342. Patungong Caesarea Philippi. Ang Pangunguna ni Pedro.

Nobyembre 27, 1945.

Ang Jordan ay tinatawid ang kapatagan bago dumaloy patungo sa lawa ng Meron. Ito ay isang magandang kapatagan kung saan ang mga butil ay palakas na nang palakas ang pagtubo araw-araw at ang mga namumungang-punungkahoy ay namumulaklak. Ang mga burol kung saan naroroon ang Kedesh, ay ngayon nasa likuran na ng mga peregrino, na mga naglalakad nang mabilis sa pagsikat ng araw. Sila ay lumalabas na giniginaw, dahil pasulyap-sulyap sila sa tumataas na araw at hinahanap nila ito, nang ang mga sinag nito ay kaagad lumitaw sa mga parang at hinahaplos ang mga kadahunan. Maaaring sila ay natulog sa bukas na lugar, o pinaka maaari pa sa isang tambak ng mga dayami, sapagkat ang kanilang mga kasuutan ay may mga lukot at nagpapakita ng maliliit na piraso ng dayami at tuyong mga dahon, na kanilang inaalis habang nakikita nila ito sa liwanag, na palinaw na nang palinaw.

Ang ilog ay mapupuna sa pamamagitan ng lagukgok nito, na nagmumukhang malakas ang tunog sa tahimik na umaga sa kabukiran, at sa pamamagitan ng tanawin ng isang makapal na linya ng mga punungkahoy, na ang mga bagong dahon nito ay nanginginig sa magaang ihip ng hangin ng umaga. Ngunit hindi pa ito makikita ngayon, nakalubog katulad nito sa patag na kapatagan, bagama't baha ito gawa ng maraming agos na pumapasok dito mula sa silanganing mga burol. Nang nakikita na nila ang asul na tubig na kumikislap sa pamamagitan ng bagong kaberdehan na tanawin sa mga pampang nito, sila ay halos nasa mga pampang na.

«Maglalakad ba tayo sa pampang hanggang sa layo ng tulay, o tatawirin na natin ang ilog dito?» tinanong nila si Jesus, Na nag-iisa, nag-iisip, at ngayon nakatigil naghihintay sa kanila.

«Tingnan kung may isang bangka upang makatawid. Mas mabuti nang tumawid dito...»

«Oo, sa tulay, na nasa kalsada lamang patungong Caesarea Paneas, baka may masalubong pa tayo ng ipinadala na sumunod sa ating mga bakas» wika ni Bartolomeo nakakunot, habang tinitingnan niya si Judas.

«Hindi. Huwag mo akong tingnan. Hindi ko alam na tayo ay pupunta rito, at wala akong sinabi na kahit ano. Madaling maintindihan na mula sa Saphet si Jesus ay pupunta sa mga sepulkro ng mga rabbi at sa Kedesh. Ngunit hindi ko kailanman naisip na gusto Niyang pumunta sa kasing layo ng kabisera ni Philip. Kung gayon wala silang nalalaman tungkol dito. Kung kaya't hindi natin sila matatagpuan sa kagagawan ko o sa kanilang sariling disisyon. Maliban kung si Beelzebub mismo ang magpapasunod sa kanila» sabing kalmante at mapagpakumbaba ng Iskariote.

«Mabuti. Sapagkat sa ilan na mga tao... Kailangan natin na maging matalas ang mga mata at maingat sa pagsasalita, nang hindi sila nagkakaroon ng kahit anuman na palatandaan tungkol sa ating mga plano. Kailangan natin na tingnan ang lahat. Kung hindi ang ating pag-eebanghelyo ay magiging walang-katapusan na pagtakas» tugon ni Bartolomeo.

Sina Juan at Andres ay bumalik. Sinabi nila: «Nakakita kami ng dalawang bangka. Itatawid nila tayo para sa isang drachma sa bawat isang bangka. Bumaba tayo sa dike.»

At sila ay nakatawid sa kabila sa pamamagitan ng dalawang maliit na bangka, nang dalawang biyahe. May matabang kapatagan din sa kabilang ito, mataba ngunit hindi masyadong matao. Tanging ang mga lokal na magbubukid lamang ang naninirahan dito.

«H’m! Ano ang ating gagawin para magkaroon ng tinapay? Ako ay nagugutom. At walang Pilisteong mga tainga ng butil dito... Mga damo at mga dahon, mga dahon at mga bulaklak. Ako ay hindi isang maliit na tupa o isang pukyutan» pabulung-bulong ni Pedro sa kanyang mga kasamahan na ngumingiti sa kanyang sinabi.

Si Judas Tadeo ay tumalikod – siya ay nauuna nang kaunti – at sinabi niya: «Bibili tayo ng ilang tinapay sa susunod na nayon.»

«Maliban na hindi nila tayo gagawin na lumayas» hinuha ni Santiago ni Zebedeo.

«Ikaw, na nagsasabi na kailangan natin na tingnan ang lahat, mag-ingat kung hindi makukuha mo ang lebadura ng mga Pariseo at mga Saduseo. Sa palagay Ko iyan ang iyong ginagawa, na hindi tinitingnan ang maling ginagawa mo. Mag-ingat, maging napakaingat!» sabi ni Jesus.

Ang mga apostol ay nagkakatinginan at bumubulong: «Ano ang Kanyang sinasabi? Ang tinapay ay binigay sa atin ng babae ng bingi't pipi at ng namamahala ng otel sa Kedesh. Nasa akin pa ito ngayon. Ito na lamang ang tinapay na mayroon tayo. At hindi ko alam kung tayo ay makakakuha pa upang mapunuan ang ating gutom. Kung kaya't bakit Niya sinasabi na bibili tayo ng tinapay ng mga Saduseo at mga Pariseo na may lebadura nila? Baka ayaw Niyang bumili tayo ng kahit ano sa mga nayon dito...»

Si Jesus, Na muli nauuna sa kanilang lahat nag-iisa, ay tumalikod. «Bakit kayo natatakot na mawalan ng tinapay? Kahit na kung ang lahat na mga tao rito ay mga Saduseo at mga Pariseo, hindi kayo mawawalan ng tinapay, dahil lang sinabi Ko sa inyo na huwag bumili ng kahit ano. Hindi Ako nagsasalita ng tungkol sa lebadura na nasa tinapay. Kung kaya't makabibili kayo ng tinapay kahit saan man ninyo gusto upang mapunuan ang inyong pagkagutom. At kung walang sinuman ang magbebenta sa inyo ng kahit ano, hindi pa rin kayo mawawalan ng tinapay. Hindi ba ninyo naaalaala ang limang tinapay na sa pamamagitan nito napunuan ang pagkagutom ng limang libong tao? Hindi ba ninyo naaalaala na nakakolekta kayo ng labindalawang basket na puno ng mga tirang tinapay? Magagawa Ko para sa inyo, na labindalawa na may isang tinapay, ang ginawa Ko para sa limanlibong tao na may limang tinapay. Hindi ba ninyo naiintindihan kung alin na lebadura ang tinutukoy Ko? Ang lebadura na tumataas sa mga puso ng mga Pariseo, mga Saduseo at mga dalubhasa, laban sa Akin. Ito ay ang kapootan. Ito ay ang erehe. Kayo ay patungo na ngayon sa kapootan, na tila ang bahagi ng lebadura ng Pariseo ay nakapasok sa inyong mga puso. Ni ang inyong kaaway ay hindi kailangan na kapootan. Ni kahit ang pinakamaliit na daanan ay hindi kailangan na mabuksan sa kahit ano na hindi Diyos. Pagkatapos ng unang elemento, ang iba pang salungat sa Diyos ay papasok. Kung minsan ang isa ay mamamatay o matatalo, sapagkat ang isa ay ibig na labanan ang mga kaaway sa pamamagitan ng kaparehong mga armas. At kapag kayo ay natalo, makukuha ninyo sa pagkakadikit ang kanilang doktrina. Maging mapagkawanggawa at nagpipigil. Wala pa kayo sa pusisyon na labanan ang ganyang mga doktrina, nang hindi nahahawahan. Sapagkat mayroon din kayo ng ilan ng kanilang mga elemento. At ang kapootan ay isa sa mga ito. Sasabihan Ko rin kayo na mag-ingat na baka baguhin nila ang kanilang pamamaraan upang mahikayat kayo at maagaw kayo sa Akin, sa pagiging lubusan na magalang, nagpapakita na sila ay nagsisisi at nananabik na makipagkasundo. Kailangan na huwag ninyo silang iwasan, ngunit kapag nagsisikap sila na malagyan kayo ng kanilang mga doktrina, kailangan na tanggihan ninyo sila. Iyan ang lebadura na Aking tinutukoy. Ang masamang kalooban, na laban sa pagmamahal, at huwad na mga doktrina. Sasabihin Ko sa inyo: maging mahinahon.»

«Ang tanda na iyon na hinihingi sa Inyo kahapon ng mga Pariseo, iyon ba ay “lebadura”, Guro?» tanong ni Tomas.

«Iyon ay lebadura at lason.»

«Tama ang Inyong ginawa na hindi ito ibinibigay sa kanila.»

«Ngunit ibibigay Ko iyan sa kanila isang araw.»

«Kailan?» nagtatanong sila nang mausisa.

«Isang araw...»

«At anong tanda ito? Hindi ba Ninyo sasabihin kahit sa amin, Inyong mga apostol? Upang ito ay sana makilala namin kaagad»

«Hindi kayo kailangan na mangailangan ng isang tanda.»

«O! Ito ay hindi upang maniwala sa Inyo! Wala kaming maraming mga idea katulad na mayroon ang mga tao. Ang tanging gusto namin ay ang mahalin Kayo» sabi ni Santiago ni Zebedeo nang madamdamin.

«Ngunit ang mga tao na inyong nilalapitan sa simpleng mapagkaibigan na pamamaraan, nang higit pa sa ginagawa Ko, nang hindi sila nagagawang di mapakali, katulad ng maaaring nagagawa Ko, sino Ako sa sinasabi nila? At sino ang sinasabi nila na Anak ng tao?»

«Ang ilan ay nagsasabi na Kayo ay si Jesus, ibig sabihin ang Kristo, at sila ang pinakamagagaling. Ang ilan ay nagsasabi na Kayo ay isang Propeta, ang ilan isang Rabbi lamang, ang iba, at nalalaman Ninyo, ay nagsasabi na Kayo ay baliw at nalulukuban.»

«Ngunit ang ilan ay tinatawag Kayo sa gayon din na pangalan na ginagamit Ninyo at sinasabi nila: “Anak ng tao”.»

«At ang ilan ay nagsasabi na iyan ay hindi posible, sapagkat ang Anak ng tao ay isang ibang bagay. Ngunit iyan ay hindi laging isang pagtanggi. Sapagkat sa katunayan kinikilala nila na Kayo ay higit pa kaysa sa Anak ng tao: Kayo ay ang Anak ng Diyos. Ang iba sa halip ay nagsasabi na Kayo ay ni hindi ang Anak ng tao, bagkus isang kaawa-awang tao na pinakikilos ni Satanas o nasiraan-ng-ulo sa kabaliwan.

«Ano ang Anak ng tao, kung gayon, ayon sa mga tao?»

«Siya ay isang tao kung kanino nasa kanya ang lahat na pinaka magagandang birtud ng mga tao, isang tao na pinagkalooban ng lahat na kinakailangan ng katalinuhan, karunungan, magandang bikas, na sa aming palagay ay na kay Adan, kung saan ang iba ay nagdadagdag ng kaloob ng hindi kailangan na mamatay. Nalalaman Ninyo na mayroon nang sabi-sabi na si Juan Bautista ay hindi patay. Sinasabi nila na siya ay dinala lamang sa kung saang lugar ng mga anghel at na si Herodes, at higit sa lahat, si Herodias, upang mapigilan ang mga tao na magsabing sila ay natalo ng Diyos, ay pumatay ang isang katulong, pinugutan ito at pinakita ang putol na katawan nito nagsasabing iyon ay ang labí ni Juan Bautista. Ang mga tao ay nagsasabi ng napakaraming bagay! Napakarami ang nag-iisip na ang Anak ng tao ay si Jeremiah, o si Eliseo, o isa sa mga Propeta, o si Juan Bautista, na pinagkalooban ng grasya at karunungan at nagsasabi na siya ay ang Prekursor ng Kristo: ang Pinahiran ng langis ng Diyos. Ang Anak ng tao: isang dakilang tao, ipinanganak ng tao. Ang iba ay hindi matanggap, o ayaw na tanggapin, na ang Diyos ay ipinadala ang Kanyang Anak sa lupa. Sinabi Ninyo ito kahapon: “Tanging ang mga maniniwala lamang, ay ang mga kumbinsido ng tungkol sa walang-hangganang kabutihan ng Diyos”. Ang Israel ay mas naniniwala sa kahigpitan ng Diyos kaysa sa Kanyang kabutihan...» sabi ni Bartolomeo muli.

«Oo. Ang pakiramdaman nila sila ay lubos na di karapat-dapat na iniisip nila na imposible na ang Diyos ay naging napakabuti na ipadala ang Kanyang Salita upang iligtas sila. Ang napababang kalagayan ng kanilang mga kaluluwa ay isang hadlang sa kanila na mapaniwalaan ito» patotoo ng Zealot. At idinagdag niya: «Sinasabi Ninyo na Kayo ay ang Anak ng Diyos at ng tao. Sa katunayan sa Inyo ay lahat grasya at karunungan. At totoong iniisip ko na siya na ipinanganak kay Adan na nasa estado ng grasya, ay maaaring naging katulad Ninyo sa kagandahan at katalinuhan at sa lahat na mga birtud. Ang kapangyarihan ng Diyos ay nagniningning sa Inyo. Ngunit sino ang makapaniniwala diyan, sa pagitan ng mga na ang tingin sa kanilang mga sarili ay mga diyos at hinuhusgahan ang Diyos sa pamamagitan ng kanilang mga sukatan sa kanilang walang-hangganang pagmamalaki? Malupit, mapootin, masakim, di-puro na katulad nila, hindi nila posibleng maisip na umabot ang Diyos sa ganyang sukdulan ng kabaitan na ibigay ang Kanyang Sarili upang matubos sila, ang Kanyang pagmamahal upang mailigtas sila, ang Kanyang kabutihang-loob upang mapasakanila ang awa, ang Kanyang kadalisayan upang isakripisyo ang Kanyang buhay sa pagitan ng mga tao. Sa dahilan na sila ay napakatigas at mapunahin sa paghahanap ng mga kamalian at parusahan ito, hindi nila mapaniniwalaan iyan.»

«At sino ang sasabihin ninyo na Ako? Sabihin ninyo sa Akin ang inyong personal na opinyon, nang hindi tinitingnan ang Aking mga salita o ang mga salita ng ibang tao. Kung kayo ay mapipilitan na husgahan Ako, sino ang sasabihin ninyo na Ako?»

«Kayo ang Kristo, ang Anak ng Buháy na Diyos» bulalas ni Pedro, lumuluhod na ang kanyang mga kamay nakaunat nang pataas, patungo kay Jesus, Na tumitingin sa kanya na ang Kanyang mukha maningning sa pagmamahal at yumuyuko upang itaas at yakapin siya, nagsasabing: «Simon, anak ni Jonah, ikaw ay isang masayang tao! Sapagkat hindi ang dugo at laman ang nagbunyag nito sa iyo, bagkus ang Aking Ama sa Langit. Mula sa unang araw na sumama ka sa Akin, lagi mong itinatanong sa sarili mo ang katanungan na iyan. At dahil sa ikaw ay simple at tapat, naintindihan at tinanggap mo ang tugon na dumating sa iyo mula sa Langit. Hindi ka nakakita ng sobrenatural na mga manipestasyon katulad na nakakita ang iyong kapatid, si Juan at si Santiago. Hindi mo nalaman ang Aking kabanalan bilang anak, manggagawa, mamamayan, katulad na nalaman ng Aking mga kapatid na sina Judas at Santiago. Hindi ka nakatanggap ng kahit anong himala ni hindi mo nakita Ako na gumawa ng kahit anong himala; hindi Ako nagpakita ng tanda ng kapangyarihan sa iyo katulad ng nagpakita Ako kina Felipe, Natanael, kay Simon na Kananeo, kay Tomas at Judas na nakakita nito. Hindi ka ginapi ng Aking kalooban, katulad na ginapi si Levi ang publikano. Subalit sa kabila nito bumulalas ka: “Siya ang Kristo!”. Naniwala ka mula pa nang unang sandali mo akong nakita, at ang iyong pananampalataya ay hindi kailanman natinag. Iyan kung bakit tinawag kitang Cephas. Iyan kung bakit sa ibabaw mo, Pedro, itatayo Ko ang Aking simbahan at ang mga tarangkahan ng Impiyerno ay hindi mananalo laban dito. Ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng Kaharian ng Langit. Anuman ang iyong pagtitibayin sa lupa, ay pagtitibayin din sa Langit. At anuman ang iyong kakalagan sa lupa ay kakalagan din sa Langit, o mabait na tapat na tao, na ang kaninong puso nagawa Kong masubukan. At ngayon, mula sa sandaling ito ikaw ang ulo, kung kanino ang pagsunod at paggalang ay nararapat katulad sa isa pang Aking Sarili. At pinoproklama Ko siya na ganyan sa harapan ninyong lahat.»

Kung si Jesus ay dinurog si Pedro sa ilalim ng isang bagyo ng ulan-na-yelo ng mga paninisi, si Pedro ay hindi iiyak nang napakarami. Siya ay umiiyak at napanginginig ng mga hikbi, na ang kanyang mukha nasa dibdib ni Jesus. Ang kanyang pag-iyak ay maikukumpara lamang sa mga luha na kanyang iluluha sa kanyang kapighatian sa pagtakwil kay Jesus. Siya ngayon ay umiiyak para sa maraming mabuting mapagpakumbabang mga nararamdaman... Ang kaunti ng lumang Simon – ang mangingisda ng Bethsaida na tumawa nang di-makapaniwala at mapagpatawa sa unang pagbabalita ng kanyang kapatid nagsasabing: «Siyempre, ang Mesiyas ay magpapakita sa inyo lamang!...» - ang mabuting kaunti ng lumang Simon ay gumuguho sa ilalim ng mga luhang iyon, at mula sa kanyang naglalahong mahinang pagkataong kalikasan, si Pedro ay lumalabas, nang palinaw na nang palinaw, ang Pontipise ng Simbahan ni Kristo.

Nang kanyang itinaas ang kanyang mahiyain na napahiyang mukha, magagawa lamang niya ang isang pagkilos upang masabi ang lahat, upang maipangako ang lahat, upang mapalakas nang ganap ang kanyang sarili para sa kanyang bagong ministeryo: iniyakap niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Jesus, napipilitan si Jesus na yumuko at halikan siya, naihahalo ang kanyang matigas-tigas na nagkulay-abo na buhok at balbas sa malambot na ginintuan na buhok at balbas ni Jesus. At tinitingnan niya si Jesus sa pamamagitan ng kanyang malalaki, nagmamahal, nangungusap at sumasambang mga mata, nagniningning pa at mapula na may mga luha, hinahawakan ang asetikong mukha ng Guro, na nakayuko sa ibabaw ng kanyang sariling mukha, ng kanyang magaspang na malalaking mala-tuod na mga kamay, na tila ito ay isang plorera mula kung saan ang napaka mahalagang likido ay bumubuhos... at umiinom siya ng kabaitan, grasya, kompiyansa at lakas mula sa mukha ni Jesus, mga mata at ngiti...

Sila ay naghiwalay sa wakas, at ipinagpatuloy ang kanilang paglalakbay patungong Caesarea Philippi, at si Jesus ay nagsabi sa lahat: «Si Pedro ay nakapagsalita ng katotohanan. Marami ang hinuhulaan lang ito, nalalaman ninyo ito. Ngunit sa pansamantala, huwag sabihin sa kaninuman kung sino ang Kristo, sa ganap na katotohanan na nalalaman ninyo. Hayaan ang Diyos na magsalita sa mga puso ng mga tao, katulad na Siya ay nagsasalita sa inyo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang mga nagdadagdag ng perpektong pananampalataya at perpektong pagmamahal sa Aking mga sinasabi at ng sa inyo, ay matututunan ang totoong ibig sabihin ng mga salitang “Jesus, ang Kristo, ang Salita, ang Anak ng tao at ng Diyos”.»

180510/190612

 


Sunod na kabanata