng pakikipagkaibigan, na sinugatan at inagaw sa Akin, ay namimilipit at umuungol nang kapigha-pighati… Alam Ko na kailangan Kong paghirapan ang lahat. Nalalaman Ko bilang Diyos at bilang Diyos gusto Ko ito para sa kabutihan ng mundo. Bilang tao nalalaman Ko rin, sapagkat ang Aking dibinong espiritu ay sinasabihan ang Aking pagiging-tao. At bilang din isang tao gusto Ko ito, para sa kabutihan ng mundo. Ngunit gaano ito kapigha-pighati, o Ama! Ang oras na ito ay mas kapigha-pighati pa kaysa sa isang ipinamuhay Kong kasama ang Inyong Espiritu at Akin sa disyerto… At mas malakas pa ang kasalukuyang tukso na huwag mahalin at huwag batahin sa tabi Ko ang malahod na mapagpahirap na nilikha, na ang pangalan ay Judas, ang dahilan ng matinding kapighatian na Ako ay puno at nagpapahirap sa mga kaluluwa kung kanino nagbigay Ako ng kapayapaan. Ama, nababatid Ko ito. Kayo ay nagiging mahigpit at mas mahigpit pa habang nilalapitan Ko ang katapusan ng Aking pagbabayad-kasalanan sa katauhan ng Sangkatauhan. Ang Inyong kabaitan ay papalayo-nang-papalayo sa Akin, at ang Inyong hitsura ay pahigpit-nang-pahigpit sa Aking espiritu, na tinatanggihan nang lalu’t lalo pa patungo sa kalaliman, kung saan ang Sangkatauhan, nahampas ng Inyong kaparusahan, ay matagal nang umuungol sa loob ng libu-libong taon. Kaaya-ayang maghirap noon, kaaya-aya ang paraan sa pagsimula ng Aking buhay, kaaya-aya din nang mula sa anak ng isang karpintero Ako ay naging ang Guro ng mundo, pinupunit ang Aking Sarili palayo mula sa isang Ina upang ibigay sa Inyo, Ama, ang tao na bumagsak. Iyon ay kaaya-aya pa rin sa Akin, kompara sa kasalukuyang oras, na makipagbuno sa Kaaway, sa Panunukso sa disyerto. Hinarap Ko siya nang may katapangan ng isang bayani na may buong lakas… O! Ama!... Ang Aking lakas ngayon ay nahahadlangan ng kawalang-pakialam ng napakaraming tao at ng kaalaman tungkol sa napakaraming mga bagay… Nalalaman Ko noon na si Satanas ay lalayas, nang ang panunukso ay tapos na, at siya ay lumayas nga, at ang mga angel ay dumating upang paginhawahan ang Inyong Anak para sa pagiging isang tao, nakapailalim sa panunukso ng Dimonyo. Ngunit ang panunukso ay hindi titigil ngayon, pagkatapos ng oras na ito, kung saan ang Kaibigan ay naghihirap dahil sa mga kaibigan na pinaalis, at dahil din sa walang-katotohanang kaibigan na nananakit sa Kanya kapwa kapag siya ay malapit at nasa malayo. Ito ay hindi titigil. Ang Inyong mga anghel ay hindi darating upang paginhawahan Ako sa oras na ito at pagkatapos. Ngunit ang mundo ay darating, kasama ang lahat ng kapootan nito, panunuya nito at ang di-pagkaintindi. At ang taksil na ipinagbili ang sarili kay Satanas ay darating at siya, ang mandaraya, ay magiging mas pang mapagpahirap at malahod. Ama!!...» Ito ay totoong sigaw ng pagdurusa, ng takot at ng pananawagan at si Jesus ay nababagabag at nagpapaalaala sa akin ng tungkol sa oras sa Gethsemane.

«Ama! Nalalaman Ko. Nakikita Ko… Habang naghihirap Ako rito at maghihirap, at Aking inaalay ang Aking paghihirap sa Inyo para sa kanyang pagbabago at para sa mga inagaw sa Aking mga bisig at mga patungo sa kanilang kapalaran na may biyak na mga puso, ipinagbibili niya ang kanyang sarili upang maging mas mahigit pa sa Akin: ang Anak ng Tao! Ako, hindi ba, ang Anak ng Tao? Oo, ngunit hindi lamang Ako ang nag-iisa. Ang mga bata ay ipinanganganak ng sangkatauhan, ng palaanakin na Eba, at kung Ako si Abel, ang Inosenteng Isa, si Cain ay hindi nawawala sa mga anak ng Sangkatauhan. At kung Ako ang Panganay, sapagkat Ako ay kung ano dapat maging ang mga anak ng tao, na walang mantsa sa Inyong mga mata, siya, na ipinanganak sa kasalanan, ay ang una sa kung ano ang mga tao magiging pagkatapos na makain ang may-lason na prutas. At ngayon, hindi kontento ng nasa kanyang sarili ang nakasusuklam na nakapanlalapastangang mga panggaganyak ng kasinungalingan, kontra-karidad, ng pagka-uhaw sa dugo, ng kasakiman sa pera, ng pagmamalaki at kahalayan, siya ay nahihibang na maging ang tao na nagiging isang dimonyo, samantalang siya ay isang tao na maaaring maging isang anghel… “At si lucifer ay ibig na maging katulad ng Diyos at kung gayon pinalayas sa Paraiso at naging isang dimonyo at siya’y nanirahan sa Impiyerno”. Ngunit Ama! O! Ama! Minamahal Ko siya… Minamahal Ko pa rin siya. Siya ay isang tao… Siya ay isa sa mga para kung kanino iniwan Ko Kayo… Iligtas siya, dahil sa Aking pagkakapahiya… pagkalooban Ako na matubos siya, Kataastaasang Panginoon! Inaalay Ko ang pagpapakahirap na ito para sa kanya kaysa para sa kanino pa man! O! nalalaman Ko ang kawalan-sa-lugar ng Aking hinihingi, sapagkat nalalaman Ko ang lahat!... Ngunit, Ama, huwag Ninyo Akong tingnan na Inyong Salita nang sandali. Tingnan lamang ang Pagiging-Tao ng Makatarungang Isa… at hayaan Ako nang isang sandali na siyang ang “Tao” lamang sa Inyong grasya, ang Tao na hindi nakaaalam ng hinaharap, na maaaring maloko ang kanyang sarili… ang Tao na bilang hindi nakaaalam ng tungkol sa di-maiiwasang kapalaran ay makapananalangin na may absulutong pag-asa, na makapiga ng isang himala mula sa Inyo. Isang himala! Isang himala ni Jesus ng Nazareth, para kay Jesus ni Maria ng Nazareth, ang Ating eternal na Minamahal na Isa! Isang himala na nilalabag kung ano ang naitalaga na at kinakansela ito! Ang kaligtasan ni Judas! Siya ay namuhay sa tabi Ko, siya ay uminom ng Aking mga salita, nakibahagi sa Aking pagkain, natulog sa ibabaw ng Aking dibdib… Huwag, huwag Ninyo siyang gawin na Aking satanas!... Hindi Ko hinihingi sa Inyo na huwag pagtaksilan… Iyan ay kailangang mangyari, at mangyayari… upang ang lahat na kasinungalingan ay sana makansela ng Aking kapighatian ng bilang pinagtaksilan, katulad na ang lahat na kasakiman sa pera ay sana mapagbayarang-sala ng Aking kapighatian ng pagiging ipinagbili, katulad na ang pagtutuwid ay sana mangyari para sa lahat na paglalapastangan sa pamamagitan ng Aking pagdurusa ng pagiging isinumpa, at ang pananampalataya ay sana maibigay sa mga wala o mawawalan ng pananampalataya, sa pamamagitan ng pagpapahirap sa Akin ng bilang hindi pinaniniwalaan, at ang lahat na mga kasalanan ng laman ay sana malinis ng paghahagupit sa Akin… Subalit nakikiusap Ako sa Inyo: huwag siya, huwag si Judas, ang Aking kaibigan, ang Aking apostol. Ibig Kong walang sinuman ang maging isang traydor… Walang sinuman… Ni kahit pa ang pinakamalayong naninirahan sa niyebeng mga lugar ng kadulu-duluhang hilaga o ng kainit-initang mga sona… Ibig Ko Kayong ang mag-isang Tagapagsakripisyo… katulad na Kayo ay naging ganito na nang nakaraan nang pinaapoy Ninyo ang holokausto sa pamamagitan ng Inyong mga apoy… Ngunit sa dahilan na Ako ay mamamatay sa kamay ng tao, at sa dahilan na ang taksil na kaibigan ay magiging isang mas brutal pang tagapagpatay kaysa sa totoong tagapagpatay, ang bulok na traydor na mangangamoy ang sarili ng baho ni Satanas, at sinisinghot na ito upang maging katuald Ko sa kapangyarihan… iyan ang kanyang naiisip sa kanyang pagmamalaki at kasakiman… sa dahilan na Ako ay mamamatay sa pamamagitan ng kamay ng tao, Ama, huwag Ninyo siya na Aking tinatawag na kaibigan at minamahal Ko siya bilang ganyan, na maging ang Aking Traydor. Dagdagan ang Aking paghihirap, Ama, ngunit ibigay Ninyo sa Aking ang kaluluwa ni Judas… Inilalagay Ko ang panalangin na ito sa altar ng Aking biktima na Katauhan… Tanggapin ito, Ama!... Ang Langit ay sarado at tahimik!... Ito ba kung gayon ang lagim na mapapasa Akin hanggang sa Aking kamatayan? Ang Langit ay tahimik at sarado!... Ito ba kung gayon ang katahimikan at ang kulungan kung saan ihihinga Ko ang Aking huling hininga? Ang Langit ay tahimik at sarado!... Ito ba kung gayon ang sukdulang pagpapahirap ng Martir?... Ama, mangyari nawa ang Inyong kalooban, hindi ang Akin… Ngunit dahil sa Aking paghihirap, O! ipagkaloob Ninyo sa Akin ito man lamang: bigyan ng kapayapaan at ilusyon ang iba pang mga martir ni Judas, si Juan ng Endor, Ama… Siya ay totoong mas mabuti kaysa sa marami. Malayo na ang kanyang nararating, katulad ng narating ng iilan o mararating. Ang panunubos ay nakumpleto na para sa kanya. Bigyan siya, kung gayon, ng Inyong total na kumpletong kapayapaan, upang makuha Ko siya sa Aking Kaluwalhatian, kapag ang lahat ay nakumpleto na rin para sa Akin sa Inyong karangalan at pagsunod… Ama!...»

Si Jesus ay unti-unting bumagsak sa Kanyang mga tuhod at ngayon ay umiiyak na, na ang Kanyang mukha nasa lupa, at habang Siya ay nananalangin ang liwanag ng maikling taglamig na araw ay naglalaho nang maaga at mabilis sa loob ng madilim na kuweba, at ang atungal ng ilog ay tila lumalakas habang ang lilim sa lambak ay nagiging mas madilim…

040312

 

 

 

 


Sunod na kabanata