352. Ang Ikalawang Himala ng mga Tinapay.

Mayo 28, 1944, Linggo ng kapistahan ng Pentekostes, 2 n.u.

Isang mapayapang bisyon. Nakikita ko ang isang lugar na hindi isang kapatagan o isang bundok. May ilang mga bundok sa silangan, ngunit sila ay kung baga malayo. Pagkatapos ay may isang maliit na lambak at medyo patag na mga pagtaas ng lupa, katulad ng mga damuhang lugar. Ito ay tila ang mas mabababang dalisdis ng isang grupo ng mga burol. Ang lupa ay kung baga tuyot at walang tanim may madalang lamang na maiikling damo na nakakalat sa mabatong lupa. Dito at doon ay may isang maliit na grupo ng napakababang matitinik na mga palumpong. Ang orisonte ay lumilitaw nang malapad at maningning sa kanluran. Wala na akong makita pang iba. May liwanag pa ng araw, habang ang mga bundok sa silangan ay nagkukulay biyoleta na sa nagsisimulang takip-silim. Ang malalalim na bitak ay nagmumukha na ring mas madilim sa naglalahong liwanag, habang ang nasa mas matataas na lugar ay may bahid biyoleta.

Si Jesus ay nakatayo sa ibabaw ng isang malaking bato nagsasalita sa isang napakalaking pulutong nakakalat sa mataas-taas na lugar. Ang Kanyang mga disipulo ay nasa paligid Niya. Mula sa Kanyang kinatatayuan napangingibabawan Niya ang mga pulutong ng mga tao ng bawat edad at katayuang panlipunan nakapaligid sa Kanya.

Maaaring nakagawa na Siya ng ilang mga himala sapagkat napapakinggan ko Siya na nagsasalita: “Kailangang magpuri kayo at maging mapagpasalamat sa Kanya Na nagpadala sa Akin, hindi sa Akin. At ang inyong papuri ay hindi kailangan na manggaling sa inyong di-nag-iintinding mga lábi katulad ng tunog ng pumapagaspas na hangin. Ang totoong papuri ay tumataas mula sa inyong mga puso at siyang tunay na pakiramdam ng inyong mga puso. At ito ay kasiya-siya sa Diyos. Gawin ang mga napagaling na mahalin ang Panginoon nang matapat. At ang mga kamag-anak ng mga napagaling ay kailangan na mahalin din Siya nang ganyan. Huwag gamitin nang mali ang regalo ng inyong nakapanumbalik na kalusugan. Mas katakutan ninyo ang mga sakit ng inyong mga kaluluwa kaysa ang mga sakit ng inyong mga katawan. At huwag magkasala. Sapagkat ang bawat kasalanan ay isang sakit. At ang iba nito ay maaaring maghatid ng kamatayan. Kung kaya't lahat kayo na ngayon ay nagbubunyi, huwag sirain ang mga pagpapalà ng Panginoon sa paggawa ng kasalanan. Ang inyong lugod ay titigil, sapagkat ang masasamang gawain ay sumisira ng kapayapaan, at kung saan walang kapayapaan, ay walang lugod. Bagkus maging banal at perpekto, katulad na iyan ang gusto sa inyo ng Ama, sapagkat minamahal Niya kayo at ibig Niyang magbigay ng isang Kaharian sa mga minamahal Niya. Ngunit tanging ang mga perpekto lamang sa pamamagitan ng katapatan nila sa Batas ang papasok sa Kanyang banal na Kaharian. Harinawang ang kapayapaan ng Diyos ay mapasainyo.»

At si Jesus ay nanahimik. Siya ay nangorsumano at pinagmamasdan ang mga pulutong sa paligid Niya. Pagkatapos tumitingin Siya sa kapaligiran, sa maliwanag na kalangitan, na dumidilim nang dumidilim sa naglalahong liwanag. Siya ay nag-iisip. Bumaba Siya mula sa malaking bato. Sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo: «Naaawa Ako sa mga taong ito. Sinundan nila Ako sa loob ng tatlong araw. Wala na silang panustos na pagkain at tayo ay malayo sa kahit anong nayon. Kinakabahan Ako na ang mas mahihina sa kanila ay labis na maghihirap, kung sila ay Aking paaalisin nang hindi pinakakain.»

«At papaano Ninyo gustong gawin iyan, Guro? Sinabi Ninyo ito Mismo, na tayo ay malayo sa bawat nayon. Saan tayo makakakuha ng tinapay sa nangungulilang lugar na ito? At sino ang magbibigay sa atin ng labis na pera upang makabili ng sapat para sa lahat?»

«Wala ba kayong kahit anong dala?»

«Mayroon tayong kaunting isda at ilang piraso ng tinapay. Ang natira sa ating pagkain. Ngunit ito ay hindi sapat para sa kahit sino. Kung ibibigay Ninyo ito sa mga nasa malapit sa Inyo, magkakaroon ng gulo. Mapagkakaitan Ninyo tayo at hindi matutulungan ang kahit sino» sabi ni Pedro.

«Dalhin sa Akin ang mayroon kayo.»

Sila ay nagdala ng maliit na basket na may pitong piraso ng tinapay. Ito ay hindi buong mga tinapay. Nagmumukha itong makakapal na hiwa ng isang malaking tinapay. Ang maliliit na isda ay isang dakot ng munting mga bagay na sunog sa apoy.

«Gawin ang mga pulutong na maupo nang grupu-grupo labinlima katao bawat grupo at sabihin sa kanila na maging kalmante at tahimik kung ibig nilang makakain.»

Ang mga disipulo, umaakyat sa mga bato o umiikot sa mga pulutong, ay abala sa pagsasaayos sa mga tao ayon sa sinabi ni Jesus. Sa pamamagitan ng lakas ng pagsusumikap, sila ay nagtagumpay. Ang ilan sa mga bata ay humihikbi dahil sila ay nagugutom at inaantok, at iba ay dahil ang kanilang ina o ilang kamag-anak ay pinalo sila upang sila ay sumunod.

Si Jesus ay kinuha ang pira-pirasong tinapay, hindi lahat: isa sa bawat kamay, inaalay Niya ito, ibinaba ito at benebendisyunan. Kinuha Niya ang maliliit na isda, ito ay napakakaunti na ito ay nagkasya sa loob ng Kanyang mahahabang kamay. Inaalay din Niya ito, ibinaba at benendisyunan.

«At ngayon dalhin sila, umikot sa pulutong at bigyan ang lahat nang marami.»

Ang mga disipulo ay sumunod.

Si Jesus, nakatayo, ay pinagmamasdan sila at ngumingiti: ang Kanyang pigura ay nangingibabaw sa mga taong nakaupo nang paikot sa buong kapatagang lugar.

Ang mga disipulo ay palayo nang palayo, nag-aabot lagi ng pagkain. At ang basket ay laging puno ng pagkain. Ang mga tao ay kumakain habang ang gabi ay bumabagsak at dito ay may ganap na katahimikan at dakilang kapayapaan.

--------------------

jesus sinasabi

Sinasabi ni Jesus:

At ito ay ang isa pang bagay na makapagpapainis sa mahihirap-intindihan na mga dalubhasa: ang gamit ng pang-ebanghelyong bisyon na ito. Hindi Ko gagawin na pagnilayan mo ang tungkol sa Aking kapangyarihan at kabaitan, o ang tungkol sa pananampalataya at pagsunod ng mga disipulo. Wala ng ganito. Ibig Kong ipakita sa iyo ang pagkakatulad ng episodyo sa gawa ng Banal na Espiritu.

Tingnan: binibigay Ko ang Aking salita. Binibigay Ko ang lahat na maiintindihan at matatanggap ninyo upang mapakain ang inyong mga kaluluwa. Ngunit nagawa kayong napakapurol ng pagod at katamlayan na hindi ninyo matanggap ang lahat na sustansiya na nasa Aking salita. Mangangailangan kayo ng labis nito. Ngunit hindi ninyo magawang tumanggap ng labis. Hirap-na-hirap kayo sa espirituwal na lakas! Napabibigatan kayo nito nang hindi kayo nabibigyan ng dugo o lakas. At ang Espiritu kung gayon ay ginagawa ang himala para sa inyo. Ang espirituwal na himala ng pagpaparami ng Salita. Ito ay nagpapaliwanag para sa inyo, at sa gayon pinararami ang lahat na mga lihim na ibig-sabihin nito, upang kayo ay makakain nito at sa gayon huwag himatayin na pagod sa disyerto ng buhay, sa gayon hindi na kailangan na pagaanan ang inyong mga sarili ng pabigat na dudurog sa inyo nang hindi kayo pinalalakas.

Pitong piraso ng tinapay at kaunting isda!

Ako ay nagturo nang tatlong taon at, katulad ng sinasabi ng Aking mahal na Juan: “kung ang lahat na mga parabula na kinuwento Ko at ang lahat na mga himala na ginawa Ko ay maisusulat upang mabigyan kayo ng sapat na pagkain, na makapagdadala sa inyo hanggang sa kasing layo ng Kaharian, nang hindi hinihimatay sa pamamagitan ng panghihina, ang buong Kalupaan ay hindi sasapat upang mailagay ang lahat na aklat”. At kahit na kung ang lahat na iyan ay naisulat, hindi kayo makababása ng ganyang karaming aklat. Ni hindi kayo nagbabasa, katulad ng kailangang gawin ninyo, ng kaunti na naisulat tungkol sa Akin. At iyan lamang ang kailangan ninyong malaman, dahil nalaman na ninyo ang mas kinakailangan na mga salita mula ng inyong pagkabata.

Kung kaya't ang Pagmamahal ay dumarating at nagpaparami. Siya rin, Na Kaisa Ko at ng Ama, “ay nalulungkot para sa inyo na namamatay sa pagkagutom” at sa pamamagitan ng isang himala na inuulit-ulit sa buong mga siglo, pinararami Niya nang dalawang beses, sampung beses, sandaang beses ang sustansiya ng bawat salita Ko. Kayo kung gayon ay may walang-hangganang tagong-yaman ng selestiyal na pagkain. Ito ay binibigay sa inyo ng Karidad. Kumuha rito nang walang takot. Habang mas kumukuha kayo rito, mas lalo itong dadami, dahil ito ay ang bungang Pagmamahal.

Ang Diyos ay walang limit sa Kanyang kayamanan at mga posibilidad. Kayo ay may pinagbabasihan. Siya ay wala. Siya ay walang-hangganan. Sa lahat ng Kanyang mga gawain. Sa Kanyang ring kapangyarihan upang maibigay sa inyo, sa bawat sandali at para sa bawat pangyayari, ang liwanag na kinakailangan ninyo, sa kahit na anong partikular na sandali. At katulad sa araw ng Pentekostes ang Espiritu, nailagay sa mga apostol, ay nagawa ang kanilang salita na maintindihan ng mga Parthian, Madian, Scythian, Cappadocian, ng mga naninirahan sa Pontus, sa mga Phrygian, at ginawa itong katulad ng kanilang kinagisnan na wika sa mga Ehipsiyo, mga Romano, mga Griyego at mga Libyano, kung kaya't pagiginhawahan kayo nito kapag kayo ay tumatangis, papayuhan kayo kapag kayo ay humihingi ng payo, babahagi ito sa inyong lugod kapag kayo ay nagbubunyi, sa pamamagitan ng iyon din na Salita.

O! kung liliwanagin ng Espiritu sa inyo ang pangungusap: “Humayo sa kapayapaan at huwag magkasala”, ang mga salitang iyon ay tunay na isang gantimpala sa mga hindi nagkasala, iyon ay pagpapasigla ng loob para sa mga mahihina pa rin ngunit ayaw na magkasala, iyon ay kapatawaran sa mga nagsisising mga kaluluwa, at malumanay na maawaing paninita para sa mga nagpapakita ng isang anino lamang ng pagsisisi. At iyon ay isa lamang pangungusap. At isa sa pinaka simpleng mga pangungusap. Ngunit gaano karami ang ganito sa Aking Ebanghelyo! Gaano karami, na, katulad ng mga buko ng bulaklak pagkaraan ng isang pag-ulan at ng pagsikat ng araw ng tagsibol, ay bumubukadkad nang maramihan sa sanga kung saan dati ay may iisa lamang, at tinatakpan ito nang ganap, sa ikalulugod ng mga humahanga rito.

Magpahinga na ngayon. Ang kapayapaan ng Pagmamahal ay mapasa-inyo.»

300610/060712

 

 

 



Sunod na kabanata