335. Si Jesus sa Nazareth Kasama ang Kanyang mga Pinsan at Sina Pedro at Tomas.Top of Form

Nobyembre 20, 1945.

Si Ishmael Ben Fabi. Sinasabi ni Jesus: «Ilalagay mo rito ang bisyon na nakita mo noong ika 11 ng Setyembre 1944.

-------------------

Si Jesus ay kasama na muli ang Kanyang mga disipulo sa daan na mula sa kapatagan ng Esdraelon ay dadalhin ang isa sa Nazareth. Baka nagpalipas sila ng gabi sa kung saan, sapagkat ngayon ay kaagahan ng umaga. Sila ay naglakad nang matagal-tagal nang tahimik. Si Jesus ay nasa unahan nila, nag-iisa, pagkatapos tinawag Niya sina Pedro at Simon at naglakad kasama sila, sa bandang huli lahat sila ay nasa iisang grupo hanggang narating nila ang sangahan ng mga daan kung saan ang daang Nazareth ay dinudugtong sa daan na nagpapatungong hilaga.

Si Jesus ay sininyasan ang mga nagsasalita na maging tahimik at nagsabi: «Maghíhiwaláy na tayo ngayon. Ako ay pupunta nang Nazareth kasama ang Aking mga kapatid, kasama sina Pedro at Tomas. Sa ilalim ng paggabay ni Simon Zealot, sa tabi ng Tabor at sa daan ng karabana, pupunta kayo sa Debaret, Tiberias, Magdala, Capernaum, at pagkatapos pagawing Meron. Titigil kayo sa bahay ni Jacob upang tingnan kung siya ay nagbago ang loob at dadalhin ninyo ang Aking pagpapalà kina Judas at Anna. Titigil kayo sa mga bahay na iyon kung saan kayo inaalok ng kanilang pag-aruga nang pinaka mapilit. Titigil kayo nang isang gabi lamang sa bawat lugar, sapagkat sa gabi ng Sabbath magkikita tayo sa daan ng Saphet. Gugugulin Ko ang Sabbath sa Korazim, sa bahay ng balo. Puntahan siya at sabihan. Sa ganitong paraan mabibigyan natin sa wakas ng kapayapaan ang kaluluwa ni Judas, na makukumbinsi na si Juan ay wala sa kahit alin na mapag-arugang mga lugar na iyon...»

«Guro! Ngunit pinaniniwalaan ko ito!...»

«Ngunit laging mas mabuti na ang makatiyak, upang hindi ka mamumula sa harapan ni Caiaphas at ni Annas, katulad na hindi Ako namumula sa harapan mo o sa sino pa mang tao kapag sinasabi Ko na si Juan ay hindi natin kasama. Isinasama Ko rin si Tomas sa Nazareth, upang siya ay makatiyak din tungkol sa lugar na iyon, dahil makikita niya ito sa pamamagitan ng kanyang sariling mga mata...»

«Ngunit, Guro... Ako! Anong pakialam ko? Nalulungkot lamang ako na ang taong iyon ay hindi na natin kasama. Maaaring siya ay naging kung ano siya dati. Ngunit mula nang makilala natin siya, siya ay naging mas mabuti kaysa sa maraming kilalang mga Pariseo. Sapat na para sa akin na malaman na hindi niya Kayo ikinaila at hindi niya Kayo pinamighati at pagkatapos... kung siya ay nasa lupa o sa sinapupunan ni Abraham, wala akong pakialam. Maniwala sa akin. Kung siya ay nasa aking bahay... hindi ko siya kasusuklaman. Umaasa ako na hindi Ninyo iniisip na sa puso ng Inyong Tomas ay may mahigit pa sa natural na pag-uusyuso, ngunit walang masamang kalooban, walang pamimilit ng humigit-kumulang tapat na pag-iimbestiga, walang pagkiling sa buluntad o di-buluntad o awtorisadong pag-iispiya, walang mithiin na makapanakit...»

«Sinasaktan Ninyo ako! Iniinsulto Ninyo ako! Kayo ay nagsisinungaling! Nakita Ninyo na lagi akong kumilos sa isang banal na pamamaraan sa loob ng panahon na ito. Kung gayon bakit Ninyo sinasabi iyan? Ano ang masasabi Ninyo tungkol sa akin? Magsalita!» Si Judas ay galit at nagwawala.

«Manahimik. Si Tomas ay tutugon sa Akin. Sa Akin lamang. Dahil Ako ay nagsalita sa kanya. Naniniwala Ako sa mga salita ni Tomas. Ngunit ganyan ang gusto Ko, at iyan ang gagawin, at wala sa sinuman sa inyo ang may karapatan na pasinungalingan ang Aking ginagawa.»

«Hindi ko Kayo pinupuna... Ngunit ang kanyang pakahulugan ay tinatamaan ako at...»

«Kayo ay labindalawa. Bakit ikaw lamang tinamaan nito, kung Ako ay nagsasalita sa lahat?»

«Sapagkat hinanap ko si Juan.»

Sinabi ni Jesus: «Ang iyong mga kasamahan ay iyan din ang ginawa, at ang iba pang mga disipulo ay iyan din ang gagawin, ngunit walang masasaktan sa mga salita ni Tomas. Hindi kasalanan ang magtanong tungkol sa kasamahan na disipulo sa tapat na paraan. Ang mga salitang kasasabi pa lamang ay hindi nakapananakit, kung ang ating mga puso ay puno ng pagmamahal at katapatan at walang makapananakit dito o magagawa itong labis na maselan katulad ng nakaranas na ng paninisi ng konsiyensya. Bakit ibig mong magreklamo nang ganyan sa harapan ng iyong mga kasamahan? Ibig mo bang pagsuspetsahan ng pagkakasala? Ang galit at pagmamalaki ay dalawang masamang kasamahan, Judas. Ginagawa nila ang isa na mahibang, at ang hibang na tao ay nakikita ang wala naman, at sinasabi kung ano ang hindi dapat sabihin... katulad ng kasakiman at kahalayan na nagagawa ang mga tao na magkasala upang masiyahan... Pakawalan mo ang masasamang katulong na ganyan... At sa pansamantala mas mabuting malaman mo na sa loob ng maraming araw nang ikaw ay wala, nagkaroon lagi ng napakabuting pagsasamahan sa pagitan namin, pati rin pagsunod at paggalang. Minamahal namin ang isa’t isa, naintindihan mo?... Paalam, Aking mahal na mga kaibigan. Lumakad at mahalin ang isa’t isa. Ito ba ay malinaw sa inyo? Mahalin ang isa’t isa at tiisin ang isa’t isa, magsalita nang kaunti at kumilos nang maayos. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

pinagpapalà Niya sila at habang sila ay lumalakad patungo sa kanan, si Jesus ay nagpapatuloy sa Kanyang daan kasama ang Kanyang mga pinsan, si Pedro at si Tomas.

Sila ay nagpapatuloy sa lubos na katahimikan. Pagkatapos si Pedro ay bumulalas sa kumukulog na pagsasalita sa sarili: «Sino ang nakaaalam!» bilang resulta ng hindi ko nalalaman na mahabang pagninilay-nilay. Ang iba ay tinitingnan siya... Si Jesus ay kaagad kumilos upang maiwasan ang posibleng mga katanungan sa pagsasabing: «Kayo bang dalawa ay masayang mapunta sa Nazareth kasama Ko?» at Kanyang ipinatong ang Kanyang mga kamay sa mga balikat nina Pedro at Tomas.

«Mapagdududahan ba Ninyo ito?» sabi ni Pedro sa kanyang kalabisan.

Si Tomas, mas kalmante, na ang kanyang mabilog na mukha nagniningning sa lugod, ay nagdagdag: «Hindi ba Ninyo nalalaman na ang málapit sa Inyong Ina ay gayon kalugod na hindi ako makatagpo ng mga salita upang maipaliwanag ito sa Inyo? Si Maria ay aking mahal. Ako ay hindi isang birhen, at hindi ako laban sa pagkakaroon ng isang pamilya at may tinitingnan na ako na ilan na mga babae, ngunit hindi ako makatiyak kung alin ang aking pipiliin bilang aking asawa. Ngunit ngayon! Hindi... Ang aking pag-ibig ay si Maria. Ang pag-ibig na humihigit sa pandama. Ang pandama ay namamatay sa pag-iisip lamang tungkol sa Kanya! Ang pag-ibig na nagpupuno sa kaluluwa ng kasiyahan. Kinukumpara ko ang lahat na mabuti na nakikita ko sa mga babae, sa mga minamahal ko rin, katulad ng aking ina at sa aking kakambal na babae, sa kung ano ang aking nakikita sa Inyong Ina, at sinasabi ko sa aking sarili: “Ang lahat na katarungan, yumi at kagandahan ay nasa Kanya. Ang Kanyang mapagmahal na kaluluwa ay isang taniman ng makalangit na mga bulaklak... Ang Kanyang hitsura ay isang tula... O! sa Israel hindi tayo nangangahas na isipin ang mga anghel at tinitingnan natin na may takot na paggalang ang Kerubin ng Banal ng mga Banal!.. Gaanong katangahan natin! Dahil hindi tayo nanginginig nang makasampung beses nito na may pagpipitagan na takot tinitingnan Siya! Sapagkat nakatitiyak ako na sa mga mata ng Diyos nahihigitan Niya ang lahat na kagandahan ng mga anghel...»

Si Jesus ay tinitingnan ang Kanyang apostol na nagmamahal sa Kanyang Ina nang labis na siya ay tila nagiging halos espiritu, dahil ang kanyang mga pakiramdam para kay Maria ay binabago nang napakalalim ang kanyang may-kabutihan na hitsura. «Bueno, makakasama natin Siya nang kaunting oras. Mananatili tayo hanggang sa araw pagkatapos bukas. Pagkatapos pupunta tayo sa Tiberias upang makita ang dalawang bata at makakuha ng isang bangka patungong Capernaum.»

«At papaano ang Bethsaida?»

«Pupunta tayo roon sa ating pagbabalik, Simon, upang kunin si Marjiam para sa perigrinasyon ng Paskuwa.»...

... Ngayon ay ang gabi ng gayon din na araw, sa Nazareth, sa loob ng mapayapang maliit na bahay, kung saan sina Pedro at Tomas ay natutulog na. Ang Mag-Ina ay naguusap nang malumanay.

«Ang lahat ay nakaraos nang maayos, Inay. At sila ngayon ay nasa kapayapaan na. Ang Inyong mga panalangin ay nakatulong sa mga peregrino at pinagiginhawahan ngayon ang kanilang kapighatian, katulad ng hamog sa tuyong mga bulaklak.»

«Ibig Kong paginhawahan ang sa iyo, Anak! Gaano Ka maaaring naghirap! Tingnan. Ang Iyong mga sentido at mga pisngi ay naging malalim, at ang isang kulubot ay gumuguhit sa Iyong noo katulad ng isang taga ng isang espada. Sino ang nanakit sa iyo nang ganyang, Aking mahal?»

«Ang kapighatian ng pangangailangan na mamighati, Inay.»

«Iyan lang, Aking Jesus? Ang Iyo bang mga disipulo ay pinamighati Ka?»

«Hindi, Inay. Sila ay naging kasing mabuti katulad ng mga santo.»

«Ang mga nakasama Mo... Ngunit ang ibig Kong sabihin: at bawat isa...»

«Nakikita Ninyo na dinala Ko rito si Tomas upang gantimpalaan siya, at gusto Ko rin sanang madala ang mga hindi nakapunta nang nakaraan. Ngunit kinailangan Ko silang ipadala sa ibang lugar, nang nauuna...»

«At si Judas ng Kerioth?»

«Si Judas ay kasama nila.»

Si Maria ay niyakap ang Kanyang Anak, at isinandal ang Kanyang ulo sa balikat ni Jesus, umiiyak.

«Bakit Kayo umiiyak, Inay?» tanong ni Jesus hinahaplos ang buhok ni Maria.

Si Maria ay tahimik at lumuluha. Pagkatapos lamang ng ikatlong tanong, Siya bumulong: «Sapagkat Ako ay nahihintakutan... Gusto Ko siyang iwanan Ka... Ito ay isang kasalanan, hindi ba, na mithiin ito? Ngunit labis Akong natatakot sa kanya, para sa iyo...»

«Magbabago lamang ang mga bagay kung siya ay mawala namamatay... Ngunit bakit kailangan na mamatay siya?»

«Hindi Ako napakasamâ na mithiin iyan... Mayroon din siyang isang ina! At isang kaluluwa... Isang kaluluwa, na baka maililigtas pa. Ngunit... o! Anak! Hindi kaya't ang kamatayan ay ang isang mabuting bagay para sa kanya?»

Si Jesus ay nagbuntung-hininga at bumulong: «Ang kamatayan ay magiging isang mabuting bagay para sa maraming tao...» Pagkatapos nagtanong Siya sa isang malakas na tinig: «May balita ba Kayo tungkol sa matandang si Johanna? Ano ang nangyari sa kanyang mga bukid?...»

«Pumunta Ako upang tingnan siya kasama si Maria ni Alfeo at si Salome ni Simon pagkaraan ng malalakas na ulan. Ngunit sa dahilan na ang kanyang binhi ay naitanim nang huli, hindi pa ito nakatutubo at kung gayon hindi ito napinsala. Si Maria ay bumalik upang tingnan siya nang nakaraang tatlong araw. Sabi niya na ang mga bukid ay katulad ng mga alpombra. Ang pinakamagandang mga bukid sa distrito. Si Rachel ay magaling na at ang matandang babae ay masaya. Si Maria ni Alfeo din ay masaya ngayon na si Simon ay lahat nasa pabor Mo. Makikita Mo siyang tiyak bukas. Pumupunta siya rito araw-araw. Kaaalis pa lamang niya ngayon nang Ikaw ay dumating. Alam Mo? Walang nakapuna ng kahit ano. Nakapagsalita sana sila kung napuna nila na sila ay naririto. Ngunit kung Ikaw ay hindi talagang pagod, kuwentuhan Mo Ako tungkol sa lahat ng kanilang paglalakbay...»

At si Jesus ay kinukuwento sa Kanyang Ina ang lahat, maliban sa Kanyang paghihirap sa yungib sa Jiphthahel.

230512

 

 

  


Sunod na kabanata