339. Sa Sepulkro ni Hillel sa Giscala.

Nobyembre 24, 1945.

Mula sa nayon ng Meiron si Jesus at ang Kanyang mga apostol ay kinuha ang isang bulubundukin na daan na tumatakbo nang hilagang-kanluran sa gitna ng mga kakahuyan at mga pastulan na pataas na nang pataas lagi. Baka napagpitaganan na nila ang ibang mga sepulkro, sapagkat napapakinggan ko sila na ito ang pinag-uusapan.

Ang Iskariote ay ngayon nasa unahan na kasama si Jesus. Sa Meiron sila ay maaaring tumanggap at nagbigay ng mga limos, at si Judas ngayon ay nag-uulat na ng tungkol sa kanyang tinanggap at kanyang ibinigay. Nágtapos siyang nagsasabing: «At naririto ang aking alay. Nanumpa ako kagabi na ibibigay ko ito sa Inyo para sa mahihirap at bilang isang penitensiya. Ito ay hindi masyado. Wala akong masyadong dalang pera. Ngunit kinumbinsi ko ang aking ina na magpadala sa akin ng ilan madalas sa pamamagitan ng maraming mga kaibigan. Noong nakaraan, kapag ako ay umaalis sa bahay marami akong dalang pera. Ngunit ngayon, sa dahilan na kailangan kong maglakbay sa mga bulubundukin nang nag-iisa o kasama lamang si Tomas, nagdadala ako ng kung ano ang sapat lamang para sa aming paglalakbay. Mas gusto kong gawin ang ganyan. Ang tanging bagay lamang ay... kung minsan kailangan kong hingin ang Inyong kapahintulutan na iwanan Kayo upang lumakad at makita ang aking mga kaibigan. Naisaayos ko na ang lahat... Guro, magpapatuloy ba akong hawakan ang pera? Nagtitiwala pa ba Kayo sa akin?»

«Judas, sinasabi mo ang lahat mismo ng iyong sarili. At hindi ko alam kung bakit ginagawa mo iyan. Kailangan na malaman mo na walang nagbago sa ganang Akin... sapagkat umaasa Ako na magbabago ka at ikaw ay maging ang disipulo muli ng nakaraan, at magiging isang makatarungang tao, na para kung kaninong kombersiyon Ako ay nagdarasal at naghihirap.»

«Tama Kayo, Guro. Ngunit sa tulong Ninyo ako ay tiyak na magiging ganyan. Maging ano pa man... ang mga ito ay minor na mga imperpeksiyon. Mga bagay na walang importansiya. Hindi, bagkus, nakakatulong ito na maintindihan natin ang ating mga kapwa-tao at mapagaling sila.

«Ang iyong mga moral, Judas, ay totoo ngang kakaiba! At kailangan Kong magsalita nang higit pa diyan. Wala Akong nalaman na sinumang doktor na kinusa niyang magkasakit upang makapagsabi: “Ngayon alam ko nang manggamot ng mga tao na apektado ng ganitong sakit”. Kung gayon Ako ba ay isang walang-kakayahang tao?»

«Sino ang nagsasabi niyan, Guro?»

«Ikaw. Dahil hindi Ako gumagawa ng mga kasalanan, hindi Ako makagagamot ng mga nagkakasala.»

«Kayo ay kayo. Ngunit kami ay hindi Kayo, at kailangan namin ng karanasan upang matuto...»

«Iyan ang iyong lumang idea. Ang pinaka gayon din na idea ng dalawampung buwan ng nakaraan. Ang tanging pagkakaiba lamang ay noon akala mo na kailangan Kong magkasala upang makapanubos. Ako ay totoong nagtataka na hindi mo sinubukan na itama itong... Aking pagkakamali, ayon sa iyong pamamaraan ng paghuhusga, at ang mapagkalooban Ako nitong... kakayahan na maintindihan ang mga nagkakasala.»

«Nagbibiro Kayo, Guro. At ako ay natutuwa. Nalulungkot ako para sa Inyo. Kayo ay malungkot na malungkot. At ito ay dobleng kaluguran para sa akin na nagawa ko Kayong magbiro. Ngunit hindi ko kailanman naisip na angkinin na maging Inyong guro. Maging ano pa man, katulad ng nakikita Ninyo Mismo, itinama ko ang aking pamamaraan ng pag-iisip dahil sinasabi ko na ngayon na ang karanasan na ito ay kinakailangan namin lamang. Namin, mga abang mga tao. Kayo ang Anak ng Diyos, hindi ba’t Kayo? Ang Inyong karunungan, kung gayon, ay hindi nangangailangan ng karanasan upang maging ganito ito.»

«Bueno, mabuting malaman mo na ang inosensiya ay karunungan din, isang mas dakilang karunungan kaysa sa mababang delikadong kaalaman ng mga nagkakasala. Kapag ang banal na kamangmangan sa kasamaan ay lilimitahan ang ating abilidad na magabayan ang ating sarili at ang ibang tao, diyan ang anghelikal na ministeryo, na laging nasa purong mga puso, magpupuno para diyan. At makatitiyak ka na ang mga anghel, na mga pinakapuro, ay makapagsasabi kung ano ang Mabuti at ang Masama at mapasusunod nila ang purong mga kaluluwa, na kanilang binabantayan, patungo sa makatarungan na landas at sa makatarungan na mga gawain. Ang kasalanan ay hindi nagpapalaki ng karunungan. Iyan ay hindi liwanag. Iyan ay hindi gabay. Hindi kailanman. Iyan ay kurupsiyon, iyan ay pagkasira ng isip, iyan ay kaguluhan. Kung gayon, ang gumagawa ng kasalanan, ay natitikman ang lasa nito ngunit nawawalan din ng abilidad na malasahan ang maraming ibang espirituwal na mga bagay at wala na sa kanya ng anghel ng Diyos, isang espiritu ng kaayusan at pagmamahal, upang gumabay sa kanya, sa halip, nasa kanya na ang anghel ni satanas upang dalhin siya sa mas malaki at malaki pang kawalang-kaayusan, dahil sa di-mapatahimik na kapootan na umuubos sa mala-diyablong mga espiritung ito.»

«Makinig, Guro. At kung ang isa ay gustong magkaroon muli ng paggabay ng mga anghel? Ang pagsisisi ba ay sapat na, o ang lason ba ng kasalanan ay tumatagal kahit pagkatapos na magsisi ang isa at napatawad na?... Alam Ninyo? Halimbawa, ang isa na laging naglalasing, kahit na kung siya ay manumpa na hindi na siya muli iinom, at totoong dibdiban ang panunumpa, ay laging nakararamdam na uminom. At ang isa ay naghihirap...»

«Ang isa ay tiyak na naghihirap. Iyan kung bakit ang isa ay hindi dapat kailanman maging alipin ng kasamaan. Ngunit ang maghirap ay hindi ang magkasala. Ito ay pagbabayad-sala. At sa dahilan na ang isang nagsisising lasinggo ay hindi nakagagawa ng kasalanan bagkus nagkakaroon ng mga merito kung nilalabanan niya nang may-kabayanihan ang udyok at hindi na muli umiinom, kung gayon siya na nagkasala, at nagsisisi at nilalabanan ang lahat na pang-uudyok, ay nagkakaroon ng merito at hindi magkukulang ng sobrenatural na tulong na makalaban. Hindi kasalanan ang tuksuhin. Sa kabaligtaran ito ay isang pakikipaglaban na magdadala ng tagumpay. At maniwala sa Akin, sa Diyos ay naririyan lamang ang mithiin na makapagpatawad at makatulong sa nakagawa ng kamalian ngunit pagkatapos nagsisi...»

Si Judas ay tahimik nang sandali... Pagkatapos kinuha niya ang kamay ni Jesus at hinalikan ito, nananatiling nakayuko rito: «Kagabi nalampasan ko ang limit. Ininsulto ko Kayo, Guro. Sinabi ko sa Inyo na magtatapos akong kinapopootan Kayo... Gaano ako nanlapastangan! Mapapatawad pa kaya ako kailanman?»

«Ang pinakamalaking kasalanan ay ang mawalan ng pag-asa sa awa ng Diyos... Judas, sinabi Ko: “Ang lahat ng kasalanan sa Anak ng tao ay patatawarin”. Ang Anak ng tao ay naparito upang magpatawad, magligtas, manggamot, magpasunod sa mga kaluluwa patungo sa Langit. Bakit ibig mong mawalan ng Langit? Judas, tingnan mo Ako! Hugasan mo ang iyong kaluluwa sa pagmamahal na lumalabas sa Aking mga mata...»

«Hindi ko ba Kayo naiinis?»

«Oo, naiinis mo Ako... Ngunit ang pagmamahal ay mas malakas kaysa sa inis. Judas, kaawa-awang ketongin, pinakamalaking ketongin sa Israel, halika at panawagan ang kalusugan mula sa Kanya Na makapagbibigay nito sa iyo...»

«Ibigay ito sa akin, Guro.»

«Hindi. Hindi ganyan. Walang totoong pagsisisi o matatag na kalooban diyan sa loob mo. Nariyan lamang ang kaunting pagsisikap na mapanatili ang pagmamahal para sa Akin at para sa iyong dating bokasyon. Iyan ay hindi ganap na masama. Hindi, bagkus, iyan ang unang hakbang patungo sa kabutihan. Alagaan iyan, palakihin iyan, ihugpong iyan sa sobrenatural, baguhin iyan na maging tunay na pagmamahal para sa Akin, gawin iyan na tunay na pagbabalik sa dating ikaw nang ikaw ay lumapit sa Akin, iyan man lamang! Gawin iyan na hindi pansamantala, di-aktibong emosyonal na pintig ng sentimentalismo, bagkus isang tunay na aktibong damdamin na umaakit sa iyo sa Kabutihan. Judas, Ako ay maghihintay. Makapaghihintay Ako. Magdadasal Ako. Kukunin Ko ang lugar ng iyong nainis na anghel, habang naghihintay. Ang Aking habag, tiyaga at pagmamahal ay perpekto at kung gayon mas malaki kaysa sa habag, tiyaga at pagmamahal ng mga anghel, at makapananatili Akong nasa tabi mo, sa loob ng nakasusuklam na baho ng kung ano ang nangangasim sa loob ng iyong puso, upang matulungan ka...»

Si Judas ay naantig, siya ay totoong naantig, hindi siya nagkukunwari. Na may nanginginig na mga labì at may tinig na nagawang mangatog ng kanyang emosyon, nagmumukhang maputla, nagtanong siya: «Talaga bang alam Ninyo kung ano ang aking ginawa?»

«Alam Ko ang lahat, Judas. Gusto mo bang sabihin Ko sa iyo o ipagpapaliban Ko ang kahihiyan na ito sa iyo?»

«Hindi ako... makapaniniwala rito...»

«Bueno balikan natin ang nakaraang kaunting mga araw at sabihin sa di-makapaniwalang apostol ang katotohanan. Ngayong umaga nagsinungaling ka ng ilang beses. Ang tungkol sa pera at sa kung saan ka nagpalipas ng gabi. Kagabi sinikap mong lunurin sa kahalayan ang iyong mga nararamdaman, ang iyong poot, ang paninisi ng iyong konsiyensya. Ikaw...»

«Tama na iyan! Tama na iyan! Sa ngalan ng awa, huwag nang magsalita pa! O lalayas ako sa presensya Ninyo».

«Sa kabaligtaran, kailangan mong kumapit sa Aking mga tuhod at humingi ng kapatawaran.»

«Oo, patawarin Ninyo ako, Guro! Patawarin Ninyo ako! Tulungan Ninyo ako! Ito ay mas malakas kaysa sa akin. Ang lahat ay mas malakas kaysa sa akin.»

«Maliban sa pagmamahal na kailangan na mayroon ka para sa Akin... Ngunit halika rito, na sana matulungan kita na malabanan ang tukso at mapaginhawahan ka rito.» At kinabig Niya siya sa Kanyang mga bisig lumuluha ng tahimik na mga luha sa kanyang may maitim na buhok ulo.

Ang iba, na mga ilang yarda ang layo sa likuran, ay tamang tumigil at nagkukumentaryo: «Kita n’yo?! Baka si Judas ay totoong may problema.»

«At ngayong umaga siya ay nagsalita sa Guro tungkol diyan.»

«Anong tanga! Ginawa ko sanang tuwiran ito kaagad kung ako.»

«Baka ito ay isang bagay na masakit.»

«O! Ito ay tiyak na hindi masamang asal ng kanyang ina! Siya ay isang banal na babae! Ano ang maaaring napakasakit?»

«Baka negosyong hindi maganda ang takbo...»

«Hindi! Gumagasta siya at tumutulong sa mga tao nang bigay-loob.»

«Bueno! Ito ay kanyang problema! Ang importante siya ay nakakasundo ang Guro, at tila ganyan ang kaso. Matagal-tagal na silang naguusap at nang mapayapa. Sila ngayon ay nag-aakapan... Napakabuti.»

«Oo, sapagkat lubos siyang may kakayahan at siya’y maraming mga kakilala, mabuting bagay na siya ay mabuting ang kalooban at nakakasundo natin at higit sa lahat ng Guro.»

«Si Jesus sa Hebron ay nagsabi na ang mga libingan ng makatarungan ay mga lugar kung saan ang mga himala ay nagagawa, isang bagay na ganyan... Marami sa kanila rito. Baka ang mga libingan sa Meiron ay gumawa ng isang himala para kabalisahan ni Judas.»

«O! kung gayon, siya ay magiging ganap na banal na ngayon sa sepulkro ni Hillel. Hindi ba’t nasa Giscala ito?»

«Oo, Bartolomeo.»

«bagama't nang nakaraang taon tayo ay hindi dumaan dito...»

«Hindi kataka-taka! Tayo ay nanggaling sa kabila!»

Si Jesus ay tumalikod at tinatawag sila. Sila ay tumakbo patungo sa Kanya nang malugod.

«Halikayo. Ang bayan ay malapit na. Kailangan natin na tawirin ito upang makarating sa puntod ni Hillel. Tayo ay magpatuloy sa iisang grupo» sabi ni Jesus nang walang ano pa man na karagdagang impormasyon, habang ang labing-isang apostol ay mausisang sumusulyap nang patagilid sa Kanya at kay Judas. Ang mukha ng huli ay nagmumukhang napakalma at mapagpakumbaba, at ang kay Jesus ay tiyak na hindi maningning. Siya ay solemne ngunit seryoso.

Pinasok nila ang Giscala, isang magandang malaking mabuting naaalagaan na bayan. Maaaring may isang umuunlad na sentro ng mga rabbi rito sapagkat nakakakita ako ng maraming grupo ng mga dalubhasa na may mga disipulong nakikinig sa kanilang mga leksiyon. Ang mga apostol na dumaraan at ang Guro lalo na ay nakakakuha ng atensiyon sa maraming tao at ang malaki-laking bahagi sa kanila ay sumusunod sa grupo. Ang iba ay nanunuya, ang iba tinatawag si Judas ng Kerioth. Ngunit siya ay naglalakad sa tabi ng Guro at hindi man lamang lumilingon.

Sila ay lumabas sa bayan patungo sa bahay na sa kapaligiran nito ay naroon ang sepulkro ni Hillel.

«Gaanong kapangahasan Mo!»

«Siya ay walang-pagpigil at pangahas!»

«Tayo ay Kanyang sinusubukan.»

«Tagalapastangan!»

«Sabihin sa Kanya, Uzziel.»

«Ayaw kong mahawahan. Saul, ikaw ay isa lamang estudyante, masasabihan mo Siya.»

«Hindi. Tawagin natin si Judas. Tawagin siya.»

Ang bata-pang lalaki, na ang kaninong pangalan ay Saul, isang payat na maputlang tao na may napakalaking mga mata at bunganga, ay nilapitan si Judas at nagsabi sa kanya: «Halika. Ang mga rabbi ay kailangan ka.»

«Hindi ako pupunta. Ako ay mamamalagi sa kinalalagyan ko. Hayaan akong mag-isa.»

Ang bata-pang lalaki ay bumalik sa kanyang mga panginoon at sinasabihan sila.

Sa pansamantala si Jesus, sa gitna ng Kanyang mga apostol, ay nananalangin nang mapitagan malapit sa pinturadong-puti na sepulkro.

Ang mga rabbi ay nilalapitan nang dahan-dahan ang grupo, katulad ng tahimik na mga ahas, at nagmamasid, at ang dalawang nakatatanda na may mga balbas ay hinatak ang tunika ni Judas, na, mula nang sila ay nagsama-sama upang magdasal, ay hindi na protektado ng kanyang mga kasamahan.

«Bueno, ano ang gusto ninyo?» nagtanong siya sa isang mababang tinig ngunit nagdaramdam na tinig. «Ang isa ba ay hindi pinahihintulutan na magdasal?»

«Isang salita lamang. Pagkatapos iiwanan ka namin sa kapayapaan.»

Si Simon Zealot at si Tadeo ay tumalikod at sinabihan ang maingay na mga istorbo na maging tahimik.

Si Judas ay tumabi nang ilang mga hakbang at nagtanong: «Ano ang kailangan ninyo?»

Hindi ko naririnig kung ano ang ibinubulong ng matandang lalaki sa tainga ni Judas. Ngunit kitang-kita ko ang kilos ni Judas na tumabing kusa nagsasabing: «Hindi. Hayaan ako sa kapayapaan, nalason na mga kaluluwa. Hindi ko kayo kilala, ayaw ko nang magkaroon ng kahit ano pa sa inyo.»

Ang kaparian na grupo ay nanunuyang nagkatawanan at nagbabanta: «Mag-ingat sa ginagawa mo, hangal na bata!»

«Mabuti pang mag-ingat kayo. Layas! Makalalakad kayo at sabihin sa iba pa. Ang lahat na iba pa. Naintindihan ninyo? Makalalapit kayo sa kahit sino na gusto ninyo, ngunit hindi sa akin, mga dimonyo» at iniiwan niya sila. Siya ay nagsalita nang napakalakas na ang mga apostol ay tumalikod na natulala. Si Jesus ay hindi. Ni pagkatapos ng mapanuyang mga tawanan at pananakot: «Makikita ka namin muli, Judas ni Simon! Magkikita tayo muli!» na umaalingawngaw sa katahimikan ng lugar.

Si Judas ay bumalik sa kanyang lugar, pinatabi niya si Andres na lumapit kay Jesus, at na tila ibig niyang maipagsanggalang at maprotektahan, hinawakan niya ang laylayan ng manta ni Jesus.

Ang galít na mga lalaki ay pagkatapos nagalit kay Jesus. Sila ay lumapit nananakot at sumisigaw: «Ano ang ginagawa Mo rito, Ikaw, na anathema ng Israel? Lumayas Ka! Huwag gawin ang mga buto ng makatarungan na tao, kung kanino hindi Ka karapat-dapat na lumapit, na lumikot sa libingan. Sasabihan namin si Gamaliel at gagawin Kang maparusahan.»

Si Jesus ay tumalikod at tinitingnan sila, nang isa-isa.

«Tinitingnan Mo kami nang ganyan, Ikaw na mala-dimonyo?»

«Upang matandaan nang mabuti ang inyong mga mukha at ang inyong mga puso. Sapagkat hindi lamang ang Aking mga apostol ang makakakita sa inyong muli.. Ako, rin. At ibig Kong matanda kayo nang mabuti para makilala Ko kayo kaagad.»

«Bueno: nakita Mo na ba kami? Layas. Kung si Gamaliel ay naririto, hindi Ka niya pahihintulutan na mapunta rito.»

«Ako ay naririto nang nakaraang taon kasama siya...»

«Iyan ay hindi totoo, Ikaw na sinungaling!»

«Tanungin siya, at dahil siya ay isang tapat na tao, sasabihin niya sa inyo na Ako ay naririto noon kasama siya. Minamahal Ko at pinagpipitagan si Hillel, ginagalang Ko at pinararangalan si Gamaliel. Sila ay dalawang tao na sa pamamagitan ng kanilang katarungan at karunungan ang pinagmulan ng tao ay naibubunyag, dahil napapaalalahanan nila tayo na ang tao ay ginawa sa larawan ng Diyos.»

«Kami hindi, hindi ba tayo?» pagsingit ng mga nalulukuban ng masamang espiritu.

«Ito ay napalalabo sa inyo sa pamamagitan ng mga interes at poot.»

«Makinig sa Kanya! Ganyan Siya kung magsalita at manakit sa loob ng bahay ng ibang mga tao. Lumayas Ka rito, tagapagparumi sa pinakamabubuting tao sa Israel! O kakailanganin namin na pumulot ng mga bato. Ang Roma ay wala rito upang protektahan Ka, Ikaw na nakikipag-intriga kasama ang paganong kaaway...»

«Bakit ninyo Ako kinapopootan? Bakit ninyo Ako inuusig? Ano ang mali na nagawa Ko sa inyo? Ang iba sa inyo ay nakinabang sa Akin; ang lahat ay iginalang Ko. Kung gayon bakit napakalupit ninyo sa Akin?» Si Jesus ay mababa ang kalooban, mapagpakumbaba, nasasaktan at nagmamahal. Nangungusap Siya na mahalin nila Siya.

Tiningnan nila ito bilang isang tanda ng kahinaan at takot at sila ay naging mas mainit. Ang unang bato ay lumipad dinadaplisan si Santiago ni Zebedeo, na mabilis na kumilos nang pagganti itinatapon ang bato laban sa mga nananalakay, habang ang lahat na iba pang kasamahan ni Santiago ay pinalibutan si Jesus. Ngunit sila ay labindalawa laban sa mga sandaan katao. Isa pang bato ang tumama sa kamay ni Jesus habang sinasabihan Niya ang Kanyang mga disipulo na huwag kumanti. Ang likod ng Kanyang kamay ay nasugatan at dumudugo. Ito ay tila nasugatan na ng pako...

Si Jesus pagkaraan ay itinigil ang pagdarasal. Itinuwid ang Kanyang Sarili nang mapangibabaw, tiningnan at dinudurog sila sa pamamagitan ng isang titig na pagalit. Ngunit isa pang bato ang tumama sa sentido ni Santiago ni Alfeo at ito ay nagsisimula nang dumugo.

Si Jesus ay napipilitan na ngayon na paralisahin ang kanilang pagkilos sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, upang maipagtanggol ang Kanyang mga apostol, na sa pagsunod sa Kanya, ay tinatanggap ang ulan ng mga bato nang hindi gumaganti. At nang ang mga duwag ay nagapi ng kalooban ni Jesus at ng Kanyang nakakatakot na nakapananaig na aktitud, sinabi Niya: «Ako ay aalis. Ngunit kailangan na malaman ninyo na si Hillel ay naisumpa sana kayo para sa kung ano ang inyong ginagawa. Ako ay aalis. Ngunit alalahanin na ni ang Pulang Dagat ay hindi nakapagpigil sa mga Israelita na makapagpatuloy sa daan na itinuro sa kanila ng Diyos. Ang lahat ay napatag at naging pantay na daan para sa dumaraan na Diyos. Ganyan din ang mangyayari sa Akin. Katulad na ang mga Ehipsiyo, mga Pilisteo, mga Amorreo, mga Kananeo at iba pang mga sambayanan ay hindi mapigilan ang pananagumpay na martsa ng Israel, kung gayon kayo, na mas malala pa kaysa sa kanila, ay hindi ninyo mapipigilan ang Aking martsa at misyon: ang Israel. Alalahanin kung ano ang kanilang inawit sa bubon ng tubig na ibinigay ng Diyos.: “Tumaas, o bubon, na tinabunan ng mga prinsipe at hinukay ng mga lider ng sambayanan, sa pamamagitan ng tagapagbigay ng Batas at ng kanilang mga baston”. Ako ang Bubon na iyan! Ito ay hinukay ng Langit bilang tugon sa mga panalangin at sa katarungan ng totoong mga prinsipe at mga lider ng banal na Sambayanan, na hindi kayo. Hindi. Hindi kayo. Ang Mesiyas ay hindi maaaring pumunta para sa inyo, sapagkat hindi kayo karapat-dapat sa Kanya. Sa katunayan ang Kanyang pagdating ay ang inyong kasiraan. Sapagkat nalalaman ng Kataastaasan ang lahat na naiisip ng mga tao at lagi Niya itong alam, kahit nang bago pa kay Cain, mula kung kanino kayo nanggaling, namuhay, at bago pa kay Abel, na Aking nakakatulad, bago pa kay Noah, na Aking simbolo, at bago pa kay Moses na unang gumamit ng Aking simbolo, bago pa kay Balaam na naghula tungkol sa Bituin, bago pa kay Isaiah at sa lahat na mga propeta. At nalalaman ng Diyos ang inyong mga puso at nahihintakutan sa mga ito. Lagi Siyang nahihintakutan sa mga ito katulad na Siya ay laging nagbubunyi sa mga makatarungan para sa kung kaninong kapakanan makatarungan na ipadala Ako at siyang tunay na mga humugot sa Akin mula sa mga kalaliman ng Langit, na sana mádala Ko ang buháy na tubig para sa úhaw ng mga tao. Ako ang Pinanggagalingan ng eternal na Buhay. Ngunit ayaw ninyo uminom nito. At kayo ay mamamatay.»

At Siya ay lumakad nang dahan-dahan sa gitna ng paralisadong mga rabbi at kanilang mga mag-aaral at ipinagpapatuloy ang Kanyang paglalakad, dahan-dahan, maringal, sa loob ng namamanghang katahimikan ng mga tao at mga bagay.

310512


Sunod na kabanata