326. Pagpapahayag ng ebanghelyo sa Hangganan ng Phoenicia.

(Walang petsa)

Ang daan na nanggagaling sa Phoenicia patungong Ptolemais ay isang magandang daan na tumatagos nang tuwiran sa kapatagan sa pagitan ng dagat at mga bundok. Dahil ito ay mabuting napananatili, ito ay abalang-abala. Maraming iba't ibang mga sangandaan na may mas maliliit na daan na mga nanggagaling sa mga bayan patungo sa mga bayan sa baybayin, at sa maraming mga sangandaan ay sa pangkalahatan may isang bahay, isang bubon at isang rudimentaryong pandayan para sa mga kuwadrupedo na maaaring mangangailangan ng mga sapatos.

Si Jesus, kasama ang anim na apostol na natira sa Kanya, ay natahak ang mahaba-habang distansiya ng daan, mga dalawang kilometro, nakikita lagi ang gayon ding mga bagay. Siya ay tumigil sa wakas sa isa sa mga bahay na iyon na may bubon at isang magsasapatos ng mga kuwadrupedo, sa isang sangandaan malapit sa isang agos ng tubig na may tulay, na bagama't matibay ang pagkatayo, ay sapat lamang ang luwang upang maparaan ang isang kariton at kung gayon ang mga manlalakbay ay napipilitan na tumigil nang salit-salitan, sapagkat hindi maaaring mágsalubong ang dalawang trapiko. At sa ganang layo na nakikita ko, nabibigyan nito ang magkakaibang lahi na mga manlalakbay, mga Phoenician at tunay na mga Israelita, ng pagkakataon na magkasama sa iisang intensiyon lamang: ang murahin ang Roma, bagama't napopoot sila sa isa’t isa. Subalit, kung wala ang Roma, hindi sila magkakaroon ng tulay na iyon at kapag ang agos ay nasa pagbaha, hindi ko alam kung papaano sila makakatawid dito. Ngunit ganyan ang buhay! Ang isang nananakop ay laging kinapopootan, kahit na kung siya ay gumagawa ng may-pakinabang na mga bagay!

Si Jesus ay tumigil malapit sa tulay, sa isang maaraw na sulok kung saan naroroon ang bahay: sa tabi nito malapit sa agos ng tubig ay may isang masamang-amoy na pandayan, kung saan sila ay gumagawa ng mga sapatos para sa isang kabayo at dalawang asno, na nawalan ng mga sapatos. Ang kabayo ay nakakabit sa isang bagon ng Romano sa loob kung saan ang ilang mga sundalo ay kinasisiyahan ang magpakita ng iba't ibang mukha sa nagmumurang mga Hudyo. At sila ay nagtatapon ng sandakot na dumi ng kabayo sa isang matandang lalaki na may malaking ilong, ang pinaka - mahinanakitin sa lahat sa kanila, na may tunay na makamandag na bunganga, isang naiisip ko na totoong gustong mangagat ng mga Romano upang malason sila. Makikini-kinita ng isa kung ano ang mangyayari! Ang matandang Hudyo ay tumakbong umalis na tila siya ay nahawahan ng ketong at ang iba pang mga Hudyo ay sinamahan siya. Ang mga Phoenician ay sumigaw nang may-panunuya: «Gusto ba ninyo ang bagong manna? Kainin ninyo iyan, mabibigyan kayo niyan ng enerhiya upang sumigaw sa mga napakabuti sa inyo, kayong mapagkunwaring mga ahas!» Ang mga sundalo ay tumawa nang mapanghamak… Si Jesus ay tahimik.

Ang Romanong bagon ay umalis sa wakas at binabati nila ang magsasapatos sumisigaw: «Pagbati, Titus, sana maging maunlad ang iyong pananatili!» Ang mamâ, na maskulado, maedad, malakas ang leeg, ahít ang mukha na may napakaitim na mga mata sa taas ng matatag na ilong at sa ilalim ng malawak na nakausling noo, na walang buhok sa mga sentido, habang ang kanyang buhok ay maikli at kulot; ay itinataas ang isang mabigat na pamukpok kumakaway sa kanila ng pagpapaalam at pagkatapos bumalik sa palihan, sa ibabaw kung saan ang isang bata-pang lalaki ay naglagay ng isang nagbabagang bakal, habang ang isa pang batang lalaki ay pinapaso ang kuko ng isang maliit na asno inihahanda ito upang mabakalan.

«Halos lahat ng mga manggagamot ng kabayo sa tabi ng mga daan ay mga Romano. Mga sundalo na nanatili rito nang matapos nila ang kanilang serbisyo. At sila ay kumikita nang malaking pera… Wala kahit kailanman ang nagpipigil sa kanila na manggamot ng mga hayop… At ang isang asno ay maaaring mawalan ng isang sapatos bago lumubog ang araw sa isang Sabbath, o sa oras ng Dedikasyon…» wika ni Mateo.

«Ang mamang nagbákal kay Antonius ay kasal sa isang Hudyo» sabi ni Juan.

«At tangang mga babae ay mas marami kaysa sa marurunong» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«At kanino mapupunta ang mga bata? Sa Diyos o sa paganismo?» tanong ni Andres.

«Sila ay napupunta sa pangkalahatan sa mas malakas sa dalawa» tugon ni Mateo. «At, maliban kung ang babae ay isang nagtakwil mismo, sila ay mga Hebreo, sapagkat ang mga lalaki, at mga lalaking ito man lamang, ay hindi nakikialam. Ni hindi sila napaka… panatiko tungkol sa kanilang Olympus. Sa aking palagay sa ngayon wala na silang pinaniniwalaan bagkus ang pagkakaroon ng pera. Lahat sila ay may malalaking pamilya.»

«Ngunit sila ay masasamang tao. Sila ay walang pananampalataya, walang amangbayan… sila ay di ginugusto ng lahat…» sabi ni Tadeo.

«Hindi. Nagkakamali ka. Hindi sila kinamumuhian ng Roma. Sa kabaligtaran, lagi silang tinutulungan ng Roma. Mas napakikinabangan sila ngayon kaysa nang sila ay armado. Mas napapasok nila ang ating bansa sa págpapasamâ

sa ating dugo kaysa ng karahasan. Ang unang henerasyon, sa huli, ang maghihirap. Pagkatapos sila ay kakalat at… ang mundo ay nakakalimot…» sabi ni Mateo na tila may nalalaman nang maayos.

«Oo, ang mga bata ang naghihirap. Ngunit pati rin ang mga Judiong babae, nakasal nang ganyan… Para sa kanilang sarili at para sa kanilang mga anak. Ako ay nalulungkot para sa kanila. Wala nang nagsasalita sa kanila tungkol sa Diyos. Ngunit hindi iyan mangyayari sa kinabukasan. Sa kinabukasan hindi na magkakaroon ng mga ganyang pagkakahiwalayan ng mga tao at mga bansa, sapagkat ang mga kaluluwa ay magkakasama-sama sa iisang Amangbayan lamang: Akin» sabi ni Jesus, Na naging tahimik magpahanggang ngayon.

«Ngunit mga patay na sila pagdating niyan!...» bulalas ni Juan.

«Hindi. Iipunin sila sa Ngalan Ko. Hindi na mga Romano o mga Libyano, mga Griyego o mga mamamayan mula sa lugar ng Black Sea, mga Iberian o mga Gaul, mga Ehipsiyo o mga Hebreo, bagkus mga kaluluwa ng Kristo. At kapahamakan ang darating sa mga maghihiwa-hiwalay sa mga kaluluwa, na pare-pareho Kong minamahal at para kung kanino Ako ay nagpakahirap din, ayon sa kani-kanilang pinanggalingang bansa. Siya na gagawa niyan ay pinatutunayan na hindi niya naintindihan ang Karidad, na unibersal.»

Ang mga apostol ay naintindihan ang pailalim na paninisi at ibinaba ang kanilang mga ulo nang hindi nagsasalita.

Ang tunog ng bakal na pinapalo sa pandayan ay tumigil at ang pukpok sa huling kuko ng asno ay nakakabingi. At si Jesus ay sinamantala ang sitwasyon na makapagsalita nang malakas upang Siya ay marinig ng mga pulutong. Tila ipinagpapatuloy Niya ang Kanyang pakikipagusap sa mga apostol, sa katunayan Siya ay nagsasalita sa mga nagdaraan at baka pati sa mga nasa loob ng mga bahay, tiyak sa ilang mga kababaihan, dahil ang mga tinig na mga babae na nagtatawagan ay maririnig sa banayad na ere.

«Laging may relasyon sa pagitan ng mga tao, kahit na kung ito ay tila wala: ibig sabihin, ang pinanggalingan mula sa Iisa lamang na Tagapaglikha. Kung pagkaraan ang mga anak ng Tanging Ama ay nagkahiwalay, ang kaugnayan ng kanilang pinagmulan ay hindi nagbabago, katulad na ang dugo ng isang anak na pinagkakaila ang sambahayan ng kanyang ama ay hindi nagbabago. Sa mga ugat ni Cain ay naroroon pa rin ang dugo ni Adan pagkatapos ng krimen na gawa nito napilitan siyang maglagalag sa kalawakan ng mundo. At sa mga ugat ng mga anak ni Eba pagkatapos ng kanyang pamimighati, umiiyak sa kanyang pinatay na anak, ay naroroon ang gayon ding dugo na kumulo sa mga ugat ng nasa malayong si Cain. Ganito rin, at para sa mas purong dahilan, ang tungkol sa pagkakapantay-pantay ng mga anak ng Tagapaglikha. Sila ba ay naligaw, napatapon, nagtakwil, nagkasala, nagsasalita ng ibang mga wika, naniniwala ba sila sa mga pananampalataya na ating iniiwasan, sila ba ay naparumi sa pagpapakasal sa mga hentil? Oo? Ngunit ang kanilang kaluluwa ay nanggaling sa Iisang Diyos, at sila ay laging gayon din, kahit na kung sila ay nailayo, naligaw, napatapon, naparumi… Kahit na kung sila ay ang dahilan ng kapighatian ng Diyos Ama, sila pa rin ang mga kaluluwang nilikha Niya. Ang mabubuting anak ng napakabuting Ama ay kailangan na may mabubuting pakiramdam. Mabuti ang pakiramdam sa Ama, mabuti sa mga kapatid, ano pa man ang kinalabasan nila, sapagkat sila ay mga anak ng gayon ding Ama. Nagiging mabuti sa Ama sa pamamagitan ng pagsisikap na masuklian Siya para sa Kanyang pamimighati, dinadala muli ang Kanyang mga anak sa Kanya, sapagkat sila ang dahilan ng Kanyang pamimighati, dahil sila ay mga nagkakasala o dahil sila ay mga nagtakwil o mga pagano. Nagiging mabuti sa kanila sapagkat may mga kaluluwa sila na nilikha ng Ama, nakapaloob sa nagkasala, narumihang mga katawan at naging mga mapurol sa pamamagitan ng maling mga relihiyon, subalit laging mga kaluluwa ng Diyos kapantay ng atin.

Tandaan, kayong sambayanan ng Israel, na walang sinuman, kahit na ang idolatra ang napakalayo sa Diyos dahil sa kanyang ma-idolatriyang relihiyon, ni ang pinaka pagano sa mga pagano o ang pinaka-ateo na tao, na ganap na nawalan ng ilang bakas ng kanyang pinanggalingan. Tandaan, kayo na mga nagkamali, sa pagkakahiwalay mula sa makatarungang Relihiyon sa pagbaba sa paghahalu-halo ng mga kasarian, na kinukundina ng aming Relihiyon, na kahit na kung iniisip ninyo na ang lahat na dating Israel ay ngayon patay na sa inyo, nasakal ng pagmamahal para sa isang lalaki ng ibang pananampalataya at lahi, ito ay hindi patay. Mayroon diyan na buháy pa rin, at iyan ay Israel. At katungkulan ninyo na hipan ang namamatay na apoy, upang maalagaan ang kislap na naririyan pa rin sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, upang sana matalo nito ang karnal na pagmamahal. Ang pagmamahal na iyan ay natatapos kasama ng kamatayan, ngunit ang inyong mga kaluluwa ay hindi natatapos. Tandaan iyan. At kayo, maging sinuman kayo, na nakakakita, at kung minsan nahihintakutan sa pagkakakita sa mestisong kasal ng isang anak na babae ng Israel sa isang lalaki ng ibang lahi at pananampalataya, tandaan na ito ay katungkulan ninyo at obligasyon na tulungan nang may pagkawanggawa ang naligaw na kapatid na babae, upang sana makita niyang muli ang daan pabalik sa Ama.

Ito ang bagong banal na Batas, kaayun-ayon sa Panginoon: na ang mga tagasunod ng Tagapagtubos ay sana matubos nila ang sinuman na kailangang matubos, upang ang Diyos ay sana ngumiti dahil sa mga kaluluwa na bumabalik sa Sambahayan ng Ama at ang sakripisyo ng Tagapagtubos ay hindi sana maging di-mamunga at hamak.

Upang paasimin ang tapay ang maybahay ay kumukuha ng kaunti ng tapay ng nakaraang linggo. O! tanging isang kapiranggot lamang ng buong tapay! At ibábaon niya ito sa tapay, at mapoprotektahan ito mula sa nakasisirang mga hangin sa loob ng mainam na init ng bahay. Gawin din ito mismo ninyo, kayong mga tagasunod ng Mabuti, at kayo, rin, na mga lumayo sa Ama at sa Kanyang Kaharian. Hayaan ang huli na magbigay ng katiting na bahagi ng kanilang lebadura upang masuportahan at mapalakas ang huli, na idadagdag naman ito sa katiting na hustisya na naroroon pa sa kanila. At kapwa kayo, protektahan ang bagong lebadura mula sa masungit na mga ihip ng Kasamaan sa loob ng init ng Karidad, ayon sa kung ano ito sa inyo: inyong sinyora, o isang mapilit, bagama't ngayon nanghihinang natitira. Suportahan sa pamamagitan ng init ng inyong mga tahanan, sa pamamagitan ng pananampalataya sa gayon ding relihiyon na nangangasim sa puso ng isang nailigaw na kapwa ka-relihiyon, upang sana maramdaman niya na siya ay minamahal pa rin, siya ay anak pa ring babae ng Zion at kapatid na babae ninyo, at ang kanyang mabuting kalooban ay sana lumitaw at ang Kaharian ng Langit sana makarating sa lahat ng mga kaluluwa.»

«Ngunit sino Siya?» ang mga tao ay nagtatanong, at sila ay tila hindi na nagmamadali na matawid ang tulay bagama't ito ay libre na, o na makapagpatuloy sa kanilang lakad, kung ito ay kanilang natawid na.

«Isang rabbi!»

«Isang rabbi ng Israel.»

«Dito? Sa mga hangganan ng Phoenicia? Ito ang unang pagkakataon na nangyari ito!»

«Subalit iyan nga. Sinabi sa akin ni Aser na Siya ang Banal na Isa, ayon sa tawag sa Kanya ng mga tao.»

«Baka Siya ay naghahanap ng mapagtataguan dito sapagkat Siya ay kanilang inuusig sa kabila.»

«Sila ay totoo ngang mga ahas!»

«Mabuti kung Siya ay maninirahang kasama natin! Siya ay gagawa ng mga himala…»

Pansamantala si Jesus ay nakalayo na sa landas sa loob ng mga bukid…

200412




Sunod na kabanata