336. Ang Lumpong Babae ng Korazim.

Top of Form

Nobyembre 21, 1945.

Si Jesus ay nasa sinagoga sa Korazim na unti-unting nagsisiksikan sa mga tao. Ang mga nakatatanda ng bayan ay maaaring namimilit na si Jesus ay kailangan na magsalita roon sa araw ng Sabbath na ito. Nakikita ko ito sa pamamagitan ng kanilang pakikipagtalo at sa tugon ni Jesus.

«Kami ay hindi mas mangmang pa kaysa sa mga Judaean o sa mga mamamayan ng Decapolis» sinasabi nila «sa kabila nito pumupunta Kayo roon nang ilang beses.»

«Ganyan din ang ginagawa Ko rito. Tinuruan Ko kayo kapwa sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa, at sa pamamagitan ng katahimikan at pagkilos.»

«Ngunit kung kami ay mas mapurol pa kaysa sa iba, mas lalo Kayong kailangan na mamilit...»

«O sige.»

«Siyempre walang anuman ito! Pinahihintulutan namin Kayo na gamitin ang aming sinagoga bilang isang lugar kung saan Kayo makapagtuturo, sapagkat sa palagay namin iyan ang tamang gawin. Tanggapin, kung gayon, ang aming paanyaya at magsalita.»

Si Jesus ay ibinuka ang Kanyang mga kamay, tinatawagan ang mga tao na naroroon na manahimik, at sinimulan Niya ang Kanyang talumpati nagbibigay ng dahan-dahan na mariin na pagbigkas sa tono ng isang salmo: «Si Araunah ay tumugon kay David: ‘Hayaan ang panginoong aking hari na kumuha at maghandog ayon sa ibig niya. Naririto ang mga toro para sa holokausto, ang giikang panghila at ang pamatok ng toro para panggatong; si Araunah, o hari, ay ibinibigay ang lahat na ito sa hari’. At dinagdag niya: ‘Harinawang ang Panginoong inyong Diyos ay tanggapin ang inyong handog’. Ngunit ang hari ay tumugon at nagsabi: ‘Hindi ito mangyayari ayon sa ibig mo. Hindi. Babayaran kita ng pera, dahil hindi ako maghahandog sa Panginoong aking Diyos ng mga holokausto na wala akong ginagastos’“.»

Si Jesus ay ibinaba ang Kanyang mga mata, sapagkat Siya ay nagsasalita na ang Kanyang mukha nakatingala sa kisame, at Kanyang tinititigan ang pangulo ng sinagoga at ang apat na nakatatanda na kasama Niya kanina at nagtanong: «Naintindihan ba ninyo ang ibig sabihin?»

«Iyan ay ang ikalawang aklat ng mga Hari, nang ang banal na hari ay binili ang giikang sahig ni Araunah... Ngunit hindi namin maintindihan kung bakit Ninyo ito binigkas. Walang salot dito at walang kailangan na sakripisyo na dapat ihandog. Kayo ay hindi isang hari... Ibig sabihin namin: hindi pa.»

«Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang inyong mga isip ay mabagal sa pag-intindi ng mga simbolo at ang inyong pananampalataya ay hindi nakatitiyak. Kung ito ay nakatitiyak, makikita ninyo na Ako ay isa nang Hari, katulad ng sinabi Ko, at kung mabilis ang inyong pag-intindi, makikita ninyo na may salot dito na mas malala pa kaysa sa isang inaalala ni David. Kayo ay apektado ng salot ng kawalang-paniniwala, na nagagawa kayo na mamatay.»

«Bueno! Kung kami ay mapurol at di makapaniwala, bigyan kami ng talino at pananampalataya at ipaliwanag sa amin ang ibig Ninyong sabihin.»

«Sasabihin Ko: Hindi Ako naghahandog ng ipinilit na holokausto sa Diyos, mga holokausto na inihahandog para sa hamak na mga interes. Hindi Ako sumasang-ayon na magsalita, kung iyan ay ipinagkakaloob lamang sa Kanya Na naparito upang magsalita. Ito ay Aking karapatan at pinaninindigan Ko ito. Sa labas sa ilalim ng sikat ng araw o sa loob ng hangganan ng saradong mga pader, sa ibabaw ng mga bundok o sa ibaba sa mga lambak, sa baybayin o nakaupo sa mga pampang ng Jordan, kahit saan ay Aking karapatan at Aking katungkulan na magturo at bilhin sa pamamagitan ng Aking gawain ang tanging mga holokausto na kasiya-siya sa Diyos: mga pusong nagbalik-loob sa Diyos nagawang matapat sa pamamagitan ng Aking Salita. Dito, kayong sambayanan ng Korazim, ay pinagkalooban ang Salita na magsalita, hindi dala ng paggalang at pananampalataya, bagkus dahil sa loob ng inyong mga puso ay may tinig na nagpapahirap sa inyo katulad ng isang uod na ngumangatngat sa kahoy: “Ang nakakikilabot na kaparusahan na ito ay dahil sa kagaspangan ng inyong mga puso”. At ibig ninyong makagawa ng pagsasatama, para sa inyong mga lukbutan, hindi para sa inyong mga kaluluwa. O! Paganong matigas-ang-ulo na Korazim! Ngunit hindi lahat sa Korazim ay ganyan, at Ako ay magsasalita sa mga hindi ganyan, sa pamamagitan ng isang parabula.

Makinig. Ang isang tangang mayaman na lalaki ay nagdala ng isang tipak ng materyal na kasing ganda ng pinakamalinaw na pulot sa isang artisano at sinabihan siya na gumawa ng isang maadornong amphora sa pamamagitan nito.

“Ang materyal na ito ay hindi magandang trabahuhin” sabi ng artisano sa mayaman na lalaki. “Kita mo? Ito ay malambot at elastiko. Papaano ko ito uukitan at popormahin?”

“Ano? Ito ay hindi maganda? Iyan ay isang resina na mamahalin at ang isa kong kaibigan ay may maliit na amphora na ginawa mula diyan at ang kanyang alak ay nagkakaroon ng pambihirang lasa sa loob niyan. Binayaran ko iyan ng kasing mahal ng ginto, upang magkaroon ng mas malaking amphora at kung gayon mapahiya ang aking kaibigan, na ipinagyayabang ang kanya. Gawin iyan kaagad. Kung hindi sasabihin ko sa lahat na ikaw ay isang hindi magaling na artisano”.

”Ngunit ang amphora ng iyong kaibigan ay baka gawa sa malinaw na alabastro”.

“Hindi. Iyon ay ginawa mula sa materyal na ito”.

“Baka iyon ay gawa sa pinong ambar”.

“Hindi. Iyon ay parehong materyal katulad nito”.

“Halimbawang iyon ay gawa sa materyal na ito, baka iyon ay ginawang solido at pinatigas sa pamamagitan ng taon o sa paghahalo ng ibang nagpapasolidong mga sangkap. Tanungin siya, pagkatapos bumalik kayo at paalamin ako kung papaano iyon ginawa”.

“Hindi. Ibinenta niya mismo iyan sa akin at tiniyak sa akin na kailangan na gamitin iyan nang ganyan mismo”.

“Kung gayon dinaya ka niya upang parusahan ka sa kainggitan mo sa kanyang magandang amphora”.

“Mag-ingat sa sinasabi mo! Trabahuhin mo kung hindi’y ipasasara ko ang iyong pagawaan upang parusahan ka, maging ano pa man ang kaso ang lahat na pag-aari mo ay hindi nagkakahalaga ng aking ibinayad para sa magandang resina na ito”.

Ang malungkot na artisano ay nagsimulang magtrabaho. Minasa niya... Ngunit ang pulot ay dumidikit sa kanyang mga kamay. Sinubukan niyang patigasin ang bahagi nito sa pamamagitan ng dagta at mga pulbos... Ngunit ang resina ay nawalan ng ginintuang kaaninagan nito. Inilagay niya ito malapit sa apoy umaasa na ang init ay patitigasin ito, ngunit kinukuskos ang kanyang noo kinailangan niya itong alisin, sapagkat ito ay natutunaw. Nagpakuha siya ng tumigas na niyebe mula sa Mount Hermon at ibinaon niya ang resina rito... Ito ay tumigas at maganda. Ngunit hindi niya ito maporma. “Uukitan ko ito sa pamamagitan ng sinsel” sinabi niya. Ngunit sa unang pukpok sa pamamagitan ng sinsel ang resina ay nagkadurug-durog.

Ang desperadong artisano ay nagpasya na gumawa ng huling pagsubok, bagama't kumbinsido na siya na imposibleng trabahuhin ang materyal. Inipon niya ang lahat na piraso at tinunaw ito sa init ng apoy, pagkatapos kanya itong pinayelo, ngunit hindi masyado, sa pamamagitan ng niyebe, at sinubukan niyang trabahuhin ng sinsel at ng malapad na kutsilyo ang malambut-lambot na masa. Ito’y napoporma! Ngunit kapag inalis na niya ang sinsel at kutsilyo ito ay kaagad bumabalik sa dating porma, katulad na katulad ng masa ng harina na umaalsa sa masahan.

Ang mamâ ay sumuko. At upang maiwasan na siya ay balikan at siraan ng mayaman na lalaki, sa loob ng gabi isinakay niya ang kanyang asawa, mga anak, mga kagamitang bahay at kagamitan sa trabaho sa isang kariton at lumayas sa ibayo ng hangganan, pagkatapos na iwanan sa gitna ng kanyang pagawaan, ngayon ganap nang walang laman, ang magandang masa ng resina na may isang sulat sa ibabaw na may mga salitang: “Hindi ito matatrabaho”.

Ako ay ipinadala upang hubugin ang mga puso ayon sa Katotohanan at Kaligtasan. Nagkaroon Ako sa Aking mga kamay ng mga pusong gawa sa bakal, tingga, yero, alabastro, marmol, pilak, ginto, haspe, batong-hiyas. Mga Puso na matigas, mabangis, napakalambot, pabagu-bago, mga pusong napatigas ng kapighatian, mamahaling mga puso: lahat ng klase ng puso. Trinabaho Ko ang bawat isa sa kanila. At hinubog Ko ang marami ayon sa mithiin Niya Na nagpadala sa Akin. Ang iba ay sinasaktan Ako habang tinatrabaho Ko sila, ang iba ay mas ginustong madurog kaysa sa makumpleto. Ngunit lagi silang magkakaroon ng alaala tungkol sa Akin, kahit na kung ito ay maaaring kapoot-poot na puso.

Hindi posibleng trabahuhin kayo. Walang kahit ano ang magiging may-silbi sa inyo: mainit na pagmamahal, tiyaga sa pagtuturo sa inyo, mahigpit na paninisi, trabahong sinsel. Kapag inalis Ko na kaagad ang Aking mga kamay sa inyo, kayo ay nagiging ang dati muli. May iisang bagay lamang ang kailangan na gawin ninyo upang magbago: ang iabandona nang ganap ang inyong sarili sa Akin. Ngunit hindi ninyo ginagawa iyan. At hindi ninyo kailanman gagawin iyan. Ang malungkot na Manggagawa ay iniiwan kayo sa inyong patutunguhan. Ngunit, dahil sa ito ay makatarungan, hindi Niya inaabandona ang bawat isa sa pare-parehong pamamaraan. Sa Kanyang kalungkutan mapipili pa rin Niya ang karapat-dapat ng Kanyang pagmamahal at pinagiginhawahan at pinagpapalà Niya sila. Babae, halika rito!» Nagsasalita Siyang itinuturo ang isang babae na malapit sa isang pader at baluktot na baluktot ang hitsura na nagmumukha siyang isang tanda ng pananong.

Ang mga tao ay tumitingin kung saan si Jesus tumuturo, ngunit hindi nila makita ang babae, ni hindi makita ng babae si Jesus o ang Kanyang kamay mula sa kanyang pagkakapusisyon. Ang ilan sa mga tao ay nagsasabi sa kanya: «Punta, Martha! Tinatawag ka Niya.» At ang kaawa-awang babae ay nagkukumayod sa paglakad sa pamamagitan ng kanyang tungkod, na ang kanyang ulo pumapantay lamang sa tungkod.

Siya ngayon ay nasa harapan na ni Jesus, Na nagsasabi sa kanya: «Bibigyan Ko kayo ng alaala ng Aking pagdaan dito at isang gantimpala para sa inyong tahimik na mapagpakumbabang pananampalataya. Gumaling ka sa iyong kalagayan» sumigaw Siya sa wakas, ipinapatong ang Kanyang mga kamay sa kanyang mga balikat.

At ang babae ay tumayo kaagad, kasing tuwid ng isang puno ng palmera. At itinataas ang kanyang mga kamay siya ay sumigaw: «Hosana! Pinagaling Niya ako! Nakita Niya ang Kanyang matapat na lingkod at tinulungan siya. Kapurihan sa Tagapagligtas at Hari ng Israel! Hosana sa Anak ni David!»

Ang pulutong ay inaawit ang kanilang mga hosana kasabay ang babae, na ngayon nakaluhod na sa paanan ni Jesus, hinahalikan ang laylayan ng Kanyang tunika, habang sinasabi Niya sa kanya: «Humayo sa kapayapaan at magpursige sa iyong pananampalataya.»

Ang pangulo ng sinagoga, na kitang dinaramdam pa ang mga salitang binigkas ni Jesus bago ang parabula, ay ibig suklian ng lason ang mga paninita at sumigaw nang galít, habang ang mga pulutong ay nagbibigay daan sa pinagaling na babae upang makaraan: «Mayroong anim na araw upang magtrabaho, anim na araw upang manghingi at magbigay. Kung kaya't pumunta sa loob ng mga araw na iyan, kapwa upang manghingi at magbigay. Pumunta at mapagaling sa loob ng mga araw na iyan, nang hindi nilalabag ang Sabbath, kayong mga makasalanan at mga maling-naniniwala, mga naging marumi at mga tagapagparumi ng Batas!» at sinusubukan niyang itulak ang lahat sa labas ng sinagoga, na tila pinalalayas niya ang kalapastanganan mula sa lugar ng panalangin

Ngunit si Jesus, Na nakikita na Siya ay tinutulungan ng apat na nakatatanda na nakita kanina at ng iba pang nakakalat sa pagitan ng pulutong, na lumalabas na siyang pinaka naiskandalo at... napasasakitan ng krimen ni Jesus, tiningnan Niya ang pangulo na ang Kanyang mga braso naka-ikis sa Kanyang dibdib sa isang makapangibabaw na mahigpit na aktitud at sumigaw: «Mga mapagkunwari. Sino sa inyo sa araw na ito ang hindi nagkalag ng tali ng kanyang toro o ng kanyang asno mula sa sabsaban at dinala ito upang mapainom? At sino ang hindi nagdala ng bigkis ng damo sa kanyang mga tupa at naggatas sa kanilang busog na mga suso? Kung mayroon kayong anim na araw na gawin ito, bakit ginawa rin ninyo ito ngayon, para lamang sa kaunting gatas, o sa takot na ang inyong toro o inyong asno ay baka mamatay sa uhaw at mawala sa inyo? At hindi Ko ba dapat pinalaya ang babaeng ito sa kanyang mga tanikala pagkatapos na maitali siya ni Satanas sa loob ng labingwalong taon, dahil lamang na ngayon ay ang Sabbath? Humayo. Napaginhawahan Ko siya sa kanyang kasawiang-palad na hindi niya ginusto. Ngunit hindi Ko kayo kailanman mapagiginhawahan ng sa inyo, sapagkat gusto ninyo ito, o mga kaaway ng Karunungan at Katotohanan!»

Ang mabubuting tao, sa pagitan ng maraming mga malisyoso sa Korazim, ay sumasang-ayon at nagkakasundo, habang ang iba, nangingitim sa galit, ay lumalayas, iniiwan ang nangingitim na pinuno ng sinagoga.

Si Jesus ay iniiwan din siya at lumabas ng sinagoga, pinalilibutan ng mabubuting tao na sumama sa Kanya hanggang sa layo ng kabukiran, kung saan pinagpapalà Niya sila para sa huling pagkakataon. Pagkatapos kinuha Niya ang pinakadaan kasama ang Kanyang mga pinsan, si Pedro at si Tomas...

230512

 

 

 


Sunod na kabanata