35. Ang Pagtakas Patungong Ehipto.  angel warning

Hunyo 9, 1944.

¹Ang aking espiritu ay nakikita ang sumusunod na tagpo.

Nakikita ko siya sa loob ng madilim na silid, sapagkat ang isang manipis na sinag ng liwanag ng buwan ay tumatagos sa mga panara ng bintana na naiwanan na medyo nakabukas, baka dahil si Jose ay naiinitan sa maliit na silid o dahil gusto niyang siya’y gisingin ng maaagang sinag ng liwanag pagsikat ng araw at makabangon kaagad. Siya ay natutulog nang nakatagilid at ngumingiti sa ilang bisyon na kanyang nakikita sa kanyang panaginip.

Ngunit ang kanyang ngiti ay naging isang pagpapahayag ng pagkabalisa. Ngayon siya ay humahangos nang malalim na tila nagkakaroon siya ng isang masamang panaginip at siya’y nagising nang bigla. Naupo siya sa kanyang higaan, kinukuskos ang kanyang mga mata at tumingin-tingin sa paligid. Tinitingnan niya ang maliit na bintana mula kung saan ang kaunting liwanag ay pumapasok. Ngayon ay kalaliman ng gabi ngunit hinablot niya ang kanyang kapa na nasa ilalim ng kama, at nakaupo pa rin sa kama isinuot niya ito na pandoble sa kanyang puting tunika na may maiikling manggas na siyang tanging suot niya noong natutulog. Inalis niya ang kanyang blanket, inilagay ang kanyang mga paa sa sahig at hinahanap ang kanyang mga sandalyas. Isinuot niya ito at itinatali. Tumayo siya at nagtungo sa pinto na nakaharap sa kanyang kama, hindi ang isang nasa tabi ng kanyang kama patungo sa malaking silid kung saan ang mga Mago ay tinanggap.

Kumakatok siya nang napakahina, sa pamamagitan ng mga dulo ng kanyang mga daliri. Maaaring nakarinig siya ng tinig na nagsasabi sa kanya na pumasok sapagkat binubuksan niya nang maingat ang pinto at pinabayaan itong nakabukas nang kaunti nang hindi gumagawa ng kahit anong ingay. Bago nakapunta sa pinto siya ay nakapagsindi na ng isang may isang-apoy na lampara ng langis, at ito ang tumanglaw sa kanyang pagpunta sa pinto. Siya ay pumasok. Ang silid ay medyo mas malaki kaysa sa kanyang silid, at may isang mababang kama rito, malapit sa kuna, na may pandamagan na lampara sa isang sulok, ang kumukurap-kurap na apoy nito ay tila isang maliit na bituin na may ginintuan na liwanag na nagagawa ang isa na makakita nang hindi nakaka-istorbo sa kahit sinong natutulog.

²Ngunit si Maria ay hindi natutulog. Siya ay nakaluhod malapit sa kuna sa Kanyang magaang damit at nagdarasal, binabantayan si Jesus Na natutulog nang mapayapa. Si Jesus ay gayon pa rin ang edad katulad noong nakita ko Siya sa bisyon ng mga Mago: isang Sanggol mga isang taon ang gulang, maganda, malarosas at maningning ang buhok. Siya ay natutulog na ang Kanyang may mga-kulot na ulo ay nakalubog sa unan at may nakabuong kamo sa ilalim ng Kanyang babâ.

«Hindi Ka ba natutulog?» si Jose ay tinatanong Siya sa mababang nasorpresang tinig. «Bakit hindi? Hindi ba mabuti ang pakiramdam ni Jesus?»

«O! Hindi! Wala Siyang problema. Ako ay nagdarasal. Pagkatapos, Ako ay matutulog. Bakit ka naparito, Jose?» Si Maria ay nagsasalita, nakaluhod sa dating lugar.

Si Jose ay nagsasalita sa napakababang tinig dahil baka niya mágising ang Bata, ngunit ito ay isang balisáng tinig. «Kailangan natin na umalis dito kaagad. Ito ay kailangan na kaagad. Ihanda ang kaban at isang sako ng lahat ng mailalagay Mo diyan. Ihahanda ko ang iba, kukuha ako ng lahat na magagawa ko... Tayo ay aalis pagsikat ng araw. Gusto ko pa nga sanang makaalis nang mas maaga ngunit kailangan kong makausap ang maybahay...»

«Ngunit bakit ang pag-alis na ito?»

«Sasabihin ko sa Iyo saka na. Ito ay dahil kay Jesus. May isang anghel ang nagsabi sa akin: “Kunin ang Bata at ang Kanyang Ina at tumakas patungong Ehipto.” Huwag mag-aksaya ng kahit anong pagkakataon. Ihahanda ko ang magagawa ko.»

³Hindi na kailangan na sabihan si Maria na huwag mag-aksaya ng panahon. Nang mapakinggan Niya kaagad si Jose na nagbanggit ng isang anghel, Jesus at pag-alis, naintindihan Niya na ang Kanyang Anak ay nasa panganib at napatayo Siyang bigla, ang Kanyang mukha mas maputi pa kaysa sa waks, nakadiin ang isang kamay sa Kanyang dibdib, lubos na namimighati. At nagsimula Siya ng paparoo’t parito, mabilis at maliksi, inilalatag ang mga damit sa kaban at sa isang malaking sako na Kanyang inilagay sa ibabaw ng Kanyang higaan na hindi pa nagagalaw. Bagamat Siya ay pinanghihinaan ng loob, hindi Siya nawawalan ng Kanyang pag-iisip: kumikilos Siya nang mabilis ngunit may-kaayusan. Maya’t-maya ang Kanyang tingin sa Batang natutulog nang kalmante, kapag Siya ay napaparaan malapit sa kuna.

«Kailangan Mo ba ng tulong?» Si Jose ay magtatanong paminsan-minsan, sumisilip sa pamamagitan ng pintong medyo nakabukas.

«Hindi, salamat sa iyo» tugon ni Maria sa bawat pagkakataon.

Noon lamang nang napuno na ang sako, at ito ay makikitang napakabigat, tinawag Niya si Jose upang tulungan Siyang isara ito at alisin sa kama. Ngunit si Jose ay hindi nangangailangan ng tulong, mas gusto niyang gawin ito nang siya lamang mismo, at binuhat niya ang mahabang sako patungo sa kanyang maliit na silid.

«Dadalhin Ko rin ba ang delanang mga blanket?» tanong ni Maria.

«Kumuha ng hangga't madadala Mo. Iiwanan natin ang iba. Magdala ng hangga't madadala Mo. Mapapakinabangan ang mga bagay sapagkat... sapagkat kailangan nating mawala nang matagal, Maria!...» Si Jose ay malungkot na malungkot sa pagsasabi nito. At maiintindihan kaagad ng kahit sino kung ano ang nararamdaman ni Maria. Nilulupi Niya ang Kanyang mga blanket at ang kay Jose, malalim na nagbubuntung-hininga. Tinatalian ni Jose ang mga blanket sa pamamagitan ng isang lubid at habang ginagawa ito sinabi niya: «Iiwanan natin ang mga kutson at ang mga banig. Kahit na kung kumuha ako ng tatlong asno hindi ko sila makakargahan nang sobra. Magkakaroon tayo ng isang mahaba at di-komportableng paglalakbay, ang iba ay sa mga bulubundukin at sa disyerto. Takpan si Jesus nang mabuti. Magiging malamig ang mga gabi kapwa sa itaas ng mga bundok at sa disyerto. Dinala ko ang mga regalo ng mga Mago sapagkat mapakikinabangan ito nang husto sa ibaba roon. Gagastahin ko ang lahat na pera na mayroon ako upang bilhin ang dalawang asno. Hindi natin sila maibabalik, kung kaya't kailangan natin silang bilhin. Lalakad na ako, nang hindi na hinihintay ang pagsikat ng araw. Alam ko kung saan sila matatagpuan. Tapusin Mo ang paghahanda sa lahat.» At siya ay lumabas.

Si Maria ay kumuha ng ilan pang kaunting mga bagay, pagkatapos, pagkaraan na matingnan si Jesus, Siya ay lumabas at bumalik may dalang ilang maliliit na damit na tila mga basa pa. Nilulupi Niya ito, binabalot ito sa isang tela, at sinasama ito sa iba pang mga bagay. Wala nang iba pa. Siya ay tumitingin sa paligid at sa isang sulok nakita Niya ang isa sa mga laruan ni Jesus: isang maliit na tupa na inukit sa kahoy. Pinulot Niya ito umiiyak, at hinahalikan ito. Sa kahoy ay may mga bakas ng maliliit na ngipin ni Jesus at ang mga tainga ng maliit na tupa ay lahat kagat. Si Maria ay hinahaplos ang bagay na wala kahit anong halaga, isang piraso ng magaan na kahoy, na, bagamat, ay may halaga sa Kanya, sapagkat sinasabi nito sa Kanya ang tungkol sa pagmamahal ni Jose para kay Jesus at nagsasalita sa Kanya ng tungkol sa Kanyang Anak. Isinama Niya ito sa iba pang mga bagay na nasa sarado nang kaban.

⁴Ngayon talagang wala nang iba pa. Maliban kay Jesus sa maliit na kuna. Naisip ni Maria na kailangan din Niyang ihanda ang Bata. Pumunta Siya sa kuna at inaalog ito nang kaunti upang gisingin ang Sanggol. Ngunit Siya ay umiingit nang kaunti, gumugulong at nagpatuloy sa pagtulog. Si Maria ay tinapik nang malumanay ang mga kulot ni Jesus. Ibinukas ni Jesus ang Kanyang maliit na bunganga humihikab. Si Maria ay yumuko at hinahalikan ang Kanyang pisngi. Si Jesus ay nagising nang ganap. Binukas Niya ang Kanyang mga mata, nakita ang Kanyang Ina at ngumiti at iniunat ang Kanyang maliliit na kamay patungo sa dibdib ng Kanyang Ina.

«Oo, pagmamahal ng Iyong Nanay. Oo, ang Iyong gatas. Bago ang dating oras... Ngunit lagi Kang nakahandang sumuso sa Iyong Nanay, Aking maliit na banal na Kordero!»

Si Jesus ay tumatawa at naglalaro, pinalalabas Niya nang pagsisipa-sipa ang Kanyang maliliit na paa sa blanket, ginagalaw nang masaya ang Kanyang mga kamay sa tipikong istilo ng bata, napakagandang tingnan. Tinutulak Niya ang Kanyang mga paa sa tiyan ng Kanyang Nanay, pinababaluktot ang Kanyang likod isinasandal ang Kanyang maningning na ulo sa dibdib ng Kanyang Ina, at pagkatapos ibinabalik Niya ito sa dati at tumatawa, hinahawakan ang mga laso na nagtatali sa damit ni Maria sa Kanyang leeg, nagsisikap na buksan ito. Napakaganda Niyang tingnan sa Kanyang maliit na linen na kamiseta, bilugan at kasing malarosas katulad ng isang bulaklak.

Si Maria ay yumuko at sa ganyang pusisyon, nakatingin mula sa loob ng kuna, na tila para sa proteksiyon, Siya ay ngumingiti at umiiyak din, habang ang Bata ay dumadaldal, bumibigkas ng mga salita na hindi mga salita ng lahat na maliliit na bata; kasama rito ang salitang «Inay» na inuulit-ulit nang napakalinaw. Tinitingnan Siya ng Bata, nasusorpresa na nakikita na Siya ay umiiyak. Inuunat Niya ang Kanyang isang kamay patungo sa maningning na mga daan ng luha at ito ay nabasà habang tinatapik ang mukha ni Maria. At, napaka malambing, sumasandal Siyang muli sa dibdib ng Kanyang Ina, kumakapit Siya rito at tinatapik ito ng Kanyang kamay.

Si Maria ay hinahalikan ang buhok ni Jesus, kinarga Siya, naupo at binibihisan Siya. Ang maliit na delanang damit ni Jesus ay nakasuot na at ang Kanyang mga sandalyas naitali na sa Kanyang mga paa. Pinasususo Niya Siya at sinisipsip ni Jesus nang may katakawan ang masarap na gatas ng Kanyang Ina, hinahanap Niya ang kabila, tumatawa habang ginagawa ito at tinitingala ang Kanyang Ina. Pagkatapos Siya ay muling nakatulog sa Kanyang dibdib, ang Kanyang malarosas na bilugan na maliit na pisngi nakasandal sa Kanyang dibdib.

Si Maria ay tumayong dahan-dahan at inihiga Siya sa kubrekama sa Kanyang kama. Tinakpan Niya Siya ng Kanyang manta, binalikan Niya ang kuna at nilulupi ang maliliit na mga blanket nito. Iniisip Niya kung dadalhin din Niya ang maliit na kutson. Napakaliit nito. Maaari itong dalhin. Inilagay Niya ito, kasama ang unan, malapit sa iba pang nasa loob na ng kaban. At iniiyakan Niya ang walang-laman na kuna, kaawa-awang Ina, inuusig sa Kanyang Maliit na Anak.

⁵Si Jose ay bumalik. «Nakahanda Ka na ba?» nakahanda na ba si Jesus? Dinala Mo ba ang Kanyang mga blanket at ang Kanyang maliit na kama? Hindi natin madadala ang Kanyang kuna, ngunit dapat na nasa Kanya man lamang ang Kanyang maliit na kutson: kaawa-awang Sanggol, na ang Kaninong kamatayan ang kanilang hinahangad!»

«Jose!» sigaw ni Maria, habang kinukuha Niya ang kanyang braso.

«Oo. Maria. Ang Kanyang kamatayan. Si Herodes ay gusto niya Siyang patay... sapagkat natatakot siya sa Kanya, ang maruming hayop na iyon, dahil sa kanyang pantaong kaharian siya ay natatakot sa inosenteng Batang ito. Hindi ko alam kung ano ang kanyang gagawin kapag malaman niya na Siya ay nakatakas. Ngunit napakalayo na natin sa oras na iyan. Hindi niya siguro ipaghihiganti ang kanyang sarili sa paghahanap para sa Kanya hanggang sa layo ng Galilee. Magiging napakahirap para sa kanya na malaman na tayo ay mga Galilean, lalo pa na tayo ay mula sa Nazareth at kung sino nga tayong talaga.  Maliban na lamang kung tulungan siya ni Satanas upang pasalamatan siya para sa kanyang pagiging matapat na lingkod. Ngunit... kung iyan ay mangyayari... ang Diyos ay tutulungan pa rin tayo. ⁶Huwag umiyak, Maria. Ang makita Kang umiiyak ay mas masakit na kirot para sa akin kaysa sa pangangailangan na tayo ay manirahan sa malayo.»

«Patawarin mo Ako, Jose. Hindi Ako umiiyak para sa Aking Sarili, o para sa ilang mga bagay na mawawala sa Akin. Ako ay umiiyak para sa iyo... Nagawa mo nang maisakripisyo ang iyong sarili nang labis! At ngayon sa muli mawawalan ka na naman ng mga suki, ng bahay. Gaano kita napahihirapan, Jose!»

«Gaano? Hindi, Maria. Hindi Mo ako napahihirapan. Napagiginhawahan Mo ako. Lagi. Huwag Mong alalahanin ang hinaharap. Nasa atin ang mga regalo ng mga Mago. Makakatulong ito sa unang mga araw. Pagkatapos makakakuha ako ng ilang trabaho. Ang isang mabuting magaling na manggagawa ay laging nakagagawa ng paraan. Nakita Mo kung ano ang nangyari rito. Nawawalan na ako ng oras para sa lahat na trabaho.»

«Alam Ko. Ngunit sino ang magpapaginhawa sa iyong kalungkutan para sa iyong tinubuang lupa?»

«At papaano Ikaw? Sino ang magpapaginhawa sa Iyong paghahanap para sa Iyong tahanan na mahal na mahal Mo?»

«Si Jesus. Ang naririto Siya, ay nasa Akin ang mayroon Ako roon.»

«At ako, ang naririto Siya, ay nasa akin ang aking tinubuang lupa, na aking inasahan noong mga nakaraang mga buwan. Nasa akin ang aking Diyos. Nakikita Mo na walang nawawala sa akin ng kung ano ang mahal sa akin nang higit sa lahat. Ang tanging pinaka importanteng bagay ay ang mailigtas si Jesus, at diyan nasa atin ang lahat. Kahit na kung hindi na natin muli makikita ang kalangitan na ito, o ang kabukiran na ito o ang mas lalong mahal na kabukiran ng Galilee, laging nasa atin ang lahat, dahil mapapasaatin Siya. Halika, Maria, lumiliwanag na. Oras na na magpaalam sa ating maybahay at isakay ang ating mga dala. Ang lahat ay magiging mabuti.»

⁷Si Maria ay tumayong masunurin. Sinusuot Niya ang Kanyang manta habang si Jose ay tinatapos ang isa pang balutan at lumabas dala ito.

Si Maria ay binuhat nang maingat ang Bata, binabalot Siya sa isang alampay at idiniin Siya sa Kanyang puso. Tinitingnan Niya ang mga pader na nagbigay sa Kanya nang ospitalidad nang maraming buwan at hinihipo Niya ito nang may pagmamahal. Masayang bahay, na karapat-dapat na mahalin at pagpalain ni Maria!

Si Maria ay lumabas. Lumabas Siya sa pamamagitan ng maliit na silid ni Jose, patungo sa malaking silid. Ang maybahay, umiiyak, ay hinahalikan Siya sa pagpapaalam at, tinataas ang gilid ng alampay, hinahalikan niya ang noo ng Bata Na natutulog nang kalmante. Bumaba sila sa nasa-labas na hagdanan.

Ang unang liwanag ng bukang-liwayway ay nagagawa silang makakita nang kaunti. Saexiled 7 loob ng malabong liwanag, tatlong maliliit na asno ang maaaninag. Ang pinakamalakas ay kargado ng mga báon at ng muwebles. Ang dalawang iba pa ay may mga siyá. Si Jose ay abalá sa pagtatali sa kaban at sa mga balutan sa siyáng-kargahan ng unang asno. Nakikita ko ang mga kagamitang-karpintero nakatali nang isang bungkos sa ibabaw ng sako. Pagkatapos ng mas marami pang mga luha at mga pagpapaalam, sumakay si Maria sa maliit na asno, habang hawak ng maybahay si Jesus, at hinahalikan Siya muli. Pagkatapos ibinalik niya si Jesus kay Maria. Si Jose rin ay sumakay pagkatapos na maikabit ang kanyang asno sa asnong kargado ng mga gamit, upang maging libre na mahawakan niya ang mga renda ng asno ni Maria.

Ang pagtakas ay nagsisimula habang ang Bethlehem, pinananaginipan pa ang punó-ng-pantasya na tagpo ng mga Mago, ay natutulog nang mapayapa, walang nalalaman tungkol sa namimintong mangyayari rito.

At ang bisyon ay nagtatapos nang gayon.

                                                                ----------------------------------

jesus sinab

⁸Sinasabi ni Jesus:

«At ang serye rin ng mga bisyon na ito ay nagtatapos nang gayon. Nang may kapahintulutan ng mapaghanap na mga doktor aming pinakita sa inyo ang mga tagpo na umuna, sumabay at sumunod sa Aking pagdating. At ginawa namin ito, hindi para sa kapakanan ng mga ito mismo, sa dahilan ito ay alam-na-alam na, bagamat nabaluktot ito ng mga elemento na ipinatong sa loob ng mga siglo, laging dahil sa isang konsekwensiya ng mentalidad ng mga tao, na upang makapagbigay ng mas malaking kapurihan sa Diyos – at kung gayon pinatatawad – nagawa nitong maging di-tunay ang kung ano ang napakaganda kung pinabayaan na maging tunay. Ang ganyang pagtingin sa mga bagay sa kanilang reyalidad ay hindi nagpapaliit sa Aking Pagiging Tao o ng kay Maria. Ni hindi nito nasasaktan ang Aking Dibinidad o ang Mahestad ng Ama o ang Pagmamahal ng Kabanalbanalang Trinidad.  Sa kabaligtaran, ang mga merito ng Aking Ina at ng Aking perpektong kababaang-loob ay sumisinag nang matingkad at gayon din ang omnipotenteng kabaitan ng Eternal na Panginoon. Bagkus aming pinakita sa inyo ang mga tagpong ito upang ang sobrenatural na ibig-sabihin ng nanggagaling dito ay magamit ninyo at ng ibang mga tao at maibigay ito sa inyo bilang isang panuntunan ng buhay.

Ang Dekalogo ay ang Batas; at ang Aking Ebanghelyo ay ang Doktrina na nagagawa ang Batas na maging mas malinaw para sa inyo at mas mapagmahal na sundan. Ang Batas at ang Aking Doktrina ay magiging sapat na upang magawang mga santo ang mga tao.

Ngunit kayo ay napabibigatang masyado ng inyong pagkatao – talagang labis naexiled 6 natatalo nito ang inyong mga kaluluwa – na hindi ninyo masundan ang Aking mga daan at kayo ay bumabagsak; o tumitigil kayo na pinanghihinaan ng loob. Nagpapatuloy kayong sabihin sa inyong mga sarili at sa mga ibig na tumulong sa inyo, tinuturan ang mga halimbawa sa Ebanghelyo para sa inyo: “Ngunit si Jesus, ngunit si Maria, ngunit si Jose (at patuloy pa para sa lahat na mga santo) ay hindi katulad natin. Sila ay malalakas, sila ay kaagad na pinagiginhawahan sa kanilang mga kapighatian, at sa maliliit din na kapighatian na kanilang dinanas, hindi sila nakaramdam ng masimbuyong mga damdamin. Sila ay mga tao na hindi sa mundong ito”.

⁹Maliit na kapighatian na iyon! Hindi sila nakaramdam ng masimbuyong mga damdamin!

Ang kapighatian ay aming naging tapat na kaibigan at mayroon ito noon ng lahat na pinaka iba't ibang porma at mga pangalan.

Masimbuyong mga damdamin... huwag gamitin nang mali ang salita, sa pagtawag na masimbuyong mga damdamin ang mga bisyo na nagliligaw sa inyo. Maging sinsiro at tawagin silang “mga bisyo”, at kapital na mga bisyo sa karagdagan. Hindi totoo na hindi namin iyon alam. Mayroon kaming mga mata upang makakita at mga tainga upang makarinig, at si Satanas ay ginawa ang mga bisyong iyon na sumayaw sa harapan namin at sa paligid namin, pinakikita sila sa amin kasama ang tambak na karumihan nito na nasa pagkilos, o tinutukso kami sa pamamagitan ng mga pagpapakahulugan ng mga ito. Ngunit, sa dahilan na talagang ibig namin na mabigyan ng kasiyahan ang Diyos, ang karumihan at mga pagpapakahulugan niya, sa halip na makuha nito ang gustong mangyari ni Satanas, ang pinaka kabaligtaran ang nakuha. At habang mas nagtatrabaho siya, mas lalo kaming naninilungan sa liwanag ng Diyos, nandidiri katulad namin sa maputik na kadiliman na pinakita sa mga mata ng aming mga katawan at ng aming mga kaluluwa.

Ngunit hindi namin kinalimutan sa loob ng aming mga puso ang masimbuyong mga damdamin, sa pilosopikong pananaw.  Mahal namin ang aming bayan. At sa aming bayan mahal namin ang aming maliit na Nazareth nang higit pa sa ibang bayan sa Palestina. Gustung-gusto namin ang aming bahay, ang aming mga kamag-anak at mga kaibigan. Bakit hindi? Hindi kami naging mga alipin ng aming mga damdamin sapagkat walang kahit ano ang dapat na maging aming panginoon maliban sa Diyos. Ngunit ang aming mga damdamin ay aming mabubuting kasa-kasama.

Si Maria ay napasigaw sa tuwa kung kailan, pagkaraan ng apat na taon, nakabalik Siya sa Nazareth at pinasok Niya ang Kanyang bahay, at hinalikan ang mga pader kung saan ang Kanyang “oo” ay binuksan ang Kanyang sinapupunan upang tanggapin ang Anak ng Diyos. Si Jose ay malugod na binati ang kanyang mga kamag-anak at ang kanyang maliliit na pamangkin, na lumaki na sa bilang at sa mga taon, at siya ay nagbunyi noong makita niya na ang kanyang mga kababayan ay naalaala siya at hinahanap siya nila dahil sa kanyang abilidad. Ako Mismo ay naiintindihan Ko ang pagkakaibigan at dahil ng pagkanulo ni Judas, naghirap Ako katulad ng isang moral na krusipiksiyon. At bakit hindi? Ni ang Aking Ina o si  Jose ay hindi kailanman minahal ang kanilang tahanan o ang kanilang mga kamag-anak nang higit pa sa kalooban ng Diyos.

¹⁰At Ako ay hindi kailanman nagpigil ng isang salita, kung ito ay kinakailangang sabihin, na makakakuha sa Akin ng kapootan ng mga Hudyo at ng masamang loob ni Judas.  Alam Ko, at ginawa Ko sana ito, na ang kaunting salapi ay sapat nang magpailalim siya sa Akin. Hindi sa Akin, isang Manunubos: sa Akin, isang mayaman na tao. Pinarami Ko ang tinapay at kung ginusto Ko, naparami Ko rin sana ang pera. Ngunit hindi Ako naparito upang makakuha ng pantaong mga kaginhawahan para sa sinuman. Lalo na sa mga taong Aking tinawag. Itinuro Ko ang sakripisyo, ang di-pagkakakabit, ang isang dalisay na pamumuhay, ang abang mga pusisyon. Naging anong klaseng Guro sana Ako at anong klaseng makatarungang Tao, kung nagbigay Ako ng pera sa isa sa kanila para sa kanyang mental at pisikal na kasiyahan, dahil iyon lamang ang tanging pamamaraan na mapanatili Ko siya sa akin?

Ang mga taong ginagawa ang kanilang mga sarili na ”maliliit” ay ang dakila sa Aking Kaharian. Ang gustong maging “dakila” sa mga mata ng mundo ay hindi bagay na maghari sa Aking Kaharian. Sila ay mga dayami para sa mga kama ng dimonyo. Sapagkat ang kadakilaan ng mundo ay ang antitesis ng Batas ng Diyos.

Tinatawag ng mundo na “dakila” ang mga tao na, sa pamamagitan ng halos laging ilegal na pamamaraan, alam kung papaano makuha ang pinakamagagandang pusisyon at upang magawa ito, ginagamit nila ang kanilang kapwa bilang tuntungan para sila makaakyat, dinudurog siya. Tinatawag ng mundo na “dakila” ang mga marunong pumatay upang maghari, at pumapatay sila sa materyal at moral na pamamaraan, pinadurugo ang mga indibidwal at mga komunidad. Ang mundo ay madalas tawagin na “dakila” ang mga kriminal. Hindi.  Ang “Kadakilaan” ay hindi natatagpuan sa pagiging kriminal. Ito ay nasa kabutihan, sa katapatan, sa pagmamahal, sa katarungan. Makikita ninyo kung anong nakalalasong prutas ang kanilang binibigay sa inyo, prutas na kanilang pinitas sa masamang hardin ng dimonyo sa loob nila!

¹¹Ang pagkabirhen ni Maria pagkatapos ng Kanyang panganganak at ang kabasalan ni Jose ay malakas na tinatanggihan ng mga tao na bilang mga bulok na putik mismo, ay hindi nakahandang tanggapin na ang isang katulad nila ay maaaring maging kasing puro at kasing linis ng liwanag. Sila ay mga kaawa-awang sawing-palad na mga tao na ang kaninong mga kaluluwa ay labis na naging marumi at ang kanilang mga isip ay labis na napasamâ sa laman, na hindi na nila magawa na maisip na ang isang katulad nila ay maigagalang nila ang isang babae nakikita sa kanya hindi ang kanyang laman bagkus ang kanyang kaluluwa, ni hindi nila maitaas ang kanilang mga sarili upang mamuhay sa isang espirituwal na atmospera, pinananabikan hindi ang kung ano ang laman, bagkus tanging ang para sa kung ano ang Diyos.

Bueno, ibig Kong sabihan ang mga tagapagtanggi sa pinakamagagandang bagay, ang mga uod na iyon na walang kakayahan na maging mga paruparo, ang mga ahas na iyon na punung-puno ng laway ng kanilang sariling kahalayan, walang kakayahan na makaintindi ng kagandahan ng isang liryo, gusto Kong sabihin sa kanila na si Maria ay dati at nanatiling isang birhen, at na ang Kanyang kaluluwa lamang ang naikasal kay Jose, eksaktong  katulad na ang Kanyang espiritu lamang ang nakaisa ng Espiritu ng Diyos at sa pamamagitan ng Kaninong gawa naipaglihi Niya ang Kanyang Tanging Anak: Ako, si Jesucristo, ang Bugtong na Anak ng Ama at ni Maria.

Ito ay hindi isang tradisyon na pinaganda pagkatapos, dala ng nagmamahal na paggalang para sa Banal na Birhen Na siyang Aking Ina. Iyan ang katotohanan at ang alam mula pa noong unang mga araw.

Si Mateo ay hindi naipanganak pagkaraan ng mga siglo. Siya ay isang kasabay sa panahon ni Maria. Si Mateo ay hindi isang mahirap na mangmang na tao na pinalaki sa isang gubat at maaaring maniwala sa kahit anong kuwentu-kuwento lamang. Siya ay isang kawani sa tanggapan ng pagbubuwis, katulad na ganito ninyo ito tatawagin ngayong mga araw, siya ay isang exciseman, katulad na ito ang tawag namin sa kanya noon. Nakakakita siya, nakaririnig, nakaiintindi, at makapagsasabi kung alin ang katotohanan at alin ang kasinungalingan. Si Mateo ay hindi nakarinig ng mga bagay na iniulat ng isang tao na nakapakinig sa ibang mga tao pa. Napakinggan niya iyon mula mismo sa mga labì ni Maria kung Kanino siya ay nagtanong tungkol sa impormasyon, gawa ng kanyang pagmamahal para sa kanyang Guro at para sa katotohanan.

Hindi Ako naniniwala na ang mga tagapagtatwa sa kawalang-kalabagan ni Maria ay mangangahas na isipin na Siya ay maaaring nakapagsinungaling. Ang Aking mga kamag-anak ay sana pinasinungalingan Siya, kung nagkaroon ng iba pang mga anak: sina Santiago, si Judas, si Simon at si Jose ay mga disipulo kasama ni Mateo. Naipagkumpara sana ni Mateo nang walang hirap ang kanilang mga bersiyon, kung nagkaroon man ng mahigit pa sa isang kasaysayan.

¹²Ngunit si Mateo ay hindi nagsasabi: “Bumangon at kunin ang iyong asawa”. Sinabi niya: “Kunin ang Kanyang Ina”. Bago pa nito sinabi niya: “Isang birhen na ipinagkasundo kay Jose”; “Si Jose Kanyang esposo”. Ni hindi kailangan sabihin sa Akin ng mga tagapagtatwang iyon ng Kadalisayan na iyon ay isang pamamaraan ng pagsasalita lalo na ng mga Hudyo, na tila ang sabihin na “asawa” ay isang paglalapastangan. Hindi, mga tagapagtanggi ng Kadalisayan. Sa simula’t simula ng Biblia mababasa natin: “At idudugtong niya ang kanyang sarili sa kanyang asawa”. Ang babae ay tinatawag na “kasa-kasama” hanggang sa sandali ng sensuwal na pagsasama sa kasal, at pagkatapos nito siya ay tinatawag na “asawa” sa iba't ibang mga sirkunstansiya at sa iba't ibang mga kabanata. At ito ang mga pagpapahiwatig na ginagamit para sa mga asawa ng mga anak ni Adan. At kung gayon si Sarah ay tinawag ang “asawa” ni Abraham: “Si Sarah ang iyong asawa”. At: “Kunin ang iyong asawa at ang iyong dalawang anak na babae” ay sinabi tungkol kay Lot. At sa aklat ni Ruth ito ay nakasulat: “Ang Moabita, ang asawa ni Mahalon”. At sa unang aklat ng mga Hari ito ay sinabi: “Si Elkanah ay may dalawang asawa”. At sa unahan pa: “Si Elkanah ay nakipagtalik sa kanyang asawang si Hannah”. At muli: “Si Eli ay pinagpalà si Elkanah at ang kanyang asawa”. At muli sa Aklat ng mga Hari ito ay sinabi: “Si Bathsheba, ang asawa ni Uriah ang Hittite, ay naging asawa ni David at nagbigay sa kanya ng isang anak”. At ano ang inyong nababasa sa asul na aklat ni Tobias, ano ang inaawit ng Simbahan sa inyo sa inyong kasal, upang payuhan kayo na maging banal sa inyong kasal? Mababasa ninyo: “Ngayon noong dumating si Tobias kasama ang kanyang asawa at ang kanyang anak...”; at muli: “Si Tobias ay nagtagumpay na makatakas kasama ang kanyang anak at ang kanyang asawa”.

At sa Ebanghelyo, ibig sabihin sa mga panahon na kapanahunan ng Kristo, noong isinulat nila kung gayon sa isang modernong istilo ng wika, kompara sa lumang pagwika, at kung gayon walang pagkakamali sa pagsasalin ang maisusospetsa, ito ayexile egypt sinabi at tanging ni Mateo lamang sa Kabanata 22: “... at ang una, pagkatapos na mapakasalan ang kanyang asawa ay namatay at naiwan ang kanyang asawa sa kanyang kapatid”. At si Markus sa Kabanata 10: “Ang tao na hiniwalayan ang kanyang asawa...” At si Lukas ay tinawag si Elizabeth na asawa ni Zachariah nang apat na beses, at sa ika-walong Kabanata ng kanyang Ebanghelyo sinabi niya: : “si Johanna, ang asawa ni Chuza”.

Katulad ng makikita ninyo, ang pangalan na ito ay hindi isang salita na iniwasan ng mga naglakad sa mga daan ng Panginoon, ito ay hindi isang di-purong salita na di-karapat-dapat na banggitin at lalo na isulat kapag may pangangailangan na banggitin ang tungkol sa Diyos at sa Kanyang magandang gawa. At ang anghel, nagsasabing: “Ang Bata at ang Kanyang Ina”, ay nagpapatunay sa inyo na si Maria ay ang Kanyang totoong Ina. Ngunit Siya ay hindi asawa ni Jose. Siya ay nanatili magpakailanman: “Ang birhen na ipinagkasundo kay Jose”.

At ito ang huling pagtuturo ng bisyon. At ito ay ang isang sinag-sa-ulo na nagniningning sa mga ulo nina Maria at Jose. Ang Walang-Kalabagan na Birhen. Ang makatarungan at basal na lalaki. Ang dalawang liryo na sa pagitan nila Ako ay lumaki, tinatanggap lamang ang pabango ng kadalisayan.

¹³Makapagsasalita Ako sa inyo, munting Juan, tungkol sa kapighatian ni Maria sa pagkakalayo mula sa kanyang tahanan at sa Kanyang amangbayan. Ngunit wala nang pangangailangan para sa mga salita. Naintindihan mo at namamatay ka sa paghihirap. Ibigay mo sa Akin ang iyong kapighatian. Iyan lamang ang gusto Ko. Mas mahigit pa iyan sa lahat na iba pang maibibigay mo sa Akin. Biyernes ngayon, Maria. Isipin ang tungkol sa Aking paghihirap at ang kay Maria sa Golgotha upang madala mo ang iyong krus. Ang aming kapayapaan at pagmamahal ay nananatili sa iyo..»

(179) 220610/032113/040113

Sunod na kabanata.