323. Pagpapaalam sa Antioch Pagkatapos ng Pagtuturo.

Nobyembre 8, 1945.

Ang mga apostol ay naroon muli sa bahay sa Antioch kasama ang dalawang disipulo at ang lahat na mga lalaki mula sa Antigonea, na hindi suot ang kanilang mga damit na pantrabaho, bagkus suot ang kanilang pinakamagagandang damit. Naintindihan ko kung gayon na ngayon ay ang Sabbath.

Si Felipe ay nakikiusap sa mga apostol na magsalita sa lahat minsan man lamang bago sila umalis, na ngayon ay nalalapit na.

«Tungkol saan?»

«Sa anuman na ibig ninyo. Napakinggan ninyo ang aming paguusap nang mga nakaraang araw. Maaari kayong magsalita nang naaayon.»

Ang mga apostol ay tinitingnan ang isa’t isa. Kaninong katungkulan ngayon? Kay Pedro, siyempre. Siya ay ang pinuno! Ngunit si Pedro ay mas gugustuhin pang huwag magsalita bagkus ibigay ang karangalan kay Santiago ni Alfeo o kay Juan ni Zebedeo. At lamang nang makita niya na sila ay ayaw gumalaw, nagpasya siyang magsalita.

«Ngayon sa sinagoga napakinggan natin ang kapaliwanagan ng tungkol sa kabanata 52 ni Isaiah. Isang may napag-aralang komentaryo ayon sa mundo, isang may-pagkukulang na komentaryo ayon sa Karunungan. Ngunit ang nagsasalita ay hindi masisisi, sapagkat ibinigay niya ang kanyang magagawa sa loob ng limitasyon ng kanyang sariling karunungan: walang kaalaman ng tungkol sa Mesiyas at tungkol sa bagong Panahon na dala Niya. Ngunit huwag nating tingnan ang kanyang pagkukulang, tayo sa halip ay magdasal upang sana makamit niya ang kaalaman tungkol sa dalawang grasyang ito at tanggapin ang mga ito nang walang kahirapan. Sinabi ninyo sa akin na sa Paskuwa napakinggan ninyo ang ilang mga tao na nagsalita tungkol sa Guro nang may pananampalataya, ang ilan may panunuyang mga salita. At dahil lamang sa malaking pananampalataya na pumupuno sa mga puso ng sambahayan ni Lazarus, lahat ng kanilang mga puso, natiis ninyo ang kabalisahan na ginawa ng mga parunggit ng ibang mga tao sa inyong mga puso, lalung-lalo na dahil ang mga taong ito ay mga rabbi ng Israel. Ngunit ang maging may-pinag-aralan hindi ibig sabihin ay maging banal o taglayin ang Katotohanan. At ito ang Katotohanan: si Jesus ng Nazareth ay ang ipinangakong Mesiyas, ang Tagapagligtas na Siyang binabanggit ng mga Propeta, ang huli sa mga ito ay namahinga na sa sinapupunan ni Abraham kamakailan pa lamang, pagkatapos ng kanyang maluwalhating pagka-martir, na kanyang ipinaghirap alang-alang sa katarungan. Si Juan bautista ay nagsabi, at ang mga nakarinig ng kanyang mga salita ay naririto ngayon: “Ayón ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo”. Ang kanyang mga salita ay pinaniwalaan ng pinaka mabababa-ang-loob ng mga naroroon, sapagkat ang kababaan ng loob ay nakakatulong na marating ang Pananampalataya, samantalang mahirap ito para sa mga mapagmalaking mga tao – napabibigatan katulad nila ng di-kinakailangang mga bagay – na marating ang tuktok ng bundok kung saan ang basal na maningning na Pananampalataya ay naninirahan. Ang mabababang-loob na mga taong iyon, kapwa dahil sila ay ganoon at dahil sila ay naniwala, ay naging karapat-dapat na maging ang una sa sandatahang-lakas ng Panginoon Jesus. Nakikita ninyo kung gayon kung gaano kailangan ang kababaang-loob upang makamit kaagad ang pananampalataya, at kung papaano ginagantimpalaan ang pananampalataya, lalo na kung naniniwala ang isa laban sa salungat na mga hitsura. Hinihimok at pinakikilos ko kayo na magkaroon ng dalawang katangiang ito at kayo ay mapupunta pagkatapos sa sandatahang-lakas ng Panginoon at masasakop ninyo ang Kaharian ng Langit… Ikaw na, Simon Zealot. Nagsalita na ako. Pakiusap na ipagpatuloy.»

«Ipagpapatuloy ko ang sermon ni Simon Pedro, ang pinuno naming lahat ayon sa kalooban ng Panginoon. At ako ay magpapatuloy kinukuha ang paksa ng kabanata 52 ni Isaiah, bilang nakikita ng isa na nakakikilala sa Nagkatawang-Tao na Katotohanan, na ang Kaninong lingkod ay siya magpakailanman. Sinasabi nito: “Gising, damtan ang sarili ng lakas, Zion, isuot ang iyong pinaka marangyang mga damit, siyudad ng Banal na Isa”. At ganyan nga iyan dapat maging. Sapagkat kapag natutupad ang isang pangako, ang kapayapaan ay nagagawa, ang kaparusahan ay nagtatapos, at ang panahon ng lugod ay dumarating; ang mga puso at mga bayan ay kailangan na isuot ang kanilang pinaka magagandang damit at itaas ang kanilang napahiyang mga noo, nababatid na sila ay hindi na kinapopootan, tinatalo, hinahampas, bagkus sa halip ay minamahal at pinalalaya. Kami ay hindi naririto upang magtalaga ng mga gagawin laban sa Herusalem. Ang Karidad, ang una sa lahat ng mga birtud, ay ipinagbabawal ito. Huwag natin tingnan ang mga puso ng ibang tao, sa halip, ating tingnan ang ating sariling mga puso. Ating damtan ang ating mga puso sa lakas sa pamamagitan ng pananampalatayang iyan na sinabi ni Simon at ating isuot ang ating pinaka marangyang mga damit sapagkat ang ating matagal nang pananampalataya sa Mesiyas ay ngayon kinoronahan na ng tunay na pangyayari. Ang Banal na Mesiyas, ang Salita ng Diyos ay totoong nasa pagitan na natin. At kapwa ang mga kaluluwa at mga katawan ay may katibayan tungkol dito: ang una ay napakinggan ang mga salita ng Karunungan, na nagpapatibay sa kanila at naglalagay ng kabanalan at kapayapaan, ang huli, salamat sa Banal na Isa, kung Kanino ang lahat ay ipinagkaloob ng Ama, ay napalaya mula sa lubos na nakamamatay na sakit, kahit pati sa kamatayan, upang ang mga burol at mga lambak ng Israel, ating Amangbayan, ay sana umugong sa mga hosana sa Anak ni David at sa Kataastaasan Na nagpadala sa Kanyang Salita, katulad ng Kanyang ipinangako sa mga Patriyarka at mga Propeta. Ako, na nagsasalita sa inyo, ay dating isang ketongin, nakatalagang mamatay, pagkatapos ng walang-tigil na paghihirap ng kalooban, sa loob ng brutal na pangungulila na alam ng mga ketongin. Ang isang lalaki ay nagsabi sa akin: “Pumunta sa Kanya, sa Rabbi ng Nazareth, at ikaw ay gagaling”. Ako ay may pananampalataya. Ako ay pumunta. Ako ay gumaling. Sa aking katawan. Sa aking puso. Ang una ay napalaya mula sa sakit na naghihiwalay sa mga ketongin sa ibang mga tao. Ang huli ay napalaya mula sa kapootan na naghihiwalay mula sa Diyos. At sa pamamagitan ng bagong espiritu, mula sa pagiging isang namomroblemang may-sakit na napatapon ako ay naging kanyang lingkod, tinawag sa masayang misyon na pumunta sa mga tao, minamahal sila sa Ngalan Niya, tinuturuan sila ng iisa at tanging kinakailangang kaalaman lamang na si Jesus ng Nazareth ay ang Tagapagligtas at na pinagpalà ang mga naniniwala sa Kanya. Ikaw na ngayon ang magsasalita, o Santiago ni Alfeo.»

«Ako ay ang kapatid ng Nazareno. Ang aking ama at ang Kanya ay magkapatid, ipinanganak ng iisang ina. Subalit hindi ko masasabi na ako ay Kanyang kapatid, bagkus Kanyang lingkod. Sapagkat ang pagiging-ama ni Jose, ang kapatid ng aking ama, ay isang espirituwal na pagiging-ama at sasabihin ko sa inyong totoo na ang Kataastaasan, Na ating sinasamba, ay ang totoong Ama ng aming Gurong si Jesus. Ang Diyos ay pinahintulutan ang Ikalawang Persona ng Diyos Isa at sang-tatlo na magkatawang-tao at pumunta sa lupa, subalit nananatiling Diyos at laging kaisa ng mga Persona Na naninirahan sa Langit. Sapagkat ang Diyos, Na walang-hangganang Makapangyarihan ay magagawa iyan. At ginawa Niya iyan dala ng Pagmamahal, na siyang Kanyang kalikasan. Si Jesus ng Nazareth ay ating kapatid, mga tao, sapagkat Siya ay ipinanganak ng isang babae, at nakakatulad natin sa Kanyang pagiging-tao. Siya ay ang aming Guro sapagkat Siya ay ang Marunong na Isa, Siya ay ang pinaka Salita ng Diyos at naparito upang magsalita sa atin upang madala tayo sa Diyos. At Siya ay ating Diyos, bilang kaisa ng Ama at ng Banal na Espiritu, kung Kanino Siya ay laging kaisa sa pagmamahal, kapangyarihan at kalikasan. Harinawang ang Katotohanang ito, na ipinagkaloob ng Makatarungang Isa, aking kamag-anak, na malaman sa pamamagitan ng malinaw na ebidensiya, ay maging inyo ring pag-aari. At kapag ang mundo ay magtatangkang agawin kayo mula sa Kristo, nagsasabing: “Siya ay isa lamang ordinaryong tao”, tumugon: “Hindi. Siya ay ang Anak ng Diyos, Siya ay ang Bituin na ipinanganak ni Jacob, Siya ay ang setro na tumaas sa Israel, Siya ay ang Maghahari”. Gawing wala kahit na ano ang makapagpigil sa inyo. Iyan ang Pananampalataya. Ikaw na, Andres.»

«Iyan ang Pananampalataya. Ako ay isang abang mangingisda ng lawa ng Galilee, at kapag nangingisda sa tahimik na mga gabi, sa liwanag ng mga bituin, ako ay tahimik na nakikipagusap sa aking sarili. Madalas kong sabihin: “Kailan Siya darating? Buhay pa kaya ako? Marami pang mga taon ang nawawala, ayon sa hula”. Para sa tao, na ang buhay ay maikli, kahit na ang ilang dosena ng mga taon ay kasing haba ng mga siglo… Madalas kong tanungin ang aking sarili: “papaano Siya darating? Saan? Mula kanino?”. At ang aking mapurol na isip ng tao ay nagawa akong mangarap ng makaharing karilagan, ng makaharing mga luklukan, mga prusisyon, mga repeke ng mga kampana, kapangyarihan at di-matatagalang mahestad… At sinasabi ko: “Sino ang makatitingin sa dakilang Hari na ito?”. Akala ko Siya ay mas na nakakatakot, sa Kanyang manipestasyon, kaysa kay Jehovah Mismo sa Bundok ng Sinai. At madalas kong sabihin: “Ang mga Hebreo ay nakita ang bundok na lumiwanag, ngunit sila ay hindi naging mga abo, sapagkat ang Eternal na Ama ay nasa kabila ng mga ulap. Ngunit dito titingnan Niya kami sa pamamagitan ng mortal na mga mata at kami ay mamamatay…”. Ako ay dating isang disipulo ni Juan Bautista. At kapag kami ay hindi nangingisda madalas akong pumunta sa kanya kasama ang iba pang mga kasama. Iyon ay isang araw ng buwan na ito… Ang mga pampang ng Jordan ay nagsisiksikan sa mga tao na nanginginig sa pagkapakinig sa mga salita ni Juan Bautista. Napuna ko ang isang bata-pang magandang lalaki na lumalapit nang kalmante sa amin sa tabi ng isang daan. Ang Kanyang mga damit ay liso, ang Kanyang hitsura mabait. Siya ay tila humihingi ng pagmamahal at nagbibigay ng pagmamahal. Ang Kanyang asul na mga mata ay namalagi nang sandali sa akin, at may naramdaman akong isang bagay na hindi ko na ulit naramdaman. Pakiramdam ko ang aking kaluluwa ay hinahaplos, tila ako ay magaang hinihipo ng mga pakpak ng mga anghel. Sa isang sandali pakiramdam ko ako ay napakalayo mula sa lupa, ibang-iba, upang sinabi ko: “Mamamatay na ako ngayon! Ito ay ang Diyos tinatawag ang aking kaluluwa”. Ngunit hindi ako namatay. Ako ay nagayuma pinagninilayan ang bata-pang di-kilalang lalaki, na ang kaninong asul na mga mata ay ngayon tinititigan si Juan Bautista. At si Juan Bautista ay tumalikod, tumakbo patungo sa Kanya at yumuko. Sila ay nag-usap. At sa dahilan na ang tinig ni Juan ay kasing lakas ng kulog, ang kanilang mahiwagang mga salita ay narating ako, na nakikinig, naninigas katulad ko sa matinding mithiin na makilala kung sino ang di-kilalang bata-pang lalaking iyon. Naramdaman ng aking kaluluwa na Siya ay iba sa lahat. Sinasabi nila: “Kailangan na ako ang binyagan Mo…”. “Hindi na bale ngayon. Kinakailangan na pangyarihin ang lahat ng katarungan”… Nasabi na ni Juan: “May darating at ako ay hindi karapat-dapat na magtanggal ng mga istrap ng Kanyang mga sandalyas”. Nasabi na niya: “May nasa pagitan ninyo, sa Israel, Isa Na hindi ninyo nakikilala. Ang Kanyang pamaypay na pantahip ay nasa Kanya nang kamay at lilinisin Niya ang Kanyang giikang sahig at susunugin Niya ang ipa sa isang apoy na hindi kailanman mamamatay”. Nasa aking harapan ang isang bata-pang lalaki ng pangkaraniwang mga tao, na ang hitsura ay maamo at mababa ang loob, subalit naramdaman ko na Siya ay ang Isa, na ang Kaninong mga istrap ng sandalyas ni ang Banal na Isa sa Israel, ang huling Propeta, ang Precursor, ay hindi karapat-dapat na magtanggal. Pakiramdam ko na Siya ay Siya na nga, Na hindi namin kilala. Ngunit ako ay hindi natatakot. Sa kabaligtaran, nang si Juan ay nagsabi, pagkatapos ng nakagigiliw na kulog ng Diyos at pagkatapos ng di-mantaking kaningningan ng Liwanag na iyon sa hugis ng isang kalapati ng kapayapaan: “Naririto ang Kordero ng Diyos”, ako ay sumigaw: “Naniniwala ako!” sa pamamagitan ng tinig ng aking kaluluwa, nagsasaya sapagkat nahulaan ko ang Haring Mesiyas sa bata-pang lalaki na nagmumukhang napakamaamo at mababa ang loob. Dahil sa pananampalatayang ito ako ay Kanyang lingkod. Maging ganito rin kayo mismo, at magkakaroon kayo ng kapayapaan. Mateo, ikaw na ngayon ang magsalita upang ikuwento ang iba pang kaluwalhatian ng Panginoon.»

«Hindi ko magagamit ang gayon ding mapanatag na mga salita ni Andres. Siya ay isang makatarungang tao, ako ay isang makasalanan. Kung kaya't ang aking salita ay wala ng malugod na nota ng kasayahan, ngunit mayroon ito ng makumpiyansang kapayapaan ng isang salmo. Ako ay dating makasalanan. Isang malaking makasalanan. Ako ay nabubuhay noon sa sukdulang pagkakamali. Ako ay nasanay na rito at wala akong nararamdamang kahirapan. Kung paminsan-minsan ang mga Pariseo o ang pangulo ng sinagoga ay hinahampas ako ng kanilang mga insulto at paninisi, pinaaalalahanan ako ng tungkol sa Diyos, ang walang-tinag na Hukom, ako ay nahihintakutan nang sandali… pagkatapos ako ay magpapahingalay mag-iisip nang may katangahan: “Maging ano pa man ako ay naisumpa na. Magpapasasa na lang ako kung gayon, hangga't magagawa ko”. At ako ay lumubog nang palalim-nang-palalim sa pagkakasala. Nang dalawang taon na ang nakararaan ang isang Di-Kilalang lalaki ay pumunta sa Capernaum sa tagsibol. Siya ay di ko rin kilala. Siya sa katunayan ay di kilala ng lahat, sapagkat Siya ay nasa pagsimula pa lamang ng Kanyang misyon. Tanging iilang tao lamang ang nakakikilala kung sino nga Siyang totoo: ang mga nakikita ninyo rito ngayon, at ilan pang iba. Ako ay lubos na nagtataka sa Kanyang pag-uugali, na mas basal pa kaysa sa isang birhen. Iyan ang unang bagay na nagpataka sa akin. Nakita ko na Siya ay mahigpit, subalit ibig Niya laging makinig sa mga bata na pumupunta sa Kanya katulad ng mga pukyutan na lumilipad patungo sa mga bulaklak. Ang kanilang inosenteng mga laro at magagaling na salita ay ang Kanyang tanging pagpapahingalay. Pagkatapos ang Kanyang kapangyarihan ay pinamangha ako. Gumagawa Siya ng mga himala. Sinabi ko: “Siya ay isang nagpapalayas ng mga dimonyo, isang banal na tao”. Ang pakiramdam ko ako ay kahiya-hiya kompara sa Kanya, kung kaya't iniwasan ko Siya. Ako ay Kanyang hinahanap. O iyan ang aking impresyon. Sa tuwing daraan Siya malapit sa aking inuupuan titingnan Niya ako sa pamamagitan ng Kanyang mabait kung baga malulungkot na mata. At sa bawat pagkakataon ang aking manhid na konsiyensya ay magigising at hindi na makabalik sa dating lebel ng pagkamanhid. Isang araw, habang ang mga tao ay nagsasaya sa Kanyang mga salita, pakiramdam ko gusto kong makinig sa Kanya. At nakatago sa likod ng isang sulok ng isang bahay. Napakinggan ko Siyang nagsasalita sa isang maliit na grupo ng mga kalalakihan. Siya ay nagsasalita nang pangkaraniwan, tungkol sa karidad, na tila isang pribilehiyo hinggil sa ating mga kasalanan… Mula ng gabing iyon, ako, ang matakaw na may matigas-na-puso na tao, ay ginustong patawarin ng Diyos ang aking mga kasalanan. Gumawa ako ng mga bagay nang palihim… Ngunit nalalaman Niya na ako iyon, sapagkat nalalaman Niya ang lahat. Minsan napakinggan ko Siyang ipinaliliwanag ang mismong kabanata 52 ni Isaiah: sinabi Niya na ang mahahalay at ang mga hindi tuli ang puso ay hindi makakapasok sa Kanyang Kaharian, ang makalangit na Herusalem, at Kanyang ipinapangako na ang Makalangit na Siyudad, na ang kagandahan nito ay Kanyang naisalarawan nang nakakakumbinsi upang ako ay makaramdam ng galimgim para rito, ay magiging pag-aari ng mga pupunta sa Kanya. At pagkatapos… O! Nang araw na iyon ang Kanyang mukha ay hindi ang malungkot na mukha, bagkus nag-uutos na mukha. Biniyak Niya ang aking puso, hinubaran Niya ang aking kaluluwa, ginamot Niya sa pagsunog ang kaawa-awang kaluluwa kong ito, inilagay Niya ito sa Kanyang mga kamay at pinasakitan ito ng Kanyang mapaghanap na pagmamahal… at nagkaroon ako ng bagong kaluluwa. Ang pagsisisi at pagmimithi ay nadala ako patungo sa Kanya. Hindi Siya naghintay sa akin para sabihin ko: “Maawa, Panginoon!”. Sinabi Niya sa akin: “Sundan mo Ako!”. Ang Banayad na Isa ay natalo si Satanas sa puso ng makasalanan. Sana masabi nito sa inyo, kung mayroon man sa inyo na nag-aalala dahil sa kanyang mga kasalanan, na Siya ay ang mabuting Tagapagligtas at hindi ninyo Siya kailangang iwasan, sa kabaligtaran, habang mas isang makasalanan ang isa, mas lalo siyang dapat na lumapit sa Kanya nang may kababaang-loob at pagsisisi, upang mapatawad. Santiago ni Zebedeo, maaari bang magsalita ka na ngayon?»

«Hindi ko talaga alam kung ano ang aking sasabihin. Kayo ay nakapagsalita at nasabi kung ano ang akin sanang sasabihin. Sapagkat iyan ang katotohanan at hindi iyan maaaring baguhin. Ako ay kasama rin ni Andres sa Jordan, ngunit napansin ko lamang Siya nang Siya ay itinuro ni Juan Bautista. Ngunit ako ay naniwala kaagad, at nang Siya ay umalis, pagkaraan ng Kanyang matingkad na manipestasyon, ako ay naging katulad ng isa na pagkatapos ng isang napapunta sa isang maaraw na tuktok ng bundok, ay nakulong sa isang madilim na selda. Gusto kong makita muli ang Araw. Ang mundo ay madilim, pagkatapos na nagpakita sa akin ang Liwanag ng Diyos, at pagkatapos nawala. Ako ay nag-iisa sa pagitan ng mga tao. Napunuan ko ang aking ganang kumain, ngunit ako ay nagugutom. Habang natutulog ako gising ang mas mabuting bahagi ko, at ang pera, negosyo, mga damdamin, lahat ay naiwanan nang husto sa likuran ng aking malaking mithiin para sa Kanya at walang makaganyak sa akin. Katulad ng isang bata na nawalan ng ina ako ay umungol: “”Bumalik Kayo, Kordero ng Panginoon! Kataastaasang Panginoon, katulad na ipinadala Ninyo si Rafael upang gabayan si Tobias, ipadala Ninyo ang Inyong anghel upang madala ako sa daan ng Panginoon, upang sana matagpuan ko Siya…!” Subalit, nang Siya ay lumitaw sa landas mula sa disyerto, pagkatapos nang ilang linggong paghihintay para sa Kanya, at kami’y sabik-na-sabik na naghihintay para sa Kanya, at napalubha nito ang pagkawala sa amin ni Juan nang siya ay inaresto sa unang pagkakataon, hindi ko Siya kaagad nakilala. At ngayon, aking mga kapatid sa Panginoon, ibig ko kayong turuan ng isa pang paraan na makapunta sa Kanya at makilala Siya. Sinabi ni Simon ni Jonah na ang pananampalataya at kababaang-loob ay kinakailangan upang makilala Siya. Si Simon Zealot ay pinatotohanan ang absulutong pangangailangan ng pagkakaroon ng Pananampalataya upang makilala kay Jesus ng Nazareth ang kung ano Siya sa Langit at sa lupa, ayon sa kung ano ang nasabi na. At si Simon Zealot ay nangailangan ng isang tunay na malaking pananampalataya, alang-alang na rin sa kanyang di-mapagaling na katawan. Iyan kung bakit sinabi ni Simon ni Zealot na ang Pananampalataya at Pag-asa ay ang pamamaraan upang kamtin ang Anak ng Diyos. Si Santiago, ang kapatid ng Panginoon, ay binanggit ang kapangyarihan ng Lakas upang mapanatili kung ano ang natagpuan na. Ang Lakas na magpipigil sa mga patibong ng mundo at ni Satanas na matalo ang Pananampalataya. Si Andres ay ipinakita ang pangangailangan na idugtong ang banal na pagkauhaw para sa Hustisya sa Pananampalataya, nagsisikap na malaman at mapanatili ang Katotohanan, maging ano pa man ang banal na bibig na nagpoproklama nito, hindi dala ng pantaong pagmamalaki na matutunan ito, bagkus dala ng mithiin na makilala ang Diyos. Ang tao na pinauunlad ang kanyang isip sa Katotohanan ay matatagpuan ang Diyos. Si Mateo, minsan makasalanan, ay itinuro sa inyo ang isa pang paraan na makamit ang Diyos: ang hubaran ang sarili ng kahalayan dala ng espiritu ng panggagaya, sasabihin ko ng pagninilay-nilay tungkol sa Diyos, Na siyang walang-hangganang Kadalisayan. Ang unang bagay na nakakuha ng kanyang pansin, isang makasalanan, ay ang “basal na pag-uugali” ng Di-Kilalang tao na pumunta sa Capernaum, at na tila ito ay may kapangyarihan na buhayin nitong muli ang kanyang patay na pagpipigil-sa-sarili, nagpigil siya unang-una sa lahat sa sensuwal na pagka-makamundo, nililinis ang daan para sa pagdating ng Diyos at sa pagkabuhay muli ng iba pang patay na mga birtud. Mula sa pagpipigil sa sarili siya ay nakaraan patungo sa awa, mula sa awa patungo sa pagtitika, pagkatapos kanyang nalampasan ang kanyang sarili at narating ang pakikiisa sa Diyos. “Sundan mo Ako”. “Ako ay sasama”. Ngunit ang kanyang kaluluwa ay nakapagsabi na: “Ako ay sasama”, at ang Tagapagligtas ay nakapagsabi na: “Sundan mo Ako”, nang sa unang pagkakataon ang Birtud ng Guro ay nakuha ang pansin ng nagkakasala. Gayahin siya. Sapagkat ang karanasan ng ibang mga tao, kahit na kung masakit, ay gabay upang makaiwas sa kasamaan at makatagpo ng kabutihan para sa mga may mabubuting kalooban. At sa ganang akin, sasabihin ko na kung mas lalong nagsisikap ang tao na mamuhay para sa espiritu, mas lalo siyang babagay na makilala ang Panginoon, at ang isang mala-anghel na pamumuhay ay pinapaboran iyan sa pinakamataas na antas. Sa pagitan naming mga disipulo ni Juan, ang nakakilala sa Kanya, pagkatapos ng Kanyang ausensiya, ay ang birhen na kaluluwa. Mas mahigit pa kay Andres, nakilala niya Siya, sa kabila na ang hitsura ng Kordero ng Diyos ay nabago ng pagpepenitensiya. Kung kaya't sasabihin ko: “Maging basal upang makilala Siya”. Judas, maaari bang magsalita ka na ngayon?»

«Oo, maging basal upang makilala Siya. Ngunit maging basal din upang mapanatili Siya sa loob ninyo kasama ang Kanyang Karunungan at ang Kanyang pagmamahal, kasama ang Kanyang buong Sarili. Si Isaiah pa rin na sa kabanata 52 ay nagsabi: ”Huwag humipo ng kahit na anong di-malinis… padalisayin ang inyong sarili, kayo na nagdadala sa mga kalis ng Panginoon”. Totoo, ang bawat kaluluwa na nagiging Kanyang disipulo ay katulad ng isang kalis na puno ng Panginoon, at ang katawan na naroroon ang kaluluwa ay katulad ng isang nagdadala ng sagradong kalis patungo sa Panginoon. Ang Diyos ay hindi maaaring mapapunta kung saan may di-kapuruhan. Si Mateo ay sinabi sa inyo kung papaano ipinaliwanag ng Panginoon na walang di-malinis o nakahiwalay sa Diyos ang mapupunta sa selestiyal na Herusalem. Oo. Ngunit kinakailangan na huwag maging di-malinis o nakahiwalay sa Diyos, upang mapasok ito. Sawing-palad ang mga tao na naghihintay hanggang sa huling oras upang magsisi. Hindi sila laging magkakaroon ng panahon na makapagsisi. gayon din naman ang mga naninira sa Kanyang ay hindi magkakaroon ng panahon upang magtuwid sa sandali ng Kanyang tagumpay, at kung gayon hindi makikinabang sa bunga nito. Ang mga umaasa mula sa banal na mapagpakumbabang Hari na makakita ng isang makalupang monarka, at lalo pa ang mga natatakot na makakita sa Kanya ng isang makalupang monarka, ay hindi magiging handa sa oras na iyan; nalinlang at nabigo ng kanilang mga kaisipan, na hindi mga kaisipan tungkol sa Diyos, bagkus kaawa-awang pantaong mga kaisipan, mas lalo pa silang magkakasala. Ang pagkakapahiya ng pagiging ang Tao ay nasa Kanya. Kailangan na tandaan natin iyan. Sinasabi ni Isaiah na lahat ng ating mga kasalanan ay nagpapahiya sa Dibinong Katauhan sa ilalim ng pangkaraniwang mga hitsura. Kapag tinitingnan ko na nakapaligid sa Salita ng Diyos Mismo, katulad ng isang maruming pangibabaw, ang lahat na problema ng sangkatauhan mula nang ito ay lumabas, naiisip ko nang may labis na habag at pangunawa ang paghihirap na kailangang batahin ng Kanyang walang-bahid na kaluluwa. Ang sindak ng isang malusog na tao na natakpan ng mga basahan at mga dumi ng isang ketongin. Siya ay totoong tinusok ng ating mga kasalanan, at tinakpan ng mga sugat gawa ng kamunduhan ng tao. Ang Kanyang kaluluwa, namumuhay kasama tayo, ay kailangan na manginig sa takot sa ganyang pakikihalubilo, katulad na nanginginig ang isang katawan na may mataas na lagnat. Subalit Siya ay hindi nagsasalita. Hindi Niya binubuka ang Kanyang bunganga upang magsabi: “Nahihintakutan Ako sa inyo”. Bagkus binubuka lamang Niya ito upang sabihin: “Halikayo sa Akin, upang sana maalis Ko ang inyong mga kasalanan”. Siya ay ang Tagapagligtas. Sa Kanyang walang-hangganang kagandahang-loob tinakpan Niya ng belo ang Kanyang di-matatagalang kagandahan. Kung Siya ay nagpakita sa lahat ng Kanyang kagandahan, katulad na Siya ay nasa Langit, nagawa sana Niya tayo na mga abo, katulad ng sinabi ni Andres. Ngunit ang Kanyang kagandahan ay naging kaakit-akit, katulad ng isang banayad na tupa, upang malapitan tayo at mailigtas. Ang paniniil sa Kanya, ang panunumpa sa Kanya ay tatagal hanggang, naupos ng pagsisikap ng pagiging ang perpektong Tao sa pagitan ng di-perpektong mga tao, Siya ay itaas sa ibabaw ng multitud ng Kanyang mga natubos, sa pananagumpay ng Kanyang banal na pagiging hari. Diyos Na nagpailalim sa kamatayan, upang madala tayo sa Buhay! Harinawang ang kaisipang ito ay magawa kayong mahalin Siya higit pa sa lahat ng mga bagay. Siya ay ang Banal na Isa. Masasabi ko ito nang ganyan, dahil ako ay lumaking kasama Siya, kasama din si Santiago. At sinasabi ko at sasabihin ko, nakahandang ibigay ang aking buhay upang patotohanan ang pagpapahayag na ito, upang ang mga tao ay sana maniwala sa Kanya at magkaroon ng eternal na Buhay. Juan ni Zebedeo, ikaw na ngayon ang magsasalita.»

«Gaano kaganda sa ibabaw ng mga bundok ang mga paa ng mensahero! Ng mensahero ng kapayapaan, Na nagbabalita ng kasayahan at nagtuturo ng kaligtasan. Siya na nagsasabi sa Zion: “Ang inyong Diyos ay Hari!”. At ang mga paang iyon ay lakad-nang-lakad nang walang kapaguran sa loob ng dalawang taon sa mga bundok sa Israel, iniipon ang mga tupa ng kawan ng Diyos, nakikiramay, nanggagamot, nagpapatawad, nagbibigay ng kapayapaan. Ang Kanyang kapayapaan. Ako ay totoong nagtataka sa nakikita ko na ang mga burol at mga ilog ng ating Amangbayan ay hindi nagdiriwang at nagsasaya sa haplos ng Kanyang mga paa. Ngunit ang nagpapataka sa akin nang lubusan ay ang makita na ang mga puso ng mga tao ay hindi nagdiriwang o nagsasaya nagsasabing: “Purihin ang Panginoon! Ang Hinihintay na Isa ay dumating na! Pagpalain Siya Na dumating sa ngalan ng Panginoon!”. Siya Na naggagawad ng mga grasya at mga pagpapalà, kapayapaan at kalusugan, at tinatawag tayo sa Kanyang Kaharian binubuksan ang daan para sa atin, higit sa lahat Siya, Na nagbubuhos ng pagmamahal sa bawat kilos Niya, bawat salita, sulyap, hinga… Ano kung gayon ang mundong ito na naging bulag sa Liwanag na namumuhay sa pagitan natin? Anong mga laha, na mas makapal pa kaysa sa bato na nagtatakip sa pamasukan ng isang sepulkro, ang mayroon ito na napalagay sa paningin ng kaluluwa nito na hindi nito makita ang Liwanag na ito? Anong bundok ng mga kasalanan ang mayroon ito sa sarili nito upang ito’y maging hirap-na-hirap, nakahiwalay, bulag, bingi, nakatali, paralisado upang di-makagalaw sa harapan ng Tagapagligtas? Ano ang Tagapagligtas? Siya ay Liwanag hinaluan ng Pagmamahal. Ang bunganga ng aking mga kapatid ay pinuri ang Panginoon, naalaala nila ang Kanyang mga gawa, at itinuro ang mga birtud na kailangang isabuhay upang marating ang Kanyang daan. Sasabihin ko sa inyo: pagmamahal. Wala nang iba pang birtud na mas dakila o mas higit pa katulad ng Kanyang Kalikasan. Kung kayo ay magmahal, maisasabuhay ninyo ang bawat birtud nang walang kahirapan, nagsisimula sa kabasalan. Hindi magiging mabigat para sa inyo na maging basal, sapagkat sa pagmamahal kay Jesus wala kayong mamahaling sinuman nang walang-kahinahunan. Kayo’y magiging mapagpakumbaba, sapagkat sa pamamagitan ng mga mata ng mga umiibig makikita ninyo ang walang-hangganang mga perpeksiyon sa Kanya, at kung gayon hindi ninyo ipagmamalaki ang inyong mga sarili sa kakapusan ng inyong mga perpeksiyon. At kayo’y maniniwala. Sino ang hindi naniniwala sa kanya na inyong minamahal? Kayo ay magiging penitente sa pamamagitan ng kapighatian na nagliligtas, sapagkat ang inyong kapighatian ay magiging matapat, ibig sabihin, malulungkot kayo para sa kirot na nagawa ninyo sa Kanya, hindi para sa kirot na karapat-dapat sa inyo. At kayo ay magiging malakas! O! oo! Kapag ang isa ay kaisa ni Jesus, siya malakas! Malakas laban sa lahat. Kayo ay magiging puno ng pag-asa, sapagkat hindi ninyo pagdududahan ang Puso na nagmamahal sa inyo nang Kanyang buong Sarili. At kayo ay magiging marunong. Kayo ay magiging ang lahat. Mahalin Siya Na nagbabalita ng tunay na kasayahan, Na nagtuturo ng Kaligtasan, Na pumupunta sa mga bundok at mga lambak nang walang kapaguran, iniipon ang kawan, na sa Kaninong daan ay may Kapayapaan, katulad na may kapayapaan sa Kanyang Kaharian, na hindi ng mundong ito, ngunit ito ay totoo katulad na ang Diyos ay totoo. Umalis sa kahit na anong direksiyon na hindi Kanya. Alisin ang bawat ulap. Pumunta sa Liwanag. Huwag maging katulad ng mundo, na ayaw makita ang Liwanag, na ayaw na malaman ito. Bagkus pumunta sa Ama, Na siyang ang Ama ng mga liwanag, Na siyang walang-hangganang Liwanag, pumunta sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Anak, Na siyang ang Liwanag ng mundo, upang kalugdan ang Diyos sa yakap ng Paraclete, Na siyang ang kaningningan ng mga Liwanag sa iisang beatitude lamang ng pagmamahal na ipinu-focus ang Tatlo sa pagiging Iisa. Walang-hangganang karagatan ng Pagmamahal, walang mga bagyo, walang kadiliman, maaaring tanggapin kaming lahat! Lahat kami! Kapwa ang mga inosente at ang mga nagsisi. Lahat kami! Sa Inyong Kapayapaan, magpakailanpaman! Lahat kami! Lahat sa lupa, upang sana mamahal namin Kayo, Diyos, at ang aming kapwa, katulad ng gusto Ninyo. Lahat, sa Langit, upang sana mamahal pa rin namin at laging Kayo lamang at ang mga mamamayang selestiyal, upang sana mamahal din namin ang aming mga kapatid na nakikibaka sa lupa sa paghihintay ng kapayapaan, at katulad ng mga anghel ng pagmamahal, maipagsanggalang sana namin at masuportahan sila sa kanilang mga pakikipaglaban at mga tukso, upang sana makasama nila Kayo sa Inyong Kapayapaan, para sa eternal na kaluwalhatian ng aming Panginoon Jesus, ang Tagapagligtas, ang Mangingibig ng tao, hanggang sa walang-hangganang hangganan ng dalisay na paglipol.»

Katulad ng dati, si Juan pumapailanglang sa kanyang mga paglipad ng pagmamahal, ay nakukuha niya ang mga kaluluwa kung saan may napadalisay na pagmamahal at mistikal na katahimikan.

Pagkaraan lamang ng ilang sandali ang mga nakikinig ay nagsimulang magsalita. At si Felipe ang una, kinakausap si Pedro: «Si Juan, ang tagapagturo, ay hindi magsasalita?»

«Siya ay laging magsasalita sa inyo. Hayaan siya ngayon sa kanyang kapayapaan at tayo’y maging mag-isa kasama siya nang kaunting sandali. Saba, gawin ang sinabi ko sa iyo, at ikaw din, o mabuting Berenice…»

Lahat sila ay lumabas at tanging ang walong apostol at ang dalawang disipulo lamang ang naiwan sa malaking silid. May seryosong katahimikan. Lahat sila ay nagmumukhang kung baga maputla, ang mga apostol sapagkat nalalaman nila kung ano ang mangyayari, at ang dalawang disipulo sapagkat nalalaman na nila.

Si Pedro ay ibinuka ang bunganga upang magsalita, subalit ang mga salitang ito lamang ang kanyang natagpuan: «Tayo’y magdasal», at kanyang isinahimig ang «Ama Namin». Pagkatapos, at siya ay totoo ngang maputla na baka hindi siya magmumukha nang ganito kung siya ay mamatay, siya ay nagsabi, pumupunta sa pagitan ng dalawa at ipinapatong ang kanyang mga kamay sa kanilang mga balikat: «Kailangan na naming humayo, aking mga anak. Ano ang aking sasabihin sa Panginoon sa katauhan ninyo? Tiyak na Siya ay mananabik na malaman ang tungkol sa inyong espirituwal na kalagayan.»

Si Sintike ay bumagsak sa kanyang mga tuhod tinatakpan ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang mga kamay at si Juan ay ginaya siya. Nasa paanan sila ni Pedro at likas na hinahaplos niya sila kinakagat ang kanyang mga labì upang hindi siya bumigay sa kanyang emosyon.

Si Juan ay tumingala, ang kanyang mukha makabagbag-damdamin, at nagsabi: «Sasabihin mo sa Guro na ginagawa namin ang Kanyang kalooban…» At si Sintike: «At hingin mo sa Kanya na tulungan kami na matupad ito hanggang sa katapusan…» Ang mga luha ay napipigilan ang mahahabang pangungusap.

«Sige. Magpalitan tayo ng halik ng pagpapaalam. Ang oras na ito ay kailangang dumating…» si Pedro din ay tumigil sa pagsasalita, nababarahan ang lalamunan.

«Pagpalain muna kami» pakiusap ni Sintike.

«Hindi. Hindi ako. Mas mabuti na ang isa sa mga kapatid ni Jesus…»

«Hindi. Ikaw ang pinuno. Magpapala kami sa pamamagitan ng aming mga halik. Pagpalain kaming lahat, kapwa kami na aalis, at sila, na mga maiiwan» sabi ni Tadeo, at siya ang unang lumuhod.

At si Pedro, kaawa-awang Pedro, na namumula kapwa dahil sa pagsisikap na mapamalagi ang kanyang tinig, at sa kaantigan na iunat ang kanyang mga kamay upang pagpalain ang maliit na grupo na mga nakapatirapa sa kanyang paanan, ay inuulit ang pagpapalà ni Moses, sa isang tinig na naging mas magaralgal gawa ng pagluha, halos isang tinig ng isang matanda…

Pagkatapos siya ay yumukong paharap, hinalikan ang noo ng babae, na tila siya ay kanyang kapatid, binuhat at niyakap si Juan, hinalikan ang kanyang pisngi… at tumakbong may-katapangan papalabas ng silid, habang ang iba ay ginagaya ang kanyang ginawa sa dalawang maiiwanan…

Ang kariton ay nakahanda na sa labas. Tanging si Felipe at si Bernice ang naroroon, at ang katulong na humahawak sa kabayo. Si Pedro ay nakasakay na sa kariton…

«Sasabihin mo sa Guro na huwag mag-alala tungkol sa Kanyang mga inirekomenda» sabi ni Felipe kay Pedro.

«Sabihin mo kay Maria¹ na naramdaman ko ang kapayapaan ni Eucheria mula ng siya ay naging isang disipulo» sabi ni Bernice sa Zealot sa mababang tinig.

«Sabihin sa Guro, kay Maria, sa lahat, na minamahal namin sila, at na… Paalam! Paalam! O! Hindi na namin sila makikita muli! Paalam, mga kapatid! Paalam…»

Ang dalawang disipulo ay tumakbong palabas sa kalsada… Ngunit ang kariton na umalis nang tumutrote , ay nakaliko na sa kanto… Nawala…

«Sintike!»

«Juan!»

«Tayo ay nag-iisa!»

«Kasama natin ang Diyos!... Halika, kaawa-awang, Juan. Ang araw ay lumulubog na, hindi makabubuti sa iyo ang manatili rito…»

«Ang araw ay lumubog na magpakailanman, sa ganang akin… Tanging sa Langit na lamang ito tataas muli.»

At sila ay bumalik sa silid sa dati nilang kinaroroonan kasama ang iba pa. Sila ay sumandal sa mesa, umiiyak nang walang pagpipigil…

                                                ----------------------------------------------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At ang pagpapahirap na dinala ng isang tao, ginusto lamang ng isang masamang tao, ay nangyari, tumitigil katulad ng isang ilog na tumitigil sa isang lawa pagkatapos na makumpleto ang takbo nito. Ibig Kong ipakita sa inyo kung papaano pati si Judas ni Alfeo, bagama't mas napakain ng karunungan kaysa sa iba, ay ipinaliwanag ang pasahe ni Isaiah, tungkol sa Aking paghihirap bilang Tagapagtubos, sa isang pantaong pamamaraan. At ang lahat pang iba sa Israel ay ganyan din ang ginagawa, sa dahilan na tinatanggihan nilang tanggapin ang maka-propetang katotohanan at iniisip nila ang mga hula tungkol sa Aking paghihirap bilang mga talinghaga at mga simbolo. Mabigat na pagkakamali kung saan sa oras ng Panunubos tanging iilang mga tao lamang ang nakakakita pa rin sa Mesiyas sa katauhan ng Binitay. Ang pananampalataya ay hindi lamang isang girnalda ng mga bulaklak. Ito ay may mga tinik din. At banal ang naniniwala kapwa sa mga oras ng kaluwalhatian at sa mga oras ng trahedya, at minamahal ang Diyos maging siya man ay Kanyang sinuutan ng mga bulaklak o siya’y inihiga sa mga tinik.»

 120412

 

 

 


Sunod na kabanata