343. Sa Caesarea Philippi.

Nobyembre 28, 1945.

Ang bayan ay maaaring katátayo pa lamang kamakailan, katulad ng Tiberias at Ashkelon. Nakalugar sa nakahilig na lupa ito ay humahantong sa isang masibong muog na maraming tore, nakaagapay ang isang napakalaking masoneriya at protektado ng malalalim na bambang kung saan dumadaloy ang bahagi ng tubig ng dalawang maliliit na ilog na sa una ay magkalapit pinoporma ang isang anggulo, pagkatapos maghihiwalay, dahil ang isa ay lalabas sa bayan at ang isa dadaloy sa tabi ng muog. Ang magandang mga kalsada, mga liwasan, mga pontanya, at mga gusali sa istilong Romano ay nagpapaunawa na rito rin ang pagkaalipin na paggalang ay nangingibabaw sa mga Tetrarka, niyuyurakan ang lahat na paggalang para sa mga kinaugalian ng Amangbayan.

Ang bayan ay abalang-abala at nagsisiksikan, baka dahil ito ay ang panagpuan ng importanteng pangunahing mga daan at ito ay daanan ng mga karabana patungong Damascus, Tyre, Saphet at Tiberias, katulad ng ipinakikita ng mga milyaheng bato sa bawat pamasukan. Ang mga naglalakad, mga nangangabayo, ang mahahabang karabana ng mga asno at mga kamelyo ay nagtatagpo sa mabuting-naaalagaan na mga kalsada, at ang mga grupo ng mga negosyante o ng mga walang-magawa ay nakatayo sa mga liwasan, sa ilalim ng mga portiko, malapit sa maringal na mga gusali, baka mayroon ding ilan na mga paliguan na may mainit na tubig, naguusap-usap ng tungkol sa negosyo o sa kawalang-magawa.

«Alam mo ba kung saan natin sila matatagpuan?» tanong ni Jesus kay Pedro.

«Oo, alam ko. Ang mga pinagtanungan ko ay nagsabi na ang mga disipulo ng Rabbi ay nagtatagpo para sa kanilang pagkain sa bahay ng ilan na matatapat na Israelita, malapit sa muog. At inilarawan nila sa akin ang bahay. Hindi ako magkakamali: ito ay isang Judiong bahay sa panlabas din, ang harapan ay walang mga bintana at may isang mataas na pinaka pintuan na may butas na silipan, sa tabi ng pader ay may maliit na pontanya, ang mataas na mga pader ng hardin ay pahaba sa dalawang tabi katabi ng dalawang daanan, at mayroon itong terasang bubungan maraming kalapati.»

«Mabuti. Tayo na kung gayon.»

Binagtas nila ang buong bayan hanggang sa layo ng muog. Nakarating sila sa bahay na kanilang hinahanap, at kumatok. Ang kulubot na mukha ng isang babae ay lumitaw sa silipan na butas.

Si Jesus ay lumapit at binati siya: «Kapayapaan sa inyo, babae. Bumalik na ba ang mga disipulo ng Rabbi?»

«Hindi, mamâ. Sila ay nasa “Great Spring” kasama ang ibang mga tao na dumating mula sa maraming bayan sa kabila ng ilog na naghahanap para sa Rabbi. Lahat sila ay naghihintay para sa Kanya. Kayo ba ay naghihintay din sa Kanya?»

«Hindi. Naghahanap Ako sa mga disipulo.»

«Bueno, tingnan: nakikita ba ninyo ang kalsada na iyon na halos katapat ng pontanya? Kunin iyan at umakyat hanggang sa makarating kayo sa harapan ng isang masibong pader na bato, mula kung saan ang tubig ay lumalabas at dumadaloy sa isang uri ng tangke at pagkatapos nagiging isang maliit na agos. Makikita ninyo sila roon. Ngunit kayo ba ay nanggaling sa malayo? Ibig ba ninyong pumasok at palamigan ang inyong sarili at maghintay sa kanila rito? Kung ibig ninyo, tatawagin ko ang aking mga panginoon. Sila ay mabubuting Israelita, alam n’yo? At sila ay naniniwala sa Mesiyas. Sila ay mga disipulo bagama't nakita lamang nila Siya nang minsan sa Herusalem, sa loob ng Templo. Ngunit ngayon ang mga disipulo ng Mesiyas ay tinuruan sila at gumawa ng mga himala rito, sapagkat...»

«Mabuti, mabuting babae. Babalik Ako saka na kasama ang mga disipulo. Kapayapaan sa inyo. Makababalik na kayo sa inyong gawaing-bahay» sabi ni Jesus nang may kabaitan ngunit may katatagan upang mapatigil ang buhos ng mga salita.

Sila ay nagpatuloy sa paglalakad at ang nakababatang mga disipulo ay tumatawa nang bigay-na-bigay sa pagganap ng babae at nagagawa nilang mapangiti din si Jesus.

«Guro» sabi ni Juan «Akala ko siya ang “Great Spring”. Hindi ba sa palagay Ninyo? Nagbubuhos siya nang walang-tigil ng mga salita at trinato tayo na mga tangke na nagiging mga agos sapagkat ang mga ito ay puno ng mga salita...»

«Oo. Sana ang mga disipulo ay hindi gumawa ng isang himala sa kanyang dila... Kakailanganin natin na magsabi: gumawa kayo ng napakalaking himala» sabi ni Tadeo, na salungat sa kanyang kinaugalian, ay tumatawa nang bigay-na-bigay.

«Magkakaroon ng sayá kapag tayo ay nakabalik at malalaman niya kung sino ang Guro! Sino ang makapagpapatahimik sa kanya?» tanong ni Santiago ni Zebedeo.

«Hindi, magugulat siya nang husto na siya ay mapipipi» sabi ni Mateo, sumasali sa paguusap ng mga nakababata.

«Pupurihin ko ang Kataastaasan, kung ang pagkagulat ay mapaparalisa ang kanyang dila. Baka ito ay dahil wala pa akong kahit na anong almusal, ngunit ang baha ng kanyang mga salita ay tiyak na nagawa akong mahilo» sabi ni Pedro.

«At gaano siyang sumigaw! Siya kaya ay bingi?» tanong ni Tomas.

«Hindi. Akala niya tayo ay bingi» tugon ng Iskariote.

«Hayaan lang ang kaawa-awang babae! Siya ay mabuti at isang naniniwala. Ang kanyang puso ay kasing mapagbigay katulad ng kanyang dila» sabi ni Jesus medyo seryoso.

«O! Guro! Kung gayon ang matandang babae ay napakamapagbigay na siya ay makabayani» sabi ni Juan tumatawa nang bigay-na-bigay.

Ang kalkaryong mabatong pader ay makikita na at ang laguklok ng tubig na bumabagsak sa tangke ay maririnig.

«Ayón ang agos. Sundan natin ito... Ayón ang bukal... at ayón... Benjamin! Daniel! Abel! Felipe! Ermasteus! Naririto kami! Ang Guro ay naririto!» sigaw ni Juan sa isang malaking grupo ng mga lalaki naipon sa paligid ng kung sino na, bagama't, hindi makita.

«Manahimik, bata, o magiging katulad ka ng matandang inahin na iyon» mungkahi ni Pedro.

Ang mga disipulo ay lumingon. Nakita nila: at ang makakita at magmadali nang pababa mula sa terasa ay lahat isang bagay. Ngayon na ang grupo ay nagbukas na ng hanay. Nakikita ko na ang mga tao mula sa Kedesh at mula sa nayon ng bingi't pipi ay sumama sa maraming disipulo, na mga nakatatanda na ngayon. Maaaring kinuha nila ang mas deretsong mga ruta, sapagkat naunahan nila ang Guro.

Ang kanilang lugod ay malaki. Ang kanilang mga katanungan at ang mga kasagutan ay napakarami. Si Jesus ay nakikinig at tumutugon nang matiyaga hanggang ang payat na si Isaac ay lumitaw ngumingiti, kargado ng mga panustos, kasama ang dalawa pang tao.

«Tayo na sa mapag-arugang bahay, aking Panginoon. At kapag naroroon na maipaliliwanag Ninyo sa amin ang hindi pa namin nakaklaro, sapagkat hindi pa namin ito mismo nalalaman... Ang mga taong ito rito, mga huling dumating – nakakasama pa lamang namin sila nang kaunting oras – ay ibig na malaman kung ano ang tanda ni Jonah, ang isang Inyong ipinangako na ibibigay sa masamang henerasyon na ito na nang-uusig sa Inyo» sabi ni Isaac.

«Ipaliliwanag Ko ito sa kanila habang naglalakad...»

Naglalakad! Ito ay hindi napakadali! Katulad ng mga pukyutan na naaakit ng amoy ng mga bulaklak na kumalat sa ere, ang mga tao ay nagmamadali mula sa lahat na direksiyon upang masamahan ang mga nakapaligid kay Jesus.

«Sila ay aming mga kaibigan» paliwanag ni Isaac. «Mga tao na naniwala at mga naghihintay para sa Inyo...»

«Mga taong nakatanggap ng mga grasya mula sa mga disipulo at mula lalo na sa kanya» sigaw ng isa sa pulutong tinuturo si Isaac.

Si Isaac ay namumula at na tila ibig niyang humingi ng paumanhin siya ay nagsabi: «Ngunit ako ay isang katulong. Siya ang Guro. Naririto ang Guro, para kung Kanino kayo ay naghihintay nang matagal. Naririto si Jesus!»

Iyon ang huling sagabal! Ang mapayapang distrito ng Caesarea, lisya ng kaunti sa daan, sa arabal na lugar, ay naging mas abala kaysa sa isang palengke. At mas maingay. Mga hosana! Mga aklamasyon! Mga pakiusap! Lahat!

Si Jesus ay nagpapatuloy nang napakabagal, napaliligiran ng labis na pagmamahal. Ngunit Siya ay ngumingiti at nagpapalâ. Nagpapatuloy Siya nang napakabagal na ang ilan na mga tao ay may panahon na humiwalay at ikalat ang balita, at pagkatapos babalik kasama ang mga kaibigan o mga kamag-anak, hawak ang kanilang mga anak nang mataas upang makarating nang ligtas malapit kay Jesus, Na humahaplos at nagpapalâ sa kanila.

Nakarating sila nang ganyan sa bahay na nakita kanina at kumatok. Ang dating matandang katulong, nang mapakinggan ang lahat na tinig, ay nagbukas nang walang pag-alinlangan. Ngunit... nakita niya si Jesus sa gitna ng nagsisigawan na pulutong, at naintindihan niya... Siya ay bumagsak sa sahig umuungol: «Maawa, aking Panginoon. Ang Inyong lingkod ay hindi Kayo nakilala at hindi Kayo sinamba!»

«Walang kapinsalaan, babae. Hindi ninyo nakilala ang lalaki, ngunit naniniwala kayo sa Kanya. Iyan ang kinakailangan upang mamahal ng Diyos. Tumayo ka at dalhin mo Ako sa iyong mga panginoon.»

Ang matandang babae ay sumunod, nanginginig sa paggalang. Ngunit nakita niya ang kanyang mga panginoon, napananaigan ng paggalang, nakasandal sa pader sa dulo ng kung baga madilim na pamasukang-bulwagan. Itinuro niya sila: «Naroroon sila.»

«Kapayapaan sa inyo at sa bahay na ito. Harinawang pagpalain kayo para sa inyong pananampalataya sa Kristo at para sa inyong karidad sa Kanyang mga disipulo» sabi ni Jesus lumalakad patungo sa dalawang matanda, na maaaring mag-asawa, o magkapatid.

Sinasamba nila Siya at pagkatapos dinala nila Siya sa maluwang na beranda kung saan ang ilan na mga mesa ay nakalatag sa ilalim ng isang mabigat na pabelyon. Ang tanawin ay umaabot sa ibabaw ng Caesarea hanggang sa layo ng mga bundok sa likuran nito at sa mga panabi nito. Ang mga kalapati ay lumilipad mula sa terasa patungo sa hardin na puno ng mga punungkahoy na nasa pamumulaklak.

Habang ang matandang katulong ay nagdadagdag ng mas marami pang lugar sa mga mesa, si Isaac ay nagpapaliwanag: «Sina Benjamin at Anna ay tinatanggap hindi lamang tayo, ngunit kung sinuman na dumating na naghahanap para sa Inyo. Ginagawa nila ang ganito sa ngalan Ninyo.»

«Harinawang pagpalain sila ng Langit sa tuwing ginagawa nila ito.»

«O! Kami ay may pamamaraan, ngunit walang mga anak. Sa katapusan ng aming mga araw, inaampon namin ang mahihirap ng Panginoon» simpleng sabi ng matandang babae.

At si Jesus ay ipinapatong ang Kanyang kamay sa ubanin na ulo nagsasabing: «At nagagawa kayo niyan na ina nang mahigit pa kaysa kung nagkaanak kayo ng pitong beses at pitong beses pa. Ngunit ngayon pahintulutan ninyo Akong ipaliwanag sa mga taong ito ang gusto nilang malaman, upang atin silang mapaalis at tayo ay makaupo sa ating pagkain.»

Ang terasa ay nagsisiksikan sa mga tao at mas marami pa ang patuloy na dumarating kinukuha ang bawat posibleng maliit na mapaglalagyan. Si Jesus ay napaliligiran ng mga bata na tumitingin sa Kanya nang lubos na nasisiyahan sa pamamagitan ng kanilang malalaking inosenteng mga mata. Ang Kanyang likod ay nakaharap sa mesa at ngumingiti Siya sa mga bata kahit na kung nagsasalita Siya tungkol sa mahalagang paksa. Tila binabasa Niya sa kanilang inosenteng mga mukha ang mga salita tungkol sa hiniling na katotohanan.

«Makinig. Ang tanda ni Jonah na Aking ipinangako sa masasama, at ipinapangako Ko rin sa inyo, hindi dahil sa kayo ay masasama, sa kabaligtaran, na sana marating ninyo ang perpeksiyon sa paniniwala kapag makita ninyo na ito ay nangyari na, ay ito.

Katulad na si Jonah ay nanatili sa tiyan ng halimaw-dagat sa loob ng tatlong araw at pagkatapos isinuka sa baybayin upang kombertihin at iligtas ang Nineveh, ganyan din ang mangyayari sa Anak ng tao. Upang pakalmahin ang malalaking alon ng malaking satanikong bagyo, ang malalakas sa Israel ay mamarapatin na kailangan na isakripisyo ang Inosente. Ngunit palalakihin lamang nito ang kanilang mga panganib, sapagkat bilang karagdagan kay Satanas na nanliligalig sa kanila, mapupunta sa kanila ang Diyos na magpaparusa sa kanila pagkatapos ng krimen. Matatalo nila ang bagyo sa pamamagitan ng paniniwala sa Akin. Ngunit hindi sila maniniwala, sapagkat nakikita nila sa Akin ang dahilan ng kanilang pagkaligalig, ng kanilang mga takot, mga panganib at pagpapabulaan sa kanilang huwad na kabanalan. Ngunit kapag dumating na ang oras, ang walang-kasiyahan na halimaw, ibig sabihin, ang mga bituka ng lupa, na lumululon sa bawat tao na namamatay, ay magbubukas upang ibalik ang Liwanag sa mundo na tumanggi rito.

Kung kaya't katulad na si Jonah ay isang tanda ng kapangyarihan at awa ng Panginoon para sa sambayanan ng Nineveh, ganyan din ang Anak ng tao magiging tanda para sa henerasyon na ito. Na may kaibahan na ang Nineveh ay nagbalik-loob sa Diyos samantalang ang Herusalem ay hindi, sapagkat puno ito ng masamang henerasyon na siyang Aking sinabi. Kung kaya't ang Reyna ng Timog ay babangon sa Katapusan ng mundo laban sa henerasyon na ito at isusumpa sila. Sapagkat siya ay dumating, sa kanyang mga araw, mula sa dulo ng mundo upang makinig sa karunungan ni Solomon, habang ang henerasyon na ito, na Ako nakakasama nila, ay hindi makinig sa Akin at inuusig at pinalalayas nila Ako na tila Ako ay isang ketongin at isang makasalanan, samantalang mas dakila pa Ako kay Solomon. Ang sambayanan din ng Nineveh ay babangon sa Katapusan ng mundo laban sa masamang henerasyon na hindi nagbabalik-loob sa Panginoon nitong Diyos, sapagkat sila ay nagbalik-loob sa Diyos sa pagtuturo ng isang tao.

At mas dakila pa Ako kaysa sa sino pa mang tao, maging ito man ay si Jonah o sino pang ibang Propeta. Ibibigay Ko kung gayon ang tanda ni Jonah sa mga humihingi ng isang tiyak na malinaw na tanda. Magbibigay Ako ng isa at isang tanda sa mga arogante na tumatangging yumuko sa mga katibayan na Akin nang ibinigay sa kanila tungkol sa mga taong bumangon mula sa kamatayan sa pamamagitan ng Aking utos. Ibibigay Ko ang lahat na mga tanda. Ang tanda ng isang naagnas na katawan na nabuhay at malusog, at ang isang tanda ng isang Katawan na bumangon sa pamamagitan nito Mismo mula sa kamatayan sapagkat ang Espiritu Nito ay pinagkalooban ng makapangyarihan na kapangyarihan, Ngunit ang mga ito ay hindi mga grasya. Hindi nito mapakikinis ang sitwasyon. Ni hindi rito, o sa eternal na mga aklat. Kung ano ang naisulat na, ay nakasulat na. At ang mga katibayan ay matatambak, katulad ng mga bato para sa paninira. Ito ay matatambak laban sa Akin, upang ipanakit sa Akin, ngunit hindi magtatagumpay. At laban sa kanila upang sila ay madurog magpakailanman sa pamamagitan ng sentensiya ng Diyos na nakalaan para sa masasamang di-maniwala.

Iyan ang tanda ni Jonah na Aking sinabi. Mayroon pa ba kayong mga katanungan na itatanong sa Akin?»

«Wala, Guro. Sasabihan namin ang aming pangulo ng sinagoga, na napakalapit sa katotohanan kapag tinitingnan ang ipinangakong tanda.»

«Si Matias ay isang makatarungan na tao. At ang Katotohanan ay binubunyag sa makatarungan katulad na iyan ay binubunyag sa inosenteng mga batang ito na nakakikilala kung sino Ako, nang mas mabuti pa kaysa sa sino pa man. Bago Ko kayo paalisin, hayaang mapakinggan Ko ang mga anghel na ito ng lupa na purihin ang awa ng Diyos. Halikayo rito, mga bata.»

Ang mga bata na kanina pa nahihirapan na manahimik magpahanggang ngayon, ay tumakbo patungo sa Kanya.

«Sabihin sa Akin, mga bata na walang malisya, ano ang Aking tanda para sa inyo?»

«Na Kayo ay mabuti.»

«Na pinagaling Ninyo ang aking ina sa pamamagitan ng Inyong Pangalan.»

«Na minamahal Ninyo ang lahat.»

«Na Kayo ay napakagandang lalaki na walang ibang lalaki ang magiging ganyan.»

«Na ginagawa Ninyo ang masasamang tao na maging mabuti, katulad ng Inyong ginawa sa aking ama.»

Ang bawat bata ay nagbibigkas ng isang nagmamahal na kakaibang katangian ni Jesus, o inaalaala ang mga paghihirap na binago ni Jesus sa pagiging mga ngiti.

Ngunit ang pinakamagiliw sa kanilang lahat ay ang isang masiglang maliit na bata, mga apat na taong gulang, na umakyat sa mga lapi ni Jesus at niyakap ang Kanyang leeg nagsasabing: «Ang Inyong tanda ay ang minamahal Ninyo ang lahat na mga bata, at ang mga bata ay minamahal Kayo. Isang pagmamahal na malaking katulad niyan...» at ibinuka niya nang maluwang ang kanyang maliit na bilugang mga braso, at tumatawa, at pagkatapos kanyang niyakap muli ang leeg ni Jesus, kinukuskos ang kanyang musmos na pisngi sa pisngi ni Jesus, Na hinahalikan siya nagtatanong: «Ngunit bakit mo Ako minamahal kung Ako ay hindi mo pa kailanman nakita noon?»

«Sapagkat kamukha Ninyo ang anghel ng Panginoon.»

«Ngunit hindi mo pa siya nakita, Aking mahal na maliit na mamâ...» sabi ni Jesus tinutukso siya at ngumingiti.

Ang bata ay nananatiling hindi makapagsalita nang sandali. Pagkatapos siya ay ngumiti pinakikita ang lahat ng kanyang maliliit na ngipin at sinabi niya: «Ngunit ang aking kaluluwa ay nakita siya! Sabi ng inay na mayroon ako nito, at ito ay naririto, at ang Diyos ay nakikita ito, at ang aking kaluluwa ay nakita ang Diyos at ang mga anghel, at nakikita sila. At ang aking kaluluwa ay kilala Kayo, sapagkat Kayo ang Panginoon.»

Si Jesus ay hinahalikan ang kanyang noo nagsasabing: «Harinawang ang halik na ito ay dagdagan sa iyo ang liwanag ng iyong talino» at ibinaba Niya siya. Ang bata ay tumakbo sa kanyang ama, nakahawak ang kanyang kamay sa kanyang noo kung saan ito hinalikan, at siya ay sumigaw: «Kay inay, kay inay! Upang sana humalik siya rito, kung saan ang Panginoon humalik, at ang kanyang tinig ay babalik sa kanya at hindi na siya iiyak pa muli.»

Ipinaliliwanag nila kay Jesus na ang ina ng bata ay naghihirap gawa ng problema sa lalamunan at nananabik nang husto na makatanggap ng isang himala; ngunit ang mga disipulo ay hindi magawang mapagaling ang kanyang sakit dahil ito ay napakalalim at hindi mahihipo.

«Ang pinakabatang disipulo, ang kanyang maliit na anak, ay pagagalingin siya. Humayo sa kapayapaan, mamâ. At magkaroon ng pananampalataya... katulad ng iyong anak» sabi Niya pinakakawalan ang ama ng bata.

Pagkatapos Kanyang hinahalikan ang iba pang mga bata na nananabik na magkaroon ng gayon ding halik sa kanilang mga noo at Kanyang pinauuwi ang mga mamamayan. Tanging ang Kanyang mga disipulo lamang, ang mga tao mula sa Kedesh at sa iba pang mga lugar ang nananatiling kasama Niya.

Habang naghihintay sa pagkain na maihain, isinasaayos ni Jesus ang pag-alis sa susunod na araw ng lahat na mga disipulo, na mauuna sa Kanya sa Capernaum, kung saan sasamahan nila ang iba na maaaring naroroon na galing sa ibang mga lugar. «Pagkatapos isasama ninyo si Salome, ang mga asawa at mga anak na babae nina Natanael at Felipe, sina Johanna at Susanna, habang nagpapatuloy kayo sa Nazareth. Kukunin ninyo ang Aking Ina roon, at ang ina ng Aking mga kapatid at dadalhin ninyo sila sa Bethany, sa bahay kung saan si Jose nakatira, sa pag-aari ni Lazarus. Kami ay darating sa pamamagitan ng Decapolis.

«At papaano si Marjiam?» tanong ni Pedro.

«Sinabi Ko: “uunahan ninyo Ako sa Capernaum”. Hindi Ko sinabi: pumunta”. Bagkus mula Capernaum magagawa ninyong masabihan ang mga babae ng ating pagdating, upang sila ay sana makapaghanda, kapag tayo ay lalakad patungong Herusalem daan ng Decapolis. Si Marjiam, na ngayon ay isa nang binata, ay sasama sa mga disipulo sinasamahan ang mga babae...»

«Ang katotohanan ay... na ibig ko rin isama ang aking asawa, kaawa-awang babae, sa Herusalem. Laging gusto niyang pumunta, ngunit hindi siya kailanman nakapunta, sapagkat ayaw ko ng kahit anong problema. Ngunit gusto ko siyang maging masaya sa taon na ito. Napakabuti niya!»

«Siyempre, Simon. Iyan ang isa pang rason sa pagpapadala kay Marjiam kasama siya. Maglalakbay tayo nang labis na dahan-dahan at tayong lahat ay magkikita roon...»

Ang matandang maybahay na lalaki ay nagsabi: «Gayong kaikling panahon sa akin?»

«Itay, marami pa Akong kailangang gawin. Ibig Kong nasa Herusalem na Ako walong araw man lamang bago ang Paskuwa. Alalahanin na ang unang pase ng buwan ng Adar ay tapos na...»

«Totoo iyan. Ngunit labis akong nagmimithi para sa Inyo!... Ako ay tila nasa liwanag ng Langit kasama Kayo rito... at ang liwanag na iyan ay mawawala kaagad kapag Kayo ay umalis.»

«Hindi, itay. Iiwanan Ko iyan sa loob ng inyong puso. Iiwanan Ko rin iyan sa inyong asawa at sa lahat na nasa loob ng mapag-arugang bahay na ito.»

Sila ay naupo sa mga mesa at si Jesus ay inaalay at pinagpapalà ang pagkain, na iniaabot ng isang katulong sa iba't ibang mesa.

180510/190612

 


Sunod na kabanata