344. Sa Kastilyo sa Caesarea Paneas.

Nobyembre 29, 1945.

Ang kainan sa mapag-arugang bahay ay tapos na. At si Jesus ay lumabas kasama ang Labindalawa, ang Kanyang mga disipulo at ang matandang maybahay na lalaki. Sila ay bumalik sa Great Spring. Ngunit hindi sila tumigil doon. Nagpatuloy sila sa sating daan, na paakyat sa lahat ng daan, pagawing hilaga.

Ang daan, bagama't napakatarik, ay komportable, sapagkat ito ay madaling madaanan din ng mga kariton at ng mga kabayo. Sa katapusan nito, sa tuktok ng bundok, ay may isang masibong kastilyo o muog, maging anuman ito, at ito ay kamangha-mangha dahil sa kapansin-pansin na hugis nito, ito ay tila dalawang gusali, na inilagay sa magkaibang lebel, upang ang nasa likuran, na mas pandigmaan na tingnan, ay mas mataas ng ilang metro kaysa sa nasa harapan, na pinaghaharian nito at ipinagsasanggalang. Sa pagitan ng dalawang gusali ay may mataas na malapad na pader na pinalakas sa pamamagitan ng kudradong mga tore ng pagtatanod, ngunit ito ay maaaring iisang gusali lamang sapagkat napalilibutan ito ng isang “ashlar” na pader, na may nakapahilis na mga ashlar sa paanan upang masuportahan ang bigat ng muog. Hindi ko makita ang kanluran na tabi. Ngunit ang hilaga at timog na mga tabi ay tuwiran ang bagsak sa bundok, na nakahiwalay at tuwid na pababa ang bagsak sa dalawang tabi. Sa palagay ko ang kanluran na tabi ay ganito rin.

Ang matandang Benjamin, na, katulad nating lahat, pinagmamalaki ang kanyang bayan, ay ipinaliliwanag ang kahalagahan ng kastilyo ng Tetrarka, na bukod sa pagiging isang kastilyo, ay isa ring muog para sa bayan, at ipinakikita niya ang kagandahan nito, ang malakas na pagkasolido nito, ang mga katangian nito katulad ng mga sisterna, mga bariles, espasyo, malawak na tanawin sa palibot, ang pusisyon, atbp. «Ang mga Romano din ay nagsasabi na ito ay maganda. At sila ay mabubuting tagahatol!... » hinuha ng matandang lalaki. Pagkatapos dinagdag niya: «Kilala ko ang tagapangasiwa. Iyan kung bakit nakakapasok ako. Ipakikita ko sa inyo ang pinakamalawak at pinakamagandang tanawin ng Palestina.»

Si Jesus ay nakikinig sa kanya nang may-kabaitan. Ang iba ay ngumingiti nang kaunti: nakakita na sila ng maraming tanawin... ngunit ang matandang lalaki ay napakabait na wala silang puso na hiyain siya at sinasang-ayunan nila siya sa kanyang mithiin na ipakita a ng magagandang bagay kay Jesus.

Narating nila ang tuktok. Ang tanawin ay totoong grande kahit mula sa entablado bago ang pinaka bakal na geyt. Ngunit ang matanda ay nagsasabi: «Halikayo... halikayo! Mas maganda ito sa loob, tayo ay pupunta sa itaas ng pinakamataas na tore sa muog... makikita ninyo...»

At pinasok nila ang isang madilim na koridor na ibinutas sa pader, na mga ilang metro ang luwang, hanggang marating nila ang isang bakuran kung saan ang tagapangasiwa ay naghihintay para sa kanila kasama ang kanyang pamilya.

Ang dalawang magkaibigan ay nagbatian at ang matandang lalaki ay nagpapaliwanag tungkol sa rason ng pagdalaw.

«Ang Rabbi ng Israel?! Anong lungkot na si Philip ay wala rito. Nananabik siyang makita Siya, sapagkat nabalitaan namin ang Kanyang katanyagan. Gustung-gusto niya ang totoong mga rabbi, sapagkat sila lamang ang nagtatanggol sa kanyang mga karapatan, at upang buwisitin si Antipas na hindi nagugusto sa kanya. Halikayo, halikayo!... Ang lalaki ay tinitingnan si Jesus nang mabuti sa una at pagkatapos nagpasya na parangalan Siya sa pagbigay sa Kanya ng isang pagyuko karapat-dapat sa isang hari.

Dumaan sila sa isa pang koridor patungo sa ikalawang bakuran kung saan may isa pang bakal na maliit na pinto na patungo sa isang pangatlong bakuran, na sa kabila nito ay may isang malalim na malaking kanal at naroon ang may-tore na pader ng muog. Mga mukha ng mausyosong mga mandirigma at mga kawal ang lumitaw kahit saan. Pinasok nila ang muog at pagkatapos, inaakyat ang isang makitid na hagdanan, narating nila ang bastyon at pagkatapos ang tore, at sila ay nagsisiksikan katulad ng sardinas, kung kaya't ang iba ay hindi makapasok at sila ay nananatili sa bastyon.

Si Jesus at ang mga nakakasama Niya ay kinalulugdan ang isang napakagandang tanawin nang sila ay lumabas sa maliit na terasa sa tuktok ng tore at dumudungaw sa ibabaw ng batong parapet! Dinudungaw ang kalaliman sa kanlurang tabing ito, ang pinakamataas na bahagi ng kastilyo, nakikita nila ang kabuuan ng Caesarea nakaunat sa paanan ng bundok, at nakikita nila ito nang mabuti, sapagkat ito ay wala sa lebel ng lupa, bagkus sa malumanay na mga dalisdis. Sa kabila ng Caesarea ay may matabang kapatagan na umaabot hanggang sa layo ng lawa ng Meron. At nagmumukha itong isang maliit na berdeng karagatan, na ang tubig nito ay kumikislap katulad ng magagaang turkesa, ikinalat sa berdeng kalaparan katulad ng mga butil ng malinaw na kalangitan. At pagkatapos naririyan ang magagandang burol, nakakalat dito at doon sa mga hangganan ng kapatagan, katulad ng mga kuwintas ng madilim na esmeralda na may mga batik ng plata ng mga punong-olibo. At ang mahanging mga balahibo ng mga punungkahoy na nasa pamumulaklak, o mga punungkahoy na nasa pamumulaklak na kasing siksik ng malalaking bola... At tumitingin sa hilaga at sa silangan naroroon ang makapangyarihang Lebanon at ang Hermon nagniningning sa araw kasama ang mala-perlas na niyebe nito at ang bundok ng Ituraea; at ang isa ay masusulyapan ang mapanaig na lambak ng Jordan, nakapaloob sa pagitan ng mga burol ng karagatan ng Tiberias at ang mga bundok ng Gaulanitis, naglalaho sa malayo katulad ng isang panaginip.

«Gaano kaganda! Ito ay napakaganda!» bulalas ni Jesus hinahangaan ang tanawin at tila pinagpapalà Niya o ibig Niyang yakapin ang magagandang lugar na ito sa pamamagitan ng pagbubuka nang malapad ng Kanyang mga bisig at ngumingiti nang malugod. At Siya ay tumutugon sa mga apostol na humihingi ng paglilinaw tungkol dito o iyon, itinuturo ang mga lugar na kanila nang pinanggalingan, ibig sabihin ang iba’t ibang rehiyon at mga direksiyon mula sa kanilang kinatatayuan.

«Ngunit hindi ko makita ang Jordan» sabi ni Bartolomeo.

«Hindi mo makita ito, ngunit iyan ay nasa banda roon, sa kalawakan na iyon, sa pagitan ng dalawang kabit-kabit na mga bundok. Ang ilog ay kaagad nasa kabila ng kanlurang mga bundok. Tayo ay pupunta roon, sapagkat ang Perea at ang Decapolis ay naghihintay pa sa Ebanghelista.»

Ngunit Siya ay lumingon, na tila Siya ay nakikinig sa ere, dahil sa isang mahabang pigíl na taghoy na Kanyang napakinggan nang hindi lang minsan. Tiningnan Niya ang tagapangasiwa, na tila upang siya ay tanungin kung ano ang nangyayari.

«Iyan ay isa sa mga babae ng kastilyo. Isang bata-pang asawa. Siya ay malapit nang manganak. Ito ay kanyang magiging una at huli sapagkat ang kanyang asawa ay namatay sa pagsimula ng buwan ng Chislev. Hindi ko alam kung siya ay mabubuhay, sapagkat mula nang mamatay ang kanyang asawa, wala siyang ginawa bagkus ang umiyak. Pinabayaan niya ang kanyang sarili na tila siya ay wala na. Napapakinggan ba Ninyo siya? Ni wala siyang lakas na umiyak... Siyempre... Isang balo sa labimpitong edad... at mahal-na-mahal nila ang isa’t isa. Ang aking asawa at ang aking biyanang babae ay laging sinasabi sa kanya: “Matatagpuan mo ang iyong Toby sa iyong anak”. Ngunit ito ay mga salita lamang...»

Sila ay bumaba mula sa tore at umikot sa mga bastyon hinahangaan ang lugar at ang tanawin. Ang tagapangasiwa pagkatapos ay namimilit na bigyan ang mga panauhin ng ilang prutas at inumin at pinasok nila ang isang malaking silid sa harapan ng kastilyo, kung saan dinadala ng mga katulong ang iniutos.

Ang panaghoy ay nagiging makabagbag-damdamin at mas malapit, at ang tagapangasiwa ay humihingi ng paumanhin dahil din ang insidente ay nagagawa ang kanyang asawa na málayo sa Guro. Ngunit ang isang sigaw, na mas masakit kaysa sa naunang panaghoy, ay ngayon narinig at ang mga kamay na may hawak ng prutas o mga kopa upang dalhin sa mga bunganga ay nabitin sa ere.

«Pupunta ako upang tingnan kung ano ang nangyari» sabi ng tagapangasiwa. At siya ay lumabas habang ang masakit na ingay ng sigaw at pag-iyak ay naririnig nang mas malinaw sa pamamagitan ng medyo nakabukas na pinto.

Ang tagapangasiwa ay bumalik: «Ang sanggol ay namatay kaagad nang ipinanganak... Anong pahirap! Sinusubukan niyang buhayin itong muli sa pamamagitan ng kanyang naglalahong lakas... Ngunit hindi na ito humihinga. Ito ay purpura na ang kulay!...» at iniiling ang kanyang ulo siya ay nagsabi: «kaawa-awang Dorca!»

«Dalhin mo sa Akin ang bata.»

«Ngunit patay na ito, Panginoon.»

«Dalhin mo sa Akin ang bata, sinabi Ko. At sabihin sa ina na magkaroon ng pananampalataya.»

Ang tagapangasiwa ay tumakbong umalis. Siya ay bumalik: «Ayaw niya itong ibigay. Sinasabi niya na hindi niya ito ibibigay sa kahit sino. Siya ay tila nababaliw. Sinasabi niya na sinusubukan natin itong kunin sa kanya.»

«Dalhin mo Ako sa pintuan ng kanyang silid, upang Ako ay kanyang makita.»

«Ngunit...»

«Hindi na bale! Mapapadalisay Ako saka na, kung kinakailangan...»

Pumunta sila nang madali sa isang madilim na koridor hanggang sa layo ng isang saradong silid. Si Jesus Mismo ang nagbukas sa pinto at nananatiling nasa pintuan na nakaharap sa higaan kung saan ang isang napakaputlang babae ay idinidikit sa kanyang puso ang isang maliit na sanggol na walang ibinibigay na tanda ng buhay.

«Kapayapaan sa iyo, Dorca. Tingnan mo Ako. Huwag umiyak. Ako ang Tagapagligtas. Ibigay mo sa Akin ang iyong sanggol...»

Hindi ko alam kung ano ang nasa tinig ni Jesus. Alam ko na ang kaawa-awang sawing-palad, nang kaagad makita Siya, ay idiniin ang bagong panganak na sanggol sa kanyang puso sa isang mailap na aktitud, pagkatapos tiningnan niya Siya at ang kanyang naghihirap na itsura ay nagbago at naging kapigha-pighati ngunit umaasa rin. Iniabot niya ang sanggol na nababalot sa linen na mga panali na lampin sa asawa ng tagapangasiwa... at nananatiling walang-galaw, na ang kanyang mga kamay nakaunat, ang mga mata puno ng pananampalataya at búhay, bingi sa mga pakiusap ng kanyang biyanan na babae, na ibig siyang pahigain.

Si Jesus ay kinuha ang bungkos ng mga lampin na naglalaman ng medyo malamig-nang bata, hinawakan ito nang tuwid sa pamamagitan ng mga kili-kili nito, inilapat ang Kanyang mga labì sa medyo nakasarang mga labì ng sanggol, yumuyuko nang kaunti sapagkat ang maliit na ulo ay nakatingala. Umiihip Siya nang malakas pababa sa walang-buhay na lalamunan... at nananatili nang sandali na ang Kanyang mga labì nakadiin sa maliit na bunganga... pagkatapos lumayo... at ang isang pagsiyap ay nanginig sa walang-galaw na ere... pagkatapos isang mas malakas pang siyap... isang ikatlo... at sa huli isang tunay na iyak mula sa maliit na nanginginig na ulo... Ang sanggol ay iginalaw ang mga kamay at paa nito at sa pansamantala sa loob ng matagal na matagumpay na iyak, ang kalbong ulo at ang munting mukha ay nagsimulang magkakulay. At ang ina nito ay iginiit: «Aking anak! Aking pagmamahal! Ang anak ng aking Toby! Sa aking puso! Halika sa aking puso!... na sana mamatay ako nang masaya...» dumadaing siya, ibinababa ang kanyang tinig sa pagiging isang bulong, na nagtatapos sa isang halik at sa isang maiintindihan na reaksiyon ng pagpapahingalay.

«Siya ay namamatay!» sigaw ng mga babae.

«Hindi. Siya ay nagsisimula nang magpahinga, ayon sa karapat-dapat sa kanya. Kapag siya ay magising sabihin sa kanya na tawagin ang sanggol: Jesai Tobias. Makikita Ko siya sa Templo sa araw ng kanyang puripikasyon. Paalam. Ang kapayapaan ay sumainyo.» Dahan-dahan Niyang isinasara ang pinto at tumalikod upang pumunta sa Kanyang mga disipulo. Ngunit silang lahat ay naroroon, labis na naantig sa kanilang nakita at tinitingnan Siya puno ng paghanga.

Bumalik silang magkakasama sa bakuran. Sila ay nagpapaalam sa natulalang tagapangasiwa, na laging inuulit: «Gaano malulungkot ang Tetrarka na siya ay wala rito!» at nagsimula silang bumaba patungo sa bayan.

200510/200612s

 


Sunod na kabanata