333. Nakákatagpó Sina Judas Iskariote at si Tomas.

Top of Form

Nobyembre 19, 1945.

Bagama't sumisikat ang araw sa malinis na kalangitan, ngayon ay nangangagat ang lamig sa lambak ng Kishon, na dinadaanan ng kasing lamig ng yelo na hanging umiihip sa hilagang mga burol at sumisira sa malalambot na tanim, na nanginginig at nakukusot, nababaling katulad nila, nakatalagang mamatay kasama ang kanilang bagong mayabong na mga dahon.

«Ang lamig bang ito ay tatagal?» nagtatanong si Mateo binabalot ang sarili sa kanyang makapal na manta, na sa pamamagitan nito tanging mumunting bahagi lamang ng kanyang mukha ang makikita, ibig sabihin ang kanyang ilong at mga mata lamang.

Si Bartolomeo ay tumugon sa kanyang tinig na napipigilan ng kanyang malaking manta na nagtatakip sa kanyang bunganga: «Baka hanggang sa katapusan ng pagbabago ng buwan na ito.»

«Kung gayon, tayo ay pasók dito! Ngunit hindi na bale! Masuwerte na lang tayo ay manunuluyan sa mapag-arugang bahay sa Nazareth… At habang naroroon ito ay matatapos.»

«Oo, Mateo. Sa ganang akin, ito ay tapos na, ngayon na nakikita ko na si Jesus ay hindi na masyadong nalulungkot. Hindi ba’t sa palagay mo Siya ay mas masayahin?» tanong ni Andres.

«Siya nga. Ngunit sa akin… bueno, tila imposible sa akin na Siya ay labis na nahapo dahil lamang sa ating nalalaman. Totoo bang wala nang iba pa, hanggang sa nalalaman ninyo?» tanong ni Felipe.

«Hindi. Wala na. Sa kabaligtaran masasabi ko sa iyo na sa hangganan ng Syro-Phoenicia ang mga naniniwala roon ay nagawa Siyang napakasaya at ginawa Niya ang mga himalang iyon na nasabi na namin sa inyo» tugon ni Santiago ni Alfeo tinitiyak sa kanya.

«Siya ay labis na nakakasama si Simon ni Jonah sa mga huling araw na ito. At si Simon ay nagbago nang malaki… Siyempre, kayong lahat ay nagbago. Hindi ko alam.. Parang kayo’y nagbago… mas asetiko, sasabihin ko» sabi ni Felipe.

«Iyan ay ang iyong palagay lamang!... Sa katunayan kami ngayon ay kung ano kami dati. Siyempre, hindi maganda na makita ang Guro na labis na malungkot dahil sa maraming dahilan, at marinig kung gaano sila kabagsik laban sa Kanya… Ngunit ipagsasanggalang natin Siya. O! hindi nila Siya gagawan ng kahit na anong pananakit kung tayo ay kasama Niya. Kagabi, pagkatapos na mapakinggan ko ang sinasabi ni Hermas, at siya ay seryoso at maaasahan, sinabi ko sa Kanya: “Hindi Ka na dapat manatiling nag-iisa. May mga disipulo Ka na ngayon na, katulad ng nakikita Mo, mga aktibo at magaganda ang nagagawa, at patuloy na lumalaki ang bilang. Kung kaya't mananatili Kang kasama namin. Hindi ko ibig sabihin na kailangan na Ikaw ang gagawa ng lahat. Panahon na Ikaw ay magpakasaya, aking mahal na kapatid. Ikaw ay mananatiling kasama kami, sa pagitan namin, katulad ni Moses sa bundok, at kami ay makikipaglaban para sa iyo, at magiging handa, kung kinakailangan, na ipagsanggalang Ka nang pisikal din. Ang nangyari kay Juan Bautista ay hindi kailangan na mangyari sa iyo”. Sapagkat, pagkatapos ng lahat, kung ang mga disipulo ni Juan Bautista ay hindi naging dadalawa o tatlong mahihina ang loob, hindi sana siya nahuli. At tayo ay labindalawa at ibig kong kumbinsihin ang ilan sa matatapat at malulusog na disipulo na sumama sa atin o, kung man lamang, laging malapit sa atin. Halimbawa, ang mga nakasama ni Juan sa Machaerus. Sila ay matatapang at matatapat na tao: Sina Juan, Matthias at si Jose din. Alam mo ba na siya ay isang may pag-asang bata-pang lalaki?» sabi ni Tadeo.

«Oo, si Isaac ay isang anghel, ngunit ang kanyang lakas ay ganap na espirituwal. Si Jose ay malakas din nang pisikal. Siya ay halos kaedad natin.»

«At natututo siya nang mabilis. Napakinggan mo ba ang sinabi ni Hermas? “Kung siya ay nakapag-aral siya ay magiging isang rabbi bukod sa pagiging isang makatarungang tao”. At nalalaman ni Hermas kung ano ang kanyang sinasabi.»

«Ako, subalit… ay pamamalagiin kong malapit sa atin sina Stephen at Hermas, at si Juan, ang pari. Dahil sa kanilang nalalaman tungkol sa Batas at tungkol sa Templo. Nalalaman mo ba kung ano ang ibig sabihin ng kanilang presensya para sa mga eskriba at mga Pariseo? Isang bantay, isang pagpipigil… At para sa mga tao na nasa pagdududa ang ibig sabihin nito: “Pati ang pinakamagagaling na tao sa Israel ay kasama ng Rabbi bilang Kanyang mga mag-aaral at mga lingkod!”» sabi ni Santiago ni Alfeo.

«Tama ka. Ating sabihin sa Guro. Napakinggan ninyo kung ano ang Kanyang sinabi kahapon: “Kailangan ninyo sumunod, ngunit katungkulan din ninyo na ibukas ang inyong mga kaisipan sa Akin at sabihin kung ano sa palagay ninyo ang tama, upang kayo ay sana matuto kung papaano turuan ang mga tao sa hinaharap. At, kung makita Ko na ang inyong sinasabi ay makatarungan, tatanggapin Ko ang inyong mga idea”» sabi ng Zealot.

«Baka ginagawa Niya iyan upang ipakita sa atin na minamahal Niya tayo, nakikita na tayo kahit papaano ay kumbinsido na tayo ay ang dahilan ng Kanyang paghihirap» wika ni Bartolomeo.

«O baka talagang pagod na Siya na Siya na lagi ang bahala sa lahat at sa pagiging laging Siya ang nagpapasya at ang responsable. Baka nababatid na rin Niya na ang Kanyang perpektong kabanalan ay… sasabihin ko halos isang imperpeksiyon, tinitingnan kung ano ang nasa harapan Niya: ang mundo na hindi banal. Tayo ay hindi mga perpektong santo. Mga salbaheng hindi kasing sama lamang ng ibang mga tao… at kung ganoon mas nakakatugon sa mga katulad lamang natin» sabi ni Sion Zealot.

«At upang makilala sila, ang sabihin mo!» dagdag ni Mateo.

«O! ang tungkol diyan, natitiyak ko na nakikilala rin Niya sila. Hindi, kilala Niya sila nang higit pa sa nagagawa natin, sapagkat nababasa Niya ang mga puso ng tao. Natitiyak ko iyan katulad ng natitiyak ko na ako ay buhay» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Bueno, kung gayon, bakit kumikilos Siya katulad ng ginagawa Niya, nailalantad ang Kanyang Sarili sa problema at panganib?» tanong ni Andres nang nalulungkot.

«Sino ang nakaaalam? Hindi ko masasabi sa inyo» sabi ni Tadeo kinikibit ang mga balikat. At ang iba ay sumasang-ayon sa kanya.

Si Juan ay tahimik. Ang kanyang kapatid ay binibiro siya: «Sa dahilan na nalalaman mo ang lahat tungkol kay Jesus – kung minsan kayo ay tila napaka malapít sa isa’t isa – nasabi ba Niya sa iyo kailanman kung bakit Siya kumilos nang ganyan?»

«Oo, natanong ko Siya kamakailan lamang. Lagi Niyang sinasabi: “Sapagkat kailangan Kong gawin. Kailangan na kumilos Ako na tila ang mundo ay mundo ng mga mangmang ngunit mabubuting tao. Itinuturo Ko sa lahat ang pare-parehong doktrina at sa gayon ang mga anak ng Katotohanan ay maihihiwalay sa mga anak ng Kasinungalingan”. Sinabi rin Niya sa akin: “Kita mo, Juan? Ito ay katulad ng isang unang paghuhukom, hindi isang pang-unibersal o pangkalahatan na paghuhukom, bagkus isang iisang paghuhukom. Ayon sa kanilang ikinikilos sa pananampalataya, karidad at hustisya, ang mga kordero ay maihihiwalay mula sa mga batang kambing. At iyan ay tatagal din pagkatapos, kapag Ako ay wala na rito, ngunit nandiyan ng Aking Simbahan, magpakailanpaman, hanggang sa katapusan ng mundo. Ang unang paghuhukom sa masa ng mga tao ay mangyayari sa loob ng mundo, kung saan ang mga tao ay kumikilos nang malaya, sa harapan ng Mabuti at Masama, Katotohanan at Kasinungalingan. Katulad na ang unang paghuhukom ay nangyari sa Makalupang Paraiso, sa harapan ng punungkahoy ng Mabuti at Masama, pinanghihimasukan ng mga sumusuway sa Diyos. Pagkatapos ng kamatayan ng bawat indibidwal, ang paghukom ng isang walang-kapintasang Isip na naisulat na sa aklat ng mga pagkilos ng tao ay pagtitibayin. Ang Malaki, ang Teribleng Paghuhukom ay ang magiging huli, kung saan ang masa ng mga tao ay huhusgahan muli. Mula kay Adan hanggang sa pinakahuling tao. Sila ay huhusgahan para sa kung ano ang kanilang ginusto nang malaya para sa kanilang mga sarili sa lupa. Ngayon, kung pipiliin Ko Mismo ang mga karapat-dapat ng Salita ng Diyos, Himala, Pagmamahal at ang mga di karapat-dapat – at magagawa Ko ito sa pamamagitan ng dibinong karapatan at abilidad – ang mga di masasali, kahit na kung sila ay mga dimonyo, sa araw ng kanilang indibidwal na paghuhukom, ay sisigaw nang malakas: ‘Ang Inyong Salita ay ang may kasalanan sapagkat ayaw Niya kaming turuan’. Ngunit hindi nila masasabi iyan… o kung baga, sasabihin nila iyan, nagsísinungalíng muli. At sila kung gayon ay huhusgahan”.

«Kung gayon ang tanggihan ang Kanyang doktrina ay ang maging isang napakasamâ?» tanong ni Mateo.

«Hindi ko alam ang tungkol diyan, kung ang lahat na hindi naniniwala ay magiging napakasamâ. Kung natatandaan ninyo, habang nagsasalita kay Sintike pinaunawa sa atin na ang mga kumikilos nang matapat sa buhay ay hindi mga imbi, kahit na kung naniniwala sila sa ibang mga relihiyon. Ngunit maitatanong natin sa Kanya. Ang Israel, na nalalaman ang tungkol sa Mesiyas at ngayon naniniwala sa Kanya nang bahagya at masama, o tinatanggihan Siya, ay tiyak na huhusgahan nang mahigpit.»

«Ang Guro ay nagsasalita nang labis sa iyo, at marami ang nalalaman mo na hindi namin alam» wika ng kanyang kapatid na si Santiago.

«Ito ay kasalanan mo at kasalanan ng lahat ninyo. Nagtatanong ako sa Kanya ng mga katanungan nang may kasimplehan. Kung minsan nagtatanong ako sa Kanya ng mga katanungan na maaaring nagagawa ang Kanyang Juan na magmukhang isang malaking tanga sa Kanya. Ngunit binabale-wala ko ito. Ang tanging ibig ko ay ang malaman kung ano ang Kanyang iniisip at itago ito sa loob ko upang gawin itong akin. Kailangan na ganito rin ang inyong gagawin. Ngunit kayo ay laging natatakot! Ng ano? Ng pagiging mangmang? Ng pagiging mababaw? Ng pagiging mga tanga? Kailangang matakot lamang kayo ng pagiging di handa kapag Siya ay umalis. Lagi Niyang sinasabi ang ganyan… at lagi ko itong inuulit sa sarili ko upang maging handa para sa paghihiwalay… Ngunit nararamdaman ko na ito ay magiging napaka kapigha-pighati…»

«Huwag mong gawin na isipin ko iyan!» bulalas ni Andres. At ang iba ay ginaya ang kanyang mga salita nagbubuntung-hininga.

«Ngunit kailan ito mangyayari? Lagi Niyang sinasabi: “Malapit na”. Ngunit iyan ay maaaring sa loob ng isang buwan o sa loob ng maraming taon. Siya ay napakabata at ang oras ay dumaraan nang napakabilis… Ano ang nangyayari, kapatid? Ikaw ay naging napakaputla…» si Tadeo ay tinatanong si Santiago.

«Wala! Iniisip ko…» tugon kaagad ni Santiago ni Alfeo na ang kanyang ulo nakatungo.

At si Tadeo ay yumuko upang makita ang kanyang mukha… «May mga luha ka sa iyong mga mata! Ano ang nangyayari?...»

«Hindi higit pa sa mayroon kayo.. Iniisip ko ang tungkol sa kung tayo ay nag-iisa na.»

«O! Ano ang nangyayari kay Simon ni Jonah tumatakbo sa unahan sumisigaw katulad ng isang pato sa loob ng isang mabagyong araw?» tanong ni Santiago ni Zebedeo, tinuturo si Pedro na iniwanan nang  nag-iisa si Jesus at tumatakbong sumisigaw ng mga salita na hindi marinig ng kanyang mga kasamahan dahil sa hangin.

Binilisan nila ang kanilang paghakbang at nakita na si Pedro ay kinuha ang isang maliit na landas na nanggagaling sa Sephoris, na ngayon ay malapit (gayon ang sinasabi ng mga apostol, nagtatanong sa isa’t isa, kung si Jesus ay iniutos sa kanya na pumunta sa Sephoris kinukuha ang maikling daan). Ngunit, tumitingin nang maigi nakita nila na tanging sina Tomas at Judas lamang ang manlalakbay na nanggagaling sa bayan patungo sa pangunahing daan.

«Tingnan ninyo ‘yan! Dito mismo? O! Ano ang kanilang ginagawa rito? Kung sila ay patungo sa kung saan, mula sa Nazareth sila ay patungo sa Cana at pagkatapos sa Tiberias…» marami ang nagwiwika.

«Baka sila patungo rito sa paghahanap para sa mga disipulo. Iyan ang kanilang misyon» sabi ng marunong na Zealot, na ang pakiramdam ang pagsuspetsa ay lumalabas sa mga puso ng marami katulad ng nagising na ahas.

«Bilisan natin ang ating paghakbang. Si Jesus ay nag-iisa at Siya ay tila naghihintay para sa atin…» payo ni Mateo.

Sila ay pumunta at narating si Jesus kasabay ng pagdating nina Pedro, Judas at Tomas.

Si Jesus ay maputlang maputla, upang si Juan ay tinanong Siya: «Hindi ba mabuti ang Inyong pakiramdam?» Si Jesus ay ngumiti at gumawa ng paggalaw ng pagtanggi habang Kanyang binabati ang dalawa na bumalik pagkaraan ng mahabang ausensiya.

Kanyang niyakap si Tomas nang una; siya ay kasing kaaya-aya at masayahin katulad nang dati, ngunit siya ay naging seryoso nang makita niya ang Guro Na nagbago nang husto at siya ay marespetong nagtanong: «Kayo ba ay nagkasakit?»

«Hindi, Tom. Hindi Ako nagkasakit. At ikaw ba ay laging maayos at masaya?»

«Oo, ako, Panginoon. Ako ay laging naging maayos at laging masaya. Lagi ko Kayong hinahanap-hanap, kung Kayo ay nakasama Ko ang aking puso ay sana naging labis na masaya. Ang aking ama’t ina ay mapagpasalamat sa Inyo sa pagpapauwi Ninyo sa akin nang kaunting sandali. Pumunta ako sa bahay ng aking kakambal na kapatid na babae at nakita ko ang aking maliit na pamangkin at pinangalanan ko siya ayon sa minungkahi Ninyo. Pagkatapos si Judas ay dumating at ginawa niya akong mag-ikot katulad ng isang maliit na kalapating umiibig, pataas at pababa, kung saan man may mga disipulo. Nakaikot na siya nang labis nang nag-iisa. Ngunit sasabihin na niya sa Inyo ngayon, dahil nagtrabaho siya para sa sampu at karapat-dapat na mapakinggan Ninyo.»

Si Jesus ay pinakawalan siya at panahon na ngayon ni Judas, na kanina pa naghihintay nang matiyaga at na ngayon lumalapit sa isang prangko, magaan, matagumpay na aktitud. Si Jesus ay nilalagos siya sa pamamagitan ng Kanyang sapirong mga mata. Ngunit hinalikan Niya siya at Siya niya, eksaktong katulad ng Kanyang ginawa kay Tomas. At ang mga salitang sumunod ay puno ng pagmamahal: «Ang iyo bang ina ay masaya na nakita ka, Judas? Ang banal na babae ba ay maayos?»

«Oo, Guro, at pinagpapalà niya Kayo sa pagpadala sa kanya ng kanyang Judas. Ibig niya Kayong padalhan ng ilang mga regalo. Ngunit papaano iyon dadalhin, sa dahilan na kinailangan kong pumunta rito at doon, sa kabila ng mga bundok at mga lambak. Hindi Kayo kailangan na mag-alala, Guro. Ang lahat na mga grupo ng mga disipulo na aking dinalaw ay nagtatrabaho sa isang banal na pamamaraan. Ang balita ay lalu’t lalo pang kumakalat. Ginusto kong tingnan mismo ang mga resulta sa pinaka makapangyarihan na mga eskriba at mga Pariseo. Kilala ko ang marami at nakakilala ako ng mas marami pa ngayon, alang-alang sa Inyo. Nilapitan ko ang mga Saduseo at mga Herodian… O! matitiyak ko sa Inyo na ang aking karangalan ay lubos na dinurog!... Ngunit iyon ay alang-alang sa Inyo! Nakahanda akong gawin iyan at mahigit pa. Tumanggap ako ng mapanghamak na mga sagot at mga anathema. Ngunit nagawa ko rin na makaintindi nang malaki-laki sa mga taong may kiling laban sa Inyo. Ayaw kong ako’y mapuri Ninyo. Sapat na sa akin na nagawa ko ang aking katungkulan at pinasasalamatan ko ang Eternal na Ama sa pagtulong sa akin sa lahat ng oras. Sa ilang mga kaso kinailangan kong gumamit ng mga himala. At ako ay nalulungkot, sapagkat karapat-dapat sila ng mga kidlat, hindi ng pagpapalà. Ngunit sinasabi Ninyo na kailangan nating magmahal at maging matiyaga… Ako’y kumilos nang ganyan sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos at para sa Inyong lugod. Umaasa ako na maraming hadlang ang naalis nang tuluyan, dahil din pinanagutan ko sa aking karangalan na ang dalawang iyon, na nagbibigay ng mapanglaw na anino sa atin, ay hindi na Ninyo kasama. Pagkaraan nagkaroon ako ng pag-atubili tungkol sa pagbanggit ng hindi ko natitiyak na alam ko. Kung kaya't nagpasya akong tiyakin ito upang magawa ko kung anuman ang kakailanganin, dahil ayaw kong matuklasan nila na ako ay nágsinungalíng, na magagawa ang mga mapagbabago ang kalooban na pagsuspetsahan ako magpakailanman. Isipin na lang! Nilapitan ko rin sina Annas at Caiaphas!... O! Ibig nilang tapusin ako sa pamamagitan ng kanilang mga paninita… Ngunit ako ay naging napaka mapagpakumbaba at mapanghimok, upang sila ay nagtapos nagsasabing: “Bueno, kung ang sitwasyon ay totoong ganyan… Kami’y sinabihan na ito ay iba. Ang mga rektor ng Sanhedrin na nasa pusisyon na makaalam tungkol diyan, ay sinabi sa amin ang kabaligtaran at…”»

«Hindi mo sasabihin na sina Jose at Nicodemus ay mga sinungaling» pagputol ng Zealot, na napipigilan ang sarili magpahanggang ngayon, ngunit hindi na ito magawa, at nangingitim-ngitim sa kanyang pagpipigil.

«Sino ang nagsabi niyan? Sa kabaligtaran, nakita ako ni Jose nang ako ay palabas sa bahay ni Annas at sinabi niya sa akin: “Bakit ka balisa?”. Sinabi ko sa kanya ang lahat, at kung papaano, sinusunod at kanyang payo at ng kay Nicodemus, Kayo, Guro, ay pinaalis ang alipin sa galera at ang griyego. Sapagkat pinaalis Ninyo sila, hindi ba, Guro?» sabi ni Judas tinititigan si Jesus sa pamamagitan ng kanyang makintab na maitim na mga mata, na nagniningning hanggang sa punto na maging posporesente. Siya ay tila ibig na lagusin si Jesus sa pamamagitan ng kanyang mga mata upang mabasa kung ano ang Kanyang ginawa.

Si Jesus, Na nasa harapan pa niya at napakalapit, ay nagsabi nang kalmante: «Maaaring magpatuloy, Ako ay interesadung-interesado sa iyong sinasabi. Iyan ay wastong ulat at lubos na mapakikinabangan.»

«Ah! kung kaya't sinasabi ko na sina Annas at Caiaphas ay nagbago ang kanilang isip. Iyan ay malaking bagay sa atin, hindi ba? At pagkatapos!... O! patatawanin ko na Kayo ngayon! Nalalaman ba Ninyo na ako ay napagitnaan ng mga rabbi na nag-iiksamin sa akin, katulad ng isang minor na umabot na sa edad? At anong iksaminasyon! Bueno. Nakumbinsi ko sila at ako’y kanilang pinakawalan. Pagkatapos nagsuspetsa ako at natakot ako na nasabi ko ang isang di totoo. Kung kaya't nagpasya akong isama si Tomas at pumunta muli kung saan naroroon ang mga disipulo, o kung saan maaaring isipin na naroroon si Juan at ang griyego. Pumunta ako kay Lazarus, kay Manaen, sa palasyo ni Chuza, kay Eliza sa Bethzur, sa hardin ni Johanna sa Bether, sa Gethsemane, sa maliit na bahay ni Solomon sa kabila ng Jordan, sa Clear Water, kay Nicodemus, kay Jose…»

«Ngunit kung hindi mo siya nakita?»

«Oo. At tiniyak niya sa akin na hindi niya nakita ang dalawang iyon ulit. Ngunit alam Ninyo… Ibig kong makatiyak… Sa maikling pananalita: tiningnan ko ang bawat lugar na inaasahan ko na maaaring naroroon siya… At huwag isipin na ako ay naghirap (dahil) hindi ko siya nakikita. Nagkakamali Kayo sa akin. Sa tuwing – at si Tomas ay mapatótotohanan ito – sa tuwing lalabas ako mula sa isang lugar na hindi siya nakikita at wala ni anumang bakas niya, sasabihin ko: “Purihin ang Panginoon!”, at sinabi ko: “O Eternal Na Ama, ipagkaloob na hindi ko sana siya makita kailanman!”. Sinabi ko iyan! Iyan ang mithiin ng aking kaluluwa… Ang Esdraelon ay ang huling lugar… Ah! Siya nga pala! Si Ishmael ben Fabi, na nasa kanyang bahay sa bukid sa Megiddo, ay ibig Kayo na maging kanyang panauhin… Ngunit kung ako Kayo, hindi ako pupunta…»

«Bakit hindi? Ako ay tiyak na pupunta. Nananabik Akong makita Ko rin siya. Hindi, pupunta tayo roon kaagad. sa halip na pumunta sa Sephoris, tayo ay pupunta sa Esdraelon, pagkatapos sa Megiddo sa araw pagkatapos ng bukas, na siyang ang bispiras ng Sabbath, at mula roon patungo sa bahay ni Ishmael.»

«Huwag, Panginoon! Bakit? Sa palagay ba Ninyo natutuwa siya sa Inyo?»

«Ngunit kung siya’y nilapitan mo at nabago sa pabor Ko, bakit ayaw mo na Ako ay pumunta?»

«Hindi ko siya nilapitan… Siya ay nasa mga bukid at nakilala niya ako. Ngunit ako – hindi ba't totoo, Tomas? – ibig kong umalis nang nakita ko siya. Ngunit hindi ko magawa, sapagkat tinawag niya ako sa pangalan. Ako’y bagkus magpapayo sa Inyo na huwag kailanman pumunta sa kahit sinong Pariseo, o eskriba o mga katulad nila. Walang mabuting magagawa iyan sa Inyo. Maging tayu-tayo na lang, nag-iisa, kasama ang mga tao, at wala nang iba pa. Kasama sina Lazarus, si Nicodemus at si Jose… Ito ay magiging isang sakripisyo… Ngunit mas mabuting gawin iyan, upang maiwasan ang mga paninibugho, kapootan… at hinahayaan ang ating mga sarili na malantad sa mga pagpuna… Kapag Kayo ay nasa mesa nagsasalita… at sila ay pailalim na tinatrabaho ang Inyong mga salita. Ngunit balikan natin si Juan… Ako ay patungo na noon sa Sicaminon, bagama't si Isaac, na aking nasalubong sa hangganan ng Samaria, ay sinumpa sa akin na hindi niya siya nakita mula pa noong Oktubre.»

«At si Isaac ay nanumpa ng katotohanan. Ngunit ang iyong ipinapayo, tungkol sa pakikihalubilo sa mga eskriba at mga Pariseo, ay sumasalungat sa sinabi mo kanina. Ipinagsanggalang mo Ako… Iyan ang iyong ginawa, hindi ba? Sinabi mo: “Naalis ko ang maraming maling-akala sa Inyo”. Sinabi mo iyan, hindi ba?»

«Oo, Guro, sinabi ko.»

«Bueno, kung gayon, bakit hindi Ko maaaring kumpletuhin ang Aking depensa Mismo? Kung kaya't pupunta tayo kay Ishmael. At ikaw ay babalik ngayon upang paalamin siya. Si Andres, si Simon Zealot at si Bartolomeo ay sasama sa iyo. Kami ay pupunta sa mga magbubukid at magpapahingang kasama sila. Ang tungkol sa Sicaminon, kapupunta pa lamang naman namin doon. At kami ay labing-isa. Pinatototohanan namin sa iyo na si Juan ay wala roon. Ni wala siya sa Capernaum o sa Bethsaida, sa Tiberias, Magdala, Nazareth, Korazim, Bethlehem sa Galilee, at sa lahat na ibang mga lugar pang baka ibig mong puntahan… upang matiyak na si Juan ay hindi kasama ng mga disipulo o nasa mapagkaibigang mga bahay.»

Si Jesus ay nagsasalita nang kalmante, sa natural na tono… Subalit maaaring may isang bagay sa Kanya na nagpapabalisa kay Judas, na nagbago ng kulay nang sandali. Si Jesus ay niyayakap siya na tila ibig Niya siyang halikan… At habang ang Kanyang pisngi ay nakadikit sa pisngi ni Judas, bumulong Siya sa kanya sa mababang tinig: «Ikaw na sawing-palad! Ano ang ginawa mo sa iyong kaluluwa?»

«Guro… Ako’y…»

«Lumayas ka! Nangangamoy impiyerno ka higit pa kay Satanas mismo! Manahimik!... At magsisi, kung magagawa mo.»

Si Judas – tumakbo na sana ako nang mabilis kung ako iyon. Hindi siya! Siya ay mapag-insultong nagsabi sa malakas na tinig: «Salamat sa Inyo, Guro! Ngunit nakikiusap ako sa Inyo, bago ako umalis, maaari ko ba Kayong makausap nang sarilinan isang sandali?»

At lahat ng iba pa ay umatras nang malayu-layo.

«Bakit, Panginoon, sinabi Ninyo sa akin ang mga salitang iyon? Pinamighati Ninyo ako…»

«Sapagkat iyon ay ang katotohanan. Ang sinuman na nakikipagkasundo kay satanas, ay nangangamoy katulad ni Satanas.»

«Ah! Iyon ba ay dahil sa nigromansiya? O! tinakot Ninyo ako! Iyon ay isang biro! Walang iba bagkus biro ng isang mausyusong bata. At natulungan ako nito na malapitan ang ilang mga Saduseo at mawala ang lahat na mithiin na makatagpo silang muli. Kung kaya't makikita Ninyo na mapapawalang-sala ako Ninyo nang walang anumang pag-aalala. Iyon ay mga bagay na walang importansiya kung ang isa ay may kapangyarihan ng katulad ng sa Inyo. Tama Kayo. Sige na, Guro! Ang aking pagkakamali ay napakagaan!... Dakila ang Inyong karunungan. Ngunit sino ang nagsabi sa Inyo?»

Si Jesus ay tinitingnan siya nang mahigpit ngunit hindi tumutugon.

«Ngunit totoo bang nakita Ninyo ang kasalanan sa loob ng aking puso?» tanong ni Judas na medyo natatakot.

«At nandidiri Ako diyan. Lumayas ka! At huwag nang magsalita pa.» At Siya’y tumalikod sa kanya at pumunta sa mga disipulo, na Kanyang inutusan na magbago ng daan, pagkatapos na magpaalam kina Bartolomeo, Simon at Andres, na sasama kay Judas at umalis nang mabilis, habang ang mga naiwan ay umalis nang unti-unti, walang nalalaman tungkol sa katotohanan, na si Jesus lamang ang may alam.

Lubos na wala silang nalalaman kung kaya't  pinupuri nila si Judas sa kanyang mga ginawa at katapangan. At ang matapat na Pedro ay sinsirong inaakusahan ang sarili gawa ng padalus-dalos na paghuhusga ng kanyang puso sa kanyang kapwa disipulo…

Si Jesus ay ngumingiti… isang banayad, kung baga pagod na ngiti, na tila Siya ay nagninilay-nilay at nakaririnig lamang ng mga ngasngas ng Kanyang mga kasamahan, na ang nalalaman tungkol sa mga pangyayari ay kung ano lamang ang ipinahihintulot ng kanilang pantaong kalikasan.

170512

 

 

 


Sunod na kabanata