32. Presentasyon kay Jesus sa Templo.

Pebrero 1, 1944.

¹Nakikita ko ang isang mag-asawa na umaalis mula sa isang napaka-simpleng bahay. Ang isang napakabatang ina ay bumababa sa isang nasa-labas na hagdanan may kargang isang bata na nakabalot sa isang puting damit.

Namumukhaan ko ang ating Ina. Siya ay laging gayon pa rin: maputla at olandesa, maliksi at napakabait sa Kanyang pagkilos. Siya ay nakadamit ng puti, na may isang maputlang asul na manta at isang puting belo sa Kanyang ulo. Dala-dala Niya nang maingat na maingat ang Kanyang Anak.

Si Jose ay naghihintay sa Kanya sa paanan ng hagdanan na may isang maliit na kulay-abong asno. Si Jose ay ganap na nakadamit ng malabnaw na kulay-kapeng damit: kapwa ang kanyang manta at ang kanyang tunika ay pareho ang kulay. Tinitingnan niya si Maria at ngumingiti sa Kanya. Noong makarating si Maria malapit sa maliit na asno, inilagay ni Jose ang kabisada ng hayop sa kanyang kaliwang kamay, kinuha niya nang sandali ang Sanggol, Na natutulog nang mapayapa, at kung gayon nagagawa ni Maria na makaupo nang mas komportable sa siyá ng asno. Pagkatapos inabot ni Jose si Jesus kay Maria at sila ay lumakad.

Si Jose ay naglalakad sa tabi ni Maria, laging hawak ang kabisada at tinitiyak na ang asno ay tuwid ang lakad nang hindi napapatid. Hawak ni Maria si Jesus sa Kanyang lapi, at upang hindi Siya ginawin, iniladlad Niya ang gilid ng Kanyang manta sa ibabaw ni Jesus. Si Jose at si Maria ay nagsasalita nang napaka-kaunti ngunit madalas silang ngumiti sa isa’t isa.

Ang daan, na hindi isang modelong daan, ay tumatakbo sa isang kabukiran na nagawang tigang ng panahon ng taon. Tanging iilang mga manlalakbay lamang ang natatagpuan nila sa daan o nakakalampas sa kanila.

Pagkatapos nakakakita ako ng ilang mga bahay at mga pader sa paligid ng isang bayan. Pumasok sila sa pamamagitan ng isang geyt at nagsimulang maglakad sa isang daanan na sementado na sira-sira. Ang progreso ng paglalakbay ay ngayon mas mahirap, kapwa dahil sa trapiko na nagagawa ang asno na tumigil sa tuwi-tuwina at dahil ang mga butas na nawalan ng mga bato ay nagagawa ang kaawa-awang hayop na umigkas lagi at kung gayon sina Maria at ang Bata ay nagagambala.

Ang daan ay hindi patag. Ito ay paakyat, bagamat kaunti lamang. Ito ay isang makipot na daan tumatakbo sa pagitan ng matataas na bahay na may maliliit na makipot na mababang mga pintuan at may kakaunting bintana lamang sa gawi ng daan. Sa itaas, ang kalangitan ay makikitang sumisilip na maraming manipis na asul na mga guhit sa pagitan ng mga bahay, hindi, bagkus, sa pagitan ng mga terasa. Sa ibaba sa kalsada ay maraming mga tao at may labis na sigawan. Nasasalubong nila ang mga taong naglalakad o nakasakay sa mga asno o nagpapasunod ng kargadong mga asno at isang pulutong ng mga tao na sumusunod sa isang nakasasagabal na karabana ng mga kamelyo. Sa isang sandali, ang isang patrulya ng mga lehiyonaryong Romano ang dumaraan na may malakas na ingay ng mga paa ng kabayo at ng mga armas at nawala sila sa kabila ng isang arko ng isang makipot na mabatong daan.

Si Jose ay lumiko sa kaliwa sa isang mas malapad at mas magandang daan. Nakikita ko ang pandigmaan na mga pader ng bayan, na nakakabisado ko na, sa dulo ng isang kalsada.

²Si Maria ay bumaba mula sa maliit na asno malapit sa isang geyt kung saan mayroon isang klase ng kubol para sa ibang mga asno. Sinasabi ko “kubol” sapagkat ito ay katulad ng isang panilungan, o mas mabuti pa, isang klase na panilungan na may nakakalat na mga dayami; may ilan din na mga poste na may mga singsing na bakal kung saan tinatali ang mga hayop.

Si Jose ay nagbibigay ng ilang sentimos sa isang maliit na mamâ na lumapit sa kanya at sa pamamagitan nito nakabili siya ng ilang dayami at nakakuha siya ng isang balde ng tubig mula sa isang pangkabukiran na bubon sa sulok. Pagkatapos pinapakain niya ang asno. Sinamahan niya si Maria at kapwa sila pumasok sa bakuran ng Templo.

Sa una, lumiko sila patungo sa isang arkada na kinaroroonan ng mga mangangalakal, na siyang bibigyan ni Jesus pagdating ng araw ng maganda-gandang hagupit: ang mga nagbebenta ng mga kordero at mga kalapati at ang mga tagapagpalit ng pera. Hindi si Jose nagpapalit ng pera: halatang mayroon siya ng kinakailangang halaga.

Pagkatapos hinahanap nila ang isang pintuan sa tabi, na may walong baytang, katulad na tila mayroon ang lahat na pintuan, sapagkat ang sentro ng Templo ay mas mataas sa nakapaligid na lupa. Ang pinto ay nagbubukas patungo sa isang malaking bulwagan katulad ng mga pinto ng aming mga bahay sa mga bayan, upang bigyan kayo ng idea, ang isang ito lamang ay mas malaki at mas maraming adorno. Sa loob ng bulwagan ay may dalawang altar, sa kanan at sa kaliwa, ibig sabihin dalawang rektanggulong konstruksiyon, na ang gamit nito sa una ay hindi ko maintindihan. Sila ay katulad ng dalawang mababang ipunan ng tubig, sapagkat ang mas looban na bahagi ay mas mababa kaysa sa panlabas na labí, na mga ilang sentimetro ang diperensiya ng taas.

Ang isang pari ay nilalapitan sila, hindi ko alam kung siya ay tinawag ni Jose o lumapit siya ayon sa kanyang sariling kagustuhan. Si Maria ay inaalay ang Kanyang dalawang maliit na kalapati at sa dahilan na alam ko na ang mangyayari sa kanila, inilayo ko ang aking tingin. Pinagmamasdan ko ang mga dekorasyon ng napakabigat na pinto, ng kisame at ng bulwagan. Ngunit tila nagkaroon ako ng impresyon, sa pagsulyap sa tabi, na ang pari ay winiwisikan si Maria ng ilang tubig. Ito ay maaaring tubig, sapagkat wala akong nakikitang kahit anong mantsa sa Kanyang damit. Pagkatapos si Maria, Na nagbigay sa pari ng ilang mga sentimos kasama ang dalawang kalapati (nakalimutan kong banggitin iyan), ay pumunta sa tunay na Templo, sinasamahan ng pari.

³Pinagmamasdan ko ang lahat. Ito ay napaka madekorasyon na lugar. Inukit na mga ulo ng mga anghel, may mga salmo at mga dekorasyon ang malalaking haligi, ang mga pader at ang kisame. Ang liwanag ay nanggagaling sa kakaibang mahabang makipot na bintana, kitang-kitang walang mga hamba, ginawang diagonal sa mga pader. Inisip ko na baka ang idea ay upang hindi makapasok ang ulan.

Si Maria ay lumapit hanggang sa isang punto. Pagkatapos Siya ay tumigil. Mga ilang metro mula sa Kanya, ay may ilan pang mga baytang na sa itaas nito ay may isang altar, na sa kabila nito ay may isa pang konstruksiyon.

Ngayon ko lamang nabatid na akala ko ako ay nasa loob ng Templo, sa halip ako ay nasa bahagi na pumapaligid sa tunay na Templo, ibig sabihin ang Banal, na sa kabila nito walang sinuman ang makapagpapatuloy, bakà, maliban sa mga pari. Ang kung ano na akala ko na ang Templo, ay bagkus isang nakakulong na bestibulo, na sa tatlong tabi pinaiikutan ang Templo, kung saan ang Tabernakulo ay nakakulong. Hindi ko alam kung nagawa ko ang aking sarili na maintindihan. Ngunit ako ay hindi isang arkitekto o isang inhinyero.

⁴Si Maria ay inaalay ang Bata, Na nagising na at tinitingnan ng Kanyang inosenteng mga mata ang pari, nang may nagtatakang tingin ng mga sanggol mga ilang araw pa lamang ang gulang. Ang pari ay kinuha Siya at itinataas, na ang mga kamay ng pari ganap na nakaunat, patungo sa Templo, nakatayo siya sa isang klase ng altar na nasa tuktok ng mga baytang. Ang ritwal ay tapos na. Ang Sanggol ay ibinalik na sa Kanyang Ina at ang pari ay umalis.

May isang grupo ng mga manonood. Sa pagitan nila ang isang maliit na matandang lalaki, nabaluktot na ng edad at tumitikud-tikod, ay naglalakad nang sumasandal sa isang baston. Maaaring napakatanda na niya, sasabihin ko lampas otsenta. Pumunta siya malapit kay Maria, at nakiusap siyang ibigay sa kanya ang Bata nang sandali. Si Maria ay pinagbibigyan siya, ngumingiti.

Si Simeon, na aking laging iniisip na kasama sa sacerdotal na samahán, at sa halip ay isang simpleng naniniwala, ayon man lamang sa kanyang pananamit, ay kinukuha ang Bata at hinahalikan Siya. Si Jesus ay ngumingiti sa kanya nang may tipikong ngiti ng mga pasusuhin. Si Jesus ay tila pinagmamasdan siya nang may pagtatanong, sapagkat ang matanda ay umiiyak at tumatawa rin at ang kanyang mga luha ay nagiging isang kumikislap na burda na bumababa mula sa kanyang mga kulubot at nalalagyan ng bilug-bilog na mga tampok ang kanyang balbas, na patungo rito inuunat ni Jesus ang Kanyang maliliit na kamay. Siya ay si Jesus, ngunit isa pa lamang bata, at kahit ano ang gumagalaw sa harapan Niya, ay nakukuha ang Kanyang pansin kung kaya't ibig Niyang hawakan ito upang malaman kung ano ito. Si Maria at si Jose ay ngumingiti at gayon din ang ibang mga tao na pumupuri sa kagandahan ng Sanggol.

Naririnig ko ang mga salita ng banal na matanda at nakikita ko ang nagtatakang tingin ni Jose, ang malalim na naaantig na tingin ni Maria at ang mga tingin ng maliit na pulutong, medyo nasusorpresa at naaantig, medyo tumatawa sa mga salita ng matandang lalaki. Sa pagitan ng huli ay may ilang makaakong miyembro ng Sanhedrin, na iniiling ang kanilang mga ulo binibigyan si Simeon ng mapanuyang nakakaawang tingin. Maaaring iniisip nila na siya ay isang matandang ulianin.

⁵Ang ngiti ni Maria ay naging pamumutla noong binanggit ni Simeon ang kapighatian. Bagamat alam na ni Maria, ang mga salita ay tinusok ang Kanyang kaluluwa. Mas lumapit Siya kay Jose, upang makaginhawa, idinidiin Niyang madamdamin ang Kanyang Sanggol sa Kanyang dibdib at katulad ng nauuhaw na kaluluwa, kinukuha Niya ang mga salita ni Anna ni Phanuel, na bilang isang babae, ay may awa sa Kanyang paghihirap at pinapangakuan Siya na ang Eternal na Ama ay pagiginhawahan ang oras ng kapighatian sa pamamagitan ng isang sobrenatural na lakas. «Babae, Siya Na nagbigay ng isang Tagapagligtas sa Kanyang sambayanan, ay hindi magkukulang ng kapangyarihan na ipadala ang Kanyang anghel upang paginhawahan ang Iyong mga luha. Ang dakilang mga babae ng Israel ay hindi kailanman nagkulang sa tulong ng Panginoon at mas dakila Kang higit kina Judith at Jael. Ang ating Diyos ay bibigyan Ka ng isang puso ng pinakapurong ginto upang matagalan ang bagyo ng kapighatian, upang Ikaw ang magiging pinakadakilang babae sa Sangnilikha: ang Ina. At Ikaw, Sanggol, alalahanin ako sa oras ng Iyong misyon.»

At ang bisyon ay nagtapos dito.

                                                                -----------------------------

Pebrero 2, 1944.

jesus sinab

⁶Sinasabi ni Jesus:

«Dalawang aral, para sa lahat, galing sa pagsasalarawan na binigay mo.

Ang una: ang katotohanan ay hindi binubunyag sa isang pari na abalá sa mga ritwal, ngunit wala ang kanyang espiritu, ito sa halip ay binubunyag sa isang simpleng naniniwala.

Ang pari, laging nasa pakikipag-kontakto sa Dibinidad, deboto sa kung ano ang may kinalaman sa Diyos at sa lahat na mas mataas sa laman, ay nadama na sana kaagad kung sino ang Sanggol Na inaalay sa umagang iyon sa Templo. Ngunit kinakailangan para sa kanya na magkaroon ng isang nabubuhay na espiritu, upang madama ito. Ang basta’t isang kapa lamang na nagtatakip sa isang inaantok na espiritu, kung hindi patay na espiritu, ay hindi sasapat.

Ang Espiritu ng Diyos ay maaaring dumagundong kung gugustuhin Nito, at gisingin katulad ng isang kidlat at alugin katulad ng isang lindol ang pinakamapurol na espiritu. Magagawa Nito. Ngunit sa pangkalahatan, dahil Ito ay isang may-kaayusang Espiritu, katulad na ang Diyos ay Kaayusan sa bawat Persona at sa pamamaraan ng pagkilos, Ito ay nagpapasigla at nagsasalita, hindi kung saan may sapat na merito upang marapatin ang pagbuhos Nito – na sa ganitong kaso ang mga pagbuhos Nito ay magiging bihirang-bihira at ni kayo ay hindi ninyo malalaman ang kanilang liwanag – bagkus kung saan nakikita Nito ang “mabuting kalooban” upang marapatin ang gayong pagbuhos.

Papaano ang ganyang kalooban maipipilit? Sa pamamagitan ng isang pamumuhay na nakadeboto, hangga't maaari, sa Diyos lahat: sa pananampalataya, pagsunod, kadalisayan, karidad, kagandahang-loob at sa panalangin. Hindi sa pagsasabuhay: sa panalangin. Mas may kakaunting pagkakaiba sa pagitan ng gabi at araw kaysa sa pagkakaiba sa pagitan ng mga pagsasabuhay at panalangin. Ang huli ay ang pakikipag-ugnayan ng espiritu sa Diyos, mula kung saan lalabas kayong may bagong lakas at isang disisyon na maging mas pag-aari pa lalo ng Diyos. Ang una ay pangkaraniwang kaugalian na ginagawa para sa iba't ibang mga pakay, na laging makasarili, at naiiwan kayong eksakto kung ano kayo dati, hindi lamang, bagkus, pinalalala nito ang inyong daláhin sa pamamagitan ng mga diperensiya ng págsisinungaling at kakuparan.

simeon⁷Si Simeon ay may ganyang mabuting kalooban. Hindi ipinagpaliban sa kanya ang mga problema at mga pagsubok sa kanyang buhay. Ngunit hindi sa kanya nawala ang kanyang mabuting kalooban. Ang edad at mga kasawiang-palad ay hindi napahina o nauga ang kanyang pananampalataya sa Panginoon at sa Kanyang mga pangako, ni ang kanyang mabuting kalooban na maging mas karapat-dapat ng Diyos ay napagod o nágloko. At ang Diyos ay pinadala ang sinag ng Espiritu upang gabayan siya sa Templo, at makita sana niya ang Liwanag na pumunta sa mundo, bago ang kanyang mga mata ng isang tapat na lingkod ay magsara sa liwanag ng araw, maghihintay na mabuksan muli sa Araw ng Diyos umaapoy sa mga Langit, na Aking nabuksan na pagkatapos ng Aking Martiryo.

“Naudyukan ng Banal na Espiritu” sabi ng Ebanghelyo. O! kung nalalaman lamang ng mga tao kung anong perpektong Kaibigan ang Banal na Espiritu! Anong Giya, anong Tagapagturo! Kung minamahal lamang nila at pinananawagan Siya, ang pagmamahal na ito ng Kabanalbanalang Trinidad, ang Liwanag na ito ng Liwanag, ang Apoy na ito ng Apoy, ang Katalinuhan na ito, ang Karunungan na ito! Gaano ang kanilang malalaman ng kung ano ang kinakailangan na malaman!

Tingnan, Maria; makinig, Aking mga anak. Si Simeon ay naghintay buong buhay niya bago “nakita ang Liwanag” at bago malaman na ang pangako ng Diyos ay natupad. Ngunit hindi siya kailanman nagduda. Hindi siya kailanman nagsabi sa kanyang sarili: “walang kabuluhan na magpursige sa pag-asa at sa pagdarasal”. Nagpursige lamang siya. At karapat-dapat na “makita” niya kung ano ang ni ang pari o ang mapagmalaki at mapurol na mga miyembro ng Sanhedrin ay hindi nakita: ang Anak ng Diyos, ang Mesiyas, ang Tagapagligtas sa laman ng isang Sanggol Na nagbigay ng init sa kanya at ngumiti sa kanya. Tinanggap niya ang ngiti ng Diyos mula sa mga labì ng isang Sanggol, ang kanyang unang gantimpala para sa isang tapat at banal na pamumuhay.

⁸Ang isa pang aral: ang mga salita ni Anna. Siya rin, isang babaeng propeta, ay nakita sa Akin, isang bagong-panganak na Sanggol, ang Mesiyas. At ito ay natural na natural, kung titingnan ang kanyang propetikong pribilehiyo. Ngunit pakinggan kung ano ang kanyang sinasabi sa Aking Ina, naantig ng pananampalataya at karidad. At gamitin ang kanyang mga salita bilang liwanag para sa inyong mga kaluluwa na nanginginig sa mga araw na ito ng kadiliman at sa Kapistahang ito ng Liwanag. “Ang nagbigay ng isang Tagapagligtas ay hindi magkukulang ng kapangyarihan na ipadala ang Kanyang anghel upang paginhawahan ang Iyong mga luha”.

Isipin na ang Diyos ay binigay ang Kanyang Sarili upang burahin ang gawa ni Satanas sa inyong mga kaluluwa. At hindi ba Niya magagawa ngayon na talunin ang mga satanas na nagpapahirap sa inyo? Hindi ba Niya mapupunas ang inyong mga luha inililigaw ang mga satanas na ito at pinadadala muli sa inyo ang kapayapaan ng Kanyang Kristo? Bakit hindi ninyo Siya kausapin nang may pananampalataya? Isang tunay na nakapananaig na pananampalataya, isang pananampalataya na sa harapan nito ang kahigpitan ng Diyos, nagagalit sa maraming mga pagkakasala ninyo, ay baka maging isang ngiti at baka pagkalooban kayo ng Kanyang kapatawaran, na isang kaginhawahan, at ng Kanyang pagpapalà na magiging isang bahaghari sa mundong ito na nakalubog sa isang pagbaha ng dugo na ginusto mismo ninyo.

Tandaan: ang Ama, pagkatapos na maparusahan ang mga tao ng Pagbaha, ay sinabi sa Kanyang Sarili at sa Kanyang Patriyarka: “Hindi Ko na muli isusumpa ang lupa dahil sa tao, dahil ang kanyang puso ay nagbalak ng kasamaan mula pa nang kanyang pagkabata. Hindi Ko na muli hahampasin ang bawat nabubuhay na bagay katulad ng Aking ginawa”. At Siya ay naging tapat sa Kanyang salita. Hindi na Siya nagpadala ng isang pagbaha muli. Ngunit ilang beses ninyong sinabi sa inyong mga sarili at sa Diyos: “Kung tayo ay ipagpapaliban ngayon, kung iligtas Ninyo kami, hindi na kami muli gagawa ng mga digmaan, hindi na muli kailanman”, at pagkatapos, lagi kayong gumagawa ng mas nakapangingilabot na mga digmaan? Ilang beses, o huwad na mga tao, na walang respeto ni para sa Diyos o para sa inyong sariling salita? Ngunit ang Diyos ay tutulungan pa kayong muli, kung ang malaking masa lamang ng mga tapat ay pananawagan Siya nang may pananampalataya at mainit na pagmamahal.

⁹Ilagay ninyo ang inyong mga álalahanin sa paanan ng Diyos: kayo na napakakaunti upang matimbangan ang marami na nagpapanatiling buháy sa kahigpitan ng Diyos, kayo na nanatiling deboto sa Kanya, sa kabila ng nakakatakot na mga panahon na dumarami araw-araw. Ipadadala Niya ang Kanyang anghel sa inyo. Katulad na pinadala Niya ang Tagapagligtas sa mundo. Huwag matakot. Maging kaisa sa Krus. Lagi Nitong natatalo ang mga patibong ng dimonyo, na sa pamamagitan ng mga kalupitan ng mga tao at ng kalungkutan ng buhay ay nagsisikap na madala sa desperasyon, ibig sabihin, sa pakikipaghiwalay sa Diyos, ang mga puso na hindi niya masakop sa ibang pamamaraan.»

(160) 180610/031613/0401413

Sunod na kabanata.