338. Patungong Meiron.

Nobyembre 23, 1945.

Ang isang magandang bukang-liwayway ng tagsibol ay nagagawa ang kalangitan na magkulay rosas at ang mga burol ay isang kaaya-ayang tanawin. Ang mga disipulo ay nagbubunyi sa tanawin habang nag-iipun-ipon sa pamasukan ng nayon na naghihintay para sa mga huling dumarating.

«Ito ang unang araw na hindi malamig, pagkatapos ng mga ulang-yelo» sabi ni Mateo, pinagkukuskusan ang kanyang mga kamay.

«Panahon na! Ito ay ang bagong buwan ng buwan ng Adar!» bulalas ni Andres.

«Mabuti! Kung kinailangan natin na akyatin ang mga bundok sa malamig na panahon ng nakaraan mga araw!...» wika ni Felipe.

«Ngunit saan tayo papunta?» tanong ni Andres.

«Saan kaya... Mula rito makakapunta tayo sa kung hindi sa Saphet ay sa Meiron. At pagkatapos?» tugon ni Santiago ni Zebedeo at siya ay tumalikod upang tanungin ang mga anak ni Alfeo: «Alam ba ninyo kung saan tayo pupunta?»

«Sinabi sa amin ni Jesus na gusto Niyang pumunta sa hilaga. Iyan lang» sabi ni Judas ni Alfeo nang matipid.

«Ulit? Sa susunod na buwan kailangan nating simulan ang ating perigrinasyon ng Paskuwa... sabi ni Pedro na hindi nananabik.

«Marami tayong oras» wika ni Tadeo.

«Oo. Ngunit walang panahon na makapagpahinga sa Bethsaida...»

«Tayo ay tiyak na pupunta roon upang kunin ang mga kababaihan at si Marjiam» tugon ni Felipe kay Pedro.

«Ang hinihingi ko sa iyo ay ang hindi magmukhang inip o walang-pakiramdam o ang katulad niyan. Si Jesus ay lubos na nalulungkot... Kagabi Siya ay umiiyak. Natagpuan ko Siyang umiiyak habang tayo ay naghahanda ng hapunan. Hindi Siya nananalangin sa labas sa terasa, katulad ng inisip natin. Siya ay umiiyak» sabi ni Juan.

«Bakit? Tinanong mo ba Siya?» lahat sila nagtanong.

«Oo, tinanong ko. Ngunit ang tanging sinabi Niya ay: “Mahalin mo Ako, Juan”.»

«Baka... ito ay dahil sa mga mamamayan ng Korazim.»

Ang Zealot, na kararating pa lamang, ay nagsabi: «Ang Guro ay pupunta rito kasama si Bartolomeo. Tayo na at salubungin Siya.»

At sila ay umalis, ngunit pinagpapatuloy nila ang kanilang paguusap: «O ito ay dahil kay Judas. Sila ay nanatiling nag-iisa kagabi...» sabi ni Mateo.

«Tama iyan! At si Judas ay dating nagsabi na siya ay balisa at ibig niyang mag-isa» wika ni Felipe.

«Ayaw niyang sumama kahit na sa Guro! Samantalang matutuwa ako na makasama Siya!» sabi ni Juan na may buntung-hininga.

«At ako!» sabi ng lahat.

«Hindi ko gusto ang taong iyon... Siya ay kung hindi may sakit, siya'y naingkanto, o baliw, o nalulukuban... Mayroong problema sa kanya» sabi ni Tadeo nang tiyakan.

«datapwa't, maniwala sa akin, sa ating pagbabalik dito siya ay isang modelong disipulo. Lagi niyang pinagtatanggol ang Guro at ang mga interes ng Guro, katulad nang wala kailanman sa atin ang nakagawa.

«Sa palagay mo ba hindi ka namin pinaniniwalaan? Hindi, Tomas! At nasisiyahan kami na marinig na si Judas ay mas mabuti kaysa sa amin. Ngunit nakikita mo ito mismo. Siya ay kakaiba, hindi ba?» tanong ni Andres.

«O! Siya ngang talaga. Baka kaloob-looban na mga problema ang nagpapaalala sa kanya... O dahil baka hindi siya nakagawa ng kahit anong himala. Siya kung baga ay mapagmalaki. O! para sa mabuting pakay. Ngunit gustung-gusto niyang makagawa ng mga bagay at gusto niyang mapuri siya para sa mga ito...»

«H’m! Maaaring iyan! Ngunit ang Guro ay malungkot. Tingnan Siya sa banda roon: hindi Siya kamukha ng taong lagi nating nakikilala. Ngunit, mabuhay Panginoon! Kung malaman ko kung sino ang nagpapahirap sa Guro... Bueno! Iyan lang! Alam ko kung ano ang aking gagawin sa kanya» sabi ni Pedro.

Si Jesus, Na nakikipagusap nang masinsinan kay Natanael, ay nakita sila at binilisan Niya ang Kanyang lakad ngumingiti. «Kapayapaan sa inyo. Kayo bang lahat ay naririto?»

«Si Judas ni Simon ay nawawala... Akala ko siya ay kasama Ninyo, sapagkat sa loob ng bahay, kung saan siya natulog, sinabi nila sa akin na nakita nila na ang kanyang silid ay walang tao at hindi nagalaw...» paliwanag ni Andres.

Si Jesus ay kinukuskos ang Kanyang mga kilay nang sandali at nag-iisip, itinutungo ang Kanyang ulo. Pagkatapos sinabi Niya: «Hindi na bale. Lumakad na rin tayo. Sabihin sa mga tao sa huling mga bahay na tayo ay papunta sa Meiron at sa Giscala. Kung si Judas ay hahanapin tayo sabihin sa kanila na ituro siya roon. Tayo na.»

Ang pakiramdam ng lahat masalimuot ang atmospera at sila ay sumunod nang hindi nagsasalita ng kahit ano.

Si Jesus ay pinagpapatuloy ang Kanyang pakikipagusap kay Bartolomeo at nasa unahan nang kaunti sa iba. Naririnig ko ang sikat na mga pangalan na binabanggit nila sa loob ng kanilang paguusap: Hillel, Jael, Barak at ang maluwalhating mga karanasan ng Israel, na kanilang sinasariwa, pinag-uusapan at kanilang hinahangaan ang dakilang mga dalubhasa, habang ikinalulungkot ni Bartolomeo ang nakaraan...

«O! kung ang marunong na si Hillel ay buháy pa! Siya ay mabuti at malakas. Hindi sana siya nabalisa. Hinusgahan sana niya Kayo mismo, nang walang pakialam sa iba!»

«Huwag kang mag-alala, Bartolomeo! At pagpalain ang Kataastaasan Na tumanggap sa kanya sa Kanyang kapayapaan. Ang espiritu ng Marunong na Tao kung gayon ay hindi nalaman ang kabalisahan ng labis na kapootan laban sa Akin...»

«Aking Panginoon! Hindi lamang kapootan!...»

«Mas kapootan kaysa pagmamahal, Aking kaibigan. At ito ay laging magiging ganyan.»

«Huwag malungkot. Ipagsasanggalang namin Kayo...»

«Hindi ang kamatayan ang nagpapahirap sa Akin... Ito ay ang tanáwin ng mga kasalanan ng mga tao...»

«Kamatayan!... Hindi!... Huwag magsalita ng tungkol sa kamatayan. Hindi sila aabot sa puntong iyan... sapagkat natatakot sila...»

«Ang poot ay magiging mas malakas kaysa sa takot. Bartolomeo, kapag Ako ay patay na, at kapag Ako ay nasa malayo, sa Banal na Langit, sabihin sa mga tao: “Naghirap Siya nang mas lalo dahil sa inyong poot, kaysa dahil sa Kanyang kamatayan”...»

«Guro! Huwag Ninyong sabihin iyan! Walang mapopoot sa Inyo nang labis na magagawa Kayong mamatay. Lagi Ninyong mapipigilan ito. Kayo ay makapangyarihan...»

Si Jesus ay ngumingiting nalulungkot, sasabihin ko: na napapagod, habang inaakyat Niya nang may sinusukat na mga hakbang ang bulubundukin na daan na patungo sa Meiron, at habang mas paakyat ang daan, mas nagiging malawak ang magandang tanawin ng lawa ng Tiberias, nakikita sa pamamagitan ng isang puwang sa isang bangin, sa kalapit na korteng-arko na mga burol, na, bagaman, nahaharangan ang tanawin ng lawa ng Merom, habang ang tanawin ay umaabot sa kabila ng lawa ng Tiberias, sa kapatagan sa itaas sa kabila ng Jordan, hanggang sa layo ng malayong nakatikal na mga bundok ng Hauran, Trachonitis at Perea.

Ngunit itinuturo ni Jesus ang hilagang hilagang-silangan nagsasabing: «Pagkatapos ng Paskuwa kailangan natin na pumunta roon, sa Tetrarka ni Philip. At magkakaroon tayo ng sapat lamang na panahon na gawin ito, dahil mapupunta tayo sa Herusalem muli para sa Pentekostes.»

«Hindi kaya't mas maginhawa na pumunta na roon ngayon? Makakapunta tayo sa kabila ng Jordan, patungo sa mga pinagmumulan nito... at pagkatapos bumalik daan ng Decapolis...»

Pinadaan ni Jesus ang Kanyang kamay sa Kanyang kilay, na may pagkilos ng isa na ang isip ay nalalabuan, at Siya ay bumulong: «Hindi Ko alam, hindi Ko pa alam!... Bartolomeo!...» Gaanong kalungkutan, kapighatian, pakiusap ang nasa Kanyang tinig!...

Si Bartolomeo ay yumuko nang kaunti, na tila nasaktan siya ng kakaibang di-karaniwan na tunog ng tinig ni Jesus, at nagsabi siya na may mapagmahal na pananabik: «Guro, ano ang nangyayari sa Inyo? Ano ang ibig Ninyo mula sa matandang si Natanael?»

«Wala, Bartolomai... Iyong panalangin... Na sana makita Kong maliwanag kung ano ang kailangang gawin... Ngunit tayo ay kanilang tinatawag, Bartolomai... Tayo’y tumigil dito...» At sila ay tumigil malapit sa isang grupo ng mga punungkahoy.

Ang iba ay lumitaw sa pag-ikot ng daan; sila ay nasa iisang grupo: «Guro, si Judas ay hinahabol tayo nang napakatulin...»

«Hintayin natin siya.»

At sa katunayan maya-maya lamang si Judas ay lumitaw, tumatakbo... «Guro... náhuli ako... napasobra ang aking tulog at...»

«Saan, kung hindi kita nakita sa loob ng bahay?» tanong ni Andres na nagtataka.

«Si Judas ay natutulala nang isang sandali, ngunit mabilis niyang naibalik ang kanyang sarili at siya ay nagsabi: «O! nalulungkot ako na ang aking penitensiya ay nalaman ng lahat! Ako ay nasa kakahuyan, buong gabi, nagdarasal at gumagawa ng penitensiya... Sa bukang-liwayway natalo ako ng antok. Ako ay mahina... Ngunit ang Kataastaasang Panginoon ay kaaawaan ang Kanyang abang lingkod. Tama ba iyon, Guro? Nagising ako nang tanghali na at ang buong katawan ko ay sumasakit.»

«Sa katunayan nagmumukha kang lambot na lambot» wika ni Santiago ni Zebedeo.

Si Judas ay tumatawa: «Siyempre! Ngunit ang aking kaluluwa ay nasisiyahan. Ang panalangin ay nakabubuti sa isa. Ang penitensiya ay nakapagpapasaya sa puso ng isa. At nagkakaloob ito ng kababaang-loob at kabutihang-loob. Guro, patawarin Ninyo ang Inyong hangal na Judas...» at siya ay lumuhod sa paanan ni Jesus.

«Oo. Tumayo at tayo na.»

«Bigyan Ninyo ako ng kapayapaan sa pamamagitan ng isang halik Ninyo. Iyan ay ang magiging tanda na pinatawad na Ninyo ang masamang gana na mayroon ako kahapon. Hindi ko Kayo ginusto, totoo iyan. Ngunit iyon ay dahil ibig kong magdasal...»

«Nakapagdasal sana tayo na magkasama...»

Si Judas ay tumatawa at nagsabi: «Hindi, hindi Kayo makapagdarasal kasama ko kagabi, o mapunta sa kinaroroonan ko...»

«O! Maganda iyan! Bakit hindi? Siya ay lagi nating nakakasama at tinuruan Niya tayo na magdasal!» bulalas ni Pedro na lubos na nagtataka.

Lahat sila ay tumawa. Ngunit si Jesus ay hindi tumatawa. Tinititigan Niya si Judas na humalik sa Kanya at ngayon tinitingnan na Siya ng mga matang nanlilisik sa nanghahamon na malisya, na tila ibig niyang salungatin Siya. Nangahas siyang ulitin: «Hindi ba’t totoo na hindi Kayo maaaring makasama ko kagabi?»

«Hindi, hindi Ako maaari. Ni hindi Ko maibabahagi ang mga yakap ng Aking kaluluwa sa Ama, sa ikatlong partido, na wala bagkus dugo at laman, katulad mo, at sa mga lugar na pinupuntahan mo. Mahal Ko ang nakahiwalay sa kinaroroonan ng mga anghel, upang makalimutan na ang tao ay ang alingasaw ng laman na pinarumi ng kahalayan, ng ginto, ng mundo at ni Satanas.»

Si Judas ay hindi na tumatawa, ni hindi sa pamamagitan ng kanyang mga mata. Siya ay tumugon nang seryoso: «Tama Kayo. Ang Inyong espiritu ay nakita ang katotohanan. Kung gayon saan tayo pupunta?»

«Upang pagpitaganan ang mga libingan ng dakilang mga rabbi at bayani ng Israel.»

«Ano? Si Gamaliel ay hindi Kayo minamahal. At ang iba ay kinapopootan Kayo» marami sa mga apostol ang nagsabi.

«Hindi na bale. Yumuyuko Ako sa mga libingan ng makatarungan naghihintay ng Katubusan. Sasabihin Ko sa kanilang mga buto: “Siya na nagpasigla sa inyong mga kaluluwa ay malapit nang mapunta sa Kaharian ng Langit, handang bumababa mula roon sa huling Araw, upang gawin kayong mabuhay muli at magpakailanman sa Paraiso”.»

Sila ay nagpatuloy hanggang makita nila ang nayon ng Meiron. Isang magandang nayon, mabuting naaasikaso, puno ng liwanag at sinag ng araw, nakaluklok sa pagitan ng matatabang burol at mga bundok.

«Tayo’y tumigil. Sa hapon aalis tayo para sa Giscala. Ang dakilang mga sepulkro ay nakakalat sa tabi ng mga dalisdis na ito, sa paghihintay sa maluwalhating resureksiyon.»

310512

Bottom of Form

 


Sunod na kabanata