330. Ang Kananeong Ina.

Nobyembre 15, 1945.

«Ang Guro ba ay kasama ninyo?» ang matandang magbubukid na si Jonah ay tinanong si Judas Tadeo na pumapasok sa kusina, kung saan ang apoy ay lumalagablab na upang painitin ang gatas at ang silid, na kung baga nakapanginginig ang lamig sa maagang mga oras na ito ng isang magandang umaga ng katapusan ng Enero. Sa palagay ko, o maagang Pebrero.

«Maaaring Siya ay lumabas upang manalangin. Madalas Siyang lumabas sa pagsikat ng araw, kapag alam Niya na makapag-iisa Siya. Darating na Siya maya-maya nang kaunti. Bakit ka nagtatanong?»

«Tinanong ko rin ang iba, na mga lumabas naghahanap sa Kanya, sapagkat may isang babae sa kabilang silid, may kasamang isang babae. Siya ay nanggaling mula sa isang nayon sa kabila ng hangganan, at totoong hindi ko alam kung papaano siya nakaalam na ang Guro ay naririto. Ngunit alam niya at ibig niyang makipagusap sa Kanya.»

«Sige. Siya ay makikipagusap sa Kanya. Baka siya ang babae na Kanyang hinihintay, na may maliit na anak na babaeng may sakit. Ang espiritu ng babae ay maaaring dinala siya rito.»

«Hindi. Siya ay nag-iisa. Walang mga batang kasama siya. Kilala ko siya sapagkat ang aming mga nayon ay magkalapit… at ang lambak ay pag-aari ng lahat. Maging ano pa man hindi tayo sa palagay dapat na maging magaspang sa ating mga kapwa, kahit na kung sila ay mga Phoenician, kung ibig natin na makapaglingkod sa Panginoon. Maaaring mali ako, ngunit…»

«Ang Guro din ay laging nagsasabi na tayo ay kailangan na maging maawain sa lahat.»

«Siya ay maawain, hindi ba?»

«Totoong maawain Siya.»

«Sinabi sa akin ni Annas na kamakailan pa lamang Siya ay minaltrato. Laging minamaltrato!... Sa Judea, sa Galilee, kahit saan. Bakit ang Israel napakasama sa Mesiyas nito? Ang tinutukoy ko ay ang malalakas sa Israel. Sapagkat ang mga tao ay minamahal Siya.»

«papaano mo nalalaman ang mga bagay na iyan?»

«O! Dito ako naninirahan, malayo. Ngunit ako ay isang matapat na Israelita. Sapat nang pumunta sa Templo sa mga banal na araw ng obligasyon upang malaman ang lahat na mabuti at lahat na masama! Ngunit mas maraming maririnig ang isa tungkol sa masasama kaysa sa mabubuti. Sapagkat ang mabuti ay mababa-ang-loob at hindi pinupuri ang sarili. Ang mga tumatanggap nito ay kailangan na ito ay ipahayag. Ngunit tanging kakaunting tao lamang ang mapagpasalamat pagkatapos na makatanggap ng grasya. Ang tao ay nakatatanggap ng tulong pagkatapos kinakalimutan ito… Sa halip ang kasamaan ay hinihipan nito nang malakas ang trumpeta nito at nagagawa nitong mapakinggan ang mga salita nito kahit ng mga ayaw makarinig nito. Kayo, Kanyang mga disipulo, hindi ba ninyo nalalaman kung papaano nila minamaliit at inaakusahan ang Mesiyas sa Templo! Sa mga pagtuturo ng mga eskriba sila ay walang sinasabing iba. Sa palagay ko nakakuha sila ng koleksiyon ng mga leksiyon tungkol sa kung papaano akusahan ang Guro pati na rin koleksiyon ng mga pangyayari na kanilang pinakikita bilang posibleng mga akusasyon laban sa Kanya. At ang konsiyensya ng isang tao ay kailangan na matuwid, matatag at malaya upang makalaban at makapaghusga nang tama. Nalalaman ba Niya ang mga manyobrang ganito?»

«Nalalaman Niya ang lahat. At kami ay nakaaalam din kahit na papaano. Ngunit hindi Siya nag-aalala. Ipinagpapatuloy Niya ang Kanyang gawain at ang mga disipulo at mga naniniwala sa Kanya ay dumarami araw-araw.»

«Ipagkaloob nawa ng Diyos na sila ay magpursige hanggang sa katapusan. Ngunit ang tao ay nagbabago ang isip. At mahina… Naririto na ang Guro papalapit na sa bahay may kasamang tatlong disipulo.»

Ang matanda ay lumabas, sinusundan ni Judas Tadeo, upang magbigay-galang kay Jesus, Na ang hitsura ay mapangibabaw habang naglalakad Siyang papalapit sa bahay.

«Kapayapaan sa iyo ngayon at lagi, Jonah.»

«Kaluwalhatian ang kapayapaan sa Inyo, Guro, magpasawalanghanggan.»

«Kapayapaan sa iyo, Judas. Sina Andres ba at Juan ay hindi pa bumabalik?»

«Hindi. Hindi ko napakinggan silang lumabas. Wala akong narinig na sinuman. Ako ay tulog-na-tulog.»

«Pasok Kayo, Guro. Pasok kayo, lahat. Ang hangin ay malamig ngayong umaga. Maaaring napakalamig sa loob ng kakahuyan. May mainit na gatas para sa lahat sa banda roon.»

Iniinom nila ang kanilang gatas at ang lahat, maliban kay Jesus, ay isinasawsaw ang malalaking hiwa ng tinapay dito, nang sina Andres at Juan ay dumating kasama si Annas, ang pastol.

«Ah! Naririto na Kayo! Kami ay bumalik upang sabihin sa iba na hindi namin Kayo natagpuan…» bulalas ni Andres.

Si Jesus ay bumabati ng kapayapaan sa tatlo at nagdagdag: «Bilis. Kunin ninyo ang inyong bahagi at tayo’y umalis sapagkat ibig Kong nasa paanan man lamang tayo ng bundok ng Achzib bago gumabi. Ang Sabbath ay magsisimula ngayong gabi.»

«papaano ang aking mga tupa?»

Si Jesus ay ngumiti at tumugon: «Makapanunumbalik sila pagkatapos na mabendisyunan Ko sila.»

«Ngunit sila ay nasa silangang tabi ng bundok! Kayo ay patutungong kanluran upang makita ang babaeng iyon…»

«Iwanan iyan sa Diyos, at Siya ang bahala sa lahat.»

Ang pagkain ay tapos na at ang mga apostol ay pumunta sa itaas upang kunin ang kanilang mga paglalakbay na mga bag at maging handa sa pag-alis.

«Guro… ang babaeng iyon sa kabilang silid… hindi ba Ninyo siya pakikinggan?»

«Wala na Akong oras, Jonah. Malayo ang Aking pupuntahan at maging ano pa man Ako ay naparito para sa mga tupa ng Israel. Paalam, Jonah. Harinawang gantimpalaan ka ng Diyos para sa iyong karidad. pinagpapalà kita at ang lahat ng iyong mga kamag-anak. Lumakad na tayo…»

Ngunit ang matandang lalaki ay nagsimulang sumigaw sa tuktok ng kanyang tinig: «Mga bata! Mga babae! Ang Guro ay aalis na! Halikayo, bilis!»

Katulad ng mga inakáy na sisiw na nakakalat sa isang bakuran na nagmamadali patungo sa inahin na tumatawag sa kanila, gayon din ang mga kababaihan at mga kalalakihan – ang iba abalá na, ang iba medyo tulog pa – ay nagmamadaling nagdatingan mula sa bawat sulok, kasama ang halos hubad na mga bata na mga ngumingiti bagama't kagigising pa lamang nila… Lahat ay nag-umpukan sa paligid ni Jesus, Na nasa gitna ng giikang sahig, at ang mga ina ay binabalot ang kanilang mga anak sa kanilang malalapad na palda upang maprotektahan sila sa malamig na hangin, o hinahawakan sila hanggang may katulong na magdala sa kanilang ng kanilang mga damit at mabihisan.

Ang isang babae rin, na hindi kasama sa sambahayan, ay lumapit. Isang kaawa-awang umiiyak na babae… Siya ay yumuko at lumalapit na halos gumagapang at nang kanyang narating ang grupo kung saan naroroon si Jesus, siya ay nagsimulang sumigaw: «Maawa sa akin, o Panginoon, Anak ni David! Ang aking anak na babae ay pinahihirapan nang napakasama ng isang dimonyo na ginagawa siyang gumawa ng mga nakakahiyang mga bagay. Maawa sa akin sapagkat naghihirap ako nang labis, dahil ang lahat ay sinisimangutan ako dahil diyan, na tila ang aking anak ay sinasadya ang kanyang ginagawa… Maawa, o Panginoon. Nagagawa Ninyo ang lahat. Itaas ang Inyong tinig at ang Inyong kamay at utusan ang maruming espiritu na lumabas kay Palma. Siya ay ang aking nag-iisang anak na babae at ako ay isang balo… O! huwag umalis! Maawa!...»

Si Jesus, sa katunayan, pagkatapos na mabendisyunan ang bawat miyembro ng sambahayan at masisi ang mga nakatatanda sa pagsasabi sa mga tao tungkol sa Kanyang pagdating doon – at pinangatwiranan nila ang kanilang mga sarili nagsasabing: «Wala kaming sinabing anuman, maniwala sa amin, Panginoon!» - ay umalis; Siya ay di-maintindihan na matigas sa kaawa-awang babae, na hinihila ang sarili nang paluhod na ang kanyang mga kamay nakaunat sa pagmamakaawang hitsura, habang nagsasabi siyang humahangos: «Nakita ko Kayo kahapon habang tinatawid Ninyo ang agos ng tubig at napakinggan ko silang tinawag Kayo nang: “Guro”. Sinundan ko Kayo, sa gitna ng mga palumpong, at napakinggan ko kung ano ang sinasabi ng mga taong ito. Nabatid ko kung sino Kayo… At ako ay pumunta rito ngayong umaga bago sumikat ang araw at nanatili ako rito, sa pamasukan, katulad ng isang maliit na aso, hanggang nagising si Sarah at ginawa akong pumasok. Maawa, aking Panginoon, sa isang ina at isang maliit na batang babae.»

Ngunit si Jesus ay naglalakad nang mabilis at hindi pinakikinggan ang kanyang mga pakiusap. Ang mga naninirahan sa bahay ay nagsabi sa kanya: «Kalimutan mo na ang lahat! Hindi Siya makikinig sa iyo. Sinabi Niya ito Mismo: Siya ay naparito para sa mga anak ng Israel…»

Siya ay desperado ngunit puno pa rin ng pananampalataya at siya ay tumayo nagsasabing: «Hindi. Ako ay mananalangin hanggang sa Siya ay makinig sa akin.» At sinusundan niya ang Guro isinisigaw ang kanyang mga pakiusap, na nadadala sa mga pintuan ng mga bahay sa nayon ang lahat na tao na mga gising na at na, katulad ng mga naninirahan sa bahay ni Jonah, nagsimulang sundan siya upang tingnan kung ano ang mangyayari.

Pansamantala ang mga apostol, nagtataka, ay nagkakatinginan at nagbubulungan: «Bakit Niya ginagawa iyan? Hindi pa Niya ito ginawa kahit kailan noon!...»

At si Juan ay nagsabi: «Pinagaling din Niya ang dalawang taong iyon sa Alexandroscene.»

«Ngunit sila ay mga proselito» tugon ni Tadeo.

«At ano ang babae na Kanyang pagagalingin na ngayon?»

«Siya ay isang proselito rin» sabi ng pastol na si Annas.

«O! Ngunit ilang beses na ba Siyang nagpagaling ng mga Hentil o mga pagano! At ano yung batang babaeng Romano?...» sabi ni Andres na nalulungkot dahil hindi niya mapatigil ang kanyang pag-iisip nakikita ang magaspang na ikinikilos ni Jesus sa Kananeong babae.

«Sasabihin ko sa inyo kung ano ito» bulalas ni Santiago ni Zebedeo. «Ang Guro ay galit. Ang Kanyang pasyensiya ay nakarating na sa dulo sa harapan ng napakaraming mga pang-aatake ng kasamaan ng tao. Hindi ba ninyo nakikita kung gaano Siya nagbago? Tama Siya! Mula ngayon iuukol Niya ang Kanyang sarili sa mga kilala lamang Niya. At ginagawa Niya ang tamang bagay!»

«Mabuti. Ngunit pansamantala ang babaeng ito ay sinusundan tayo sumisigaw at ang isang pangkat ng mga tao ay sinusundan siya sa likuran. bagama't ayaw Niyang Siya ay mapuna, nakatagpo Siya ng paraan na makuha kahit na ang atensiyon ng mga punungkahoy…» bulong ni Mateo.

«Tayo na at sabihin sa Kanya na siya ay paalisin… Tingnan ang magandang prusisyon na ito sa likuran natin! Kung tayo ay darating sa konsular na daan nang ganito, magkakaroon tayo ng problema! At tayo ay hindi niya iiwanan, maliban kung palalayasin Niya siya…» sabi ni Tadeo na inis-na-inis. Siya nga ay tumalikod pa at sinabihan ang babae sa nag-uutos na tinig: »Manahimik at umalis!» At si Santiago ni Alfeo ay solido para sa kanyang kapatid.

Ngunit ang babae ay hindi tinatablan ng mga pananakot o mga utos at nagpapatuloy sa pakikiusap.

«Tayo na at sabihan ang Guro na paalisin siya, dahil ayaw naman Niyang pakinggan siya. Hindi ito maaaring magpatuloy!» sabi ni Mateo, habang si Andres ay bumubulong: «kaawa-awang babae!», at si Juan ay paulit-ulit na sinasabi: «Hindi ko maintindihan… Hindi ko maintindihan…» Si Juan ay natutulala sa ikinikilos ni Jesus.

Binilisan nila ang kanilang paghakbang at naabutan ang Guro Na naglalakad nang mabilis na tila Siya ay hinahabol. «Guro, pakiusap na paalisin ang babae. Ito ay isang iskandalo! Siya ay sinisigawan tayo! Itinuturo niya tayo sa lahat! Ang daan ay pasikip nang pasikip sa tao… at marami ang sumusunod sa kanya. Sabihin siya na umalis.»

«Masasabihan ninyo siya mismo. Ako ay tumugon na sa kanya.»

«Hindi siya makikinig sa amin. Pakiusap! Kailangan na sabihan Ninyo siya. At nang mahigpit.»

Si Jesus ay tumigil at tumalikod. Ang babae ay tiningnan ito bilang isang tanda ng grasya, binilisan niya ang kanyang paghakbang, itinaas ang kanyang tumitili nang tinig habang ang kanyang mukha ay namumutla sa karagdagang pag-asa.

«Manahimik, babae. At umuwi na. Nasabi Ko na sa iyo. Ako ay naparito para sa mga tupa ng Israel. Upang pagalingan ang mga may sakit at hanapin ang mga nawawala. Ikaw ay hindi mula sa Israel.»

Ngunit ang babae ay nasa Kanya nang paanan at kanya itong hinahalikan, sinasamba Siya, hinahawakan nang mahigpit ang Kanyang buol, na tila siya ay nalulunod sa paglubog ng barko na nakatagpo ng isang bato ng kaligtasan, at siya ay umuungol: «Panginoon, tulungan Ninyo ako! Matutulungan Ninyo ako, Panginoon. Ibigay ang utos sa dimonyo, dahil Kayo ay banal… Panginoon, Kayo ang panginoon ng lahat, ng mga grasya at ng mundo. Ang lahat ay nakapailalim sa Inyo, aking Panginoon. Alam ko, pinaniniwalaan ko ito. Kunin kung gayon ang Inyong kapangyarihan at gamitin ito para sa aking anak na babae.»

«Hindi tama na kunin ang tinapay ng mga anak ng sambahayan at itapon ito sa mga aso sa kalsada.»

«Naniniwala ako sa Inyo. At sa pamamagitan ng aking pananampalataya, mula sa isang aso sa kalsada, ako ay naging isang aso ng sambahayan. Sinabi ko na sa Inyo: ako ay pumunta bago pagsikat ng araw upang humiga sa pamasukan ng bahay na kinaroroonan Ninyo, at kung Kayo ay lumabas doon, natapakan sana Ninyo ako. Ngunit Kayo lumabas mula sa kabilang tabi at hindi ako nakita. Hindi Ninyo nakita ang kaawa-awang namomroblemang asong ito, nagugutom para sa Inyong grasya, naghihintay na makapasok, gumagapang, kung saan Kayo naroroon, upang halikan ang Inyong mga paa, nakikiusap sa Inyo na huwag itong palayasin…»

«Hindi tama na itapon ang tinapay ng mga anak sa mga aso» ulit ni Jesus.

«Ngunit ang mga aso ay pumupunta sa silid kung saan ang panginoon ay kumakain kasama ang kanyang mga anak, at kinakain nila kung ano ang nahuhulog mula sa mesa, o ang mga tira ng pagkain, na ibinibigay ng pamilya sa kanya, dahil wala na itong paggagamitan. Hindi ko hinihingi sa Inyo na tratuhin ako bilang isang anak na babae at paupuin sa Inyong mesa. Ngunit ibigay man lamang Ninyo sa akin ang mga mumo.»

Si Jesus ay ngumiti. O! Anong pagbabagong-anyo ang nagagawa ng malugod na ngiting iyon sa Kanyang mukha!...

Ang mga tao, ang mga apostol, ang babae ay tinitingnan Siya nang may paghanga… nabatid nila na may bagay na mangyayari.

At si Jesus ay nagsalita: «O! babae! Dakila ang iyong pananampalataya. At pinagiginhawahan mo ang Aking espiritu nito. Humayo, kung gayon, at gagawin sa iyo kung ano ang iyong hinihiling. Mula sa sandaling ito, ang dimonyo ay umalis na sa iyong anak na babae. Humayo sa kapayapaan. At mula sa pagiging isang ligaw na aso ginusto mong maging isang aso ng bahay, magsikap sa hinaharap na maging isang anak na babae nakaupo sa mesa ng Ama. Paalam.»

«O! Panginoon! Aking Panginoon!... Ibig kong tumakbong umalis at makita ang aking minamahal na Palma… At ibig kong manatiling kasama Ninyo, at sundan Kayo! pinagpalà! Banal!»

«Humayo, babae. Humayo sa kapayapaan.»

At si Jesus ay ipinagpapatuloy ang Kanyang paglalakad habang ang Kananeong babae, mas maliksi pa kaysa sa isang bata-pang babae, ay tumatakbo sa daan na kanyang pinanggalingan, sinusundan ng pulutong nananabik na makita ang himala…

«Ngunit, Guro, bakit ginawa Ninyong makiusap siya sa Inyo nang labis, bago Ninyo siya pinakinggan?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Sa pamamagitan ng kagagawan mo at sa kagagawan ninyong lahat. Iyon ay hindi pagkatalo, Santiago. Ako ay hindi pinalayas, nilibak o sinumpa rito… Maging kagaanan sana iyan sa inyong pinanghihinaang mga espiritu. Nagkaroon na Ako ngayon ng Aking pinakamasarap na pagkain. At Aking pinagpapalà ang Diyos gawa nito. At ngayon pumunta na tayo at tingnan ang isa pang babae na naniniwala at nakapaghihintay na may matatag na pananampalataya.»

«At papaano ang aking mga tupa, Panginoon? Sa kaunting sandali pa ay kukunin ko na ang daan na iba sa Inyo, upang pumunta sa aking pastulang lupa…»

Si Jesus ay ngumingiti ngunit hindi tumutugon.

Napakagandang maglakad ngayon na ang araw ay pinaiinitan ang ere at ginagawa ang mga bagong dahon ng mga kakahuyan at ang mga damo ng mga parang na kumislap katulad ng mga esmeralda, pinapalitan ang bawat kopang bulaklak sa pagiging isang tanghalan para sa mga patak ng hamog na nagniningning sa maraming-kulay na mga layas na bulaklak. At si Jesus ay nagpapatuloy ngumingiti. At ang mga apostol, napagaanan kaagad, ay sinusundan Siya ngumingiti…

Narating nila ang sangandaan. Ang pastol na si Annas, na nagmumukhang napapahiya, ay nagsabi: «At iiwanan ko Kayo rito… Talaga bang hindi Kayo pupunta upang pagalingin ang aking mga tupa? Naniniwala din ako; at ako ay isang proselito… Mangako, man lamang, na Kayo ay pupunta pagkatapos ng Sabbath!»

«O! Annas! Posible kaya na hindi mo pa naintindihan na ang iyong mga tupa ay napagaling na nang Aking itinaas ang Aking kamay malapit sa Lesemdan? Maaari ka rin makalakad, upang tingnan ang himala at pagpalain ang Panginoon.»

Sa palagay ko ang asawa ni Lot, nang siya ay naging isang poste ng asin, ay katulad na katulad ng pastol, na nanatili sa kanyang kinaroroonan, medyo nakayukong paharap, na ang kanyang mukha nakatingala kay Jesus, na ang isang kamay medyo nakaunat sa ere… Nakakamukha niya ang isang estatuwa. At ang isang plaka ay mailalagay sa ilalim nito: “Ang Tagapetisyon”. Siya pagkatapos ay nakapanumbalik sa sarili at nagpatirapa nagsasabing: «Kayo ay pinagpalà! Banal! Mabuti!... Ngunit nangako ako sa Inyo ng malaking pera, at mayroon lamang ako ngayon ng iilang drachma… Pumunta Kayo at makita ako sa Sabbath…»

«Pupunta Ako. Hindi para sa pera, bagkus upang pagpalain ka muli para sa iyong simpleng pananampalataya. Paalam, Annas. Kapayapaan sa iyo.»

At sila ay naghiwalay…

«At iyan ay ni hindi rin isang pagkatalo, Aking mga kaibigan! Ni sila ay hindi Ako nilibak, pinalayas o isinumpa rito… Halikayo, bilis! May isang ina na naghihintay sa atin nang ilang araw na…»

At ang kanilang pagmamartsa ay nagpapatuloy, na may maikling pahinga upang makakain ng ilang tinapay at keso at makainom sa isang bukal…

Katanghalian na nang makita nilang lumitaw ang sangandaan.

«Diyan kung saan nagsimula ang mga baytang ng Tyre, sa banda roon» sabi ni Mateo. At siya ay nagsasaya iniisip na natahak nila ang malaking kahabaan ng daan.

Nakasandal sa isang muson ng Romano ay isang babae. Sa kanyang paanan, nakaupo sa isang natitiklop na upuan ay isang maliit na batang babae, mga pito o walong taong gulang. Ang babae ay tumitingin sa lahat ng direksiyon. Sa mga baytang sa bato. Sa daan ng Ptolemais. Sa daan kung saan si Jesus ay naglalakad, at paminsan-minsan siya ay yumuyuko upang haplusin ang kanyang anak, upang protektahan ang kanyang ulo sa init ng araw sa pamamagitan ng isang piraso ng tela, upang takpan ang kanyang mga paa at mga kamay sa pamamagitan ng isang bandana…

«Ayón ang babae! Saan kaya siya natutulog nang mga nakaraang araw?» tanong ni Andres.

«Baka roon sa bahay na iyon sa sangandaan. Walang ibang bahay sa malapit» tugon ni Mateo.

«O sa lantad na lupa» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Hindi. Hindi kasama ang bata, siyempre!» tugon ng kanyang kapatid.

Si Jesus ay hindi nagsasalita. Ngunit Siya ay ngumingiti. Lahat nasa isang hilera, si Jesus nasa gitna, tatlo sa tigkabilang tabi, sakop nila ang buong daan, sa oras na ito ng araw, kung kailan ang mga naglalakbay ay tumitigil at kumakain, saan man sila naroroon kapag katanghalian. Si Jesus, matangkad at magandang lalaki, nasa gitna ng hilera, ay ngumingiti at ang Kanyang mukha ay napakaningning na tila ang lahat ng liwanag ng araw ay nasa Kanya habang ang mga sinag ng liwanag ay lumalabas dito.

Ang babae ay tumingala… Sila ngayon ay mga limampung metro ang layo sa isa’t isa. Si Jesus ay tumititig sa kanya, na baka nakuha ang atensiyon, nagagambala nang isang sandali gawa ng pag-iyak ng bata. Tiningnan niya Siya at sa hindi sinasadyang pagkilos sa pananabik, naidiin niya ang kanyang mga kamay sa kanyang dibdib.

Si Jesus ay ngumingiti nang mas malaki. At ang Kanyang di-maisasalarawang ngiti ay maaaring nagsasabi sa babae ng malaking bagay, dahil hindi na siya nananabik, bagkus ngumingiti, na tila siya ay masaya na, siya ay yumuko upang kunin ang kanyang anak, at nakapirmi ang bata sa natitiklop na upuan, siya ay lumalapit na ang mga kamay nakaunat, na tila inaalay niya ang bata sa Diyos, at nang siya ay makarating sa paanan ni Jesus, siya ay lumuhod, binubuhat hangga't magagawa niya ang bata na nasa upuan, na nakatingin nang lugod na lugod sa napakagandang mukha ni Jesus.

Ang babae ay hindi nagsasalita ng kahit ano. At ano pa ang kanyang masasabi na hindi pa naisasaad ng kanyang buong aktitud?...

At si Jesus ay nagsalita ng bagkus iisang salita, isang maliit, subalit makapangyarihang nakalulugod na salita, katulad ng «Fiat» ng Diyos sa paglilikha ng mundo: «Oo.» At Kanyang idiniin ang Kanyang kamay sa dibdib ng maliit na batang babae.

At ang bata, na may iyak ng isang woodlark na nakalaya sa hawla, ay sumigaw: «Inay!» at ito’y biglang itinuwid ang pagkakaupo at nagpadalusdos at tumayo sa kanyang mga paa at niyakap ang kanyang ina, na hapong katulad niya, ay sumuray at nasa punto nang mápatalikod, sa pagkahilo gawa ng kapaguran, sa pananabik na kumakalma, sa lugod na nakapangingibabaw sa lakas ng kanyang puso, na humina na gawa ng labis na paghihirap.

Si Jesus ay handa nang hawakan siya. Isang mas malakas na suporta kaysa ng suporta ng maliit na batang babae, na nakapagpapabigat pa sa kanyang ina gawa ng kanyang sariling bigat, ay tiyak na hindi ang pinakamagandang pamamaraan na masuportahan ang kanyang ina sa kanyang mga tuhod. Si Jesus ay ginawa siyang maupo at mabigyan siya ng lakas… At Kanya siyang tinitingnan habang ang tahimik na mga luha ay bumababa sa pagod ngunit masayang mukha ng babae. Pagkatapos ang mga salita ay dumating sa kanyang mga labì: «Salamat sa Inyo, aking Panginoon! Salamat at mga pagpapalà! Ang aking pag-asa ay nakoronahan… Ako ay naghintay nang napakatagal… Ngunit masaya na ako ngayon…»

Ang babae, pagkatapos na siya ay makapanumbalik, ay lumuhod muli nagsasamba, hawak ang bata sa harapan niya, habang hinahaplos ni Jesus ang bata. At siya ay nagpapaliwanag: «Ang isang buto ay nabubulok sa kanyang likod sa loob ng dalawang taon, pinaparalisa siya at dinadala siyang unti-unti sa kamatayan nang may matinding kirot. Ginawa na namin na makita siya ng isang doktor sa Antioch, sa Tyre, sa Sidon at kahit na sa Caesarea at Paneas, at gumasta kami ng malaki sa mga doktor at mga gamot na kami’y napilitan na ipagbili ang aming bahay sa bayan at kami’y nanirahan sa aming bahay sa kabukiran, pinakakawalan ang mga katulong sa bahay at pinananatili lamang ang mga magtatrabaho sa mga bukid, pinagbibili ang mga ani na para sa aming pagkain mismo… Ngunit walang nakatulong sa kanya! Nakita ko Kayo. Nalaman ko kung ano ang Inyong nagawa sa ibang lugar. Umasa ako na makatanggap ng grasya mismo… At nakatanggap ako! Uuwi na ako ngayon na wala kahit na anong álalahanin, at ganap na masaya… at magagawa ko ang aking asawa na masaya… Si Santiago ang naglagay ng pag-asa sa loob ng aking puso sa pagsabi sa akin kung ano ang nagagawa ng Inyong kapangyarihan sa Galilee at sa Judea. O! Kung kami ay hindi natakot na hanapin Kayo, kami sana ay pumunta kasama ang bata. Ngunit Kayo ay laging paikot-ikot!...»

«At nag-iikot, Ako ay pumunta sa iyo… Ngunit saan kayo nanirahan sa loob ng mga nakaraang araw na ito?»

«Sa bahay na iyon… Ngunit sa gabi ang bata lamang ang naroon. May isang mabuting babae diyan na tumitingin sa kanya para sa akin. Ako ay nananatili rito lagi, sapagkat natatakot ako na baka Kayo ay dumaan sa gabi.»

Si Jesus ay nagpatong ng Kanyang kamay sa kanyang ulo: «Ikaw ay isang mabuting ina. Iyan kung bakit minamahal ka ng Diyos. Nakikita mo na ikaw ay Kanyang tinulungan sa bawat paraan.»

«O! Oo! Nadadama ko ito nang ako ay papunta rito. Ako ay pupunta sa bayan umaasang makita Kayo, kung kaya't kakaunting pera lamang ang dala ko at ako ay nag-iisa. Pagkatapos, sinusunod ang payo ng lalaking iyon, ako ay pumuna rito. Nagpadala ako ng pasabi sa bahay at ako ay pumunta… at hindi ako nagkulang sa kahit ano: ni sa tinapay, o sa masisilungan, o sa lakas ng loob.»

«Na may karga kayong mabigat sa lahat ng oras? Hindi ka ba makakuha ng isang kariton?...» tanong ni Santiago ni Alfeo, na naantig ang damdamin sa awa.

«Hindi. Maghihirap siya labis nang ganyan: magiging sapat na iyan na pumatay sa kanya. Aking Johanna ay pumunta sa Grasya sa loob ng mga bisig ng kanyang ina.»

Si Jesus ay hinahaplos silang dalawa sa kanilang mga ulo: «Makakalakad na kayo ngayon at maging laging matapat sa Panginoon. Harinawang ang Panginoon at ang Aking kapayapaan ay sumainyo.»

Si Jesus ay ipinagpapatuloy ang paglalakad sa daan patungong Ptolemais.

«At iyon ay ni hindi rin pagkatalo, Aking mga kaibigan. At Ako ay ni hindi rin pinalayas, nilibak o isinumpa rito.»

Sinusundan ang tuwid na daan narating nila pagkaraan ang pandayan malapit sa tulay. Ang Romanong magsasapatos ay namamahinga sa ilalim ng sikat ng araw, nakaupong nakasandal sa pader ng kanyang bahay. Nakilala niya si Jesus at binati Siya. Si Jesus ay sinuklian ang pagbati at nagsabi: «Pahihintulutan mo ba Ako na tumigil dito at makapagpahinga nang kaunti, habang kumakain kami ng kaunting tinapay?»

«Siyempre, Rabbi. Ang aking asawa ay ibig Kayong makita… sapagkat sinabi ko sa kanya ang hindi niya napakinggan sa Inyong talumpati nang huli Kayong naririto. Si Esther ay Hebreo. Ngunit dahil ako ay isang Romano, hindi ako naglakas-loob na sabihin sa Inyo. Pinasunod ko sana siya sa Inyo…»

«Tawagin siya, kung gayon.» At si Jesus ay naupo sa upuan sa tabi ng pader, habang si Santiago ni Zebedeo ay nag-aabot ng tinapay at keso.

Ang isang babae mga apatnapung taon gulang ay lumabas, siya ay nagmumukhang napapahiya at namula.

«Kapayapaan sa iyo, Esther. Nananabik ka bang makita Ako? Bakit?»

«Dahil sa Inyong sinabi… Ang mga rabbi ay kinamumuhian kami, sapagkat kami ay napakasal sa mga Romano… Ngunit ako ay may mga anak at nadala ko silang lahat sa Templo at ang mga lalaki ay lahat tinuli. Sinabi ko kay Titus antimano, nang ibig niya akong pakasalan… At siya ay mabuti… At pinababayaan niya akong lubos na malaya sa mga bata. Ang lahat ay Hebreo rito, mga kaugalian, mga ritwal!... Ngunit ang mga rabbi at mga pangulo ng mga sinagoga ay sinusumpa kami. Kayo ay hindi… May maawaing mga salita Kayo para sa amin. O! Nalalaman ba Ninyo kung ano ang ibig sabihin niyan para sa amin? Iyan ay katulad ng pagiging niyayakap ng aming mga ama t ina, na nagkaila sa amin at nagsumpa sa amin at mahigpit sa amin… Iyan ay katulad ng bumabalik sa mga tahanan na aming iniwan at hindi katulad ng mga estranghero ang pakiramdam… Si Titus ay mabait. Sa mga araw ng pangilin isinasara niya ang pandayan, na may malaking pagkawala ng pera, at dinadala ako at ang mga bata sa Templo. Sapagkat sinasabi niya na hindi makapamumuhay ang isa nang walang relihiyon. Sinasabi niya na ang kanyang relihiyon ngayon ay ang kanyang pamilya at ang kanyang trabaho, katulad na noon ito ay ang kanyang katungkulan bilang isang sundalo… Ngunit ako… aking Panginoon… ibig kong makausap Kayo tungkol sa isang bagay… Sinabi Ninyo na ang mga sumusunod sa totoong Diyos ay kailangan na kumuha ng kaunti ng kanilang banal na lebadura at ilagay ito sa mabuting harina upang umalsa ito nang may-kabanalan. Ginawa ko iyan sa aking asawa. Sinubukan ko, sa loob ng dalawampung taon ng aming pagsasama, upang trabahuhin ang kanyang kaluluwa, na mabuti, sa pamamagitan ng lebadura ng Israel. Ngunit hindi makapagpasya ang kanyang isip… at siya ay matanda na… Ibig ko siyang makasama ko sa kabilang buhay… Napag-iisa ng pananampalataya katulad namin ngayon ng pagmamahal… Ako ay hindi humihingi ng mga kayamanan, kagalingan, kalusugan. Ang mayroon kami ay sapat na, pagpalain nawa ang Panginoon para rito! Ngunit iyan ang ibig ko… Manalangin para sa aking asawa! Upang sana siya ay mapunta sa totoong Diyos…»

«Mapupunta siya. Maaari kang makatiyak tungkol diyan. Ikaw ay nakikiusap ng isang bagay na banal at iyan ay ipagkakaloob sa iyo. Naintindihan mo ang katungkulan ng isang asawa sa Diyos at sa kanyang asawa. Sana ganyan ang ginagawa ng lahat na mga asawang babae! Sasabihin Ko sa iyong totoo na dapat marami sa kanila ang gayahin ka. Magpatuloy ka nang ganyan at magkakaroon ka ng lugod na makasama si Titus sa tabi mo, sa panalangin at sa Langit. Ngayon ipakita mo sa Akin ang iyong mga anak.»

Ang babae ay tinatawag ang kanyang maraming anak: «Jacob, Judas, Levi, Maria, Juan, Anna, Eliza, Marcus.» Pagkatapos siya ay pumasok sa bahay at lumabas ulit kasama ang isa na halos hindi makalakad at isa na mga tatlong buwan ang gulang, hindi hihigit: «At ang isang ito ay si Isaac at ang maliit na ito si Judith» sabi niya tinatapos ang mga introduksiyon.

«Marami!» sabi ni Santiago ni Zebedeo tumatawa.

At si Judas ay bumulalas: «Anim bang lalaki! At ang bawat isa ay tinuli! At may mga purong pangalan! Napakaganda!»

Ang babae ay masaya at pinupuri niya si Jacob, si Judas at si Levi, na tumutulong sa kanilang ama «araw-araw maliban sa mga araw ng Sabbath, kung kailan si Titus ay nagtatrabaho nang mag-isa nagsasapatos sa mga kabayo sa pamamagitan ng mga sapatos na nagawa na dati» sabi niya. At kanyang pinupuri si Maria at si Anna «na tumutulong sa kanilang ina.» Ngunit hindi niya nakalilimutan na purihin din ang apat na maliliit «dahil sila ay mabubuti at hindi makukulit. Si Titus ay tinutulungan ako na mapalaki sila, dahil siya ay isang disiplinadong sundalo» sinabi niya mapagmahal na sumusulyap sa lalaki, na, nakasandal sa poste ng pintuan, na ang isang kamay nakapatong sa mesa, ay nakinig sa lahat na sinabi ng kanyang asawa, na may masayang-masayang ngiti sa kanyang matapat na mukha, at na ngayon nagagalak napapakinggan ang kanyang mga merito bilang isang sundalong binanggit.

«Mabuti. Ang disiplina ng sandatahang-lakas ay hindi inaayawan ng Diyos, kapag ang mga sundalo ay ginagawa ang kanilang katungkulan nang makatao. Ang esensiyal na punto ay ang maging lagi matapat sa moralidad, sa bawat tungkulin, upang maging laging mabirtud. Ang iyong dating disiplina, na ngayon ipinapasok mo sa isip ng iyong mga anak, ay kailangan na maihanda ka na mapasok ang isang mas mataas na serbisyo: ang serbisyo sa Diyos. Kami ay kailangan na makaalis na, magagawa Ko lamang na makarating sa Achzib bago lumubog ang araw. Kapayapaan sa iyo, Esther, at sa iyong sambahayan. Harinawang kayong lahat ay mapunta sa Panginoon, bago magtagal.»

Ang ina at ang mga anak ay lumuhod habang itinataas ni Jesus ang Kanyang kamay upang pagpalain sila. Ang lalaki, na tila siya ay isang sundalo muli ng Roma sa harapan ng kanyang emperador, ay tumayong tuwid na naka-atensiyon at sumasaludo sa Romanong estilo.

At sila ay umalis… Pagkatapos ng ilang mga hakbang, si Jesus ay nagpatong isa isang kamay sa balikat ni Santiago: «At sa muli, ang ikaapat ngayong araw, kailangan Kong banggitin sa iyo na iyon ay hindi pagkatalo, at tayo ay hindi pinalayas, nilibak, sinumpa… Ano ang masasabi mo tungkol dito ngayon?»

«Na ako ay isang tanga, aking Panginoon!» sabi kaagad ni Santiago ni Zebedeo.

«Hindi. Ikaw at lahat na iba pa, ay at laging labis na taong-tao pa rin at nasa inyong lahat ang mga alternatiba ng mga mas napamumunuan ng kanilang pagkataong kalikasan kaysa ng kanilang espiritu. Kapag ang espiritu ay naghahari, ito ay hindi naaapektuhan ng bawat katiting ng hangin na hindi maaaring laging may pabangong simoy… Ito ay maaaring maghirap, ngunit hindi magbabago. Ako ay laging nagdarasal na sana marating ninyo ang ganyang paghahari ng espiritu. Ngunit Ako ay kailangang tulungan ninyo ng inyong mga pagsusumikap… Bueno! Tayo ay nakarating na sa katapusan ng ating paglalakbay. Sa loob ng panahon na ito nagtanim Ako ng kinakailangan upang maihanda ang gawain para sa inyo, kung kailan kayo ay mag-eebanghelyo. Makapagsisimula na tayo ngayon ng ating pahinga ng Sabbath na iniisip na nagawa natin ang ating katungkulan. At maghihintay tayo para sa iba… Pagkatapos tayo ay aalis… muli… lagi… hanggang sa ang lahat ay matapos…»

080512

 


Sunod na kabanata