318. Pag-alis sa Tyre Nakasakay sa Barko ng Isang Cretan.

Nobyembre 4, 1945.

Ang Tyre ay nagising sa gitna ng mga pagbuga ng hamog. Ang dagat ay kumikislap nang may maningning na puting-asul na maliliit na alon, sa ilalim ng asul na kalangitan at ng puting mga ulap na gumagalaw sa itaas doon, habang ang bumubulang mga alimbukay ay kumikilos pababa rito. Kinalulugdan ng araw ang isang maliwanag na araw pagkatapos ng labis na kalamlaman ng masamang panahon.

«Nakikita ko» sabi ni Pedro, tumatayo sa bangka kung saan siya natulog. «Panahon na upang lumakad. At “ito” (at itinuturo niya ang dagat, na maalon kahit na sa loob ng pamasukan ng daungan) ay winiwisikan tayo ng nakapagpapadalisay na tubig… H’m! Tayo na at tupdin ang ikalawang bahagi ng sakripisyo… Sabihin mo sa akin, Santiago… Hindi ba sa palagay mo na nagdadala tayo ng dalawang biktima upang isakripisyo? Ganyan ang palagay ko.»

«Ganyan din ako, Simon. At… pinasasalamatan ko ang Guro sa pagpapahalaga sa atin nang labis. Ngunit mas gugustuhin ko pa na huwag makakita ng labis na kalungkutan. At hindi ko man lang inisip na makikita ko ang lahat na ito…»

«Kahit na ako… Ngunit… Alam mo? Sasabihin ko na ang Guro ay hindi sana ginawa ito, kung ang Sanhedrin ay hindi pasinghut-singhot sa bagay na ito…»

«Siya sa katotohanan ay sinabi ang ganyan… Ngunit sino ang nagsabi sa Sanhedrin? Iyan ang ibig kong malaman…»

«Sino? Eternal na Diyos, gawin Ninyo akong manahimik at huwag Ninyo akong papag-isipin! Ginawa ko ang pangakong ito upang maalisan ng pagsuspetsa na nagpapahirap sa akin. Tulungan mo ako, Santiago, na huwag mag-isip. Magsalita ng ibang bagay.»

«Ng ano? Ng tungkol sa panahon?»

«Oo, mas mabuti iyan.»

«Ang problema wala akong nalalaman tungkol sa dagat…»

«Sa palagay ko tayo ay maitatapon…» sabi ni Pedro tinitingnan ang dagat.

«Hindi! Tanging maliliit na alon lamang. Wala ito. Mas grabe kahapon. Magiging maganda na tingnan ang katamtamang dagat na ito mula sa mas mataas na kubyerta ng barko. Magugustuhan ito ni Juan… Magagawa siya nito na umawit. Magiging aling barko ito?»

Siya ay tumayo din, tinitingnan ang mga barko sa kabilang banda, ang mas matataas na istruktura ng mga ito ay makikita lalo na kapag ang kanilang bangka ay itinataas ng pataas-pababang galaw ng mga alon. Pinag-aaralan nila ang iba't ibang mga barko, nanghuhula… Ang piyer ay nagiging buháy na sa mga tao.

Si Pedro ay tinanong ang isang mamamangka, o katulad ng ganito, na nagmamadali sa pantalan: «Masasabi mo ba sa akin kung sa piyer sa banda roon, ay naroon ang barko ni… sandali lamang hanggang mabasa ko ang pangalan… (at hinugot niya mula sa kanyang sinturon ang isang may-taling pergamino), naririto ito: Nicomedes Philadelphius ni Felipe, isang Cretan mula sa Paleocaster…»

«O! Ang dakilang nabigante! Sino ang hindi nakakikilala sa kanya? Sa palagay ko hindi lamang siya nakikilala mula sa Pearl Gulf hanggang sa Hercules, bagkus hanggang sa layo ng malalamig na dagat, kung saan sinasabi nila na ang gabi ay tumatagal nang maraming mga buwan! Ikaw ay isang magdaragat, papaano nangyari na hindi mo siya nakikilala?»

«Hindi. Hindi ko siya kilala, ngunit makikilala ko rin siya, sapagkat siya ay hinahanap ko sa katauhan ng aming kaibigan na si Lazarus ni Theophilus, dating gobernador sa Syria.»

«Ah! Nang ako ay isang magdaragat – matanda na ako ngayon – siya ay nasa Antioch… Magagandang mga araw… Kaibigan mo? At hinahanap mo si Nicomedes, ang Cretan? Huwag kang mag-alala kung gayon. Nakikita mo ba ang barkong iyon doon, ang pinakamataas na isa, na may bandila? Iyan ang kanyang barko. Siya ay maglalayag bago ang ikaanim na oras. Hindi siya natatakot ng dagat!...»

«Sa katunayan hindi kailangang matakot nito. Hindi ito tunay na maalon.» Ngunit ang isang mataas na alon ay pinasinungalingan siya, binabasa silang pareho mula sa ulo hanggang paa.

«Kahapon ito ay kalmanteng-kalmante, ngayon napakamaalon. Ito ay totoong baliw. Mas gusto ko pa ang lawa…» bulong ni Pedro pinupunasan ang kanyang mukha.

«Pinapayuhan kita na pumunta sa lunas. Ang lahat ay pumupunta roon.»

«Ngunit kami ay paalis. Kami ay sasakay sa barko ni… ni… sandali lang: Nicomedes, at lahat na iba!» sabi ni Pedro na hindi maalaala ang kakaibang mga pangalan ng Cretan.

«Hindi rin ninyo isasakay ang inyong bangka sa barko?»

«Siyempre hindi!»

«Bueno, may lugar sa lunás para sa mga bangka at mga tao na titingin sa kanila hanggang kayo ay makabalik. Isang sentimos isang araw hanggang kayo makabalik. Sa palagay ko naman kayo ay babalik…»

«Sigurado. Kami ay pupunta at babalik pagkatapos na makita ang kalagayan ng hardin ni Lazarus, iyan lang.»

«Ah! Ikaw ang kanyang tagapamahala?»

«Oo, at medyo mahigit pa…»

«Bueno. Sumama ka sa akin. Ipakikita ko sa iyo ang lugar. Iyon ay talagang ginawa para sa mga iiwanan ang kanilang bangka roon, katulad mo…»

«Sandali lang… Naririto ang iba pa. Makakasama mo kami sa loob ng isang sandali.»

At si Pedro ay tumalon sa tangway at tumakbo upang salubungin ang kanyang mga kasama na papalapit.

«Nakatulog ka ba nang mabuti, kapatid?» tanong ni Andres nang may-kabaitan.

«Katulad ng isang sanggol sa isang kuna. At ako ay iniugoy na makatulog ng isang oyayi…»

«Sa palagay ko nagkaroon ka rin nang mabuting paghugas» sabi ni Tadeo ngumingiti.

«Oo! Ang dagat… napakabait nito na hinugasan ang aking mukha upang magising ako.»

«Napakamaalon nito para sa akin» wika ni Mateo.

«O! Ngunit kung nalalaman ninyo kung sino ang makakasama natin sa pag-alis! Isang kilala kahit ng mga isda ng kasing lamig ng yelo na mga karagatan.»

«Nakita mo na ba siya?»

«Hindi, ngunit sinabi sa akin ng isa na nagsasabi na may lugar para sa mga bangka, isang dipo… Halikayo, ibababa natin ang mga baul at tayo ay lalakad, sapagkat si Nicodemus, hindi, si Nicomedes, ang Cretan, ay malapit nang maglayag.»

«Sa kanal ng Cyprus tayo ay ipaghahagisan nang maganda» sabi ni Juan ng Endor.

«Tayo ba?» tanong ni Mateo nang nag-aalala.

«Oo. Ngunit tulungan tayo ng Diyos.»

Malapit na ulit sila sa kanilang bangka.

«Narito kami, mamâ. Ibinababa namin ang kargang ito at pagkatapos tayo ay aalis, dahil napakabait ninyo.»

«Nagtutulungan tayo…» sabi ng mamâ mula sa Tyre.

«Siyempre! Nagtutulungan tayo, kailangan na tayo ay magkatulungan. Kailangan na magtulungan tayo, sapagkat iyan ang Batas ng Diyos…»

«Ako ay nasabihan na may isang Propeta na lumitaw sa Israel at iyan ang Kanyang itinuturo. Totoo ba ito?»

«Totoo ba ito! Iyan at higit pa! At ang mga himala na Kanyang ginagawa! Halika na, Andres, heave ho! heave ho! kaunti sa iyong kanan. Sa kanan, kapag ang alon ay itaas ang bangka… Iyan, nakataas na!... Sinasabi ko kanina, mamâ: at anong mga himala! Ang patay na mga tao ay bumabangon mula sa kamatayan, ang mga maysakit ay gumagaling, ang bulag nakakakita, ang mga magnanakaw nagsisisi at kahit pa… Kita mo? Kung Siya ay naririto, sasabihin Niya sa dagat: “Manahimik” at ang dagat ay kakalmante… Nakakaraos ka ba, Juan? Sandali. Pupunta ako at tutulungan kita. Hawakan na huwag gumalaw ang bangka at malapit… Taas, taas… kaunti pa… Simon, kunin ang hawakan… Ingatan ang iyong kamay, Judas! Taas , taas… Salamat sa iyo, mamâ… Tingnan na huwag kang mahulog sa tubig, kayong mga anak ni Alfeo… Taas… Ayan na tayo! Purihin ang Panginoon! Mas kulang ang problema natin sa pag-imbak sa kanila kaysa sa paghugot sa kanila… Ngunit ang aking braso ay nananakit pagkaraan ng hersisyo kahapon… Kung gayon, nagsasalita ako tungkol sa dagat…»

«Ngunit totoo ba iyan?»

«Totoo? Ako ay naroroon at nakita ko!»

«Nandoon ka? O!... Ngunit saan ito?»

«Sa lawa ng Gennesaret. Halika sa bangka, habang patungo sa lunas, sasabihin ko sa iyo…» at siya ay umalis kasama ang mamâ at si Santiago, nananagwan sa kanal patungo sa lunas.

«At si Pedro ay nagsasabi na hindi siya marunong magpahayag…» wika ng Zealot. «Sa halip siya ay may talino sa pagkukuwento ng mga bagay-bagay sa simpleng paraan at siya ay mas magaling pa kaysa sa sino pa mang iba.»

«Ang gustung-gusto ko sa kanya ay ang kanyang katapatan» sabi ng mamâ mula sa Endor.

«At ang kanyang tiyaga» dagdag ni Mateo.

«At ang kanyang kababaang-loob. Hindi siya nagmamalaki sa pagiging ating “ulo”! Nagtatrabaho siya nang higit pa kaysa sino pa man at mas nag-aalala siya tungkol sa atin kaysa tungkol sa kanyang sarili mismo…» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«At napaka mabirtud niya sa kanyang mga pakiramdam. Isang mabuting kapatid. Wala nang iba pa…» hinuha ni Sintike.

«Kung gayon ang lahat ay ayos na: kayo ay titingnang bilang mga kapatid?» ang Zealot ay tinatanong ang dalawang disipulo pagkaraan nang kaunti.

«Oo, mas mabuti na ito. At ito ay hindi kasinungalingan, ito ay isang espirituwal na katotohanan. Siya ay aking nakatatandang kapatid na lalaki, ng ibang kasal, subalit ng gayon ding ama. Ang Ama ay ang Diyos, at ibang mga kasal: ang Israel at Gresya; at si Juan ay mas matanda, katulad na masasabi ng isa, sa edad, at – at hindi ito makikita ng iba ngunit ito ay totoo – sa pagiging disipulo bago ako. Naririto si Simon bumabalik…»

«Tapos na ang lahat, tayo na.»

Sa pamamagitan ng makitid na lungos sila ay pumunta sa isa pang daungan dala-dala ang mga baul sa kanilang mga balikat. At mamâ mula sa Tyre, katulad na kabisado niya ang lugar, ay pinasunod sila sa makipot na mga daanan sa pagitan ng mga tambak ng mga paldo ng mga kalakal sa ilalim na napakalapad na mga talabing, hanggang sa malakas na barko ng Cretan, na naghahanda nang umalis. Sumigaw siya sa mga nakasakay upang ibaba ang tulayan na naitaas na nila.

«Hindi posible. Tapos na ang pagkakarga namin» sigaw ng namumuno sa mga tauhan.

«Siya ay may mga sulat na iaabot sa iyo» sabi ng mamâ itinuturo si Simon ni Jonah.

«Mga sulat? Galing kanino?»

«Galing kay Lazarus ni Theophilus, ang dating gobernador ng Antioch.»

«Ah! Sasabihin ko sa amo.»

Si Simon ay nagsabi sa isa pang Simon at kay Mateo: «Kayo na ang magsasalita ngayon. Napakagaspang ko na magsalita sa isang táong katulad niya…»

«Hindi. Ikaw ang pinuno at ikaw ang magsasalita sapagkat napakaganda ang ginagawa mo. Tutulungan ka namin, sa huli. Ngunit walang pangangailangan niyan.»

«Nasaan ang tao na may dala ng mga sulat? Paakyatin siya» sabi ng isang lalaki na kasing moreno ng isang Ehipsiyo: siya ay payat, may-hitsura, maliksi, mahigpit tumingin, mga apatnapung taong gulang, o mas matanda pa nang kaunti, at nakatingin pababa mula sa mataas na tabi ng barko. At iniutos niya na ibaba ang tulayan.

Si Simon ni Jonah, na isinuot ang kanyang tunika at manta habang naghihintay ng tugon, ay umakyat na may marangal na tindig. Ang Zealot at si Mateo ay sinusundan siya.

«Kapayapaan sa iyo, mamâ» seryosong sabi ni Pedro.

«Pagbati. Nasaan ang sulat?» tanong ng Cretan.

«Naririto ito.»

Ang Cretan ay sinira ang selyo, iniladlad ang rolyo at nágbasa.

«Ang mga mensahero ng pamilya ni Theophilus ay tinatanggap! Ang mga Cretan ay hindi nakalilimutan na siya ay mabuti at mabait. Ngunit maging mabilis. Marami ba kayong ikakarga?»

«Kung ano ang iyong nakikita sa pantalan.»

«At ilan kayo?»

«Sampu.»

«Mabuti. Makakakuha tayo ng mapaglalagyan para sa babae. Ibabagay ninyo ang inyong mga sarili hangga't maaari. Bilis. Kailangan na tayo ay makapaglayag bago lumakas ang hangin at iyan ay mangyayari pagkaraan ng ikaanim na oras.»

Sa pamamagitan ng nakabibinging sipol iniutos niya ang mga baul na isakay at iimbak. Pagkatapos ang mga apostol at ang dalawang disipulo ay umakyat. Ang tulayan ay itinaas, ang tabi ng barko ay isinara, ang mga angkla ay binanton, ang mga layag ay itinaas. At ang barko ay umusod nang makiling habang iniiwan ang daungan. Pagkatapos ang mga layag ay umunat nang umiingit, habang pinupuno ang mga ito ng hangin, at kumikiling nang mabigat ang barko ay patungo na sa dagat nang mabilis pagawing Antioch…

Sa kabila ng napakalakas na hangin, sina Juan at Sintike, magkalapit, nakahawak sa isang lubid, nasa likod ng barko, ay tinitingnan ang dalampasigan, ang lupain ng Palestina na lumalayo, at sila ay umiyak…

110312

 

 

 


Sunod na kabanata