327. Pagdating sa Alexandroscene.

Nobyembre 12, 1945.

Narating nila muli ang daan pagkatapos ng mahabang pag-ikot sa mga bukid at pagkatapos na matawid ang agos ng tubig sa pamamagitan ng isang maliit na tulay ng naglalangitngitang mga tabla, angkop lamang para sa mga tao: isang tulayan ng tao kaysa sa ano pa man na mas mahalaga pa. At sila ay nagpapatuloy sa paglalakad sa kapatagan, na nagiging pakitid na nang pakitid habang ang mga burol ay papalit sa baybayin, upang pagkatapos ng isa pang agos ng tubig, sa pamamagitan ng dating kailangang tulay ng Romano, ang daan ay iniiwan ang kapatagan at naging bulubundukin at sumangá sa tulay: isang daan, na hindi napakatarik, na tumatakbong pahilaga sa tabi ng isang lambak, ang isa pa, na kinuha ni Jesus sinusundan ang itinuturo ng batong muson ng Romano: «Alexandroscene – V m.», na isang tunay na daanan na mga baytang sa matarik na batuhang bundok, na ang matutulis na dulo nito ay bumabagsak patungo sa Mediterraneo, habang ang tanawin ng dagat ay palawak na nang palawak habang sila ay umaakyat. Tanging mga tao lamang at mga asno ang makakaraan sa daan na iyon, o daan na mga baytang, na dapat itong tawagin. Ngunit sa dahilan na ito ay baka ang mas maikling mabuting daan, ito ay abalang-abalang daan at ang mga tao ay mausisang pinagmamasadan ang grupo ng mga Galilean na dumaraan dito.

«Maaaring iyon ang lungos ng bagyo» sabi ni Mateo tinuturo ang talampas na nakausli sa dagat.

«Oo», sa ibaba niyan ay ang nayon na binabanggit ng mangingisda sa atin» patotoo ni Santiago ni Zebedeo.

«Sino kaya ang nagtayo ng daan na ito?»

«Sino ang nakaaalam kung gaano na katagal ito rito! Gawa ng mga Phoenician siguro…»

«Mula sa tuktok makikita natin ang Alexandroscene na sa kabila ay naroroon ang White Cape. Makikita mo ang malawak na abot ng dagat, Aking mahal na Juan» sabi ni Jesus nagpapatong ng isang kamay sa mga balikat ng apostol.

«Magagawa ako niyan na masaya. Ngunit malapit nang dumilim. Saan tayo titigil?»

«Sa Alexandroscene. Kita mo? Ang daanan ay pababa na. Sa baba roon ang kapatagan ay uunat hanggang sa layo ng bayan na iyon na makikita mo sa banda roon.»

«Iyan ang bayan ng babae mula sa Antigonea… papaano natin mapagbibigyan ang kanyang pinakikiusap?» tanong ni Andres.

«alam Ninyo, Guro, nagsabi siya sa amin: “Pumunta sa Alexandroscene. Ang aking mga kapatid na lalaki ay may mga tindahan doon at sila ay mga proselito. Sabihan ninyo sila tungkol sa Guro. Kami ay mga anak din ng Diyos…” at siya ay umiyak sapagkat, dahil siya ay isang manugang-na-babae, siya ay kung baga kinukunutan ng noo… kung kaya't ang kanyang mga kapatid ay hindi kailanman siya dinadalaw at wala siyang napapakinggan tungkol sa kanila…» paliwanag ni Juan.

«Hahanapin natin ang kanyang mga kapatid. Kung tayo ay kanilang patutuluyin bilang mga peregrino, mapagbibigyan natin ang hinihiling niya…»

«Ngunit papaano natin mapatutunayan na nakita natin siya?»

«Siya ay nagtatrabaho para kay Lazarus. At tayo ay mga kaibigan ni Lazarus» sabi ni Jesus.

«Totoo iyan. Makapagsasalita Kayo…»

«Oo. Ngunit bilisan ninyo ang inyong hakbang upang sana makita natin ang bahay. Alam ba ninyo kung nasaan ito?»

«Oo, malapit ito sa Fort. Labis silang nakikipagkalakalan sa mga Romano kung kanino nagbebenta sila ng maraming paninda.»

«Mabuti.»

Nalakad nila ang magandang patag na daan nang mabilis, isang tunay na konsular na daan, nakakabit sa mga daan na nanggagaling sa pangunahing kalupaan at ito ay nagpapatuloy patungo roon pagkatapos ng matarik na daang mga baytang sa mabatong talampas malapit sa baybayin.

Ang Alexandroscene ay mas isang militar kaysa isang sibilyan na bayan. Maaaring ito ay may kahalagahang estratehiya, ngunit hindi ko alam kung bakit. Naiipit ng dalawang talampas ito ay nagmumukhang katulad ng isang tanod binabantayan ang bahaging iyon ng dagat. Ngayon na posible nang makita ang dalawang lungos, maraming mga toreng militar ang makikita sa mga ito, pinoporma ang isang pagkakakabít-kabit kasama ang mga nasa kapatagan at ang mga nasa bayan, kung saan ang mapangibabaw na Fort ay ang naghahari malapit sa baybayin.

Pinasok nila ang bayan pagkatapos na matawid ang isa pang agos ng tubig malapit sa geyt at sila ay nagpapatuloy patungo sa mahigpit na masa ng Fort patingin-tingin sa kapaligiran at pinagmamasdan nang mausisa. May napakaraming mga sundalo at sila ay lumalabas na mabuti ang pakikitungo sa mga mamamayan, na nagawa ang mga apostol na bumulong: “Ang mga Phoenician na ito ay walang pandama ng karangalan!»

Narating nila ang mga tindahan ng mga kapatid na lalaki ni Hermione, habang ang huling mga suki ay lumalabas dala ang lahat na uri ng pinamili, mula sa mga piraso ng tela hanggang mga kagamitan sa kusina, hanggang sa dayami, trigo, langis, mga kakanin. Ang malaking pamasukan na bulwagan ay nangangamoy ng balat, mga rekado, kumpag, dayami, magaspang na lana at ito ay nagpapatungo sa isang bakuran na kasing lapad ng isang liwasan, may mga imbakan sa ilalim ng mga portiko.

Isang morenong lalaki ang dumating upang salubungin sila: «Ano ang kailangan ninyo? Mga makakain?»

«Oo… at matutulugan, kung walang anuman sa iyo ang magbigay ng ospitalidad sa mga peregrino. Kami ay nanggaling sa malayo at hindi pa nakakarating dito kahit kailan. Tanggapin kami sa ngalan ng Panginoon.»

Ang mamâ ay tinitingnan nang mabuti si Jesus Na siyang nagsalita sa katauhan ng lahat. Pinag-aaralan niya ang Kanyang mukha, pagkatapos nagsabi: «Sa katunayan hindi kami nagbibigay ng matutulugan. Ngunit gusto ko Kayo. Kayo ay isang Galilean, hindi ba? Mas mabuti nang mga Galilean kaysa mga Judaean. May labis na amag sa huli. Hindi kami nila kailanman pinatatawad sa hindi pagkakaroon ng purong dugo. Mas mabuti siguro kung ang kanilang mga kaluluwa ay puro. Tuloy, tuloy kayo rito, ako ay babalik kaagad. Ako ay nagsasarado na, madilim na.» Sa katunayan takipsilim na at mas madilim pa nga sa bakuran na nadudungawan ng makapangyarihan Fort.

Sila ay pumasok sa isang silid at, pagod katulad nila, sila ay naupo sa mga bangkito na nakakalat dito at doon.

Ang mamâ ay bumalik kasama ang dalawa pang mga kapatid na lalaki, isang mas matanda at isang mas bata, at ipinakita sa kanila ang mga panauhin, na mga tumayo bumabati, nagsasabing: «Naririto sila. Ano sa palagay ninyo? Sila ay tila matatapat…»

«Oo. Nagawa mo ang tamang bagay» sabi ng pinakamatandang kapatid sa kanyang kapatid na mas bata, at pagkatapos kinakausap ang panauhin, o kung baga, si Jesus, na malinaw na siyang lumalabas na ulo, nagtanong siya: «Ano ang inyong mga pangalan?»

«Jesus ng Nazareth, Santiago at Judas ng Nazareth, Santiago at Juan ng Bethsaida at Andres din, at Mateo ng Capernaum.»

«Bakit kayo naririto? Inuusig?»

«Hindi. Kami ay nag-eebanghelyo. Kami ay nanggaling na sa buong Palestina nang higit pang minsan, mula Galilee hanggang Judea, mula sa isang dagat patungo sa isa pa. At kami ay napunta na rin sa ibayo ng Jordan, sa kasing layo ng Hauran. Kami ngayon ay pumunta rito upang magturo.»

«Isang rabbi rito? Ito’y kagila-gilalas, hindi ba, Felipe at Elias?» tanong ng pinakamatandang kapatid.

«Oo, napaka. Anong lipì kayo kasali?»

«Sa wala. Ako ay sa Diyos. Ang mabubuting tao ng mundo ay naniniwala sa Akin. Ako ay mahirap at mahal Ko ang mahihirap, ngunit hindi Ko kinasusuklaman ang mayayaman, na Aking tinuturuan na magmahal, maging maawain at maging nakatikal sa mga kayamanan, katulad na tinuturuan Ko ang mahihirap na mahalin ang kanilang karukhaan nagtitiwala sa Diyos Na walang sinuman ang pinababayaan na mamatay. Kasama sa Aking mayayamang kaibigan at mga disipulo ay naririyan si Lazarus ng Bethany…»

«Lazarus? Ang isa naming kapatid na babae ay naikasal sa isa sa kanyang mga katulong.»

«Alam Ko. Iyan din ang isa sa mga dahilan kung bakit Ako pumunta. Upang sabihin sa inyo na ipinaaabot niya ang kanyang pangungumusta at pagmamahal sa inyo.»

«Nakita Ninyo siya?»

«Hindi Ko nakita. Ngunit sila na mga kasama Ko, ay pinadala sa Antigonea ni Lazarus.»

«O! Sabihin sa amin! Kumusta si Hermione? Totoo bang siya ay masaya?»

«Ang kanyang asawa at kanyang biyanang babae ay gustung-gusto siya. Ang kanyang biyanang lalaki ay iginagalang siya…» sabi ni Tadeo.

«Ngunit hindi niya siya pinatatawad tungkol sa dugo ng kanyang ina. Sabihin nang ganyan.»

«Mapapatawad na niya siya. Pinupuri niya siya nang napakabuti. At si Hermione ay may apat na magagandang mababait na anak, na nagpapasaya sa kanya. Kayo ay laging nasa kanyang puso at hiningi niya sa amin na dalhin namin sa inyo ang Dibinong Guro.»

«Ngunit… ano?... Kayo ba ay ang isa na sinasabi na siyang ang Mesiyas?»

«Ako nga.»

«Kayo nga ba ay ang totoong… Kami ay napagsabihan sa Herusalem na Kayo ang, na tinatawag nila Kayo na ang Salita ng Diyos? Totoo ba ito?»

«Oo, totoo.»

«Ngunit Kayo ba ay ang Salita para sa mga iyon na naroroon sa banda roon, o para sa lahat?»

«Para sa lahat. Makapaniniwala ba kayo na Ako ang Salita ng Diyos?»

«Walang mawawala sa paniniwala, lalo na kung ang isa ay umaasa na kung ano ang pinaniniwalaan niya ay ang makaaalis ng nagpapahirap sa kanya.»

«Iyan ay totoo, Elias. Ngunit huwag mong sabihin iyan. Iyan ay isang di-purong kaisipan, mas di-puro pa kaysa sa pagkakahalo ng dugo. Huwag magsaya sa pag-asa na ang nagpapahirap sa iyo bilang isang tao na kinasusuklaman ng ibang tao ay sana maglaho, bagkus magsaya sa pag-asa na marating ang Kaharian ng Langit.»

«Tama Kayo. Ako ay kalahati pagano, Panginoon…»

«Huwag panghinaan ng loob. Minamahal Ko rin kayo at Ako ay naparito para sa inyo rin.»

«Sila ay maaaring pagod, Elias. Pinananatili mo sila rito nagsasalita. Tayo na at kumain ng hapunan at pagkatapos dadalhin natin sila upang makapagpahinga. Walang mga babae rito… Wala sa mga babae mula sa Israel ang gusto tayo, samantalang ibig natin ang isa sa kanila… Patawarin kami, kung gayon, kung ang bahay ay tila malamig at walang laman.»

«Ang inyong mga puso ay paiinitan at aadornohan iyan para sa amin.»

«Gaano Kayo katagal mananatili?»

«Hindi lampas pa sa isang araw. Ibig Kong pumunta pagawing Tyre at Sidon at ibig Kong mapunta sa Achzib bago dumating ang Sabbath.»

«Hindi posible, Panginoon. Ang Sidon ay napakalayo!»

«Ibig Kong magsalita rito bukas.»

«Ang aming bahay ay katulad ng isang piyer. Na hindi na lalabas magkakaroon Kayo ng kasing dami ng makikinig na ibig Ninyo, lalo na dahil bukas ay araw ng palengke.»

«Tayo na, kung gayon, at harinawang gantimpalaan kayo ng Panginoon para sa inyong karidad.»

200412

 


Sunod na kabanata