348. Ang Transpigurasyon at ang Pagpapagaling sa May Epilepsiya.

Disyembre 3, 1945.

Sinong tao ang hindi kailanman nakakita, kahit man lamang minsan, ng isang maliwanag na bukang-liwayway sa buwan ng Marso? Kung ang taong iyan ay naririyan, maaaring napakalungkot niya, sapagkat hindi niya nalalaman ang isa sa pinakamagandang mga panghalina ng kalikasan na lumalabas sa tagsibol, nang ito ay naging ang birhen na dalaga katulad na ang paglilikha ay maaaring naging ganito sa unang araw.

Sa gayon kagandang panghahalina, na dalisay sa bawat punto ng tanawin, magmula sa sariwang mahamog na mga yerba, hanggang sa maliliit na bulaklak na mga bumubukadkad, katulad ng mga sanggol na ipinanganganak, hanggang sa unang ngiti ng sikat ng araw, hanggang sa mga ibon na gumigising ikinakaway ang kanilang mga pakpak at binibigkas ang kanilang unang mga siyap, na nagmumukhang mga tanong at isang panimula para sa lahat ng kanilang pag-aawit na paguusap-usap, hanggang sa pinaka amoy ng ere na sa loob ng gabi ay nawalan ng lahat ng polusyon ng alikabok, usok at amoy ng mga katawan ng tao sa pamamagitan ng paglilinis ng hamog at sa ausensiya ng tao, si Jesus ay nagpapatuloy kasama ang Kanyang mga apostol at mga disipulo. Si Simon ni Alfeo ay kasama rin nila. Sila ay patungong timog, tinatawid ang mga burol na nakapaikot sa Nazareth at ang isang ilog, at naglalakad sa isang kapatagan sa pagitan ng mga burol ng Nazareth at ng isang grupo ng mga bundok sa silangan. Ang mga bundok na ito ay ang sumunod pagkaraan ng medyo tinapyasan na kono ng Tabor, na ang tuktok nito ay kakaibang napaaalalahanan ako ng tungkol sa liku-likong sumbrero ng aming mga “carabineer”, tinitingnan ang anyo ng tagiliran.

Tinitingnan nila ito. Si Jesus ay tumigil at nagsabi: Sina Pedro, Juan at Santiago ni Zebedeo ay sasama sa Akin sa pag-akyat sa bundok. Ang iba pa ay kakalat sa paanan nito, lumalakad nang grupu-grupo sa mga daan na umaagapay dito, upang ipahayag ang Panginoon. Ibig Kong makabalik sa Nazareth sa gabi. Kung kaya't huwag magpakalayu-layo. Kapayapaan sa inyo.» At kinakausap ang tatlo na tinawag, sinabi Niya: «Tayo na.» At nagsimula Siyang umakyat nang hindi na lumilingon pa ulit at sa gayon kabilis na si Pedro ay nahihirapan na makasunod sa Kanya.

Nang sila ay nagpahinga nang sandali, si Pedro, namumula at pinagpapawisan, ay tinanong Siya humihingal: «Ngunit saan tayo papunta? Walang mga bahay dito sa bundok. Sa tuktok ay naroon lamang ang lumang muog. Ibig ba Ninyong pumunta at magpahayag doon?»

«Makakapunta sana Ako mula sa kabila. Ngunit nakikita mo na nilampasan Ko ito. Hindi tayo pupunta sa muog, at ang mga nasa loob niyan, ay ni hindi tayo makikita. Ako ay ipagkakaisa sa Ama, at ibig Kong kayo ay kasama Ko, dahil minamahal Ko kayo. Halika na kayo, bilis!»

«O! Aking Panginoon! Hindi ba tayo maaaring magpatuloy nang mabagal-bagal nang kaunti, sa halip, pagusapan natin ang aming narinig at nakita kahapon, na siyang hindi nagpatulog sa amin nang magdamag upang mapagusapan ito?»

«Lagi kayong magmamadali sa mga pakikipagtagpo sa Diyos. Halika ka na, Simon. Papapagpahingahin Ko kayo roon sa itaas.» At nagpatuloy Siya sa pag-akyat...

__________________

jesus sinasabi

(Sinasabi ni Jesus: «Ilagay dito ang Transpigurasyon na nakita noon Agosto 5, 1944, ngunit wala ng diktasyon na idinagdag doon. Pagkatapos na makopya ang Transpigurasyon ng nakaraang taon, si P.M. ay kokopyahin ang Akin nang ipakikita ngayon.»).

__________________

Agosto 5, 1944.

Ako ay kasama ng aking Jesus sa isang mataas na bundok. Sina Pedro, Santiago at si Juan ay kasama ni Jesus. Umakyat sila nang mas mataas at tinitingnan ng kanilang mga mata ang mga kaligiran, na ang mga detalye nito ay kitang-kita, kahit na sa malayo, sa magandang maliwanag na araw.

Ang bundok ay hindi bahagi ng isang kabit-kabit na mga bundok katulad ng isang nasa Judaea; ito ay tumataas nang nag-iisa, na ang silangan nasa harapan, hinggil sa lugar na aming kinaroroonan, ang hilaga nasa kaliwa, ang timog nasa kanan, at sa likuran, ang kanluran, na mga sandaang hakbang ang mas kataasan. Ito ay napakataas at ang tanawin ay umaabot sa napakalawak na layo.

Ang lawa ng Gennesaret ay nagmumukhang katulad ng isang guhit ng kalangitan na bumaba upang ilagay sa berdeng lugar ng lupa, isang obalo na turkesa na napalilibutan ng mga esmeralda ng iba't ibang lalim ng kulay, isang salamin na nanginginig at nangungulubot sa malumanay na ihip ng hangin, at sa ibabaw kung saan ang mga bangka na ganap na nakaladlad ang mga panlayag ay naglalayag nang mabilis katulad ng mga tagak-dagat, medyo nakatungo sa asul na tubig, eksaktong katulad ng yumi ng isang paglipad ng isang kingfisher na humahaging sa tubig sa paghahanap ng mabibiktima. Pagkatapos may sumasanga papalabas mula sa malaking turkesa, ito ay maputlang asul kung saan ang kanal ng ilog lumalapad, at mas madilim na asul kung saan ang mga pampang ay kumikitid at ang tubig mas lumalalim at sa loob ng lilim ng mga punungkahoy na mga tumutubong mayabong malapit sa ilog. Ang Jordan ay nagmumukhang katulad ng halos tuwid na pasada ng isang bras sa kaberdehan ng kapatagan.

Ang ilang mga nayon ay nakakalat dito at doon sa tigkabilang tabi ng ilog. Ang ilan ay may iilan na mga bahay lamang, ang iba ay kung baga mas malalaki, na may sigla ng maliliit na bayan. Ang pinaka mga daan ay manilaw-nilaw na mga linya sa gitna ng kaberdehan. Ngunit dito, sa tabi ng bundok, ang kapatagan ay mas alaga at mataba at ito ay totoong maganda. Ang sari-sari at iba't ibang kulay ng ilang mga tanim ay isang pinakamagandang tanawin sa magandang sinag ng araw ng isang napakamaliwanag na araw.

Maaaring tagsibol ngayon, baka ang buwan ng Marso, kung titingnan ko ang latitud ng Palestina, sapagkat nakikita ko ang mga tanim na butil na matataas na, bagama't berde pa, umuundayong katulad ng isang asul-na-berdeng dagat at nakikita ko ang mga taluktok ng maaagang namumungang-punungkahoy denedekorasyunan ang maliit na gulayang lugar na ito ng isang bagay na katulad ng puti at rosal na mga ulap, at ang mga burol na may nakakalat na mga bulaklak ng matatas na dayami, kung saan ang mga nanginginain na mga tupa ay nagmumukhang katulad ng mga tambak ng niyebe nakakalat dito at doon sa berdeng damuhan.

Malapit lamang sa bundok, sa ibabaw ng mababang maiikling burol sa paanan nito, ay may dalawang maliliit na bayan, ang isa sa timog at ang isa pa sa hilaga. Ang pinakamatabang kapatagan ay umaabot lalo na at mas malapad sa timog.

Si Jesus, pagkatapos ng kaunting pahinga sa loob ng lamig ng lilim ng isang grupo ng mga punungkahoy, isang pahinga na Kanyang ipinagkaloob dala ng pagkaawa kay Pedro, na maliwanag na nahihirapan nang husto sa pag-akyat, ay nagpatuloy sa pag-akyat. Siya ay naglakad halos hanggang sa tuktok, kung saan may madamong maliit na kapatagan na may mga punungkahoy nang pakurba malapit sa tabi ng bundok

«Makapagpapahinga kayo, Aking mga kaibigan. Pupunta Ako sa banda roon upang magdasal.» At Kanyang itinuturo ang isang malaking bato, isang bato na nakausli sa ibabaw ng lupa at hindi malapit sa dalisdis, ngunit ito ay pasók pagawi sa tuktok.

Si Jesus ay lumuhod sa damuhan at ipinatong ang Kanyang mga kamay at ulo sa bato, sa isang porma na Kanyang gagawin din sa pagdarasal sa Gethsemane. Ang tuktok ng bundok ay pinoprotektahan Siya sa araw. Ang natitirang bahagi ng malinis na damuhan ay nakabilad sa araw hanggang sa kinaroroonan ng mga punungkahoy, kung saan ang mga apostol ay nakaupo sa loob ng lilim.

Si Pedro ay inaalis ang kanyang mga sandalyas, pinapagpag ang mga alikabok at nananatiling nakapaa, na ang kanyang pagód na mga paa nasa malamig na mga damo, halos nakahiga, na ang kanyang ulo nakapatong sa isang esmeraldang berdeng bungkos, bilang isang unan. Si Santiago ay ito rin ang ginagawa, ngunit upang maging komportable naghahanap siya ng isang punungkahoy, kung saan kanyang inilapag ang kanyang manta at pinahihingahan ang kanyang likod. Si Juan ay nananatiling nakaupo pinagmamasdan ang Guro. Ngunit ang kapanatagan ng lugar, ang sariwang ihip ng hangin, ang katahimikan at pagod ay napangibabawan din at siya at bumagsak ang kanyang ulo at mga mata. Wala sa kanila ang mahimbing ang tulog, ngunit sila ay nasa pagka-antok ng tag-init na nagpapatulingag sa mga tao.

Sila ay ginising ng isang kaningningan na nakakagulat na natatalo nito ang kaningningan ng araw at kumakalat at lumalagos kahit na sa kaliliman ng mga palumpong at mga punungkahoy kung saan naroroon ang mga apostol.

transfigurationIminulat nila ang kanilang mga mata at nagtataka sa pagkakakita kay Jesus Na nagbago ang anyo. Siya ay eksaktong katulad ng sa mga bisyon sa Paraiso. Siyempre wala Siyang mga Sugat at walang sagisag ng Krus. Ngunit ang mahestad ng Kanyang Mukha at Katawan ay iyon din, ang kaningningan ay iyon din at ang Kanyang kasuutan, ay pareho din: mula sa madilim na pula ito ay naging isang di-materyal na tela ng mga brilyante at mga perlas, kung saan Siya ay nababalot sa Langit. Ang Kanyang Mukha ay nagniningning na may sukdulan na sideral na liwanag kung saan ang Kanyang sapirong mga mata ay sumisinag. Siya ay nagmumukhang mas mataas, na tila ang pagluluwalhati sa Kanya ay dinagdagan ang Kanyang taas. Hindi ko masabi kung ang kaningningan, na nagagawa nito kahit na ang maliit na kapatagan na maging posporesente, ay lumalabas lahat mula sa Kanya, o kung ang Kanyang Sariling kaningningan ay humahalo sa kaningningan ng lahat na liwanag ng Sansinukuban at ng Langit na itinutok sa Kanya. Ang masasabi ko lamang ito ay isang bagay na hindi maisasalarawan.

Si Jesus ngayon ay nakatayo na, sasabihin Ko na Siya ay nakaangat mula sa lupa, sapagkat sa pagitan Niya at ng berdeng parang ay may katulad ng isang nagliliwanag na usok, isang espasyo na ang laman lamang ay liwanag kung saan Siya tila nakatayo. Ngunit ito ay napakaningning na ako ay maaaring nagkakamali, at ang katotohanan na hindi na ako nakakakita ng berdeng damo sa ilalim ng Kanyang mga paa ay maaaring dahil sa maningning na liwanag na nanginginig at umaalon, katulad ng madalas makita sa mga siga. Ito ay isang kaputiang-niyebeng nagbabagang liwanag. Si Jesus ay nakatingin sa kalangitan at ngumingiti sa isang bisyon na nagpapaligaya sa Kanya nang labis.

Ang mga apostol ay halos natatakot at tinatawag nila Siya, dahil Siya ay labis na nagbago ang anyo na Siya ay hindi na lumalabas na siyang kanilang Guro. «Guro. Guro» tumatawag sila sa mababang tinig, puno ng kabalisahan.

Hindi Siya nakaririnig.

«Siya ay nasa katalikan ng kagalakan» sabi ni Pedro nanginginig. «Ano kaya ang Kanyang nakikita?»

Ang tatlo ay ngayon nakatayo na. Ibig nilang lapitan si Jesus, ngunit hindi sila maglakas-loob.

Ang liwanag ay lumalakas pa lalo dahil sa dalawang liwanag na bumababa mula sa kalangitan at pumuwesto sa mga panabi ni Jesus. Nang sila ay pumirmi sa patag na lugar, ang kanilang mga talukbong ay nagbukas at dalawang mahestuwusong pigura ang lumitaw. Ang isa ay mas nakatatanda kaysa sa isa, na may mahigpit na hitsura, at mayroon siyang naghihiwalay-nang-patulis na balbas. Dalawang mga sungay ng liwanag ang sumisinag mula sa kanyang noo at nagagawa akong maintindihan ito na ito ay si Moses. Ang isa ay payat, balbasin at mabuhok, halos nakakatulad si Juan Bautista, na aking sasabihin na nakakahawig niya sa taas, kapayatan, hitsura at kahigpitan. Habang ang liwanag na lumalabas kay Moses ay puti, katulad ng kay Jesus, lalo na kung tungkol sa mga sinag na lumalabas sa kanilang mga noo, ang liwanag mula kay Elijah ay katulad ng matingkad na apoy ng araw.

Ang Dalawang Propeta ay kinukuha ang isang mapagpitagan na aktitud sa harapan ng kanilang Diyos Na Nagkatawang-Tao at bagama't nagsasalita Siya sa kanila na may kasanayan, hindi nila inaalis ang kanilang mapagpitagan na aktitud. Hindi ko maintindihan kahit isa sa mga salitang kanilang sinasabi.

Ang tatlong apostol ay bumagsak sa kanilang mga tuhod nanginginig at tinatakpan ang kanilang mga mukha sa pamamagitan ng kanilang mga kamay. Gusto nilang tumingin, ngunit sila ay natatakot. Sa wakas si Pedro ay nagsalita: «Guro, makinig sa akin.» Si Jesus ay tumalikod ngumingiti sa Kanyang Pedro, na lumakas ulit ang loob at nagsabi: «Napakagandang mapunta rito kasama Kayo, si Moses at si Elijah. Kung iibigin Ninyo, gagawa tayo ng tatlong tolda, isa para sa Inyo, isa para kay Moses at isa para kay Elijah, at lalagi kami rito upang paglingkuran kayo...»

Si Jesus ay tinitingnan siya muli at ngumingiti nang mas mainit. Tinitingnan din Niya si Juan at si Santiago. Isang sulyap na isang nagmamahal na yakap. Sina Moses at Elijah din ay tumititig sa tatlo. Ang kanilang mga mata ay kumikislap ng apoy. Maaaring katulad ito ng mga sinag na lumalagos sa mga puso.

Ang mga apostol ay hindi na mangahas na magsalita pa. Takot na katulad nila, sila ay naging tahimik. Kamukha nila ang isang nalasing sa lugod, katulad ng mga tao na natataranta. Ngunit nang ang isang talukbong na hindi ulap, o isang ulap, o isang sinag, ang bumalot sa Tatlong Personahe sa likuran ng isang tabing na mas maningning pa kaysa sa nakapaikot sa kanila dati, at naitatago sila mula sa paningin ng mga apostol, ang isang malakas na magandang Tinig ang narinig pinupuno ang ere, ang tatlo ay yumuko na ang kanilang mga mukha nasa damuhan.

«Ito ang Aking pinakamamahal na Anak, kung Kanino Ako ay lubos na naliligayahan. Makinig sa Kanya.»

Si Pedro, sa pagkakabagsak sa kanyang mukha, ay bumulalas: «Maawa sa akin, isang makasalanan! Ito ay ang Kaluwalhatian ng Diyos na bumababa!» Si Santiago ay hindi bumibigkas ng isang salita. Si Juan ay bumubulong na may buntung-hininga, na tila siya ay hihimatayin: «Ang Panginoon ay nagsasalita!»

Kahit na nang nagkaroon ng total na katahimikan muli, wala sa kanila ang maglakas-loob na itaas ang kanilang mga ulo. Sa gayon ni hindi nila makita na ang liwanag ay bumalik na sa natural na kalagayan ng liwanag ng araw at na si Jesus ay nag-iisa at naging ang dating Jesus nakasuot ng Kanyang pulang manta. Siya ay naglalakad patungo sa kanila ngumingiti, hinipo sila at tinawag sa kanilang mga pangalan. «Tumayo kayo. Ako ito. Huwag matakot» sabi Niya, sapagkat ang tatlo ay hindi nangangahas na itaas ang kanilang mga mukha at nakikiusap ng awa para sa kanilang mga kasalanan, natatakot na ang Kordero ng Diyos ay ibig silang ipakita sa Kataastaasan. «Tumayo na kayo, ngayon. Inuutusan Ko kayo» pag-ulit ni Jesus nang mariin. Tumingala sila at nakikita si Jesus na ngumiti.

«O! Guro, aking Diyos!» bulalas ni Pedro. «Papaano na kami makapamumuhay malapit sa Inyo, ngayon na nakita na namin ang Inyong Kaluwalhatian? Papaano na kami makapamumuhay sa gitna ng mga tao at sa gitna namin mismo, dahil kami ay mga makasalanan, at napakinggan na namin ang Tinig ng Diyos?»

«Kailangan ninyong mamuhay sa tabi Ko at makita ang Aking kaluwalhatian hanggang sa katapusan. Maging karapat-dapat niyan sapagkat malapit na ang panahon. Sundin ang Aking Ama at ninyo. Bumalik na tayo sa pagitan ng mga tao sapagkat Ako ay naparito upang manatili sa kanila at dalhin sa kanila ang Diyos. Tayo na. Maging banal, malakas at matapat sa pag-alaala ng oras na ito. Babahagi kayo sa Aking mas dakilang kaluwalhatian. Ngunit huwag magsalita ngayon sa kaninuman tungkol sa inyong nakita. Ni huwag sabihan ang inyong mga kasamahan. Kapag ang Anak ng tao ay nakabangon na mula sa kamatayan at nakabalik na sa kaluwalhatian ng Ama, diyan kayo magsasalita. Sapagkat kinakailangan na maniwala pagdating niyan, upang makabahagi sa Aking Kaharian.»

«Ngunit si Elijah ba ay hindi kailangan na dumating upang maihanda ang mga tao para sa Inyong Kaharian? Ganyan ang sinasabi ng mga rabbi.»

«Si Elijah ay dumating na upang ihanda ang daan para sa Panginoon. Ang lahat ay nangyayari katulad ng ito ay ibinunyag. Ngunit ang mga nagtuturo tungkol sa Pagbubunyag ay hindi alam at hindi ito naiintindihan, ni hindi nila makita o makilala ang mga tanda o ang mga mensahero ng Diyos. Si Elijah ay nakabalik na nang minsan. Siya ay babalik sa ikalawang beses kapag ang huling panahon ay malapit na upang ihanda ang huli para sa Diyos. Siya ay dumating upang ihanda ang una para sa Kristo, at ang mga tao ay tumangging kilalanin siya, pinahirapan nila siya at pinatay. Iyan din ang kanilang gagawin sa Anak ng tao, sapagkat ang mga tao ay ayaw na kilalanin ang makabubuti para sa kanila.»

Ang tatlo ay itinungo ang kanilang mga ulo at naging nag-iisip at malungkot habang binababa ang bundok kasama si Jesus sa daan na kanilang dinaanan pag-akyat.

--------------------

(Disyembre 3, 1945).

... At ito ay si Pedro ulit na nagsasabi, habang tumitigil sa kalahatian ng daan: «Ah! Panginoon! Sasabihin ko rin ang sinabi ng Inyong Ina kahapon: “Bakit ginawa Ninyo iyon sa amin?», at sasabihin ko rin: “Bakit sinabi Ninyo iyon sa amin?” Ang Inyong huling mga salita ay sinira nito sa loob ng aming mga puso ang lugod ng maluwalhating tanawin! Ito ay naging isang dakilang araw ng takot! Una kami ay natakot ng dakilang liwanag na gumising sa amin, iyon ay mas malakas pa kaysa sa tila ang buong bundok ay umaapoy, o ang buwan ay tila bumaba upang mapaliwanagan ang kapatagan sa harapan namin; pagkatapos ang pagkakakita sa Inyo at ang Inyong pag-angat mula sa lupa na tila Kayo ay lilipad nang paalis. Ako ay natakot na Kayo, bilang nasusuklam sa kasamaan ng Israel, ay babalik sa Langit, baka dahil sa utos ng Kataastaasan. Pagkatapos natakot ako nang makita ko si Moses na lumitaw, dahil ang mga tao noong kanyang panahon ay hindi makatingin sa kanya nang walang talukbong, napakaningning ang repleksiyon ng Diyos na sumisinag sa kanyang mukha, at siya noon ay isa pa lamang tao, samantalang ngayon siya ay isa nang pinagpalang espiritu punung-puno ng Diyos, at si Elijah... Dibinong Awa! Akala ko dumating na ako sa aking huling sandali, at ang lahat ng kasalanan ng aking buhay, mula pa nang ako ay bata pa at madalas magnakaw ng prutas sa maliit na silid, hanggang sa pinakahuling kasalanan, nang nakaraang mga araw binigyan ko Kayo ng maling payo, ay bumalik sa aking isip. At nanginginig sa takot nagsisi ako! Pagkatapos nagkaroon ako ng pagka-intindi na ang dalawang makatarungan na taong iyon ay nagugustuhan ako... at nangahas akong magsalita. Ngunit kahit na ang kanilang pagmamahal ay natatakot ako, sapagkat hindi ako karapat-dapat ng pagmamahal ng gayong mga espiritu. At pagkatapos!... Ang pinaka nakapanghihilakbot sa lahat ng mga takot! Ang tinig ng Diyos!... Si Jehovah ay nagsalita! Sinabi Niya sa amin: “Makinig sa Kanya!”. Kayo! At prinoklama Niya Kayo: “Ang Kanyang minamahal na Anak sa kung Kanino Siya ay lubos na nasisiyahan”. Anong takot! Si Jehovah!... sa amin!... Tiyak na iyon ay ang Inyo lamang na kapangyarihan na kami ay nanatiling buháy!... Nang hinipo Ninyo kami, at ang Inyong mga daliri ay umaapoy katulad ng mga dulo ng apoy, nagkaroon ako ng huling takot. Akala ko dumating na ang oras kung kailan ako huhusgahan at na ang Anghel ay hinipo ako upang dalhin ang aking kaluluwa sa Kataastaasan... Ngunit papaano ang Inyong Ina nakakakita... nakakarinig... at nabubuhay, sa oras na iyon na Inyong sinabi sa amin kahapon, at hindi namamatay., at Siya ay nag-iisa, isang bata-pang dalaga, na wala Kayo?»

«Si Maria, ang Imakulada, ay hindi maaaring matakot sa Diyos. Si Eba ay hindi natatakot, habang siya ay inosente. At Ako ay naroroon. Ako, ang Ama at ang Espiritu Santo, Na nasa Langit at nasa lupa at nasa kahit saan, at Na ang aming Tabernakulo ay nasa loob ng puso ni Maria» sabi ni Jesus nang malumanay.

«Gaano kaganda!... Ngunit pagkaraan nagsalita Kayo ng tungkol sa kamatayan... At ang aming lugod ay natapos... Ngunit bakit ang lahat na iyon para lamang sa aming tatlo? Hindi ba’t mas mabuti na ibigay ang bisyon ng Inyong kaluwalhatian sa lahat?»

«Dahil lamang nasisiraan kayo ng pag-iisip kapag napapakinggan ninyo Akong nagsasalita ng tungkol sa kamatayan ng Anak ng tao, at kamatayan sa pamamagitan ng pagpapahirap, ang Tao-Diyos ay nagpasyang palakasin kayo para sa oras na iyan at para sa hinaharap, sa pamamagitan ng nauunang kaalaman kung magiging ano Ako pagkatapos ng Kamatayan. Tandaan ang lahat na iyan, upang masabi ninyo sa mga tao sa tamang panahon... Naintindihan ba ninyo?»

«O! oo, Panginoon. Hindi posibleng makalimutan iyan. At ito ay magiging labis na walang silbi na sabihan ang mga tao. Sasabihin nila na kami ay mga “lasing”.»

Pinagpapatuloy nila ang kanilang paglalakad pababa patungo sa lambak. Ngunit nang makarating sila sa isang punto, kinuha ni Jesus ang napakatarik na tabing landas patungong Endor, ibig-sabihin sa pasalungat na direksiyon patungo kung saan iniwan Niya ang mga disipulo.

«Hindi natin sila makikita» sabi ni Santiago. Ang araw ay nagsisimula nang lumubog. Mag-iipun-ipon sila kung saan Ninyo sila iniwan, naghihintay para sa Inyo.»

«Halikayo at huwag mag-alala tungkol sa mga katangahang pag-iisip.» Sa katunayan, kung saan nagbubukas ang mga kakahuyan patungo sa isang damuhang lugar na pababa nang malumanay hanggang sa layo ng pinakadaan, nakita nila sa paanan ng bundok ang buong grupo ng mga disipulo, na mga balisang-balisa at kasama nila ang ilan na mga usyosong naglalakbay at ilan na mga eskriba na mga nanggaling kung saan na hindi ko alam.

«Aha! Mga Eskriba!... At sila ay nagtatalu-talo na!» sabi ni Pedro tinuturo sila. At nilakad niya ang huling kaunting mga metro na pinanghihinaan ng loob.

Ngunit ang mga apostol din sa ibaba roon ay nakita na rin sila at itinuro nila sila sa isa’t isa at pagkatapos nagsimula silang tumakbo patungo kay Jesus sumisigaw: «Papaano nangyari, Guro, na Kayo ay naririto? Pupunta na sana kami sa itinakdang lugar. Ngunit kami ay napigilan ng isang pakikipagdiskusyon sa mga eskriba at ng mga panawagan ng isang nag-aalalang ama.»

«Ano ang inyong pinagdidiskusyunan?»

«Pinagtatalunan namin ang tungkol sa isang nilukuban na lalaki At mga eskriba ay pinagtatawanan kami sapagkat hindi namin magawa na mapalaya siya. Si Judas ng Kerioth ay sinubukan nang ilang beses gawa ng sama-ng-loob. Ngunit walang nangyari. Kung kaya't sinabi namin sa kanila: “Subukan ninyo mismo”. Sila ay tumugon: “Kami ay hindi mga tagapagpalayas ng dimonyo”. Ang ilan na mga tao na dumarating mula sa Caslot-Tabor ay nagkataon na dumaan at kabilang sa kanila ang dalawang tagapagpalayas ng dimonyo. Ngunit sila ay hindi rin nagtagumpay. Naririto ang ama dumarating upang panawagan Kayo. Makinig sa kanya.»

Ang isang lalaki sa katunayan ay lumapit nananawagan at siya ay lumuhod sa harapan ni Jesus, Na nasa pababa pang burol at kung gayon mga tatlong metro ang kataasan sa daan at kitang-kitang ng lahat.

Ang lalaki ay nagsabi sa Kanya: «Guro, pumunta ako sa Capernaum kasama ang aking anak, naghahanap sa Inyo. Dinala ko ang aking di-masayang anak sa Inyo, na sana Inyo siyang mapalaya, dahil nagpapalayas Kayo ng mga dimonyo at pinagagaling Ninyo ang lahat na sakit. Siya ay madalas na nilulukuban ng isang piping espiritu. Kapag kinukuha siya nito, siya ay bagkus sumisigaw nang paos, katulad ng isang hayop na nabubulunan. Ang espiritu ay tinatapon siya sa lupa, kung saan siya gugulong nagngangalit ang mga ngipin, bumubulâ katulad ng isang kabayo na kagat-kagat ang bokado, o kanyang sasaktan ang kanyang sarili, o magpapakalunod o susunugin o bubugbugin ang sarili, sapagkat ang espiritu ay higit pa sa minsan itinapon siya sa tubig, sa apoy o sa hagdanan.

Si Jesus ay umaapoy sa Kanyang kamahalan habang Siya ay sumisigaw: «O buktot na henerasyon, o makadimonyong pulutong, rebeldeng hukbo, di-maniwala at malupit na sambayanan ng Impiyerno, gaano Ako katagal na kailangan mapahalo sa inyo? Gaano Ako katagal na kailangan na tiisin kayo?» Siya ay labis na makapangibabaw na nagkaroon ng lubos na katahimikan kaagad at ang mga panunuya ng mga eskriba ay tumigil.

Si Jesus ay sinabi sa ama: «Tumayo at dalhin sa Akin dito ang inyong anak.»

Ang mamâ ay umalis at bumalik na may kasamang ibang mga lalaki at sa gitna ng grupo ay may isang batang lalaki mga labindalawa o labing-apat na taong gulang. Siya ay isang guwapong bata, ngunit nagmumukhang kung baga tanga, na tila siya ay naguguluhan. May isang mahabang mapulang sugat sa kanyang noo at sa ilalim nito isang lumang peklat. Nang makita niya kaagad si Jesus Na tumititig sa kanya sa pamamagitan ng Kanyang magnetikong mga mata, siya ay sumigaw nang paos at ang kanyang buong katawan ay namilipit nang nanginginig at siya ay bumagsak sa lupa bumubula ang bibig at gumugulong ang balintatao ng kanyang mga mata, upang tanging ang puti ng mga bola lamang ang makikita, habang gumugulong siya sa lupa kaparehas ng may epilipsiya.

Si Jesus ay naglakad nang mga ilang hakbang upang mapalapit sa kanya at nagsabi: «Kailan pa iyan nangyayari sa kanya? Magsalita sa isang malakas na tinig, upang ang lahat ay sana mapakinggan ka.»

At habang ang mga pulutong ay mas sumisiksik at ang mga eskriba tumataas kaysa sa kinatatayuan ni Jesus upang mangibabaw sa eksena, ang lalaking sumisigaw ay nagsabi: «Mula pa nang siya ay maliit na bata. Sinabi ko sa Inyo: madalas siyang bumagsak sa apoy, sa tubig o sa hagdanan o mula sa mga punungkahoy, sapagkat ang espiritu ay bigla na lamang siyang inaatake at tinatapon siya sa paligid upang patayin siya. Siya ay puno ng mga peklat at mga páso. Masuwerte siya na ang apoy ng paapuyan ay hindi siya binulag. Walang doktor, walang tagapagpalayas-ng-dimonyo, ni kahit ang Inyong mga disipulo ang makagamot sa kanya. Ngunit Kayo, kung, ayon sa matatag kong paniniwala, may magagawa, maawa sa amin at tulungan kami.»

«Kung nakapaniniwala kayo nang ganyan, ang lahat ay posible, sapagkat ang lahat ay ipinagkakaloob sa mga naniniwala.»

«O! Panginoon, ako ay naniniwala! Ngunit kung ako ay hindi naniniwala nang sapat, dagdagan ang aking pananampalataya, upang ito ay sana maging kumpleto at sana kamtin ko ang himala» sabi ng mamâ umiiyak, habang siya ay lumuluhod sa tabi ng kanyang anak, na ang kaninong pagkukumbulsiyon ay lumala.

Si Jesus ay itinutuwid ang Kanyang sarili, umatras nang dalawang hakbang, at habang ang nakapaikot na pulutong ay papalapit nang papalapit, Siya ay sumigaw nang malakas: «Isinumpang espiritu, na gumawa sa batang ito na maging bingi at pipi at nagpapahirap sa kanya, inuutos Ko sa iyo: lumabas sa kanya at huwag na muling bumalik pa sa kanya!»

Ang bata, bagama't nakahiga sa lupa, ay umiktad nang nakakatakot, bumaluktot ang likod na ang mga paa at ulo nasa lupa, sumigaw ng di-pagiging tao na sigaw; at pagkatapos ng huling iktad, siya ay tumalikod, bumagsak na ang mukha nasa lupa humahampas ang noo at bunganga sa isang malaking bato na nakausli sa damuhan, na nagkaroon ng dugo, at nanatili siyang walang galaw.

«Siya ay patay na!» marami ang sumigaw. «kaawa-awang bata!», «kaawa-awang ama!» sabi ng mas mabubuting tao kinaaawaan siya. At ang mga eskriba, nanunuya ay nagsabi: «Napagsilbihan kayo nang mabuti ng Nazareno!» o: «Guro, papaanong nangyari? Pinahamak Kayo ni Beelzebub ngayon...» at sila ay tumatawa nang mapanikis.

Si Jesus ay hindi tumutugon sa kahit sino. Ni hindi sa ama, na pinaikot nang paharap ang kanyang anak at pinupunas ang dugo sa kanyang noo at mga labì, umuungol at nananawagan kay Jesus. At ang Guro ay yumuko, kinuha ang bata sa kamay. At ang bata ay ibinukas ang mga mata na may malalim na buntung-hininga, na tila siya ay gumigising mula sa pagkatulog, umupo at ngumiti. Si Jesus ay inilapit siya sa Kanyang Sarili, ginawa siyang tumayo at iniabot sa kanyang ama, habang ang mga pulutong ay nagsisigawan nang nananabik, at ang mga eskriba ay tumakbong tumatakas hinahabol ng panunuya ng pulutong...

«At ngayon tayo na» sabi ni Jesus sa Kanyang mga disipulo. At pagkatapos na mapaalis ang mga pulutong umikot Siya sa tabi ng bundok patungo sa daan kung saan Siya nanggaling noong umaga.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«At dito mailalagay ni P.M. ang komentaryo tungkol sa bisyon ng Agosto 5, 1944 (copybook A 930) nagsisimula sa mga salitang: “Hindi kita pinipili para sa pakay lamang na malaman mo ang kalungkutan at ang mga kapighatian ng iyong Guro. Ang nakapananatiling kasama Ko na bumabahagi sa Aking kapighatian ay kailangan na bumahagi din sa Aking kaluwalhatian”. At ikaw, Aking matapat na munting Juan, ay magpahinga, sapagkat karapat-dapat kang talaga nito. Harinawang ang Aking kapayapaan ay magdala ng kapayapaan sa iyo.»

__________________

(Agosto 5, 1944).

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«(... ). Hindi kita pinipili para sa pakay lamang na malaman mo ang kalungkutan at ang mga kapighatian ng iyong Guro. Ang nakapananatiling kasama Ko na bumabahagi sa Aking kapighatian ay kailangan na bumahagi din sa Aking lugod.

Kapag ikaw ay nasa harapan ng iyong Jesus at pinakikita Niya ang Kanyang Sarili sa iyo, ibig Kong magkaroon ka ng gayon ding mga pakiramdam ng kababaang-loob at pagsisisi katulad ng nagkaroon ang Aking mga apostol. Hindi ka kailanman dapat maging mapagmalaki. Mapaparusahan ka sa pamamagitan ng pagkawala Ko. Kailangan na lagi mong isasaisip kung sino Ako at kung sino ka. Kailangan na lagi mong alalahanin ang iyong mga diperensiya at ang Aking perpeksiyon upang ang iyong puso ay sana malinis ng pagsisisi. Ngunit kailangan na magtiwala ka sa Akin nang labis din.

Sinabi Ko: “Huwag matakot. Tumayo. Tayo na. Pumunta na tayo sa pagitan ng mga tao, sapagkat Ako ay naparito upang makasama sila. Maging banal, malakas at matapat sa pag-alaala sa oras na ito”. Sinasabi Ko rin ang ganyan sa iyo at sa lahat na Aking paborito sa pagitan ng mga tao, sa mga nakakasama Ako sa espesyal na paraan.

Huwag matakot sa Akin. Pinapakita Ko ang Aking sarili sa inyo upang itaas kayong lahat, hindi upang sunugin kayo.

Tumayo: harinawang ang lugod ng regalo ay mabigyan kayo ng enerhiya at huwag hayaan na mapapurol nito ang inyong mga isip sa pamamagitan ng kasiyahan ng pagiging tahimik, tinitingnan ang inyong mga sarili na ligtas na dahil pinakita Ko sa inyo ang Langit.

Lumakad tayong magkakasama sa pagitan ng mga tao. Inanyayahan Ko kayo sa mahigit-pa-sa-tao na mga gawain sa pamamagitan ng mga mahigit-pa-sa-tao na mga bisyon at mga leksiyon, upang kayo ay sana maging mas malaking tulong sa Akin. Ginagawa Ko kayo na mga kasosyo sa Aking gawain. Ngunit hindi Ako kailanman nagkaroon at wala Ako kailanman ng isang minuto ng kapahingahan. Sapagkat ang Kasamaan ay hindi kailanman nagpapahinga at ang Kabutihan ay kailangan na maging laging aktibo upang mapawalang-bisa ang gawain ng Kaaway hangga’t maaari. Tayo ay magpapahinga kapag ang Panahon ay nagawa na. Ngayon tayo ay kailangan na magpatuloy nang walang-kapaguran. Kailangan na magtrabaho tayo nang walang-tigil at isakripisyo ang ating mga sarili nang walang pagpipigil para sa ani ng Diyos.

Harinawang ang Aking patuloy na pakikipag-ugnayan ay mapabanal kayo. Harinawang ang Aking patuloy na pagtuturo mapalakas kayo at harinawang ang Aking magiliw na pagmamahal para sa inyo ay magawa kayong matapat laban sa lahat ng mga patibong. Huwag maging katulad ng mga lumang rabbi na nagtuturo ng Pagbubunyag ngunit hindi ito pinaniniwalaan, hanggang sa punto na hindi makilala ng mga tanda ng panahon at ang mga mensahero ng Diyos. Tiyakin na makilala ang mga prekursor ng Kristo sa Kanyang ikalawang pagdating, sapagkat ang mga puwersa ng Antikristo ay nagmamartsa at, gumagawa ng isang pagpapaliban sa limitasyon na itinalaga Ko sa Aking Sarili, dahil alam Ko na kayo ay umiinom sa ilang katotohanan hindi sa pamamagitan ng isang sobrenatural na espiritu bagkus dala ng pagka-uhaw para sa pantaong pag-uusyoso, sasabihin Ko sa inyong totoo na ang iniisip ng maraming tao na pananagumpay laban sa Antikristo, ang kapayapaan na malapit na, ay magiging isang pagtigil lamang nang sandali upang mabigyan ang Kaaway ng Kristo ng panahon na makakuha ng bagong lakas, maasikaso ang kanyang mga sugat at maipon ang kanyang sandatahang-lakas para sa isang mas mabangis na pakikipaglaban.

Sa dahilan na kayo ang mga “tinig” ng inyong Jesus, ng Hari ng mga Hari, ng tapat at makatotohanang hari na naghuhukom at lumalaban nang may katarungan at tatalunin ang Halimaw at ang kanyang mga katulong at mga propeta, tiyakin na alam ninyo ang inyong Kabutihan at sundan ito magpakailanman. Gawin na walang huwad na hitsura ang makapangrahuyo sa inyo, gawing walang pang-uusig ang makapanakot sa inyo. Gawin ang inyong mga “tinig” na ulitin ang Aking mga salita. Gawin na ang inyong mga buhay ay deboto sa gawaing ito. At kung sa lupa kinailangan ninyong bumahagi sa kapalaran ng Kristo, katulad ng Kanyang Prekursor at ni Elijah, isang madugong kapalaran o isang kapalaran na nakapailalim sa moral na pagpapahirap, ngumiti sa hinaharap na ligtas na kapalaran na kalulugdan ninyo kasama ang Kristo, kasama ang Kanyang Prekursor at ang Kanyang Propeta.

Tayo ay magiging magkakapareho sa ating gawain, sa ating kapighatian, sa ating kaluwalhatian. Dito Ako ang Guro at ang Halimbawa. Doon Ako ang magiging Gantimpala at ang Hari. Ang mapunta Ako sa inyo ay ang inyong kabanalan. Mangangahulugan ito na kinalilimutan ang kapighatian. Ito ay magiging kung ano na wala pang pagbubunyag ang sasapat upang magawa kayong makaintindi, sapagkat ang lugod sa hinaharap na buhay ay magpahanggang ngayon superyor sa posibilidad ng imahinasyon ng isang nilikhang tao na nakakabit pa sa isang katawang tao.»

050610/2920612/012913

 



Sunod na kabanata