317. Iniiwan ang Ptolemais Para Pagpunta sa Tyre.

Nobyembre 3, 1945.

Ang bayan ng Ptolemais ay nagmumukhang tila mananatiling pinangingibabawan ng isang mababang namimigat na kalangitan, wala ni isang sinag ng asul, wala ni anumang pagbabago sa kapanglawan nito. Wala ni isang ulap, isang cirrus, isang nimbus na naglalayag sa saradong kisame ng langit. Ang papawirin ay nagmumukhang isang solidong kukob na mabigat na saklob na nasa punto nang bumagsak sa isang lalagyan. Isang dambuhalang saklob ng marumi, mausok, walang-sigla, mapaniil na lata. Ang puting mga bahay ng bayan ay tila ginawa sa tisa, siyempre magaspang na tisa na nagmumukhang mapanglaw sa liwanag na ito… ang berde ng mga evergreen ay tila walang-buhay at malungkot, ang mga mukha ng mga tao ay mukhang maputla o mukhang-bangkay at ang mga kulay ng kanilang mga damit ay tila nawala. Ang bayan ay nasisikipan na may mabigat na mainit na hangin.

Ang dagat ay ginagaya ang kalangitan nang may katulad na nakamamatay na kawalang-buhay. Isang walang-hangganan, walang-galaw, malungkot na dagat. Ni hindi ito namimigat, magiging mali na sabihin ito na ganyan. Ito ay walang-hangganang kalawakan, at sasabihin ko na wala ni kulubot, ng isang malangis na likido, kasing kulay-abo, sa palagay ko, na kailangang maging ang mga lawa ng krudong petrolyo, o kung baga, kung ito ay posible, mga lawa ng plata hinaluan ng agiw at mga abo, upang makagawa ng pomada na may espesyal na kaningningan ng mga kaliskis ng quartz, na subalit ay napakalabo na tila hindi ito magniningning. Ang pagkislap nito ay mapupuna lamang sa pamamagitan ng kirot na nagagawa nito sa mga mata, nasisilaw ng gayong pagkurap ng maitim-itim na nakar, na nagpapapagod nang hindi nakapagpapasaya sa mga mata. Wala ni isang alon hanggang sa layo na maaabot ng mata. Makikita ng isa ang hanggang sa layo ng orisonte, kung saan ang patay na dagat ay nakakatagpo ang patay na kalangitan, na walang makikitang isang alon na gumagalaw; ngunit mababatid ng isa na ang tubig ay hindi naging solido sapagkat may lumalagukgok sa ilalim, na halos hindi mapuna sa ibabaw sa pamamagitan ng maitim na mga pagkislap ng tubig. Ang dagat ay walang kagalaw-galaw na sa baybayin ang tubig ay kasing tahimik ng tubig na nasa tangke, wala ni kaunting indikasyon ng alon o alimbukay. At ang buhangin ay nagtataglay ng maliwanag na mga tanda ng pagiging basa mga isang metro o mahigit nang kaunti mula sa tubig, nagpapatunay kung gayon na sa loob ng maraming oras hindi nagkaroon ng mga alon sa baybayin. Dito ay kalmanteng-kalmante.

Ang iilang bangka sa daungan ay hindi kumikilos. Sila ay walang kagalaw-galaw na tila ang mga ito ay ipinako sa solidong likido, at ang ilang piraso ng tela nakaunat sa matataas na kubyerta, mga bandila o mga damit, maging ano pa man ang mga ito, ay mga nakabiting walang-galaw.

Ang mga apostol kasama ang dalawang patungong Antioch ay parating mula sa isang kalsada sa loob ng distrito ng mga manggagawa malapit sa daungan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa asno at sa kariton. Wala ang mga ito rito. Sina Pedro at
Andres ay may dala-dalang isang baul, sina Santiago at Juan ang isa pa, habang si Judas ni Alfeo ay dala sa kanyang balikat ang kinalas na habihan at sina Mateo, Santiago ni Alfeo at si Simon ay kargado ng lahat na mga bag, kasama na ang kay Jesus. Si Sintike ay may hawak lamang ng isang basket ng mga pagkain. Si Juan ng Endor ay walang dala kahit na ano. Naglalakad sila nang mabilis sa pagitan ng mga tao na bumabalik ang karamihan mula sa palengke dala ang mga pinamili, habang ang mga mandaragat ay nagmamadali patungo sa daungan upang magkarga o magdiskarga sa mga barko o magkumpuni ng mga ito, ayon sa kung ano ang kailangang gawin.

Si Simon ni Jonah ay disidido ang paglalakad. Maaaring alam na niya ang kung saan siya pupunta, sapagkat hindi siya patingin-tingin sa paligid. Siya ay namumula habang hawak ang baul, sa isang banda, sa pamamagitan ng isang ikot ng isang tali na nagsisilbing bitbitin, at ganito rin ang gawa ni Andres sa kabilang banda. Makikita, kapwa sa kanila at sa kanilang mga kasama, ang kanilang pagsisikap sa pagdala ng kanilang mga bagahe, dahil ang mga kalamnan ng kanilang mga binti at mga braso ay lumalaki, sa katunayan, upang makakilos nang libre, nakasuot lamang sila ng maikling walang mga manggas na mga pang-ilalim at sa gayon katulad nila ang mga portero nagmamadali mula sa mga bodega patungo sa mga barko o pabalik, ginagawa ang kanilang trabaho. Ganyan silang nagdaraan ganap na di napupuna.

Si Pedro ay hindi pumupunta sa malaking pantalan, bagkus sa pamamagitan ng isang maliit na malangitngit na tulay siya ay papunta sa isang maliit na pantalan, isang maliit na nakakurbang piyer napoporma ang isa pang mas maliit na daungan para sa mga bangka ng mga mangingisda. Siya tumitingin sa kapaligiran at sumigaw.

Ang isang lalaki ang tumugon, tumatayo sa isang mataba o kung baga malaking bangka. Talaga bang ibig ninyong umalis? Isipin ninyo, ang mga layag ay walang silbi ngayon. Kakailanganin ninyong magsagwan.»

«Mapaiinit ako nito at mabibigyan ng gana.»

«Ngunit totoo bang may kakayahan kayong maglayag?»

«Hoy! mamâ! Hindi pa ako nakapagsasalita ng “inay”, ang aking ama ay naglagay na ng tali at layag na mga lubid sa aking mga kamay. Diyan tumalas ang aking mga ngipin…»

«Iyan ay dahil… alam mo na… ang bangkang ito ay ang lahat na kayamanan ko… alam mo?...»

«Sinabi mo na iyan sa akin kahapon… Wala ka na bang alam na ibang kanta?»

«Alam ko na kung kayo ay mapunta sa ilalim, masisira na ako at…»

«Ako ang masisira, sapagkat mawawala ang aking buhay, hindi ikaw!...»

«Ngunit ito lamang ang aking pag-aari, ito ay ang aking tinapay, aking lugod at ang lugod ng aking asawa, iyan ang dote ng aking anak na babae, at…»

«Ugh! Makinig, huwag mo akong galitin, pinupulikat na ako… isang pulikat! mas grabe pa kaysa sa pulikat ng isang manlalangoy. Labis na ang aking ibinigay sa iyo na masasabi ko: “Nabili ko na ang iyong bangka”, hindi na ako nakipagtawaran sa presyong sinabi mo, ikaw na magnanakaw sa dagat, pinatunayan ko na sa iyo na mahigit pang sanay ako sa mga sagwan at mga layag kaysa sa iyo, at ang lahat ay natapos na. Ngayon, kung ang ensaladang sibuyas kagabi – at ang iyong bunganga ay nangangamoy katulad ng ilalim ng barko – ay nabigyan ka ng mga masamang panaginip at moroso, wala akong pakialam. Ang usapan ay natapos sa presensya ng dalawang saksi, ang isa ay sa iyo at ang isa pa ay akin, at iyan lang. Umalis ka rito, bruhong talangka, at papasukin ako.»

«Ngunit ako… ilang garantiya man lamang… Kung ikaw ay mamatay, sino ang magbabayad para sa aking barko?»

«Iyong barko? Tinatawag mo ba ang hungkag na kalabasang ito na isang barko? Ikaw na miserableng mapagmalaking tao! Ngunit titiyakin ko sa iyo, maliban na magpasya ang isip mo: bibigyan kita ng isa pang sandaang drachma. Sa pamamagitan nito at ng kung ano ang ibig mo bilang renta makakabili ka na ng tatlo pa ng mga nunal na ganyan… Hindi, sandali lang. Walang pera. Magsasabi ka rin na ako ay baliw at hihingi ka pa ng marami pagbalik ko. Sapagkat ako ay babalik, makakatiyak ka niyan. Kahit na kong ako ay babalik upang turuan ka ng leksiyon sa pagsuntok sa iyong mga tainga kung ako ay binigyan mo ng bangka na may diperensiya ang kilya. Igagarantiya ko sa iyo ang asno at ang kariton… Hindi! Ni hindi iyan! Hindi ko ipagkakatiwala sa iyo ang aking Antonius. Baka magbago ka nang hanapbuhay at mula sa pagiging mamamangka ikaw ay maging kartero, at magpasada habang ako ay wala. At ang aking Antonius ay sampung beses ang halaga kaysa sa iyong bangka. Mas mabuti na kung bigyan kita ng ilang pera. Ngunit tandaan, iyan ay isang garantiya at ibabalik mo iyan sa akin pagbalik ko. Malinaw ba iyan? Hoy, kayo sa bangka! Sino ang taga-Ptolemais?»

Tatlong mukha ang lumitaw mula sa isang malapit na bangka: «Kami.»

«Halikayo.»

«Hindi, hindi na iyan kinakailangan. Tapusin natin ang bagay na ito sa atin lamang dalawa» nakikiusap ang mamamangka.

Si Pedro ay tinitingnan ang kanyang mukha, pinag-iisipan ito, at nang makita niya na ang isa pang lalaki ay iniiwan ang bangka at nagmamadaling isakay sa bangka ang habihan na iniwan ni Judas sa lupa, siya ay bumuong: «Gayon!». Sumigaw siya sa mga nasa isa pang bangka: «Hindi na kinakailangan. Huwag na kayong gumalaw» at kumuha ng ilang mga sentimos mula sa isang maliit na lukbutan, binibilang niya ang mga ito at hinahalikan ito nang pagpapaalam: «Paalam, mahal ko!» at iniaabot niya ang mga ito sa mamamangka.

«Bakit mo hinalikan ang mga iyon?» tanong nang namamanghang lalaki.

«Isa lamang… ritwal, ikaw na magnanakaw! Halikayo, lahat kayo . At ikaw, lalaki, hawakan man lamang ang bangka. Bilangin mo iyan saka na at malalaman mong tama iyan. Ayaw kong maging kasama mo sa impiyerno, alam mo? Ako ay hindi isang magnanakaw. Heave ho! Heave ho!» at hinila niya ang unang baul sa bangka. Tinulungan niya ang iba upang maisakay ang kanilang mga dala, pati na rin ang mga bag at lahat na iba pa, binabalanse ang bigat at inaayos ang iba't ibang mga dala upang makalibre sa pagmamanyobra. At pagkatapos ng mga dala inaayos niya ang mga pasahero. «Nakikita mo na alam ko kung papaano ito gawin, ikaw na bampira! Pakawalan at lumakad ka na sa destinasyon mo.» At kasama si Andres itinutulak niya ang isang sagwan sa maliit na piyer upang makalayo mula rito.

Nang ang bangka ay nasa daloy ng agos ibinigay niya kay Andres ang timon nagsasabing: «Madalas kang pumunta at habulin kami sa pangingisda, upang pagnakawan kami nang mabuti at nagagawa mo ito nang mabuti» at siya ay naupo sa unang upuan sa unahan, na ang kanyang likod nasa unahan, at si Andres ay naupo sa tabi niya. Sina Santiago at Juan ni Zebedeo ay nakaupo sa harapan nila at mga nagsasagwan nang may malalakas na hagod.

Ang bangka ay tumatakbo nang mabilis at suwabe, bagama't may mabigat itong dala, pinahahagingan ang tabi ng mga barko, mula sa mga intablado nito kung saan mga salita ng papuri para sa kanilang perpektong pagsasagwan ay maririnig. Pagkatapos ay naririyan ang bukas na dagat, sa kabila ng mga rampeyolas… Ang buong Ptolemais ay lumitaw sa harapan ng mga mata ng umaalis na grupo, dahil ang bayan ay nasa baybayin na ang daungan nito na sa timog. May malalim na katahimikan sa bangka. Tanging ang pag-ingit lamang ng mga sagwan sa mga pang-ipit nito ang maririnig.

Pagkaraan nang matagal-tagal ng kaunti, nang ang Ptolemais ay nalampasan na, si Pedro at nagsabi: «Subalit, kung mayroon man lamang kaunting hangin… Ngunit wala! Ni hininga nito!...»

«Maliban na huwag umulan!...» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«H’m! Labis na nagmumukhang ganito nga…»

Nagkaroon ng mahabang katahimikan habang nananagwan nang matindi ang mga lalaki.

Pagkatapos si Andres ay nagtanong: «Bakit mo hinalikan ang mga sentimos?»

«Sapagkat ang mga umaalis ay laging nagbabatian sa isa’t isa. Hindi ko na sila muli makikita. At ako ay nalulungkot. Mas naibigay ko sana iyon sa ilang sawing-palad… Hindi na bale! Ang bangka ay totoong mabuting bangka, ito ay malakas at mabuti ang pagkagawa. Ito ay ang pinakamaganda sa Ptolemais. Iyan kung bakit pumayag ako sa hinihingi ng may-ari. At upang maiwasan din ang maraming mga tanong tungkol sa ating pupuntahan. Iyan kung bakit sinabi ko sa kanya: “Upang mamili sa puting Hardin”… Ah! Nagsisimula nang umulan. Takpan ninyo ang inyong mga sarili, nasa pusisyon kayong gawin iyan, at ikaw, Sintike, bigyan si Juan ng itlog. Oras na… Mas lalo na ngayon, sapagkat na may dagat na katulad nito, walang magpapasamâ sa kanyang tiyan… At ano kaya ang maaaring gawin ni Jesus? Ano kaya ang kanyang ginagawa! Nang walang mga damit, walang pera! Nasaan na kaya Siya ngayon?»

«Siya ay tiyak na magdarasal para sa atin» tugon ni Juan ni Zebedeo.

«Mabuti. Ngunit saan?...»

Walang makapagsabi kung saan. At ang bangka ay nagpapatuloy nang mabigat, hirap-na-hirap, sa ilalim ng isang namimigat na kalangitan, sa kulay-abong mala-aspalto na dagat, sa loob ng umaampiyas na ulan na kasing pino ng hamog at kasing nakasasawa katulad ng lumalawig na pangingiliti. Ang mga bundok, na pagkatapos ng isang patag na lugar ay ngayon malapit na sa dagat, ay nagmumukhang maputla sa mahamog na ere. Ang dagat sa malapit ay patuloy na nagpapasakit sa mga mata sa pamamagitan ng kakaibang kislap nito, at sa malayu-layo ito ay nagiging isang malabong talukbong.

«Tayo ay titigil sa nayon na iyon upang magpahinga at kumain» sabi ni Pedro na nagsasagwan nang walang-kapaguran. Ang iba ay sumang-ayon.

Narating nila ang nayon. Ito ay isang maliit na grupo ng mga bahay ng mga mangingisda itinayo sa pausli ng bundok na pagawing dagat.

«Imposible na dumaong dito. Wala itong ilalim…» bulong ni Pedro. «Bueno, tayo ay kakain kung nasaan tayo.»

Sa katunayan ang mga mananagwan ay kumakain nang magana, samantalang ang dalawang ipinatatapon ay kumakain nang walang pagkagusto. Ang ulan ay magsisimula at titigil salit-salitan.

Ang nayon ay walang tao, na tila rito ay walang nakatira. Subalit ang mga paglipad ng mga kalapati mula sa isang bahay patungo sa isa at ang mga nakasampay na mga damit sa mga bubungang terasa ay nagpapatunay na may mga tao rito. Sa wakas ang medyo nakahubad na mamâ ay lumitaw sa kalsada at pumunta sa isang maliit na nakadaong na bangka.

«Hoy! mamâ! Kayo ba ay isang mangingisda?» sigaw ni Pedro ang kanyang mga kamay nasa kanyang bunganga na tila isang embudo.

«Oo.» Ang kanyang pagsang-ayon ay narinig nang mahina dahil sa layo.

«Magiging ano ang panahon?»

«Masama mamaya. Kung kayo ay hindi tagarito, sasabihin kong ikutan ninyo kaagad ang tungos. Sa banda roon ay hindi masyadong marahas, lalo na kung mananatili kayong malapit sa baybayin, na magagawa ninyo, dahil ang dagat ay malalim. Ngunit pumunta kaagad…»

«Oo, gagawin ko. Kapayapaan sa iyo!»

«Kapayapaan at paalam sa iyo.»

«Tayo na kung gayon» sabi ni Pedro sa kanyang mga kasama. «At samahan sana tayo ng Diyos.»

«Tiyak na sinasamahan tayo. Si Jesus ay tiyak na nagdarasal para sa atin» tugon ni Andres ipinagpapatuloy ang pagsagwan. Ngunit ang dagat ay, sa katotohanan, masama na ang lagay at ang mga alon ay tinutulak at hinahatak ang kaawa-awang bangka salit-salitan, habang kumakapal ang ulan… at ang ngumangasngas na hangin ay sumama upang pahirapan ang kaawa-awang mga tao sa bangka. Si Simon ni Jonah ay pinasasalamatan ito sa pamamagitan pinaka malarawan na mga pangalan, sapagkat ito ay isang masamang hangin na hindi maaaring gamitin para sa paglalayag at tinutulak nito ang bangka patungo sa mga batuhan ng tungos, na ngayon ay malapit na. Ang bangka ay umuusod nang may-kahirapan sa kurbada ng maliit na golpo, na kasing itim ng tinta. Nagsasagwan sila nang hirap-na-hirap, namumula, pinagpapawisan, ginigiling ang mga ngipin, na hindi nag-aaksaya ng kahit kaunting lakas sa mga salita. Ang iba, nakaupo sa katapat nila – nakikita ko ang kanilang likod – ay tahimik sa nakaiinip na ulan: si Juan at si Sintike nasa sentro, malapit sa poste ng layag, ang mga anak ni Alfeo sa likuran nila, sina Mateo at Simon ang huli, nagsisikap na mapanatiling tuwid ang timon sa kabila ng hampas ng bawat alon.

Mahirap na gawain ang umikot sa tungos. Ngunit sila ay nagtagumpay sa wakas… At ang mga mananagwan, na maaaring hapo, ay nagpahinga nang kaunti. Sila ay naguusap kung sila ay maninilungan sa isang maliit na nayon sa kabila ng tungos. Ngunit nangibabaw ang idea na «ang Guro ay kailangan na sundin kahit laban sa sentido-komun. At sinabi Niya na sila ay kailangan na dumating sa Tyre sa loob ng isang araw». Kung kaya't sila ay nagpatuloy…

Ang dagat ay kumalma nang bigla na lamang. Nasaksihan nila ang pangyayari at si Santiago ni Alfeo ay nagsabi: «Ang gantimpala ng pagsunod.»

«Oo, si Satanas ay umalis sapagkat hindi siya nagtagumpay na tayo ay sumuway sa utos» patotoo ni Pedro.

«Ngunit darating tayo sa Tyre sa gabi. Masyado tayong naantala…» sabi ni Mateo.

«Hindi na bale. Tayo ay matutulog at hahanapin natin ang barko bukas» tugon ni Simon Zealot.

«Ngunit makikita ba natin ito?»

«Iyan ang sinabi ni Jesus. Kung kaya't makikita natin ito» sabing makumpiyansa ni Tadeo.

«Maitataas natin ang layag, kapatid» wika ni Andres. «Ang hangin ay paborable at kikilos tayo nang mabilis.»

Ang hangin sa katunayan ay pinuno nito ang layag, bagama't hindi masyado, subalit sapat na upang magawa ang pagsagwan na hindi na kinakailangan at ang bangka ay sumasalimbay, na tila ito ay gumaan, patungong Tyre, na ang lungos nito, o kung baga, ang tangway nito, ay maputi, sa gawing hilaga, sa huling liwanag ng araw.

Ang gabi ay mabilis na dumating. At ito ay kakaiba, pagkatapos ng labis na kalabuan sa kalangitan, na makita ang mga bituin na lumitaw sa di inaakalang maliwanag na kalangitan at ang Great Bear ay nagniningning nang maliwanag sa kalipunan ng mga bituin, habang ang dagat ay pinaliliwanagan ng mapanatag na sikat ng buwan, na napakaputi na tila nag-uumaga na pagkaraan ng isang masakit na araw, na walang pumapagitnang gabi…

Si Juan ni Zebedeo ay tinitingnan ang kalangitan at ngumingiti at bigla na lamang siyang nagsimulang umawit, hinahatak ang kanyang sagwan kasabay ang kanyang awit at binabagay ang kanyang mga salita sa tiyempo ng pagsagwan:

                                                «Pagbati, Bituin ng Umaga.

                                                Hasmin ng gabi.

                                                Ginintuang Buwan ng aking Langit

                                                Banal na Ina ni Jesus,

                                               

                                                Ang mandaragat ay umaasa sa Inyo,

                                                Na naghihirap at namamatay ay pinapangarap Kayo

                                                Sinag, banal na madasaling Bituin

                                                Sa mga nagmamahal sa Inyo, Maria!...»

 

Umaawit siya nang masaya sa isang tenor na tinig.

«Ano ang ginagawa mo? Pinag-uusapan natin si Jesus at umaawit ka ng tungkol kay Maria?» tanong ng kanyang kapatid.

«Siya ay nakay-Maria at si Maria ay nasa Kanya. Ngunit si Jesus ay Siya sapagkat si Maria ay naging si Maria… Hayaan akong umawit…» At nagsimula siyang umawit nang buong puso, pinasusunod ang lahat na iba pa…

Narating nila nang ganyan ang Tyre kung saan sila ay dumaong nang walang anumang kahirapan sa isang maliit na daungan, sa timog ng tangway, naiilawan ng mga lamparang nakabitin mula sa maraming mga bangka, sa tulong din ng mga taong naroroon.

Habang sina Pedro at Santiago ay nananatili sa loob ng bangka upang mabantayan ang mga baul, ang iba, kasama ang isang lalaki mula sa isa pang bangka, ay pumunta sa isang otel upang magpahinga.

110312

                                               

 


Sunod na kabanata