334. Si Ishmael Ben Fabi. Ang Parabula Tungkol sa Piging.

Setyembre 11, 1944.

Nakikita ko si Jesus na naglalakad nang mabilis sa tabi ng isang pangunahing daan, na hinihipan at pinatitigas ng malamig na hangin ng isang taglamig na umaga. Ang mga bukid sa magkabilang tabi ng daan ay natatakpan ng manipis na tila berdeng kulambo ng mga butil, na nagsimula nang tumubo at isang pangako ng tinapay sa darating na araw, bagama't isang pangako na mahirap isip-isipin. May maliliit na tusok sa lupa sa loob ng lilim, na mga wala pa ng pinagpalang berdeng balahibo, at tanging ang mga nasa mas maaraw na mga lugar lamang ang may malabnaw na tila berdeng kulambo na napaka nakalulugod dahil binabalita nito ang parating na tagsibol. Ang mga namumungang-punungkahoy ay wala pa ng kahit ano, wala sa madidilim na sanga ang nagkakaroon ng mga buko. Tanging ang mga punong-olibo lamang ang may walang-paglahong berdeng-abuhin na mga dahon, na kasing lungkot sa sikat-ng-araw sa Agosto katulad na ito ay malungkot sa unang liwanag ng taglamig na umagang ito. Ang mga makakapal na dahon din ng mga kaktus ay berde, isang malamig na kaberdehan ng kapipintura pa lamang na ceramic.

Katulad sa karaniwan, si Jesus ay naglalakad dalawa o tatlong hakbang sa unahan ng Kanyang mga disipulo. Lahat sila ay balót sa kanilang delanang mga manta. Sa isang punto si Jesus ay tumigil at tumatalikod tinanong Niya ang mga disipulo: «Kabisado ba ninyo ang daan?»

«Ito ang daan, ngunit hindi namin alam kung nasaan ang bahay, sapagkat ito ay mas pasok pa... Baka ito ay nasa banda roon, kung nasaan ang mga punong-olibo na iyon...»

«Hindi. Maaaring ito ay sa ibaba roon, sa ilalim, kung saan naroroon ang malalaking walang-bungang mga puno na iyon...»

«Maaaring mayroong isang daan para sa mga kariton...»

Sa madaling salita: wala silang nalalaman na kahit ano na eksakto. Walang mga tao na makikita sa daan o sa mga bukid. Sila ay nagpapatuloy nang walang pinipiling direksiyon, hinahanap ang daan.

Nakatagpo sila ng isang maliit na bahay ng mahihirap na tao, na may dalawa o tatlong maliliit na bukid sa paligid nito. Ang isang maliit na batang babae ay nagsasalok ng tubig mula sa isang bubon.

«Kapayapaan sa iyo, maliit na bata» sabi ni Jesus tumitigil sa hilera ng mga tanim kung saan ay may daanan.

«Kapayapaan sa Inyo. Ano ang kailangan Ninyo?»

«Ilang impormasyon. Nasaan ang bahay ni Ishmael, ang Pariseo?»

«Kayo ay nasa maling daan, Panginoon. Kailangan na bumalik Kayo sa sangahan ng mga daan at kunin ang daan na patungo sa kung saan lumulubog ang araw. Ngunit ito ay isang mahabang lakarín, isang napakahabang lakarín, sapagkat kailangan Ninyong bumalik sa sangahan ng mga daan at pagkatapos maglakad nang malayu-layo. Mayroon ba Kayo ng kahit na anong makakain? Malamig at ang isa ay mas mararamdaman ang lamig kaysa ang isang walang-laman na tiyan. Pasok Kayo, kung ibig Ninyo. Kami ay mahirap. Ngunit Kayo ay ni hindi rin mayaman. Pagtiyagaan na lang Ninyo ito. Halikayo.» At sa kanyang matinis na tinig siya ay sumigaw: «Inay!»

Ang isang babae mga tatlumpu’t lima apatnapung taong gulang ang pumunta sa pintuan. Ang kanyang mukha ay tapat ngunit kung baga malungkot. May karga siyang isang medyo-hubad na bata mga tatlong taong gulang.

«Pasok. Ang apoy ay may sindi. Bibigyan ko Kayo ng tinapay at gatas.»

«Ako ay hindi nag-iisa. Kasama Ko ang mga kaibigan na ito.»

«Papasukin silang lahat at harinawang ang pagpapalà ng Diyos ay dumating kasama ng mga peregrino kung kanino ako ay nagbibigay ng ospitalidad.»

Pinasok nila ang mababang madilim na kusina na nagawang masigla ng lumalagablab na apoy. Sila ay naupo rito at doon sa pangkabukiran na mga baul.

«Maghahanda ako ng kahit na ano sa loob ng isang sandali... maaga pa... Wala pa akong nalilinis na kahit ano.... Mawalang galang na.»

«Nag-iisa ba kayo?» Ito ay si Jesus ang nagtatanong.

«Ako ay may-asawa at mayroon akong pitong anak. Ang unang dalawa ay nasa palengke pa sa Nain. Kailangan nilang pumunta sapagkat ang kanilang ama ay may nararamdaman. Ito ay napakalungkot na sitwasyon... Ang mga babae ang tumutulong sa akin. Ito ang huling isa. Ngunit mayroon pa akong isa mas matanda lamang nang kaunti.»

Ang maliit na isa, na suot na niya ngayon ang kanyang maliit na tunika, ay tumakbong nakapaa patungo kay Jesus at tinitingnan Siya nang mausisa. Si Jesus ay ngumingiti sa kanya. Sila ay naging magkaibigan.

«Sino Kayo?» tanong ng batang lalaki nang may kompiyansa.

«Ako si Jesus.»

Ang babae ay tumalikod tinitingnan Siya nang mabuti. Siya ay tumigil sa pagitan ng paapuyan at ng mesa, na may hawak ng isang tinapay sa kanyang mga kamay. Ibinuka niya ang kanyang bunganga upang magsalita, ngunit hindi nagsasalita ng kahit ano.

Ang bata ay nagpapatuloy: «Saan Kayo pupunta?»

«Sa mga kalsada ng mundo.»

«Para sa ano?»

«Upang pagpalain ang mabubuting bata at ang kanilang mga tahanan kung saan ang mga tao ay matatapat sa Batas.»

Ang babae ay napagalaw. Pagkatapos siya ay tumango kay Judas Iskariote na siyang pinakamalapit sa kanya. Si Judas ay yumuko sa babae na nagtanong: «Ngunit sino ba ang iyong kaibigan?»

At si Judas ay tumugon nang makaako (ang isa ay iisipin na ang Mesiyas ay kung ano Siya, salamat sa kabaitan ni Judas): «Siya ay ang Rabbi ng Galilee: si Jesus ng Nazareth. Hindi mo ba alam, babae?»

«Ito ay isang liblib na daan at ako ay may napakaraming kapighatian... Ngunit... maaari ba akong magsalita sa Kanya tungkol sa mga ito?»

«Maaari» tugon ni Judas nang nagpapakababa. Siya ay tila isang importanteng tao ng mundo na nagkakaloob sa isang makikinig.

Si Jesus ay nakikipagusap pa sa bata na nagtatanong sa Kanya kung Siya ay may mga anak.

Habang ang batang babae na nakita na sa bubon at ang isa pa na mas matanda ay nagdadala ng gatas at mga mangkok, ang babae ay nilalapitan si Jesus. Siya ay sa isang sandali nananatiling nasa kapanabikan, pagkatapos pinigilan niya ang isang iyak: «Jesus: maawa sa aking asawa!»

Si Jesus ay tumayo. Pinangingibabawan Niya siya ng Kanyang taas, ngunit tinitingnan Niya siya nang may napaka kabaitan na siya ay nakakuha ng lakas-ng-loob muli. «Ano ang ibig ninyo na gawin Ko?»

«Siya ay malubhang may sakit. Siya ay namamaga katulad ng isang katad na sisidlan ng alak at hindi siya makayuko upang magtrabaho. Hindi siya makapagpahinga sapagkat siya ay nabibilaukan at pagulung-gulong sa higaan... At kami ay may maliliit pang anak...»

«Ibig ba ninyong pagalingin Ko siya? Ngunit bakit gusto mo iyan sa Aking?»

«Sapagkat Kayo ay Kayo. Hindi Ko kayo kilala, ngunit napakinggan ko ang mga tao na nagsasalita tungkol sa Inyo. Ang aking suwerte ay dinala Kayo sa aking bahay pagkatapos na hanapin ko Kayo nang tatlong beses sa Naim at sa Cana. Ang aking asawa ay kasama ko nang dalawang beses. Hinahanap niya Kayo, bagama't ang paglalakbay sa kariton ay nagagawa siyang maghirap nang labis... Kahit na ngayon siya ay umalis kasama ang kanyang kapatid... Kami ay sinabihan na ang Rabbi, pagkatapos na iwanan ang Tiberias, ay magpapatungo sa Caesarea Philippi. Siya ay pumunta roon naghihintay sa Inyo...»

«Ako ay pumunta sa Caesarea. Ako ay patungo upang tingnan si Ishmael, ang Pariseo at pagkatapos magpapatungo Ako sa Jordan...»

«Ano? Kayo, isang mabuting tao, ay patungo kay Ishmael?»

«Oo, patutungo Ako. Bakit?»

«Sapagkat... sapagkat... Panginoon, alam ko na sinasabi Ninyo na hindi kami kailangan na manghusga, na kami ay dapat na magpatawad at magmahalan sa isa’t isa. Hindi ko pa Kayo nakita kahit kailan. Ngunit nagsikap ako na matuto hangga't magagawa ko tungkol sa Inyo, at nanalangin ako sa Eternal na Ama na pagkalooban ako na mapakinggan Kayo kahit minsan man lamang. Ayaw kong gumawa ng kahit ano na makakagalit sa Inyo... Ngunit papaano ang isa hindi huhusgahan si Ishmael at papaano ang isa mamahalin siya? Wala akong anuman na may kaugnayan siya at kung gayon wala akong dapat na ipagpatawad sa kanya. Hindi na lang namin pinapansin ang mga mapag-insultong mga salita na sinasabi niya sa amin kapag natatagpuan niya ang aming karukhaan sa kanyang daan, nang may gayon ding pasyensiya ng pagpagpag sa alikabok at putik na tumitilamsik sa amin dumaraan sa tabi ng kanyang mabibilis na mga karwahe. Ngunit napakahirap na mahalin siya at hindi siya husgahan... Napakasamâ niya!»

«Siya ba ay napakasamâ? Kanino?»

«Sa lahat. Sinisiil niya ang kanyang mga katulong, nagpapahiram siya ng pera sa labis na pagpapatubo at naniningil nang walang awa. Minamahal niya bagkus ang sarili niya. Siya ang pinaka malupit na tao sa kabukiran. Hindi siya karapat-dapat nito, Panginoon.»

«Alam Ko. Nasabi ninyo ang katotohanan.»

«At Kayo ay pupunta roon?»

Inanyayahan niya Ako.»

«Huwag Ninyo siyang pagtiwalaan, Panginoon. Hindi niya ginawa iyon dala ng pagmamahal. Wala siyang kakayahan ng magmahal. At Kayo... Hindi Ninyo siya mamamahal.»

«Minamahal Ko rin ang mga nagkakasala, babae. Ako ay naparito upang iligtas ang mga nawawala...»

«Ngunit hindi Ninyo siya maililigtas. O! Patawarin Ninyo ako sa paghuhusga! Alam Ninyo... Ang lahat na ginagawa Ninyo ay mabuti! Patawarin ang aking hangal na dila at huwag Ninyo akong parusahan.»

«Hindi kita parurusahan. Ngunit huwag na ninyong uulitin iyan. Mahalin din ang masasamang tao. Hindi dahil sa kanilang kasamaan, bagkus sapagkat sa pamamagitan ng pagmamahal naipagkakaloob sa kanila ang awa, na sana sila ay magbalik-loob sa Diyos. Kayo ay mabuti at gustong maging mas mabuti pa. Minamahal ninyo ang Katotohanan at ang Katotohanan na nagsasalita sa inyo ay nagsasabi na minamahal Niya kayo sapagkat kayo ay maawain sa mga panauhin at mga peregrino ayon sa Batas at inyong pinalalaki ang inyong mga anak nang naaayon dito. Ang Diyos ay ang inyong magiging gantimpala. Kailangan Kong pumunta kay Ishmael na nag-anyaya sa Akin upang ipakita Ako sa marami niyang mga kaibigan na ibig na makakilala sa Akin. Hindi na Ako makapaghihintay para sa inyong asawa, na, nagkataon, na pabalik na. Ngunit sabihin sa kanya na maging mapasyensiya nang kaunti pang sandali at pumunta kaagad sa bahay ni Ishmael. At hinihingi Ko sa iyo na pumunta ka rin. Pagagalingin Ko siya.»

«O! Panginoon!...» ang babae ay nasa kanyang mga tuhod sa paanan ni Jesus at tinitingnan Siyang ngumingiti at umiiyak. Pagkatapos sinabi niya: «Ngunit ngayon ay ang Sabbath!...»

«Alam Ko. Kailangan Ko na ito ay Sabbath upang makapagsabi ng isang bagay kay Ishmael tungkol dito. Ang lahat na ginagawa Ko, ay ginagawa Ko para sa isang tiyak na hindi-nagkakamaling pakay. Kayong lahat ay kailangan na alam ninyo ito, kasali kayo, Aking mga kaibigan, na natatakot at gusto Akong pasunurin sa isang pagkilos na ayon sa pantaong kaalwanan upang maiwasan ang kahahantungan na kapinsalaan. Kayo ay napakikilos ng pagmamahal. Alam Ko. Ngunit kailangan na mahalin ninyo sa mas mabuting paraan ang inyong mga minamahal. Huwag ipahulí ang mga interes ng Diyos sa mga interes ng tao na minamahal ninyo. Babae, kailangan na lumakad na kayo ngayon, maghihintay Ako para sa inyo. Harinawang ang kapayapaan ay tumagal sa loob ng bahay na ito kung saan ang Diyos at ang Kanyang Batas ay minamahal, ang kasal nirerespeto, ang mga anak pinalalaki nang may kabanalan, ang kapwa minamahal at ang Katotohanan hinahanap. Paalam.»

Si Jesus ay ipinapatong ang Kanyang kamay sa mga ulo ng babae at ng dalawang bata-pang babae, pagkatapos Siya ay yumuko upang halikan ang maliliit at lumabas.

Ang taglamig na sinag-ng-araw ay ngayon pinapagbawa ang napakalamig na hangin. Ang isang batang lalaki mga labinlimang taong gulang ay naghihintay na may pangkabukiran na pagiray-giray na kariton.

«Ito lamang ang mayroon ako. Ngunit ito ay magiging mas mabilis at mas komportable para sa Inyo.»

«Hindi, babae. Panatilihin ang kabayo na nakapahinga upang pumunta sa bahay ni Ishmael. Ipakita mo lamang sa Akin ang pinakamaikling daan.»

Ang batang lalaki ay naglalakad sa tabi Niya at sa pamamagitan ng mga bukid at mga parang sila ay patungo sa isang umaalun-alon na lupa, na sa ibayo nito ay may isang maayos na nabubukid na libis mga ilan na ektarya ang lapad, na sa gitna nito ay may isang magandang malaking mababang bahay, napaliligiran ng alagang-alagang hardin.

«Iyan ang bahay, Panginoon» sabi ng batang lalaki. «Kung hindi na Ninyo ako kailangan, babalik na ako sa bahay upang tulungan ang aking ina.»

«Lakad at maging laging isang mabuting anak. Ang Diyos ay kasama mo.»

... Si Jesus ay pinasok ang marilag na pangkabukirang bahay ni Ishmael. Maraming katulong ang nagmadali upang salubungin ang Panauhin, Na tiyak na inaasahan. Ang iba ay pumunta upang paalamin ang may-ari, na lumabas upang tagpuin si Jesus yumuyuko nang malalim.

«Kayo ay tinatanggap sa aking bahay, Guro!»

«Kapayapaan sa iyo, Ishmael Ben Fabi. Ibig mo Akong makita. Naririto Ako. Bakit mo Ako kinailangan?»

«Upang magkaroon ng karangalan na maging panauhin Kayo at maipakilala Kayo sa aking mga kaibigan. Ibig kong sila ay Inyong maging mga kaibigan din. Katulad na ibig kong Kayo ay aking maging kaibigan.»

«Ako ay kaibigan ng lahat, Ishmael.»

«Alam ko. Ngunit, alam Ninyo! Mabuti na magkaroon ng mga kaibigan sa taas. At ako at ang aking mga kaibigan ay ganyan. Patawarin ako sa pagsasabi sa Inyo, ngunit labis Ninyong kinakalimutan ang mga makatutulong sa Inyo...»

«At ikaw ba ay isa sa mga iyon? Bakit?»

«Isa ako. Bakit? Sapagkat hinahangaan Kita at ibig Kitang maging kaibigan.»

«Kaibigan! Ngunit nalalaman mo ba, Ishmael, ang ibig-sabihin na ikinakabit Ko sa salitang iyan? Ang kaibigan sa maraming tao ang ibig-sabihin ay kakilala, sa iba ang ibig-sabihin nito ay kasabwat, sa iba katulong. Sa Akin ang ibig sabihin nito: matapat sa Salita ng Ama. Ang sinuman na hindi ganyan, ay hindi maaaring maging Aking kaibigan, ni Ako maging kanya.»

«Ibig ko ang Inyong pakikipagkaibigan, Guro, dahil lamang ibig kong maging matapat. Hindi ba Ninyo ako pinaniniwalaan? Tingnan: naririyan si Eleazar dumarating. Tanungin siya kung papaano ko Kayo ipinagtanggol sa mga Nakatatanda. Kumusta, Eleazar. Halika rito, ang Rabbi ay may gustong itanong sa iyo.»

Sila ay nagpalitan ng mga pagbati na may mabababang mga pagyuko at mausisang mga tingin.

«Maaari bang ulitin mo, Eleazar, kung ano ang sinabi ko para sa Guro nang huling beses tayong nagpulong?»

«O! Isang tunay na papuri! Isang madamdamin na talumpati! Si Ishmael ay nagsalitang napakagaling tungkol sa Inyo, Guro, bilang isa sa pinakadakilang Propeta na dumating kailanman sa sambayanan ng Israel, na hinihintay-hintay kong mapakinggan Kayo mula noon. Natatandaan ko na sinabi niya na walang sinuman ang may mas marunong pang mga salita kaysa sa Inyo, o mas dakila pang halina, at na kung mahuhugot Ninyo ang Inyong espada nang kasing galing ng Inyong pagsasalita, hindi na magkakaroon ng mas dakila pang hari kaysa sa Inyo sa Israel.»

«Ang Aking Kaharian!... Ang Kaharian na iyan, Eleazar, ay hindi isang pantaong kaharian.»

«Ngunit ang Hari ng Israel!»

«Buksan ang inyong mga isip upang maintindihan ang ibig-sabihin ng mahiwagang mga salita. Ang Kaharian ng Hari ng mga hari ay darating. Ngunit hindi ayon sa pantao na mga tularan. Hindi tungkol sa kung ano ang naglalaho; bagkus tungkol sa kung ano ang eternal. Hindi ninyo ito mapapasok sa tabi ng mabulaklak na daan ng tagumpay o sa ibabaw ng isang alpombra na ginawang purpura ng dugo ng kaaway; bagkus sa pag-akyat sa isang matarik na daan ng sakripisyo at sa isang malumanay na hagdanan ng pagpapatawad at pagmamahal. Ang ating mga tagumpay laban sa ating mga sarili ay ibibigay sa atin ang Kaharian na iyan. At ipagkaloob sana ng Diyos na ang karamihan sa mga tao sa Israel ay maintindihan Ako. Ngunit ito ay hindi magiging ganyan. Iniisip ninyo kung ano ang wala naman. Ang isang setro ay mapupunta sa Aking kamay, at ito ay ilalagay diyan ng mga tao ng Israel. Isang makaharing setro. Walang hari ang kailanman makakakuha sa Aking Bahay. Ngunit maraming tao sa Israel ang hindi makakatingin dito nang hindi manginginig sa takot, sapagkat magkakaroon ito ng nakapangingilabot na pangalan para sa kanila.»

«Sa palagay ba Ninyo hindi kami makasusunod sa Inyo?»

«Kung gugustuhin ninyo, makakasunod kayo. Ngunit ayaw ninyo. Bakit ayaw ninyo? Kayo ay mga maeedad na ngayon. Ang inyong mga edad ay dapat magawa kayong makaintindi at maging makatarungan, para din sa inyong sariling kapakanan. Ang nakababatang mga tao... ay maaaring magkamali at pagkatapos magsisi. Ngunit kayo! Ang kamatayan ay laging malapit sa maeedad na tao. Eleazar, ikaw ay hindi masyadong nakabuhol sa mga teoriya ng maraming tao ng iyong ranggo. Ibukas mo ang iyong puso sa Liwanag...»

Si Ishmael ay bumalik may kasamang lima pang mas mapagparangya na mga Pariseo” «Pasok» sabi ng may-ari. Iniwan nila ang bulwagan, na sapat na nasangkapan ng mga upuan at mga alpombra, at pinasok nila ang isang silid patungo kung saan ang mga amphora ay dinala para sa mga ablusyon. Pagkatapos sila ay lumipat sa silid-kainan, kung saan ang lahat ay maringal na isinaayos.

«Si Jesus sa tabi ko. Sa pagitan ko at ni Eleazar» nag-utos ang may-ari. At si Jesus, Na nanatili sa dulo ng silid, malapit sa kung baga tinakot at kinakalimutan na mga disipulo, ay kinailangan na maupo sa lugar ng karangalan.

Ang piging ay nagsimula na may napakaraming luto ng inihaw na karne at isda. Ang mga alak at mga sirup, sa palagay, o kung man lamang tubig na pinatamisan ng pulot, ay inihahain nang makailang beses.

Ang lahat ay nagsisikap na magawa si Jesus na magsalita. Ang isang nangangatog na matanda ay nagtanong sa isang mahina at kumukurukok na tinig: «Totoo ba ang sinasabi ng mga tao, na papalitan Ninyo ang Batas?»

«Hindi Ko papalitan kahit isang katiting ng Batas. Sa kabaligtaran (at si Jesus ay dinidiin ang Kanyang mga salita) Ako ay naparito upang kumpletuhin itong muli, katulad na ito ay ibinigay kay Moses.»

«Ang ibig ba Ninyong sabihin na ito ay nabago?»

«Hindi, hindi kailanman. Nagkaroon lamang ito ng parehong kinahinatnan katulad ng lahat ng matataas na bagay na ipinagkatiwala sa tao.»

«Ano ang ibig Ninyong sabihin? Ipaliwanag ang Inyong Sarili.»

«Ang ibig Kong sabihin na ang tao, sa pamamagitan ng lumang pagmamalaki o ng lumang panggaganyak ng tripling kasakiman, ay ginustong pakialaman ang tuwirang salita at ang naging resulta ay isang bagay na naniniil sa matapat ng mga naniniwala, habang, hinggil sa mga nakialam dito, ito ay wala bagkus isang tambak ng mga pangungusap... na iiwanan sa ibang mga tao.

«Ngunit, Guro! Ang ating mga rabbi...»

«Ito ay isang akusasyon!»

«Huwag Ninyong biguin ang aming mithiin na maging nakakatulong sa Inyo!...»

«Hoy! Sila ay tamang-tama sa pagsasabing Kayo ay isang rebelde!»

«Katahimikan! Si Jesus ay aking panauhin. Hayaan Siyang makapagsalita nang malaya.»

«Ang ating mga rabbi ay sinimulan ang kanilang trabaho nang may banal na pakay na magawa ang pagpapatupad sa Batas na mas madali. Ang Diyos Mismo ay sinimulan ang gawain na iyan nang nagdagdag Siya ng detalyadong mga kapaliwanagan sa mga salita ng Sampung Utos. Upang ang tao ay hindi makakita ng paumanhin na hindi niya naintindihan. Ang ginawa kung gayon ng mga tagapagturo na pira-pirasuhin para sa mga anak ng Diyos ang tinapay na ibinigay ng Diyos para sa kanilang mga kaluluwa, ay banal na trabaho. Ngunit ito ay banal kung ang pinagsisikapan nito ay isang makatarungan na layunin. Na laging hindi ganito ang kaso. At ni sa mga araw man lang na ito ngayon ay ganito ito. Ngunit bakit ibig ninyong Ako ay magsalita, kung minamasama ninyo na banggitin Ko ang mga diperensiya ng malalakas na tao?»

«Mga diperensiya! Wala ba kaming iba bagkus mga diperensiya?»

«Sana wala kayong iba bagkus mga merito?»

«Ngunit mayroon kami nito. Iyan ang Inyong iniisip at sinasabi ng Inyong mga mata. Jesus, ang isa ay hindi nakagagawa ng malalakas na kaibigan sa pamimintas sa kanila. Hindi Kayo maghahari. Wala Kayong nalalaman sa sining na iyan.»

«Hindi Ako humihingi na maghari ayon sa inyong mga idea, ni hindi Ako nakikiusap para sa pakikipagkaibigan. Ang gusto Ko ay pagmamahal. Matapat na banal na pagmamahal. Isang pagmamahal na umaabot mula sa Akin patungo sa mga minamahal Ko at pinakikita sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang Aking itinuturo na siyang gamitin: awa.»

«Mula nang mapakinggan ko Kayo, hindi na ako ulit nagpapatubo nang labis» sabi ng isa.

«At ang Diyos ay gagantimpalaan ka para diyan.»

«Ang Diyos ay aking saksi na hindi ko na ulit hinahagupit ang aking mga katulong, bagama't karapat-dapat silang hagupitin, pagkatapos na mapakinggan ko ang isa sa Inyong mga parabula» sabi ng isa pa.

«At ano ako? Nag-iwan ako ng mahigit sampung panega ng sebada sa mga bukid para sa mahihirap!» wika ng pangatlo.

Ang mga Pariseo ay pinupuri ang kanilang mga sarili nang napakahusay.

Si Ishmael ay hindi pa nagsasalita. Si Jesus ay tinanong siya: «At ano ang sa iyo, Ishmael?»

«O! Ako! Lagi kong ginagamit ang awa. Ako ay bagkus kailangan na ipagpatuloy ko ang aking ginagawa nang nakaraan.»

«Mabuti para sa iyo! Kung talagang ganyan ito, ikaw ay tunay ngang ang tao na hindi nakararamdam ng paninisi ng sarili.»

«Hindi! Talagang ginagawa ko iyan.»

Ang sapiro na sulyap ni Jesus ay nilalagos siya.

Si Eleazar ay nagsabi hinihipo ang Kanyang braso: «Guro, makinig sa akin. Ako ay may espesyal na kaso na ibibigay sa Inyo. Ako ay bumili kamakailan ng isang ari-arian ng isang mahirap na sawing-palad na sinira ang sarili para sa isang babae. Pinagbili niya iyon sa akin, nang hindi sinasabi sa akin na roon ay may isang katulong, kanyang yaya, na nakatira. Ang yaya ay ngayon bulag at mahina na ang isip. Ang nagbenta ay ayaw ang katulong. Ako... ni ako ay ayaw ko rin sa kanya. Ngunit ang palayasin siya... Ano ang Inyong gagawin, Guro?»

«Ano ang iyong gagawin kung magpapayo ka sa ibang tao?»

«Sasabihin ko: “Panatilihin siya. Ang isang piraso ng tinapay ay hindi ang magiging kasiraan mo.»

«Bakit mo sasabihin ang ganyan?»

«Bueno... sapagkat sa palagay ko iyan ang aking gagawin at ang gusto kong magawa sa akin...»

«Ikaw ay napakalapit na sa Hustisya, Eleazar. Gawin ang ayon sa ipapayo mo at ang Diyos ni Jacob ay laging makakasama mo.»

«Salamat sa Inyo, Guro.»

Ang iba ay nagbubulung-bulungan sa pagitan nila mismo.

«Ano ang kailangan na ipagbulung-bulungan ninyo?» tanong ni Jesus. «Ang sinabi Ko ba ay hindi makatarungan? At si Eleazar ba ay hindi nakapagsalita nang makatarungan? Ishmael, sa dahilan na ikaw ay laging naging maawain, ipagtanggol mo ang iyong mga panauhin.»

«Guro, tama Kayo ngunit... kung ang isa laging gagawin iyan!... Ang isa ay magiging biktima ng ibang mga tao.»

«Samantalang, ayon sa iyo, mas mabuti kung ang ibang mga tao ang maging ating mga biktima, tama ba iyon?»

«Hindi iyan ang ibig kong sabihin. Ngunit may mga kaso...»

«Ang Batas ay nagsasabi na tayo ay kailangan na maging maawain...»

«Oo, sa isang mahirap na kapatid, sa isang estranghero, isang peregrino, isang balo, sa isang ulila. Ngunit ang matandang babaeng ito, na lumitaw sa ari-arian ni Eleazar, ay hindi niya kapatid, hindi isang peregrino, isang estranghero, isang ulila, o isang balo. Siya ay wala sa kanya. Siya ay isa lamang isang piraso ng muwebles, na hindi kanya, at kinalimutan ng kanyang totoong panginoon sa pinagbiling ari-arian. Si Eleazar, kung gayon, ay maitatapon siya nang walang kahit anumang paisu-iso. Hindi siya magiging may pananagutan sa kamatayan ng matandang babae. Ang kanyang totoong panginoon ang magkakaroon....»

«... at hindi na ni Eleazar mapananatili pa ang babae sapagkat si Eleazar ay mahirap mismo at kung gayon malaya din siya sa mga obligasyon. Kung kaya't kung ang matandang babae ay mamamatay sa gutom, ito ay kanyang sariling kasalanan. Hindi ba’t ganito ito?»

«Ganyan iyan. Guro. Ito ang kapalaran ng mga na... wala nang silbi pa. Ang may sakit, matanda, hindi na angkop na mga tao ay naisumpa na sa pagdurusa. At ang kamatayan ay ang pinakamabuti na para sa kanila... ito ay naging lagi nang ganito mula pa sa simula ng mundo, at ito ay magpakailanman laging ganito...»

«Jesus, maawa sa akin!» Ang isang nagsusumamong tinig ay narinig sa pamamagitan ng nakasarang mga bintana; ang silid sa katunayan ay sarado at ang mga tsandelyer ay nakasindi. Baka dahil ngayon ay malamig.

«Sino ang tumatawag sa Aking?»

«Isang panliligalig ng tao. Gagawin ko siyang mapalayas. O isang pulubi. Magpapaabot ako ng isang piraso ng tinapay sa kanya.»

«Jesus, ako ay may sakit. Iligtas Ninyo ako!»

«Katulad ng sinabi ko, ito ay isang nambubuwisit na tao. Parurusahan ko ang katulong sa pagpapások sa kanya.» At si Ishmael ay tumayo.

Ngunit si Jesus na mga dalawampung taon man lamang na mas bata kaysa sa kanya at mataas na mataas sa kanya, ay ginawa siyang maupo muli, naglalapat ng kamay sa kanyang mga balikat at nag-uutos: «Manatili, Ishmael. Ibig Kong makita ang tao na naghahanap para sa akin. Papasukin siya.»

Ang isang maitim ang buhok na lalaki ay pumasok. Siya ay mga apatnapung taong gulang. Ngunit siya ay kasing maga ng isang bariles at kasing dilaw ng isang limon, ang kanyang medyo nakabukang mga labì ay nagkukulay talong at siya ay humahangos. Ang babae na nakita sa upang bahagi ng bisyon ay kasama niya. Ang lalaki ay lumalapit nang may kahirapan dahil sa kanyang sakit at dahil siya ay natatakot. Sa katunayan nakikita niya na siya ay tinitingnan ng gayon kasamang mga mata!

Ngunit si Jesus ay iniwan ang Kanyang lugar at pumunta na sa di-masayang lalaki inaakay siya sa kamay patungo sa gitna ng silid, sa bakanteng espasyo ng korteng “U” na mesa, sa ilalim lamang ng tsandelyer. «Ano ang kailangan mo sa Akin?»

«Guro... hinanap ko Kayo nang labis sa gayon katagal na panahon... Wala akong ibang gusto bagkus kalusugan... alang-alang sa aking mga anak at sa aking asawa... nagagawa Ninyo ang lahat... Tingnan kung nasa anong kalagayan ako ngayon...»

«At ikaw ba ay naniniwala na mapapagaling kita?»

«Pinaniniwalaan ko iyan!... Ang bawat hakbang... ang bawat galaw ay makirot... bagaman naglakbay ako nang milya-milya sa paghahanap sa Inyo... at sinundan ko rin Kayo sa pamamagitan ng kariton, nang hindi Kayo kailanman naaabutan... Siyempre naniniwala ako!... Ako ay nagtataka na hindi pa ako gumagaling, mula nang mapapunta ang aking kamay sa kamay Ninyo, sapagkat ang lahat sa Inyo ay banal, o Banal na Tao ng Diyos.»

Ang kaawa-awang lalaki ay bumubuga at umiihip dahil sea pagsisikap na makapagsalita nang labis. Ang kanyang asawa ay tinitingnan siya at si Jesus at umiiyak.

Si Jesus ay tinitingnan sila at ngumingiti. Pagkatapos Siya ay tumalikod at nagtanong: «Ikaw, matandang eskriba (kinakausap Niya ang nanginginig na matandang lalaki na siyang nagsalita nang una) sabihin sa Akin: naaayon ba sa Batas na manggamot sa araw ng Sabbath?»

«Hindi naaayon sa Batas ang gumawa ng kahit na anong gawain sa araw ng Sabbath.»

«Ni kahit makapagligtas ng isang tao sa kawalang-pag-asa? Ito ay hindi pagbubuhat ng kamay na gawain.»

«Ang Sabbath ay sagrado sa Panginoon.».»

«Alin na gawain ang mas karapat-dapat ng isang sagradong araw kaysa magawa ang isang anak ng Diyos na magsabi sa Ama: “Minamahal at pinupuri ko Kayo sapagkat pinagaling Ninyo ako”?!»

«Kailangan na gawin niya iyan kahit na kung siya ay hindi masaya.»

«Hananiah, nalalaman mo ba na ang iyong pinakamagandang kakahuyan ay nasusunog sa pinaka sandaling ito at ang buong dalisdis ng Hermon ay maningning sa purpurang mga apoy?»

Ang matandang lalaki ay tumalon na tila siya ay nakagat ng isang ahas: «Guro, nagsasabi ba Kayo ng katotohanan o Kayo ay nagbibiro?»

«Nagsasabi Ako ng katotohanan. Nakikita Ko at nalalaman Ko.»

«O! kaawa-awang ako! Ang aking pinaka magandang kakahuyan. Libu-libong shekel nagiging abo! Walang-hiya! Maisumpa ang mga aso na nanunog nito! Masunog sana ang kanilang mga bituka katulad ng aking kakahuyan!» Ang maliit na matanda ay nawawalan ng pag-asa.

«Ito ay kakahuyan lamang, Hananiah, at ikaw ay nagrereklamo! Bakit hindi mo papurihan ang Panginoon sa iyong kamalasan? Ang lalaking ito ay hindi lamang kakahuyan ang nawawala sa kanya, na tutubong muli, bagkus ang kanyang sariling buhay at ang tinapay para sa kanyang mga anak, at kailangan niyang purihin ang Panginoon, habang ikaw ay hindi pumupuri. Bueno, eskriba, Ako ba ay pinahihintulutan na pagalingin siya sa araw ng Sabbath?»

«Isumpa Kayo, siya at ang Sabbath!! May isipín pa ako na mas importanteng mga bagay...» at tinutulak si Jesus sa tabi, Na nagpatong ng isang kamay sa kanyang braso, siya ay nagmadali papalabas nagagalit at mapapakinggan siya sumisigaw sa kanyang kumukurukok na tinig na makuha ang kanyang kariton.

«At ngayon?» sabi ni Jesus tumitingin sa paligid sa iba. «Ngayon, masasabi ba ninyo sa Akin? Naaayon ba sa Batas o hindi?»

Walang tugon. Si Eleazar ay itinutungo ang kanyang ulo, pagkatapos na maigalaw ang kanyang mga labì, na kanyang isinara muli, nabibigla tungkol sa malamig na atmospera sa loob ng bulwagan.

«Bueno, Ako ay magsasalita» hingi ni Jesus. Ang Kanyang hitsura ay mapangibabaw at ang Kanyang tinig kumukulog katulad ng dati, kapag Siya ay gagawa na ng isang himala. «Ako ay magsasalita. At sinasabi Ko: lalaki, mangyari sa iyo ang ayon sa iyong pananampalataya. Ikaw ay magaling na. Purihin ang Eternal na Diyos. Humayo sa kapayapaan.»

Ang lalaki ay nananatiling tulala. Baka akala niya siya ay ninipis kaagad nang bigla katulad nang dati. At hindi niya iniisip na siya ay magaling na. Ngunit ano kaya ang kanyang nararamdaman... Siya ay sumigaw sa tuwa at itinapon ang sarili sa paanan ni Jesus at hinahalikan ang mga ito.

«Lakad! Makakalakad na kayo! Laging maging mabuti. Paalam!»

At ang lalaki ay lumabas sinusundan ng babae, na lumilingun-lingon hanggang sa huling sandali upang batiin si Jesus.

«Ngunit, Guro... Sa loob ng aking pamamahay... Sa araw ng Sabbath...»

«Hindi ka sumasang-ayon? Alam Ko. Iyan kung bakit Ako naparito. Ikaw ay Aking kaibigan? Hindi. Ikaw ay Aking kaaway. Ikaw ay ni hindi sinsiro sa Akin o sa Diyos.»

«Ako ba ay Inyo nang sinasaktan ngayon?»

«Hindi. Nagsasalita Ako ng katotohanan. Sinabi mo na si Eleazar ay hindi obligado na panatilihin ang matandang babae sapagkat siya ay hindi niya pag-aari. Ngunit nagkaroon ka ng dalawang ulila na pag-aari mo. Sila ay mga anak ng dalawang matapat na katulong mo, na mga namatay habang nagtatrabaho para sa iyo, ang lalaki may hawak pang panggapas sa kamay, ang babae namatay sa labis na pagtatrabaho, sapagkat kinailangan niyang paglingkuran ka kapwa para sa kanyang sarili at sa kanyang asawa, ayon sa sinisingil mo sa kanya, upang siya ay iyong mapigilan. Sa katunayan sinabi mo: “Nakipagkasundo ako para sa pagtatrabaho ng dalawang tao at kung ibig mong manatili rito, gusto ko ang pagtatrabaho mo at ang pagtatrabaho ng iyong patay na asawa”. At kanyang ibinigay sa iyo ito at namatay siya na may bata na kanyang ipinaglihi. Sapagkat ang babaeng iyon ay isang ina. At para sa kanya wala man lamang kahit isang habag na mararamdaman ng isa sa isang hayop na malapit nang ipanganak ang kanyang maliit na sanggol. Nasaan na ngayon ang dalawang batang iyon?»

«Hindi ko alam... Sila ay nawala isang araw.»

«Huwag ka nang magsinungaling ngayon. Sapat na na naging malupit. Hindi na kinakailangan na magdagdag ng kasinungalingan upang gawin ang iyong mga Sabbath na kapoot-poot sa Diyos, kahit na kung ang mga ito ay wala ng pang-alipin na pagtatrabaho. Nasaan ang mga batang iyon?»

«Hindi ko alam. Maniwala sa akin.»

«Alam Ko. Natagpuan Ko sila isang malamig, basa, madilim na gabi ng Nobyembre. Natagpuan Ko sila na nagugutom at nanginginig, malapit sa isdang bahay, katulad ng dalawang aso naghahanap ng isang subo ng tinapay... Isinumpa at pinalayas ng isang tao na may mga lamang-loob ng isang aso, ngunit mas masahol pa sa isang aso, sapagkat ang isang aso ay makararamdam pa ng awa para sa dalawang maliit na ulilang iyon. Ngunit ikaw at ang lalaking iyon ay walang naramdamang anuman. Ang kanilang mga magulang ay wala nang kahit anumang silbi sa iyo, tama ba iyon? Sila ay mga patay na. At ang patay ay maka-iiyak na lamang, sa loob ng kanilang libingan, napapakinggan ang kanilang di-masasayang anak na humihikbi, na hindi pinapansin ng ibang mga tao. Ngunit ang patay, sa pamamagitan ng kanilang mga kaluluwa, ay dinadala ang kanilang mga luha at ang mga luha ng kanilang mga ulila sa Diyos at nagsasabi: «Panginoon, maghiganti sa kanilang katauhan sapagkat ang mundo ay sinisiil kami kung hindi kami nito mapagsasamantalahan”. Ang dalawang maliliit ay hindi pa makapaglilingkod sa iyo, hindi ba’t tama iyon? Baka ang maliit na batang babae ay makapamumulot na... At pinalayas mo sila at ipinagkait din sa kanila ang ilan na maliliit na bagay, na pag-aari ng kanilang ama’t ina. Sila ay maaaring namatay sa kagutuman at lamig, katulad ng dalawang aso sa daanan ng mga kariton. Maaaring sila ay nabuhay, nagiging magnanakaw ang isa at ang isa pa isang puta. Sapagkat ang pagiging-gutom ay nagdadala sa pagkakasala. Ngunit ano naman ito para sa iyo? Kani-kanina pa lamang tinutunghayan mo ang Batas upang suportahan ang iyong mga teoriya. Bueno, ang Batas ba ay hindi nagsasabi: “Kayo ay hindi kailangan na maging mahigpit sa balo, o sa mga ulila. Kung kayo ay maging mahigpit sa kanila at sila ay umiyak sa Akin, mapapakinggan Ko ang kanilang iyak at ang Aking galit ay sisiklab at papatayin kita sa pamamagitan ng espada, ang inyong sariling mga asawa ay magiging mga balo, ang inyong sariling mga anak mga ulila”? Ang Batas ba ay hindi iyan sinasabi? Bueno, kung gayon, bakit hindi mo ito sinusunod? At ipinagtatanggol mo Ako laban sa ibang mga tao? Bakit, kung gayon, hindi mo ipinagtatanggol ang Aking doktrina sa iyong sarili? Gusto mo na maging kaibigan mo Ako? Bakit, kung gayon, ginagawa mo ang kabaligtaran ng Aking sinasabi? At isa sa inyo ay tumatakbo sa makamamatay na bilis, hinahablot ang kanyang mga buhok, dahil sa kasiraan ng kanyang kakahuyan. At hindi niya ito hinahablot dahil sa kasiraan ng kanyang puso! At ano ang hinihintay mo upang magawa ang ganito? “Bakit kayo, na mga inilagay sa taas ng katalagahan, laging ibig ninyong tingnan ang inyong mga sarili na perpekto? At halimbawa na kayo ay perpekto sa isang bagay, bakit hindi kayo nagsisikap na maging ganyan sa lahat ng bagay? Bakit ninyo Ako kinapopootan, dahil binuksan Ko ang inyong mga sugat? Ako ay ang Doktor ng inyong mga kaluluwa. Ang isa bang doktor ay makapanggagamot ng isang sugat kung hindi niya ito bubuksan at lilinisan? Hindi ba ninyo nalalaman na maraming tao, at ang babaeng iyon na kaaalis pa lamang ay isa sa mga ito, ay karapat-dapat ng unang mga lugar sa piging ng Diyos, bagama't sila ay tila nagmumukhang mga miserableng tao? Ang panlabas na hitsura ay hindi mahalaga; ang puso at ang kaluluwa ang mahalaga. Ang Diyos ay nakikita kayo mula sa kataasan ng Kanyang trono. At Kanya kayong hinuhusgahan. Gaano karami ang Kanyang nakikita na mas mabubuti pa kaysa sa inyo! Kung gayon, makinig. Bilang isang panuntunan, laging kumilos ayon sa sumusunod: Kapag kayo ay inaanyayahan sa isang piging, laging piliin ang huling lugar. Dobleng karangalan ang darating sa inyo kapag sinabi ng may-ari sa inyo: “Lumapit ka, aking kaibigan”. Karangalan sa inyong merito at sa inyong kababaang-loob. Samantalang... ito ay magiging isang malungkot na sandali para sa isang mapagmalaking tao na ipahiya at mapakinggan ang may-ari nagsasabi: “Pumunta ka roon sa dulo, sapagkat mayroon dito na mas karapat-dapat kaysa sa iyo”. At gawin din ang ganito sa lihim na piging ng inyong mga kaluluwa sa kasalan sa Diyos. Siya na ibinababa ang sarili ay itataas at siya na itinataas ang sarili ay pabababain. Ishmael, huwag mo Akong kapootan sa pagpapagaling sa iyo. Hindi kita kinapopootan. Ako ay naparito upang pagalingin ka. Ikaw ay mas malalang may sakit kaysa sa lalaking iyon. Ako ay iyong inanyayahan upang mabigyan ng prestihiyo ang iyong sarili at kasiyahan ang iyong mga kaibigan. Madalas kang mag-imbita ng mga tao, ngunit ginagawa mo ito dala ng pagmamalaki at para sa kasarapan. Huwag mong gawin iyan. Huwag mag-imbita ng mayayamang tao, mga kamag-anak at mga kaibigan. Buksan mo ang iyong bahay at ang iyong puso sa mahihirap, sa mga pulubi, mga pilay, sa lumpong mga tao, mga ulila at mga balo. Bilang kapalit bibigyan ka nila ng mga pagpapalà. At ang Diyos ay papalitan ang mga ito ng mga grasya. At sa katapusan... anong masayang kapalaran para sa lahat na maawain na gagantimpalaan ng Diyos sa resureksiyon ng mga patay! Kapahamakan sa mga minamatamis lamang ang pagkakaroon ng kita at pagkaraan isasara ang kanilang mga puso sa mga kapatid na hindi na sa kanila makapaglilingkod. Kapahamakan sa kanila! Ipaghihiganti ko ang nangungulila.»

«Guro... Ako... Ibig ko Kayong bigyan ng kasiyahan. Kukunin ko muli ang mga batang iyon.»

«Hindi, hindi kukunin.»

«Bakit?»

«Ishmael?!...»

Si Ishmael ay iniyuyuko ang kanyang ulo. Ibig niyang maghitsurang mababa ang loob. Ngunit siya ay isang ahas na napagkaitan ng kanyang lason at hindi nangangagat sapagkat nalalaman nito na ito ay walang lason, ngunit naghihintay ng pagkakataon na makatuklaw...

Si Eleazar ay nagsisikap na maibalik ang kapayapaan nagsasabing: « pinagpalà ang mga nakikipag-pista sa Diyos, sa kanilang mga kaluluwa at sa eternal na Kaharian. Ngunit, maniwala sa akin, Guro. Kung minsan, ang buhay ang humahadlang sa amin. Mga opisina... mga trabaho...»

Sa puntong ito ikinuwento ni Jesus ang isang parabula tungkol sa piging ng kasalan at naghinuha: «Ang mga opisina... mga trabaho, sinabi mo. Tama ito. Iyan kung bakit sinabi Ko sa inyo, sa simula ng bangkete na ito, na ang Aking Kaharian ay nakukuha sa pamamagitan ng mga pananagumpay laban sa ating mga sarili, hindi sa pamamagitan ng mga pananagumpay sa larangan ng digmaan. Ang mga lugar sa Dakilang Hapunan ay para sa mga may mapagpakumbabang mga puso, na mga dakila sa pamamagitan ng kanilang matapat na pagmamahal, na hindi nagbibilang ng mga sakripisyo at napangingibabawan ang lahat na mga kahirapan upang makapunta sa Akin. Kahit na isang oras ay sapat na na makabago ng isang puso. Sa kondisyon na ang pusong iyan ay gustong magbago. At isang salita ay sapat na. Nagsabi Ako sa inyo ng marami. At Ako ay nakatingin.... Ang isang banal na puno ay sumisibol sa loob ng isang puso. Sa iba, ay may mga tinik para sa Akin, at sa mga tinik ay may mga ahas at mga alakdan. Hindi na bale. Magpapatuloy Ako sa Aking tuwid na daan. Hayaan ang mga nagmamahal sa Akin na sundan Ako. Ako ay umiikot nagtatawag... Hayaan ang matutuwid na tao na pumunta sa Akin. Ako ay umiikot nagtuturo... Hayaan ang mga naghahanap ng katarungan na lapitan ang Pontanya. Ang tungkol sa iba... ang Banal na Ama ay maghuhusga. Ishmael, nagpapaalam Ako sa iyo. Huwag mo Akong kapootan. Magnilay. Makikita mo na Ako ay mahigpit dala ng pagmamahal, hindi dala ng kapootan. Kapayapaan sa bahay na ito at sa mga naninirahan dito, kapayapaan sa lahat, kung karapat-dapat kayo ng kapayapaan.»

170512

 

 


Sunod na kabanata