328. Pagkaraan ng Isang Araw sa Alexandroscene. Ang Parabula Tungkol sa mga Manggagawa sa úbasán.

Nobyembre 13, 1945.

Ang kalahati ng bakuran ng tatlong magkakapatid na lalaki ay nasa lilim, ang kalahati nasa loob ng maningning na sikat ng araw. At ito ay puno ng mga tao dumadating at umaalis, gumagawa ng pamimili, habang sa labas ng pinaka pintuan, sa maliit na liwasan, ang mga tao ay abala sa paligid ng maingay na palengke ng Alexandroscene, bumibili ng mga asno, tupa, kordero, manok; sapagkat halatang ang mga tao rito ay hindi napakamaselan at kung gayon nagdadala sila ng mga manok sa palengke na walang anumang takot ng pagkahawa. Ang mga ingay ng asno, tupa, manok, tilaok ng mga tandang ay humahalo sa mga tinig ng tao sa isang masayang koro, na ang mga nota nito paminsan-minsan ay nagiging grabeng mataas dahil sa ilang pag-aaway.

Ang bakuran din ng magkakapatid ay abalang-abala at ang mga tao ay madalas nagtatalo tungkol sa mga presyo o dahil ang isang mamimili ay kinuha kung ano ang balak bilhin ng isa pa. Pagkatapos ay naririyan ang paangil na pag-ungol ng mga pulubi sa liwasan, malapit sa pinaka pintuan, hinahagulhol ang kanilang mga kamalasan sa isang ang-ang na kasing lungkot ng lamentasyon ng isang namamatay na tao.

Ang mga sundalong Romano ay kumikilos nang mapagmataas sa paligid ng liwasan at mga bodega. Sa palagay ko sila ay mga nakatalaga dahil nakikita ko na sila ay armado at di kailanman nag-iisa sa pagitan ng mga Phoenician na lahat mga armado.

Si Jesus din ay palakad-lakad sa bakuran kasama ang anim na apostol, naghihintay para sa tamang sandali na magsalita. Pagkatapos Siya ay lumabas sa liwasan, at dumaraan malapit sa mga pulubi binigyan Niya sila ng mga limos. Ang mga tao ay titigil nang sandali upang tingnan ang grupong Galilean at magtatanong kung sino ang mga banyaga. At may ilan na magsasabi sa kanila, dahil sila ay nakapagtanong na sa tatlong magkakapatid na lalaki tungkol sa kanilang mga panauhin.

Isang bulung-bulungan ang sumusunod sa mga hakbang ni Jesus habang Siya ay naglalakad nang mapayapa humahaplos ng mga batang Kanyang nasasalubong sa Kanyang daan. Mayroon ding isa na manunuya at bibigkas ng di-magagandang tawag sa mga Hebreo, pati rin mga tao na matapat na ibig na makapakinig sa «Propeta” na ito, sa «Rabbi» na ito, sa «Banal na Tao» na ito, sa «Mesiyas» na ito ng Israel, dahil ito ang mga pangalan na ibinibigay sa Kanya, ayon sa kanilang pananampalataya at sa kanilang pandama ng pagmamatwid.

Napakinggan ko ang dalawang ina na nagsabi: «Ngunit totoo ba iyan?»

«Si Daniel mismo ang nagsabi sa akin. Nang sa Herusalem nakipagusap siya sa mga tao na nakakita sa mga himala ng Banal na Tao.»

«Oo, sang-ayon ako! Ngunit ito ba ay ang tao rin na iyon?»

«O! Si Daniel ay sinabi sa akin na walang iba bagkus Siya iyon, dahil sa kung ano ang Kanyang sinasabi.»

«Bueno… ano sa palagay mo? Ipagkakaloob kaya Niya sa akin ang grasya, kahit na kung ako ay isa lamang proselito?»

«Iyan ang masasabi ko… Subukan. Baka hindi na Siya bumalik dito muli. Subukan! Tiyak na hindi ka Niya sasaktan!»

«Ako ay pupunta» sabi ng maliit na babae iniiwan ang tindero ng mga gamit sa kusina kung kanino siya ay nakikipagtawaran sa ilang mga pinggan. Ang lalaki na napakinggan ang paguusap ng dalawang babae, nanghihinayang at nayayamot sapagkat ang isang mabuting paguusap ay naging wala, ay nagrereklamo sa natitirang babae: «Isinumpang proselito. Dugong Hudyo. Naging maruming babae» atbp. atbp

Napakinggan ko ang dalawang balbasing mga lalaki nagsasabi: «Ibig ko siyang mapakinggan. Sinasabi nila na Siya ay isang dakilang Rabbi.»

«Isang Propeta, iyan ang sabihin mo. Mas dakila pa kaysa kay Juan Bautista. Si Elias ay may sinabi sa akin ng ilang mga bagay! Magagandang bagay! At alam niya sapagkat ang kanyang kapatid na babae ay nakasal sa isang katulong ng isang napakayamang tao ng Israel, at upang malaman ang balita tungkol sa kanya nagtanong siya sa kapwa mga katulong niya. Ang mayaman na taong iyon ay kaibigan ng Rabbi…»

Ang ikatlong lalaki, isang Phoenician maaari, na bilang malapit sa dalawa ay napakinggan ang kanilang sinabi, ay isiningit ang kanyang mala-engkantadong mukha sa pagitan ng dalawa at nagsabing tumatawang nanunuya: «Magandang kabanalan! Nakasuot ng kayamanan! Sa ganang nalalaman ko ang isang banal na tao ay kailangang mamuhay sa karukhaan!»

«Pigilan mo ang iyong isinumpang dila, Doro. Ikaw, na pagano, ay walang kakayahan na husgahan ang mga bagay na ito.»

«Ah! Ikaw ay may-kakayahan, lalo ka na, Samuel. Mabuti pang bayaran mo ang utang mo sa akin.»

«Narito, kunin mo, at huwag lumapit sa akin ulit, ikaw na mukhang anitong bampira!»…

Narinig ko ang isang halos-bulag na matandang lalaki, pinasusunod ng isang maliit na batang babae, nagtanong: «Nasaan ang Mesiyas?» at ang batang babae ay nagsabi: «Magparaan para sa matandang Markus! Pakiusap na sabihan sa matandang Markus kung nasaan ang Mesiyas!»

Ang mahinang nanginginig na tinig ng matanda at ang matining at matatag na tinig ng bata ay kumalat nang walang makuhang tugon sa liwasan, hanggang nagsalita ang isang lalaki: «Ibig ba ninyong pumunta sa Rabbi? Siya ay bumalik sa bahay ni Daniel. Ayón Siya nakatayo sa banda roon, nakikipagusap sa mga pulubi.»

Naririnig ko ang dalawang sundalong Romano nagsasabi: «Maaaring Siya ang isa na inuusig ng mga kawatan ng mga Hudyo! Sa pagtingin lamang sa Kanya makikita mo na Siya ay mas mabuti kaysa sa kanila.»

«Iyan kung bakit naiinis sila sa Kanya.»

«Tayo na at sabihan ang tenyente. Iyan ang tagubilin.»

«Gaanong kalokohan, o Caius! Ang Roma pangangambahan ang mga kordero at pagkaka-abalahan ang, hindi, sasabihin ko: manghahaplos ng mga tigre.» (Scipio).

«Hindi sa palagay ko, Scipio! Ipinapapatay ni Poncio Pilato nang madali ang mga tao!» (Caius).

«Oo, ngunit hindi niya isinasara ang kanyang bahay sa mga gumagapang na mga ayena na nambobola sa kanya.» (Scipio).

«Pulitika, Scipio! Pulitika!» (Caius).

«Karuwagan, Caius, at katangahan. Kailangang makipagkaibigan siya sa Taong ito. Makatatanggap siya ng tulong upang mapasunod ang magugulong Asyatikong ito. Napaglilingkuran ni Poncio ang Roma nang masama sa di pagpansin sa taong ito at pagbola sa masasamang tao.» (Scipio).

«Huwag mong pintasan ang ating Prokonsul. Tayo ay mga sundalo at ang mga nakatataas sa atin ay kasing sagrado ng isang diyos. Tayo ay nanumpa ng pagsunod sa dibinong Caesar at ang Prokonsul ay ang kanyang kinatawan.» (Caius).

«Iyan ay tama lang tungkol sa ating katungkulan sa ating sagrado at inmortal na amangbayan. Ngunit hindi tungkol sa personal na paghuhusga ng isa.» (Scipio).

«Ngunit ang pagsunod ay nakabatay sa paghuhusga. Kung ang iyong paghusga ay laban sa isang utos at pinipintasan ito, hindi ka susunod nang buong puso. Ang Roma ay umaasa sa ating bulag na pagsunod upang maipagsanggalang ang mga nasasakop nito.» (Caius).

«Nagsasalita ka katulad ng isang manananggol at tamang-tama ka. Ngunit kailangan kong ipakita sa iyo na kung ang Roma ay reyna, tayo ay hindi mga alipin. Tayo ay mga nasasakupan. Ang Roma ay walang mga alipin na mamamayan, at hindi kailangan na magkaroon nito. Isang pang-aalipin ang pigilan ang mga mamamayan na magsalita ng kanilang naiisip. Sasabihin ko na aking opinyon na si Poncio ay nagkakamali sa hindi pangangalaga sa Israelitang ito, tawagin Siyang Mesiyas, Banal, Propeta, Rabbi, ayon sa ibig mo. At nararamdaman ko na makapagsasabi ako nito sapagkat ang aking katapatan sa Roma ay hindi kailanman nababawasan. Ni ang aking pagmamahal. Hindi, iyan ang ibig ko, sapagkat pakiramdam ko sa pagtuturo sa mga tao na igalang ang mga batas at ang mga Konsul, nakikisama Siya sa ikabubuti ng Roma.» (Scipio).

«Ikaw ay may-pinag-aralang tao, Scipio… Malayo ang mararating mo. Ikaw ngayon ay abante na! Ako ay isang abang sundalo. Ngunit tingnan mo sa banda roon. May nagkakaipun-ipon na mga tao sa paligid ng Tao na iyon. Tayo na at sabihan ang mga nakatataas sa atin.» (Caius)…

Sa katunayan malapit sa pinaka pintuan ng tatlong magkakapatid ay may isang grupo ng mga tao sa palibot ni Jesus, Na kitang-kita dahil sa Kanyang taas. Pagkatapos biglang narinig ang isang sigaw at ang mga tao ay nagkagulo. Maraming tao ang nagmadali mula sa palengke patungo sa grupo habang ang iba ay iniiwan ang grupo at tumatakbo patungo sa liwasan at sa kabila pa. Mga tanong… mga sagot…

«Anong nangyari?»

«Ano ang nangyayari?»

«Ang Mamâ mula sa Israel ay pinagaling ang matandang Markus!»

«Ang takip ay nawala sa kanyang mga mata.»

Si Jesus pansamantala ay umalis patungo sa bakuran sinusundan ng isang tren ng tao. Sa likuran nilang lahat kumikilos nang may malaking kahirapan ay ang isa sa mga pulubi, isang pilay, na hinihila ang sarili sa pamamagitan ng kanyang mga kamay kaysa ng kanyang mga paa. Ngunit kung ang kanyang mga paa ay pilay at mahina, upang kung walang mga saklay siya ay hindi makakagalaw, ang kanyang tinig ay malakas-na-malakas! Siya ay katulad ng isang sirena na umaalingawngaw sa ere sa maaraw na umaga: «Banal! Banal! Mesiyas! Rabbi! Maawa sa akin!» Siya ay sumisigaw sa tuktok ng kanyang tinig nang walang tigil.

Dalawa o tatlong tao ang tumalikod: «Huwag kang magsayang ng hininga! Si Markus ay isang Hudyo, ikaw ay hindi.»

«Nagkakaloob Siya ng mga grasya sa totoong Israelita, hindi sa mga anak ng isang aso!»

«Ang aking ina ay Hebreo…»

«At ang Diyos ay hinampas siya gawa ng kanyang kasalanan, binibigyan siya ng isang halimaw katulad mo. Layas, ikaw na anak ng isang lobo! Bumalik ka sa lugar mo, ikaw na maruming putik…»

Ang mamâ ay sumandal sa pader, pinanghihinaan ng loob at natakot sa mga pananakot ng mga kamao…

Si Jesus ay tumigil, tumalikod, tiningnan siya. Siya ay nag-utos: «Mamâ, halika rito!»

Ang mamâ ay tiningnan Siya, tiningnan ang mga nananakot sa kanya… at hindi naglakas-loob na lumapit.

Si Jesus ay ipinipilit ang Sarili sa pagitan ng maliit na pulutong at pumunta sa kanya. Kinuha Niya siya sa kamay, ibig sabihin, ipinatong Niya ang Kanyang kamay sa balikat ng mamâ at nagsabi: «Huwag kang matakot. Sumama ka sa Akin» at tinitingnan ang mga walang-awang mga tao sinabi Niya nang mahigpit: «Ang Diyos ay para sa lahat ng mga tao na naghahanap sa Kanya at maawain.»

Naintindihan nila at sila ngayon ang naiwan sa likuran ng pulutong, o kung baga, nanatili sila kung nasaan sila.

Si Jesus ay tumalikod muli. Nakita Niya na sila ay napahiya at aalis na sana, at sinabi Niya sa kanila: «Hindi, makalalapit din kayo. Makakabuti rin ito sa inyo, maitutuwid at mapalalakas nito ang inyong mga kaluluwa katulad na itutuwid at palalakasin Ko ang taong ito, sapagkat siya ay may pananampalataya. Mamâ, sinasabi Ko sa iyo, gumaling sa iyong kapansanan.» At Kanyang inalis ang Kanyang kamay sa balikat ng pilay, pagkatapos na ang huli ay nagkaroon ng tila isang pagkagulat.

Ang mamâ ay itinutuwid ang kanyang sarili sa kanyang mga paa na ngayon ay matatag, itinatapon ang kanyang gastado-nang mga saklay at sumigaw: «Pinagaling Niya ako! Purihin ang Diyos ng aking ina!» at siya ay lumuhod upang halikan ang laylayan ng manta ni Jesus.

Ang kagulo ng mga ibig makakita, o mga nakakita at gumagawa ng mga komentaryo, ay naging napakagrabe. Sa loob ng mahabang pamasukang bulwagan mula sa liwasan hanggang sa bakuran, ang ingay ay umaalingawngaw kasabay ang tunog ng isang bubon at ipinapasa ng mga pader ng Fort.

Ang mga sundalo ay inakalang may pag-aaway – na maaaring ganyan nga sa mga lugar na ganito na may napakaraming magkakaibang lahi at relihiyon – at ang isang samahan ay nagmadali sa lugar; naniniko silang marahas upang makaraan sa pulutong nagtatanong kung ano ang nangyayari.

«Isang himala, isang himala! Si Jonah, ang pilay, ay napagaling. Naroroon siya, sa banda roon, malapit sa Galilean.»

Ang mga sundalo ay nagkakatinginan. Hindi sila nagsasalita hanggang makalampas ang buong pulutong at mas marami pang tao ang nabuo sa likuran nito nanggagaling sa mga bodega at sa liwasan, kung saan mga nagtitinda lamang ang mga naiwan; nagagalit sila sa biglaang kaabalahan, na nagawa ang palengke sa araw na iyon na maging isang ganap na kabiguan. Pagkatapos, nang makita nila ang isa sa tatlong magkakapatid lalaki na dumaan, tinanong nila siya: «Felipe, alam mo ba kung ano na ang gagawin ng Rabbi ngayon?»

«Siya ay magsasalita at magtuturo sa loob ng aking bakuran!» tugon ni Felipe nang tuwang-tuwa.

Ang mga sundalo ay nagkakatanungan sa isa’t isa: «Mananatili ba tayo? Tayo ba ay aalis?»

«Ang tenyente ay nagsabi na tayo ay magbantay…»

«Sino? Ang Mamâ? Hanggang sa tungkol sa Kanya mabuti pang umalis tayo at aliwin ang ating mga sarili sa paglalaro ng dais para sa isang amphora ng alak ng Cyprus» sabi ni Scipio, ang sundalo na kanina ay ipinagtatanggol si Jesus nakikipagusap sa kanyang kasama.

«Sasabihin ko na nangangailangan Siya ng proteksiyon, hindi ang mga karapatan ng Roma! Nakikita ba ninyo Siya sa banda roon? Sa pagitan ng ating mga diyos wala ni isa na napakabanayad subalit lalaking-lalaking tingnan. Ang kuyog ng mga tao rito ay hindi karapat-dapat sa Kanya. At ang di-karapat-dapat ay laging masasama. Tayo ay manatili at protektahan Siya. Kung kinakailangan ipagsasanggalang natin Siya at paalikabukan ang mga jacket na ito na para sa mga alipin sa galera» sabi ng isa pa nang medyo may-panunuya at medyo may-paghanga.

«Tama ka, Pudens. Hindi, Actius, lakad at tawagin si Procorus, ang tenyente na laging nangangarap ng mga banta laban sa Roma… at ng para sa promosyon para sa kanyang sarili, tungkol sa kanyang matinding pagmamanman sa kalusugan ng dibinong Caesar at ng diyosang Roma, ang ina at ginang ng mundo, upang sana makumbinsi ang kanyang sarili na hindi siya kikita ng kahit na anong gasa sa braso o korona rito.»

Ang isang bata-pang sundalo ay tumakbong umalis at bumalik kaagad nagsasabing: «Si Procorus ay dumarating. Pinadadala niya ang maninibat na si Aquila…»

«Mabuti! Mas mabuti siya kaysa kay Cecillius Maximinus mismo. Si Aquila ay nagsilbi sa Aprika, sa Gaul, at sa mabangis na mga kakahuyan kung saan si Varus at ang kanyang hukbo ay nalipol. Kilala niya ang mga Griyego at mga Briton at magaling siya sa pagsasabi kung… O! Pagbati! Naririto ang ating maluwalhating si Aquila! Halika, turuan kaming mga abang sawing-palad kung papaano husgahan ang kahalagahan ng mga tao!»

«Mabuhay ka Aquila, ang maestro ng mga sandatahang lakas!» lahat sila ay sumisigaw niyuyugyog ang matandang sundalo na ang kaninong mukha, mga braso at mga binti ay may mga piklat.

Siya ay ngumingiti nang mapagkaibigan at bumulalas: «Mabuhay ang Roma, ang ginang ng mundo! Hindi ako, isang kaawa-awang sundalo. Ano ang nangyayari?»

«Babantayan namin ang matangkad na lalaking iyon, na ang kaninong buhok ay kasing ganda ng napakagaang tanso.»

«Mabuti. Ngunit sino Siya?»

«Sinasabi nila na Siya ay ang Mesiyas. Ang Kanyang pangalan ay Jesus at Siya ay nanggagaling sa Nazareth. Alam mo, Siya ay ang kung kanino ang utos ay pinalabas…»

«H’m! Baka… Ngunit sa palagay ko ang hinahabol natin ay mga anino.»

«Sinasabi nila na ibig Niyang iproklama ang Kanyang Sarili na Hari at palitan ang Roma. Ang Sanhedrin, mga Saduseo, mga Pariseo at mga Herodian ay pinaratangan Siya kay Poncio. Nalalaman mo na ang mga Hudyo ay nakapirmi ang ideang iyan sa kanilang mga ulo, at ang isang hari ay sumusulpot paminsan-minsan…»

«Alam ko, alam ko… Ngunit kung sila ay nag-aalala tungkol sa isang ito… Maging ano pa man pakinggan natin kung ano ang Kanyang sinasabi. Sa palagay ko siya ay magsasalita.»

«Napakinggan ko sa sundalo ng senturyon na sinabi ni Publius Quintilianus sa kanya na Siya ay isang dibinong pilosopo…Ang imperyong mga binibini ay entusiyastiko sa Kanya…» sabi ng isa pang bata-pang sundalo.

«Natitiyak ko na sila nga! Ako ay magiging entusiyastiko mismo kung ako ay isang babae at ibig ko siyang makasama sa aking higaan…» sabi ng isa pang bata-pang sundalo, tumatawa nang bigay-na-bigay.

«Tumigil ka, kayong mahahalay na tao! Ang kahalayan ay inuubos kayo!» wika ng isa pa nagbibiro.

«At hindi ikaw, Fabius! Si Anna, Syra, Alba, Maria…»

«Manahimik, Sabinus. Siya ay nagsasalita at ibig kong mapakinggan Siya» utos ng maninibat. Silang lahat ay tumahimik.

Si Jesus ay tumuntong sa isang kahon na nakadikit sa isang pader. Siya kung gayon ay makikita ng lahat. Ang Kanyang may-kabaitan na pagbati ay kumalat sa ere at sinundan ng mga salitang: «Mga anak ng iisang Tagapaglikha lamang, makinig», at sa mapagpakinig na katahimikan ng pulutong, Siya ay nagpapatuloy.

«Ang Panahon ng Grasya ay dumating na hindi lamang para sa Israel, bagkus para sa lahat sa mundo. Mga mamamayan ng Israel, na mga naririto para sa iba’t ibang dahilan, mga proselito, mga Phoenician, mga Hentil, lahat, makinig sa Salita ng Diyos, unawain ang Hustisya at Karidad, may pamamaraan kayo na marating ang Kaharian ng Diyos, na hindi lamang para sa mga anak ng Israel, ngunit para sa lahat na mula ngayon ay mamahalin ang Iisang Totoong Diyos at maniniwala sa salita ng Kanyang Salita.

Makinig. Ako ay nagpunta rito mula sa napakalayong lugar, ngunit nang walang ambisyon ng isang mangangagaw o walang karahasan ng isang kongkistador. Ako ay nagpunta rito upang maging ang Tagapagligtas lamang ng inyong mga kaluluwa. Ang ari-arian, kayamanan, mga opisina, ay hindi nakapang-iingganyo sa Akin. Walang ibig-sabihin sa Akin ang mga ito at ni hindi Ko tinitingnan iyan. O kung baga tinitingnan ko iyan upang kaawaan iyan, dahil nalulungkot Ako diyan, sapagkat iyan ay mga tanikala na humahawak sa inyong mga kaluluwa bilang mga bihag, pinipigilan ang inyong mga kaluluwa na makalapit sa Iisa, Eternal, Unibersal, Banal, Pinagpalang Panginoon. Tinitingnan Ko at nilalapitan iyan na tila iyan ay ang pinakamalaking mga paghihirap. At pinagsisikapan Ko na mawalan iyan ng nakapanggagayuma ngunit malupit na pandaraya na nang-iingganyo sa mga anak ng tao, upang sana magamit nila iyan nang may hustisya at kabanalan, hindi bilang malupit na mga armas na nanunugat at pumapatay ng mga tao, at una sa lahat ng mga kaluluwa ng mga hindi gumagamit nito nang may-kabanalan.

Ngunit sasabihin Ko sa inyong totoo na mas madali para sa Akin na magpagaling ng isang nasirang katawan kaysa ng isang nailigaw na kaluluwa; mas madali para sa Akin na magbigay ulit ng liwanag sa bulag na mga mata o kalusugan sa isang namamatay na katawan, kaysa liwanag sa mga kaluluwa at kalusugan sa may-sakit na mga espiritu. Bakit? Sapagkat ang tao ay nawala sa kanyang paningin ang totoong pakay ng kanyang buhay at inaabala ang kanyang sarili sa mga maglalaho. Ang tao ay hindi nakaaalam o hindi makaalaala, o bagama't nakakaalaala siya, ayaw niyang sundin ang banal na utos ng Panginoon – at sinasabi Ko rin ito sa mga Hentil na mga nakikinig sa Akin – na gumawa ng Mabuti, na Mabuti sa Roma katulad na ito ay sa Athena, sa Gaul katulad na ito ay sa Aprika, sapagkat ang batas na moral ay nasa ilalim ng bawat kalangitan, sa bawat relihiyon at sa bawat matuwid na puso. At ang mga relihiyon, mula sa relihiyon ng Diyos hanggang sa relihiyon ng indibidwal na mga moral, ay nagsasabi na ang mas mabuting bahagi natin ay nabubuhay at ang kahahantungan nito sa susunod na buhay ay aayon sa kung papaano ito namuhay sa lupa. Ang tangka ng tao, kung gayon, ay ang kamtin ang kapayapaan sa susunod na buhay, hindi maingay na kasayahan, usurya, arogansiya, pagpapakasarap sa mundong ito sa loob ng maikling panahon, na pagbabayaran sa pamamagitan ng pinaka nakamamatay na mga pagpapahirap magpasawalang-hanggan. Bueno, ang tao ay hindi nakaaalam, o hindi makaalaala, o ayaw na maalaala ang katotohanan na iyan. Kung hindi niya nalalaman, siya ay hindi masyadong nagkakasala. Kung hindi niya maalaala, siya ay medyo nagkakasala, sapagkat ang katotohanan ay kailangan na panatilihing maliwanag, katulad ng isang banal na sulo, sa mga isip at mga puso. Ngunit kung ang tao ay ayaw na maalaala ito, at kapag sumisinag ito isinasara ang kanyang mga mata upang hindi ito makita, dahil tinitingnan niya ito bilang kapootpoot katulad ng tinig ng isang nagdudunung-dunungan na nagtatalumpati, kung gayon ang kanyang pagkakasala ay grabe, grabeng-grabe nga.

Subalit ang Diyos ay nagpapatawad. kung ang kaluluwa ay tinatalikdan ang maling gawa nito at nagmumungkahi na tatangkain, sa loob ng natitirang buhay niya, ang totoong pakay ng tao, na siyang ang makakuha ng eternal na kapayapaan sa Kaharian ng totoong Diyos. Sinusundan mo ba magpahanggang ngayon ang masamang landas? Nawawalan ka ba ng pag-asa at iniisip mo na huli nang sundan ang tamang daan? Ikaw ba ay namamanglaw at sinasabi ba mo: “Wala akong nalalaman sa lahat ng ito! At ngayon ako ay mangmang at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin”? Hindi. Huwag isipin na ito ay kapareho ng materyal na mga bagay at na iyan ay mangangailangan ng matagal na panahon at maraming trabaho upang magsimula ulit sa simula, ngunit sa isang banal na pamamaraan. Ang kabaitan sa pagbibigay ng Eternal na Totoong Panginoong Diyos ay gayon na hindi ka Niya gagawin na maglakad pabalik sa simula upang mailagay ka sa sangandaan kung saan, nagkakamali, iniwan mo ang tamang landas para kunin ang mali. Ang Kanyang kabitan ay ganyan, na mula sa sandaling sabihin mo: “Ibig kong mapunta sa Katotohanan”, ibig sabihin, sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay Katotohanan, ang Diyos, sa pamamagitan ng ganap na espirituwal na himala, ay ilalagay ang Karunungan sa iyo, upang bilang mangmang ikaw ay magiging tagapagtaglay ng sobrenatural na Siyensiya, katulad ng mga nagtataglay nito nang maraming mga taon na.

Ang Karunungan ang ibig sabihin ay ang gustuhin ang Diyos, mahalin ang Diyos, ang paunlarin ang sariling kaluluwa, ang kumiling sa Kaharian ng Diyos, itinatakwil ang lahat na laman, mundo, Satanas. Ang Karunungan ang ibig sabihin ay pagsunod sa Batas ng Diyos, na siyang ang batas ng Karidad, Pagsunod, Moderasyon, Katapatan. Ang Karunungan ang ibig sabihin ay ang mahalin ang Diyos nang buong sarili at ang mahalin ang ating kapwa katulad mismo natin. Iyan ay ang dalawang esensiyal na mga elemento upang maging marunong sa Karunungan ng Diyos. At ang ating kapwa ay hindi lamang ang mga kadugo natin, kalahi at ka-relihiyon natin, bagkus lahat ng tao, maging mayaman man o mahirap, marunong man o mangmang, mga Hebreo, proselito, Phoenicia, Griyego, Romano…»

Si Jesus ay pinutol ng isang nambabantang pananaghoy ng ilang napukawang mga tao. Si Jesus ay tinitingnan sila at nagsabi: «Oo. Iyan ay pagmamahal. Ako ay hindi isang nagpapaaliping guro. Sinasabi Ko ang katotohanan sapagkat iyan ang kailangan Kong gawin upang makapagtanim sa inyo ng kung ano ang kinakailangan upang makamit ang eternal na Buhay. Gustuhin man ninyo ito o hindi, kailangan Kong sabihin ito sa inyo, upang magawa Ko ang Aking katungkulan bilang Tagapagtubos. Ito ay para sa inyo na gawin ninyo ang inyong katungkulan bilang mga kaluluwa na nangangailangan ng Katubusan. Kung kaya't kailangan na mahalin natin ang ating kapwa. Lahat ng ating kapwa. At mahalin sila nang isang banal na pagmamahal, hindi sa kaduda-dudang pagsasama ng mga interes, upang ang isang Romano, Phoenician o proselito ay “anathema” o ang kabaligtaran, hanggat walang sensuwalidad o pera na kasangkot, samantalang kung nananabik kang ibahagi ang sensuwalidad o pera sa kanila, sila ay hindi na “anathema”…»

Ang pulutong ay muling nasa kaingayan, habang ang mga Romano, mula sa kanilang kinalalagyan sa bulwagan ay bumulalas: «Sa ngalan ni Jove! Magaling Siyang magsalita!»

Si Jesus ay naghihintay sa ingay na kumalma, pagkatapos Siya ay nagpatuloy: «Kailangan na mahalin natin ang ating kapwa katulad na gusto natin na tayo mismo ay mahalin. Sapagkat ayaw natin na tayo ay maltratuhin, gipitin, pagnakawan, siilin, siraan, insultuhin. Ang lahat ay may pare-parehong pambansa o personal na mga damdamin. Huwag natin gawin, kung gayon, ang kasamaan na ayaw natin na magawa sa atin.

Ang Karunungan ang ibig sabihin ay pagsunod sa sampung Utos ng Diyos:

“Ang Inyong Panginoong Diyos. Hindi kayo magkakaroon ng ibang mga diyos maliban sa Akin. Hindi kayo magkakaroon ng mga diyus-diyusan at hindi ito sasambahin. Hindi ninyo bibigkasin ang Pangalan ng Diyos upang aabusuhin ito. Iyan ay ang Pangalan ng inyong Panginoong Diyos, at ang Diyos ay parurusahan ang mga gumagamit nito nang walang anumang rason, ang isumpa ito o ipahintulot ang isang kasalanan. Alalahanin na pabanalin ang kapistahang mga araw. Ang Sabbath ay sagrado sa Panginoon, Na nagpahinga sa araw na ito pagkatapos ng Paglilikha at pinagpalà ito at pinabanal. Parangalan ang inyong ama at ina upang sana kayo ay mamuhay nang mapayapa sa loob ng mahabang panahon sa lupa at magpakailanman sa Langit. Hindi kayo papatay. Hindi kayo mangangalunya. Hindi kayo magnanakaw. Hindi kayo magsasaksi nang kasinungalingan laban sa inyong kapwa. Hindi ninyo pagnanasaan ang bahay ng inyong kapwa; hindi ninyo pagnanasaan ang kanyang asawa, kanyang katulong, lalaki o babae, o ang kanyang baka, o kanyang asno o kahit ano na pag-aari niya”.

Iyan ay Karunungan. Ang gumagawa niya ay marunong at kakamtin ang Buhay at ang Kaharian magpakailanman. Kung kaya't, magmula ngayon, magmungkahi na mamuhay ayon sa Karunungan, sa paggusto nito kaysa sa kaawa-awang mga bagay ng lupa.

Ano ang sinasabi mo? Magsalita. Sinasabi mo bang huli na? Hindi. Makinig sa isang parabula.

Ang isang may-ari ng lupa ay lumabassa pagsikat-ng-araw upang kumuha ng mga magtatrabaho para sa kanyang úbasán at siya ay nakipagkasundo sa kanila para sa isang dinari isang araw. Siya ay lumabas ulit sa ikatlong oras at iniisip na ang kanyang kinuhang mga trabahador ay napakakaunti at nakikita ang iba pang mga tao na walang ginagawa sa liwasan naghihintay upang upahan, kinuha niya sila at nagsabi sa kanila: “Lakad sa aking úbasán at ibibigay ko sa inyo kung ano ang aking ipinangako sa iba”. At sila ay pumunta. Siya ay lumabas muli sa ikaanim na oras at sa ikasiyam na oras at nakikita ang ilan pang manggagawa, sinabi niya sa kanila: “Maaari bang magtrabaho kayo para sa akin? Binibigyan ko ang aking mga manggagawa ng isang dinari isang araw”. Sila ay pumayag at pumunta. Sa huli siya ay lumabas nang mga ikalabing-isang oras at nakakita ng ilan pang mga nakatayo sa sikat ng araw at tinanong niya sila: “Bakit nakatayo kayo rito na walang ginagawa? Hindi ba kayo nahihiya nakatayo rito buong araw nang walang ginagawa kahit ano?”. “Kasi walang kumukuha sa amin para sa araw na ito. Gusto sana namin magtrabaho at kumita ng aming ikabubuhay. Ngunit walang nagsabi sa amin na pumunta at magtrabaho”… “Bueno, sinasabi ko sa inyo na pumunta sa aking úbasán. Lakad at magkakaroon kayo ng parehong upa katulad ng iba”. Iyan ang kanyang sinabi sapagkat siya ay mabuting may-ari ng lupa at nalulungkot tungkol sa paninimdim ng kanyang kapwa.

Nang gabi na, nang ang trabaho ay tapos na, ang lalaki ay tinawag ang kanyang katiwala at nagsabi: “Tawagin ang mga trabahador at bayaran sila ng kanilang upa, ayon sa napagkasunduan, nagsisimula sa mga huling dumating, na siyang pinaka nangangailangan, dahil hindi sila nagkaroon na kahit anong pagkain sa loob ng maghapon, samantalang ang iba ay napakain nang minsan at ang ilan ilang beses, at na dahil sa pagpapasalamat sa akin, dahil ako ay naawa sa kanila, ay nagtrabaho nang mas mahirap kaysa sa lahat na iba pa; ako, sa katotohanan ay pinagmamasdan ko sila. Pagkatapos palakarin sila upang sila ay sana makauwi at makapagpahinga, ayon sa karapat-dapat sa kanila, at sana kasiyahan kasama ang kanilang mga pamilya ang bunga ng kanilang pagtatrabaho”. At ginawa ng katiwala ang ayon sa iniutos ng may-lupa, at binigyan ang bawat isa ng isang dinari.

Nang ang huling mga trabahador ay dumating, ang mga nagtrabaho mula pagsikat ng araw, sila ay nagtaka sa pagkatanggap ng isang dinari bawat isa at sila ay nagreklamo sa katiwala na nagsabi sa kanila: “Iyan ang utos na binigay sa akin. Lakad at magreklamo sa may-ari ng lupa, huwag sa akin”. At sila ay pumunta at nagsabi: “Hindi kayo naging tapat! kami ay nagtrabaho nang labindalawang oras, una sa mahamog na singaw, pagkatapos sa init ng araw at muli sa kaalimuuman ng gabi, at binigyan ninyo kami ng gayon ding upa na ibinigay ninyo sa mga tamad na manggagawa na mga nagtrabaho nang isang oras lamang!... Bakit?”. At isa sa kanila sa katunayan ay nagtaas ng tinig nagsasabing siya ay nadaya at napagsamantalahan nang di-karapat-dapat.

«Aking mga kaibigan, saan ako nagkamali sa inyo? Ano ang napagkasunduan natin sa pagsimula ng araw? Isang buong araw na pagtatrabaho at ang upa ay isang dinari. Hindi ba't iyan ang ginawa ko?”

“Oo, totoo iyan. Ngunit iyan din ang ibinigay ninyo sa mga nagtrabaho nang kulang-na-kulang…”

“Ikaw ba ay pumayag sa upang iyon dahil iyon ay tila tama lang?”

“Oo. Pumayag ako sapagkat ang iba ay mas maliit ang bigay”.

“Ikaw ba ay aking minaltrato?”.

“Sa lahat ng konsiyensya… hindi”.

“Pinagkalooban ko kayo ng mahabang pahinga sa araw at binigyan ko kayo ng ilang pagkain, hindi ba? Nagkaroon kayo ng tatlong kainan. At ang pagkain at pahinga ay hindi napagkasunduan. Hindi ba't tama iyan?”.

“Oo. Hindi iyan napagkasunduan”.

“Bakit ninyo tinanggap iyan kung gayon?”

“Bueno… Sinabi ninyo: Mas gusto kong gawin iyan, upang hindi kayo mapagod bumabalik sa inyong bahay’. At halos hindi kami makapaniwala na iyon ay totoo… Ang inyong pagkain ay masarap, at nakatipid kami, at…”.

“Iyon ay isang pabor na aking ginagawa sa inyo nang mapagpasalamat at wala sa inyo ang makapagpapasinungaling. Tama ba iyon?”.

“Totoo iyan”.

“Kung gayon ginawang ko kayo ng mabuti. Bueno, bakit kayo nagrereklamo? Ako ang kailangan na magreklamo sa inyo, sapagkat, bagama't natanto ninyo na kayo ay nakikipagkasundo sa isang mabuting panginoon, kayo ay nagtrabaho nang may katamaran, samantalang ang mga dumating pagkatapos ninyo at nagkaroon lamang ng iisang kainan, at ang mga huling dumating na hindi nagkaroon kahit isa, ay nagtrabaho nang may sipag at sa loob ng mas maikling panahon nagawa nila ang parehong trabaho na ginawa ninyo sa loob ng labindalawang oras. Napagtaksilan ko sana kayo kung hinati ko ang inyong upa upang ibayad sa kanila. Ngunit hindi iyan ang naging kaso. Kung kaya't kunin kung ano ang sa inyo at lumakad. Kayo ba ay pumupunta sa aking bahay at ipilit sa akin kung ano ang babagay sa inyo? Ginagawa ko kung ano ang gusto ko at kung ano ang tama lang. Huwag maging malisyoso at huwag ninyo akong pilitin na maging di-tama. Dahil ako ay mabuti”.

Sasabihin Kong totoo sa inyong lahat na mga nakikinig sa Akin, na ang Amang Diyos ay gumagawa ng gayon ding usapan sa lahat ng mga tao at nangangako ng gayon ding gantimpala sa lahat. Ang mga naglilingkod sa Panginoon nang may-kasipagan ay tatratuhin Niya nang may katarungan, kahit na kung maliit na trabaho lamang ang kanilang ginagawa, bilang malapit na sa kamatayan. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang nauna ay hindi laging ang mauuna sa Kaharian ng Langit, kung saan makikita natin na ang nahuli ay nauna at ang nauna ay nahuli.. Makikita natin doon na ang mga tao na mga hindi nanggaling sa Israel ay mas banal kaysa sa marami ng Israel… Ako ay pumunta upang tawagin ang lahat, sa ngalan ng Diyos. Ngunit kung marami ang tinawag, kakaunti ang napili, sapagkat kakaunti ang may gusto ng Karunungan. Hindi marunong siya na namumuhay ayon sa mundo at sa laman, at hindi ayon sa Diyos. Siya ay ni hindi marunong para sa lupa o para sa Langit. Sapagkat sa lupa gagawa siya ng mga kaaway, tatanggap ng kaparusahan at makukonsiyensiya. At mawawala sa kanya ang Langit magpakailanman.

Uulitin Ko: maging mabuti sa inyong kapwa, maging sino pa man siya. Maging masunurin at ipaubaya sa Diyos ang gawain ng pagpaparusa sa mga di-makatarungan sa pagbibigay ng mga utos. Maging mapagpigil sa pamamagitan ng pag-iwas sa kahalayan, maging matapat sa pamamagitan ng pag-iwas sa ginto, maging malinaw sa pagsasabing anathema sa kung ano ang karapat-dapat nito, hindi kung kailan bumabagay sa inyo, tinitingnan ang inyong sarili na malaya na makahalubilo pagdating ng araw kung ano ang dati ninyong isinusumpa. Huwag gawin sa ibang tao kung ano ang ayaw mong magawa sa inyo mismo, at pagkatapos…»

«Lumayas ka, Ikaw na nakasasawang propeta! Nasira Mo ang aming araw ng palengke!... Napalayas Mo ang aming mga suki!...» sigaw ng mga magtitinda, nagmamadali patungo sa bakuran… At ang mga sumigaw dati sa bakuran, sa pagsimula ng sermon ni Jesus – hindi lamang mga Phoenician, bagkus mga Hudyo rin na mga naririto sa bayan na ito para sa mga dahilan na hindi ko nalalaman – ay sumali sa mga magtitinda nang-iinsulto, nananakot at higit sa lahat nagpapalayas…

Ayaw nila kay Jesus sapagkat hindi Siya nagpapayo ng masasamang bagay… Itiniklop Niya ang Kanyang mga braso sa Kanyang dibdib at tumitingin. Siya ay malungkot ngunit masolemne.

Ang mga tao, nahati sa dalawang partido, ay nag-aaway, nagsasanggalang o nananakit sa Nazareno. Mga insulto, mga papuri, mga panunumpa, mga pagpapalà; ang ilan sumisigaw: «Ang mga Pariseo ay tama. Naipagbili Mo ang Iyong Sarili sa Roma. Ikaw ay ang mangingibig ng mga puta at mga publikano». Ang iba ay kinokontra sila: «Manahimik, mapaglapastangang mga dila! Ipinagbili ninyo ang inyong mga sarili sa Roma, kayong pang-impiyernong mga Phoenician!», «Kayo ay mga dimonyo!», «Lulunin sana kayo ng impiyerno!», Lumayas kayo!», «Lumayas kayo, kayong mga magnanakaw at mga linta na pumunta sa palengkeng ito!», at patuloy pa…

Ang mga sundalo ay nakialam nagsasabing: «Sa halip na manunulsol, Siya ay isang biktima!» At sa pamamagitan ng kanilang mga sibat pinaalis nila ang lahat sa bakuran at isinara ang pinto.

Tanging ang tatlong proselitong magkakapatid at ang anim na apostol ang naiwan sa loob kasama si Jesus.

«Bakit naman ginawa ninyo Siyang magsalita?» ang maninibat ay nagtanong sa tatlong magkakapatid.

«Napakaraming tao ang nagsasalita!» tugon ni Elias.

«Siyempre. Ngunit walang nangyayari, sapagkat itinuturo nila kung ano ang gusto ng mga tao. Siya ay hindi. At Siya ay nakakainip…» Ang matandang sundalo ay tinititigan si Jesus Na bumaba na mula sa kahon at ngayon nakatayo, baka nag-iisip ng kung ano.

Ang mga pulutong ay nag-aaway pa rin sa labas. Sa katunayan mas maraming tropa ang dumating mula sa mga kuwartel pinangungunahan ng senturyon mismo. Sila ay kumatok sa pinto at binuksan ito, habang ang iba ay nananatili sa labas upang paalisin kapwa ang sumisigaw: «Mabuhay ang Hari ng Israel!» at ang mga sumusumpa sa Kanya.

Ang senturyon ay lumapit at siya ay nagmumukhang nag-aalala. Ang kanyang galit ay sumabog laban sa matandang Aquila: «Ganito ka ba magprotekta sa Roma? Sa pagpayag sa mga tao na papurihan ang isang banyagang hari sa nasasakupang rehiyon?»

Ang matandang sundalo ay sumaludong tuwid-na-tuwid at tumugon: «Siya ay nagtuturo ng pagrespeto at pagsunod at nagsasalita tungkol sa isang kaharian na hindi ng mundong ito. Iyan kung bakit kinapopootan nila Siya. Sapagkat Siya ay mabuti at mapagrespeto. Walang rason kung bakit hindi ko iuutos ang katahimikan sa isang tao hindi lumalabag sa ating batas.»

Ang senturyon ay kumalma at bumulong: «Kung gayon ito ay isang sedisyon ng mabahong magugulong kuyog na ito… Bueno. Sabihin sa Mamâ na umalis kaagad. Ayaw ko ng gulo rito. Isagawa ang aking mga tagubilin at samahan Siya palabas ng bayan kaagad kapag malinis na ang daan. Makakapunta Siya saan man ang ibig Niya. Sa impiyerno, kung gusto Niya. Hangga't sa Siya ay umaalis sa aking hurisdiksiyon. Naintindihan ninyo?»

«Oo, naintindihan namin, at kikilos kami ayon diyan.»

Ang senturyon ay tumalikod naipakikita ang kanyang maningning na armor at nagagawa ang kanyang purpurang manta na wumagayway, at siya ay umalis na hindi man lamang tinitingnan si Jesus.

Ang tatlong magkakapatid ay nagsabi sa Guro: «Ikinalulungkot namin…»

«Hindi ninyo ito kagagawan. At huwag matakot. Walang masama ang mangyayari sa inyo. Sinasabi Ko sa inyo…»

Ang tatlo ay nagbago ang kulay… Si Felipe ay nagsabi: «Papaano ninyo nalalaman ang aming ikinatatakot?»

Si Jesus ay ngumiti nang may-kabaitan, isang ngiti na katulad ng isang sinag ng sikat ng araw sa Kanyang malungkot na mukha: «Nalalaman Ko kung ano ang nasa inyong mga puso at kung ano ang nasa kinabukasan.»

Ang mga sundalo ay naghihintay sa loob ng sikat ng araw pasulyap-sulyap at gumagawa ng mga komentaryo…

«Posible bang mahalin nila tayo, kung kinapopootan nila kahit na ang taong iyon na hindi sa kanila naniniil?»

«At Siya na gumagawa ng mga himala, iyan ang kailangan mong sabihin…»

«Sa ngalan ni Hercules! Sino ba ito na pumunta upang sabihin sa atin na mayroon isang dapat bantayan?»

«Iyon ay si Caius!»

«Ang masigasig na tao! Pansamantala nakalimutan natin ang ating mga rasyon at nakikini-kinita ko na makakalimutan ko ang halik ng isang dalaga!... Ah!»

«Epicurean! Nasaan ang magandang dalaga?»

«Tiyak na hindi ko sasabihin sa iyo, aking kaibigan!»

«Siya ay nasa likuran ng bahay ng magpapalayok, sa Foundations. alam ko. Nakita ko kayo roon ilang gabi na ang nakararaan…» sabi ng isa pa.

Ang maninibat ay lumapit kay Jesus at lumalakad paikot sa Kanya, tinitingnan Siya sa lahat ng sandali. Hindi niya malaman kung ano ang kanyang sasabihin… Si Jesus ay ngumingiti upang pasayahin siya. Ang mamâ ay hindi malaman kung ano ang gagawin. Ngunit siya ay mas lumapit. Si Jesus ay itinuro ang kanyang mga peklat: «Lahat sugat, iyan ba? Kung gayon, ikaw ay isang matapang at matapat na sundalo…»

Ang papuri ay nagawa ang matandang sundalo na mamula.

«Ikaw ay naghirap nang labis para sa iyong Amangbayan at sa iyong emperador… Hindi ka ba nakahandang ipaghirap ang isang bagay para sa mas dakilang Amangbayan: ang Langit? Para sa isang eternal na Emperador: sa Diyos?»

Ang sundalo ay iniling ang kanyang ulo at nagsabi: «Ako ay isang abang pagano. Ngunit baka makarating pa rin ako sa huling sandali. Ngunit sino ang magtuturo sa akin? Nakita Ninyo!... Pinalalayas nila Kayo. At iyan ang isang sugat na masakit, hindi akin!... Naibalik ko man lamang ang mga ito sa aking mga kaaway. Ngunit ano ang ibinibigay Ninyo sa mga nananakit sa Inyo?»

«Kapatawaran, sundalo. Kapatawaran at pagmamahal.»

«Kung ganoon, tama ako. Kalokohan ang pagsuspetsahan Kayo. Paalam, Galilean.»

«Paalam, Romano.»

Si Jesus ay naiwan nang mag-isa hanggang sa ang tatlong magkakapatid at ang mga disipulo ay bumalik may dalang ilang pagkain, na iniaalok ng magkakapatid sa mga sundalo, at ang mga apostol kay Jesus. Sila ay kumakain nang walang gana, sa ilalim ng sikat ng araw, habang ang mga sundalo ay kumakain at umiinom nang masasaya.

Pagkatapos ang isang sundalo ay lumabas upang tumingin sa tahimik na liwasan. «Makakalakad na tayo» sigaw niya. «Lahat sila ay umalis na. Ang mga patrulya na lamang ang naroroon.»

Si Jesus ay tumayo nang nagpapasakop, Siya ay nagpapalà at pinagiginhawahan ang tatlong magkakapatid, kung kanino Siya ay nakikipagtipan para sa Paskuwa sa Gethsemane, at Siya ay lumabas, sinasamahan ng mga sundalo, at sinusundan ng mga napapahiyang mga disipulo. Sila ay nagpapatuloy sa walang-tao na daan hanggang narating nila ang kabukiran.

«Pagbati, Galilean» sabi ng maninibat.

«Paalam, Aquila. Pakiusap, huwag maltratuhin sina Daniel, Elias at Felipe. Ako lamang ang masisisi. Sabihan ang Senturyon.»

«Wala akong sasabihin sa kanya ng kahit na ano. Nakalimutan na niya ang lahat tungkol diyan at ang tatlong magkakapatid ay ang nagtutustos sa amin ng maraming magagandang bagay, lalo na ang alak ng Cyprus na mahal ng senturyon mahigit pa sa kanyang sariling buhay. Humayo sa kapayapaan. Paalam.»

Sila ay naghiwalay. Ang mga sundalo ay bumalik sa geyt, sina Jesus at ang Kanyang mga disipulo lumakad patungong silangan pagawi sa tahimik na panabi ng kabukiran.

200412

 


Sunod na kabanata