349. Leksiyon sa mga Disipulo pagkatapos ng Transpigurasyon.

Disyembre 4, 1945.

Sila ay nasa bahay na muli sa Nazareth: o, mas eksakto, sila ay nakakalat sa terasa ng mga punong-olibo, naghihintay na makaalis at makapagpahinga. At nagsindi sila ng maliit na siga upang maliwanagan ang gabi, sapagkat ngayon ay madilim na at ang buwan ay huli ang pagtaas. Ngayon ay mainit na gabi, «napakainit pa nga» sabi ng mga mangingisda, na nakakakita ng pag-ulan. At magandang mapunta rito, lahat magkakasama, ang mga kababaihan nasa mabulaklak na hardin ni Maria, ang mga kalalakihan nasa itaas dito; at si Jesus nasa gilid ng terasa, sa pagitan ng dalawang grupo, tumutugon sa iba't ibang mga tanong ng mga disipulo, habang ang mga kababaihan ay nakikinig nang maasikaso. Maaaring pinag-uusapan nila ang tungkol sa baliw na pinagaling sa paanan ng bundok at sila ay gumagawa pa ng mga komentaryo.

«Kinailangan pa Kayo na gawin iyon!» bulalas ng Kanyang pinsan na si Simon.

«O! Ngunit ang mga palkon na iyon ay hindi kumbinsido kahit na nakita nila na ang kanilang sariling mga tagapagpalayas-ng-dimonyo ay walang magawá, bagama't inamin nila na ginamit na nila ang pinakamalakas na mga pormularyo!» sabi ni Solomon, ang mamamangka, iniiling ang kanyang ulo.

«At kahit na kung sabihin nila ang kanilang mga kongklusyon sa kanila, hindi nila sila makukumbinsi.»

«Siyempre hindi! Nagkaroon ako ng impresyon na sila ay nagsalita nang maayos, hindi ba?» tanong ng isa na hindi ko kilala.

«Napaka-ayos. Hindi nila isinali ang lahat na mala-dimonyong panggagaway sa kapangyarihan ni Jesus nagsasabing ang pakiramdam nila sila ay sinakop ng isang malalim na kapayapaan, nang ginawa ng Guro ang himala, samantalang kung ito ay nanggaling sa isang masamang kapangyarihan, sinabi nila na ang pakiramdam nila ito ay masakit» tugon ni Hermas.

«Ngunit, iyon ay isang malakas na espiritu! Ayaw niyon lumayas! Bakit hindi niya laging nalulukuban ang bata? Iyon ba ay isang napalayas o nawawalang espiritu, o ang bata ba ay napakabanal na pinalayas niya ito mismo?» tanong ng isa pang disipulo na ang pangalan ay hindi ko alam.

Si Jesus Na hindi tinatanong, ay tumugon: «Ipinaliwanag Ko na sa inyo nang makailang beses na ang bawat sakit, dahil sa ito ay isang pahirap at isang kawalang-kaayusan, ay maaaring naitatago si Satanas at si Satanas ay maaaring itago ang kanyang sarili sa loob ng isang sakit, ginagawa ito at ginagamit itong isang pagpapahirap sa isang kaluluwa at gawin itong sumpain ang Diyos. Ang bata ay may sakit, siya ay hindi nalukuban. Siya ay isang purong kaluluwa. Iyan kung bakit Ako ay masayang-masaya na mapalaya ang kanyang kaluluwa mula sa pinaka tusong dimonyo na ibig itong sakupin at gawin itong hindi puro.»

«Kung gayon, kung iyon ay isa lamang simpleng sakit, bakit hindi kami nagtagumpay na pagalingin iyon?» tanong ni Judas ng Kerioth.

«Siyempre kitang-kita na ang mga tagapagpalayas ng dimonyo ay walang magawa kung siya ay hindi nalulukuban! Ngunit kami...» wika ni Tomas.

At si Judas ng Kerioth, na hindi nakahandang lunukin ang kanyang kahiya-hiyang kabiguan, dahil gumawa siya ng ilang tangka sa bata na ang tanging naging resulta lamang ay ang mapunta ang bata sa isang kabalisahan kung hindi man sa pagkukumbulsiyon, ay nagsabi: «Sa kabaligtaran, tila nagagawa namin na maging mas malala ang sitwasyon. Naaalaala mo ba Felipe? Tinutulungan mo ako at napakinggan at nakita mo kung papaano niya ako tinuya. Sinabi pa nga niya sa akin: “Lumayas ka! Sa pagitan nating dalawa, ikaw ang mas malalang dimonyo”. Na nagawa ang mga eskriba na tumawa sa likuran ko.»

«At ikaw ba ay nalulungkot dahil diyan?» tanong ni Jesus nang walang pakialam.

«Siyempre! Hindi maganda ang tuyain. At hindi ito mapakikinabangan kung ang isa ay Inyong apostol.

«Kapag nasaiyo ang Diyos, ikaw ay mapilit kahit na kung ang buong mundo ay nanunuya sa iyo, Judas ni Simon.»

«Bueno. Ngunit dagdagan ang aming kapangyarihan, ang kapangyarihan man lamang ng Inyong mga apostol, upang hindi na namin sana danasin muli ang ganyang mga pagkatalo.»

«Hindi tama para sa Akin ang dagdagan ang inyong kapangyarihan at ito ay magiging walang silbi. Kailangan na gawin ninyo iyan mismo, upang magtagumpay. Ito ay sa pamamagitan ng inyong kakulangan na kayo ay nabigo, at dahil din napaunti ninyo ang Aking ibinigay sa inyo sa pamamagitan ng di-banal na mga elemento, na ibig ninyong idagdag umaasang makakuha ng mas malalaking tagumpay.»

«Ako ba ang Inyong tinutukoy, Panginoon?» tanong ng Iskariote.

«Alam mo kung karapat-dapat ka nito. Ako ay nagsasalita sa lahat.»

Si Bartolomeo ay nagtanong: «Kung gayon, ano ang kinakailangan upang mapalayas ang ganyang mga dimonyo?»

«Panalangin at pag-aayuno. Wala nang iba pa ang kailangan. Magdasal at mag-ayuno. At hindi lamang sa inyong mga katawan. Mabuti para sa inyo na ang inyong pagmamalaki ay maiwan na walang kasiyahan. Ang nasiyahang pagmamalaki ay nagagawa ang isip at kaluluwa na maging tamad at ang panalangin nagiging maligamgam at di-aktibo. Katulad na katulad ng katawan, kapag ito ay busog na busog, na antukin at makupad. At ngayon tayo na at gawin ang lubos na karapat-dapat na pagpapahinga. Bukas sa pagsikat ng araw, kayong lahat ay magpapatungo sa Cana, maliban kay Manaen at sa mga pastol na disipulo. Lakad. Ang kapayapaan ay sumainyo.»

Ngunit pinananatili Niya sina Isaac at Manaen at binibigyan sila ng espesyal na mga tagubilin para sa susunod na araw, kung kailan ang mga babaeng disipulo at si Maria ay sisimulan ang kanilang Paskuwang paglalakbay kasama si Simon ni Alfeo at si Alfeo ni Sarah.

«Dadaan kayo sa Esdraelon, upang si Marjiam ay makita ang kanyang matandang lolo. Ibibigay ninyo sa mga magbubukid ang lukbutan na sinabi Ko kay Judas ng Kerioth na ibigay sa inyo. At sa pamamagitan ng isa pang lukbutan, na ibinigay Ko sa inyo kani-kanina pa lamang, tutulungan ninyo ang kahit sinong mahirap na mga tao na makikita ninyo sa inyong daan. Pagdating ninyo sa Herusalem pumunta kayo sa Bethany at sabihin sa kanila na maghintay para sa Akin sa bagong buwan ng Nisan. Hindi Ako maaantalang matagal pagkatapos ng petsang iyan. Ipinagkakatiwala Ko sa inyo ang tao Na pinakamamahal Ko at ang babaeng mga disipulo. Ngunit hindi Ako nag-aalala dahil alam Ko na sila ay magiging ligtas. Lakad. Magkikita tayo sa Bethany at magkakasama tayo nang matagal.»

pinagpapalà Niya sila, at habang sila ay nawawala sa dilim ng gabi, nagmadali Siya sa ibaba patungo sa pangkusinang-hardin at pumasok sa bahay, kung saan ang mga babaeng disipulo at ang Kanyang Ina kasama si Marjiam ay nagtatali sa mga bag ng paglalakbay at inaayos ang lahat para sa kanilang pagkawala, na hindi nila nalalaman kung hanggang kailan ang itatagal nito.

050610/290612



Sunod na kabanata