341. Sa Kedesh. Ang mga Tanda ng mga Panahon.

Nobyembre 26, 1945.

Ang bayan ng Kedesh ay itinayo sa ibabaw ng isang maliit na bundok, sa isang maikling distansiya mula sa isang mahabang kabit-kabit na mga bundok, sa silanganing tabi nito, na umuunat mula hilaga hanggang timog. Ang isang kaagapay ng kabit-kabit na mga burol ay umuunat din mula hilaga hanggang timog sa kanlurang tabi naman. Ang dalawang magkaagapay na linya, bagaman, ay kumikipot nang papaloob sa gitnang bahagi nila napoporma ang isang magaspang na “X”. Sa pinakamakipot na parte, mas malapit-lapit sa silanganing kabit-kabit na mga bundok, ay naroon ang bundok sa mga dalisdis nito kung saan naitayo ang Kedesh. Ang bayan ay umuunat mula sa tuktok pababa hanggang sa halos patag na mga dalisdis at pinangingibabawan ang isang luntian na berdeng lambak, na makipot sa silangan at mas maluwang sa kanluran.

Ito ay isang magandang pinaderan na bayan, na may magagandang bahay at isang maringal na sinagoga; may isang kahanga-hangang pontanya rin na maraming mga tumitilandoy na malamig na tubig patungo sa isang lunas, mula kung saan maliliit na daloy ang umaagos patungo sa iba pang mga pontanya o, baka, upang patubigan ang mga hardin. Hindi ko alam.

Si Jesus ay pinapasok ang bayan sa isang araw ng pamamalengke ng mga tao. Ang Kanyang kamay ay wala nang bendahe, ngunit may maitim pang langib at isang malaking galos sa likuran nito. Si Santiago rin ni Alfeo ay may maliit na maitim na mapula-pulang langib sa kanyang sentido at isang malaking galos sa paligid nito. Sina Andres at Santiago ni Zebedeo, na hindi grabeng nasugatan, ay hindi nagpapakita ng tungkol sa nakaraang insidente at sila ay naglalakad nang mabilis, tumitingin sa kapaligiran, lalo na sa kanilang mga panabi at sa kanilang likuran, dahil ang mga apostol ay pumorma ng maliliit na grupo sa paligid ng Guro. Sa pag-unawa ko sila ay tumigil nang dalawa o tatlong araw sa lugar na aking binanggit kahapon o sa paligid niyon, baka upang makapagpahinga o upang makalayo nang husto sa mga rabbi, kung ang mga rabbi ay magpasyang magtungo sa mga pinakabayan, sa pag-asang mahuhuli sila na may pagkakamali at saktan sila muli. Iyan man lamang ang aking naiintindihan mula sa kanilang paguusap-usap.

«Ngunit ito ay isang siyudad na kanlungan!» sabi ni Andres.

«At maaasahan mo ba sila na irerespeto ang pagkanlong at ang kabanalan ng kahit anong lugar! Gaano ka kasimple, kapatid!» sabi ni Pedro sa kanya.

Si Jesus ay naglalakad sa pagitan ng dalawang Judas. Sina Santiago at Juan ay nasa unahan Niya, sa pinakaunahan, at sa likuran nila ay naroon ang isa pang Santiago kasama si Felipe at si Mateo. Sina Pedro, Andres at Tomas ay nasa likuran ng Guro. Si Simon Zealot at si Bartolomeo ay ang nahuhuling dalawa.

Ang lahat ay maayos ang takbo hanggang sa layo ng pamasukan ng isang magandang liwasan, ang isang may pontanya at sang sinagoga, kung saan maraming tao ang naguusap-usap tungkol sa negosyo. Ang palengke, sa halip, ay nasa ibaba pa, sa timog-kanluran ng bayan, kung saan dalawang kalsada ang nagtatagpo: ang pinaka kalsada galing sa timog, at ang kalsada kung saan si Jesus nanggaling, mula sa kanluran; ang dalawang kalsada ay nagtagpo sa ayós na anggulo at nagiging isang kalsada na lamang na pumapasok sa pamamagitan ng geyt at lumalawak ito sa pagiging isang rektanggulong liwasan., kung saan may mga asno, mga banig, mga nagtitinda, mga namimili at ang karaniwan na kagulo...

Ngunit nang narating nila ang pinakamagandang liwasan – ang puso ng bayan, sa isip ko, hindi labis dahil sa ito ay magkakapareho ang layo mula sa mga pader sa paligid, bagkus dahil ang espirituwal at pangangalakal na buhay ng Kedesh ay dito umuunlad, katulad na ganito rin ito mula sa naghaharing pusisyon nito, nasa taas ng halos lahat ng bayan, na magandang ipagsanggalang katulad ng isang muog – ang problema ay nagsimula. Katulad ng nag-aangilan na mga aso naghihintay na lapain ang walang-laban na tuta, o kung baga, katulad ng mga asong panghabol ng hayop nasa pagbabantay para sa mga bibiktimahin na kanilang naaamoy sa hangin, ang isang malaking bilang ng mga Pariseo at mga Saduseo ay nakasandal sa malapad na entrada, marangya sa mga eskultura at mga dekorasyon, ng sinagoga. Nakahalo sa kanila, upang malason sila ng lubusan, ay naroon ang isang samahan ng mga rabbi na nakita natin sa Giscala, at kasama rito ay si Uzziel. Kaagad nilang itinuro si Jesus at ang mga apostol sa isa’t isa.

«Aha! Panginoon! Naririto rin sila!» bulalas ni Juan, na kitang-kitang natatakot, tumatalikod upang makapagsalita kay Jesus.

«Huwag matakot. Magpatuloy nang walang-takot. Ngunit kung mayroon sa inyo na ang pakiramdam hindi niya mahaharap ang mga tampalasan na iyon, hayaan silang makabalik sa otel. Tiyak na gusto Kong magsalita rito, sa kanlungan na siyudad na ito ng Levita.»

Lahat sila ay tumutol: «Makapaniniwala ba Kayo na iiwanan namin Kayo nang nag-iisa?! Hayaan silang patayin kaming lahat. Kung gusto nila. Sasamahan namin Kayo.»

Si Jesus ay dumaraan sa harapan ng grupo ng kaaway at tumigil malapit sa pader ng isang hardin kung saan ang isang puno ng peras ay nagbubuhos ng puting mga bulaklak nito. Ang madilim na pader at ang maputing ulap ay pinapakita ang Kristo Na ang Kanyang labindalawang apostol nasa harapan Niya.

Si Jesus ay nagsimulang magsalita: «Halikayo at makinig sa Ebanghelyo, lahat kayo na nag-ipun-ipon dito, sapagkat ang makuha ang Kaharian ng Langit ay mas mahalaga kaysa sa negosyo at pera...» Ang Kanyang magandang malakas na tinig ay pinupuno ang liwasan at nagagawa ang mga tao na lumingon patungo sa Kanya.

«O! Iyan ay ang Galilean na Rabbi!» sabi ng isa. «Halikayo, tayo na at makinig sa Kanya. Baka gagawa Siya ng isang himala.»

At dagdag ng isa pa: «Nakita ko Siyang gumawa ng isa sa Bethginna. Gaano Siya kaganda magsalita! Wala ng katulad ng maninila na mga lawin at matalisik na mga ahas na iyon.»

Si Jesus ay kaagad napalibutan ng isang pulutong. At Siya ay nagpapatuloy sa pagsalita sa maasikasong mga tagapakinig.

«Mula sa puso ng bayan ng Levitang ito ayaw Kong paalalahanan kayo ng tungkol sa Batas. Alam Ko na ito ay nasa inyong mga puso, katulad ng kaunting mga bayan sa Israel, na napatutunayan ng kaayusan na Aking napuna rito, ng katapatan na natagpuan Ko sa mga mangangalakal mula kung kanino bumili Ako ng pagkain para sa Aking Sarili at sa Aking maliit na kawan, at ng sinagogang ito, na kasing rangya ng naaangkop sa lugar kung saan ang Diyos ay sinasamba. Ngunit sa bawat isa sa inyo ay may lugar din kung saan ang Diyos ay pinararangalan, isang lugar kung saan naroroon ang pinakabanal na mga mithiin, kung saan ang pinakamatamis na mga salita ng pag-asa ay umuugong kasama ang pinaka marubdob na mga panalangin na ang inyong pag-asa ay sana magkatotoo. Ang inyong mga kaluluwa. Ang banal na bukod-tanging lugar na nagsasalita ng tungkol sa Diyos at sa Diyos, habang naghihintay sa Pangako na magkatotoo. At ang Pangako ay nagkatotoo na. Ang Israel ay mayroon na ng Mesiyas nito, Na naghahatid sa inyo ng balita at ng katiyakan na ang panahon ng Grasya ay dumating na, na ang Panunubos ay malapit na, na ang Tagapagligtas ay kasama na ninyo, at ang walang pagkalupig na Kaharian ay nakapagsimula na. Ilang beses ninyong napakinggan ang Habakkuk! At ang mas mapagnilay-nilay sa pagitan ninyo ay bumulong: “Masasabi ko rin: ‘Gaano katagal, aking Panginoon, na ako ay kailangan na tumangis para sa tulong, habang Kayo ay hindi nakikinig?’”. Ang Israel ay matagal nang tumatangis nang ganyan. Ngunit ang Tagapagligtas ay dumating na ngayon. Ang malaking pagnanakaw, ang walang-katapusan na problema, ang kawalang-kaayusan at kawalang-katarungan na dinala ni Satanas ay malapit nang bumagsak, sapagkat ang embahador ng Diyos ay nasa punto na na ibalik ang tao sa kanyang dignidad ng anak ng Diyos at kapwa-tagapagmana ng Kaharian ng Diyos. Ating tingnan na may bagong mga mata ang hula ni Habakkuk at makikita natin na ito ay sumasaksi sa Akin, at ito ay nagsasalita na ng wika ng Ebanghelyo, na Aking dinadala sa mga anak ng Israel. Ngunit ngayon Ako ito na kailangan na tumangis: “Ang sentensiya ay ibinaba na, ngunit ang oposisyon ay nananalo”. At tumatangis Ako nang napakalungkot. Hindi labis para sa kapakanan Ko, dahil hindi Ako abot ng pantaong paghuhusga, bagkus para sa nasa oposisyon at sa gayon hinahatulan nila ang kanilang mga sarili, at para sa mga nailigaw ng mga sumasalungat. Kayo ba ay nagtataka tungkol sa Aking sinasabi? Sa pagitan ninyo ay may mga mangangalakal mula sa ibang mga bahagi ng Israel. Mapatótotohanan nila na Ako ay hindi nagsisinungaling. Hindi Ako nagsisinungaling sa pamamagitan ng pamumuhay na salungat sa kung ano ang Aking tinuturo, sa pamamagitan ng di-paggawa ng kung ano ang inaasahan ng mga tao na gagawin ng Tagapagligtas, ni hindi Ako nagsisinungaling sa pamamagitan ng pagsasabi na ang pagkataong oposisyon ay iniharap ang sarili laban sa paghuhusga ng Diyos, Na nagpadala sa Akin, at laban sa paghuhusga ng abang sinsirong mga pulutong na nakarinig sa Akin at naghusga sa Akin para sa kung ano Ako.»

Ang ilan sa mga tao sa pulutong ay bumulong: «Iyan ay totoo! Iyan ay totoo ngang talaga! Tayo ay sa sambayanan at gusto natin Siya at nalalaman natin na Siya ay banal. Ngunit sila (at tinuturo nila ang mga Pariseo at ang kanilang mga kasamahan) ay ostil sa Kanya.»

Si Jesus ay nagpapatuloy: «At dahil sa oposisyon na iyan ang Batas ay nagkakapira-piraso, at magkakapirá-piraso pa nang higit, hanggang sa ito ay alisin, upang magawa ang isang kataastaasang kamalian, na, bagaman, ay hindi tatagal. At pagpalain ang mga, na sa loob ng maikling nakakatakot na pagtigil, kung saan ang oposisyon ay lumalabas na tila siyang nananagumpay sa ibabaw Ko, ay nagpatuloy na maniwala kay Jesus ng Nazareth, sa Anak ng tao, hinulaan ng mga Propeta. Maisasagawa Ko ang pasya ng Diyos hanggang sa pinakadulo, sa pamamagitan ng pagliligtas sa lahat na mga anak ng Israel. Ngunit hindi Ko magagawa sapagkat ang mga suwail ay magtatagumpay laban sa kanilang mga sarili, laban sa kanilang sariling mas mabubuting bahagi, at katulad ng niyayapakan nila ang Aking mga karapatan at sinisiil ang mga naniniwala sa Akin, yayapakan din nila ang mga karapatan ng kanilang mga kaluluwa, na kinakailangan na mailigtas at pinipresenta kay Satanas upang maipagkait ang mga ito sa Akin.»

Ang mga Pariseo ay nagsimulang bumulong-bulong. Ngunit ang isang marangal na matandang lalaki na kalalapit pa lamang sa kinaroroonan ni Jesus, Na ngayon, nasa pagtigil nang sandali sa Kanyang talumpati, ay nagsabi: «Pakiusap. Pumasok sa sinagoga at turuan kami roon. Walang sinuman ang mas karapat-dapat na magturo kaysa sa Inyo. Ako ay si Matias, ang pangulo ng sinagoga. Halikayo, at harinawang ang Salita ng Diyos ay mapunta sa aking bahay katulad na ito ay nasa Inyong mga labì.»

«Salamat sa inyo, o makatarungan na tao ng Israel. Ang Aking kapayapaan ay sana mapunta sa inyo lagi.»

At si Jesus, sa pamamagitan ng pulutong na ibinuka ang hanay upang Siya ay makaraan at isinara muli katulad ng isang alon na sumusunod sa Kanya, ay tinatawid muli ang liwasan at pinapasok ang sinagoga, pagkatapos na madaanan ang harapan ng umaangil na mga Pariseo. Ngunit sila ay pumasok din sa sinagoga, ipinipilit nila ang kanilang daan sa pamamagitan ng paniniko nang walang pakialam. Ngunit ang mga tao ay tinitingnan sila nang di-maganda nagsasabing: «Mga tagasaan kayo? Umalis kayo at maghintay para sa Rabbi sa loob ng inyong mga sinagoga. Ito ay ang aming bahay at ayaw namin ng mga estranghero rito.» At ang mga rabbi, mga Saduseo at mga Pariseo ay kailangan na makibagay sa sitwasyon at manatiling tahimik malapit sa pamasukan upang maiwasan ang sila ay maitapon sa labas ng mga mamamayan ng Kedesh.

Si Jesus ay malapit sa pangulo ng sinagoga at sa ibang mga tao ng sinagoga; hindi ko alam kung sila ay kanyang mga anak o mga katulong. Si Jesus ay nagpapatuloy sa pagsasalita: «Sinasabi ni Habakkuk: - at gaanong mapagmahal na inaanyayahan niya kayo sa pagninilay-nilay! – “Ibaling ninyo ang inyong mga mata sa mga nasyon, tingnan, at mamangha at magulat, sapagkat may nangyari sa inyong sariling mga araw, na walang tao ang maniniwala kung siya ay sinabihan ng tungkol dito”. Kahit sa mga araw ngayon mayroon tayong pisikal na mga kaaway sa Israel. Ngunit ating iwanan ang maliit na detalye ng hula at tingnan lamang ang dakilang prediksiyon na kasama nito. Sapagkat ang mga hula ay laging may espirituwal na ibig sabihin, kahit na kung ito ay lumalabas na tila may materyal na reperensiya. Kung kaya't ang pangyayari na nangyari – at nangyari nang gayon na walang sinuman ang tatanggap nito maliban kung kumbinsido ang isa tungkol sa walang-hangganang kabutihan ng Totoong Diyos – ay na Siya ay ipinadala ang Kanyang Salita upang mailigtas at matubos ang Mundo. Ang Diyos na humiwalay sa Diyos upang iligtas ang nagkasalang nilikha. At Ako ay ipinadala para diyan. At walang kapangyarihan ng mundo ang makapagpipigil sa takbo ng Aking Pananagumpay sa mga hari at mga tirano, sa kasalanan at katangahan. Ako ay mananalo sapagkat Ako ang Nananagumpay.»

Isang mapanuyang tawa ang narinig kasama ang isang sigaw mula sa dulo ng sinagoga. Ang mga tao ay nagpoprotesta at ang pangulo ng sinagoga, na ang mga mata sarado, dahil siya ay nakalublob sa pakikinig kay Jesus, ay tumayo at nag-utos ng katahimikan, nagbabanta na ipatatapon ang mga nang-iistorbo.

«Hayaan silang magsalita. Anyayahan sila na ipaliwanag ang kanilang mga pagtutol» sabi ni Jesus sa isang malakas na tinig.

«O! Mabuti! Napakabuti! Hayaan kaming makalapit sa Inyo. Ibig namin na magtanong sa Inyo ng ilan na mga katanungan» sigaw ng nangunguntra nang panuya.

«Halika. Sambayanan ng Kedesh, hayaan silang makaraan.»

At ang pulutong, nagtatapon ng ostil na mga sulyap at ngumingiwi sa kanila – na may kasamang din ng ilan na masasamang salita – ay pinaraan sila.

«Ano ang ibig ninyong malaman?» tanong ni Jesus nang mahigpit.

«Kung gayon sinasabi Ninyo na Kayo ang Mesiyas? Nakatitiyak Ka bang talaga?»

Si Jesus, nakatayo ang mga kamay magkapatong sa Kanyang dibdib, ay tinitingnan nang may mapangibabaw na awtoridad ang lalaki na nagsalita, na ang kanyang panunuya ay kaagad nawala at siya ay naging tahimik.

«Ngunit ang isa pang lalaki ang nagpatuloy sa pagsasalita: «Hindi Ninyo kami maaasahan na maniwala sa Inyo sa Inyong salita. Ang sinuman ay makapagsisinungaling, kahit nasa mabuting hangarin. Ang isa ay nangangailangan ng mga katibayan upang maniwala. Kung gayon patunayan sa amin na Kayo ay talagang ang sinasabi Ninyo na Kayo nga.»

«Ang Israel ay puno ng Aking mga katibayan» tugon nang matalas ni Jesus.

«O! Ang mga iyon!.. Mga walang kuwenta na kahit sinong tao ay magagawa. Ang mga ito ay nagawa na at gagawin muli ng makatarungan ng Israel!» sabi ng isang Pariseo.

Ang isa pa ay nagdagdag: «Ni hindi ito tiyak na ginagawa Ninyo ito sa pamamagitan ng kabanalan at ng tulong ng Diyos! Sa katunayan sinasabi nila, at ito ay totoong kapanipaniwala, na Kayo ay tinutulungan ng Satanas. Kailangan namin ng iba pang mga katibayan. Ng isang mas mataas na lebel. Na hindi maibibigay ni Satanas.»

«Siyempre! Isang pananagumpay sa ibabaw ng kamatayan...» sabi ng isa pa.

«Nagkaroon na kayo nito.»

«Iyon ay mga kaso ng katalepsiya. Ipakita sa amin ang isang katawan na naagnas na at nabuo muli, halimbawa. Upang kami ay makatiyak na ang Diyos ay kasama Ninyo. Ang Diyos: ang Tanging Iisa Na nakapagbibigay ng buhay muli sa putik na nagiging alikabok na muli.»

«Walang sinuman kailanman ang humingi sa mga Propeta ng ganyan upang mapaniwalaan sila.»

Ang isang Saduseo ay sumigaw: «Mas mahigit pa Kayo kaysa sa isang Propeta. Kayo ay ang Anak ng Diyos, iyan man lamang ang sinasabi Ninyo!... Ah! Ah! Kung gayon bakit hindi Kayo kumikilos katulad ng Diyos? Sige na! Bigyan kami ng isang tanda!»

«Oo! Isang tanda mula sa Langit nagpapatunay na Kayo ay ang Anak ng Diyos, kami pagkatapos ay sasambahin Kayo» sigaw ng isang Pariseo.

«Sigurado iyan! Tama ka Simon! Ayaw namin na magawang muli ang kasalanan ni Aaron. Hindi kami sasamba sa isang diyus-diyusan, ang ginintuan na guya. Ngunit masasamba namin ang Kordero ng Diyos! Hindi ba Kayo ito? Maliban ng patutunayan ng Langit na Kayo nga» sabi ng isang ang pangalan ay Uzziel, na naroroon sa Giscala, tumatawang nang-iinsulto.

Ang isa pa ay sumigaw: «Hayaan akong magsalita, dahil ako ay si Sadoc, ang ginintuan na eskriba. Makinig sa akin, Kristo. Kayo ay pinangunahan ng dalawang huwad na mga Kristo. Nagsawa na kami sa mga huwad. Gusto namin ng isang tanda na Kayo nga ay ang tunay na Kristo. At kung ang Diyos ay kasama Ninyo, hindi Niya ito maipagkakait sa Inyo. At maniniwala kami sa Inyo at tutulungan namin Kayo. Kung hindi nalalaman Ninyo kung ano ang darating sa Inyo, ayon sa Kautusan ng Diyos.»

Si Jesus ay itinataas ang Kanyang nasugatan na kamay at ipinakikita ito sa Kanyang mga kausap. «Nakikita ba ninyo ang tanda na ito? Ginawa ninyo ito. Nagbanggit kayo ng karagdagan na tanda. At kapag makita ninyo ito na ginawa sa laman ng Kordero, magbubunyi kayo. Tingnan ito! Nakikita ba ninyo ito? Makikita rin ninyo ito sa Langit, kapag kayo ay humarap upang ipaliwanag ang inyong pamamaraan ng pamumuhay. Sapagkat Ako ang magiging inyong Hukom, at Ako ay mapaparoon kasama ang Aking niluwalhating Katawan, kasama ang mga tanda ng Aking ministeryo at ng inyo, ng Aking pagmamahal at ng inyong kapootan. At makikita mo rin ito, Uzziel, at ikaw, Simon, at sina Caiaphas at Annas ay makikita ito, at marami pang iba, sa Huling Araw na iyan, ang araw ng galit, ang nakatatakot na araw, at gugustuhin ninyo pagdating niyan na kayo ay nasa kalaliman, sapagkat ang tanda ng Aking nasugatan na kamay ay pahihirapan kayo nang higit pa kaysa na apoy ng Impiyerno.»

«O! Iyan ay mapaglapastangan na mga salita! Mapaparoon ka sa Langit kasama ang Inyong katawan?! Tagapaglapastangan! Magiging hukom Kayo sa lugar ng Diyos?! Anathema sa Inyo! Iniinsulto Ninyo ang Pontipise! Karapat-dapat Kayong batuhin» sigaw nang magkakasabay ng mga Pariseo, Saduseo at mga dalubhasa.

Ang pangulo ng sinagoga ay tumayong muli: nagmumukha siyang isang patriyarka at marangal sa kanyang katandaang edad, katulad ni Moses, at siya ay sumigaw: «Ang Kedesh ay isang kanlungan na siyudad at isang siyudad ng Levita. Irespeto ito...»

«Iyan ay lumang kuwento! Hindi na iyan binabale pa!»

«O! Mapaglapastangang mga dila! Kayo ay mga makasalanan, hindi Siya, at ipagsasanggalang ko Siya. Wala Siyang sinasabing mali. Ipinaliliwanag Niya ang mga Propeta at dinala Niya sa amin ang Mabuting Pangako. At kayo ay nakikialam, nanggagalit at nananakit sa Kanya. Hindi ko iyan pahihintulutan. Siya ay nasa ilalim ng pagprotekta ng matandang Matias ng lahi ni Levi sa aking ama at ni Aaron sa aking ina. Lumabas kayo at hayaan Siyang turuan ang aking katandaan na edad at ang kabataan ng aking mga anak.» At idinidikit niya ang kanyang matandang kulubot na kamay sa braso ni Jesus, isang pagkilos ng pagprotekta.

«Gawin Siyang bigyan kami ng isang tunay na tanda at makukumbinsi kami at aalis» ang ostil na grupo ay sumigaw.

«Huwag mabalisa, Matias. Ako ay magsasalita» sabi ni Jesus pinakakalma ang pangulo ng sinagoga. At kinakausap ang mga Pariseo, mga Saduseo at mga dalubhasa, sinabi Niya: «Sa gabi pinagmamasdan ninyo ang kalangitan. At kung ito ay mapula sa paglubog ng araw, sinasabi ninyo, ayon sa lumang kasabihan: “Ang panahon ay magiging maigi bukas, sapagkat napapula ng paglubog ng araw ang kalangitan”. gayon din naman sa pagsikat ng araw, kapag ang mabigat na mahamog na basang ere ay napipigilan ang araw na suminag nang kasing ningning ng ginto, sinasabi ninyo: “Magkakaroon ng bagyo bago matapos ang araw”. Kung gayon nasasabi ninyo ang hinaharap ng araw sa pamamagitan ng nagbabagu-bagong mga tanda ng kalangitan at sa pamamagitan ng mas di-namamalaging mga tanda ng mga hangin. At hindi ninyo masabi ang mga tanda ng mga panahon? Iyan ay hindi gawa ng inyong mga kaisipan at ng inyong siyensiya, at nagbibigay ng lubos na kahihiyan sa inyong mga kaluluwa at sa inyong sinasabing karunungan. Kayo ay kasama ng isang masamang mapangalunyang henerasyon, ipinanganak sa Israel sa pamamagitan ng isang kasal ng isang nakiapid sa Kasamaan. Kayo ay ang kanilang mga tagapagmana at dinadagdagan ninyo ang inyong kasamaan at pangangalunya sa pamamagitan ng pag-uulit ng kasalanan ng inyong mga ama ng kanilang pagkakamali. Bueno, makinig, Matias, at kayo, mga mamamayan ng Kedesh at sino pa man ang naririto bilang isang naniniwala o bilang isang kaaway, makinig! Ito ang hula na Aking gagawin, ng Aking sarili, sa lugar ng hula ni Habakkuk, na ibig Kong ipaliwanag sa inyo: ang masama at mapangalunyang henerasyon na ito, na humihingi ng isang tanda, ay hindi bibigyan ng kahit anong tanda bagkus ang tanda ni Jonah... Tayo na. Kapayapaan sa bawat isa na may mabuting kalooban.» At sa pamamagitan ng isang pintuan na nagbubukas patungo sa isang tahimik na kalsada sa pagitan ng mga hardin at mga kabahayan, si Jesus ay umalis kasama ang Kanyang mga disipulo.

Ngunit ang sambayanan ng Kedesh ay hindi sumusuko. Ang iba ay sinusundan Siya, at nang makita nila na pinasok Niya ang isang maliit na otel sa silanganing mga arabal ng bayan, sinabihan nila ang pangulo ng sinagoga at ang kanilang kapwa mga mamamayan. At si Jesus ay kumakain pa nang ang maaraw na bakuran ng otel ay nagsiksikan sa mga tao at ang matandang pangulo ng sinagoga at ang iba pang nakatatanda ng Kedesh ay pumunta pintuan ng silid kung saan naroroon si Jesus, at ang matanda, yumuyuko, nangungusap: «Guro, ang pagmimithi para sa Inyong salita ay nasa amin pang mga puso. Ang hula ni Habakkuk ay napakaganda, habang pinaliliwanag Ninyo ito! Ang mga nagmamahal ba sa Inyo at naniniwala sa Inyong Katotohanan ay kailangan na maiwan na walang kaalaman ng tungkol sa Inyo, dahil lamang na may ilan na mga tao na napopoot sa Inyo?»

«Hindi, ama. Hindi ito makatarungan na parusahan ang mabuti dahil sa masama. Bueno, makinig...» (at si Jesus ay tumigil sa pagkain at pumunta sa pintuan upang magsalita sa mga nag-ipun-ipon sa mapayapang bakuran).

«Ang mga salita ng inyong pangulo ng sinagoga ay pina-aalingawngaw ang mga salita ni Habakkuk. Para sa kanyang katauhan at sa inyo, ipinagtatapat niya at ipinahahayag na Ako ang Katotohanan. Si Habakkuk ay nagtatapat at nagpapahayag: “Kayo ay nasa simula’t simula at Kayo ay nasa amin at kami ay hindi mamamatay”. At magiging ganito nga ito. Siya na naniniwala sa Akin ay hindi mamamatay. Ang Propeta ay isinasalarawan Ako bilang ang Isa Na itinalaga ng Diyos na maghukom, bilang ang Isa Na ginawa ng Diyos na malakas upang makapagparusa, bilang ang Isa Na ang Kaninong mga mata ay napakadalisay upang makatingin sa kasamaan at matiis ang labis na kawalang-katarungan. At samantalang totoo na ang kasalanan ay nakauuyam sa Akin, nakikita ninyo na, bilang Ako ang Tagapagligtas, binubukas Ko ang Aking mga bisig sa mga nagsisisi gawa ng kanilang mga kasalanan. Ibinabaling Ko kung gayon ang Aking mga mata sa mga may pagkakasala at inaanyayahan Ko ang mga masasama na magsisi...

Sambayanan ng Levitical na siyudad ng Kedesh, ang siyudad na pinabanal sa pamamagitan ng proklamasyon ng karidad sa mga nakagawa ng krimen at ang bawat tao ay may pagkakasala sa Diyos, sa kanyang kaluluwa at sa kanyang kapwa lumapit kayo sa Akin, ang Kanlungan ng mga nagkasala. Dito, sa Aking pagmamahal, ni ang anathema ng Diyos ay hindi kayo hahampasin, sapagkat ang Aking nangungusap na sulyap ay babaguhin ang anathema ng Diyos na maging mga pagpapalà ng kapatawaran para sa inyo.

Makinig! Isulat ang pangakong ito sa inyong mga puso katulad na isinulat ni Habakkuk ang kanyang tiyak na hula sa isang rolyo. Ito ay nakasulat doon: “Kung ito ay dumating nang matagal, maghintay, sapagkat Siya na parating, ay darating na walang paltos”. Ngayon: Siya na parating, ay dumating na: Ako ito.

“Siya na di-makapaniwala, ay walang matuwid na kaluluwa” sabi ng Propeta at ang kanyang salita ay isinusumpa ang mga nanggagalit at nang-iinsulto sa Akin. Hindi Ko sila sinusumpa. Ngunit ang Propeta, na nakakita sa Akin sa hinaharap at naniwala sa Akin, ay isinusumpa sila. Katulad na isinasalarawan niya Ako, ang Nananagumpay, isinasalarawan din niya ang isang mapagmalaking tao, nagsasabing siya ay hindi kagalang-galang, dahil ibinubukas niya ang kanyang kaluluwa sa kasakiman at sa kawalang-kasiyahan, katulad na ang impiyerno ay sakim at walang-kasiyahan.

Ang Propeta ay nagsasabi: “Problema ang darating sa tao na garapalan na nagsasamantala ng ibang tao sa kapakanan ng kanyang sambahayan, upang maitaas ang kanyang pugad at sa gayon maiwasan ang kamay ng kamalasan”. Ang gumagawa ng ganyan ay hinahamak ang kanyang sarili at pinapatay ang kanyang sariling kaluluwa. “Problema ang darating sa tao na nagtatayo ng isang bayan sa pamamagitan ng dugo at nagtatag ng isang siyudad sa pamamagitan ng krimen.” Totoong napakarami sa Israel ang nagtatayo ng mga kastilyo ng kanilang kaimbutan sa pamamagitan ng mga luha at dugo, at naghihintay sa huling dugo upang makagawa ng mas mayaman na halo. Ngunit ano ang magagawa ng isang muog laban sa mga palaso ng Diyos? At ano ang magagawa ng isang dakot ng mga tao laban sa katarungan ng buong mundo sumisigaw para sa takot sa walang katulad na krimen?

O! Gaano kahusay na sinasabi ni Habakkuk! “Ano ang silbi ng inukit na imahen?” At ang huwad na kabanalan ng Israel ay walang iba bagkus isang ma-idolatrang estatuwa. Ang Panginoon lamang ang tanging nasa Kanyang banal na Templo at sa Kanya lamang ang lupa yuyuko at manginginig na may pagsamba at takot, habang ang ipinangakong tanda ay bibigyan ng isang unang pagkakataon at isang ikalawang pagkakataon at ang totoong Templo kung saan ang Diyos ay nagpapahinga ay tataas nang maluwalhati upang sabihin sa Langit: “Ito ay natapos na”, katulad na ito ay Kanyang naibulong sa lupa, upang malinis ito sa pamamagitan ng Kanyang pagbabalita.

“Fiat!” sabi ng Kataastaasan. At ang mundo ay nalikha. “Fiat” ang Tagapagtubos ay sasabihin, at ang mundo ay matutubos. Bibigyan Ko ang mundo ng pamamaraan na matubos. At matutubos ang mga ibig na matubos.

Ngayon tumayo. Ating bigkasin ang panalangin ng Propeta, ngunit ito ay sa dahilan na tamang bigkasin ito sa panahon na ito ng grasya:

“Napakinggan ko, o Panginoon, ang Inyong pagbabalita at ako ay nagbunyi”. Hindi na ngayon ang panahon ng takot, o mga naniniwala sa Mesiyas.

“Panginoon, ang Inyong gawain ay nasa kalagitnaan ng takbo ng mga taon, gawin itong mabuhay, sa kabila ng mga patibong ng mga kaaway. Sa kalagitnaan ng takbo ng mga taon ipadadama Ninyo ito”. Oo. Kapag kumpleto na ang panahon, ang gawain ay tatapusin.

“Ang Kanyang awa ay sisikat, sa kabila ng Kanyang galit” sapagkat ang Kanyang galit ay hahampasin lamang ang mga nagladlad ng mga lambat o naglatag ng mga patibong o nagpakawala ng mga palaso sa Kordero na Tagapagligtas.

“Mula sa Liwanag ang Diyos ay pupunta sa mundo”. Ako ang Liwanag na pumunta upang dalhin sa inyo ang Diyos. Ang Aking kaningningan ay pababahain ang lupa bumubukal nang buhos “kung saan ang tulis ng mga sungay” ay winasak ang Laman ng Biktima, ang huling tagumpay “ng Kamatayan at ni Satanas, na matatalo at lalayas sa harapan ng Nabubuhay na Banal na Isa”.

Kaluwalhatian sa Panginoon! Kaluwalhatian sa Tagapaglikha ng mundo! Kaluwalhatian sa Tagapagbigay ng araw at mga bituin!! Sa Tagagawa ng mga bundok. Sa Tagapaglikha ng mga karagatan. Kaluwalhatian, walang-hangganang Kaluwalhatian sa Mabuting Panginoon, Na ibig na mailigtas ng Kristo ang Kanyang sambayanan at matubos ang tao.

Samahan Ako, umawit kasama Ko, sapagkat ang awa ay pumunta sa mundo at ang panahon ng Kapayapaan ay malapit na. Siya Na iniuunat ang Kanyang mga kamay sa inyo, ay hinihikayat kayo na maniwala at mamuhay sa Panginoon sapagkat ang Israel ay malapit nang husgahan nang may katarungan.

Kapayapaan sa inyo na mga naririto, sa inyong mga pamilya at sa inyong mga tahanan.»

Si Jesus ay gumagawa ng malaking pagkilos pinagpapalà sila at aalis na.

Ngunit ang pangulo ng sinagoga ay pinakikiusapan Siya: «Manatili nang kaunti pa.»

«Hindi Ako makapananatili, tatay.»

«Ipadala man lamang Ninyo sa amin ang Inyong mga apostol.»

«Mapupunta sila sa inyo nang walang palya. Paalam. Humayo sa kapayapaan.»

Sila ay nag-iisa...

«Ibig kong malaman kung sino ang nagsabi sa kanila ng ating pupuntahan. Nagmumukha silang mga nigromante... » sabi ni Pedro.

Ang Iskariote ay namutla at pumunta sa harapan. Siya ay lumuhod sa paanan ni Jesus. «Guro, ako ang may kagagawan. Nagsalita ako sa nayon na iyon... sa isa sa kanila, kung kanino ako ay kanyang panauhin...»

«Ano? Iyong ba ang iyong pagpepenitensiya? Ikaw ay...»

«Manahimik, Simon ni Jonah! Ang iyong kapatid ay inaakusahan nang sinsiro ang kanyang sarili. Irespeto siya dahil sa kanyang pagkakapahiya. Huwag mag-alala, Judas. Pinatatawad kita. Alam mo na Ako ay nagpapatawad. Maging mas marunong sa susunod... At ngayon tayo na. Maglalakad tayo hanggang sa may liwanag ang buwan. Kailangan na matawid natin ang ilog bago sumikat ang araw. Tayo na. Ang kakahuyan ay nagsisimula sa banda roon. Kapwa ang mabuti at ang masama ay hindi tayo masusundan. Bukas tayo ay mapupunta sa daan na patungong Paneas.»

170510/190612

 

 


Sunod na kabanata