33. Ang Oyayi ng Birhen.

oyayi

Nobyembre 28, 1944.

¹Ngayon umaga nagising ako sa pinaka-magiliw na paraan. Natutulog pa ako noong mapakinggan ko ang pinakapurong tinig kailanman na inaawit nang napakatamis ang isang mabagal na oyayi. Ang awit ay napakabagal at sinauna na ito ay tila isang pamaskong awit. Sinundan ko ang melodiya at ang tinig, kinalulugdan ito nang lalu’t lalo pa hanggang sa magising ako nang ganap. Naintindihan ko nang ganap kung ano ang nangyayari, at sinabi ko: «Aba ginoong Maria, napupuno ng Grasya!» sapagkat ang umaawit ay ang Ina. At itinaas Niya ang Kanyang tinig pagkatapos na sinabi Niya sa akin: «Binabati rin kita, halika at maging masaya!»

At nakita ko Siya... sa bahay sa Bethlehem, sa Kanyang silid, buhos-na-buhos sa pagpapatulog kay Jesus. Sa loob ng silid, ay naroon ang habihan ni Maria at ilang pananahing gawain. Sa palagay ko tumigil si Maria sa pagtatrabaho upang pasusuhin ang Bata at palitan ang Kanyang mga bigkis, - sasabihin ko ang Kanyang mga damit, sapagkat Siya ay mga ilang buwan na ang gulang. Sasabihin ko anim o walong buwan hindi hihigit. Baka iniisip ni Maria na ipagpapatuloy Niya ang Kanyang gawain pagkatapos na makatulog ang Bata.

Iyon ay gabi. Ang araw ay lumulubog at maraming maliliit na kulay gintong mga ulap sa maliwanag na kalangitan. Ang ilang mga kawan ay pabalik na sa kanilang mga kulungan, nanginginain ng huling mga damo ng isang mabulaklak na parang at humuhuni na ang kanilang mga ulo nakatingala.

Ang Bata ay malapit nang makatulog. Siya ay tila balisa nang kaunti, na tila may problema Siya sa pagngingipin, o ilang minor na sakit ng mga bata.

²Isinulat ko ang awit sa isang kapirasong papel hangga't sa magagawa ko, sa malabong liwanag ng isang napakaagang umaga, at sisipiin ko na ito.

«Munting maliliit na ginintuang mga ulap – tila mga kawan ng Panginoon

Sa parang na puno ng mga bulaklak – isa pang kawan ang nanonood.

Ngunit kung nasa Akin ang lahat na mga kawan – na nasa mundo,

Ang Korderong pinakamahal sa Akin – magiging Ikaw itong lagi

                                      Tulog, tulog, tulog, tulog

                                       Huwag nang umiyak pa...

 

Ang maraming kumikislap na mga bituin – ay umaandap-andap sa kalangitan.

Sana ang Iyong matamis na magiliw na mga mata – ay hindi na lumuha pa.

Ang Iyong mga matang sapiro – ay ang mga bituin ng Aking puso.

Ang Iyong mga luha ay pina-iiyak Ako – o! huwag nang umiyak pa.

                                       Tulog, tulog, tulog, tulog

                                       Huwag nang umiyak pa...

 

Ang lahat na kumikislap na mga anghel – na nasa Langit,

Pumoporma ng isang girnalda sa paligid Mo, inosenteng Bata – labis na nasisiyahan sa Iyong mukha.

Ngunit umiiyak Ka para sa Iyong Inay – Inay, Inay, Inay.

Upang awitin ang Iyong oyayi – oya,

                                     Tulog, tulog, tulog, tulog

                                     Huwag nang umiyak pa...

 

Ang kalangitan maya-mayà mapula na – at maya-mayà bukang-liwayway na

At ang Inay wala pang pahinga – upang matiyak na hindi Ka iiyak.

«Mama» paggising tatawagin Mo Ako - «Anak» tutugon Ako.

Isang halik ng pagmamahal at buhay – ibibigay sa Iyo ng Aking dibdib.

                                     Tulog, tulog, tulog, tulog

                                     Huwag nang umiyak pa...

 

Kailangan Mo ang Iyong Inay – kung mananaginip Ka rin ng Langit.

Halika, halika na! Sa ilalim ng Aking belo – patutulugin Kita.

Ang Aking dibdib ay Iyong unan – Iyong kuna ang Aking mga bisig,

Huwag matakot, Aking mahal – naririto Ako kasama Mo...

                                     Tulog, tulog, tulog, tulog

                                     Huwag nang umiyak pa...

 

Ako’y laging makakasama Mo – Ikaw ang buhay ng Aking puso...

Siya’y natutulog... katulad ng isang bulaklak – Nagpapahinga sa Aking dibdib...

Siya’y natutulog... Manahimik! – Kanyang Ama baka nakakakita,

At ang tanawin pinupunas ang mga luha – Ng Aking matamis na Jesus.

                                     Siya’y natutulog, natutulog, natutulog, natutulog,

                                     At hindi na Siya umiiyak pa...»

 

³Imposibleng isalarawan ang magandang porma ng tagpo. Ito ay isang ina lamang na nagpapatulog ng Kanyang maliit na Anak. Ngunit Siya ay ang Ina na iyon, at Siya ang Maliit na Isang iyon! Makikini-kinita ninyo kung gayon kung anong kayumihan, anong pagmamahal, anong kadalisayan, anong Paraiso ang nasa maliit, dakila, matamis na tagpong ito, na ang alaala nito ay nagagawa akong napakasaya at napatototohanan ito ng melodiya na patuloy kong inaawit, upang sana mapakinggan din ninyo ito. Ngunit wala ako ng pinakapurong malaplatang tinig ni Maria, ang pambirheng tinig ng Birhen!... At ako ay nagiging parang tunog ng isang sirang organo. Hindi na bale. Gagawin ko ang aking makakayanan. Gaano ito magiging kay-gandang pastoral, na awitin sa paligid ng Kuna sa Pasko!

Si Maria sa una ay inuugoy ang kahoy na kuna nang napakabagal. Pagkatapos, noong nakita Niya na si Jesus ay kumakalma, kinarga Niya Siya, nakaupo malapit sa nakabukas na bintana, na ang kuna nasa tabi Niya, at umiindayo nang marahan sa tiyempo ng awit, inulit Niya ang awit nang dalawang beses, hanggang sinara ni Jesus ang Kanyang maliliit na mata, ibinabaling ang ulo sa dibdib ng Kanyang Ina at nakatulog nang gayon, na ang maliit na mukha nasa mainit-init na dibdib ng Kanyang Ina, ang isang kamay nasa ibabaw ng Kanyang dibdib malapit sa malarosas na pisngi, ang isa pang kamay nakapahingalay sa lapi ni Maria. Ang belo ni Maria ay nakatakip sa Kanyang Banal na Anak.

Pagkatapos tumayo si Maria nang ingat-na-ingat at inihiga si Jesus sa kuna, tinakpan Niya Siya ng maliliit na linen, nagladlad ng isang belo upang maprotektahan si Jesus sa mga langaw at sa sariwang hangin, at nananatili Siyang nakatayong pinagninilayan ang Kanyang natutulog na Kayamanan. Idiniin Niya ang Kanyang isang kamay sa Kanyang puso, habang ang isa pa ay nakatukod sa kuna, nakahandang uguyin ito kung kinakailangan, at ngumiti Siya nang masaya, medyo nakayuko habang ang kadiliman at katahimikan ay bumababa sa lupa at sinasakop ang Kanyang maliit na pambirhen na silid.

Anong kapayapaan! Anong kagandahan! Ako ay masayang-masaya!

⁴Ito ay hindi isang malaking bisyon at baka tingnan itong walang-walang kabuluhan sa dami ng ibang mga bisyon, dahil wala itong binubunyag na isang bagay na espesyal. Alam ko. Ngunit ito ay isang tunay na grasya sa akin at tinitingnan ko ito na ganyan, sapagkat ginagawa nito ang aking espiritu na maging panatag, puro, mapagmahal, na tila ito ay nilikhang muli ng mga kamay ng Ina. Sa isip ko magugustuhan din ninyo ito, sa ganyang pananaw. Tayo ay «maliliit na anak». Mabuti nang ganyan! Gusto tayo ni Jesus. Hayaan ang iba, na mga may-pinag-aralan at komplikado, na isipin kung ano ang gusto nila at gawing sabihin nila na tayo ay «parang mga bata». Walang anuman ito sa atin, hindi ba?

(165) 180610/031713/040113

Sunod na kabanata.