332. Paglalakbay Pabalik ng Galilee.

 

Top of Form

Nobyembre 18, 1945.

«At ngayon na napagbigyan na natin ang pastol, ano na ang ating gagawin?» tanong ni Pedro, na nag-iisang kasama si Jesus, habang ang iba ay nasa isang grupo mga ilang metro sa likuran nila.

«Tayo ay pupunta sa daan sa tabi ng baybay-dagat, patungong Sicaminon.»

«Tayo ba?! Akala ko patungo tayong Capernaum…»

«Hindi na iyan kinakailangan, Simon ni Jonah. Hindi na kailangan. Nagkaroon ka na ng balita tungkol sa iyong asawa at sa bata, at ang tungkol kay Judas… mas madali pa na pumunta at tagpuin siya.»

«Eksakto, aking Panginoon. Hindi ba siya parating sa pamamagitan ng daan sa kalupaan, sa tabi ng ilog at ng lawa? Ito ang pinakamaikli at ang pinakamalilim sa lahat…»

«Ngunit hindi siya pupunta sa daan na iyon. Alalahanin na kailangan niyang tingnan ang mga disipulo at ang karamihan sa kanila ay nakakalat sa kanluran sa mga panahon na ito, na napakalamig din muli ngayon.»

«O, sige. Kung iyan ang Inyong sinasabi… Kontento na ako ng pagiging kasama Ninyo at nakikita Kayo na hindi napakalungkot. At… hindi ako nagmamadaling makita si Judas ni Simon. Sana hindi natin siya masalubong!... Naging napakabuti natin nang tayu-tayo lamang!...»

«Simon, Simon! Iyan ba ang iyong pagkamagkapatid na karidad?»

«Panginoon… iyan ay ang aking katotohanan» sabing prangko ni Pedro. At sinasabi niya iyon na may gayong kapusukan at hitsura upang nahirapan si Jesus na hindi tumawa. Ngunit papaano masisisi nang mahigpit ng sinuman ang gayong kaprangko at katapat na tao?

Si Jesus ay mas ginustong manahimik, nagpapakita ng labis na interes sa mga dalisdis sa kanilang kaliwa, habang ang kapatagan ay umuunat sa kanilang kanan. Ang iba pang siyam, sa isang grupo, ay sumusunod sa kanila naguusap-usap, at si Juan ay tila isang mabuting pastol, dahil may dala siya sa kanyang mga balikat ng isang kordero, baka isang regalo mula kay Annas, ang pastol.

Pagkaraan nang kaunti si Pedro ay nagtanong muli: «Hindi ba tayo pupunta sa Nazareth?»

«Tayo ay tiyak na pupunta. Ang Aking Ina ay tiyak na masisiyahan na makarinig tungkol sa paglalakbay nina Juan at Sintike.»

«At upang makita Kayo!»

«At upang makita Ako.»

«Pinabayaan man lamang kaya nila Siya sa kapayapaan?»

«Malalaman natin.»

«Ngunit bakit sila napakawalang-awa? Napakaraming tao na katulad ni Juan kahit na sa Judea, subalit… Hindi, upang buwisitin ang Roma, ipinagsasanggalang nila sila…»

«Kailangan na makumbinsi ka na ginagawa nila iyon, hindi dahil kay Juan, bagkus siya ay isang saksi para sa pag-uusig laban sa Akin.»

«Ngunit hindi na nila siya makikita ngayon! Naplano Ninyo ang lahat nang napakaganda. Pinalakad Ninyo kaming nag-iisa… sa pamamagitan ng dagat… sa isang maliit na bangka sa loob ng ilang milya, at pagkatapos, sa kabila ng prontera, sa pamamagitan ng barko… O! lahat mabuting pagkaplano! Ako ay totoong umaasa na sila ay mabibigo.»

«Mabibigo nga sila.»

«Nananabik akong makita si Judas ng Kerioth, na gagawa ng kaunting astrolohiya sa kanya, katulad ng isang kalangitan na dinaanan ng mga hangin at puno ng mga tanda, upang makita kung…»

«Ngayon, tama na iyan!»

«Tama Kayo. Ito ay isang nakapakong idea na mayroon ako rito» at kanyang dinadagukan ang kanyang noo.

Si Jesus, upang maibaling ang kanyang atensiyon, ay tinawag ang iba at itinuro sa kanila ang kakaibang paninirang ginawa ng ulan na may yelo at ng lamig na nangyari kung kailan maaaring ipagpalagay ng mga tao na ang piligro ay tapos para sa taon na iyon… Ang ilan ay nagsasabi ng isang bagay, ang iba isa pang bagay, ngunit nakakiling silang tingnan ito na isang dibinong kaparusahan para sa suwail na Palestina na hindi tanggapin ang Panginoon. At ang mas may pinag-aralan sa kanila ay nagbabanggit ng kaparehong mga pangyayari, na binabanggit ng lumang mga kuwento, habang ang mas nakababata at di-masyadong nakapag-aral ay nakikinig nang may malaking pagtataka at atensiyon.

Si Jesus ay iniiling ang Kanyang ulo. «Iyan ay ang epekto ng buwan at ng malayong hangin. Nasabi Ko na sa inyo. Sa mga kadulu-duluhang hilaga na mga bansa ang isang penomena ay nangyari at ang buong mga rehiyon ay naghihirap dahil sa resulta nito.»

«Ngunit, bakit, kung gayon, na ang ibang mga bukid ay magaganda?»

«Gawain iyan ng ulan na may yelo.»

«Ngunit hindi ba ito maaaring isang kaparusahan para sa pinaka masasamang tao?»

«Maaari. Ngunit hindi iyan kaparusahan. Mas nakakatakot ito kung ganyan nga…»

«Halos lahat ng ating Amangbayan ay magiging tigang at wasak, hindi ba’t ganito ito Panginoon?» sabi ni Andres.

«Ngunit sa mga hula binabanggit dito, sa pamamagitan ng mga simbolo, na kasamaan ang darating sa mga hindi tumatanggap sa Mesiyas. Ang mga Propeta ba ay makapagsasabi ng mga kasinungalingan?»

«Hindi, Bartolomeo. At kung ano ang sinabi, ay mangyayari. Ngunit ang Kataastaasan ay napakabuti nang walang-hangganan, na mas mahigit pa kaysa sa nangyayari sa kasalukuyan ang ibig Niya, upang maparusahan ang mga tao. Kailangan na kayo ay mabuti, rin, at hindi laging humihiling ng kaparusahan para sa mga tao na ang mga puso at mga isip ay nanigas. Kailangan na hilingin ninyo ang kombersiyon para sa kanila, hindi kaparusahan. Juan, ibigay mo ang kordero sa isa sa iyong mga kasamahan at halika at tingnan ang dagat mula sa itaas ng mga bunton ng buhangin na iyon. Ako ay pupunta rin.»

Si Jesus ay lumakad kasama si Juan. Ngunit sino ang iiwan sa Kanya? Wala. At pagkaraan lahat sila ay nasa itaas doon, sa loob ng magandang sikat ng araw, kaharap ang malinis na kaakit-akit na dagat…

Ang bayan ng Ptolemais ay napakalapit kasama ang puting mga kabahayan nito.

«Papasukin ba natin ito?» tanong ni Judas ni Alfeo.

«Hindi na kinakailangan. Tayo ay titigil at kakain sa unang mga kabahayan. Ibig Kong makarating sa Sicaminon pagdating ng gabi. Baka makita natin si Isaac doon.»

«Gaanong kabutihan ang kanyang nagagawa, eh? Napakinggan ba Ninyo si Abel, si Juan at si Jose?»

«Oo. Ngunit ang lahat na mga disipulo ay napaka aktibo. pinagpapalà Ko ang Aking Ama, araw at gabi, para diyan. Kayong lahat… Aking lugod, Aking kapayapaan, Aking siguridad…» at Kanya silang tinitingnan Niya ng may labis na pagmamahal upang mga luha ang lumabas sa mga mata ng sampung apostol…

At sa gayong nagmamahal na tingin ang aking bisyon ay nagtatapos.

170512

 


Sunod na kabanata