351. Ang Pinakadakila sa Kaharian ng Langit. Ang Batang si Benjamin ng Capernaum

 

Disyembre 6, 1945.

At lamang nang ang kalangitan at ang lawa ay tila aapoy sa lumalagablab na paglubog-ng-araw, sila ay bumalik patungong Capernaum. Sila ay masaya. Sila ay naguusap-usap. Si Jesus ay kakaunti lamang magsalita, ngunit Siya ay ngumingiti. Binabanggit nila na kung ang mensahero ay nagbigay ng mas eksaktong impormasyon, hindi sana sila naglakad nang napakalayo. Ngunit sinasabi din nila na sulit lang ang pagod, sapagkat ang isang grupo ng mga bata ay napangyari na mapagaling ang kanilang ama nang ang kamatayan ay napakalapit na, na ang kanyang katawan ay nanlalamig na, at sulit din sapagkat hindi na sila nagkukulang sa pera.

«Sinabi Ko sa inyo na ang Ama ay ang magkakaloob para sa lahat» sabi ni Jesus.

«At siya ba ay ang dating mangingibig ni Maria ng Magdala?» tanong ni Felipe.

«Tila... Ayon sa sinabi nila sa amin...» tugon ni Tomas.

«Ano ang sinabi ng lalaki sa Inyo, Panginoon?» tanong ni Judas ni Alfeo.

Si Jesus ay ngumingiti nang paiwas.

«Nakita ko si Maria na kasama siya nang makailang beses, nang madalas akong pumunta sa Tiberias kasama ko ang aking mga kaibigan. Alam ko itong tiyak» wika ni Mateo.

«Oo, kapatid, sabihin sa amin... Ang lalaki ba ay hiningi lamang sa iyo na gumaling o mapatawad din?» tanong ni Santiago ni Alfeo.

«Anong walang kabuluhang tanong! Kailan ba nagkaloob ng grasya ang Panginoon nang hindi humihingi ng pagsisisi?» sabi ng Iskariote kung baga galít kay Santiago ni Alfeo.

«Ang aking kapatid ay hindi nagsalita nang walang kabuluhan. Si Jesus ay nanggagamot o nagpapalayas ng mga dimonyo at pagkatapos sinasabi Niya: “Humayo at huwag na muling magkasala pa”» tugon ni Tadeo.

«Sapagkat nakakita na Siya ng pagsisisi sa kanilang mga puso» pagpipilit ng Iskariote.

«Sa nalulukuban na mga tao ay walang pagsisisi o kalooban na makalaya. Wala ni isa sa kanila ang nagpakita ng kahit anong ganitong tanda. Kung titingnan mo ang bawat kaso, makikita mo na sila ay tumatakbong paalis, o itinatapon ang kanilang sarili sa atin sa marahas na pamamaraan, o ginagawa nila ito nang pareho, at sila ay hindi nagtatagumpay dahil lamang pinipigilan sila ng kanilang mga kamag-anak» tugon ni Tadeo.

«At ng kapangyarihan din ni Jesus» patotoo ng Zealot.

«Kung kaya't tinitingnan ni Jesus ang kalooban ng mga kamag-anak na kumakatawan sa kalooban ng nalulukuban na tao, na ibig na makalaya kung siya ay hindi napipigilan ng dimonyo.»

«Gaanong katalasan! At ano ang tungkol sa mga makasalanan? Sa aking palagay ginagamit Niya ang gayon din na mga salita, kahit na kung sila ay hindi nalulukuban» sabi ni Santiago ni Zebedeo.

«Sinabi Niya sa akin: “Sundan ako” at wala akong sinabing kahit isang salita sa Kanya bago pa man, tungkol sa aking sitwasyon» wika ni Mateo.

«Ngunit nabasa Niya ang iyong puso» sabi ng Iskariote na laging ibig na maging tama, kahit na ano ang mangyari.

«Sige! Ngunit ang lalaking iyon, na ayon sa sinasabi ng mga tao ay isang malaking mahalay na makasalanan, bagama't hindi nadimonyohan, o kung baga nalulukuban, sapagkat sa lahat ng kanyang mga kasalanan nagkaroon sana siya ng isang dimonyo bilang tagaturo kung hindi man tagalukob, at siya ay namamatay at kung ano pa man, ano ang kanyang hiningi? Sa palagay ko ito ay isang maraming usapan ng mga walang-magawa... bumalik tayo sa unang katanungan» sabi ni Pedro.

Si Jesus ay pinagbigyan siya: «Ang lalaking iyon ay ibig na maging mag-isa kasama Ko, upang makapagsalita nang malaya. Hindi siya kaagad nagsalita tungkol sa kanyang kalusugan... ngunit tungkol sa kanyang kaluluwa. Sinabi niya: “Ako ay malapit nang mamatay, ngunit sa katunayan wala akong malalang sakit katulad ng ginawa kong maniwala ang mga tao sa akin upang madala Kayong mabilis dito sa akin. Kailangan kong mapatawad Ninyo upang mapagaling. Ngunit iyan lamang ang kailangan ko. Kung ayaw Ninyo akong pagalingin, tatanggapin ko ito. Karapat-dapat ako nito. Ngunit iligtas ang aking kaluluwa” at ikinumpisal niya ang lahat ng kanyang mga kasalanan. Isang nakakasukang kabit-kabit na mga kasalanan...» sabi ni Jesus, ngunit ang Kanyang mukha ay nagniningning sa lugod.

«At Kayo ay ngumingiti, Guro! Nagtataka ako!» wika ni Bartolomeo.

«Oo, Bartolomeo. Ako ay ngumingiti sapagkat ang mga kasalanan ay wala na, at dahil sa kanyang mga kasalanan nalaman Ko rin ang pangalan ng kanyang tagapagtubos. Ang apostol ay isang babae sa kasong ito.»

«Ang Inyong Ina!» marami sa kanila ang nagsasabi. Ang ilan ay nagsasabi: «Si Johanna ni Chuza! Sa dahilan na madalas siyang pumunta sa Tiberias, baka kilala siya ang lalaki.» Si Jesus ay iniiling ang Kanyang ulo: «Sino iyon, kung gayon?»

«Si Maria ni Lazarus» tugon ni Jesus.

«Siya ba ay pumunta rito? Bakit hindi siya pumunta upang makita ang sinuman sa atin?»

«Siya ay hindi pumunta. Sumulat siya sa dati niyang kasama sa pagkakasala. Nabasa Ko ang kanyang mga sulat. Ang lahat ng mga sulat ay iisa lamang ang ipinakikiusap: ang pakinggan siya, upang matubos ang lalaki, katulad na tinubos ni Maria ang kanyang sarili, na sundan ang kanyang halimbawa sa Birtud, katulad na sinundan niya siya sa pagkakasala, at sa pamamagitan ng makabagbag-damdamin na mga salita ang mga sulat ay pinakikiusapan ang lalaki na palayain ang kaluluwa ni Maria sa paninisi ng kaluluwa gawa ng panunukso sa kaluluwa ng lalaki. At naibalik niya siya sa Diyos. Iyan kung bakit nagretiro siya sa kabukiran upang malabanan ang mga panunukso ng bayan. Ang kanyang sakit na siyang talagang ang paninisi ng kanyang kaluluwa kaysa isang problemang pisikal, ay ang nagkumpleto sa kanyang preparasyon para sa Grasya. Iyan lang. Masaya ka na ba ngayon? Naiintindihan na ba ninyo kung bakit Ako ngumingiti?»

«Oo, Guro» tugon nilang lahat. At nang makita nila na binilisan ni Jesus ang Kanyang mga hakbang, upang makapag-isa, nagsimula silang magbulung-bulungan sa isa’t isa...

Nakikita na nila ang Capernaum, nang sa pagsanga ng kanilang dinadaanan na daan sa daan na nanggagaling sa tabi ng lawa mula sa Magdala, nasalubong nila ang mga disipulo, na mga naglakad lamang mula sa Tiberias sa pag-eebanghelyo. Lahat sila ay naroroon, maliban kay Marjiam, ang mga pastol at kay Manaen, na mga umalis sa Nazareth patungong Herusalem kasama ang mga kababaihan. Ang mga disipulo ay naging mas marami dahil sila ay sinamahan ng iba pang kapwa mga disipulo, na mga bumalik galing sa kanilang misyon kasama ang bagong mga proselito ng doktrinang Kristiyano.

Si Jesus ay binati sila nang may-kabaitan ngunit kaagad Siyang naging walang kibo muli, nakabaon sa pagninilay-nilay at pananalangin, nauuna nang kaunti sa kanilang lahat. Ang mga apostol, sa halip, ay nakihalo sa mga disipulo, lalo na sa mga mas maimpluwensiya, ibig sabihin, kina Stephen, Hermas, Juan ang pari, Juan ang eskriba, Timoneus, Jose ng Emmaus, Ermasteus (na, ayon sa aking naintindihan, umuunlad nang malaki sa daan ng perpeksiyon), Abel ng Bethlehem sa Galilee, na ang kaninong ina ay nasa likuran ng pulutong kasama ang iba pang mga babae. At ang mga disipulo at mga apostol ay nagtatanong at nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kung ano ang nangyari mula nang sila ay magkahiwalay. Sila kung gayon ay pinag-uusapan ang pagpapagaling at kombersiyon sa araw na ito, at ang tungkol sa himala ng barya sa bunganga ng isda... At dahil sa sirkunstansiya na nagdala sa himalang ito, nagka-interes dito ang marami at ang paguusap-usap ay kumalat mula sa isang hilera patungo sa kasunod katulad ng isang apoy na pinagdikit sa dayami...

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

«ilalagay mo rito ang bisyon noong Marso 7, 1944: “Ang Batang si Benjamin ng Capernaum”, na wala ang komentaryo. At ipagpapatuloy mo ang iba pa ng leksiyon at ng bisyon. Magpatuloy.»

Kung kaya't inaalis ko ang huling pangungusap: «Ang bisyon ay nagtatapos dito atbp.» Ito ay magiging wala sa lugar dahil ang bisyon ay nagpapatuloy.

--------------------

Marso 7, 1944.

Nakikita ko si Jesus naglalakad sa isang pangkabukiran na daan napalilibutan at sinundan ng Kanyang mga apostol at mga disipulo.

Ang kalmanteng asul na lawa ng Galilee, na hindi na malayo, ay nagniningning sa magandang sikat ng araw ng tagsibol o taglagas, sapagkat ang araw ay hindi kasing lakas ng sa tag-init. Ngunit sasabihin ko na ngayon ay tagsibol, sapagkat ang kabukiran ay sariwang-sariwa, na wala ang gintong pagod na mga kulay na pangkaraniwan sa taglagas.

Dahil sa ngayon ay dumidilim na, si Jesus ay tila magpapahinga na sa isang mapag-arugang bahay at ibinabaling Niya kung gayon ang Kanyang mga hakbang patungo sa nayon, na nakikita na. Katulad ng madalas Niyang gawin, si Jesus ay naglalakad na nasa unahan nang kaunti ng Kanyang mga disipulo. Tanging dalawa o tatlong hakbang lamang, hindi hihigit, upang nakapag-iisa sa Kanyang mga naiisip, dahil nangangailangan Siya ng kapanatagan pagkatapos ng pag-eebanghelyo sa loob ng buong araw. Siya ay buhos sa pag-iisip habang naglalakad, hawak-hawak sa Kanyang kamay ang isang maliit na berdeng sanga, na maaaring Kanyang pinilas mula sa ilang palumpong at Kanyang magaang hinahampas ang damo sa gilid ng daan sa pamamagitan nito; Siya ay nawawala sa Kanyang naiisip.

Sa likuran Niya, sa kabilang dako, ang mga disipulo ay napunta sa isang masiglang pagdidiskusyon. Inaalaala nila ang mga pangyayari ng araw at sila ay kung bago mahigpit sa kanilang pagsusuri sa mga kamalian at mga pagkukulang ng ibang mga tao. Pinupuna nila nang kahit papaano ang katotohanan ng pangungulekta kay Jesus ng buwis para sa Templo ng mga taong may kagagawan nito.

Si Pedro, na laging bigláin, ay sinasabi na ito ay isang paglalapastangan sapagkat ang Mesiyas ay hindi obligado na magbayad ng buwis: «Ito ay pagsasabi sa Diyos na bayaran ang Kanyang Sarili» sabi niya. «Ito ay hindi tama. At kung sila ay hindi naniniwala na Siya ay ang Mesiyas, ito ay nagiging isang paglalapastangan.»

Si Jesus ay tumalikod nang isang sandali at nagsabi: «Simon, Simon, marami ang mga tao na hindi magtitiwala sa Akin! Sa pagitan din ng mga nag-aakala na ang kanilang pananampalataya sa Akin ay ligtas at hindi matitinag. Huwag mong husgahan ang iyong mga kapatid, Simon. Laging husgahan ang iyong sarili muna.»

Si Judas ngumingiti na may-panunuya ay nagsabi kay Pedro, na ang pakiramdam siya ay napahiya at iniyuko ang kanyang ulo: «Iyon ay para sa iyo. Sa dahilan lamang na ikaw ay ang pinakamatanda laging gusto mong tumayong isang doktor. Hindi totoo na ang merito ng isa ay hinuhusgahan ayon sa kanyang edad. Sa pagitan natin ay may mga nakatataas sa iyo sa kaalaman at kapangyarihang panlipunan.»

Sila kung gayon ay napunta sa pagdidiskusyon tungkol sa kani-kanilang mga merito. At ang ilan ay ipinagmamalaki ang kanilang pagiging kasama sa unang mga disipulo, ang ilan ay ibinabasi ang kanilang pinaka-argumento sa maimpluwensiyang pusisyon na kanilang binitiwan upang sundan si Jesus at may nagsasabi na walang nakakatulad sa mga karapatan na mayroon siya sapagkat walang nagbago nang labis katulad niya mula sa pagiging isang publikano hanggang sa maging isang disipulo. Ang diskusyon ay tumagal nang matagal at kung ako ay hindi natatakot na masaktan ko ang mga apostol, sasabihin ko na tumagal ito ng katulad sa isang tunay na pag-aaway.

Si Jesus ay hindi sila pinapansin. Tila hindi Niya sila napapakinggan. Narating nila pansamantala ang unang mga kabahayan ng nayon, na alam ko na Capernaum. Si Jesus ay nagpapatuloy, ang iba ay sinusundan Siya laging nagdidiskusyon.

Ang isang maliit na bata mga pito o walong taong gulang ay tumatakbo na nadapa pagkaraan ni Jesus. Naunahan niya ang maingay na grupo ng mga apostol at narating si Jesus. Siya ay isang magandang batang lalaki na may maikling kulot na madilim na kulay-kapeng buhok. Ang kanyang madilim na mga mata ay nagniningning sa katalinuhan sa kanyang maliit na madilim na mukha. Tinawag niya nang may-kompiyansa ang Guro na tila kilalang-kilala niya Siya. Sinabi niya: «Jesus, papayagan Mo ba akong makasama sa iyo hanggang sa layo ng Iyong bahay?»

«Nalalaman ba ng iyong ina?» tanong ni Jesus ngumingiting may-kabaitan sa kanya.

«Oo, alam niya.»

«Totoo ba iyan?» bagaman ngumingiti, tinititigan siya ni Jesus nang mabuti.

«Oo, Jesus, totoo iyan.»

«Halika kung gayon.»

Ang bata ay lumukso sa tuwa at kinuha ang kaliwang kamay ni Jesus Na iniaabot ito sa kanya. Sa pamamagitan ng kung anong labis na nagmamahal na pagtitiwala inilagay ng bata ang kanyang maliit na morenong kamay sa mahabang kamay ni Jesus! Sana nagagawa ko rin ito mismo!

«Kuwentuhan Mo ako ng isang magandang parabula, Jesus» sabi ng bata paluksu-lukso sa tabi ni Jesus at tumitingala sa Kanya, ang kanyang mukha nagniningning sa tuwa.

Si Jesus ay tinitingnan siya nang may masayang ngiti, na nagbubukas sa Kanyang mga labì na natatakpan ng Kanyang bigote at ng Kanyang malagintong balbas, na nagniningning katulad ng ginto sa sikat ng araw. Ang Kanyang madilim na sapirong mga mata ay kumikislap na may lugod habang tinitingnan Niya ang bata.

«Ano ang gagawin mo sa parabula? Iyan ay hindi isang laro.»

«Mas mabuti pa iyan kaysa sa laro. Kapag nahihiga na ako, iniisip ko ang tungkol diyan pagkatapos napapanaginipan ko iyan at sa susunod na araw naaalaala ko iyan at inuulit ko iyan sa aking sarili upang maging mabuti. Ginagawa ako niyan na maging mabuting bata.»

«Naaalaala mo iyan?»

«Oo, naaalaala ko. Uulitin ko ba sa iyo ang lahat na ikinuwento Mo sa akin?»

«Ikaw ay magaling, Benjamin, mas magaling pa kaysa sa mga malalaki na. Bilang isang gantimpala magkukuwento Ako sa iyo ng isang parabula.»

Ang bata ay hindi na paluksu-lukso. Siya ay naglalakad nang seryoso at kasing seryoso ng isang adulto, wala siyang pinalalampas na salita o kahit anong pagbabago sa salita ni Jesus, Na kanyang pinagmamasdan nang mabuti, nang hindi na nag-aalala kung saan mapupunta ang kanyang mga paa.

«Ang isang mabuting pastol ay napuna na sa isang lugar maraming mga tupa ang inabandona ng isang masamang pastol, at ito ay nanganganib nang mabuti sa tabi ng magagaspang na daan, at sa loob ng masasamang pastulan, at naglalagalag ito nang papalapit nang papalapit sa madilim na mga bangin. Kung kaya't pumunta siya sa lugar na iyon at isinasakripisyo ang lahat na mayroon siya, binili niya ang mga tupa at mga kordero. Ibig niya itong dalhin sa kanyang sariling kaharian, sapagkat ang pastol ay isa ring hari, katulad ng maraming mga hari sa Israel. Sa loob ng kanyang kaharian ang mga tupa at mga kordero ay makatatagpo ng matatabang pastulan, malamig na tubig, ligtas na mga daan at protektadong mga silungan laban sa mga magnanakaw at mababangis na lobo. Kung kaya't inipon ng pastol ang lahat na kanyang mga tupa at mga kordero at sinabi niya sa kanila: “Ako ay naparito upang iligtas kayo, upang dalhin kayo kung saan hindi na kayo maghihirap pa at kung saan wala kayong matatagpuan na mga patibong. Mahalin ako, sundan ako, sapagkat minamahal ko kayo nang labis at ginawa ko ang lahat na posibleng sakripisyo upang mailigtas kayo. Ngunit kung minamahal ninyo ako, hindi ko pagsisisihan ang aking sakripisyo. Sundan ako at tayo na”. At sila ay nagsimula patungo sa kaharian ng kaligayahan, ang pastol nauuna sa kanila, at ang mga tupa sa likuran niya. Ang pastol ay madalas na lumilingon upang tiyakin na ang mga tupa ay sinusundan siya, upang pilitin ang mga napapagod, upang paginhawahin ang mga pinanghihinaan ng loob, upang tulungan ang mga may sakit at upang haplusin ang maliliit na kordero. Gaano niya sila minamahal! Madalas niya silang bigyan ng kanyang tinapay at asin, at lagi niyang tinitikman muna ang tubig ng mga pontanya, upang matiyak na ito ay mabuting tubig at pinagpapalà niya ito upang ito ay maging banal. Ngunit ang mga tupa – maniniwala ka ba, Benjamin? – ang mga tupa ay napagod. Una isa, pagkatapos dalawa, pagkatapos sampu, pagkatapos sandaan ang naiwanan sa likuran nanginginain at binubusog ang mga sarili ng labis na damo hanggang sa hindi na sila makakilos, at sila ay hihiga sa alikabok at putik kapag sila ay napapagod at busog. Ang iba ay pumupunta sa mga gilid ng mga bangin, sa kabila na sila ay sinasabihan ng pastol: “Huwag gawin iyan”; at habang nakatayo siya sa isa sa pinakamapanganib na mga lugar upang mapigilan sila na makapunta roon, ang ilan ay binubunggo siya upang mahulog siya sa bangin at ginawa nila ito nang makailang beses. At sa ganyan marami ang nahulog sa mga bangin at namatay nang kaawa-awa. Ang ilan ay binubunggo ang iba at nagkakapatayan. Iisang maliit na kordero lamang ang hindi naligaw. Ito ay patakbu-takbo sa paligid humuhuni na tila upang sabihin sa pastol: “Mahal kita”; lagi itong tumatakbo sa likuran ng mabuting pastol at nang makarating sila sa mga geyt ng kaharian, sila lamang ang tanging dalawa: ang pastol at ang maliit na matapat na kordero. Pagkatapos ang pastol ay hindi nagsabi: “pasok”, bagkus sinabi niya: “halika” at kinarga niya ito, malapit sa kanyang dibdib, at dinala niya ito sa loob tinatawag ang lahat ng kanyang mga nasasakupan at sinasabi sa kanila: “Naririto. Ang maliit na korderong ito ay minamahal ako. Ibig kong makasama ko siya magpakailanman. At kailangan na mahalin ninyo ito sapagkat ito ang paborito ng aking puso”. At iyan ang katapusan ng parabula, Benjamin. Ngayon masasabi mo ba sa akin: sino ang mabuting pastol na iyon?»

«Ikaw iyon, Jesus.»

«At sino ang maliit na kordero?»

«Ako iyon, Jesus.»

«Ngunit Ako ay aalis na ngayon. Makakalimutan mo Ako.»

«Hindi, Jesus. Hindi Kita makakalimutan sapagkat minamahal Kita.»

«Ang iyong pagmamahal ay magtatapos kapag hindi mo na Ako nakikita.»

«Uulitin ko sa aking sarili ang mga salita na sinabi Mo sa akin at magiging pareho din ito na tila Ikaw ay naririto. Mamahalin at susundin Kita nang ganyan. At sabihin Mo sa akin, Jesus. Maaalaala Mo ba si Benjamin?»

«Lagi.»

«At papaano Ka makakaalaala?»

«Sasabihin Ko sa Aking Sarili na nangako ka na mamahalin mo Ako at susundin at sa gayon maaalaala kita.»

«At ibibigay Mo ba sa akin ang Iyong Kaharian?»

«Ibibigay Ko, kung ikaw ay mabuti.»

«Ako ay magiging mabuti.»

«Ano ang gagawin mo? Ang buhay ay mahaba.»

«Ngunit ang Iyong mga salita ay napakabuti, din. Kung uulitin ko ito sa aking sarili at ginagawa ko ang Iyong sinasabi na kailangan kong gawin, magiging mabuti ako sa buong buhay ko. At gagawin ko iyan sapagkat minamahal Kita. Kapag nagmamahal ang isa, hindi mahirap na maging mabuti. Hindi ako nahihirapan na sundin ang aking ina, sapagkat minamahal ko siya. At hindi magiging mahirap para sa akin na sundin Kita, sapagkat minamahal Kita.»

Si Jesus ay tumigil at tinitingnan ang maliit na mukha, na naliliwanagan ng pagmamahal nang higit pa kaysa ng sinag ng araw. Ang lugod ni Jesus ay napakalalim na tila isa pang araw ang umaapoy sa loob ng Kanyang kaluluwa at sumisinag sa pamamagitan ng Kanyang mga mata. Siya ay yumuko at hinalikan ang noo ng bata.

Siya ay tumigil malapit sa isang abang bahay na may bubon sa harapan. Si Jesus ay naupo malapit sa bubon kung saan Siya sinamahan ng mga disipulo, na mga nagtatalu-talo pa rin tungkol sa mga karapatan.

Si Jesus ay tinitingnan sila. Pagkatapos tinawag Niya sila: «Halikayo rito, sa paligid Ko at pakinggan ang huling leksiyon ng araw, kayo na pinaos ang inyong mga sarili sa kasisigaw sa pagdiriwang ng inyong sariling mga merito at naniniwala na makakakuha kayo ng pusisyon ayon sa mga iyan. Nakikita ba ninyo ang batang ito? Siya ay nasa katotohanan nang higit pa kaysa sa inyo. Ang kanyang inosensiya ay nagbigay sa kanya ng susi upang mabuksan ang mga tarangkahan ng Aking Kaharian. Sa kanyang kasimplehan ng isang bata, naintindihan niya na ang lakas na kinakailangan upang maging dakila ay nakasalalay sa pagmamahal at na ang pagsunod na isinasabuhay na may pagmamahal ay ang kinakailangan upang mapasok ang Aking Kaharian. Maging simple at mapagpakumbaba, maging magiliw hindi lamang sa Akin, bagkus sa isa’t isa, sundin ang Aking mga salita, ang lahat nito, pati na rin ang mga salitang Aking sinasabi sa inyo ngayon, kung ibig ninyong marating ang lugar na papasukin ng inosenteng mga kaluluwang ito. Matuto sa maliliit na bata. Ang Ama ay binubunyag ang katotohanan sa kanila, ngunit hindi Niya ito binubunyag sa marurunong.»

Si Jesus ay nagsasalita hinahawakan si Benjamin sa tabi ng Kanyang mga tuhod, na ang Kanyang mga kamay nasa mga balikat ng bata. Ang hitsura ni Jesus ay mahestuwoso. Siya ay seryoso, hindi galit, ngunit mahigpit. Dahil ito ay naging ang Guro. Ang Kanyang maningning na buhok ay isang apoy ng liwanag sa huling mga sinag ng araw.

Ang bisyon ay nagtatapos dito iniiwan ako na puno ng matatamis na alaala sa kabila ng aking mga kapighatian.

--------------------

(Disyembre 6, 1945).

Kung gayon, ang mga disipulo ay hindi nakapasok sa bahay. Ito ay natural lang dahil sa kanilang bilang at dala ng pagrespeto. Hindi sila kailanman pumapasok maliban kung sila ay inaanyayahan, o ang isa ay partikular na inaanyayahan ng Guro. Napupuna ko sa kanila ang dakilang paggalang at pagpipigil, sa kabila ng kabaitan ng Guro at ng Kanyang hindi naglalahong mapagkaibiganin. Kahit na si Isaac, na aking masasabi na siyang ang unang disipulo, ay hindi kailanman nangangahas na lapitan si Jesus maliban kung siya ay tinatawag ng Guro sa pamamagitan ng isang ngiti man lamang.

Medyo kakaiba, hindi ba? sa nagmamadali halos katawa-tawang asal kung papaano pakibagayan ng maraming tao kung ano ang sobrenatural... Ito ang aking puna at sa pakiramdam ko ito ay tama, sapagkat hindi ko matiis ang mga tao na tratuhin ang mas mataas kaysa sa atin sa pamamagitan ng mga asal na hindi natin gagawin para sa mga taong katulad mismo natin, kung sila ay mas mabuti lamang nang kaunti kaysa sa atin... Bueno!... At tayo ay magpatuloy...

Ang mga disipulo ay nakakalat sa baybayin ng lawa upang mamili ng isda at tinapay at ng kung ano pa man ang kinakailangan para sa hapunan. Si Santiago ni Zebedeo ay bumalik at tinatawag ang Guro, Na nakaupo sa terasa kasama si Juan na nakalupagi sa Kanyang paanan sa nagmamahalan na paguusap... Si Jesus ay tumayo at dumungaw sa parapet.

Si Santiago ay nagsabi: «Gaano karaming isda, Guro! Ang aking ama ay nagsabi na pinagpalà Ninyo ang mga lambat sa pagpunta Ninyo rito. Tingnan: ito ay para sa atin» at pinakikita niya ang isang puno ng basket na malaplatang mga isda

«Harinawang pagkalooban siya ng Diyos ng grasya para sa kanyang kagandahang-loob. Ihanda iyan, sapagkat pagkatapos ng hapunan pupunta tayo sa baybayin kasama ang mga disipulo.»

Ginawa nila ito. Ang lawa ay maitim sa gabi, naghihintay para sa buwan, na tataas nang huli. At sa halip na makita ng isa ang lawa, maririnig lamang niya itong bumubulung-bulong at humahampas sa mabatong baybayin. Tanging ang pambihirang maningning na mga bituin lamang ng silanganing mga bansa ang masasalamin sa kalmanteng mga tubig. Sila ay naupo nang pabilog nakapaikot sa isang nakataob na bangka kung saan si Jesus ay nakaupo. At ang maliliit na mga lampara ng mga bangka na inilagay sa gitna ng pabilog ay halos hindi maliwanagan ang mga mukha na mas malapit sa mga ito. Ang mukha ni Jesus ay naliliwanagan mula sa ibaba sa pamamagitan ng isang lampara na inilagay malapit sa Kanyang paanan, at sa gayon ang lahat ay nakikita Siya nang mabuti, habang Siya ay nakikipagusap sa isang ito o sa isang iyon.

Sa una ito ay isang katulad ng pantahanan na paguusap-usap. Ngunit ito ay kaagad naging tunog ng isang leksiyon. Ganito ang sinasabi ni Jesus nang hayagan:

«Halikayo at makinig. Tayo ay maghihiwalay mamaya lamang at ibig Kong turuan kayo upang mas lalo Ko pa kayong magawang perpekto.

Napakinggan Ko kayong nagtatalu-talo ngayon, at hindi laging mapagkawanggawa. Naibigay Ko na sa mga nakatatanda sa pagitan ninyo ang leksiyon, ibig Ko rin itong ibigay sa inyo, at magiging walang anuman ito para sa mga nakatatanda na pakinggan itong muli. Ang maliit na batang si Benjamin ay wala na rito, nakatayo sa tabi ng Aking mga tuhod. Siya ay natutulog na sa kanyang higaan at pinananaginipan ang kanyang inosenteng mga panaginip. Ngunit baka ang kanyang inosenteng kaluluwa ay naririto pa rin kasama natin. Ngunit isipin na siya, o ilang iba pang mga bata, ay naririto, bilang isang halimbawa para sa inyo.

Ang bawat isa sa inyo ay mayroong isang nakapermeng idea, isang pag-uusyoso, isang panganib. Ibig-sabihin: ang maging una sa Kaharian ng Langit; ang malaman kung sino ang magiging una; at sa huli ang panganib: ang pantao pang mithiin na mapakinggan ang tugon: “Ikaw ang una sa Kaharian ng Langit” binibigkas ng inyong napipilitan na mga kasamahan o ng Guro, higit sa lahat ng Guro, na ang Kaninong kinagawian sa pagsasabi ng katotohanan at ang Kaninong kaalaman tungkol sa hinaharap ay nalalaman ninyo. Hindi ba’t ganito nga ito? Ang mga tanong ay nanginginig sa inyong mga labì at naninirahan sa kalaliman ng inyong mga puso.

Ang inyong Guro, para sa ikabubuti ninyo, ay pinababayaan kayo sa inyong pag-uusyoso, bagama't nasusuklam Siya sa pagbibigay-daan sa pantaong pag-uusyoso. Ang inyong Guro ay hindi isang mapagdunung-dunungan kung kanino ang isa ay makapagtatanong para sa kaunting barya sa kaguluhan ng isang palengke. Ni hindi rin Siya nalulukuban ng espiritu ng Ahas, na tumutulong sa Kanya sa paggawa ng pera sa pamamagitan ng paghuhula, upang sumang-ayon sa kakitiran ng pag-iisip ng tao na gustong makaalam ng tungkol sa hinaharap upang makapagpasya kung papaano “makakilos”. Ang tao ay hindi makakilos nang may-karunungan sa pamamagitan ng kanyang sarili. Ang Diyos ay tutulungan siya kung siya ay may pananampalataya sa Kanya! At walang kabuluhan ang malaman ang hinaharap, o ang isipin na ang isa ay nalalaman ito, kung ang isa ay walang pamamaraan na maiwasan ang hinulaan na hinaharap. May iisang pamamaraan lamang: ang magdasal sa Ama at Panginoon na ang Kanyang awa ay sana tulungan tayo. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang makumpiyansang panalangin ay mababago nito ang kaparusahan na maging mga pagpapalà. Ngunit siya na tumatakbo sa tao upang maiwasan ang hinaharap, bilang isang tao at may pantao na pamamaraan, ay hindi makapagdarasal kailanman, o makapagdarasal nang napakasama. Bilang ang pag-uusyosong ito ay sana makapagturo sa inyo ng isang mabuting leksiyon, tutugunan Ko ito para rito nang minsan, bagama't kinasusuklaman Ko ang mapag-usisa at walang-galang na mga tanong.

Nagtatanong kayo: «Sino sa atin ang magiging pinakadakila sa Kaharian ng Langit?»

Hindi Ko tinitingnan ang limitasyon ng “sa atin” at pinaaábot Ko ang mga hangganan sa buong kasalukuyan at hinaharap na mundo at tumutugon Ako: “Siya ang pinakadakila sa Kaharian ng Langit, na siyang ang pinakamaliit sa mga tao”. Ibig-sabihin: siya na tinitingnan na “ang pinakamaliit” ng mga tao: ang simple, mapagpakumbaba, mapagtiwala, walang-alam. Iyan ay isang bata, o siya na nagagawa ang kanyang kaluluwa na maging katulad ng kaluluwa ng isang bata muli. Ni ang siyensiya, o ang kapangyarihan, o kayamanan, o industriya, ni kahit ang mabuting industriya, ang magpapagawa sa inyo na “ang pinakadakila” sa banal na Kaharian. Kinakailangan na maging katulad ng isang bata hinggil sa nagmamahal na kabaitan, kababaang-loob, kasimplehan, pananampalataya.

Pagmasdan kung papaano Ako minamahal ng mga bata, at gayahin sila. Kung papaano sila maniwala sa Akin, at gayahin sila. Kung papaano nila naaalaala ang sinasabi Ko, at gayahin sila. Kung papaano nila ginagawa ang Aking itinuturo sa kanila, at gayahin sila. Kung papaano hindi sila nagmamalaki tungkol sa kanilang ginagawa, at gayahin sila. Kung papaano sila hindi naninibugho sa Akin at sa kanilang mga kasamahan, at gayahin sila. Sasabihin Ko sa inyong totoo na kung hindi ninyo babaguhin ang pamamaraan ng inyong pag-iisip, ng pagkilos at ng pagmahal, at hindi ninyo ito minomolde muli ayon sa mga bata, hindi ninyo mapapasok ang Kaharian ng Langit. Nalalaman nila ang esensiyal na mga elemento ng Aking doktrina, katulad ng nalalaman ninyo, ngunit gaano kaiba nilang sinasabuhay ang Aking tinuturo! Para sa bawat mabuting gawa na inyong ginawa, sinasabi ninyo: “Ako ang gumawa niyan”. Ang isang bata ay nagsabi sa Akin: «Naalaala ko Ikaw ngayon, sumunod ako alang-alang sa iyo, nagmahal ako, umiwas ako sa pakikipag-away... at ako ay masaya, sapagkat nalalaman ko na nalalaman Mo kapag ako ay mabuti at Ikaw ay nasisiyahan”. At pagmasdan ang mga bata kung sila ang may kagagawan ng pagkakamali. Gaano mapagpakumbaba silang mangungumpisal: “Ngayong araw ako ay makulit. At nalulungkot ako sapagkat napamighati Kita”. At hindi sila naghahanap ng dahilan. Nalalaman nila na nalalaman Ko. Sila ay naniniwala. Nalulungkot sila sapagkat Ako ay nalulungkot.

O! Gaano kamahal ang mga bata sa Aking puso: wala diyan ng pagmamalaki, walang doble kara, walang kasakiman sa kanila! Sasabihin Ko sa inyo muli: maging katulad ng mga bata kung ibig ninyong makapasok sa Aking Kaharian. Mahalin ang mga bata, dahil sila ang mga anghelikal na halimbawa na nasa inyo pang harapan. Sapagkat kailangan ninyo na maging katulad ng mga anghel. Bilang dahilan baka sabihin ninyo: “Hindi kami nakakakita ng mga anghel”.

Ngunit ang Diyos ay binigyan kayo ng mga bata bilang mga halimbawa, at may mga bata kayo sa pagitan ninyo. At kung nakakakita kayo ng isang bata na pisikal at moral na pinababayaan at maaaring mamatay, arugain siya sa Ngalan Ko, sapagkat mahal na mahal sila ng Diyos. At siya na nag-aaruga ng isang bata sa Ngalan Ko, ay inaaruga Ako, sapagkat Ako ay nasa inosenteng mga kaluluwa ng mga bata. At siya na nag-aaruga sa Akin, ay inaaruga Siya Na nagpadala sa Akin, ang Kataastaasan.

At maniwala kung hindi’y maiiskandalo ninyo ang isa sa mga maliliit na ito, na ang kaninong mga mata ay nakikita ang Diyos. Hindi kayo kailangan na mang-iskandalo ng sinuman. Ngunit tatlong beses na kapahamakan sa mga nagpaparumi sa inosenteng kadalisayan ng mga bata! Gawin silang katulad ng mga anghel hanggang sa tagal na maaari. Ang mundo at laman ay labis na kamuhi-muhi sa mga kaluluwa na nanggagaling sa Langit! At ang isang bata, sa pamamagitan ng kanyang inosensiya, ay ganap na isa pa ring kaluluwa. Irespeto ang kaluluwa ng isang bata at ang kanyang katawan katulad na inirerespeto ninyo ang isang sagradong lugar. At ang isang bata ay sagrado rin sapagkat ang Diyos ay nasa loob niya. Ang templo ng Espiritu ay nasa loob ng bawat katawan. Ngunit ang templo ng isang bata ay ang pinaka sagrado at pinaka matalik, ito ay lampas sa dobleng Kurtina. Ni huwag ninyong pabayaan ang hangin ng inyong masisimbuyong damdamin na magalaw ang mga kurtina ng kanilang kawalang-alam tungkol sa kiling sa pagkakasala.

Gusto Ko ang isang bata sa bawat pamilya, sa pagitan ng bawat pagtitipon ng mga tao, na mapigilan ang masisimbuyong damdamin ng mga tao. Ang isang bata ay nagpapabanal, nagdadala ng aliw at kasariwaan sa pamamagitan ng simpleng sulyap ng kanyang inosenteng mga mata. Ngunit kapahamakan sa mga mangungulimbat sa mga bata ng kanilang kabanalan sa pamamagitan ng kanilang iskandalosong pag-uugali! Kapahamakan ang darating sa mga magtuturo sa mga bata ng kasamaan sa pamamagitan ng kanilang kahalayan! Mapapahamak ang mga na sa pamamagitan ng kanilang mga salita at ironiya sinusugatan nila ang pananampalataya na mayroon ang mga bata sa Akin! Mas mabuti pa kung ang isang panggiling na bato ay itinali sa leeg ng bawat isa sa kanila at itinapon sila sa dagat upang lunurin na kasama ang kanilang iskandalo. Kapahamakan sa mundo na nang-iiskandalo ng ganyang inosenteng mga kaluluwa! Magkakaroon nga ng mga iskandalo, ngunit sa aba para sa tao na magdadala ng mga ito.

Walang sinuman ang may karapatan na gumawa ng karahasan sa kanyang katawan o sa kanyang buhay. Sapagkat ang buhay at ang katawan ay ibinigay sa atin ng Diyos at Siya lamang ang may karapatan na kumuha sa mga ito nang ganap o bahagi nito. Sasabihin Ko sa inyo na kung ang inyong kamay ay ginagawa kayong magkasala, mas mabuti pang putulin ito, at kung ang inyong paa ay nagagawa kayong makapagbigay ng iskandalo, mas mabuti pa kung putulin ninyo ito. Mas mabuti pa para sa inyo na makapasok sa Buhay na pilay o lumpo, kaysa sa maitapon sa eternal na apoy na may dalawang kamay at dalawang paa. At kung hindi sapat na putulin ang isang kamay o isang paa, putulin din ang isa pang kamay o isa pang paa, upang hindi na sana kayo makapang-iskandalo, bagkus magkaroon sana kayo ng panahon na makapagsisi bago maitapon sa walang-pagkapugnaw na apoy, na nagpapasakit katulad ng isang uod magpakailanman. At kung ang inyong mata ay nagagawa kayong magkasala, dukutin ito at itapon. Mas mabuti nang maging may isang-mata, kaysa mapunta sa impiyerno na may dalawang mata. Sa pamamagitan ng isang mata o walang mga mata makikita ninyo sa Langit ang Liwanag, samantalang sa pamamagitan ng dalawang iskandalosong mga mata ang makikita ninyo ay kadiliman at takot sa impiyerno. At wala nang iba.

Tandaan iyan. Huwag na iskandaluhin ang maliliit na bata, huwag silang hamakin, huwag silang pagtawanan. Mas may-halaga pa sila kaysa sa inyo, sapagkat ang kanilang mga anghel ay laging nakikita ang Diyos, Na nagsasabi sa kanila ng katotohanan na maibúbunyag sa mga bata at sa mga tao na ang kaninong mga puso ay katulad ng mga puso ng mga bata.

At magmahalan sa isa’t isa katulad ng mga bata, nang walang mga pagtatalu-talo at walang pagmamalaki. At maging nasa kapayapaan sa isa’t isa. Maging may kapayapaang pag-iisip sa lahat. Kayo ay magkakapatid, sa ngalan ng Panginoon, hindi mga magkaka-away. Hindi kailangan na magkaroon ng samaan-ng-loob sa pagitan ng mga disipulo ni Jesus. Ang tanging Kaaway lamang ay si Satanas. Maging kanyang maiinit na kaaway at makipagdigma sa kanya at sa mga kasalanan na siyang naglalagay kay Satanas sa loob ng mga puso ng mga tao.

Maging walang-kapaguran sa pakikipaglaban sa Kasamaan, maging anuman ang pormang kunin nito. At maging matiyaga. Walang limitasyon sa aktibidad ng isang apostol, sapagkat walang limitasyon sa aktibidad ng Kasamaan. Ang dimonyo ay hindi kailanman nagsasabi: “Tama na iyan. Pagod na ako ngayon at ako ay magpapahinga”. Siya ay hindi napapagod. Siya ay lumilipat mula sa isang tao patungo sa isa pa sa kasing bilis ng isip, at kahit mas mabilis pa, at siya ay nanunukso at kumukuha, nanghahalina at nagpapahirap at hindi nagbibigay ng kapayapaan. Siya ay umaatake nang pataksil at nanggigiba, kung ang isa ay hindi mahigit pang nagbabantay. Kung minsan inilalagay niya ang kanyang sarili bilang kongkistador, dahil sa kahinaan ng tao na kanyang gustong sakupin, kung minsan pumapasok siya bilang isang kaibigan, sapagkat ang biktima na kanyang pinagkaka-interesan, ay namumuhay na bilang kaalyado ng Kaaway. Kung minsan, kapag siya ay napapalayas sa isang tao, siya ay maglalagalag at sasakupin ang isang mas magandang biktima upang maipaghiganti ang sarili sa katalunan na kanyang dinanas sa mga kamay ng Diyos o sa isang lingkod ng Diyos. Ngunit kailangan ninyong sabihin ang kanyang sinasabi: “Hindi ako magpapahinga”. Siya ay hindi nagpapahinga upang malagyan ng mga tao ang impiyerno. Hindi kayo kailangan na magpahinga upang malagyan ng mga tao ang Paraiso. Huwag siyang bigyan ng lugar. Huhulaan Ko kayo na habang mas nilalabanan ninyo siya mas lalo niya kayong pahihirapan. Ngunit hindi kayo kailangan na mag-alala tungkol diyan. Maaari niyang malupig ang lupa ngunit hindi niya kailanman mapapasok an Langit. Kung kaya't hindi niya kayo mapakikialaman doon at ang mga lumaban sa kanya ay mapupunta sa Langit...»

Si Jesus ay tumigil nang bigla at nagtanong: «Bakit ka nag-aalala, Juan? Ano ang kanilang kailangan mula sa iyo?»

Si Juan ay namula at sina Bartolomeo, Tomas at ang Iskariote ay itinungo ang kanilang mga ulo nakikita na sila ay nabisto.

«Bueno?» tanong ni Jesus nang panapos.

«Guro, ang aking mga kasamahan ay may ibig na sabihin sa Inyo.»

«Sabihin sa Akin, kung gayon.»

«Ngayong araw, nang Kayo ay nasa may-sakit na lalaki, at kami ay umiikot sa nayon, ayon sa sinabi Ninyo sa amin, may nakita kaming isang lalaki, na hindi Ninyo disipulo, at isang hindi namin kailanman nakita na kasama ng mga nakikinig sa Inyong mga sermon, at siya ay nagpapalayas ng mga dimonyo sa Ngalan Ninyo, sa loob ng isang grupo ng mga peregrino na patungo sa Herusalem. At siya ay matagumpay. Pinagaling niya ang isang lalaki na labis na nanginginig na siya ay hindi makapagtrabaho, at ginawa niya ang isang batang babae na makabalik sa kanya ang kanyang pananalita, na dati nawala sa kanya, sapagkat siya ay inatake sa loob ng isang kakahuyan ng isang dimonyo sa hitsura ng isang aso, na siyang nagtali sa kanyang dila. Sinabi ng lalaki: “Lumayas ka, isinumpang dimonyo, sa ngalan ng Panginoong Jesus, ang Kristo, ang Hari ng angkan ni David, ang Hari ng Israel. Siya ay ang Tagapagligtas at ang Panalo. Lumayas sa harapan ng Kanyang Pangalan!” at ang dimonyo ay talagang lumayas. Dinamdam namin iyon at sinabihan namin siya na hindi siya pinahihintulutan na gawin iyon. Sinabi niya sa amin: “May ginagawa ba akong masama? Pinararangalan ko ang Kristo sa pag-alis sa mga dimonyo sa Kanyang daan na hindi karapat-dapat na makakita sa Kanya”. Kami ay tumugon: “Ikaw ay hindi isang tagapagpalayas ng dimonyo ayon sa Israel at ikaw ay hindi isang disipulo ng Kristo. Hindi ka pinahihintulutan na gawin iyan”. Sinabi niya: “Ang isa ay laging pinahihintulutan na gumawa ng mabubuting bagay” at siya ay nagrebelde laban sa aming utos nagsasabing: “At ipagpapatuloy ko ang aking ginagawa”. Iyan ang ibig nilang sabihin ko sa Inyo, lalo na sapagkat kasasabi pa lamang Ninyo na ang mga lumaban kay Satanas ay mapupunta sa Langit.»

«Sige. Ang lalaking iyon ay magiging isa sa kanila. Siya ay tama at kayo ay mali. Ang mga paraan ng Panginoon ay walang-hangganan at hindi totoo na tanging ang tumatahak lamang ng tuwid na daan ang nakararating sa Langit. Kahit saan, sa lahat ng oras, sa di-mabibilang na ibang mga pamamaraan, may mga taong pupunta sa Akin, kahit na sa daan na sa simula ay maling mga daan. Bagkus makikita ng Diyos ang kanilang mabubuting intensiyon at pasusundin sila sa tamang daan. gayon din naman magkakaroon ng ilan na sa pamamagitan ng kalabisan na kalasingan sa pagkiling sa pagkakasala iiwanan ang mabuting daan upang kunin ang daan na maglálayo at magliligaw na rin sa kanila. Kung kaya't huwag ninyo kailanman husgahan ang inyong kapwa. Diyos lamang ang tanging nakakakita. Sikapin na huwag kailanman iwanan ang tamang daan., kung saan ang kalooban ng Diyos higit pa sarili ninyong kalooban ay inilagay kayo. At kapag nakakakita kayo ng sinuman na naniniwala at kumikilos sa Ngalan Ko, huwag siyang tawagin na isang estranghero, kaaway, o sabihin na siya ay isang walang-galang sa banal na mga bagay. Siya ay isang mapagkaibigan na matapat na nasasakupan Ko, sapagkat siya ay naniniwalang kusa sa Aking Pangalan, at siya ay naniniwala nang mas higit pa kaysa sa marami sa inyo. Iyan kung bakit ang Aking Pangalan sa kanyang mga lábi ay gumagawa ng mga himala katulad ng ginagawa ninyo, o baka mas mahigit kaysa ng sa inyo. Ang Diyos ay minamahal siya sapagkat minamahal niya Ako at siya ay magtatapos na dinadala siya sa Langit. Walang sinuman na gumagawa ng mga himala sa ngalan Ko ang maaaring maging kaaway Ko o magsasalita ng masama tungkol sa Akin. Sa kabaligtaran pinararangalan niya ang Kristo at nagbibigay siya ng saksi sa pananampalataya. Sasabihin Ko sa inyong totoo na ang paniniwala sa Pangalan Ko ay sapat nang makapagligtas sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat ang Aking Pangalan ay Kaligtasan. Kung kaya’t sasabihin Ko sa inyo: kung makita ninyo siyang muli, huwag siyang pakialaman. Tawagin siyang “kapatid”, sapagkat siya ay ganyan, kahit na kung siya ay nasa labas pa rin ng bakuran ng Aking Kawan. Siya na hindi laban sa Akin, ay kasama Ko. Siya na hindi laban sa inyo, ay kasama ninyo.»

«Nagkasala ba kami, Panginoon?» tanong ni Juan nang namimighati.

«Hindi. Kayo ay kumilos dala ng kamangmangan, ngunit walang malisya. Kung kaya't wala diyang kasalanan. Ngunit, dahil sa nalalaman na ninyo ang sitwasyon, magiging kasalanan na ito sa hinaharap. At ngayon tayo ay umuwi na. Kapayapaan sa inyo.»

--------------------

Ang diktasyon na sumusunod sa bisyon tungkol sa batang si Benjamin (7.3.44) ay mailalagay dito sa katapusan ng bisyon sa araw na ito. Ayon sa ibig mo.

--------------------

(Marso 7, 1944).

jesus sinasabi

Si Jesus pagkatapos ay Kanyang sinasabi:

«Sasabihin Ko rin sa iyo, ang Aking sinabi sa Aking maliit na disipulo. Ang Kaharian ay pag-aari ng matatapat na tupa na nagmamahal at sumusunod sa Akin nang hindi naliligaw sa mga panggaganyak.

At sasabihin Ko sa iyo ang Aking sinabi sa Aking mga nakatatandang disipulo: “Matuto mula sa maliliit na disipulo”. Ang katunayan na kayo ay mga may-pinag-aralan, mayaman, matapang ay hindi ninyo makukuha nito ang Kaharian ng Langit. Hindi kung kayo ay ganyan mula sa pantao na pananaw. Ngunit makukuha ninyo ito, kung kayo ay sobrenatural na may pinag-aralan, mayaman at matapang sa pamamagitan ng kaalaman at pagsasabuhay ng pagmamahal. Gaano nagpapaliwanag ang pagmamahal sa isa at maintindihan niya ang Katotohanan! Gaano nito napayayaman ang isa upang makuha ito! Gaano napatatapang nito ang isa upang makuha niya ito!

Kumilos katulad ng batang si Benjamin, ang Aking maliit na bulaklak na nagpabango sa Aking puso nang gabing iyon at umawit ng anghelikal na himig, na nakatalo sa amoy ng pagiging-tao na pumapasok sa mga disipulo, at sa ingay ng pagiging-tao na mga pagtatalu-talo.

At gusto mo bang malaman kung ano ang nangyari pagkaraan kay Benjamin? Siya ay nanatiling ang maliit na tupa ng Kristo, at nang nawala sa kanya ang kanyang Dakilang Pastol, Na bumalik na sa Langit, siya ay naging ang disipulo ng isa ng mas nakakatulad Ko, na siyang nagbinyag sa kanya sa pangalan na Stephen, ang Aking unang martir. Siya ay naging matapat hanggang sa kamatayan at gayon din ang kanyang mga kamag-anak, na nakuha ng Pananampalataya ng kanilang maliit na apostol. Siya ba ay hindi kilala? Maraming tao ang kilala Ko sa Aking Kaharian, ngunit hindi kilala ng mga tao. At sila ay masaya para diyan. Ang makamundong kasikatan ay hindi nagdadagdag ng kahit isang munting kislap sa kaluwalhatian ng pinagpalang mga kaluluwa.

Munting Juan, laging maglakad na ang iyong kamay nasa kamay Ko. Makapagpapatuloy ka nang ligtas at kapag nakarating ka sa Kaharian hindi Ko sasabihin sa iyo: “Pumasok ka” bagkus “Halika” at kakargahin kita upang ilagay ka sa lugar na naihanda ng Aking pagmamahal para sa iyo at minarapat ng iyong pagmamahal.

Humayo sa kapayapaan. pinagpapalà kita.»

180610/060712

 



Sunod na kabanata