331. Naunawaan ni Bartolomeo at Siya’y Naghirap.

Nobyembre 17, 1945.

Si Jesus ay nasa loob ng isang silid kung saan may ilang napakaabang mga kama, inilagay nang napakalapit sa isa’t isa. Ang libreng lugar ay sapat lamang upang sila ay makapunta sa isang dulo patungo sa isa pa. Kinakain nila ang kanilang napakalisong pagkain nakaupo sa mga kama, sapagkat wala sa silid ng mga upuan o mesa. Sa isang punto, si Juan ay pumunta at naupo sa pasamano ng bintana, upang mapapunta sa sikat ng araw. Iyan kung bakit siya ang unang makakita kina Pedro, Simon, Felipe at Bartolomeo patungo sa bahay. Siya ay sumigaw sa kanila at pagkatapos tumakbong palabas sinusundan ng iba pa. Si lamang ang tanging natira sa loob at Siya ay tumayo at nagpatungo sa pintuan…

Ang mga bagong dating ay pumasok. Madaling makita ang kalabisan ni Pedro, katulad na madaling makita ang malalim na paggalang ni Simon Zealot. Ngunit ang aktitud ni Felipe at lalo na ni Bartolomeo ay isang tunay na sorpresa. Sasabihin ko na nang sila ay pumasok nagmumukha silang takot at nag-aalala, at bagama't ibinuka ni Jesus nang maluwang ang Kanyang mga kamay, upang makipagpalitan ng halik ng kapayapaan, na Kanya nang naibigay kina Pedro at Simon, sila ay bumagsak sa kanilang mga tuhod, at iniyuko ang kanilang mga noo sa sahig, hinahalikan ang mga paa ni Jesus, at sila ay nananatiling ganyan… at ang pigil na mga buntung-hininga ni Bartolomeo ay nagpapahiwatig na siya ay umiiyak nang tahimik sa mga paa ni Jesus.

«Ano ang nagpapaalala sa iyo, Bart? Hindi ka ba tatayo upang mayakap ng iyong Guro? At ikaw, Felipe, bakit takot na takot ka? Kung hindi Ko alam na kayo ay dalawang matapat na tao, na sa kaninong mga puso walang kasamaan ang makapaninirahan, magsususpetsa ako na kayo ay may kasalanan. Ngunit hindi ito ganito. Halikayo, kung gayon! Matagal na Akong naghihintay para tanggapin ang inyong mga halik at makita ang malinaw na tingin ng inyong matatapat na mata…»

«gayon din kami… Panginoon…» sabi ni Bartolomeo itinitingala ang kanyang mukha kung saan mga luha ay nagniningning. «Wala kaming minithi bagkus Kayo, at kami ay nag-iisip kung papaano Kayo namin maaaring nagalit upang marapatin na ilayo sa Inyo sa gayong katagal na panahon. At inisip namin na iyon ay hindi tama… Ngunit ngayon alam na namin… O! patawarin kami, Panginoon! Hinihingi namin na patawarin Ninyo kami. Ako, lalo na, sapagkat si Felipe ay napalayo sa Inyo dahil sa akin. At hiningi ko na sa kanya na patawarin niya ako. Ako… ako ang may kasalanang isa, Ako… ang matandang Israelita, na labis na nag-aalangan na magbago, at nakapagpamighati sa Inyo…»

Si Jesus ay yumuko at pinilit siyang tumayo, katulad na pinilit Niya si Felipe at sila’y Kanyang niyakap nang magkasabay nagsasabing: «Ngunit ano ang inyong iniaakusa sa inyong mga sarili? Wala kayong nagawang masama. Ni si Felipe. Kayo ay Aking mga mahal na apostol, at ngayon Ako ay masayang-masaya na makasama Ko ngayon dito, nakaisa muli magpakailanman…»

«Hindi… Sa loob ng matagal na mga araw hindi namin malaman ang dahilan kung bakit tama lamang na di Ninyo kami pinagkatiwalaan hanggang sa kami ay di Ninyo isinama sa apostoladong pamilya. Ngunit ngayon ay alam na namin… at hinihingi namin sa Inyo na kami ay patawarin, at ako lalo na ay nakikiusap sa Inyo, Jesus, aking Guro…» At si Bartolomeo ay tinitingnan Siya puno ng pananabik, ng pagmamahal at habag. Matandang katulad niya, siya tila isang ama na tinitingnan ang kanyang nasaktang anak at pinag-aaralan ang mukha na pinanipis ng kapighatian, na hindi niya dati napuna, at ni hindi niya napuna kung papaano ang mukha numipis at tumanda… At sariwang mga luha ang dumaloy sa mga pisngi ni Bartolomeo. At siya’y bumulalas: «Ngunit ano ang kanilang ginawa sa Inyo? Ano ang kanilang ginawa sa amin, upang kaming lahat ay maghirap nang ganito. Ang isang masamang espiritu ay tila dumating sa pagitan namin upang balisahin kami, palungkutin, pahinain, lituhin, gawing tanga… Gawing napakatanga upang hindi namin maintindihan na Kayo ay naghihirap… Sa kabaligtaran nadagdagan namin ang Inyong paghihirap sa pamamagitan ng aming kasamaan, kapurulan, pagrespeto sa opinyon ng madla at sa aming lumang pagkatao… Oo, ang lumang tao ay laging nananalo sa amin, at ang Inyong perpektong kasiglahan ay hindi kailanman kami napabago. Iyan ang nagpapabagabag sa akin! Sa kabila ng aking pagmamahal, hindi ko nagawang magbago, upang maintindihan Kayo at masundan Kayo… Nasundan ko lamang Kayo sa pamamagitan ng aking katawan… Ngunit ibig Ninyo na sundan namin Kayo sa pamamagitan ng aming mga kaluluwa… upang maintindihan ang Inyong perpeksiyon… upang maipagpatuloy namin Kayo… O! Aking Guro! Iiwanan Ninyo kami isang araw, pagkatapos ng napakaraming pakikibaka, mga patibong, labis na kasuklaman at kapighatian, at Kayo ay mamimighati nakikita kami na di pa handa!... » At si Bartolomeo ay isinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Jesus umiiyak nang lubos, nasasaktan ng kaisipan na siya ay naging isang mapurol na disipulo.

«Huwag kang panghinaan ng loob, Natanael. Nakikita mo ang lahat na iyan bilang kawalan ng lohika na nagpapataka sa iyo. Ngunit ang inyong Jesus ay nalalaman na kayo ay mga tao… at hindi Siya umaasa ng mahigit pa kaysa sa maibibigay ninyo. O! ibibigay ninyo sa Akin ang lahat. Ngunit ngayon kayo ay kailangan na umunlad at maging perpekto. Iyan ay isang mabagal na gawain. Ngunit makapaghihintay Ako. At Ako ay nagsasaya sa inyong pagpeperpekto. Sapagkat iyan ay isang patuloy na pag-unlad sa Aking buhay. Ang inyo ring mga luha, ang pagkakasundo-sundo rin sa pagitan ng mga nakakasama Ko, ang kabaitan din na sumusunod sa kagaspangan na tipiko sa inyong kalikasan, at dumarating pagkatapos ng pagkamakasarili at kasakimang espirituwal, kahit na ang inyong kasalukuyang kalabisan, ang lahat ay isang tanghalan ng inyong paglago sa Akin. Kung kaya't huwag mag-alala. Ipahinga ninyo ang inyong isip, dahil alam Ko. Lahat. Ang inyong katapatan, inyong mabuting pananampalataya, inyong pagbibigay, inyong sinsirong pagmamahal. Kailangan Ko bang pagdudahan ang Aking marunong na Bart at si Felipe, napakamaalalahanin at matapat? Magkakamali Ako sa Aking Ama, Na nagkaloob sa Akin na mapasama kayo sa mga pinakamamahal Ko. Ngayon… tayo ay maupo rito, at ang mga nakapagpahinga na ay makapag-aasikaso sa ating pagod na gutom na mga kapatid binibigyan sila ng pagkain at kagaanan. Pansamantala sabihin ninyo sa inyong Guro at sa inyong mga kapatid kung ano ang hindi pa nila nalalaman.»

At Siya ay naupo sa Kanyang maliit na kama kasama sina Felipe at Bartolomeo sa tabi Niya, habang sina Pedro at Simon ay nauupo sa kalapit na kama, sa harapan ng kay Jesus, magkaharap ang mga tuhod.

«Maaari bang magsalita ka, Felipe? Ako ay nakapagsalita na. At ikaw ay mas naging makatarungan kaysa sa akin, hanggang ngayon…»

«O! Bartolomeo! Makatarungan! Naintindihan ko lamang na kung ang Guro ay hindi Niya tayo isinama, iyon ay hindi dahil sa pagsasalawahan o pagkapoot sa atin… At nagsikap akong magkaroon ka ng kapayapaan sa iyong isip… pinipigilan kang mag-isip ng mga bagay na iyong pagsisisihan pagkatapos at makaramdam ka ng pangungunsiyensya. Ako ay may iisang pangungunsiyensya lamang… sa pagpipigil sa iyo na masuway mo ang Guro nang ibig mong sundan si Simon ni Jonah na patungo sa Nazareth upang kunin si Marjiam… Pagkaraan… nakita kong naghihirap nang labis kapwa ang iyong katawan at ang iyong kaluluwa, upang nasabi ko: “Mas mabuti pa siguro kung pinabayaan ko siya! Pinatawad din sana siya ng Guro sa kanyang pagsuway at hindi sana niya nilalason ang kanyang isipan ng mga gayong idea”… Ngunit… kita mo? Kung ikaw ay pumunta, hindi ka sana nagkaroon ng susi sa misteryo… at ang iyong suspetsa sa pagsasalawahan ng Guro ay baka hindi nawala. Sa halip…»

«Oo. Sa ganoon… Naintindihan ko. Guro, si Simon ni Jonah at si Simon Zealot, na hindi ko tinigilan ng kátatanong, upang malaman ang maraming bagay at magkaroon ng mga kumpirmasyon tungkol sa mga bagay na nalalaman ko na, ay sinabi lamang sa akin ang ganito: “Ang Guro ay naghirap nang labis, kung kaya't Siya ay nangayayat at tumanda. At ang buong Israel, at una sa lahat tayo mismo, ang kailangang sisihin dahil diyan. Minamahal Niya tayo at pinatatawad. Ngunit ayaw Niyang magsalita tungkol sa nakaraan. Kung kaya't pinapayo namin sa iyo na huwag magtaas ng mga katanungan at huwag magsalita ng kahit ano…” Ngunit ibig kong magsalita ng isang bagay. Hindi ako magtataas ng kahit anong katanungan. Ngunit kailangan kong magsalita, upang sana malaman Ninyo. Sapagkat wala ng kahit na anong nasa loob ng Inyong apostol ang dapat nakatago sa Inyo. Isang araw – sina Simon at ang iba pa ay nakaalis na mga ilang araw na ang nakakaraan – si Michael ng Cana ay pumunta sa akin. Siya ay isang malayong kamag-anak, isang mabuting kaibigan at dating kaklase… Natitiyak ko na siya ay pumunta na may mabuting hangarin. Ibig niyang malaman kung bakit nanatili akong nasa bahay… habang ang iba ay umalis. At sinabi niya sa akin: “Kung gayon totoo? Ikaw ay humiwalay sa kanila sapagkat, bilang isang mabuting Israelita, hindi mo maaprobahan ang ilang mga bagay. At ang iba, simula kay Jesus ng Nazareth, ay pinabayaan kang makaalis, sapagkat nalalaman nila na hindi mo sila matutulungan, ni kahit isang tahimik na kasabwat. Ginagawa mo ang tamang bagay! Nakikita ko na ikaw ay ang dating mabuting tao pa rin katulad nang magagandang araw. Akala ko ikaw ay naging marumi na sa pagtanggi sa Israel. Ginagawa mo ang tamang bagay para sa iyong espiritu, sa iyong kapakanan at sa iyong mga kamag-anak. Sapagkat ang Sanhedrin ay hindi makalilimutan kung ano ang nangyayari, at ang mga kasali sa paggawa nito ay uusigin”. Sinabi ko sa kanya: “Ano ang pinagsasabi mo? Sinabi ko sa iyo na ako ay sinabihan na manatili sa bahay kapwa dahil sa panahon at ipadala ang mga darating na mga peregrino sa Nazareth o sabihan sila na maghintay para sa Guro sa Capernaum sa katapusan ng Shebat, at ikaw ay nagsasalita ng tungkol sa paghihiwalay, kaguluhan, mga pag-uusig? Ano ang ibig mong sabihin?...” Felipe, iyan ang aking sinabi, hindi ba?»

Si Felipe ay tumango sa pagsang-ayon.

Si Bartolomeo ay nagpapatuloy: «Sinabi sa akin ni Michael na alam-na-alam na Kayo ay nagrerebelde laban sa payo at utos ng mga miyembro ng Sanhedrin sa pagpapanatiling kasama Ninyo sina Juan ng Endor at ang griyego… Aking Panginoon, pinamimighati ko Kayo, hindi ba? Ngunit kailangan kong sabihin sa Inyo. Totoo ba na sila ay nasa Nazareth noon?»

«Oo, Totoo.»

«Totoo ba na sila ay umalis kasama Kayo?»

«Oo, totoo.»

«Felipe: tama si Michael! Ngunit papaano niya nalaman?»

«Iyan ay hindi problema! Iyon ay ang mga ahas na pumigil sa akin at kay Simon, at sino ang nakaaalam kung ilan pa. Ang dating mga ahas» sabing biglaan ni Pedro.

Si Jesus sa halip ay nagtanong nang matahimik: «Wala na ba siyang sinabi sa iyo ng iba pa? Maging sinsiro sa iyong Guro, hanggang sa kadulu-duluhan.»

«Wala nang iba pa. Ibig niyang makaalam mula sa akin… At sinabi ko kay Michael ang kasinungalingan: “Ako ay mananatili sa bahay hanggang sa Paskuwa”. Natatakot ako na baka ako ay kanyang sundan, o… hindi ko alam… Natatakot ako na baka masaktan ko Kayo… Pagkatapos naintindihan ko kung bakit Ninyo ako iniwan.. Nabatid Ninyo na ako ay labis pa rin na isang Israelita…» Si Bartolomeo ay nagsimulang umiyak muli… «…at may mga pagdududa Kayo sa akin…»

«Hindi. Absulutong wala. Hindi kinakailangan para sa iyo na makasama mo ng iyong mga kasamahan sa partikular na sandaling iyon, samantalang kinakailangan ka, at makikita mo ito mismo, sa Bethsaida. Ang bawat isa ay may kanyang misyon; ang bawat panahon ay may sariling gawain…»

«Hindi. Huwag Ninyo akong pangatwiranan dahil sa trabaho, Panginoon. Huwag Kayong mag-alala tungkol diyan… Kayo ay mabuti. Ngunit ibig kong makasama Ninyo. Isang kaparusahan ang málayo sa Inyo. At ako, bagama't tanga at walang-kakayahan… napaginhawahan ko man lamang sana Kayo, kung ako’y walang magagawang iba. Naintindihan ko… Pinaalis Ninyo ang mga ito kasama ang dalawang iyon. Huwag Ninyong sabihin sa akin. Ayaw kong makaalam. Ngunit pakiramdam ko ay gayon iyon, at sinasabi ko iyan. Bueno, sa gayon man, maaari at nakasáma sana ako sa Inyo. Ngunit hindi Ninyo ako isinama upang parusahan ako sa pagiging napakasalawahan na maging “bago”. Ngunit sinusumpa ko sa Inyo, Guro, ang aking ipinaghirap ay nakapagbago sa akin at hindi na muli Ninyo makikita ang lumang Natanael sa akin.»

Kung gayon nakikita ninyo na ang ating paghihirap ay natapos sa isang malugod na katapusan para sa lahat. At ngayon unti-unti tayong lalakad upang tagpuin sina Tomas at Judas, na hindi na hinihintay sila na pumunta sa itinakdang lugar. At tayo ay aalis muli na kasama sila… Labis na marami ang kailangang gawin!... Tayo ay lalakad bukas. Bilis.»

«At magagawa Ninyo ang tamang bagay. Sapagkat ang panahon ay nagbabago sa hilaga. Isang kalamidad sa mga pagbubukid…» sabi ni Felipe.

«Oo! Ang ulang-yelo ng kamakailan ay nasira ang mga hilera sa kabukiran. Kailangan na makita Ninyo ito, Panginoon! Ang ilang mga lugar ay tila dinaanan ng apoy. At ang kakaiba rito ay na ang pangyayari ay nangyari katulad ng sinabi ko: hili-hilera» sabi ni Pedro.

«Habang kayo ay wala, nagkaroon kami rito ng maraming ulang-yelo. Isang araw. mga kalagitnaan ng Tebeth, ito ay katulad ng isang tunay na pagpaparusa. Ako ay nasabihan na sa ibaba sa kapatagan kinailangan nilang maghasik ulit sa simula. Mas mainit dati. Ngunit mula noon ang sikat ng araw ay kasiyahan. Tayo ay paurong… Anong kakaibang mga tanda! Magiging ano ang mga ito?» tanong ni Felipe.

«Walang iba bagkus epekto ng pagpapalit-palit ng buwan. Huwag mag-alala tungkol diyan. Ang mga bagay na ito ay hindi kailangan na magulat kayo. Maging ano pa man tayo ay patungo sa kapatagan at magiging magandang paglalakbay ito. Magiging malamig, ngunit hindi masyado, at kapalit nito ay tuyong panahon. Sumama sa Akin pansamantala. May magandang sikat ng araw sa terasa. Makapagpapahinga tayo roon, magkakasama…»

080512

 

 

 


Sunod na kabanata